Blown By The Wind – Kabanata 20

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 20

Kabanata 20
Warning

Hindi ko sinabing sa Arcus ang punta namin. I was convinced that Amer just agreed that we’ll enter a different bar just near Arcus. Ngunit nang nakarating na kami sa parking lot at nahanap niya ang iilang gay friends na patungo rin sa nasabing bar, hinila niya na ako patungo roon.

“Okay lang ‘yan, Amore. Ilagay mo lang sa utak mo na nagpunta ka roon para sa sarili mo. And you’re not there for Vince or for anyone.”

Hindi parin ako kimbinsido. A frowned on him. I felt betrayed. Just because Sir Collins is for sure in Arcus doesn’t mean we have to go there, too.

“Tss…”

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, tila ba may proposal siyang napakaepektibo.

“Amore, alam mo, h’wag mo masyadong dibdibin ang lahat ng ito. If Vince doesn’t make this a big deal, then you shouldn’t make it a big deal, too.”

Ilang saglit akong tumitig kay Amer. Naiirita na ako sa baklang ito kung hindi lang talaga siya mukhang concerned sa akin ay hindi na ako maniniwala.

“Your relationship with him is just for show, anyway. Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa nararamdaman mo. Chill! Loosen up.”

Hindi ko alam kung alin ang mas malala. Ang sitwasyon ko noong bata pa lamang ako, na hindi ko mapangalanan ang mga nararamdaman ko. O ang sitwasyon ko ngayong kaya ko nang pangalanan ang lahat. Pagtatampo. Pagseselos. Galit. Iritasyon. Pagkapahiya. Lahat ng iyon halu-halo kong nararamdaman sa ngayon.

Vince probably did not tell me about his party schedules because, although he wants to clear his name, if he’s with his professional friends, he wants his best foot forward. And being with me is such a downgrade that he choses to pretend that I don’t exist.

Wala akong nagawa. Amer’s just determined to go inside the bar. Hawak kamay kaming naglalakad, bracing the many people on the dancefloor.

“Hi, Eury,” bati ng iilang lalaking kakilala ko.

I smiled and waved at them. Hindi ako makatigil para sa konting kumustahan dahil hinihila ako ni Amer.

“Hi Angie!” si Amer sabay beso sa mga kaibigang nakasalubong sa dancefloor. “Yes, I’m with them! Actually patungo nga kami ni Eury sa table nila.”

Hindi ko nasundan ang pinag-usapan dahil abala ang mga mata ko sa paggala sa buong club.

The neon lights illuminated the dancefloor. Smoke mixed with strong scent of liquor attacked my nose.

“Hi, Eury! How are you?” bati ng isa pang kakilala.
“Fine. Thanks!” I smiled and looked away. Ayaw kong pahabain pa ang kumustahan.

Pagkatapos ng ilang sandaling paglalakad, nakarating na kami sa lamesa nina Amer. Nakipagbeso ako sa isang sikat na make up artist, dalawang beauty queen, at isang photographer.

“Eury, you look so stunning! Lalo na talaga in person!” bati ng make-up artist.
“Thank you.”

Hindi ko halos madugtungan ang usapan. Gumagala ang mga mata ko, unconsciously, sa buong lugar.

Nag-uunahan ang aking pride at galit. I don’t want Vince to think that I’m stalking him for the nth time again. Ang rason pa kung bakit ko gustong makita na nagpaparty siya ay dahil gusto kong silaban ang galit ko. Though I think, this time, my pride’s the God of my senses.

Bumaba ang mga mata ko sa inuming kakalapag lang ng waiter sa tapat ko. Dumami pa ang mga nasa lamesa namin. Sir Collins’ group went there and Amer is already so out of reach.

“Oh! You’re here, too?” pa inosenteng sinabi ni Amer sabay usog palapit sa akin kahit na sobrang konti na lamang ng space. “Dito ka na!”

