Blown By The Wind – Kabanata 22

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 22

Kabanata 22
Project

Inangat niya ang tingin sa salamin. Binaba ko agad ang cellphone para hindi niya makita kung ano ang kinuhanan ko. Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa repleksyon naming dalawa. Tila hindi kuntento, hinanap niya ang aking mga mata, hindi ang repleksyon nito.

Pinaunlakan ko iyon. I turned a bit to look at him but all my eyes can take is his half open mouth. He’s breathing slow and sensual.

Naglakbay ang isang alaala sa aking utak. All our kisses were hungry and hard. I don’t know what it’s like to kiss him slowly.

Marahan kong hinaplos, gamit ang aking hintuturo, ang kanyang labi. He closed his lips at my touch.

And although I wanted to kiss him slow, hindi ko maiwasang magdiwang parin nang hinalikan niya ako ng mariin at uhaw. Umaatras ang katawan ko sa mga halik niya. Kung walang suporta ng kamay niya sa likod ko ay baka kanina pa ako nabuwal.

I had goosebumps the whole time he’s kissing me. Lalo na dahil ang tanging naririnig ko ay ang paglapat ng aming mga labi sa isa’t-isa. He tore on our kiss to lick his lips. Ngumisi ako nang nakitang medyo mamula-mula ito.

“Don’t worry, my lipstick is kiss proof,” bulong ko.

After that, he attacked me again with hungry kisses hanggang sa hinihingal na ako. He sighed deeply. His nose rested on my cheek after the deep and hungry kisses. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kuko, para lang maiba ang atensyon.

Oh, damn, I feel like I am so doomed. Sinusubukan kong alalahanin ang nakita ko sa bar na may kasama siyang ibang babae, ang paglilihim niya sa party, ang arrangement naming dalawa ngayon, ang paraan ng kanyang paghalik sa akin na tila puno lang ng lust, at ang nakaraan naming dalawa. But nothing, I mean nothing, would ever make me less happy today. Kahit alin man sa mga iyon. Kahit pa isipin ko ng paulit-ulit ang mga iyon. I am in so much happiness that I’m not sure what my passion really is, if it’s my career, or just him.

I could not concentrate. At least I am aware of my state, though.

“Sasama rin ba mamaya ang boyfriend mo, Eury?” tanong ni Carrie sa akin sa kalagitnaan ng practice.
“Oo. It’s a Sunday, wala siyang trabaho.”
“So ibig sabihin, sa mga susunod na araw, hindi na?” she pouted.
Natawa ako at umiling.

Pinagmasdan ko si Flyn na seryoso sa pagpa-practice sa sayaw. Habang kami ni Carrie ay parehong gusto ang breaktime, Flyn doesn’t want it in anyway.

“Flyn, kwentuhan muna tayo. Masyado kang seryoso. Dapat ‘di ka nagpapagod, e. May work out ka pa pagkatapos ng mall show, ah?”

Flyn waved at us. Nagsimula siyang muli sa routine ng sayaw. Dinapuan tuloy ako ng hiya. Sa aming tatlo, ako ang pinakamahinang mag perform. I can sing and dance but not exceptionally good, like them.

Tumayo ako at nagsimula nang sumabay kay Flyn. Just to make sure that we’ll perfect our number later.

Sumunod na rin si Carrie nang nakitang nagseryoso ako. Though, she doesn’t have to put much effort in it because she is a natural dancer. Tumigil si Flyn nang tinawag siya ng kanyang P.A. na may dalang mga bulaklak.

I grinned. I get most of the flowers from admirers. Meron din sa kanila ni Carrie at madalas ay nang-iintriga kami sa kung sino ang nagpadala.

“Hindi niya ‘yan tatanggapin,” si Carrie nang tumigil kami sa pagsasayaw.

Nakatingin lamang ako sa repleksyon ng malaking salamin. Hinintay ko kung tama ba ang sinabi ni Carrie. Flyn whispered something to her P.A. Napawi ang ngiti ng P.A. ni Flyn ngunit sa huli ay tumango ito at lumabas na ng room.

“Arte!” kantyaw ni Carrie.
Flyn rolled her eyes. “Career ang focus ko. I have no time for other things.”
“Baka naman nakikipagkaibigan lang ang tao?” nakapamaywang si Carrie na tumitingin kay Flyn. Inabala ni Flyn ang sarili sa pagkuha ng inumin at pag punas ng pawis.
“No need to send me flowers if it’s friendship.”

