Blown By The Wind – Kabanata 19

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 19

Kabanata 19

Embarrassment

We went home. Mabuti na lang at hindi naman ako pinilit ni Vince na harapin si Vanessa. I don’t have any issue with her but I just don’t like having to deal with her in any circumstance.

“The next time you want to see me, you can always call,” si Vince.

Nasisiguro kong titig na titig siya sa akin nang pumasok kami sa condo.

While my mind is in the middle of my thoughts about Vanessa’s change in terms of fashion and air, he’s staring at me like I’m some puzzle to be solved.

Sinulyapan ko siya. Nakahalukipkip siya ngayon, nakatuko ang gilid sa nook habang pinagmamasdan ako.

Huminga ako ng malalim at nilingon ang aking kwarto.

“Magbibihis lang ako.”

He nodded slowly while a slow smile formed on his lips. Gusto ko siyang simangutan ngunit pinipgilan ko ang sarili ko. People around us have changed, and while I always think I did, too, seeing Vanessa today told me that I changed poorly. Especially when it comes to Vince,

Naligo at nagbihis ako. My baby pink and silky dress robe looks sultry and I feel so confident wearing it. Sa banyo man at paniguradong lalo na sa labas.

Seeing my face in the mirror, my long hair brushed behind me, konting takas na tikwas ay nasa aking balikat at ang labi at pisngi ay namumula na sa init ng tubig na niligo ko kanina, I feel satisfied.

A little lotion and some cologne, I’m good.

My phone rang while I’m inside the bathroom. Lumabas ako para tanggapin ang tawag. Nang nakita kung sino iyon ay agad kong sinagot.

“Mom?”

“Hi, anak,” Mommy greeted sweetly.

Sa halakhak na ibinibigay ni Daddy at sa abala sa background, pakiramdam ko ay nasa isang lugar silang paniguradong ikinagagalak ni Daddy. Calling me is just so out of her character. Lalo na kapag masaya sila.

“Nandito kami sa penthouse ninyo! Oh what a nice place he has, hija.”

My mouth dropped open when I heard Vince’s voice from the background. So this is why Dad is so happy and satisfied!

“Thank you, Attorney.” I can almost hear Vince’s smile.

Bumuhos sa utak ko kung paano ito tatakasan. If they are going to ask why I’m not in Vince’s room, what will I say? O kung nasagot na kaya iyon ni Vince?

Lumabas ako ng kwarto at binaba na ang tawag. Then I saw both my Mom and Dad on our dining table, all smiles and looking satisfied.

“Hija! Oh, I was worried but now I don’t think I should!”

Tumayo si Mommy para yumakap sa akin. She kissed my cheeks like the usual. While Dad is just there, looking so satisfied with the whole house and even Vince in front of him.

Nilapag ni Vince ang nilutong pagkain. He looked satisfied as well. The cocky smile on his face is dizzying.

“As expected from the number one Architect of Asia!” Dad gave a hearty laugh.

Mommy blocked my vision. Hinawakan niya ang braso ko at itinuro ang cake na dala.

“You let Vince cook your dinner? Hija, marunong ka naman magluto. Ipagluto mo siya. Galing pa siya sa trabaho, a?”

Nalilito ako kung sino ang titingnan ko, si Mommy o ang dalawang nag-uusap na sa hapag tungkol sa trabaho.

“Get a plate. Ilagay mo ang cake na dala namin doon!” she demanded.

Kaya imbes na makinig sa pinag-uusapan ay iyon ang pinagkaabalahan ko. I heard Mommy’s interruption between Vince and Dad. Ipinagpaumanhin niya ang asal ko.

“I don’t mind, Attorney. Hindi naman ako gaanong pagod,” aniya.

“It’s just that, even when I’m professional, I always find time to cook for Ephraim, Vince. Etong si Eury, mukha namang walang ginagawa at pinagkakaabalahan, kaya mas mabuting siya na ang gumawa ng gawaing bahay!”

Nilingon ko si Mommy. Hindi makatakas ang pangmamaliit sa tono niya. She looked seriously concerned and kind while he’s looking at Vince. Nagtama naman ang tingin namin ni Vince. Agad ko lamang iniwas dahil sa pagkapahiya.