Parang ‘di pinlano ang pag punta rito, ah? Pinangalahatian ko ang inumin bago nagpasyang tumayo. Kapag tumayo ako, mas mabibigyan ng espasyo si Sir Collins. That would make Amer happy.

“No, thanks! Baka magsiksikan pa tayo. Kawawa naman si Eury,” Sir Collins flashed a boyish smile.
“Amer, dancefloor lang ako,” paalam ko.

Hindi ako agad nakagalaw dahil bumaling siya sa akin, nanliliit ang mga mata at napawi ang ngiti. I groaned. I know what he’s thinking.

“I’m dancing. Not stalking.”

I don’t want to do anything, actually. Gusto ko lang makatulong sa kaibigan ko. At kung privacy at espasyo ang maitutulong ko, ibibigay ko sa kanya.

“Just make sure…” ani Amer.

Tamad akong kumaway at dumiretso na sa dancefloor. I love dancing but I’m seriously not in the mood right now.

Tiningnan ko ang mga taong nawawala sa sarili dahil sa tunog ng electronic music. Nakakahilo ang mga ilaw na sumasabay sa indayog ng mga katawan at musika. Kinagat ko ang labi ko at nanatiling nakatayo sa gitna ng maraming nagsasayawang tao.

“Shall we dance, Miss?” a foreigner went behind me, slightly dancing.
I smiled. “No, thank you. I’m with someone.”
“Oh!” Tumango siya at bahagyang lumayo pagkasabi ko noon.

Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong humalo siya sa mga tao at naghanap ng ibang makakasayaw. Sa gilid ng mga mata ko, may nakikita akong imahe sa harap. Madilim, gaya ng mga taong nakapalibot. But something’s too dark about it that it made me turn to see it.

For a split second, I only saw darkness in that image. At agad namang natabunan ang tingin ko ng mga imaheng nagsasayawan, mga taong nagkakatuwaan sa gitna ng dancefloor.

If I was tipsy and dizzy, iisipin kong guni-guni ko lang iyon, pero isang shot pa lang ang naiinom ko. I blinked twice and the people’s movements gave me an opportunity to see the image again.

I realize it was a hooded figure. Hindi ko makita ang mukha. Ang alam ko lamang, nakaharap ito sa akin at hindi gumagalaw, o umiindayog sa musika.

“Ouch!” natigil ang tingin ko nang may bumangga sa akin.
“Oopps, sorry,” a drunk girl was too drunk to achieve balance.

Medyo nagkagulo sa harap ko at nagkakatamaan. I craned my neck to see the image again pero wala na ito sa kung saan ito kanina.

Luminga-linga ako. I got squeezed by the people, too busy dancing to care about me.

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang makawala. Hindi ako makahinga sa sobrang dami bigla ng tao. They were wild. Especially when the DJ dropped the beat, lahat nagsabayang talon at naghihiyawan na.

I ducked a bit pero walang bisa iyon. Natatamaan parin ako ng mga nagsasayawan. Isang malakas na tama sa kanang balikat ko ang nagpapikit sa akin sa sakit.

My bare shoulders weakened when the pain slowly spread on my chest and waist.

“Watch your fucking step!” iritado kong sinabi sabay tingin sa taong naroon.

Dilim lamang ang aking nakita, muling hindi man lang nagsegundo. At natabunan din ng maingay na nagsasayawan. Tinitigan ko kung saan ito nawala hanggang sa unti-unting nawala ang kapal ng tao.

From where the hooded figure disappeared, I saw Vincent from afar. Sa isang sofa, kasama ang iilang naging pamilyar sa aking tao dahil sa posts sa Facebook kanina. Vanessa is beside him but she’s talking to another guy. While Vince is too busy talking to another girl just beside him.

