Blown By The Wind – Kabanata 15

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 15

Kabanata 15
Liar

“May tubig ba rito?” si Amer ang una kong nakita habang magkaharap kami ni Vincent.

I immediately nodded. Pakiramdam ko, kanina pa nakatingin si Amer sa amin. Ngayon ko nga lang napansin.

Bumaling muli ako sa sink para magpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Vincent removed his hand on the sink. Ngunit nanatili siya sa gilid ko, nakatingin parin sa aking mga hinuhugasang pinggan.

“It’s on the fridge,” Vincent said.
“Okay, Vince,” mahinahong sambit ni Amer. Dinig na dinig ko ang kalaswaan. I know my friend too much that I understand what his tone means.
“Lalabas muna ako. I’ll clean the table,” bulong ni Vincent sa akin.

Hindi na siya nag-antay pa ng approval. At oo, gusto ko ring lumabas na siya.

After that heated moment, hindi ko na alam kung saan ilalagay ang mga salita sa utak ko. My mind is haywired and I cannot organize my thoughts properly.

Napatalon ako nang siniko ako ni Amer habang naghuhugas. Halos mapamura ako sa sobrang gulat.

“Anong nangyari, huh? Ba’t para kang nakakita ng multo kanina pagkapasok ko? At dikit na dikit kayo, huh?” ngumisi siya, may dalang isang baso ng tubig.

I sighed and rolled my eyes.

Sariwa pa sa akin ang nangyari. The trembling of my legs did not even stop. Nanlalamig pa ako at sinusubukan ko lang maging maayos.

His kisses are too much. It feels desperate and thirsty, harsh and ruthless. My heart ached at the thought that he’s feeling lust towards me. Hindi na ito bago ngunit hindi ko maipagkakaila na naiinis ako. Naiinis ako dahil ganoong klaseng damdamin ang nararamdaman niya sa akin. Wala siyang pinagkaiba sa ibang lalaki.

I bit my lower lip. Nanatiling nakatingin si Amer sa akin.

“Amore?” he called.

Bumaling ako sa kanya. Napakurap-kurap ako bago sumagot.

“Wala. May pinag-usapan lang kami tungkol sa sitwasyon namin.”

Tumango si Amer. He looks convinced. O may ibang bagay lang sa kanyang isipan.

“The news about you two is all over the internet. People forgot about Zander and Blair’s issue because of this. May iilang article na rin sa internet na nangangalkal sa mga achievements ni Vincent. At pakiramdam ko’y tatawagan na ulit ako ni Tita Tria mamaya kapag wala pa akong ibalita sa kanya.”

Now that he mentioned it. Marami akong kailangang gawin. Sa ilang araw kong walang kumonikasyon sa mga tao sa Maynila, kailangan ko nang magparamdam.

“Kukunin ko ang bili ni Vince na cellphone sakin sa aming kwarto. I need to talk to Genta, too.”
“Aming kwarto? Right! You’re sleeping in his room.”

Ayaw ko nang magpaliwanag kay Amer. Sa makahulugang ngiti niya, mas malala pa siya sa kahit sinong reporters diyan. He can ask me questions no one would dare ask.

“I can only imagine what happened in those sheets with him all so hot and you-“
“Shut up, Amer! Hindi ganoon!” angil ko habang naglalakad na patungong hagdanan.

Sunod nang sunod si Amer. Nangingiti at nilubayan lamang ako nang umakyat na sa kwarto para tingnan ang mga gamit na binili ni Andres ayon sa utos ni Vincent.

Nasa kama lahat ng gamit. A bunch of paperbags with clothes and shoes. Isa pang paper bag na paniguradong cellphone ang laman. I opened it and manipulated it until it was registered.

Bumaba ako sa sala at nakitang naroon parin si Amer sa sala. Ngayon ay ‘di na siya nakaupo roon. Nanatili ang mga mata niya sa mga muwebles ng mansion.

Iginala ko ang mga mata ko sa buong bahay. Ang ingay galing sa front yard at sa dalampasigan ang naririnig ko ng sabay. Si Milo at si Cassandra sa dalampasigan. si Andres, Vincent, ay nasa front yard, siguro’y nag iinuman. Si Genta ay nasa kusina, nag-aayos ng natitirang gamit kanina.

