Blown By The Wind – Kabanata 16

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 16

Kabanata 16
Back

Nauna akong pumasok sa kanilang bahay. We both got up after that kiss when I pushed him at sa paglalakad namin pabalik ay panay ang pagtatalo naming dalawa.

Natahimik lamang kami ngayong papasok na sa bahay at nakatinging pareho si Andres at Cassandra sa amin. Nagkakape silang dalawa at nakaupo sa labas ng bahay.

“Oh, magkasama pala kayo? Nananghalian na ba kayo?” tanong ni Cassandra, maaaring napansin ang tensyon sa aming dalawa ni Vincent.
“Kumain na kami nina Genta at Amer sa bayan,” sagot ko.
Kumunot ang noo ni Cassandra. “Nasaan nga pala sila?”
“Nasa The Coast pa,” sagot ko at pumasok na.

Mabilis na nagtatakbo si Milo nang narinig ako. Naupo ako sa sala para malibang at makipag-usap sa kanya, imbes na ipagpatuloy pa ang pagtatalo namin ni Vincent. Vince stopped and looked at us.

“Magkasama kayo ni Tito Vince, Ate Ganda?” Milo asked.

Nanatiling nakatayo si Vincent sa harap namin. Eyes smoldering in renewed heat because of our argument. I made a face at him. Nanatili paring seryoso ang kanyang mukha.

“Nagkita lang kami sa labas, Milo.”
“You’re leaving later with Tito Vince, po? Bakit ‘di ka na lang tumira dito, Ate? You can just let Tito go to Manila alone while you’re here?” inosenteng tanong ni Milo. “Besides, he’s got a loads of girlfriend there!”
“Milo, don’t mess your Ate Ganda’s mind, she’s scary when she’s angry,” si Vincent.

Milo pouted at Vince. Vince smirked at him.

“At siya ang may gustong umuwing Maynila. Kung ako ang masusunod, hindi kami aalis dito.”

Damn! Milo’s miserable face turned to me. He pouted. Tinalikuran kami ni Vince at umakyat na ito sa pangalawang palapag ng bahay.

“Totoo ba iyon, Ate? But why do you want to leave Costa Leona? Maganda rito, Ate. May dagat at tahimik!”
“Milo, we will visit you here. Or you can visit us there,” paliwanag ko sa bata.
“We have a house there but my Mum doesn’t like Manila. I don’t like it, too.”
“Milo, your Tita is into showbusiness and that’s where her office is,” singit ni Cassandra.

Gusto ko tuloy magpasalamat sa pagsasalba sa akin sa mga tanong ni Milo. Cassandra winked at me when she got her son’s attention.

Habang kinukumbinsi ni Cassandra si Milo sa desisyon ko ay pumasok na si Amer at si Genta papasok ng bahay. Amer with his black fedora and all black outfit, including luggage na ngayon ay hila-hila na ni Genta papasok ng bahay.

“Eury, bigla ka na lang tumakbo kanina. That’s so unladylike,” he smirked.

Naglakad siya patungo sa akin at naupo na rin sa sofa.

“Sinundan ka ni Vincent. Did you see him?”
Huminga ako ng malalim at nilingon si Cassandra na kuryoso sa sinasabi ni Amer. Amer smiled wider. Tingin ko ay alam niya ang sagot at nagtatanong lamang para malaman ng mga narito ang nangyari kanina.
“Vincent’s upstairs.”
“Are you done packing, by the way?” si Cassandra na binalewala ang nakakakuryosong binanggit ni Amer.
“Yes.” Bumaling muli ako kay Milo na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
“Andres will drive you to the airport.”
Tumango ako. “Thank you.”
“Sasama ba tayo, Mommy?” si Milo sa isang nag-aalalang boses.
“Hindi, anak. Masikip na sa sasakyan kapag sumama pa tayo.”
“Why don’t we ask Tito Mon to help us. Marami siyang van, ‘di ba?”