Malapit sa mapupulag labi ng babae ang wine glass. Attentive din ito kay Vince at abot tainga ang ngiti, flashing her pearly teeth. She’s got a long black hair parted half down her waist. She’s wearing a properly ironed white dress at sa ingay, kinailangan pa nitong bumulong kay Vince.

Napakurap-kurap ako. Ang galit sa aking puso ay walang kahihiyang namuo. I immediately want to go up to them and lash out. Why is he with that girl? Bakit hindi ako imbitado sa mismong party niya? At bakit hindi man lang rumespeto ang babaeng iyan? We’re publicly dating! If the media is around, I’ll probably fucking make it to the headlines because of my cheating new boyfriend!

Dalawang mabibigat na hakbang pa lang palapit sa kanila ay nanghina na ako.

My chest hurt. A lot.

Parang pinipiga.

Tumawa si Vincent at nagtawag pa ng waiter. He probably asked for another round of whatever they’re drinking. And in the sea of people, tila para sa kanilang dalawa ay sila lamang ang naroon.

Ilang beses sa buong buhay kong kailangang tanggapin na ang mga tao ay hindi natuturuang magmahal? And that it is okay. That I should not vent and take it out to them because it is not their fault?

Hindi kasalanan ng mga magulang ko na hindi nila ako magawang bigyan ng hinihingi kong atensyon. Hindi kasalanan ng ibang tao kung nagkulang sila sa akin. Life doesn’t go that way. Surely, with all my experiences, I know for sure that lashing out to them right now won’t do me any good. Kung may mangyari man ay mababalita kung gaano kasama ang ugali ko.

I looked at them for the last time. Ngayon ko lang natanto kung gaano ka iba ang buhay namin. With his crowd, even with the way they all dress… all professional and very mature. Bumaba ang tingin ko sa aking damit. I’m wearing white sneakers, high waist jeans and an white off shoulder top. More like, conforming to the youth. Dyan pa lang, sobrang laki na ng agwat ng mga mundo namin.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa. I can’t control people’s emotions, opinion of me, and actions. But I can control myself.

Tinalikuran ko na lang agad sila. I did not look back. Wala sa sarili akong bumalik sa lamesa namin. Namataan ko si Amer na nakatingin sa akin, kalagitnaan ng halakhakan kasama si Sir Collins.

“You have a great taste for art!” si Sir Collins.
“Thank you, Sir! Ang mga paintings na nabili ko galing sa ibang bansa ay ilalagay ko sa ancestral house namin. Soon, when it’s fully developed, tatanggap na kami ng mga bisita, turista, at art enthusiasts.”

Tahimik akong umupo sa tabi ni Amer. Inayos ko ang aking damit at tahimik ding tinitigan ang mga inumin sa harap namin.

“You okay, Eury?” nagulat ako sa biglang dugtong ni Amer.
“Yup,” sagot ko at umayos sa pagkakaupo.
“You found your boyfriend?” he asked.
Ngumisi si Sir Collins. “Oh! Hinahanap mo? I know where they are…”

Umamba si Sir Collins na ituturo kung saan patungo ang lamesa nina Vince pero umiling ako.

“Uh, it’s okay. I’ll just let him enjoy his own party. Medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko,” sabi ko kahit hindi naman totoo.
“Really? Pero alam niya ba na narito ka?” si Sir Collins.
“I’m not sure. Hindi ako nakapagpaalam pero hindi naman siya mahigpit kaya ayos lang.”

Nagtaas ng kilay si Amer sa akin. Makahulugan ang kanyang reaksyon pero bago pa ako makapagsalita ay may kumausap na.

“Kung ako ang naging boyfriend mo, hindi kita hahayaang pumunta ng bar ng ‘di ako kasama o kahit nang ‘di ko nalalaman!” kaibigan yata ni Sir Collins ang katabi ko.

Nanatili ang mga mata niya sa akin. He looks amused as he sipped on his whiskey. Naka checkered blue long sleeve polo, gaya ni Sir Collins ang hairstyle, mas nadedepina nga lang ang panga ng isang ito.

