Blown By The Wind – Kabanata 18

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 18

Kabanata 18
Possessive

They set up the party for me. Totoong may bagong kantang gustong pagpractisan si Flyn ngunit ginamit niya lang iyon para mapapunta ako sa recording room, kung nasaan silang lahat.

“Hindi ko inasahan ang nangyari sa inyo ni Zander. You were so sweet before you left, Eury,” Carrie said in a whisper.

Nakaupo kaming tatlo sa iisang couch. Si Flyn ay nasa tabi ko habang kinakausap ang iilang kaibigan namin. Kauupo ko lang galing sa pakikihalubilo sa mga naroon.

Carrie’s innocent eyes are laced with concern. Nilagay niya ang mahabang takas na buhok sa gilid ng kanyang tainga. Her dimple showed even from the slight movement of her full lips. Her monolids squinted at me like I’m a porcelain. She’s morena and more sporty-looking than me and Flyn. Kahit na pareho naman sila ni Flyn na mahilig sa sports at kung anu-ano pa.

“He was mad at me before I left. He made his decision clear so…”
“We know what happened in Romblon, Eury,” Carrie’s voice turned so soft. Kahit na hindi na naman talaga dinig iyon dahil lahat silang naroon ay maingay.

Hindi ako nagsalita. Hinawakan ni Carrie ang kamay ko. Her long bony and morena fingers covered mine.

“Kami ni Flyn. Tita Daisy told us immediately after you called that day. Sinabi niya sa amin na h’wag sabihin kahit kanino. Because the management want it hushed.”

Natigil ang usapan namin nang nadagdagan ang mga tao. Sir Collins, the famous photographer, and Jaybee, one of Tita Daisy’s entourage came in. Niyakap ko sila at binati. Masaya naman ang kanilang pakikitungo. Siguro’y ang nakakaalam lang ng pangyayari ay ang mga members ng Astra at ang management.

“Hindi ko alam na matagal na pala kayong magkaibigan ni Vincent Hidalgo, Eury,” si Sir Collins.

Almost all heads from the crowd turned to us. Kuryoso ata ang lahat kahit sa katiting na impormasyon.

“Yup. My Dad trained him way back,” sagot ko.
“Oh!” Kumunot ang noo ni Sir Collins at marahang tumango. Tila may naaalala. I suddenly wonder if he knows about Vince’s past issue with me.
“Bakit, Sir? Saan kayo nagkakilala ni Vince?”
“Well, I feature designs on some related magazines. Marami akong naifeature na sa kanya at iilang parties din ang nasalihan ko. He’s also a frequent customer of my bar,” he smiled and sipped on his bourbon.
“Yes, I think I saw him a couple of times sa Arcus, Collins. He’s with some of his usual friends,” dinagdagan pa ni Jaybee. “Kailan mo ipapakilala sa amin, Eury?”

Tinukso na nila ako noon. And I can’t believe they were really serious about it.

“Collins, book us at Arcus. Eury will introduce her boyfriend to us!”
Tumawa lamang si Sir Collins sa panunuya ni Jaybee.
“He’s one of the most elite bachelors in town, Eury! And they all say he’s from scratch but I remember a good architect with the same family name as him! But not as successful!”

Muling napag-usapan ang mga achievements ni Vince. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na pinapamukha sa akin kung gaano ako dapat ka swerte na ako ang girlfriend niya.

“But so far, his dating history is as questionable as Collins’!”
“What?” Sir Collins laughed innocently.
“Hindi ko alam na interesado siya sa mga relasyon. Let alone a relationship with a showbiz girl! My goodness, Eury, I think you’re the most talked about person in showbiz right now. Dinaig mo pa sina Blair at Zander. Speaking of, I heard they cut their vacation short because of all the drama.”