Cassandra smiled and then whispered something to his son. Ilang sandali ay nakumbinsi niya na si Milo na sumama sa kanya. Nagpaalam si Genta na kunin na ang kanyang gamit sa kwarto kaya kami ni Amer na lang ang naiwan.

Amer can’t take his eyes or his hand off some of the house’s decorations. Alam kong naeengganyo siya dahil maaaring lahat ng ito’y mamahalin at first class. He puts a silver vase down and looked at me.

“You know that your boyfriend can attract even an old cat lady, right?” he smirked again.
Umirap ako. Ano na naman kaya ang naiisip nito.
“Kanina sa linya, nalaman ko agad kung ba’t ka biglang nawala dahil sa gigil na deklara ng isang may katandaang ginang sa gilid ko. She saw Vince and I feel like she’s suddenly on the verge of orgasm!”
“Shut up, Amer. Please!” pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
“Asus! Eto siya, oh. Pagkauwi natin, hindi ba ay sinabi mong sa kanya ka titira? Sa kama niya, Amore?” binulong niya ang huling sinabi. “I know you hate him with a passion before but now that I think about it, why did you spend so much time on hating him?”

Napadilat ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit sobrang takot na lang ang naramdaman ko sa napagtanto ni Amer.

“Of course because I hate him. Nothing’s going to happen kahit na mag-iisang bahay man kami. We had a deal and we’re leaving each other’s privacy.”

Taas noo akong tumingin kay Amer. Giving him a that’s-ridiculous-look while he’s beginning to look like a Cheshire cat from all the smirking.

“Pero aminin mo, he’s ridiculously handsome. Ayaw mo lang aminin noon dahil masyado kang naiinis sa kanya. You think he’s competition.”

Tumabi si Amer sa akin. Nang-iintriga na naman. Nanatili akong taas noo.

“I’ve met even more good-looking men in the business, Amer. I’m not slightly amazed by his physique. At isa pa, busy ako. Pagdating ng Maynila, marami agad akong gagawin. I will have to talk to Zander, too. Maaaring hindi naging maganda ang nangyari sa amin pero kailangan parin naming mag-usap. Plus, my issue, I have to seek for legal opinion.”
“Why don’t you tell him about it? I’m sure he can help you in so many ways, Amore.”
“Telling him about that means depending on him. H’wag na at kaya ko naman iyon, Amer. When all of these ends, I’ll just pretend that we broke up and I’m leaving. Okay na ang issue namin ni Zander, malinis na rin ang pangalan niya.”

Panay ang pang-aasar niya sa akin tungkol doon. Tumigil lamang nang natuon ang pansin sa hagdan. Bumaling din ako roon at nakita si Vince na bagong ligo at kakasuot lang ng t-shirt. Seryosong mga mata ang nakatingin sa akin. Sinuklay niya ang buhok sa likod gamit ang kanyang daliri.

“Hi, Vince! Bagong ligo, ha!” puna ni Amer.
“Aalis na tayo ngayon. Kakausapin ko lang si Andres. Maghanda na kayo,” he said in a cold tone before walking towards the mansion’s porch para mahanap si Andres.

Humalakhak si Amer at agad na sinarado ang baba ko.

“What the hell?” I whispered and pushed him.
“Your jaw literally dropped, Amore. Now, tell me…”

I pushed Amer again. Tumatawa na siya. Lumingon si Vincent sa amin galing sa labas. Kuryoso na siguro sa pinag-uusapan namin ng kaibigan ko. Tumayo ako at tinapon ang throw pillow kay Amer.

“Maliligo at magbibihis na ako para makapaghanda na!”

Dumiretso na ako sa kwarto. Pagkapasok ay nakita ko agad ang parehong laki at parehong kulay na luggage sa tabi ng akin. Kumuha ako ng tuwalya at damit na pamalit para maligo.