“I’m Jed, by the way,” nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko ito. “Eury Saniel.”
“Yeah! I know you. You were featured in several issues of our magazines.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Our magazines?”

“Eury, he’s the owner of iMedia. Also, editor in chief of some of their magazines.”

Nagulat ako roon. Hindi ko inasahan iyon ah! He’s so young to be the owner of a big company! Pero kung anak siya ng may-ari, pwede. Though he’s not as young as me, siguro ay ka edad lang ni Vince!

“Nice meeting you, Sir!” interesado kong sinabi.
He smiled. “You’re very popular with the youth. I remember our best selling issue last year is the one with you in it.”
“Baka nagkataon lang, Sir.”
Humalakhak siya. “No kidding. You are like the idol for most of the youths. But you are exploring more mature roles or modelings, right?”
“Uh, yup. May isang break sana ako sa isang adult magazine pero hindi natuloy.”
“Oh! So you’re up for it! I can offer you that! Pwedeng cover girl agad!”
“Talaga, Sir? Wow! I mean…” hindi ko mapigilan ang pagkamangha.

Tumango ako, speechless.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nahumaling ngayon sa mga offer involving mature roles or anything that’s not for the youth. I need to slowly give up my young girl aura. Hindi na ako bata para umaktong bata o magdamit ng pambata.

“I’m very interested!”
“That’s great! Sige! I’ll call your manager. I’m wondering if it’s okay kung ikaw lang sa grupo mo?” tanong niya.
“Hindi ba ayos lang ang ganoon, Eury? Pinapayagan naman ni Tita Daisy?” si Amer.
“Yup!” sabi ko at tumuwid sa pagkakaupo.
“Amore, it’s really time for a more mature image now! Hindi ba ay matagal mo nang gusto iyan?” makahulugang sinabi ni Amer sa akin.

Ilang sandali kong tinapunan ng masamang tingin si Amer. He moved his brows up and down, for five times, probably just to annoy me. Humalakhak si Sir Collins kaya hindi ko na pinatulan pa ang kaibigan. Nilingon ko si Sir Jed at nakitang nakakunot ang noo nitong tumitig sa sahig.

“Is this yours?” he asked while giving a piece of crumpled paper from the floor. “Nahulog iyan galing sa bulsa mo.”

Tinanggap ko ang papel. Hindi naman ako nagdala ng papel. Surely, this isn’t mine, right. Bago ako umiling ay tiningnan ko kung may nakasulat bang kahit ano.

“I am warning you.” Iyon ang nakalagay sa papel.

Ngumiti ako at umiling.

“Hindi akin ‘yan.”
“Oh! Nakita ko kasing nahulog galing sa bulsa mo,” si Sir Jed at nilukot ang papel. Itinapon niya iyon sa lamesa namin.

Sinundan ko ng tingin ang kakarampot na papel, nakalukot sa ibabaw ng lamesa at sa tabi lamang ng baso ko.

“I will contact your manager immediately. Papayag naman siguro iyon,” si Sir Jed.
Wala sa sarili akong tumango habang tinitingnan ang papel. It’s from my pocket? Tiningnan ko ang maong na suot. Ang bulsa. Hinawakan ko ang bulsa ko ngunit ang naramdaman ko lamang ay ang konting sakit galing sa pagkakabunggo ko kanina sa mga tao sa dancefloor.

“Uh-oh,” Amer’s amused voice echoed.
“Vince!” Tumayo si Sir Collins at naglahad ng kamay kay Vincent na nahanap ang upuan namin.

Naglipatan agad ang tingin ng mga babaeng nasa katabing lamesa, na purong mga kaibigan din ni Amer. Nakatayo si Vince sa harap ng U shaped sofa, hindi na hinihintay na anyayahan papasok. He’s slowly making his way to me. Tumuwid ako sa pagkakaupo. Nakita kong sumulyap siya sa katabi kong si Sir Jed.