“Amore, is this their house? I mean, the Hidalgos?” tanong ni Amer nang ‘di inaangat ang tingin sa akin.
“Yes. This is their ancestors house. Bakit?”

Nilingon ako ni Amer. His eyes were wide and his lips were parted.

“I thought he’s a poor man’s child? An orphan?” gulo niyang tanong.

Hindi ko alam bakit niya agad naisip na mayaman sila. Maybe this house is screaming of ancient elegance and richness, I’m sure they’ve gone bankrupt at ang bumuhay kay Vincent ay ang kakayahan niya sa arkitektura.

Inangat ni Amer ang isang antigong muwebles at isang kulay gold na vase.

“These are real and pretty expensive. This is the house of his parents, Eury? I thought you said he’s poor and your sisters are doomed kung siya ang magtitake over sa kompanya ninyo?”
“Iyon lang talaga ang alam ko. And I think their ancestors were rich but for some reason, hindi na maintain ang lahat.”

Bumaba ang tingin ni Amer sa dala kong cellphone. Interesado siya sa mga muwebles at kung anu-ano pang konektado sa mga furniture pero ngayon mukhang mas priority niya ang aking cellphone.

Nagpasya kaming pumunta sa dalampasigan habang ina-update lahat ng social media networks ko. Siya na mismo ang nag download ng mga kailangan ko lalo na dahil naging abala ako kay Milo sa sun lounger.

Nang nakita ako ng batang papalapit ay agad siyang tumakbo sa akin. Gusto niya akong yakapin pero umatras siya at tumabi. Ngumiti ako at naglahad ng yakap sa kanya.

“I’m all wet, Ate Ganda,” he said in a more formal tone.
Ngumiti si Cassandra sa kabilang sun lounger at tinagilid ang ulo habang pinagmamasdan ang anak.
“Pasensya ka na, Eury,” aniya.

Nagulat ako sa paghingi ng tawad ni Cassandra sa akin. Her long black hair exploded when a harsh breeze blew from the sea. Tumabi si Milo sa aking sun lounger. They have a total of four white plastic loungers there. Si Amer ay nasa kabila, abala sa cellphone ko.

“I hope my son is not annoying you,” si Cassandra.
Umiling agad ako. “I’m not annoyed and I don’t think I will be!”
Ngumiti si Milo sa akin. I smiled at him back.

Ngayon ko lang napansin na kapag nakangiti si Milo ay manang mana ito kay Andres. I can almost see his Dad’s shadow in his smiles. Ngunit kapag nagseseryoso ay naaalala ko si Vincent. When his eyes are expressionless and his lips are pursed, nararamdaman ko ang pagiging Hidalgo niya. At sa ilang araw ko rito, at pakikihalubilo ko kay Cassandra, Wanda, at Vincent, alam ko na iyon ang pagkakapareho nila.

“He seems really fond of you.”
“Ate Ganda, hindi kayo bagay ni Tito Vincent. He’s tall and huge. You’re small and cute. Bakit mo pa siya nagustuhan?”

Maging si Amer ay natawa sa tanong ng bata. We all laughed. Cassandra tried to make Milo stop asking questions but he wouldn’t.

“He has many girlfriends in Manila! Mommy said…”
“Michealangelo!” saway ni Cassandra, ngayon ay seryoso na at hinihila na si Milo patungo sa kanya.
Ngumiti ako at bumaling kay Cassandra.

Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Alam niya ang history namin ni Vincent. Ano kaya ang tingin niya sa akin ngayon? Na purong kasinungalingan lahat ng mga sinabi ko sa parents ko dahil ang totoo, gusto ko si Vincent. Totoong puro kasinungalingan nga lahat ng nasabi ko noon, at ang pagkapahiya ngayon ang magiging kabayaran noon.

“Ate Ganda, why don’t you swim? The weather is nice. Hindi masyadong mainit!”

Tumakbo na si Milo patungo sa dalampasigan pagkatapos ay kinawayan ako. I waved at him too but my mind is whirling around what he just said.

Noon pa man, I figured that Vincent’s relationship with his girls are vague. At ngayong mismong ang pamangkin niya ang kumumpirma noon, napagtanto kong walang pinagbago. Ang kaibigan niyang si Vanessa, na inakala namin na girlfriend niya, ay isa lamang sa maraming babaeng umaaligid sa kanya.

