Blown By The Wind – Kabanata 21

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 21

Kabanata 21
Shoot

Pagkauwi, dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking kwarto. Sumunod lamang si Vincent sa akin, walang imik at nagmamasid.

Realizations dawned on me the whole night. Dahilan kung bakit sa mga sumunod na araw, hindi na muli pa akong lumabas. I was home most of the time, working out and practicing until Sunday came.

“Inescort po ako ng guard, Miss Eury,” si Genta sa kabilang linya.

I wake up early to cook breakfast everyday. Ngunit kung maunahan ako ni Vince, siya na ang nagluluto. Ngayon, hindi na ako nakapagluto dahil abala ako sa pag-aayos.

“Okay. I think Vince is in the kitchen so just knock. Nasa kwarto pa ako.”
“Sige po, Miss.”

Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na ako. Wearing a black turtle neck sleeveless top, paired with a black pleated skit, beige colored heels, and black and gold designer hand bag. My hair is parted side ways, straightened and combed properly.

“Salamat po, Architect,” I immediately heard Genta’s giggles. “’Yong schedule po ni Miss Eury ngayon, ay-”
Natigil si Genta nang nakita akong palapit.
“Good morning, Miss!” she smiled shyly.

She’s looking sharp and ready for work. Naka t-shirt, maong, rubber shoes, may dalang duffel bag para paglagyan ng kahit ano.

Nakahilig si Vince sa nook at sumisimsim sa kape. I’m very aware with his usual dangerous and disarming stares at me. Tumaas ang kilay ko at tumayo lamang sa tabi ng sofa, tinitingnan ang sarili sa malaking salamin.

“Eat your breakfast first,” si Vince.

I actually don’t have a plan to eat my breakfast. Dapat on the go na lang pero ayaw ko nang makipagtalo. That would only ruin my poise.

“Genta, can you tell me my schedule for the whole day while we eat,” malamig kong sinabi.
“Ay, naku, Miss, kape lang ayos na ako. Kumain na kasi ako sa amin. Diet ako.”

Lumapit si Vince. Pinigilan kong tumitig sa kanya. Even with just a plain white v-neck t-shirt and maong, I cannot stress how intriguing and mysterious he is.

Nagsimula na kaming mag-almusal. He cooked scrambled eggs, some steamed vegetables (na madalas kong lutuin at mukhang ginaya niya), and chicken.

“Are you sure you won’t eat?” I asked Genta.
Tumango siya at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Vince. Siguro ay nagtataka sa katahimikan naming dalawa. Sumulyap ako kay Vince at nakita kong nagtagal ang tingin niya sa aking damit. Nakanguso siya at tila may malalim na iniisip. Akala ko’y iiwas niya ang tingin kapag nakitang nakatingin din ako pero hindi. Imbes ay nanatili ang mga mata niya sa akin. Napakurap-kurap ako.

“Eight o’clock, meeting with Tita for the whole month’s activity. Ten o’clock, photoshoot. Kasali na diyan ang lunch, Miss. One o’clock, dance rehearsal for production number. Three o’clock byahe. Six o’clock, mall gig and meet and greet. Eight o’clock ng gabi, uwi na.”

I absorbed my schedule for the day.

“Para naman bukas, Miss, para lang alam mo po… Eight o’clock band practice and brainstorming. Meeting twelve o’clock. Two o’clock rehearsals for next mall gigs. Four o’clock, magazine interview. Eight o’clock, radio station interview. May mga photoshoot ka rin, Miss. Merong ikaw lang mag-isa, sa ibang araw naman.”
“Anong oras siya matatapos mamaya?” Vince asked.
“Seven matatapos ang mall show, Architect. Pero siguro mga alas otso pa dahil may meet and greet pa at meron din sa backstage.”
“I’ll drive you wherever you’ll go today. I don’t have work.”

Tinapunan ko siya ng malamig na tingin. Oh! That’s why he’s up this early. Nakapagbihis na rin. Akala ko kahit Linggo ay may trabaho.

“I’m working. I’m busy,” sabi ko.
“Hihintayin lang kita. Don’t worry, I won’t meddle with your work.”

Nagkatinginan kami ni Genta. Nasa baba na ang van na susundo sa akin. Ipababalik ko na lang siguro iyon sa istasyon. Pwede pa iyong magamit ng iba.

