Blown By The Wind – Kabanata 17

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 17

Kabanata 17
Own

Hinawi ko ang makapal na kurtina ng kwarto. Vincent did not knock or even try to destroy the door again. He finally gave up trying to convince me to sleep in his room, huh?

Kita ang mga skyscrapers ng Makati sa bintana ko. Ganoon siguro sa buong bahay?

I removed my earring without taking my eyes off the view. Kumikinang ang mga ilaw galing sa buildings. Pati ang traffic ay nagbibigay ng ilaw sa buong tanawin.

I sighed. Iginala ko ang mga mata sa buong kwarto para tingnan ang interiors nito. The bed has white sheets. Isang upuan ang nasa gilid at sa magkabilang panig ay lampshade at side table. May isang cabinet malapit sa isang pintuang panigurado’y bathroom. I opened the cabinet’s door and found clean folded towels and some robes.

Binuksan ko ang pintuan ng bathroom at nakitang nasa tamang laki ito at maganda kahit ang pinakamaliit na detalye. I eyed the whole room again, the cove lights above, in warm white light is making me a bit more relaxed.

The room’s color is subtle gray, accented with another gray but shades darker. Ngumuso ako dahil kahit ang spare room ng kanyang unit ay hindi basta-basta. Kung sa bagay, he’s an international architect.

I remember how I can’t look at the magazines featuring his works way back in college. It made me hate my course more. Damn!

Pagod na pagod siguro ako dahil noong sinubukan kong mahiga, mabilis akong nakatulog.

Maaga akong nagising kinabukasan. I stared at the unfamiliar ceiling for a while, processing what’s happening with my life. Ilang sandali pa bago ako bumangon.

My phone got bombarded with text messages from everyone. Meron sa pamilya ko. Meron galing kay Tita. Meron sa P.A. at sa kung kani-kanino pa.

Tita Daisy:
Eury, you’re in Manila already, right? Can we meet later? Ipapasundo kita.

Flyn:
Eur, available ka ba? I made a new song, maybe we can practice.

Carrie:
How are you? When can we see each other? I hopr you’re doing fine. Just got your number from Flyn. Si Carrie ‘to.

Amer:
How’s the first night, amore? x

Genta:
Miss Eury, utos po ni Tita na papuntahin kayo sa Hairscape bago ang meeting. Ipapasundo ka raw po ng van.

I almost forgot that I have a busy life ahead of me. I typed in my reply for everything.

Gusto kong maligo ngunit wala akong magiging damit. But then the bathrobe will do, I guess.

Hindi ko alam na kakainisan ko pati ang pagkakakita ng kumpletong gamit sa kanyang banyo. Kahit pa generic ang mga shampoo, showergel, sabon, at iba pang toiletries doon. He even has an unused toothbrush.

I gritted my teeth at the thought that he’s providing everything for whoever is going to sleep here. At bakit pa ako magtataka?

I blow dried my hair. Nang medyo tuyo na ito ay lumabas na ako ng kwarto. Ngayong umaga na, nakita ko na bukod sa master’s bedroom at ang kwartong pinasukan ko, may tatlo pang pintuan ang naroon sa pasilyo. Though the other door looks like a powder room or something.

Nakapaa akong naglakad patungo sa sala. The whole theme of his unit is in between gray, black, and white. Ultimong mga muwebles ay tila pinag-isipang mabuti.

Napalunok ako nang nakita siya sa kanyang likod. Wearing a gray t-shirt and some black shorts, nakatalikod siya habang maingat na nilalagay sa pinggan ang niluto.

Tahimik akong bumaling sa kulay gray na mga sofa. Napatingin siya sa akin. Nagpatuloy lamang ako sa pagharap sa mga dalang gamit kahapon. Siguro ay kinuha niya na iyon galing sa sasakyan.

“Did you sleep well?” malamig niyang tanong.

The plate clinked when it touched the dining table’s glass. Nilapag niya ang niluto roon habang nakatingin sa akin.

Yes, I slept well. Thanks to your comfortable guest room. Hindi ko na isinatinig dahil paniguradong sarcasm ang mananaig sa boses ko. Hindi ko alam ba’t ako galit na naging kumportable ang tulog ko roon. Like it is forbidden to sleep soundly in that room!

“I need my clothes,” sabi ko nang hinarap siya.
“Ipinakuha ko na. Darating iyon ngayon,” aniya.
“I will be busy today. May meeting ako kasama ang aking manager. I have practice with Astra.”
He nodded. “I’ll pick you up later after all of that.”