Come to think of it, simula pa lang noon lagi na akong napapahiya sa harap niya. My parents have that hobby. Alam ng mga bumibisita sa amin kung gaano sila ka disappointed sa kahit anong gawin ko. Lalo na si Vince.

“She can just leave showbiz and pursue Interior Design. It will benefit you. Ewan ko ba sa batang ito at bakit sa lahat, iyan pa ang nakahiligan!” Mommy exclaimed. “Wala naman sa aming lahi ang ganyan!”

Tumawa si Daddy, parang walang maidugtong na insulto. Masyadong nagagalak sa mga nangyayari.

Lumapit ako sa hapag. Nilagay ang cake na dala nina Mommy sa gitna ng mga pagkain at umupo na sa tabi ng kabisera, kung nasaan si Vince.

“Like I said, Attorney, I don’t really mind her thing for showbiz. If that’s what she wants, I want to support her.”

Sumulyap ako kay Vince. He looked serious. Diretso ang tingin niya sa aking Mommy. Dad laughed once more.

“You always do that to her, Vince,” si Daddy.

Sumulyap ako sa magiging reaksyon ni Mommy ngunit ang nakikita ko lamang ay pamumungay ng mga mata at pagkakamangha para kay Vince. Vince is like their ideal son. I’m the unwanted daughter. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I was long over the jealousy and the pain it gives me. I’m not even sure if I’m numb or it just doesn’t matter to me anymore.

“But Vince, look at you. Your privacy is at stake. People are probably stalking you! I bet it will affect your name, too!” Mommy said in a tone full of adoration.

“Hindi po iyon importante sa akin, Attorney. Her priorities are more important to me.”

Bumaling si Mommy sa akin. Nanliit ang mga mata niya, may tipid na ngiti sa labi na unti-unting lumalaki. She blushed a bit and then she cleared her throat. Daddy gave another Santa laugh. Noon, lagi ko iyong naririnig kapag mang-iinsulto siya sa akin. Kaya ngayon ay kinakabahan ako. Hinagod ni Mommy ang braso ni Daddy at ngumiting muli si Mommy kay Vince.

“You always do that. Even before, Vince. Kung bakit ngayon ko lang napansin iyon, hindi ko alam. Hindi ko alam.” Iiling-iling si Daddy.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano ang ibig sabihin ni Daddy.

“You know, I always thought that it’s Lyanna you like. Lalo na dahil pareho kayo ng hilig.”

Napalunok ako sabay tingin sa aking pinggan. Here he comes. I don’t think there’s any good thing about me for my parents.

“If you stayed long enough, kung hindi lang nangyari iyong noon, I would’ve suggested her hand to you.”

What the hell? Sa harap ko pa talaga magkakaganito?

I froze. Hindi ako makapaniwalang ito ang piang-uusapan namin sa harap ko.

Vince laughed a bit. Kung hindi ako nagkakamali, may halong panunuya iyon.

“And I would’ve rejected your offer.”

Nakita ko ang pagkakagulat sa mukha ni Daddy. Laglag panga niyang tiningnan si Vince. Nanatili ang mga mata ng ilang sandali.

“You loved Eury that early, then?”

Hindi nagsalita si Vince. Nilingon niya lamang ako.

“I don’t think I’d let her ruin my name if I didn’t.”

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Tumawa si Daddy roon. I can sense pure awe and amusement in his tone. Nakangiti na rin si Mommy kay Vince. Agaran ay iniba ang usapan para gumaan ang tensyon.

“Kasama ka raw doon sa isang malaking proyekto sa Singapore?” tanong ni Daddy nang nakabawi.

“Opo, Architect.”

Nagpatuloy sila at nagsimula na kaming kumain. Ngunit ang utak ko ay nanatili sa huling sinabi ni Vince. He let me ruin his name because he loved me. I’m sure that’s part of all these lies, right? I’m sure that’s not true! Hindi ko alam kung bakit kahit hindi ako naniniwala ay may parte sa aking umaasa.

Tahimik ako habang kumakain kami. Kahit si Mommy ay kuryoso sa mga achievements ni Vince. Nakinig lamang ako. Tuwing sinusulyapan si Vince ay nahahanap din ako ng mga mata niya. Sa huli ay babaling na lang ako sa aking pagkain.