“Vincent!” Tumayo si Sir Jed sabay lahad ng kamay sa kanya. “Kaiimbita ko lang kay Eury na mag cover girl sa isang magazine ko!”
Tipid na tumango si Vince. Nasa tabi ko na siya, nakatayo. Umusog si Amer paharap.

“The adult magazine, Vince. Hindi ka naman siguro ganoon ka conservative, ‘di ba? I will be the photographer, don’t worry,” dugtong ni Sir Collins.
Bumaling si Vince sa akin. Isang kilay ay nakataas, tila tinatantya ang reaksyon ko. I have no plans to drink any more but the situation urged me to sip.
“Kung iyon ang gusto niya, there’s no problem with me.”
“Good, pare!”

Umupo si Vince, ngayon ang buong atensyon ay nasa akin na. His hand immediately in a possessive stance, creating very little personal space for me. It snaked around the back of my sofa. Our knees are touching, kung hindi man ay nilalamon niya rin ang espasyong dapat para sa binti ko.

Hindi ko siya tiningnan. Tanging ang mga binti lamang namin ang tinitingnan ko. Si Sir Jed, na unti-unting lumalayo ay naghahanap na ng ibang kausap. And Amer has completely deserted me because of his dream come trues.

“Did you check your phone?” he asked slowly.

I don’t need to. Wala namang nagtitext. Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagsasalita. My determination to be a better woman, a mature lady, is completely on. And I am more serious than ever.

Umiling lamang ako.

“My colleagues surprised me with a party. May nakuha akong contract sa Spain. I celebrated for a while with them because I don’t want to be rude and just walk away. Their efforts will be wasted,” he explained.

Right! Like I will believe that? At bakit pa kailangang magsinungaling o magpaliwanag?

Nilingon ko siya. Umaapaw ng napakaraming salita sa aking utak. My chest hurt so much looking at his deep-set eyes.

I silently wished that instead of hating on him so much years ago. Sana natanto ko agad kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. At sana sinabi ko na lang sa kanya agad para natigil na ang kahibangang ito at nakalimutan ko na lang siya!

He is perfectly groomed. I have seen him in simple clothes. Seen him in a t-shirt and maong. Seeing him in a longsleeves rolled up to his strong forearms with the first two buttons unbuttoned, nicely cut slacks, and black shoes, narealize kong nababagay talaga siya sa mundong ito. He fits perfectly in the metro, though there is just nothing metrosexual in him. In fact, he’s just very masculine. So raw, that only a few men tried to be.

His lips pursed. I absently stared at it for a long time. Kumurap-kurap ako at bumaling muli sa harap.

“Mind to tell me why you’re here?” I am very aware of the amusement in his voice.

Naiirita ako sa sarili ko. Dahil kagagawan ko rin naman iyon kung bakit iniisip niyang sinusundan ko siya. I was a stalker as a child. And a stalker few days ago. But right now I am determined to change it all.

Amer wants to party, iyon dapat ang sasabihin ko pero mali parin.

“I just want to party, that’s all.”
“Oh…”

Nilapat niya ang kanyang mga daliri sa aking kamay na nakahawak ng wineglass. Bumaba ang tingin ko roon.

“Hindi mo sinabi sa akin. Sana ay sinama kita.”

Hindi na. Maeenjoy ka naman na wala ako. Kaya nga hindi ka nagpaalam, ‘di ba? Maybe taking care of his sex life means like that. I shouldn’t meddle with that! Again, I bit my lower lip to stop myself from lashing out.

“Ayos lang. I’m having fun.”
“You danced?” now his tone is a bit hard.
Umiling ako. “I tried to pero pagod na ako.” I lied but that’s to cover my shameful choices few minutes ago.

Hindi siya agad sumagot kaya sinulyapan ko. Nakanguso siya habang nakatitig sa akin.