Nakapamaywang akong tiningnan siya. I smirked. Alam niya ba ang sinasabi niya?

“I don’t have a definite schedule. Pwedeng gabihin na ako o ‘di kaya’y madaling araw. But the company makes sure I get home safely so you don’t have to pick me up.”
“Just text me when you’re done, I’ll pick you up,” ulit niya.
“Bakit? Ano bang gagawin mo buong araw?”
“I’m gonna meet some of my clients and check some previous projects based here.”

Nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pangangalkal ng mga damit sa dala namin.

“Mag-almusal ka muna bago iyan,” aniya.

Muli akong bumaling sa kanya. Tiningnan ang niluto at muling nag-angat ng tingin sa kanya. Naupo siya. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng juice doon. There’s something in the way he move things. The different kind fluidness of his movements is just very fascinating for me. I was raised prim and proper, stiff in all of my movements. Ngunit siya, parang natural na kakaibang kumilos. Something about it is very male.

Naabutan niya akong nakatingin. A slow smile curved on his lips.

Mabilis akong kumurap-kurap at naghanap ng ibang sasabihin. At bakit nga ba ayaw kong kumain? So what if we eat together, right?

“May gym ba sa tower na ito?” tanong ko.

Naupo ako. Nagtaas ako ng kilay, pinipigilan ang kaba at sinusubukang kumalma. Ano ba, Eury! Kahit pagkain lang ay kinakabahan ka riyan gayong kapag nasa entablado ka naman, ayos ka lang? What the hell?

His stare is just more than a million audience. I am going to die with heart attack if this continues.

“I have my own gym. You don’t have to go to the tower’s gym.”

Tinuro niya ang isa pang kwarto na ang pagitan lamang ang mirrored sliding door. Nakita kong may mga equipments nga roon. Nasa kanang bahagi ito ng bahay. It looks spacious. Almost as spacious as his living room.

“You sure you don’t want to stay in my room. May malaking walk in closet ako roon, your things will fit there.”
Umiling ako. “Who’s looking at us right now, anyway? Wala naman, hindi ba? So we don’t have to stay in the same room. This whole thing is just for show.”

His jaw clenched. I smirked. Nagpatuloy ako sa pagkain.

“I have an upcoming suppliers event, and a couple of social parties. I want you to clear your schedule para diyan.”

Gusto ko muli siyang kontrahin pero kung sabagay, iyon nga naman ang dahilan ng lahat ng ito. So as much as possible, we need to publicize our relationship. Not my thing but that’s the only way to make this all end fast.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking roba. Inangat ko ito at itinapat sa kanya.

His slightly damp hair, shadowed jaw, and eyes cloaked with lashes made my heart beat a bit louder. Ngumuso ako nang nakitang medyo sumimangot siya sa ginawa ko. Nakatingin ako ngayon sa aking camera.

It is not hard to take a picture of him. He looks incredibly handsome even with simple clothes and angry eyes.

“What are you doing?”

Huli na ang lahat. Binaba ko ang aking cellphone at agad na nilagyan ng caption ang ginawa ko.

“Good morning, my architect,” that’s what I wrote.

Nangiti ako habang pinipindot ko ang post.

“Kumain ka muna. Stop fiddling your phone.”

Binaba ko ito at bumaling sa kanya. My face heated up when I realized that he’s in front of me, mortal and very real.

“Do you have an instagram?”

Alam kong wala. Kaya dapat siyang gumawa.

“I have Facebook.”
Tumango ako. “Create an Instagram account and follow me. Add me on Facebook, too.”
He nodded innocently. Tila walang alam sa lahat.

Minutes later, my notifications flooded. Tapos na akong kumain nang tiningnan ko ang bawat isa.

Halos lahat ng kumento roon ay pumupuri sa kay Vincent. May iilan pang agad na nagresearch kung sino iyon.

“Wala siyang instagram!”
“Ang gwapo! Akin ka na lang, please!”
“Way hotter than Zander! Omg! Be mine!”
“Pwede ba kitang hiramin?”
“Pahiram naman, Eury! Kahit isang gabi lang!”
“Mukhang magaling sa kama!”
“See those veins? Gosh! Anakan mo ako, please, architect!”

Bitch! Who the hell is this?

“I can imagine him… *water* *eggplant*”
“I love you Architect.”
“Bagay po kayo, Miss!”

Oh! I like this girl. I should follow her.

“Eury, please send my regards to Vince,” si Brenna iyon, isa sa malayong kaibigan ko sa showbiz.