“So, I expect your room is the largest among all rooms here, Vince?” si Daddy pagkatapos naming kumain.

Vince nodded. Nakita kong iginala ni Mommy ang mga mata sa mga pintuang nakahilera. Hindi man tumatayo, alam kong kita niya kung ilang pintuan iyon.

“Opo, Architect. Eury’s room is just beside mine.”

Pareho ata kaming nagulat ni Daddy sa sinabi ni Vince. I expect him spreading false news like we’re in the same room. Pero kung sabagay, bakit niya gagawin iyon sa aking mga magulang?

“Hindi kayo iisang kwarto, Vince?” Hindi maitago ang gulat sa boses ni Daddy.

Mommy laughed. “Ganoon dapat, Ephraim. Hindi pa sila kasal kaya mabuting ganoon.”

“Oo nga naman…” tumango si Daddy kahit mukhang napipilitan sa opinyon ni Mommy.

“Bueno, hindi na rin kami magtatagal. We just want to check on our daughter, Vince. Seeing that’s she’s more than fine here, I’m satisfied,” sabay tapik ni Daddy sa balikat ni Vince.

Tumayo si Daddy, sumunod si Mommy at Vince. Tumayo na rin ako at sinundan sila patungo sa pintuan.

“Just be patient with her, Vince. I know you know her well and I’m sure you can handle her better.”

Tumango si Vince. “Walang problema, Architect.”

“Stop calling us with our titles, Vince. It’s Tito and Tita now,” si Mommy sabay yakap kay Vince.

Pagkatapos ay naglahad naman ng kamay si Daddy. Niyakap ako ni Mommy at nagbeso. She smiled at me. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago tumango at hinaplos ang aking buhok.

“Just call when you need anything, Eury.”

Tumango ako at tipid na ngumiti.

“Bumisita ka rin sa mga kapatid mo kapag may oras kayo ni Vince.”

“Opo, susubukan ko.”

Niyakap ako ni Daddy ng isang beses pagkatapos noon ay tuluyan nang nagpaalam ang dalawa. I turned my back on the door nang sinarado na nila iyon. Sumunod naman si Vince sa akin patungo sa dining table. Maagap ko naman siyang pinigilan sa kung anong plano niya roon.

Lumapit ako sa lamesa at nagsimulang ibukod ang mga kubyertos. Naramdaman kong naroon na si Vince sa aking likod.

“Ako na ang maghuhugas ng mga pinggan. You cooked. I can wash the dishes for us.”

Nanatili siya sa aking likod, nagpupunas ng kamay. I can feel his heat towering behind me. Ilang sandali akong hindi nakagalaw. My cruel heart started hammering like crazy. Naiisip ko iyong mga sinabi niya kanina. Ngunit agad ding tinatanggihan dahil paniguradong hindi iyon totoo.

“Let me help,” in a cruelly smooth voice.

“I can do it, Vince. We’ll share the chores here.”

Umalis ako roon at pumunta sa kabisera para ipunin ang ibang baso. Sumulyap ako kay Vince na marahang naglakad palapit sa akin. Parang tambol ang puso ko sa pagwawala dahil lalapit na siya. I can almost feel my chest squeezing tightly. It is so hard to breathe.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ang braso niyang pumalupot sa aking baywang. His hand rested on my stomach lightly. Para akong naparalisa kahit na halos walang lakas ang pagkakahawak niya sa akin.

“Are you okay, then?”

Una kong inisip na tungkol ito sa gawaing bahay. Pero sa tono niya, alam kong may ibang kahulugan. Ganunpaman, pinili kong paniwalaan ang nauna kong inisip.

Sinubukan kong kumalma at magpatuloy sa pag-iipon ng mga gamit.

“Of course, I am. This is easy.”

His grip tightened around me. I can feel his body behind me.

Binitiwan ko ang mga kubyertos at huminga ako ng malalim.

“Now that you’re with me, you can do anything you want, Eury.”

Napaawang ang bibig ko nang napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Ayaw kong maniwala na iyon nga. Na napapansin niya ang lahat. Na alam niya na hanggang ngayon, hindi parin pantay ang turing ng mga magulang ko sa aming magkakapatid.