Sa sasakyan na sinabi ni Genta sa akin ang mga detalye. Tahimik si Vince habang nakikinig. Maybe taking in every little thing that I’ll do for work.

“Eto nga pala ang listahan ng ipapractice n’yo mamaya, Miss.” Binigay ni Genta sa akin ang lista pati ang lyrics. Kahit na alam ko na ang lyrics, it is still better to prepare.
“Who are the sponsors for the shoot?” tanong ko, ang mga mata’y nasa lyrics pa.
“Bukas pa ang sponsored, Miss. Si Tita at ang stylist ang pumili ng susuotin n’yo.”
“Anong susuotin?” diretsahan kong tanong.
“Nakita ko sa backstage kahapon, pusa ata ‘yon, Miss, o tiger ba ‘yon? Di ako sure basta parang ganoon.”
“What?”

Nilingon ko si Genta. Nagulat siya sa pagkakagulat ko.

“Bakit, Miss?”
“Tiger what?” lito kong tanong.
“Basta, may taingang headband kasi roon. One piece tight dress at kung anu-ano pa.”
“Who’s idea is this again?” tanong ko.
“Tita Daisy, Miss. Bakit?”

I groaned. So much for looking mature. I will look like a kid in a costume kapag iyon nga! Damn!

Nilingon ko si Vincent. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada. His eyebrow shot up. I just hope that he’s not listening. Hindi naman siguro siya papasok sa studio, ‘di ba? He’ll just wait in the car! Yes! That’s it!

Pagkadating, naintindihan naman ni Vince na hindi siya pwedeng pumasok sa meeting. I felt relieved when he said that he’ll just wait in a restaurant downstairs. Pero kung iisipin ko na mamaya pa kami bababa pagkatapos ng rehearsal, na siguro’y 2pm pa lang, dinalaw ako bigla ng awa.

He won’t stay there till later, right? I’m sure he can entertain himself with other things. Make himself occupied.

“You all have your individual shoots. Nagkataon lang na medyo marami kay Eury ngayon lalo na sa issue sa kanya.”
Flyn nodded. Nakatitig parin siya sa kanyang schedule para sa month na ito. Ganoon din ako. Genta’s taking down notes for me. Ang mga P.A. naman ng dalawa kong kasama ay ganoon din ang ginagawa.
“And also, our next meeting we’ll have Blair and Zander.”

Bumalot ang katahimikan sa buong hall. Nanatili ang mga mata ko sa papel. Pareho naman akong nilingon ni Flyn at Carrie.

“Is this about their upcoming movie?” tanong ni Flyn.
“Yes. Determinado ang President na ipakita sa mga tao na in good terms si Eury at ang love team. They earn through both, anyway. So they’re determined to keep both and come clean. Ayos lang ba, Eury?” tanong ni Tita.
“Bakit hindi ayos, ‘di ba? She’s moved on. May boyfriend na nga!” si Carrie.

Nag-angat ako ng tingin kay Carrie. She smiled genuinely at me, hoping that what she said is true.

“Inimbitahan din po kami ng manager nila sa mall tour?” tanong ko dahil iyon ang nabasa ko sa schedule namin.
“Yes, I’m about to ask you about that. Wala namang problema si Carrie at Flyn. Kaya ikaw lang ang aantayin ko, Eury.”
“Tita, I don’t think that’s a good idea. Pwede namang ipagpaliban na lang ni Eury iyon,” si Flyn.
“Inimbitahan tayo para mas lalong patunay na wala ngang iringang namamagitan sa kay Zander, Blair, at Eury. Without Eury, the invitation will be useless.”
“I have no problem with this, Flyn. Pupunta ako.”

Ngumisi si Tita at isang beses na pumalakpak. She’s so pleased with my answer.

“I know! Kaya nga umo-o na ako bago pa lang ako nagtanong sa’yo. Of course to let their manager know that Eury is not bitter. Besides, bakit siya magiging bitter? Who could ask for more with a boyfriend that handsome?”

Tumawa si Carrie.

“I wanna meet him! Nakita ko na ata siya sa isang party noon pero hindi ng malapitan.”
“Nandito po siya, Tita! Pinabalik ni Miss Eury ang service dito dahil hinatid na kami ni Architect!”

Tita Daisy’s jaw dropped. Tiningnan niya ako na tila ba ako ang isa sa mga pinakamalaking pagkakamali sa buhay niya.