“Who are you texting?” kunot-noo akong nakatingin sa cellphone nang tinanong iyon ni Vincent.
Umiling ako at inisa-isang tiningnan ang profile ng mga may kumentong hindi ko nagustuhan. Binaba ko ang phone at nagplano na mamaya ay hihimay-himayin ko ang lahat ng mga nagkumento.

Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.

“I posted your picture on Instagram. Maraming nag comment. Do you know Brenna?”
Nagtaas siya ng kilay. Tila ilang sandali pang pinroseso. Baka naman ay isa ‘to sa mga naging babae niya? Grrr.
“Brenna. She’s also a rising actress.”
Tumango siya. “She’s a daughter of a client.”
“Oh! So you’re friendly with your clients na pati relatives ay kilala mo?”

Nanatiling nanantya ang tingin ni Vincent. Samantalang nagdedeliryo na naman ang utak ko. Lumilipad sa napakaraming bagay na pwede kong ikagalit sa kanya.

“No wonder you’re not even slightly upset that I’m not sleeping with you on your bed, Vince. You’ll take care of your… life, huh? Who’s your fling now? O marami?”
He smirked. “I thought we’ll value our privacy?”

Para akong puputok sa galit nang naalala ko ang lahat ng sinabi niya habang nasa van ako. Marahas kong pinagpipindot ang exit sa cellphone ko. I’ve been obsessed with viewing the profiles of the growing number of commenters since my hair spa. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kung ipagpapatuloy ko pa ito.

“Ayos ka lang po ba, Miss Eury?” tanong ni Genta na nasa malayong gilid ng van, pinagmamasdan ako.

Nilapag ko ang cellphone sa tabi ko at huminga ng malalim. Social media is hard today. Parang mas gugustuhin ko pa atang maissue kay Zander kesa ma stress sa admirers ni Vincent. Ito yata ang ikakatanda ko ng mabilis. Baka magka wrinkles ako ng wala sa oras nito!

“Ayos lang, Genta,” sagot ko.

Naglalakad papasok sa istasyon, katabi ko si Genta. Panay ang paalala niya sa gagawin ko samantalang naglakbay ang utak kung posible bang narito si Hubert sa paligid? He’s not always seen here but it might be possible, right?

“Kasama ninyo sa meeting ni Tita Daisy ay ang President at Vice President ng istasyon.”

Nagulat ako at nilingon si Genta.

“Ano?”

Yes, I heard that right. At bakit pa ako magugulat?

Iilang mga kakilala ang bumati sa akin. May iilan pang nakichismis sa bago kong boyfriend. Ang ilan ay palihim na nagtatanong kung kumusta na kami ni Zander. And of course, konti lang ang nagtatanong tungkol doon dahil maging ang iba ay hindi alam ang tungkol sa relasyon namin.

“We just broke up,” sagot ko.
“How did you break up? Hindi ba nasa tour siya?”

Nagkibit na lamang ako ng balikat. I don’t have to tell everyone the details of it. We just broke up. Noong hinayaan niya akong masira, I took it as a hint of our break up. Besides, noong naghiwalay kami’y hindi naging maganda ang tungo namin sa isa’t-isa.

Kabado akong pumasok sa room kung saan ko magiging kameeting ang tatlo. I bet sila lamang ang nakakaalam sa tunay na sitwasyon ko.

Agad akong sinalubong ng babaeng Vice President. She looks so concerned and then she hugged me tight. Ang luha sa kanyang mga mata ay bumuhos agad.

“Eury, I’m sorry about what happened,” ani Madame.

Tumayo ang President, nakapamulsa at pinagmasdan kami. Tita Daisy in her beige dress and ponytailed hair remained seated.

Hinawakan ng Madame ang magkabilang braso ko. The wrinkles on the sides of his mouth and eyes revealed her age. Ngayon ko lang ata siya natingnan ng ganito para mapuna iyon.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa batang iyon. I want him to pay for what he did to you but he is our only grandson! Hindi ko kayang makulong siya, and I know your mother can do that to him…”

I looked at her eyes full of sorrow and motherly love. Kahit na ganito ang pinag-usapan namin, sumilip sa aking isipan ang pagkamangha sa kanyang pagmamahal sa apo.

“Pero ngayon na ganito ang nangyari, sana nga ay ipinakulong ko na lang siya sa ginawa niya sa’yo, hija.”
“Amabela, paupuin muna natin si Miss Saniel,” mababang boses na sinabi ng presidente.