Hindi ako nakapagsalita. Dinagdagan lamang ang sinabi ni Jaybee ng ilan pang kaibigan sa showbiz. I have no news about Zander. Ni hindi ko rin nakikita ang updates ng social media accounts niya. Especially that I just got my phone but I guess I should try and reach him so we can talk about whatever happened to us.

Guilty ako dahil alam ko sa sarili ko na sinagot ko lamang siya noon dahil nagustuhan din siya ng parents ko. I feel like they will both be pleased with me if I say yes. And that’s the closest thing to happiness for me.

“Hindi ko alam. I will have to talk to him first,” sagot ko.
“Kawawa ka sa internet. People really say cruel things when they don’t know anything,” si Jaybee sabay ngiwi.
“And Zander did not do anything about it,” Flyn said in a bitter way.

Napatingin ako sa kagrupo. She shrugged and looked very disappointed.

“That was all he could do, Flyn. Or he’ll sabotage his career.”

Hindi na ako nagdagdag pa. Kahit na mga kaibigan ko naman ang naroon, I’d rather not talk about my private life with this much people. In one way or another, news will spread to the public the next day so better shut my mouth.

Nang nagkaroon na ng ibang pinagkakaabalahan ang iba’y si Tita Daisy naman ang kumausap sa amin. She told us of our updated schedule.

Dahil wala naman talaga ako dapat schedule sa sunod ng linggo, puro practice lang ang gagawin namin at isa pang shoot para sa isang magazine. This time, the whole group is featured for the front page cover. Ang sabi’y dapat sa July issue pa iyon lalabas pero dahil mainit na usapin ako, ilalabas nila iyon ng mas maaga.

“Anong oras ka baba at nang mapalabas ko ng basement ang driver, Eury?” Tita Daisy asked.

Alas nuwebe na ng gabi at kung hindi umuwi ang iba’y inasikaso na ang taping at kung anu-ano pa. Flyn is still busy talking to Sir Collins and Jaybee. Carrie is too tired to even move. Nasa couch lang at nakapikit na.

“H’wag na po, Tita. Vince will pick me up.”

Which I am not sure of at the moment. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na tapos na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may texts niya roon.

Vince:
Just text me when you’re done.

Vince:
Don’t skip meals even when you’re busy.

Pagkabalik ko ng tingin kay Tita ay nakangisi na siya. Leaning more towards me, she smiled wider.

“I’ve met him once in an art exhibit. He’s with his friends and my God, Eury,” umiling-iling si Tita.

Her face is flushed and she looks like a teenager trying to hide the blush. Her chunky cheekbones are protruding dahil sa hindi magkamayaw na ngiti.

“What was he like? Paano ka niya niligawan? It is understandable why you left Zander and be with a much mature man like him. Dios ko! Naaalala ko kung ilang taon na akong biyuda dahil sa kanya!”
“Tita!” saway ko.

Nakisali sa tawanan ang ilang nakakarinig. Even Jaybee is back at the topic again.

So we ended the night slowly and peacefully. May guesting si Flyn sa isang night show na radio station ngayon. Si Carrie naman ay bumaba na para mahatid ng service while Tita Daisy is off to a taping for one of her talents.

Pababa ako ng building kasama si Jaybee. He’s on the phone nang lumabas kami. Dahil abala siya, itinuro ko na lang sa kanya ang powder room. He waved at me indicating his own route. Tumango ako nang naintindihan kong pupumunta siya sa isang hall kung saan nagaganap ang panggabing talk show ng istasyon.

The girl’s common powder room is colored with beige tiles. Apat ang cubicle sa loob at dahil hindi naman ako naiihi, sa labas lamang ako harap ang salamin.

I took my phone out and started typing for Vince.

Ako:
I’m done. Where are you?

I still want to scroll down for an app when I heard the powder room’s door open. Nilingon ko ang handle at nakitang bumukas ito. Dalawang dipa ang lapad ng siwang nito ngunit walang pumasok.

I waited for a moment but nobody went in. For some reason, I feel cold. Hindi dahil sa paligid kundi sa nararamdamang biglaang takot at kaba.