“Bakit ‘di mo sinabi? At bakit ‘di mo sinama rito?”
“H-Huh? Meeting natin ‘to. He’s just here to pick me up later, po.”
“No, no, no!” she smirked. “Eury, don’t be rude to your boyfriend!”

Tumayo si Tita Daisy at dahan-dahang lumapit sa akin. Nakita ko pa kung paano parehong sinundan ng tingin ni Carrie and Flyn ang aming manager. Nang nakalapit ito sa akin, hinawakan niya ang aking upuan at bahagyang yumuko.

“We’re done. Papasukin mo siya sa backstage ng studio. Doon mo siya paghintayin,” si Tita Daisy.
“But he said he’s fine-”
“Hija, anong klaseng girlfriend ka?”

Ouch!

“Kung may pagkakataong pwede mo siyang papasukin sa backstage, gawin mo. Anyway, I don’t think he’ll meddle with anything. Come on, don’t be rude!”
Tumawa si Carrie. “Sige na, Eury. Ipakilala mo na rin!”
“The backstage is large, Eury. He can wait there kesa naman sa labas siya mag-antay,” si Flyn.

Oh damn! I can offer him but I don’t think he’ll agree. Lalo na kapag wala na naman siya sa baba at may nilakad pala siya. Imposible naman kasing mag-antay siya sa akin ng matagal.

Ako:
Vince, we’re done with the meeting. We’re in the studio now for the shoot. You can come here. It’s on the Fourth floor.

Nagsimula na sa pagmi-make up sa akin. Habang ganoon ay ipinapakita na rin sa amin ang susuotin. Longsleeve na bodysuit ang version ng kay Flyn. Kay Carrie naman ang two piece, ang top ay off shoulder. Ang sakin ay sweetheart top, may itim na ribbon choker, at bodysuit din na tulad kay Flyn.

I’m not saying that I will not look respectable in those pero hindi ko alam bakit ko kinakahiya ang pagsusuot nito. Lalo na dahil papunta na si Vince dito! He’ll see me!

“Eury, iyong suot mo ba kanina, iyon ang isusuot mo sa mall gig?” ang stylist.
“Hindi, po. I brought some clothes.”
“Ako na ang bahala ng para sa’yo. You have sponsors, anyway.”

Tumango ako at nagpatuloy sa pagtitig sa aking sarili sa harap. Dumating ang iilang chocolates galing sa sponsors. May ilang admirers din na nagbigay, and I’m used to that.

Narinig ko ang tilian sa studio. Parang may kumosyong nangyayari lalo na galing sa photographers namin. And Tita Daisy hung a lot here, even when she doesn’t usually do that.

“Hi! Eury is still in the backstage. Minimake-upan pa.”

I groaned. I’m sure it’s Vince!

“Miss Eury, Miss Eury, dumating na si Architect!”
“Alam ko.”
Humalakhak si Flyn. “Oh, ba’t matamlay ka? Hindi ba dapat masaya ka dahil binisita ka rito?”

Tinapunan ko siya ng tingin. She’s already made up. Kulang na lang ay magsuot siya ng costume. Umiling lamang ako.

“You’re not comfortable when he’s around?” si Carrie.

Hindi ko alam kung kailan pa naging mind reader si Carrie. Pareho kaming nilalagyan pa ng blush-on. Her hair is curled while mine has loose curls on its tip, too.

“Oh? Kailan ka pa nawalan ng confidence?”
I sighed. I cannot elaborate on why I’m uncomfortable right now. Siguro ay dahil sa costume?

I groaned when I saw both of them wearing the short ridiculous leopard costume. Samahan pa ng cat ears, pakiramdam ko ay mapapahiya ako kay Vince. Bakit ba kasi ganito ang tema ng bagong album namin? Damn it!

At bakit nga ba ako namomroblema? I usually don’t have problems with costume! Bahala na nga ito!

Nagbihis ako ng sakin. Tinulungan pa ako ng stylist na maayos iyon sa pagsuot ko.

The tight dress hugged my body perfectly. Maiksi din ang skirt and it’s pencil cut.

“Ayan! Ang ganda mo talaga! Nag a-acting workshops ka pa ba? Pero sa bagay, your experience in theater is already a big deal!”
Ngumiti ako. “Hindi muna iyan ang iisipin ko. I’m fine with Astra now.”
Tumango ang stylist. “But I tell you, you are star material! You have a potential. Kung hindi ka na mag-Aastra, I’m sure you have a fall back.”
“Thanks. Hindi ko pa naiisip iyan.”