“If you want showbiz, it doesn’t matter to me. As long as you’re happy with it.”

Binitiwan niya ang tiyan ko. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o nalungkot sa ginawa niya.

Tumunganga ako ng ilang sandali habang naghuhugas ng pinggan. Ang takot ay umahon sa aking puso. Takot na alam kong naramdaman ko na noon pa, concealed only with hatred and despair. Now that I’m no longer that same girl, everything is just more defined.

Kung noon ay tanging ang galit lamang ang front ko sa kanya, ngayon libu-libong damdamin na ang meron ako. And I hate that it’s turning this way when I know what we are from the very beginning.

Pumasok siya sa isa pang kwarto. I figured that was his office. At ang hindi niya siguro natapos sa araw na iyon ay doon niya na ginawa.

Wala akong magawa bukod sa pag-uupdate ng social media accounts ko at panonood ng TV. Kaya sinulit ko na rin ang gabi sa pagkakabisa ng mga kantang bago at mga steps ng sayaw.

Days passed and that was out routine. In the morning, magigising ako ng maaga para magluto ng almusal. Scrambled eggs, pancakes, ham or bacon, and rice would do.

Freestyle dancing all the new songs on my playlist as I prepare the food. Imbes iyong mga kailangan kong ipractice na mga sayaw ay gumagawa na ako ng sarili kong indayog.

I turned to put the plates on the dining table when I saw Vince in his black shorts and topless. Isang puting tuwalya ang nasa kanyang balikat. Ang buhok ay basa at kasalukuyang pinapatuyo. I stopped my weird dancing. Lalo na nang nakita kong may amusement sa kanyang mukha.

I cleared my throat. Pumormal ako at umupo na rin sa madalas kong upuan. He’s still smiling when he poured the juice in our glasses.

“Kailan nga pala iyong mga party at event na sinasabi mo?” tanong ko para walain ang usapan.

“Uh… Hm… I’ll check it again.”

Tumango ako. “I need a clear schedule before mine starts to get hectic.”

“I’ll send you the schedule once it’s all set.”

Aalis siya ng mga alas otso ng umaga. Abala naman ako sa pagwowork-out at practice. Nagpaalam na rin ako sa kanya na may facial ako mamaya sa parehong doktor. Kailangan kong alagaan ang sarili ko bago humectic ang schedule. Pagkatapos ng facial ay balak kong bumisita sa showroom ni Amer. I can’t stay in Vince’s condo forever! Mababagot lamang ako.

Ako:

Papunta na ako sa clinic ngayon. Pagkatapos dito, kay Amer naman ako pupunta.

Ang kulay puting dingding ng clinic ay pamilyar na pamilyar na sa akin. Even before I entered showbiz, I always find a way to keep my skin smooth and clear. Kahit hindi sa ganitong paraan. Though luckily, my Mom’s genes is so good that I don’t have to put much effort to it.

“Close your eyes, Miss Eury,” sabi ng nurse na siyang nag-aassist kay Doctora.

Susunduin ako ni Amer ngayon dito. Ang sabi niya’y may session din siya ngayon dito kaya dito na kami magkikita bago ako pumunta sa showroom niya sa isang mall.

“I’ll clean your face first, po. This is a cooling gel,” anito at inilapat na sa akin ang basa at malamig na gel.

Pikit ang aking mga mata, tinakpan niya parin iyon. It was their protocol and I’m so familiar with it that it’s all normal.

“I’ll just call doctora, po.”

“Okay.”

Narinig kong tumunog ang pintuan nang lumabas ang nurse. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri at huminga ng malalim. The cooling gel feels so good on my face. I can just sleep and relax here.

Nakahiga pa naman ako sa isang pang isahang kama. May ilaw na nakatutok sa aking mukha, hindi ko naman kita dahil naka blindfold ako. Maybe to avoid hurting my eyes from all the laser and the likes.

Tumunog ang pintuan ng bahagya. I was convinced that it was just the wind at first but when I heard the metal clinks of stainless steel apparratus, naramdaman kong may tao.

“Doctora, do I have any sunspots?”

Hindi ako huminga pagkatapos magtanong. Walang sumagot at wala ring ni isang tunog.