I couldn’t move or get out of the powder room. All I think about are the gruesome but censored pictures of how Hubert’s friends were killed. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naiisip ko.

Ilang sandali ay huminga ako ng malalim. Nilingon ko ang aking mukha sa salamin at sinubukang kalmahin ang sarili. I continued to powder my face pero bahagyang bumukas pa ang pintuan.

My eyes immediately darted on the door again. This time, I am braver. Naglakad ako palapit doon para makita kung sinong naroon. Nang nakitang wala namang tao ay mabilis ko nang ipinasok ang mga gamit ko sa bag at agarang lumabas na.

The whole building is secured. Bawat entrance at exit may guard. Marami ring tao sa pasilyo tuwing umaga ngunit ngayong gabi na, the hallways lights were dimmed and there isn’t anyone here! Nilingon ko ang likod, kung saan dumiretso si Jaybee kanina. Nakita ko sa malayo na may mga tao naman. But for some reason, I had goosebumps so I walked immediately towards the lobby without looking back again!

Siguro ay guni-guni ko lang iyon lahat. Maybe the door wasn’t properly locked or someone tried to go inside but immediately changed her mind?

Sa pagmamadali ko, ni hindi ko na nabati ang guard na naroon sa lobby nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

Hinihingal ako pagkalabas. Nilingon ko ang pinanggalingan at nakitang wala namang kahit sinong sumusunod. Hinawakan ko ang aking dibdib, dinadama ang matinding kaba. I saw the dimmed lights fluctuate a bit in the corridors where I’ve been. I froze for a moment. Nilipat ko ang tingin ko sa security guard na ngayon ay hinihila ng antok ang mga mata.

“What’s wrong?”

Isang hawak sa aking braso at napatalon na ako. Naghahanap na mga mata ni Vince ang bumungad sa akin. Napahinga ako ng malalim, agad nawala ang biglaang dumagan sa aking dibdib. Umiling ako at muling tiningnan ang looban, where the fluctuating lights are. Now it has resumed to its normal state.

“Nothing,” marahan kong sinabi.

Siguro ay guni-guni ko lang iyon. Inangat ko ang tingin kay Vincent. Nakatingin siya sa pinanggalingan ko kanina. He looked serious and dangerous at the same time.

Without looking at his car, pinatunog niya iyon. He pulled the shotgun’s door open. Agad naman akong pumasok ng walang pag-aalinlangan.

Imbes na pumasok din siya ay nanatili siya sa labas. He phoned someone and his look is all serious now. Napalunok ako at muling kinalma ang sarili. Ayos lang ito. Guni-guni ko lang iyon. Hubert can’t be anywhere around me. Tinitugis na siya ng awtoridad kaya malabong makaaligid siya rito.

Ilang sandali pa bago pumasok si Vincent. He looked at me with worry cloaked with danger in his eyes. I looked away, ayaw kong magtanong pa siya.

“Pagod lang ako. Nagkaparty sa recording room, sinurpresa ako ng mga kaibigan ko.”
He nodded. “Do you have a schedule tomorrow?”
“I don’t have any definite sched for the week. Dapat kasi ay nagbabakasyon pa ako ngayon. Only a magazine shoot and probably some practice.”

Nakatingin siya sa kalsada, seryoso at tahimik. Tila tinatantya ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

“I’ll just work out tomorrow and check Flyn’s new songs.”
“I won’t be at home tomorrow,” agap niya.

Oh! Alam kong may trabaho siya but I never thought his work will take too much of his time.

“Malapit lang ang opisina ko sa condo,” sinulyapan niya ako na tila ba hindi niya nakaligtaan ang pagkakatahimik ko. “I have a meeting with a new client. May tatapusin din akong naantalang trabaho. Just call me when you need anything. Don’t go out.”

Ayan na naman siya. Ayaw na naman akong palabasin.