Madalas na nagtatrabaho sa showbiz ay walang panahon sa mga ganoong relasyon. Dahil na rin iyon sa schedule at priorities. If you want your career to flourish, you should concentrate on it. Practice and do workshops. Accept gigs without hesitation and always show up on time, with prepared performance. Kaya walang panahon sa pagbo-boyfriend.

I only got away with Zander because we both understand what it means to keep a relationship in this business. It will mean compromise, trust, and patience. Hindi kami madalas magkita at kung magkita man ay palihim pa. My parents thought that I get to spend my whole day with Zander just because we work for the same station but no… I rarely see him in a week.

Ngayon, hindi ko lang sigurado kung paano ito kay Vince. I live with him so we’ll see each other at home. Well, at least now that my schedule isn’t that full.

My heart fluttered when Flyn announced that we better get ready for the mall gig. Hindi dahil excited akong mag perform kundi dahil magkikita kami ni Vince. Though, I really should tone down a bit. Hindi magandang makita niyang masyado akong apektado sa kanya. Kahit pa kasalanan niya rin naman, hindi matanggal-tanggal sa isipan ko ang nangyari kanina.

“I’m done.” Nag-iwas ako ng tingin.

Kanina nang hindi kami magkasama, panay ang halughog ko sa mga lugar. Ngayong nahanap ko na siya, ni tingin, ayaw ko siyang gawaran.

Sa buong byahe patungo sa mall, itinuro sa akin ang mga gagawin pagdating. The cars were asked to go to the basement immediately. Galing doon, aakyat na kami sa backstage para makapaghanda. We have two hours to prepare. By five, magsisimula na ang ibang performers. Alas sais naman ang schedule namin.

“Nakay Genta na lahat ng kakailanganin mo,” si Tita Daisy. “Nasa van na siya kasama ang ibang P.A. Sina Flyn at Carrie iisang service. Coordinate with your bouncers.”
“Opo.”

Marami pang bilin si Tita. Hindi naman siya sumasama sa amin sa mga gig. It will take a miracle for her to come with us. Ganoon lagi ang mga manager. But she makes sure that we get everything and we’re fine with that. Hindi lang naman kami ang hinahandle niya.

“I’ll call Flyn now for her information. Mamaya sa meet and greet, I’m sure you’ll have more admirers than the two, huwag kang masyadong magtagal sa isang tao. Bilisan mo, kung gusto mong matapos agad. You have a short interview after so you must be wise with your time.”
“Okay, po.”

Binaba ko ang cellphone pagkatapos ng tawag. Nilingon ko si Vince na ngayon ay seryoso sa pagmamaneho.

“Mamaya, uh, you can stay in the backstage pero for sure magulo roon kumpara kanina,” sabi ko ng medyo may pag-aalinlangan. “Kaya, ayos lang sa akin kung gusto mong sa mall ka na lang muna habang nagbibihis at make up ako. So you won’t get bored.”
“I won’t get bored. I’ll stay until you’re done preparing. Lalabas na lang ako if it’s your time on the stage.”
Napakurap-kurap ako. “You want me to reserve you a seat?”\

Damn! Ba’t ‘di ko ‘to narealize kanina?

“No, I’m fine. I’ll meet you after the whole thing, anyway. Ibigay mo sa ibang tao ang para sa akin. I’ll be watching you from afar.”

And that’s what he really did, actually.

Pagkapasok pa lang sa basement, medyo busy na. The bouncers reported that most of the people here are our fans. Ito raw ata ang pinakamataong mall show namin kaya agad na dinapuan si Carrie at Flyn ng kaba. My chest is pounding, too, but not because of the number of people. It’s because of Vince.

The make up artists flocked in front of me pagkaupo ko pa lang sa harap ng salamin. Ganoon din ang kay Carrie at Flyn. Flyn is rehearsing her song lines while Carrie is updating her social media accounts. Panay ang titig ko sa salamin, si Vince nasa likod, nakahalukipkip at nanonood lamang.

Iyong mga artist na kasama namin, hindi na nagulat sa presensya ni Vince. Ngunit ang dala ng ibang performers, parang namamangha sa presensya niya rito. I even caught one talking about him.

“Architect, ‘di ba? Why is he here?” bulong naman iyon pero malapit sa akin kaya narinig ko.

Ang pinagtanungan ay nginuso lamang ako. I acted as if I did not get whatever they’re talking about.

“Oh, right! Mas gwapo sa personal. Shit!”
“Shhh…”

Ngumuso ako. Natutuwa man ay naiirita rin. Hindi na ako magugulat kung isang araw, may biglang mag ooffer sa kanya na pumasok sa showbiz.

“Hi, Architect! Kumusta?” tanong ng isa sa mga staff. “Stage boyfriend, ah? Walang trabaho?”