“Milo did not mean what he said,” medyo nag-aalalang tono ni Cassandra.
Umiling ako. “I know Vincent well. It’s okay.”
Kumunot ang noo niya na para bang kuryoso sa sinabi ko.
“I mean, hindi naman ako naniniwala kay Milo.”
Kinagat ni Cassandra ang pang-ibaba niyang labi. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Vince at sa loob ng isang araw, pagkauwi ninyo rito ay nagkaigihan na agad kayo. And I know his history with you. Though I am a bit confused, I hope this turns out well.”
“I hope so, too,” that came out a bit naturally.
“Mommy!”

Nagsisigaw na si Milo ngayon. Tumayo si Cassandra at nagpaalam para tugunan ang tawag ng anak. Nang nakalayo ito ay ‘tsaka pa lang nagsalita si Amer.

“Sister talk, huh?” pang-aasar ni Amer nang nilingon ko siya.
“I feel bad for all the people we’re going to fool, Amer.”
Umirap siya. “Ayos lang iyan. If you two decided to part ways, you can just declare that you broke up. Pareho lang iyon sa totoong relasyon kaya ayos lang ‘yan.”
I sighed. Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko kung nasaan naka install na lahat ng application na kinakailangan ko.

“Log in to your accounts. You should post some things and then call your Dad.”

Sa pagkasabi niya noon ay kinuha ko na ang cellphone ko. Sinunod ko ang sinabi niya. I posted statuses on my accounts. Nagulat ako sa daming nagreact agad sa status ko. Half of them are still linking me to Zander and Blair, the other half just greetings o parinig sa rumored boyfriend ko.

Dahil gusto ni Amer na magkaroon ako ng post sa Instagram, sinamantala niya ang magandang tanawin sa harap. Kinuhanan niya ang dagat at iyon ang naipost ko.

Tatlong minuto pa lang ng pagkakaupdate ko sa accounts ko, halos sumabog agad ang inbox ko ng mga mensahe galing sa mga kakilala.

Flynn: Where are you? Are you okay?
Carrie: Kumusta, Eury? Kailan ang uwi mo rito?
Tita Daisy: You have a new phone? Can I call here? Give me your number.

Marami pa iyon. Hindi ko alam na marami pala akong dapat sagutin. Hindi ko nga lang alam kung sinu-sino ang sinabihan ni Tita Daisy ng tungkol sa totoong nangyari sa akin.

Ako: I’m fine. I’ll see. Within this week.
Ako: Yes, I have. I’ll send you my number now.

“You should post a picture of yourself. Come here…” si Amer na kagagaling lang sa halamanan at ngayo’y may dalang pulang gumamela.
“But I’m not prepared!” natataranta kong sinabi.
“You don’t need make up. Give me that.”

Hinablot ni Amer ang cellphone ko at agad akong kinuhanan ng picture. Siguro ay kapag mahilig sa art, agad na ring dugtong noon na magaling sa photography. His shots are just superb! Even with just the normal phone camera!

“Ang galing mo talaga!” sabi ko nang nakita ang kuha ko.
He smiled. “Check if Collins will like that post.”

Nanliit ang mga mata ko sa aking kaibigan. Lumapad lalo ang ngiti niya at hinayaan ko na lang sa kanyang pantasya.

Sunod kong ginawa ay ang pagdownload ng mobile banking. I need to get my funds ready and transfer my payments to Vincent’s accounts. Magtatanong pa nga pala ako sa kanya tungkol sa kanyang accounts para mabayaran ko na siya sa lahat ng ginastos niya sa akin.

Halos inubos ko ang oras ko sa pag-uupdate ng social media accounts. Hindi ko na namalayan na papalubog na pala ang araw, si Milo at Cassandra ay kanina pa bumalik sa mansion, si Genta ay nasa lounger na sa tabi ko.

Tumayo ako at sa huli ay nagdesisyon. Alam kong tinitingnan ako ni Amer ngayon. Nilingon ko siya.

“I’ll call Mom now,” sabi ko.
He nodded and shifted a bit. “You should.”

Tumango muli ako at lumapit sa dalampasigan. For years, I’ve feared my parents rejection. I’ve feared it so much kahit na nabubuhay na ako sa ganoon. Ano pa bang bago, hindi ba?

Kumawala sa aking labi ang munting hininga habang nakikinig ako sa tunog ng kabilang linya. Umihip ang malamig na hangin, naghuhudyat ng nalalapit na gabi.