“What if I want to buy some food?”
“I have food in the fridge. You can also contact the tower’s chef. Kung ayaw mo talaga, pwede kang tumawag sa akin o sa opisina.”
“Well, what if I want to shop? It’s been a while.”
“We’ll reschedule your shopping. Lalabas ka kapag kasama mo ako.”
“Oh God!” asik ko nang napagtantong masyado siyang mahigpit. “Is that how you are as a boyfriend, Vincent? You’re so possessive! Jesus!”

His jaw clenched. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada habang patuloy ako sa pagrereklamo.

“Do you expect me to stay home the whole time you’re not around? Excuse me? I’m a 21st century woman, I know my thing. I can even drive my own car now if only my manager lets me. I can bring Genta just so she can help me with anything. Kaya pwede dapat akong lumabas kahit kailan ko gusto!”

He did not speak. Pakiramdam ko ay pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. Hindi naman ako natigil sa pagrereklamo.

Sa unang araw na wala akong ginawa ay maayos pa naman ako. Hindi pa naman ako masisiraan ng bait.

Naka roba pa ako sa umaga pagkaalis ni Vincent. Tumango lamang ako nang nagpaalam siya. Titig na titig siya sa akin habang ako’y nanatili ang mga mata sa mga pinggan.

Nalaman ko na kahapon ay dumating ang mga damit ko. And my shameless father did not even leave any of my clothes at home! Pati ang mga damit ko noong college ay hindi niya pinatawad. Dinala parin dito kahit pwedeng iwan na ito sa bahay. Parang gusto niya na talaga akong mapaalis sa bahay, ah.

Maybe he felt relieved that I’m gone at home. And Vince being my boyfriend made him feel much better!

Bukod sa pagwowork out, inabala ko rin ang sarili ko sa pag-aarrange ng gamit sa aking cabinet. When we got home yesterday, nakaarrange na ang mga gamit sa cabinet. Maybe Vince hired the housekeeping to do it. Inayos ko parin ng konti ang iba para mas madali kong magamit.

I groaned when I heard my cellphone ring. Nasa taas iyon ng aking kama habang ako’y nakaupo sa carpeted floor at nag-aayos ng iilang gamit. Pangatlong tawag niya na ito ngayon.

“Hello?”
“Kumain ka na ba?” tanong niya.

Nilingon ko ang orasan at nakitang alas onse y media na ng tanghali. Hindi pa ako nakakapagluto dahil abala ako sa mga ginagawa. But then I can always eat late.

“I arranged some of my clothes here. Kakain na ako mamaya.”
“Ang ibang damit mo nasa walk in closet ko. There’s not enough room for clothes in that cabinet.”

I rolled my eyes. Naaalala ko kung gaano niya kagustong sa kwarto niya ako matulog. I wonder if this is one of his attempts to make me say yes. Napawi rin agad nang napagtanto kung ano talaga ang habol niya roon.

“I ordered food from the restaurant. Idedeliver diyan. You don’t have to cook your lunch.”

Ngumuso ako. He has time, huh? Ano ba ang ginagawa niya sa opisina niya at bakit tila hindi naman siya busy?

“Ikaw… kumain ka na ba?” I bit my lower lip.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinilig ang ulo sa kama. Para akong lumulutang sa sarili kong tanong.

“I’ll eat later,” marahan niyang sinabi.
“Okay.”
“I’ll be busy this afternoon. Uuwi rin ako.”
“Hmm. Okay. Magluluto ako ng hapunan.”

Hindi ko alam bakit kailangan ko pa ng panahon bago kumalma pagkatapos ng tawag. Hinilig ko ang ulo ko sa kama at ilang saglit na pumirmi roon bago nagpatuloy sa ginagawa.

Hinatid ng housekeeping ang pagkain na inorder ni Vincent. Tahimik naman akong kumain habang binabasa ang mga data tungkol sa social media reach ng aking mga accounts. Kasesend lang sa akin noon ng social media manager ng Astra at sa aming tatlo, ako ang pinakamaraming interactions at followers.