Nilingon ako noong babae at ngumiti ito sa akin. Tumango ako at ngumiti na rin pabalik.

“It’s Sunday. I’ll go with here whenever I can,” sagot ni Vince.
“Ay naku, dapat lang! Daming fans niyan, madalas pa lalaki!”

Kinalabit pa ako ng bagong make up artist. Tumingala ako.

“Your boyfriend is so hot, Miss. Ilang taon na siya?”
“Just around twenty nine and thirty? I-I’m not sure,” sagot ko.
“Sabi na nga ba. Bukambibig kasi kanina nina Andrea at Shiela,” sabi niya na tinutukoy ang unang magpeperform mamaya.

People seem to always talk about him. Maybe because he’s intriguing? At talagang guwapong-guwapo ang mga tao sa kanya. Bukod pa sa alam ng lahat ang achievements niya, at ang karanasan niya, errr, sa babae.

I will wear a white Airmax shoes with my skin tight jeans and nude-colored top. Gustuhin ko mang magmukhang mas mature, my career is demanding me otherwise. Kailangan kong mag conform sa kung anong uso ngayon.

Pagkatapos magbihis at magmake-up, sina Flyn at Carrie naman ang hinarap ko para sa final practice ng mga gagawin. Seryoso akong nakisabay sa kakantahin namin mamaya. Buti na lang at hindi naman gaano karami ang linya ko.

Kumpleto kami sa backstage. We have drinks and food for everyone. Ngunit ugali na naming tatlo na kumain lang ng konti bago mag perform, so we won’t feel bloated. Nahihiya nga lang akong mag-offer kay Vince ng pagkain kaya si Genta na ang inutusan kong mag offer para makakain siya. Vince declined, though.

Mabilis ang oras. Nagulat na lang ako nang biglang mag-aalas sais na at kinailangan na naming maghanda.

Nilingon ko si Vince. I can’t believe he stayed awake and alert for almost three hours behind us. Tumayo siya nang narinig na tinatawag na kami ng staff.

“I’ll come back here once you’re out the stage.”
Tumango ako at inalala ang kanyang hapunan. “Vince, you can eat your dinner outside. Ayos na ako sa kinain ko kanina.”
I can sense his slight disapproval at my statement. Sa huli ay tumango siya. “Kakain tayo mamaya pagkatapos mo rito.”

“Eury, you should be on stand by. The emcee is already introducing you!” sabi ng staff na kanina pa pala ako hinahanap.
“Opo, sorry.”

Nilingon ko muna si Vince. A small smile appeared on his lips. Huminga ako ng malalim bago tuluyang sumunod sa mga staff.

Sa hagdanan, kabadong kabado ako. Parehong tahimik si Carrie at Flyn habang nag-aantay samantalang ako’y parang nilalanggam.

“You’re nervous?” Flyn asked in a shocked tone.

Hindi ako nakasagot. Carrie poked my nose.

“First time ka niyang nakita sa entablado?”

Now that Carrie asked that question, it’s actually a “no”. This isn’t the first time. Sa’bi niya, pinapanood niya na ako noon. Pero first time ko ata ‘tong nalaman na pinapanood niya ako kaya kabadong-kabado ako.

Akala ko mawawala ang kaba ko ‘pag kadating sa stage pero nagkakamali ako. Mas lalo akong kinabahan. Lalo na nang nakita ko kung gaano ka dami ang naroon. Some even brought tarpaulins with my name and picture in it.

I performed well. Well, gaya ng dati, just the right thing with no wrong move.

“I love you, Eury!” tumili ang grupo ng mga teenager girls sa likuran.

I waved at them and they screamed more. Tumatalon-talon at nagtatawanan. It warmed my heart that some people acknowledge my existence.

Kung tutuusin, naisip ko na ito noon. That maybe, my want for this career correlates my want for attention. Kaya ko siguro dinala ang sarili ko rito ay dahil uhaw ako sa atensyon ng kahit ano o kahit sino. The business feeds my need for it. For affection. For acknowledgement. That has always been my only insecurity. Seeing this crowd right now proves that I’m definitely succesful in drawing people to it. After this, I just don’t know what’s next.

Pagkatapos ng sayaw at kanta namin, umupo na kami sa hinandang long table. Each fan will have a chance to meet, greet, and have their album copies signed by each of us.

It is not new that fans usually flock to me first before the other two. Noon, pakiramdam ko ay naiinsulto ko sila. Kalaunan, I realized that they are more open to this than I am. They have been in showbiz for almost all their lives, anyway.