Iginiya ako ni Madame sa kabisera. The couple sat on my right, si Tita Daisy ay nasa aking kaliwa.

“Eury, I’m glad you’re fine and safe,” si Tita Daisy habang tumatango. “Pasensya ka na sa konti ng naging tulong ko sa’yo. The issues came too fast. Hours of our meeting couldn’t even solve anything.”
I nodded.
“Can you please tell us what exactly happened in Romblon, Eury? Naikwento ko sa kanila ngunit alam kong ‘di sapat ang nasabi mo rin sa akin. It’s better to hear it from you.”

Napatingin ako sa dalawang matandang may-ari ng istasyon. They’re both weary. Ang presidente, kahit may eye glasses, kita ko ang pagod sa mga mata.

“We’ve scheduled a check up and debriefing for you, hija,” sabi ni Madame.
Umiling ako. “Mabilis po ang pangyayari. I was unconscious most of the struggling time dahilan kung bakit hindi ko maprosesong mabuti na delikado iyon. Nahimatay po ako sa shoot.”
The old woman groaned and started crying again.
“Nagising po ako, hinihipo na nina Hubert kasama ang kanyang mga kaibigan sa kwarto. Lumaban po ako at nakatakas. Hinabol nila ako hanggang sa sumakay ako sa bangka at nakatakas. I was unconscious the whole time I’m in the boat.”
“You were unconscious!” sabi ni Madame.

Hinawakan niya ang kamay ng Presidente. Tumango ang Presidente sa asawa bago bumaling sa akin.

“My grandson is a drug addict,” aniya na tila ba ngayon lang inamin sa sarili at sa ibang tao. “His friends, I am not sure because he lives far from us. Only visits us when he needs money for his caprices.”
“Hindi ko po alam na ganoon si Hubert.”
“Though, he really has an eye for talent. Kahit gaano ka pa kabait at kagaling, kapag nalulong sa masamang bisyo, walang magandang kahahantungan ang buhay mo.” Umiling-iling siya. “I am sorry for what happened, Miss Saniel. I’ve known Hubert for long, he may be all other things but not a murderer. Siguro nga ay kapag gumagamit ka, nag-iiba na ang takbo ng utak kaya niya ito nagawa ngayon.”
“Hija, I know it’s a terrifying experience for you and I’d understand if you seek for legal help now. Kung ang una kong sinabi noon ay h’wag kang magsalita, siguro ay inisip ko lamang na hindi malaki ang nangyari. For Hubert, this isn’t the first time a girl has accused him of it. But this is just definitely the worst.”
“Hindi ko pa po nasasabi sa aking Mommy… or to my sister.”
“Oh goodness. I’m sure it’s because of our decision? Please, do. At para na rin matulungan kami sa paghahanap sa kanya, hija.”

Napatingin ako kay Tita Daisy. Without expression, Tita Daisy stared at me. Tila may ipinaparating na h’wag nang gawin ang suhestyon.

“The families of the victims are keen on finding Hubert. Maraming kaso at maraming nagpapahanap. So if you want to move, as well, I am telling you, hija, though it is my grandson, I will support your decision. I will not tolerate this anymore. He must pay for the damages he made.”

Humikbi si Madame. The President hugged her. Nakita kong pinunasan din ng presidente ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa luha.

“The investigation is on going, Eury. Sa unit ni Hubert naganap ang krimen. Noong bumalik sila rito, we had a meeting with him and he looks miseranble and scared. Alam niya kung ano ang mangyayari sa kanya. Hindi siya kailanman nagpakita ng aggressiveness. He even thought you were dead and he’s so guilty,” si Tita Daisy. “Noong nalaman niyang buhay ka ay masaya siya. And he knows what’s coming for him and he accepts it.”

Nagulat ako roon. He accepts it?

“Kami lang, hija, iyong hindi matanggap iyon. We want his name cleared so we tried to talk about it… about your silence. Ayaw niya noon. Gusto ka niyang kausapin, makipag areglo, at kung may kaso ay tatanggapin niya ang kahit anong parusa. He said he’ll admit your accusation immediately and it broke my heart,” si Madame.
“Kaya naman noong nalaman naming pinatay niya ang mga kaibigan, nagulat kaming lahat. Packs of prohibited drugs were found in his condo. Now he’s probably on the run.”
“Hindi siya makakaalis ng Pilipinas at mas lalong paniguradong wala siya sa Maynila. He’s in hiding, that’s what I think,” ang President.

Kanina pa may bumagabag sa akin pero hindi ako nagkaroon ng salita para isatinig. Ngayon lamang ako nakahanap ng tama.