“Hello, who’s this?” Mommy’s worried tone enveloped my ears.

Kahit na may hinanakit ako sa kanila, I still find my mother’s voice soothing. I still think they are my home. I still crave for them.

“Mom, this is Eury,” nanginig ang boses ko.
“E-Eury! Where are you? Ilang araw na kaming ginugulo ng reporters na iyan dahil sa mga articles tungkol sa’yo!”
“I know. I’m sorry.”

Mommy paused for a while. Tila ba may pinoproseso at alam ko mismo kung ano iyon.

“Is it true? The rumors? About you and… Vince, hija?”

I knew it. Narinig ko sa background ang boses ni Daddy. Ilang sandali ay siya na mismo ang nasa kabilang linya.

“Eury, nasaan ka at ano itong napapabalitang kayo ni Vincent?”

Shit.

“What happened to Zander? At bakit ang lintik na iyon ay nagpapakalat na third party ka sa relasyon niya sa Blair na iyon? Akala ko ba ayos ang lahat ng ito, Eury? This is why I hate the path you’ve chosen!”
“Wala na po kami ni Zander, Dad,” tanging nasabi ko.

Muli, he paused. Hindi ko sila masisisi kung bakit hindi sila nagtatanong kung anong nangyari sa akin o paano ako napadpad dito. Hindi naman nila alam ang nangyari. Hindi naman nila alam na muntik na akong mapahamak. At kung tunay akong napahamak, agnas na siguro ako bago nila marealize na nawawala ako. But… what’s new? I am so hard to love. Waste of time.

“Sinasabi ko na nga ba. Walang magandang dulot ang isang iyon sa’yo. Showbiz is what’s important for him. I thought he’s different. He seems fine when we first met him but what happened now.”

He paused again. Parang may pinag-iisipan.

“And Vince… is that true? Paano nangyari ito?”
“Yes, it’s true. Sabay po kaming luluwas ng Maynila kapag ayos na ang trabaho niya rito.”
“Ano? I never thought he could be civil with us again. Kung alam ko lang ay sana… now that your Ate Lyanna’s married, he can’t…” he struggled for words so he trailed off.

Yumuko ako at kinagat ang labi. Dumaan ang sakit sa aking puso. Pinaglaruan ko ang buhangin. Ano ulit iyon? Dahil kasal na si Ate Lyanna, hindi na… mapapakasalan ni Vince?

“You’re in a relationship with him? Is this true or this is one of your dramas?”
“Y-Yes,” nanginig ang boses ko.
“If this is just one of your stupid stunt, Eury, I am not gonna forgive you.”
“Ephraim…” si Mommy sa background.
“This isn’t, Dad,” ulit ko
“Bakit ganito ang nangyari, Eury? You destroyed him years ago only to take him back now? Ano ang rason mo para rito, Eurydyce?”

Napalunok ako. My tears welled. Hindi ako makapagsalita.

“This better be true. Sana ay hindi ito isa sa mga drama mo. Dahil kapag nagkataon, hindi ko na alam anong gagawin ko sa’yo, Eury. You’ve strayed so far that I think another mistake is already too much.”
“This is true, Dad. I am really in a relationship with him. In fact, I’m moving out of the house pagbalik ko riyan. I’m staying with him.”

Hindi nakapagsalita si Daddy. Ilang sandaling nakakabinging katahimikan. Ang tanging naririnig ko ay ang dagat.

“I’ll wait for you two here,” wika ni Dad at binaba agad ang tawag.

Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata bago bumaling kay Amer na ngayon ay nasa likod ko na. He looked worried. Niyakap ko siya, bilang panandaliang comfort galing sa tawag na iyon.

Tahimik ako pagkatapos ng tawag. Kahit noong pumasok na kaming tatlo sa mansion at naroon na ang iba pang Engineers na kasama sa bahay. Ang dami namin sa hapag at laking gulat ko pa nang naroon din si Wanda sa gabing iyon.

I was shocked for a while. She looked at me with cold eyes but then she resumed what she’s doing.

Ilang sandaling pagpapakilala sa lahat. Si Amer ay uuwi rin sa hotel room niya pagkatapos naming kumain ng hapunan. Andres just announced that he’s sleeping at Cassandra’s room. Nagtawanan sila ngunit umangal si Cassandra.