Sa hapon, hindi na ulit tumawag si Vincent. Nagtatrabaho siguro ng seryoso. I suddenly wonder where his workplace is?

By two o’clock, I am already dead bored. Hindi na kaya ng work out at pagrereview ng posts ko. It also doesn’t help that I have only a few lines on Flyn’s new song kaya hindi ko na kailangang magpractice masyado.

Kaya naman nagpasya akong lumabas. I texted Vince that I booked an appointment to a nearby Derma clinic para narin sa scheduled skin care program ko.

Wearing a Los Angeles black cap and a big black Raybans, and nude lipstick, I am now ready to go out. People will recognize me eventually but at least I’m giving them a hard time. Ganito ako lagi lumalabas. Ang kaibahan lang ay pwede kong lakarin ang patungo sa clinic ngayon dahil malapit lang naman sa tower na ito. It will also ease my boredom.

Nag ring ang cellphone ko. Una, akala ko si Vince ang tumawag ngunit nang narinig kung sino ang sumagot ay agad kong nalaman na hindi.

“Hello, Amore, guess what?”
“What?”

Kasalukuyang nilalapatan ng laser ang aking mukha. I don’t have any blemishes or skin imperfections but to at least maintain it, I have this skin program. Syempre, puhunan ko ang aking mukha kaya kailangang alagaan.

“Your boyfriend is in this retaurant here in BGC with his ex!” natatawang sabi ni Amer.

Muntikan na akong mapabangon. Sinong ex ang tinutukoy niya? Sa dami niyang karelasyon noon, hindi ko na alam kung sino.

“Sino?”
“Si Vanessa? I believe you know her? Nakapunta na ito sa bahay n’yo, hindi ba?”
“B-Baka client o may business agenda lang…” pilit ko sa sarili ko kahit alam kong imposible.

Vince’s voice echoed on my mind. “You can sleep in my room while I take care of my own sex life.” Is this how he’s going to take care of his sex life?

“Well, we don’t know. Binalita ko lang sa’yo. Babyahe ako ngayon patungong Laguna. Uuwi rin. Got nothing to do?”
“I’m here at Doctora’s clinic. I have an appointment.”
“Sino ‘yan, Eury? Si Amer?” kahit naka face mask si Doctora ay klaro parin sa pandinig ko.
I nodded. I can’t see her. My eyes is covered.
“Send my regards to him,” si Doctora.
“Okay, po, Doc.”

Naabala ako sa pagiging taga hatid ng usapan ng dalawa kahit na ang utak ko’y lumilipad na kay Vince. That damn man! He knows I’m in showbiz and he has the guts to see his exes? And worst! Baka pa kung anu-anong ginagawa nila?

“Okay ka lang?” natatawang sabi ni Amer, tinutukoy ang katahimikan ko.
“Yeah.”
“Sinabi ko lang sa’yo, Amore, huh! Don’t worry. Mukha namang walang ginagawang masama. Baka lunch date lang or something.”

Lunch date!

“Hope this won’t trigger your childish past,” Amer chuckled.

And he knows it will. Pero hindi na ako ganoong klaseng babae. I’m not that kind of girl anymore! The years of stalking Vince and justifying it with my hatred is long gone.

“Men like Vince, they’ll need a woman of the 21st century…”
“What do you mean?” halong kuryusidad at pait ang naramdaman ko.
“I mean, bachelors like him wants a modern arrangement. Isang babae na hindi masyadong possessive at chill lang. Kaya chill ka lang diyan!”

Marami pa sana akong gustong sabihin ngunit ayaw ko namang marinig ni doktora lahat ng problema ko kaya nagpaalam na ako kay Amer.

Gustong-gusto ko nang umalis doon. Pero dahil kailangan pang mag picture ng staff kasama ako at si Doctora, medyo natagalan kami.