“Then shall we go home?”

Fuck that’s just so fucking unfair! Dahil tapos na siya, uuwi na kami! Tapos na siyang mambabae!?

Mabilis ang pintig ng puso ko. Nangingilid na ang mga luha sa gilid ng mga mata. Para kang bata, Eury!

“I’ll just finish this,” sabi ko sabay pakita sa inumin.
“Pang ilan na ‘yan?” bulong niya nang lumakas ang music. His breath tickling my ear.
“Pangalawa.”
Tumango siya.

“Sweet n’yo naman! Nilalanggam na kayo! Naku, Vince! Lambingin mo ‘yan, huh! Sinekreto mo palang may party ka rito kasama mga friends mo!” singit ni Amer.

Vince’s full attention turned to Amer. Amer smiled evilly.

“We saw it on Facebook, e. Kanina pa ‘yan tahimik at walang gana si Eury.”

Ang baklang ‘to! Sinisira pa ang… damn him!

Nilingon ako ni Vince. Now he looks serious. Parang pinipiga ang puso ko. Agad akong nag-iwas ng tingin.

“Don’t mind him. I’m just tired.”

Magpapagawa na ako ng rebulto. Hindi ko maalala kung kailan ako nakapagpigil ng ganito ka grabe buong buhay ko.

His hand rested on my waist. He slightly pulled me closer to him, para bang may mas ilalapit pa itong posisyon namin. Tumuwid ako sa pagkakaupo at hinayaan siyang gawin iyon. Nilagay niya sa likod ng aking tainga ang takas na buhok.

“It’s a surprise party. Susunduin kita kung tapos ka na kaya hinihintay ko ang text mo, kanina pa,” paliwanag niya.
“I was too busy to text. And don’t worry, it’s really okay. I didn’t tell you I’m partying tonight anyway. Pareho lang tayo. Hindi naman tayo obligado na sabihin ang lahat kaya ayos lang, Vince.”

HIs eyes turned very dangerous. The one like a predator watching his prey closely.

“Hindi ayos sa akin. I oblige you to tell me your whereabouts. I’ll tell you about mine, too. I texted you pagkatapos ng ilang minuto namin dito.”

Nilagok ko ang inumin para mas lalong magpigil pa ng tunay na hinaing! Sa huli ay tumango ako at tiningnan siya.

“Okay, next time. I’ll tell you where I’m going,” mataman kong sinabi at nilapag ang wine glass sa mesa.

Hindi pa ako natatapos sa mga sinasabi ko ay pinalupot niya na ang mga braso sa aking katawan. At his built, it’s so easy to envelop me with his arms. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at wala akong nagawa kundi ang maestatwa. Abot-abot ang tahip ng puso ko. Ikinahihiya ko na ganoon ito ka lakas habang yakap yakap ako ni Vince. Pakiramdam ko ay malalaman niya na ganito ang epekto niya sa akin!

“Oh damn! You are mad at me…” he whispered. “I’m sorry.”
“I’m not. Umuwi na tayo, Vince. Pagod na ako.”

Hindi siya nagsalita. Nanatili siya sa ganoong posisyon, hinihigpitan pa lalo ang yakap.

“Damn!” ulit niya.
“Sige na. Kanina pa ako inaantok.”

Muli niyang hinigpitan pa. Pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng takot sa pagkakayakap niya, pero siguro, guni-guni ko lang ang lahat ng iyon. Maybe my mind is just creating things.

“I’m sorry,” he whispered so softly.
“I’m not mad,” ulit ko. “Ayos lang, ‘di ba, sabi ko?” nanginig ang boses ko.

Hindi siya nagsalita ngunit nanatili siyang yakap ako. Mahigpit ang mga kamay, hindi ako binibigyan ng pagkakataong makawala. Hindi nanlalambot. At konting galaw ko lang, mas lalong humihigpit.