Si Amer ay mabilis na nakihalubilo. Of course, this is his kind of crowd. Boys and more boys. Hinawakan ko ang kutsara ko at inikot ko iyon habang nanatiling nagtatawanan ang lahat.

“Ate Genta is sleeping in my room?” tanong ni Milo nang sinabi na rin ni Andres na ganoon nga ang plano niya.
“Genta can sleep in my room while Andres can sleep in your room, Milo,” si Cassandra.
Kumunot ang noo ni Andres. Ngumiti siya ngunit may bahid na iritasyon.
“Hina mo, Andres,” si Rod sabay tawa.
Umiling si Andres at uminom na lamang ng tubig. Panay ang titig niya sa kay Cassandra na ngayon ay nagsasalin ng tubig para sa lahat ng kakain.

Nilipat ko ang tingin ko kay Vince. Hindi ko namalayang kanina pa siya seryosong nakatingin sa akin. His smoldering eyes is on me the whole time I’m thinking about what my father just said. Tumuwid ako sa pagkakaupo at taas noo na tiningnan siya.

“I told my father that I’m moving out of our house so I could live with you,” pormal kong sinabi.

Tumitig si Genta sa amin. Ang iba’y abala sa pakikipagtawanan at hindi narinig ang sinabi ko. Si Wanda ay naglalapag ng ulam at nakarinig agad noon. Umiling ito sabay tingin kay Vince. Hindi na nagsalita, nakikita ko ang matinding pagpipigil. Alam niya na siguro ngayon kung ano ang nangyayari. At paniguradong hindi niya gusto ito.

Tumango siya.

“We’ll leave for Manila tomorrow night. Bukas ng umaga, gusto kong nandito ka lang sa bahay. Hindi ka pwedeng lumabas o bumisita man lang sa The Coast. I will visit the project we’re working on before I’ll leave.”

Hihirit pa sana ako na hindi niya naman kailangang sumama pagbalik ko ng Maynila pero pinigilan ko ang sarili ko. I just told Dad that. Iisipin na naman noong gumagawa ako ng istorya kapag hindi nangyari ito.

Maingay ang buong gabi. Nag-inuman ang mga lalaki sa labas ng bahay pagkatapos kumain. Hinatid ko naman si Amer sa dalampasigan kasama si Cassandra at Milo para makabalik na siya sa The Coast.

“Bago tayo umuwi bukas, mamili muna tayo!” si Amer bago ako tinalikuran.
Sumang-ayon ako roon. Siguro ay pampatanggal stress, iyon na lang ang gagawin ko. Tutal ay bukod sa pagpuntang ospital, wala na akong ibang napasyalan dito kundi ang hotel. I’m sure there are other places here? Market, perhaps?

Pagkatapos naming ihatid si Amer, umakyat na ako ng kwarto. Kailangan kong ayusin lahat ng pinamili ni Vince sa akin. Wala naman si Vince sa baba, akala ko ay nasa kwarto siya pero nang nakita kong walang tao, napagtanto kong siguro’y nasa library siya at nagtatrabaho.

Mabuti na rin. I don’t want an awkward interaction with him.

I sorted out all the clothes I have. Nilagay ang iba sa maleta na dala ni Genta para sa akin. Replied to some messages. Read some articles about me. Read most of the positive and negative comments, until I fell asleep.

Positibo ang gising ko kinaumagahan. Lalo na nang nakitang mukhang hindi naman natulog si Vince sa tabi ko. Walang gusot ang kama kaya naisip ko tuloy kung may kama rin ba sa library niya at doon na siya natulog?

Wanda sighed heavily when I entered the dining area. Hindi naman ako tinanghali ng gising pero dahil naligo at nagbihis muna ako bago bumaba, medyo natagalan.

The boys are out, probably for their project. Tanging si Genta, Andres, Cassandra, at Milo ang naroon. Aside from Wanda, of course.

“Kayong mga mag-aasawa, sana ay alam ninyo ang mga gawaing bahay para hindi na kayo mahirapan,” si Wanda sabay lapag ng mga ulam.
“Marunong ako niyan, Wanda,” si Andres sabay ngisi.
“May iba riyang halatang walang alam sa pagluluto o paghuhugas man lang ng pinggan.”