Pagkapasok ko sa banyo, ilang saglit pa akong tumunganga habang tumitingin sa salamin. The whole room smells like aftershave, mint, and musk. A strong male scent, hindi ko malaman kung sa sabon ba o sa shower gel.

Ngumuso ako at hinanap iyon sa mga produkto. I don’t remember going inside the bathroom just right after Vince’s done taking a bath. Ganito pala ang amoy noon. I smirked like an idiot. Kinagat ko ang labi ko ngunit agad ding napawi ang ngiti nang napagtanto kung gaano ka stupid ang mga naiisip ko.

Fool!

You are hating him, Eury, not completely praising even his scent. Goddamn it!

Naligo na ako at nagbihis na. At hindi lang isang beses kong inamoy iyong panlalaki niyang bath gel. Pakiramdam ko’y mababaliw na ako rito. Mabuti na lang at aalis na kami. I just hope he has an extra room in his unit. Paniguradong mayroon naman iyon. Hindi siya basta bastang arkitekto, bukod sa kaya niyang bumili ng unit na mas maraming kwarto, alam niya rin na mahalaga ang guest rooms sa bawat bahay.

Si Andres ang nagmaneho sa sasakyan. Pagkaalis namin ay malungkot si Milo ngunit nagawa naman niyang kumaway.

“I will visit you, Ate Ganda. We will go to Manila soon,” anang bata.
“Oh. I thought you dislike Manila?” tanong ni Cassandra.

Tumawa si Andres at nagdiwang. Mukhang iyon ang gustong mangyari ni Andres pero ang dalawa’y gustong manirahan siguro rito.

“We will visit, Mommy,” si Milo.
Tumango ako. “I’ll wait for you, Milo.”

Pagkatapos ng pagpapaalam ay tumulak na kami. Si Vincent ay nasa front seat at ako’y pinagitnaan naman ni Genta at ni Amer.

“Magpapasundo ako pagkauwi natin. Susunduin ka ba?” bulong ni Amer. “Gusto mo ako na maghahatid sa inyo?”

I can now imagine his limousine fetching us from the airport. Gustuhin ko man, paniguradong nagpadala na si Daddy ng driver na susundo sa amin. Bukod doon ay mukhang iyon din ang gagawin ni Tita pagkadating ko.

“Genta, paki sabi kay Tita na h’wag na akong pasundo. Baka papasundo na ako ni Daddy sa driver.”
“Sige, po, Miss Eury.”

Sa airport pa lang, may iilan nang nakapansin sa akin. Vincent stayed close to me, kahit pa noong may ilang kakilala rin siya na kumakausap sa kanya.

The tourist did not dare approach me. Lalo na dahil bukod kay Vincent, Amer’s stiff presence is not very friendly to strangers. May kausap siya sa cellphone at tuwing bumabaling sa mga kuryosong mata ay tila nang-iinsulto ito kung makatingin.

Umupo ako sa aking luggage habang si Magenta ay bumibili ng inumin para sa akin. I tied my hair in a bun and started sipping on my coffee.

Iilang mga tao ang picture nang picture sa amin sa malayo. Nilingon ko ulit si Vincent na may kausap pang isa pang lalaki. He’s holding the hand of his, probably, wife. Buntis ito. Bumaling ang babae sa akin. I smiled at her. Tipid itong ngumiti pabalik.

Ilang sandali ay bumaling na si Vincent sa amin. Tumayo ako para makaalis na kami. Hinawakan ko ang handle ng aking luggage pero kinuha niya iyon. Nagkatinginan kaming dalawa.

“I can pull that on my own.”

Mabilis na bumuhos sa aking alalaala ang nangyari sa hospital. Pinasadahan ko ng tingin ang airport na puno ng mga taong nakatingin sa amin. Kung magtatalo pa kami rito ay mas lalo pang dadami ang mapag-uusapan tungkol sa akin.

“Ako na po niyan, Sir,” nagpresinta si Genta.