Ilang sandali ay nagyaya na siyang lumabas. Lalo na dahil parehong wala si Carrie at Flyn sa backstage at nasa studio na. Palapit nang palapit sa pintuan, lalong bumabagal ang yapak ko. Nauna na ang stylist at nakisali na sa pangkat na naroon at kausap si Vince.

“This are Eury’s team. Si Flyn at si Carrie. Flyn is the lead vocals. Carrie is good at dancing.”
“Nice meeting you, Architect!” I heard Carrie’s playful voice.

Hawak ang hamba ng pintuan, sumilip ako sa labas. Nakatayo si Vince sa tabi ng mga highchair. All the gay photographer’s and stylist are around him. Tita Daisy, with some of the staff are entertaining him with chats. Si Flyn at Carrie ay pareho namang nagpapakilala sa kanilang mga sarili.

Nahagip ako ng tingin ni Carrie. I know for sure she’ll declare me immediately so I did not wait for it. Lumabas ako ng backstage at dire-diretso sa studio, trying to be confident when my knees are numb and trembling.

“Nandyan na si Eury. Let’s start, Tita?” paalam ng stylist.

Nagkahiwalay ang kanilang pangkat.

“Feel at home, Architect,” Tita Daisy said in an unusually sweet tone.
“Sit here, Architect,” ang stylist pa mismo ang naglahad ng upuan para kay Vince.

I rolled my eyes. Even before, he has that kind of air. Iyong tipong hindi mo pwedeng baliwalain kahit na puno pa ng VIP ang isang silid.

“Eury, baba ka sa isang box. Si Flyn ang nasa upper box. Carrie should be behind you two,” utos ng photographer.

Lumapit ang dalawang stylist sa amin para ayusin pa ang aming mga damit. Lumapit din ang make up artist para ayusin ang make up ni Flyn.

Nanatiling nakatayo si Vince sa gilid lamang ng photographer. Titig na titig siya sa akin habang nakanguso, tila nagpipigil ng ngiti.

My chest hurt a lot. Damn it! Sa sobrang kaba ito dahil nakatingin siya!

His hands hung loosely on his pockets. Ilang sandali ay humalukipkip ang isang braso at ang siko’y tinuko roon para mapaglaruan ang sariling labi habang nakatitig sa akin.

Napalunok ako at tumuwid sa pagkakaupo. Hindi ko maalala kung kailan ako huling kinabahan ng ganito. And I’m not even performing yet! Fool!

“Ready? One, two, three!”

Nagsimula na ang click sa camera. Madalas nakatingin ako sa camera, mas madalas naman ang sulyap ko kay Vincent. Nakatayo siya roon, intimidating me, or maybe the whole room. Dahil kahit ang aming mga stylist ay tila nahihiya sa kanya.

“Do you know that Eury has offers with sexy themed shoots?” si Tita Daisy ay lumapit na kay Vince.

Narinig ko ang tanong ni Tita. Ngunit ang sagot ni Vince ay malabo na sa akin. Nagsasalita siya ngunit ang buong atensyon ay nasa akin. Tumango si Tita at ngumisi.

“Eury, you’re too stiff today. Slouch a bit and loosen up!” ang photographer.

What?

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagtaas ng kilay si Flyn sa akin.

“Looks like our supermodel is troubled.” Humalakhak siya. “Palit tayo.”

Tumayo kaming dalawa ni Flyn. Nagpalit kami. Siya ang nakaupo sa mas mababang box, ako ang nasa isa.

“Perfect, Eury! Perfect fierce look!”

Goodness! I’m not even trying.

Halos tatlumpung minuto ang shoot. Iba-iba ang posisyon at iba-iba rin ang props. May solo pa kami na nakatayo at nakaupo, for poster purposes only. Ako ang huling kinuhanan kaya nang natapos ako’y nakapagbihis na si Flyn at Carrie.

“Eury! Kita na lang tayo sa kabilang studio para rehearsal. Doon na kami kakain!” paalam ni Carrie nang nakita kong pareho na silang nakapagbihis.
“Okay,” sabi ko.
“Eury, dito ko na ipapadala ang pagkain ninyo ni Architect, huh? Sabihin ko kay Genta na sa backstage na lang,” si Tita Daisy.
“Opo!” nakatingin parin ako sa camera at panay parin ang pose para sa aking solo posters.