“Ate Eury, ang ganda-ganda n’yo po! Pangalawang beses ko na po ‘to sa mall tour n’yo. Blooming ka po!” sabi ng isang dalagita.
“Thank you! So I should hope to see you again the next time?”
Tumili siya at tumango.

Bukod sa mga babae, men flocked on my line, too. Hindi naman sila gaya ng mga girls na nagtitili. Tahimik lang sila at nakangiti.

“Salamat sa pagpunta!”

Pictures were neccessary, too. Mapa lalaki o babae. Girls like to stay close but men like to touch. That’s okay, though. It’s part of work.

“For you, Ate Eury,” sabi ng isang mahinhin at kulot na teenager. Kasama niya ang kanyang kaibigan at pareho silang nag-aalinlangang ibigay ang kanilang regalo sa akin.
“Thanks!”
“May nagpapabigay din nga po pala nitong sulat.”
“Huh? Sino?”
“Hindi po namin kilala, e. Pero lalaki po ‘yon.”
“Ba’t ‘di naman nakapila?” I asked thinking that maybe the fan has a handicap or is too tired already.
Nagkibit ng balikat ang dalawa.

May mga sulat para sa akin. Halos lahat, hindi ko binabasa sa harapan ng marami dahil matatagalan ako sa pag-eentertain. Pero dahil maliit ang nakatuping post it, kaya ko iyong basahin habang hinihintay ang susunod na lalapit.

Eury,
Kailangan nating mag-usap. Tulungan mo ako. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa’yo.
H.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa. Niligid ko agad ang mga mata ko sa buong venue. Naghahanap ng lalaking maaaring namumukhaan ko.

“Good evening, Ate Eury! Fan na fan mo po ako!” nagtitiling sinabi ng lumapit na babae.

I smiled but I couldn’t hide my real feelings. Takot ako. Takot, galit, at nagtataka. Pero higit sa lahat, takot.

Sino ang maaaring magsulat sa akin ng ganito? With the letter H, the only man I can think about is Hubert.

He’s on the run but it is not impossible to have him here. Nilingon ko ang mga bouncer sa paligid. Surely, they will notice if someone here has ill intentions with me.

Bumaling ako sa linya. Tiningnan ko ang mga lalaki. Naghahanap ako ng kamukha. Nang wala ay hinanap ko naman ang mga teenager na nagdala ng mga sulat. They waved at me when we locked eyes. They seem innocent. They can’t be with Hubert.

“Ate Eury?” napapawi na ang ngiti ng dalagang nasa harap ko.

Tumikhim ako at nagsimula sa dati pang ginagawa. I entertained them all but I’m deeply bothered. Sa lahat ng lalaking lumapit at kumuha ng picture, I am uncomfortable. Because I always think that maybe they know Hubert or they are connected somehow.

“Ate Eury, nakita ko po lahat ng pictures n’yo ni Kuya Zander! I ship you two!” napawi ang pag-iisip ko nang ito ang panimula ng isa pang fan.

I signed her copy of our album. Nang nag-angat ako ng tingin ay lumapit pa ang mga kaibigan niya at ipinakita ang isang tarpaulin na may nakasaad na…

“Eury and Zander fan club!”
“Gusto po namin kayong dalawa, Ate. We hate Blair so much. Hindi na nga maganda, pangit pa ang ugali!”

I don’t know how to react. Especially when their excitement got them and they are already passionate about it.

“Meron po kaming Twitter at Instagram, Ate! Thirty thousand followers na! Mas marami pa sa ibang Twitter Fan Accounts ni Blair at Zander.”
“Naging kayo po ba talaga? May picture po kasi roon na magka holding hands kayo ni Kuya Zander. Hindi ako naniniwalang third party ka po.”
Napalunok ako. I can’t believe I’m losing my cool over this. “Uh, wala. I mean, may boyfriend na ako.”
“Oo nga, po, ate. He’s also handsome but we really ship you and Kuya Zander! Mas bagay kayo ni Kuya, Ate.”

Sinaway na ang kanilang grupo ng staff dahil masyado nang nagtagal.

Pagkatapos ng lahat, I feel drained. One, because of the letter. Two, because of those who insisted that I am for Zander. Before I went backstage, tiningnan ko ang mga Fan Account na tinutukoy.

Nagulat ako nang nakitang hindi lamang iyon. Another account that’s dedicated for me and Zander even reached six-digit followers! Although bashed but still they support us!

“Architect, nasa loob na si Eury,” when I heard the staff say that. Agaran kong pinatay ang Application sa cellphone ko at agad ko ring nilagay sa isang box ang lahat ng natanggap na regalo at sulat, including the post it note with H as the writer.