Nagulat ako nang hinayaan ni Vince na si Genta ang kumuha ng aking bagahe. Ilang sandali pa akong natunganga kahit na umalis na si Genta at Amer dahil mag boboard na kami. Vincent snaked his arm around me and started walking. Napasunod tuloy ang katawan ko.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga. Shameless flashes from cameras immediately clicked because of the intimate position. At sigurado akong mukha akong gulat habang ginagawa iyon ni Vincent. Alam ko dahil nanlaki ang mga mata ko nang tumama ng konti ang labi niya sa aking tainga.

“Nag-aantay ang sasakyan ko sa NAIA. We won’t need your Dad’s car. Send your driver back,” he said.

I tried to act cool kahit na nanginginig na ang binti ko sa mga pinaggagagawa niya. Ganito na ba talaga siya sa mga babae niya? Bigla na lang akong nainis sa kakaisip na ganoon nga.

“It’s too late. Doon ko na kakausapin ang driver,” sagot ko, taas noo at nag-uumapaw ang confidence para lang pagtakpan ang kaba.

Mabilis ang byahe. Ilang minuto lang, nasa NAIA na kami. Palabas ay may dalawang interviewers na agad ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung saan nila nalaman na darating ako ngayon.

“Eury, what are your upcoming projects after your vacation?” tanong ng isa.
“I have yet to review everything,” sabi ko habang naglalakad.
“Ang sabi nila ay may plano ka na raw na mag solo? Totoo ba iyon?”

I did not even think about that! Solo career in singing? I am not even a very good singer! If they meant acting, I don’t have any plans about it! Kaya paano nila ito naiisip? Media nga naman.

“No plans,” simple kong sagot.

Vincent blocked the two annoying interviewers. Pagkalabas ay mas lalo silang napalayo nang lumapit ang mga bodyguards ni Amer sa amin.

“Pwede ko kayong ihatid sa bahay nina Eury, Vince,” Amer offered.
Vincent shook his head. May lumapit na isang lalaking naka itim at ibinigay sa kanya ang susi ng sasakyan.
“Oh! You have your own valet. Hindi mo naman sinabi, Eury. Your car is waiting behind us,” ani Amer ngunit nanatili ang mga mata niya sa isang itim na luxury car sa harap ng kanilang limousine.

Agad kong tinawag ang driver namin. Inutusan ko na doon na lang na si Magenta na lang ang ihatid sa station at uuwi ako sa amin kasama si Vincent sa kanyang sasakyan.

Ilang sandali ay nagpaalam na ako kina Amer at Genta. We left first. Tahimik kami sa loob ng sasakyan ni Vince habang nagmamaneho siya. Gumapang ang kaba sa akin nang napagtanto kung ano ang nag-aantay sa amin pagdating ng bahay.

Inisip ko rin kung paano ko sasabihin kay Ate Reanne ang lahat ng nangyari sa akin. Sa aking dalawang kapatid, siya ang tingin kong makakatulong sa akin dito. Bukod doon ay kumpara kay Ate Lyanna, mas madali rin siyang kausapin. Ate Lyanna’s too stiff and serious. Ate Reanne might be serious at times but she’s definitely not as serious and reserved as Ate Lyanna.

Binigay ni Vincent ang susi ng kanyang sasakyan sa isa pa naming driver. Sa harap ng bahay ay naroon si Mommy at Daddy na nag-aantay sa aming pagdating.

Kahit na nakasalamin, kita ko parin ang kagalakang pilit na itinabi ni Daddy nang nakita niyang lumabas si Vincent sa sasakyan. Mommy looked worried and concerned at the same time.