May sinabi si Vince kay Tita Daisy. Tumango si Tita, looking all concerned she even squeezed Vince’s forearm. Pagkatapos noon ay bumaling si Tita sa akin at palihim na ngumisi.

Humalakhak ako at umiling. His biggest commodity is himself – his looks, aura, money, and achievements. Pero kahit naman siguro ang mga walang alam sa mga nagawa niya na, mahuhumaling parin sa kanya.

Why he stayed single for a long time is beyond me. Maybe he’s just a sucker for flings and sexual arrangements? Not really into serious relationships?

“Good job, Eury! Wrap up na! Gutom na kami!” sabi ng photographer.
Tumango ako at lumapit na sa operator, kung nasaan ang mga pictures namin.

“Ayos na ‘to?” tanong niya habang ipinapakita ang sandamakmak na files ng aking solo shoot.
“Kahit saan diyan. Kumain na muna kayo. Gutom na rin ako, e,” sabi ko.

Tumayo ito at inaya na ang nagliligpit na photographer ng pagkain. Nilingon ko si Vince na ngayon ay nakapamulsa muli. Hindi nawawala ang pinipigilang ngisi niya.

“Magbibihis muna ako,” sabi ko.
“Sasamahan kita sa backstage,” aniya, parang natatawa.

Hindi ko na pinatulan. Dumiretso na ako sa pintuan ng backstage at hinayaan itong nakabukas dahil alam kong papasok din siya. Narinig kong sinarado niya ang pintuan. Hinanap ko ang silk robe sa cabinet para makapagbihis.

I immediately wrapped it around me before turning to the dressing room. Tinali ko ang ribbon sa baywang. Nakita kong nakaupo siya sa swivel chair ko. Nakatuko ang siko sa armrest at nakapangalumbaba ng bahagya. His thighs were spread far apart, consuming too much space. He bit his lower lip.

“Come here,” aniya.
“Magbibihis lang muna ako,” nag-iwas ako ng tingin.

I crossed the room to get to the dressing room pero bago ko magawa iyon ay hinigit niya na ang palapulsuhan ko at padarag akong bumagsak sa kanyang mga hita.

“Vince!” saway ko, medyo galit ang tono.

He turned the swivel chair to face the mirror in front of us. Hawak niya ang kanang palapulsuhan ko. Ang isang braso ay nakapalupot naman sa aking baywang. I tried to remove it but it’s useless. He did not move an inch, nor even intimidated.

Huminga ako ng malalim at tinitingnan ang ayos naming dalawa sa salamin. My knees are shut but my feet were apart. His thighs were apart, consuming the spaces in between me.

“You look nervous the whole time.”

Uminit ang pisngi ko. Nervous? It’s true that I am and I don’t know why pero mamamatay muna ako bago ko aminin iyon.

“I’m not!” giit ko.
“Really? I’ve seen you perform in theater, you’re not that stiff.”
“W-What?” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
“Uh-hmm. But still, you look like a cute kitten in your costume.”

Cute? Kitten?

Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong mairita sa napuna niya. Pinigilan ko ang sarili kong magalit. Though I am slightly offended, I need to control myself.

Isa-isa kong kinalas ang mga daliri niyang halos bumaon sa palapulsuhan ko sa higpit. Ngunit tuwing kinakalas ang isa ay humihigpit naman ang iba.

“Vince, I want to change! Come on!”

Hirap na hirap akong tanggalin ang mga daliri niya habang siya’y titig na titig sa akin sa salamin. He slouched a bit so his chin can rest on my shoulder.

“Take a photo of us first,” malambing niyang sinabi.
“A-Ano? Ayoko nga!” Napakurap-kurap ako.
Humalakkhak siya. “I want a photo of us right now, please… Eury?”
“I don’t like this costume, Vince. Let’s just take a photo once I’m dressed well! Hindi iyong ganito.”
“Bakit naman?” tumagilid ang ulo niya. I don’t think he wants an answer. He’s just asking because he’s amused with my reaction.
“This is childish. I don’t know where our P.R. got the idea and it has nothing to do with our songs!”
Humalakhak siyang muli. “It’s not childish, Eury.”
“Mukha akong cute kitten? Alin ang hindi childish dyan? Isa pa, this is not my style. I have my own personal style and it’s definitely far from this costume!”