Kunot-noo akong tiningnan ni Cassandra. Pakiramdam ko’y ako ang pinaparinggan pero hindi ako natatamaan. I know how to cook a few dishes and I certainly know how to wash the plates.

“Masipag si Vincent kaya sana naman ay mapunta siya sa masipag ding babae at hindi banidad ang pinagkakabalahan sa buhay.”

Tumikhim ako. Ngayon, kumpirmado ko nang ako ang pinaparinggan niya.

“Marunong naman din po ako sa gawaing bahay,” sabi ko.

Sinipat ako ng matanda. Her eyebrows shot up and then she resumed pouring some soup on the bowl. Nilingon ako ni Andres.

“Don’t you have maids? You’re the daughter of a big time architect.”
“Meron kaming mga kasambahay pero natuto naman ako sa gawaing bahay.” My face heated remembering the reason why I’m so interested with household chores.
“Hindi lang iyan! Dapat marunong din maglinis, maglaba…” hindi na natapos si Wanda sa kanyang sermon.
“Ate Ganda, I am trying to wash the dishes, too. I can wash your plate if you want!” si Milo.

Tumawa si Andres at agad ginulo ang buhok ng anak. Genta’s just looking at their happy family. Ganoon din ako.

“Manang mana sakin, e,” then he kissed Cassandra’s ear. Tinulak siya ni Cassandra ng bahagya.
“This is going to be a nightmare if that happens, Andres.”
“Kanino pa ba magmamana ang anak natin?”
“I’d rather him immitate Vince,” si Cassandra.
“Hindi pa ba sapat na pareho sila ng pinopormahang babae?”

Umiling ako at nagtawanan kami. Bumalik si Wanda sa kusina at binalewala ang tawanan sa hapag.

Pagdating ni Amer ay nagpaalam na agad ako na lalabas lang kami saglit. Dinala ko si Genta bilang tulong na lang sa mga gagawin namin ni Amer. And because Amer won’t allow us to just stroll the town through commuting, nag-arkila siya ng isang van ng The Coast para sa aming lakad.

Una naming pinuntahan ang mga tianggi. Maraming pinamili si Amer na kung anu-ano. Ipampapasalubong niya raw sa mga trabahante at kasambahay nila. Namili rin siya ng mga pagkaing exotic kaya ginaya ko na rin.

For lunch, we went to a local barbecue stalls to eat.

My phone beeped. I saw Vince’s name flashed.

Vince:
Umalis ka ng bahay?

Crap! Crap!

Agad akong nataranta. Oo nga pala! Mahigpit na bilin niya sa aking h’wag umalis!

Ang sunod ay tawag na!

“Amer! Umuwi na tayo!” deklara ko.
“Oo, uuwi na tayo pagkatapos kumain. Kailangan ko na ring mag check out sa hotel para sa flight mamaya. May ticket na kayo?”
“Hindi ko alam. Kukuha pa ako…” natataranta kong sinabi.
Ngumiwi si Amer. “Ba’t para kang naiihi riyan? Anong nangyari?”
“Basta! Genta, ipasok mo na, please, ang pinamili natin sa van.”
“Sa hotel muna tayo para sabay na tayong bumalik sa inyo. Doon na ako manggagaling. Sasabay din naman ako sa inyo paalis, ‘di ba?”
“Oo! Oo na! Sige na! Basta, umuwi na tayo!”

Because I am panicking, wala nang nagawa ang dalawa kundi sundin ang sinabi ko. Umuwi na kami sa hotel ni Amer. My phone beeped again. Nasa lobby na kami ng hotel at kakatapos niya lang mag-impake sa kanyang room. Maraming nag che-check in kaya marami ring tao sa lobby. May iilang nakakilala sa akin at agad ding nagpapapicture. Pero sa totoo lang, wala na ako sa tamang pag-iisip dahil kay Vince.

Tiningnan kong muli ang phone.

Vince:
Nasa bahay ka lang? Why are you not replying or answering my calls?

I sighed and started typing.

Ako:
Yup.

Shit. Huminga muli ako ng malalim at tiningnan si Amer sa dagat ng mga tao.

“Matagal pa ba ‘yan?” tanong ko.

Pagod at balisa kong ginagala ang mga mata ko sa buong hotel hanggang sa nakita ko kung sino ang pumasok. Vincent’s hawklike eyes immediately drifted on the sea of people. With him is his Tito Solomon.

Holy crap!