“Vincent, Eury, how was the flight?” pambungad ni Mommy na parang wala lang.
“Good, Mom,” sagot ko ngunit alam kong hindi ang sagot ko ang hinihintay niya.
“Vince, it’s nice to see you a-again.”
“Magandang gabi, po,” Vincent said in a formal tone. “Magandang gabi, Architect.”
“Vince…” Dad nodded and smiled. Pagkatapos ng ilang saglit na tinginan at panantya ay tumawa na si Daddy sa isang mababang boses. Niyakap niya si Vince at tinapik ang balikat. “Masaya ako’t nakabalik ka rito sa amin.”
“Masaya rin po ako, Architect.”

Mumunting luha ang bumasa sa mga mata ng Mommy at Daddy habang tinitingnan nila si Vincent. Walang ibang salita kundi tawanan at yakapan ang nangyari.

Yumuko ako at natanto kung gaano nila ka mahal si Vincent. Naalala ko kung bakit ako naiinggit sa kanya noon at kung bakit ako nasasaktan tuwing nakikitang lubusan ang pagmamahal ng mga magulang ko sa kanya, hindi sa’kin.

“Pagod po si Eury. Puwede po bang makapagpahinga sa loob. We’ll talk once she’s settled,” nagulat ako sa sinabi ni Vincent.
“S-Sure!” parang natauhan si Mommy sa sinabi.
“No, I’m fine. I understand,” sabi ko.
“No, hija. Vincent’s right.” Niyakap ako ni Mommy na para bang ngayon lang ako nakita. “Let’s go in. Your sisters with their husbands are already here for dinner.”

Pinroblema ni Daddy ang pagpapakasal ng mga kapatid ko. Especially that they’re both achievers and good at their field, Dad wants good credentials from their husbands. Kung natuloy noon, paniguradong kasal na si Ate Lyanna at Vince. Dahil hindi, ipinakasal ni Daddy si Ate sa isang magaling na inhinyero. Si Ate Reanne naman, nanlaban man at gustong pakasalan ang taong mahal niya’y, hindi rin pinayagan ni Daddy at ipinakasal sa isa pang abogado.

Hindi na pinroblema ni Daddy kung saan ako ipapakasal dahil hindi naman ako asset sa kahit anong firm nila ni Mommy. And that’s the only thing that’s good about being the black sheep. Dad doesn’t care much about my life.

“Vince!” Ate Reanne went to Vince at niyakap agad ito.

Tumayo rin si Ate Lyanna at sumali sa pagyakap. Ngumiti ako sa mga lalaking nasa hapag. Si Lucas, ang asawa ni Ate Reanne. Si Dennis, ang asawa naman ni Ate Lyanna.

“Magandang gabi, Kuya Lucas, Kuya Dennis,” sambit ko sa dalawa.
Ngumiti si Kuya Dennis sa akin. “Welcome back, Eury.”
“Saan ka ba nagbakasyon?” tanong ni Kuya Lucas.
“Uh, sa… Costa Leona, po.”

Nilingon ko si Vincent. Ate Lyanna’s tears won’t stop falling. Hindi naman magkamayaw ang ngiti ni Ate Reanne kay Vincent.

“I never thought you’d come here again. I thought it was the end of it. I treated you like my Kuya, Vince,” si Ate Reanne.

Napatingin si Ate sa akin. Her eyes immediately narrowed. A knowing look is directed at me. Tumikhim ako at naupo na.

“Kahit nagkikita tayo sa trabaho minsan, iba parin na malamang hindi ka galit sa amin, Vince,” si Ate Lyanna.
“Lyanna, Reanne, that’s enough about the past. Walang may gustong balikan na iyon at ilang taon na rin ang lumipas. Whatever that was, it’s just a misconception.”

Yumuko ako at umupo na sa silyang para sa akin. I know that the past means my fault. The misconception was my fault.

“Eury, humingi ka na ba ng paumanhin kay Vince?” Ate Lyanna’s fierce eyes darted on me.

Ngayon ay silang lahat tahimik na pinanood ako.