Nagulat ako nang nasa harap ko na ang cellphone niya. Ipinakita niya lamang ito sa akin.

“I don’t know how to take a photo of us. Please, Eury?” malambing niyang sinabi.

Ngumuso ako.

“Ayaw ko nga, Vince! I look like a kid here!” napigtas na yata ang pagpipigil ko dahil sa kakulitan niya.
“Kid? Who says you’re a kid?”

His hand slightly brushed the cup of my boobs. Napasinghap ako sa ginawa niya. My knees trembled and my skin became hypersensitive.

“Please,” ulit niya, namumungay ang mga mata.
“A-akin na!”

Binitiwan niya ang aking palapulsuhan. Now his hands are all over me. Ang kanang kamay nasa kaliwang baywang ko. Ang kaliwang kamay ay nasa kanan ng tiyan ko naman. Damn him!

I switched it to camera’s selfie mode. Inanggulo ko iyon para kita kaming dalawa. Hindi ako ngumiti, ganoon din naman siya but you can sense his amusement with his eyes. Ilang click ang ginawa ko at may mga kuhang nakatingin siya sa akin. Suminghap pa siya sa aking leeg, pati iyon ay nakuha.

“Done!” sabi ko sabay bigay sa kanya ng cellphone.

Akala ko’y papakawalan niya na ako dahil tapos na ngunit mas lalong humigpit ang yakap niya habang tinitingnan isa-isa ang pictures naming dalawa. Kumalabog ang puso ko habang isa-isa at mabagal niyang tinitigan ang bawat picture namin.

“I want to post it on my accounts. I only know Facebook.”

Kinuha ko ulit ang cellphone niya. I edited the picture a bit for better lighting at handa nang i-post sa Instagram.

“What should I write as caption?” Naghihintay na akong magtipa.
“My whole life in my arms,” he whispered.

Ilang sandali akong natulala. May konting sakit na dumapo sa aking dibdib. Yumuko ako at tiningnan ang aming mga hita.

Dahil hindi ako nagtipa ay siya na mismo ang isa-isang nagtipa ng mga letra. Hinintay kong matapos ang kanyang tinipa.

my whole life in my arms

“How is it posted?” tanong niya pero nakuha niya agad at siya na mismo ang pumindot ng Post.

Hindi ako makagalaw. Kahit na tapos na ang inutos niya ay nanatili ako sa kanyang kandungan. My chest hurt everytime I think about his caption. Totoo ba iyon o hindi? My chest hurt not because I’m in pain, but because my heart is hammering like crazy.

Tinanggal ko ang headband at itinapon sa harap. I really find the costume ridiculous. Damn!

“Ba’t mo tinanggal? I find it cute on you.”
Umirap ako. “Kaya ko nga tinanggal, ‘di ba?”
Ngumisi muli siya. Tumitig ako sa salamin sa harap. Nakatingin siya sa akin.
“You watch me on theater?” seryoso kong tanong.

Ngayon, muli niyang ibinaon ang mukha sa aking leeg. Ayaw ipakita ang reaksyon.

“When I’m not abroad, yes.”

Kumalabog lalo ang puso ko.

“Are the kisses real, by the way?” marahan ngunit may diin sa boses niya.
Nagpakawala ako ng hininga. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako rito. “Some… Sometimes.”

Nagpakawala rin siya ng malalim na hininga. Binalot kami ng matinding katahimikan.

“B-Bakit? Ayaw mo?” tanong ko.

Hindi siya agad nagsalita. I’m beginning to conclude that he’s not that open minded after all. Hindi ko rin alam kung bakit may parte sa aking nagdiriwang.

“It’s part of your work, right?” tila hirap na hirap siyang sabihin iyon.
“Yeah.”

Tumango siya. Nanatiling nakabaon ang ulo sa aking leeg. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang cellphone ko. I took a photo of us in the mirror habang ganoon ang posisyon niya. His face isn’t seen but his whole built is very evident, consuming me like a predator locked on its prey.

“Ayos lang sa’yo?” tanong ko habang kinukuhanan ulit kami ng picture.
“I’ll support you in everything,” he whispered weakly.

Ngumiti ako. Tiningnan ko ang mga picture na nakuha ko. This is something that I will never post. Dapat sekreto ko lang ito. Sekreto naming dalawa.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Comments are closed.