“Forgive me, please,” bulong niya pagkatapos ng ilang sandali.
“It’s nothing,” sagot ko.
He groaned.

Nakita kong palapit si Vanessa sa lamesa namin. May kasama itong dalawang lalaki na siguro kasamahan din ni Vince.

“Si Vince?” tanong ni Vanessa kay Amer kahit na nasisiguro kong kita niya naman kami.

Itinuro kami ni Amer kay Vanessa.

“Vince, your colleagues are here,” sabi ko.

Sumulyap lamang si Vince sa kanila.

“Babalik ka pa ba? One of your clients is on our table. Si Mr. Yee. He wants to see you.”
“Tell him to meet me in my office some other time. I’m busy right now.”

Walang kahihiyang tumawa si Amer. Agad pang hinawakan ang labi para pigilan kahit sobrang kita na ang tawa niya. Even Sir Collins looked at us while Sir Jed is talking to one of the beauty queens sitting beside our table.

“Oh. Okay.”
“Vince, you can go and meet him. I’ll wait for you. Kapag tapos ka na, ‘tsaka tayo-”
“Uuwi na tayo ngayon,” mataman niyang sinabi.

Tumayo siya at nilingon ako. Nakita kong nagulat si Vanessa, akala’y sasama si Vince sa kanila ngunit naglahad ng kamay si Vince sa akin. He even got my purse for me. Kinuha ko iyon at sinuot sa sarili ko.

His arm immediately snaked around my waist pagkatayo ko.

“Uuwi na kami, Van. Paki sabi kay Mr. Yee na sa opisina na lang. Thanks for the party, Nigel, Chris. Pakisabi sa kanila na umuwi na kami ni Eury.”

Ang dalawang lalaking kasama ni Vanessa ay nakatitig lamang sa akin. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri. Nilipat noong isang lalaki ang tingin kay Vince.

“Sige, Vince. Sasabihin ko.”
“Oh, bye Amore!” Tumayo si Amer at bineso ako sa magkabilang pisngi. “Ingat kayo pauwi ni Architect!”

I waved at some of our friends. Nagpaalam na rin ako kay Sir Collins at sa kay Sir Jed. When I turned to Vince, nag-aabang ang seryosong mga mata niya sa akin. Nananantya at binabasa ang aking bawat galaw. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa mga kaibigan.

“You sure you want to go home? Ayos lang na maghintay ako,” hindi ko alam kung bakit totoo na ito ngayon. Walang bahid na pamimilit sa sarili.
“I want to go home with you.”

Tumango ako at hindi na nakipagtalo. He cursed softly under his breath. Napalingon ako sa kanya, nagtataka. Now he looks so serious and dangerous. Mataman ang tingin sa akin na tila hindi kontento sa kung anong ipinapakita ko. Nag-iwas ako ng tingin at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin, palabas kami ng club.

Pinatunog niya ang kanyang kotse. He opened the car door for me and without hesitation I slid in. Umikot siya at pumasok na rin sa loob. Nakaseatbelts na ako at nakatingin sa harap. Alam kong tinititigan niya ako.

“What’s wrong?” he said gently.

Even inside his car, he’s invading my private space. Nakahawak siya sa dashboard sa harap ko, ang isang kamay ay nasa backrest ng upuan ko.

“Wala, Vince.”
“Please tell me, Eury. I’m going to completely lose my fucking mind,” he whispered. “Are you mad at me? Say something, please,”

Ngumuso ako at nag-iwas lamang ng tingin.

His nose found its way to my neck. Marahan ang bawat paghinga niya at bawat buga ay kiliti sa aking leeg. I did not move, though. Hinayaan ko siya.

“I’m trying to be mature enough to understand things, Vince. Kaya ayos lang.”
“Oh,” he groaned. “You have just completely made me so crazy, Eury. At hindi ko alam na may mas ibabaliw pa pala ako sa’yo.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Comments are closed.