“Opo, Ate.”
Umiling si Ate Lyanna. “I have always known you were a good man, Vince. I believed you. I cannot believe Eury can do that to you just because she hated you!”
“It is useless to talk about it now, Lyanna,” Vince said.
“And this is too fast. Ang alam ko ay si Eury at si Zander! How did this happen?”

Shit!

Nag-angat ako ng tingin sa kanila.

“Whatever happened in the past, Ate, that was because of my stubborness and innocence. I have loved Vince since then. Ngayon ko lang iyon nalaman kaya…”
“And you loved her too, Vince?” hindi ako pinatapos ni Ate Lyanna.

Sa tabi ni Ate ay si Ate Reanne na tahimik at tila tinatantya ako. Napakurap-kurap ako at itinuon ang pansin kay Ate Lyanna.

“We won’t be together if I didn’t,” Vince said simply.

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

“Huwag na nating pag-usapan ito, hija. Ang mabuti ay narito ulit si Vince sa atin at maayos na ang lahat,” si Daddy at nagtawag na ng kasambahay para ilapag na ang mga pagkaing hinanda.

Umupo si Vincent sa aking tabi. I am well aware that they are all looking at us like we’re some puzzle to be solved. Syempre, sino ang mag-aakalang ganito ang mangyayari? Nawala lang ako ng ilang araw at naibalik ko na si Vince sa aming bahay. Pagkatapos ng ilang taon.

Daddy started talking about what happened after he left. Iyong mga desisyon ng pagpapakasal ng mga kapatid ko. How his firm is now very steady with Ate Lyanna and Kuya Dennis as the head.

Nagkausap din si Vince at Kuya Dennis. I suddenly wonder if there’s competition between them.

Nakinig lamang si Mommy sa mga pinag-usapan. Ganoon lang din ang ginawa ko except that Ate Reanne’s been curiosly looking at me for the past forty-five minutes. Alam kong malabong alam niya ang nangyari sa akin pero tingin ko’y hindi siya makapaniwala na totohanan itong nangyayari sa amin ni Vincent.

Hindi ko sinunod ang plano. Hindi ko alam na masyadong maraming kailangang pag-usapan na tingin ko’y hindi ko na maisisingit pa kay Ate Reanne ang hihingin kong tulong. I can go to her office soon but I don’t think she’s ready to hear what I have to say right now.

“Mabuti na lamang at naghiwalay si Zander at Eury. You know, Vince, I was already convinced that he’d make a good partner to my daughter. Lalo na’t hindi naman interesado si Eury sa trabaho at negosyo. Puro pagmomodelo at pag-aartista lang ang inaatupag kaya hindi masama kung galing doon na rin ang mapapangasawa niya. But then, oh well… I guess I was wrong about Zander. Mabuti at maganda ang naging desisyon mo ngayon, hija.”

Dad beamed at me like I just had the first success in my life. Pakiramdam ko ay proud na proud siya sa ginagawa kong ito. For a moment, I feel happy that he’s proud. Agad ding naglaho nang naalala kong hindi ito totoo at hindi ko naman desisyon ito.

“So… are you perfectly fine with her lifestyle? Naku, Vince, sa mga araw na may ginagawa siya’y halos ‘di siya makauwi rito. Plus, you won’t have any privacy because the media will fish every information about her life.”
“I’m fine with whatever she wants to do, Architect.”

Napainom ako ng tubig habang nakikinig sa mga sagot ni Vince kay Daddy.

“Hindi ka ba busy? Don’t you go abroad every now and then for work? You’re a big time architect now! Even bigger than my firm, Vince.”
“Nakapag-usap na kami ni Eury tungkol sa trabaho. She will understand if I have to leave for days.”

Tumango si Daddy. His eyes still twinkling with so much happiness because of this.

“So, when is the wedding?”

Hindi ako makapaniwalang seryosong tanong iyon. Halos masamid ako sa iniinom na tubig. Binaba ko ang baso at bahagyang naubo sa tanong. Takot akong may sabhihing araw nga si Vince o kahit buwan man lang. I remember him telling me about it. No. Frigging. Way.