Ang nurse ba iyon o si doctora? Or is there anyone at all?

Limang segundo kong pinigilan ang paghinga para lang mapakiramdaman ang paligid. Nang naramdamang wala ay huminga ako ng malalim, nagrelax at sinubukan ulit na matulog.

I heard the slight clink of the apparratus, naramdaman ko ulit na may tao!

“Miss? Si D-Doctora?”

For another five seconds, I stopped breathing just to hear anything. Ngunit walang sagot at wala ring ni konting kaluskos.

The next few sconds, I couldn’t relax at all! Unti-unti kong hinawakan ang blindfold ko. My heart started beating so fast. Pinagpapawisan ako at hindi na mapakali.

Mabilis kong binunot ang aking blindfold at agad luminga sa paligid. Nakita kong kakasarado lang ng maliit na siwang ng pintuan! My eyes roamed around the room as my heartbeat is going mad. Nang nakitang walang naroon kahit saan mang sulok, kahit sa likod ng equipments ay mas lalong nagpakaba sa akin.

“Are you ready, Eury?” kapapasok lang ni Doktora.

Sinundan siya ng nurse na may dalang mga papel. Huminga ako ng malalim at pinilig ang ulo. Siguro ay guni-guni ko lang iyon! Siguro ay wala lang iyon.

Kinalma ko ang sarili ko. Tumango ako kay Doktora at huminga na ulit.

“Let me cover your eyes again, Miss Eury,” the nurse said when she noticed it.

Tumango ako at muling humiga. Muling tinakpan ang mga mata ko. I felt Doctora’s soft touch on my face andb she started her usual thing on my face.

Lumipas ang ilang minuto ng session ay lumabas na ako. Amer’s already waiting on the lobby, with aviators so big. Walang bahid ng make up ang mukha ni Amer, siguro ay dahil na rin sa downtime ng facial.

“Don’t look at me like that, Amore!” aniya sabay baba ng aviators tama lang para magkatitigan kami.

I smiled. Umiling ako at humalukipkip. My handbag hung low on my forearm.

“Ikaw na ang maganda kahit walang make up. Hindi na kailangan ng contouring!” aniya habang pumipirma ng kung ano malapit sa cashier. “Let’s go! I have new designs to show you!”

Sumunod ako sa kanya. He waved one of his bodyguards and immediately answered his bidding by making his SUV appear in front of us. Hindi man lang tumingin si Amer sa loob ng sasakyan nang pumasok siya roon. Sumunod ako at nagsimula na siya sa kanyang mga sasabihin.

“I hired Collins as my photographer,” kabado niyang sinabi pagkatapos ay niyugyog ako.

I rolled my eyes. “And? Did he say yes?”

“Yup! Kaya ako kinakabahan. Do you think he’ll like my designs?”

“Amer, you don’t need people to like your designs. If that’s your art, other people’s opinion doesn’t matter!”

“You should apply that advice, too, Eury.”

Sinasabi ko na nga bang iyon ang sasabihin niya. “Obviously, I already did. Kung hindi ay sana sinunod ko ang gusto ni Daddy para sa buhay ko.”

I spent the whole afternoon till the evening on his showroom. Pinaglalaruan ko ang mga disenyo niya sa upuan at lamesa. Even his wooden chandeliers looked great. Sinabi niya pang bibigyan niya ako ng isa.

“Congratulations, Amer! These pieces are enigmatic and very original!” si Sir Collins nang humupa ang mga tao sa showroom.

Kasama ang iilan pang mga kaibigan ay naroon siya. Amer looked like a happy puppy when he heard Sir Collins, his crush’s, comment. Nanatili ang mga mata ni Sir Collins kay Amer na tila ba ito lang ang tao sa buong kwarto.

His eternally semi-bald hair, stubble, mole on the side of his forehead, Sir Collins looked like any playboy. Plus, he’s a famous lifestyle and wedding photographer. Kaya naman head over heels si Amer sa kanya. But I know Sir Collins isn’t into gays. He’s a notorious playboy! Kaya ngayon ay hindi ako makapaniwalang nakatitig siya kay Amer ng ganito.

“Thank you! I’m glad you like it! May personal ka bang paborito sa aking mga disenyo? I’m giving Eury one of my chandelier and chair. Kung may gusto ka, I can give it to you for free!” Amer said in a girly tone.