Pagkalabas ko ng clinic, agad akong luminga-linga. Madadaanan ko naman yata ang restaurant kung nasaan si Vince. Might as well visit there or buy something. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng gutom. Yes, that’s it!

Sa labas pa lang ng restaurant ay agad akong humugot ng malalim na hininga. I went inside and I immediately saw Vince in a table for four! Kasama niya si Vanessa sa kanyang tabi. Ito’y may laptop sa harap at ang mga pagkain sa kanilang mesa ay nakalatag.

“Table for one, Ma’am?” tanong ng tumanggap.

I glared at the woman before I nodded. Buti at hindi ako kita sa suot kong Raybans.

Kinuha ko agad ang magazine sa magazine stand at dumiretso sa malayong mesa kung saan ako iginiya ng babae. Binigyan ako ng menu at hindi ko na kailangang basahin pa iyon.

“I’ll have some of your fruit shakes, please,” sabi ko at agad na binuksan ang magazine. Ang mga mata ko ay dumiretso kay Vince at Vanessa.

Vanessa looks the same. Kung may nagbago man sa kanya, iyon ay ang pananamit niya. Ngayon, she looks so sophisticated in her white terno suit and white slacks. Her plunging neckline is decorated with layered necklace.

Hinarap niya kay Vince ang laptop niya. Ngumiti si Vanessa at tumango naman si Vince. Vince is in his white longsleeves and dark slacks. Nakatupi ang sleeves ng damit hanggang siko at nakita kong unbuttoned ang unang butones ng damit.

Ngumuso ako. So he’s still seeing Vanessa after all these years, huh? But I can’t be mistaken! He is seldom seen on events with other woman hindi ako makapaniwalang kayang sikmurain ni Vanessa iyon! Damn him! He really has a way with woman! Woman beg even for his crumbs!

Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay tumataas ang altapresyon ko.

Nakita kong may tinitingnan si Vince sa cellphone niya. Seryoso siya habang nagtitipa roon. Vanessa’s still talking about whatever’s in her laptop while Vince is not very attentive.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang wala naman siyang mensahe roon.

Pagkatapos niyang magtipa ay nilagay niya agad iyon sa kanyang tainga. His eyes slightly scanned the whole room kaya inangat ko ang magazine na kunwari’y binabasa. Ilang sandali ay binaba ko ng bahagya ang magazine.

My heart skipped when I saw his dangerous eyes watching me while he’s on his phone. Ang paraan ng kanyang pagsasalita tantyado at mariin. His lips slightly curved but his eyes remained dangerous.

“Here’s your order, Ma’am.”

Tumango ako at agad na kinabahan. I can sense Vince’s burning eyes directed at me. Para akong hihimatayin. Binaba ko muli ang magazine para makita siya at nakita kong nakataas na ang kilay ni Vince at may multo na ng ngiti sa labi.

He saw me! Damn it!

Nang nakita kong tumayo si Vince ay nawalan na ako ng pag-asa. Binaba ko ang magazine at tumuwid na ako sa pagkakaupo. I started sipping on my fruit shake. Nanlalamig ako sa loob. Hindi dahil sa iniinom kundi sa kaba.

He swiftly dragged a chair from a nearby table. Nilagay niya sa tabi ko habang ako’y nanatili ang tingin sa harap, taas noo at binalewala siya.

“What’s my girlfriend doing here?” he asked in an amused tone.
“Just sipping my fruitshake, Vince. Can’t you see? And don’t tell me I shouldn’t leave the condo. I’m bored!” sarkastiko kong sagot.

Ngumuso siya. Alam ko ang nasa isip niya. Sa tingin niya pa lang, alam kong pinaparatangan niya na akong sumusunod na naman sa kanya!

“Katatapos ko lang sa skin care treatments ko at pumunta ako rito bago umuwi para uminom nitong shake.”