“We’re not thinking about that yet, Architect. I don’t want to pressure her about it.”
Hilaw na humagalpak si Daddy. Nanatiling tahimik ang aking mga kapatid.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kanina’y ayaw ko naman talaga pero ngayong siya na mismo ang nagsasabi na hindi kami magpapakasal ay parang nakakainis.

What was that? Spur of the moment desire? Ngayon narealize niyang ayaw niya palang patali? Ngayon, ayaw niya na? Ako pa ang naging dahilan ng pag-ayaw niya, huh? Para ‘di ako ma pressure?

“Kung sabagay, it will sound lik a fix marriage like what happened with me and Lucas if you immediately wed them, Daddy,” si Ate Reanne.
“Gusto kong hayaan siyang magdesisyon.”
“Tama. Tama.” Dinig ko ang disappointment ni Daddy. Hindi para kay Vince kundi para sa nakakalungkot na sitwasyong wala pa itong planong pakasalan ako. “I’m sure Eury has something in mind? Do you want to marry Vince, Eury?”

What the hell? Now they’re all looking at me. Ate Lyanna’s salty expression makes me want to evaporate. Ate Reanne’s smirk while she’s holding Lucas’ hand makes me want to pee. And Mommy’s worried expression is scaring the shit out of me.

“Tama po si Vince. If we’ll work, then we’ll eventually think about that,” sagot ko.
“Ayaw ko pong mapilitan siya, Architect. I’m sure she can decide on her own.”

Nagkatinginan kami ni Vincent. My anger boiled as I watch his serious and mysterious eyes. Naputol ang tinginan nang inangat niya ang tingin sa aking ama. His lips pursed in a slow smile.

“I don’t mind a modern arrangement!” deklara ni Daddy. “Ang importante naman sa akin ay masaya kayo ni Eury. At nagkakaintindihan kayo!”

I never thought I’d get so tired of acting. Nagtagal kami sa bahay hanggang alas diez ng gabi at pagkatapos ng usapang iyon, puro plastikan na lang ang ibinibigay ko kay Vincent.

Napainom ng tubig si Ate Reanne nang nakitang dumausdos ang kamay ni Vince sa aking baywang habang nag-uusap sila ni Daddy. Hinayaan ko ang kamay ni Vince na manatili roon hanggang sa hinatid na nila kami palabas ng bahay.

“I will send Eury’s clothes to your condo, Vince. I will need your address,” father said like I’m some thing he’d be happy to give away.
“Ipapakuha ko na po rito. Ako na ang bahala,” sagot ni Vince.
Tumango si Daddy at ilang sandali pa bago nagpaalam. Mommy hugged Vince tightly, pagkatapos ay ako. Ganoon din ang mga kapatid ko.

Pagkapasok at pagkapasok namin sa kanyang sasakyan ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Pagdating natin sa condo unit mo, hindi ako matutulog sa kwarto mo. I’m sure may ibang kwarto ka naman, hindi ba? Doon ako matutulog.”

Vince looked at me. Kita ko iyon sa gilid ng aking mga mata. He lazily started the Corvette’s engine. Nanatili ang mga mata ko sa daanan. Tahimik siya buong byahe. Hindi ko tuloy alam kung pumapayag ba siya sa gusto ko o hindi.

Tahimik kahit pagkapasok ng sasakyan sa basement. At kahit pagpasok sa elevator at pagpunta sa mga huling palapag kung saan ang kanyang unit.

I did not have time to look at the whole unit when we went in. Ang alam ko lang ay ang cove light design ng kanyang tanggapan ay nakakarelax at ang buong syudad ay kita sa malaking bintanag salamin.

“We’d save energy if you sleep in my bedroom. Mas malaki iyon kumpara sa ibang kwarto sa unit ko-”

Hinarap ko siya. Feeling at home sa buong unit kahit na unang punta ko pa rito. I suddenly wonder how many girls were here before.