I ducked and started walking away from Genta and Amer. Hindi ko na kailangang mag explain sa kanila ngayon. Kapag ayos na ako, pwede na akong mag explain mamaya.

Dahan-dahan ay umalis ako roon habang nakayuko. Nang nakawala sa maraming tao ay nilingon ko muli ang lobby at saktong paglingon ay siyang pagtatama ng mga mata namin ni Vince.

His expression immediately heated. His muscles strained and his eyes is cold. Nakita ko kung paano siya naglakad ng mabilisan patungo sa akin. I ducked and started walking away fast until I’m running!

Nasa labas na ako ng hotel, I sprinted so fast that I think my legs are starting to ache. Lalo na dahil buhangin na ang tinatakbuhan ko!

Isang marahas na hawak sa braso ko ay agad akong napaharap. But then the force I’m giving myself is too much dahilan kung bakit nadapa ako sa buhanginan habang hinihingal at pinagpapawisan. Dinaganan niya ako. I almost groaned when I felt his weight.

“Liar!” he accused me.

Tinulak ko ang kanyang dibdib nang daganan niya ako sa buhangin. Malayo sa the Coast at nasa gitnang distansya ng bahay nila at ng malaking hotel.

Kinuha niya ang kamay ko at mabilis na ipinako sa buhangin sa ulunan ko. Kumislot ako nang natantong ikinukulong niya na ako ngayon.

“I told you to stay! Ni hindi mo sinabi sa akin na aalis ka! Kung hindi pa kita naabutan doon, hindi ko pa malalaman!”
“Nakalimutan ko ang usapan natin, Vince. At isa pa, ba’t mo ako pagbabawalan, huh? Namili lang naman kami, ah? It is not as if I’m doing something weird!”

Hinihingal pa ako habang kumikislot, pinipilit na makawala.

Nanliit ang mga mata niya. Kitang kita ko na seryoso talaga siya sa gusto niyang iparating sa akin. But damn, I can’t take him seriously. Not now that he’s on top of me and he’s pinning me down like I’m a prisoner caught. At kung bakit talagang masyadong nagrereact ang katawan ko simpleng tama lang ng aming mga balat.

“If you’re not telling me what you’re doing, then you’re doing something weird.”
“Hah!” singhal ko. “Hindi ba ay nag-usap na tayo nito? Privacy, Vince! And this is part of its scope. May mga gagawin talaga akong pribado. Hindi mo kailangang malaman kaya dapat masanay ka na!”
“Anong pribado sa pamimili? Hmm?”

Nilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Iniwas ko agad ang mukha ko sa kanya sa takot na muli niya akong halikan.

“Ano ba, Vincent!? You’re so heavy! Get off me.”

He muttered a curse. Nanatiling ganoon ang posisyon ko, hinihingal, lahat ng pang-unawa ay nililipad na. And I definitely know why he’s muttering consecutive curses. When his body is pressed against mine like this, the initial reaction is just… goddamnit!

“Vince!” marahan kong sinabi sabay lingon sa kanya.
“One more funny business. One more, Eury, and you’re gonna regret it.”
“Bakit? Anong gagawin mo?” hamon ko.

He tilted his head. Bumaba ang mga mata niya sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay pwede na ring mag gisa sa mukha ko dahil sa sobrang init nito. I know exactly what he meant. Ang natitira sa akin ngayon ay ang aking pride! Dahil maging ang sarili kong katawan ay tinatraydor na ako.

His fiery kisses attacked me. At gaya ng dati, o higit pa sa nauna, mapupusok at uhaw ang mga halik na ito. It’s like we’re in the middle of an electric field. Shocks of electricity is everywhere and there’s 99% chance I’d get hit and tremble until I’m into pieces.

I moaned when I felt his tongue flick inside. He sucked on my lips and kissed me in all angles. His hand cupped my breast. Kahit na may saplot, alam kong nahanap niya agad kung saan ako mabilis magreact.

I stopped myself from moaning only to sigh heavily when he ran his thumb on my bud. Damn you! Damn you, Vincent Hidalgo!

Hinahabol ko na ang hininga ko nang bigla siyang tumigil at umahon. He pulled me to sit on the sand. I’m dizzy. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I am fully aware that they are plump and swelling because of his hot and desperate kisses.

“You and your lying mouth,” he whispered. “The next time, you are going to regret it so much.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.