Pawisan ako. Naka aircon man at nagpunas man ay hindi parin ako nakakaligo at nagbibihis. Kaya naman, palapit pa lang si Vincent ay lumalayo na ako.

Nagtaas siya ng kilay sa ginawa ko at agad niyang nahuli ang palapulsuhan ko.

“Vince, I’m still all sweaty from everything. I’ll change first-”

Bago ko pa makumbinsi ay sumalampak na ako sa dibdib niya. Parang spring na kumawala pero sa huli ay bumalik parin doon.

“Vince!” I immediately regret calling him a bit louder than I should.

Nagsilingunan ang mga staff at iilang kasama ko. Flyn smirked and continued removing her make up. Humiyaw naman si Carrie at wala akong nagawa kundi sabayan ang kanyang ngiti.

Vince kissed my temples and whispered, “ You did great.”
“Tsss.” Aapila sana ako ngunit ayaw ko nang pahabain ang usapan. Gusto ko nang umalis kami rito.

Nilandas niya ang kanyang kamay sa aking likod hanggang sa aking baywang. Erasing all the handprints of the people, mostly men, who touched me on the spot. Tiningala ko siya. O baka naman nagdediliryo lang ako?

“Vince, pawisan ako. I need to change first.”

Binalewala niya iyon.

Nagkatinginan kaming dalawa. Mapupungay ang mga mata niya at naka-igting ang panga. I can sense that he’s suppressing something. Tumagilid ang ulo ko.

“May problema ba?” puna ko.
Umiling siya at pinikit ang mga mata. I can sense his awesome control about something. The way his jaw moved and revealed his hard bone structure, I know he’s gritting his teeth and clenching his jaw to stop himself from speaking.

Sa pagkain at pag-uwi, panandalian kong nakalimutan ang lahat. Para akong lumulutang sa ere habang magkasama kaming dalawa. I did not talk much because I don’t want to say any more stupid things. He didn’t talk much, either, but being with him in an exclusive restaurant and candlelight dinner is already too much for me.

At ganoon din sa mga sumunod na gig. Our mall shows are usually around five or six in the evening. Kaya naman pagkatapos ng trabaho ni Vince, didiretso siya sa kung nasaan man ako para sabay na kaming umuwi.

If it’s only practice, sinisiguro kong gabi na ako matapos para makuha niya rin ako galing sa station. We’d still go home together.

The rest of the week was peaceful. Although, I have always been bothered about the note sent to me.

Sa sobrang preoccupied ko kay Vince, nagulat na lang ako nang pumasok ako sa conference room at naroon si Blair at Zander. I did not mean to even jump at the sight of them but I did. Siguro ay sa gulat na hindi ko man lang naisip na ngayon nga pala iyon.

Blair scoffed at my reaction. Pumikit ako ng mariin para pansamantalang iwasan ang kahihiyan ng reaksyon ko. I don’t want them to think that I am affected because honestly, I’m really not.

Tumikhim si Tita Daisy. Naupo na ako sa gitna nilang dalawa ni Flyn. Carrie is looking at me intently while Flyn, like her usual self, is crossing her arms at the sight of the two.

Kasama ni Zander at Blair ang kanilang manager. Naroon din ang President ng TV station, who looked at me with sympathy.

Speaking of them, I have booked an appointment with Reanne. Wala akong pwedeng pagkatiwalaan o mapagtanungan man lang tungkol kay Hubert kundi siya.

“So we’re complete,” si Tita Daisy.

Tumango ang presidente sa akin bago bumaling kay Zander at Blair sa harapan.

Nagtama ang mga mata namin ni Zander. Humaba ang buhok niya. Mas mahaba sa dating alaala ko. Well, we haven’t seen each other for a while so I shouldn’t be surprised. His hair almost covered his eyes. Matalim ang tingin niya sa akin. His lips in a pout and his stance in a lazy sitting position. Blair moved a bit. Dahilan kung bakit napabaling ang atensyon ko sa kanya. She’s sporting her usual no make-up make up. It looks so fresh in the camera pero sa personal, kitang-kita ang layer ng make up na nakapaloob sa mukha.

“Shall we start?” tanong ng President.
“Sandali lang, po.” Zander’s manager interrupted. “Before we talk about this project, can we ask if Eury is sport with this?”

Nanlaki ang mga mata ko. Carrie looked at me with a worried expression. Si Tita na sana ang magsasalita pero inunahan ko.

“I don’t have any problems with this, po,” I said with all honesty.

Zander shifted on his seat. Huminga siya ng malalim at matalim ulit akong tiningnan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.