“I don’t need a big bedroom. At kung namomroblema ka sa bayarin, magbabayad ako. I’m earning so I will pay for my stay!” giit ko.

He sighed.

“You were perfectly fine sharing your bed with me back in Costa Leona? Anong problema mo ngayon?” seryoso niyang tanong.
“Why would we share bed now when you have other rooms? Ang sabihin mo, you just want physical contact with me so you want us to be together on the same bed!” deklara ko.
“So what if I want physical contact with you?” umangat ang gilid ng kanyang labi.

Shit. What the hell? That was meant to piss him off not to let him say something like this.

“Don’t you dare make me fill up your sex life, Vince. Kung iniisip mo na dahil sa arrangement na ito ay pwede na, nagkakamali ka!” sigaw ko.

Hindi ako makapaniwala. So that was it for him. Wala siyang pinagkaiba talaga! At hindi ko alam kung bakit mas lalo lang akong nagalit sa kanya ngayon. Alam ko na dapat ito noon pa! Men like him are ruthless like this! Or maybe it is just him!

“Maghanap ka ng ibang babaeng pwede mong gamitin! Not me! Excuse me!” halos pahisterya kong sinabi sabay lakad patungo sa mga rooms na naroon.

May nakita akong isang pintuan sa gitna. I was sure that’s the master’s bedroom. Nilingon ko ang isang pintuan sa gilid nito. The lights of the corridors are dimmed but I can perfectly see it all.

“You can sleep in my room while I take care of my own sex life, Eurydyce. Your problem is solved now,” he chuckled.

Pakiramdam ko ay puputok sa sobrang init ang mukha ko sa sinabi niya. Did he just say… he’ll take care of his own sex life? What the freaking hell!

Nilingon ko siya. Ngayon ay nakita kong kagat niya ang kanyang labi, tila tuwang tuwa sa nangyayari at sa galit ko.

Humakbang ako palapit sa kanya. Ni hindi siya natinag sa ginawa ko. Nagsisi agad ako bakit pa ako nagtapang-tapangan!

“And people will talk behind my back about your mistresses! Damn you, Vincent! Pero sige! Bahala ka sa buhay mo kung gusto mong gumamit ng ibang babae. Tutal ay maghihiwalay din naman tayo eventually, e ‘di lubusin mo na!”

Napawi ang ngiti sa kanyang labi. He’s all serious now at pakiramdam ko’y mabubuwal ako sa kinatatayuan ko kapag nanatili ako rito. His dangerous aura is scaring me shitless. The meter and half expanse of his shoulders is blocking my vision of any light from the cove. Napaatras ako.

“It’s not like you promised my Dad you’d marry me, anyway!”

Nakita ko sa mga mata niya ang bahagyang pagkakabigla sa sinabi ko. Pumungay ang mga mata niya at hinawakan niya ang aking siko. Pumiglas ako ngunit sinubukan niya paring hawakan iyon.

“Bakit? Papakasal ka ba? Hmm? I don’t need your Dad’s approval of us. Kung susubukan ko ba, papakasal ka? Hmm?” bulong niya.
“Of course not! Damn you!” sigaw ko sabay buong lakas na tulak sa kanya.

He’s strong but for some reason, he stepped back because of my push. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto sa likod ko at sinarado iyon.

“Eury!” he said in a calm tone but the way he pushed the door gave me a heart attack!

Halos umuga ang pintuan sa katok niya!

“Vincent! Leave me fucking alone!” sigaw ko galing sa loob.

Isang hampas pa bago ko narinig ang pagbaba ng kanyang kamay. Pumikit ako ng mariin at naupo sa kama. Damn! My heart is beating violently that it is racking me back and forth. My ribs hurt from all its beating. Bakit ba talaga kapag siya, ganito ako?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.