“Sinabi ninyo po na tanggap niya ang magiging parusa sa kanya, bakit niya pinatay ang mga kaibigan niya? It is not only Hubert’s fault. Pwede ko ring kasuhan ang mga kaibigan niya pero kung tanggap niya ang kasalanan niya, ano pa ang motibo ni Hubert para patayin ang mga kaibigan niya?”

Hindi sila nakasagot.

“That’s still under investigation but… tingin ko’y nagtangka rin ang mga kaibigan ni Hubert, hija. Maybe they’re not that guilty and they hate Hubert’s move. Dahil may dugo rin ng apo ko sa crime scene. So he’s wounded, as well. Maybe they got into a fight and Hubert just happens to take them all. That’s how far the investigators are.”
“Pero bakit… pa niya kailangang magtago. If he’s come to his senses and felt guilty about what happened in Romblon, dapat mas maguilty siya sa ginawa niya sa mga kaibigan niya. But instead, he ran!”
“Hindi namin alam, Miss Saniel. Kaya sana mas mapadali ang paghahanap kay Hubert. Someone even placed a bounty on his head, dead or alive,” his voice broke. “But I understand their anger towards him. Though I’m praying he’ll surrender and tell everyone what exactly happened.”

Tumagal ng ilang oras ang meeting. At kahit noong natapos na’y hindi parin ako kumportable. Though both Hubert’s grandparents are convinced with the investigators explanation, pakiramdam ko ay may kulang. Hindi ko lang alam kung ano.

Pagkatapos ng meeting, dumiretso na ako sa Recording Hall, kung saan madalas sina Carrie at Flyn.

Magpapabili na sana ako kay Genta ng pagkain nang biglang sumigaw si Flyn and Carrie ng…

“Surprise!”

Pumutok ang mga spray at poppers. Napapikit ako sa sobrang gulat.

“Welcome back!” sabay yakap ni Flyn sa akin.

Naroon ang iilang mga kaibigan namin. May dalang cake at tarpaulin ko.

“It’s Flyn’s idea. Pang welcome back dahil nalagpasan mo ang issue mo!” sabay tawa ni Carrie at yakap na rin sa akin.
“We missed you, Eury.”

Isa-isa nila akong niyakap. I hugged them back, too. Alam kong ‘di nila alam ang nangyari sa akin pero sa ginawa nilang ito, pakiramdam ko ay kahit paano naramdaman nila ang takot at lungkot ko.

“Thanks, Flyn…” sabi ko.
“Walang anuman!” she smiled. Hinawi niya ang buhok at ipinakita na sa akin ang cake. “I’m sure you’re hungry. We prepared.”
“I’m sorry about you and Zander, Eury. Hindi ko alam kung anong nangyari and it’s okay if you won’t tell us,” isa sa mga kaibigan pa namin ang lumapit.
“Hindi bale, ang gwapo kaya ng bagong boyfriend niya!” si Carrie sabay ngisi.
“Saan mo ba iyon nakilala?”
“I know him! He’s my ate’s crush since college! Matalino raw talaga iyon at masipag pa!”
“Ang swerte mo, Eury!”

The door opened and Tita Daisy with a flock of other sponsors went in. May kanilang version ng surprise din sila.

“Welcome back, Eury!” si Tita Daisy sabay ngiti.

Umingay lalo ang hall. I feel the warmth of their welcomes for me. Isang bagay na hindi ko inasahan galing sa kanila ngunit malugod kong tinanggap.

Patuloy nila akong inintriga. All my answers were vague, like how it should usually be.

Ilang sandali ay nagpasya nang kumain. And while they are also busy catching up and having a good time in this small party, napatingin ako sa cellphone at nakita ang isang notification.

vthidalgo followed you.

I smiled and viewed his profile on the platform. Isa lang ang pina-follow niya at ako lang iyon. His followers are immediately 2k. He did not even have any post!

Another notification came on Facebook. I saw his name appear. My smile widened. I accepted his request.

Ilang segundo pa lang sa pagkakaaccept ay may notification muli. He want us to be in a relationship on Facebook!

Uminit ng husto ang pisngi ko. Hindi na magkamayaw ang ngiti kahit na hindi ko pa inaaccept. Ang tanda niya na para sa mga move na ito. Parang highschool lang! Sarap asarin pero sige…

I clicked confirm. Mabuti na rin at nang malaman ng mga friends niya na totoong kami na. Their fantasy is mine. I own him. Every bit of him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.