Humalakhak si Sir Collins. “Well, hindi na kailangan.”

“No-No! Please, Collins. I want to give you something.”

Ngumiti si Sir Collins at nilingon ang iilang mga kasama. Tumingin siya sa akin at umiling.

“Sige na, Sir. His designs are all so classy. I can’t believe you’re not taking this opportunity.”

“Ah! Sige. The table is nice, Amer. Puwede iyon. But really, thank you!” si Sir Collins.

“Sure! Though are you sure that’s all? I can send you more!”

“Can you send me some, too, Amer?” biro ng isa pang babaeng kaibigan namin ni Amer.

Nagtawanan kaming lahat sa mga biro. Sir Collins laughed with us but I saw him look at Amer more than the usual. Kaya naman hindi magkamayaw ang saya ni Amer. Kahit nang umalis na ito, panay parin ang pag-uusap namin tungkol kay Sir Collins.

“Nakita mo ba ang mga mata niya?”

Nakaupo ako sa isang malaking hugis pusong silya na gawa sa rattan. It’s already nine in the evening. I texted Vince about this. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang kanyang reply.

Vince:

Okay. Anong oras ka uuwi? I’ll be late tonight, too. I can just pick you up when you’re done.

“Matutunaw ako, Eury! Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko!”

“Do you think Sir Collins changed his preferences?” nagtaas ako ng kilay.

Napawi ang ngiti ni Amer. Biglang tumalim ang tingin niya sa akin. Humalakhak ako at agad naging defensive.

“Of course I saw the way he looked at you, Amer! Kaya nga ako nagtataka, hindi ba?”

I glanced at my phone to reply. Ngunit imbes na iyon ang gagawin ko ay napascroll ako sa aking social media accounts. I saw Vince’s tagged photos that was uploaded just minutes ago.

“Congratulations Architect Hidalgo! This party is for you!” ang nakalagay sa caption.

Ang lahat ng pictures ay nakuha sa loob ng isang bar. And he’s with some of his, probably, friends. Dahil hindi ko naman kilala ang mga ito. Mixed with men and women, having fun and drinking?

Akala ko ba wala pang event? Akala ko ba isasama niya ako kung mayroon man?

“Oh, anong problema?” Amer settled in anothe chair in front of me.

Sumimsim siya ng wine sa kanyang wineglass habang pinagmamasdan akong tinitingnan ang aking cellphone.

I scrolled more to see that Vanessa is also with him. And all the other men and women are probably his friends and colleagues. Nasa isang bar man ay halata sa mga damit nila na kagagaling lang nila sa trabaho.

Vince isn’t smiling to his ears but then he hardly smiles that way. He’s just observing his happy colleagues, raising his own glass as a sign of approval to his friends.

Lumapit si Amer sa akin nang napansin na hindi na ako nagsasalita.

“Oh, si Architect may party? Ba’t ‘di ka sumama?”

My face heated when I realized that… hindi ako sumama dahil una sa lahat, hindi ako inimbita ni Vince!

“Those are his friends and colleagues. Most are Architects and Engineers, all of them are professional and the best in the industry,” sabi ni Amer pagkatapos uminom muli ng wine. “Anong meron at bakit nagpaparty si Vince, Eury?”

Mas lalo lamang akong nairita? Paano ko malalaman? Hindi niya naman sinabi!

“Let’s go party, too,” mapait kong sinabi.

“Saan? Sa Arcus!” he exclaimed, excited at my invitation.

Umiling ako. “Sa iba na lang, Amer.”

Tumawa si Amer. “But your boyfriend is there, Eury! You can just surprise him!”

“Sa iba na lang, Amer,” ulit ko sabay patay sa aking screen.

Binaba ko ang aking cellphone. Nanghihina ang aking kamay.

“Bakit? We should go there, Eury!”

“I wasn’t invited, Amer.”

“Kahit na! Boyfriend mo naman ‘yong may party, e.”

Umiling muli ako. Napapalibutan si Vince ng mga propesyunal na kaibigan. And to invite his girlfriend, who doesn’t have any achievement, is such an embarrassment. Ikinahihiya niya siguro ako.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.