Tumingin siya sa iniinom ko. Tila patuyang hinahanap ang pagiging espesyal nito para dayuin ko.

“Why are you so guilty? Because I saw you with your ex?” tanong ko.
He groaned. “She’s in one of my teams. May proposal siya para sa next project ko.”
“Great! At itong lunch date ang solusyon mo? Can’t you stay in your office and… do your thing there. Kailangan talagang isapubliko ang pagsasama ninyo?” mariin kong sinabi.
“Lunch date?” his brow shot up.

Mas lalo akong nairita. For him to take this lightly is beyond me. This isn’t a joke! The news will spread kapag may nakaalam na magkasama sila! At anong iisipin ng mga tao?

Bahagya niyang hinila ang silya ko palapit sa kanya. Tila hindi nakuntento sa lapit naming dalawa. I stared blankly in front of me. Taas noo ako at bahagyang lumalayo sa kaliwang bahagi kung nasaan siya.

Ang kanyang braso ay pumirmi sa likod ng aking silya. His knees parted, the right one behind my chair, the left touching my legs. His left foot moved both my feet closer to him. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa mesa ko. His whole body like a fence to his whole property.

“Ano? Takot ka kasi nakita kitang kasama ang isa sa mga babae mo? This is your plan of taking care of your sex life? Use other woman because you can’t use me?” I muttered unconsciously, trying to maintain the anger that’s slowly vanishing because of his moves.

Napapikit ako nang kinuha niya ang Raybans sa aking mga mata revealing my heated eyes. He smirked. He licked his lips habang nilalapag ang aking shades sa lamesa.

“Why don’t you come with me to my office tomorrow?”
“What? Ayoko nga!” umirap ako. “I’m not a crazy possessive girlfriend. I don’t need to know what you’re doing all the time!”
“Really?” he chuckled.
I glared at him. Ngumuso siya para pigilan pa ang halakhak. He muttered a curse softly bago ako pinatakan ng isang mababaw na halik sa labi.

My parted lips closed. He did it again kaya inilag ko ang mukha ko sa kanya.

“Shall I fire her?” he softly asked.
“No!” agap ko. “I’m not like that, Vince. Wala akong pakealam sa mga gagawin mo. Like I said, I don’t need to know what you’re doing all the time… even with women!”
“Why the tables have turned for us then.”

Sinipat ko siyang muli. His lips pursed.

“I have to know what you’re doing or where you’re going the whole time.”
Umirap ako. Bolero rin ang isang ito, e! “I told you I went to my doctor’s clinic. You didn’t reply. Huwag mo akong bolahin!”
He smirked again. Kumunot ang noo ko.
“At isa pa, ayaw ko ng possessive na boyfriend, no! I’m a 21st century woman. I’m modern when it comes to relationships. I’m not possessive. I don’t stalk! Baka masakal ako kaya h’wag ka masyadong magulo sa akin!” I declared.
He chuckled. I glared at him still and pouted. “Bumalik ka na roon kay Vanessa.”
“She can send me the whole thing later. I’m leaving the office early now.”
“Bakit? Saan ka pupunta?” agap ko.
“Uuwi na tayo. Or do you want to go somewhere else?”

Unti-unti kong sinilip si Vanessa sa malayong likod ni Vince. She’s sipping on her juice, looking at us with wary eyes.

Umiling ako. “Umuwi na tayo.”

Mabilis siyang nagtawag ng waitress. Nilagay sa tray ang kanyang card para mabayaran ang inorder ko.

Sumulyap ako sa kanya. The amusement on his face did not fade. Nag-iwas agad ako ng tingin. He chuckled and leaned more on me to whisper.

“Next time you’re bored, just tell me so I can do something about it.”
“At a-a-anong magagawa mo?”
He smirked dangerously at me. Uminit ang pisngi ko.
“Here’s your card, Sir…” the waitress said in a sweet way.
Vince only waved at her before standing up.
“Let’s go home,” aniya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.