Blown By The Wind – Kabanata 14

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 14

Kabanata 14
Care

“Nabalitaan ko kay Rod, totoo ba?”

Isang lalaki ang sumalubong sa sasakyan ni Vincent pagkauwi namin sa kanilang bahay. Ngayong nakadaan kami sa gate ng bahay, napagtanto ko kung gaano ka luma na ang bahay na ito. I would bet it is here for almost a century!

The rusty tall gates gates are covered with vines. It kind of reminded me of old castle gates in movies. At kahit ganoon ay nakikita ko ang iilang letra sa gilid ng mga barandilya. In slim old english, in a language for sure of his ancestors…

Naiwan ang mga mata ko roon hanggang sa lumiit ito sa paningin at napagtantong medyo mahabang byahe rin ang papasok mismo sa mansyon. Nang nakalabas sa sasakyan ay isang lalaking kasingtangkad ni Vincent, ngunit mukhang mas matanda ng kaonti sa kanya.

Kahit na nagtatanong sa kaniya ay bumaling ang mga mata nito sa akin.

“Hindi ka na dapat pa tumakbo rito pabalik,” Vince said in an equal tone.

The man smirked. Nilingon si Vincent pagkatapos ay umling na parang hindi makapaniwala sa ginagawa.

“Andres, this is Eury,” sabay lingon ni Vincent sa akin. “Eury, si Andres, Milo’s Dad.”
I smiled.
He saluted at me casually. “Hindi ba pwedeng Cassandra’s husband?”
Tumawa si Vincent. “Mag-ingat ka. Single mother ang pakilala niya sa mga kasama ko.”
Sumimangot ang mukha nito. Nagkasalubong ang kilay at pagkatapos ay binalingan ang dumadating.

Cassandra with a small morena girl walked out of the house. Mabilis kong nakilala ang babaeng nakaputing jacket, nakatali ang buhok at nakangisi na palapit sa amin.

Genta, one of Tita’s assigned P.A. for me is really here! I am not very dependent with P.A.’s pero kung may dala siyang pera ko ay pakiramdam ko’y masasalba na ako rito!

“Hello, Miss Eury!” bati ni Genta.
“Genta!” mabilis akong naglakad patungo sa aking P.A.

She’s a petite girl and a year younger than me. Madalas na gawain ng P.A. ko ay ang pag-aarrange ng schedule at pag dadala ng mga gamit. Kinakailangan ko lang siya tuwing may mga gig ako at hectic ang schedule. I did not bring anyone to Romblon because I traveled light. Ngayon naisip ko kung nagdala kaya ako, ganito kaya ang mangyayari?

Nakita ko kung saan dumapo ang mga mata ni Genta. Immediately checking out Vince, her jaw dropped subtlely. I rolled my eyes at that. I know that reaction very well. Hindi lang kasing-edad ni Vince ang naakit sa kanya, younger ones, and older ones would even shamelessly salivate. Damn him! Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya.

“Dala ko po, Miss, ang iilang gamit ninyo. Pati ang mga renewed cards ninyo ay dala ko,” anito bago bumaling sa akin.
“Talaga! Mabuti naman!”

Shit! I can’t believe I can now afford anything.

“You’re her P.A.?” si Vincent sa isang kaswal na tinig.
“Opo, S-Sir… Architect? S-Sir?” Genta blushed at her own confusion.
“By the way,” Cassandra interrupted. “A friend of yours is here, too, Eury. Kadarating lang niya rito kaya hindi ko nasabi kay Vince. He’s inside.”

Namilog ang mga mata ko. Sino naman kaya iyon? Maglalakad na sana ako papasok sa bahay nang bigla akong hinawakan ni Vincent sa palapulsuhan. The intensity of his grasp made me nervous a bit. Tila ba may dapat akong ipangamba.

“Sino, Cassandra?” mariing tanong ni Vincent.
In a confused face, Cassandra answered. “Amer daw ang pangalan.”

Kumalas ng bahagya ang hawak ni Vincent sa akin. He relaxed and then let me go. Kumunot ang noo ko nang nilingon siya. Andres’ eyes were on me curiosly for a moment.

“Papasok na ako sa loob,” sabi ko bilang paalam at tumulak na.

Nauna si Cassandra, kasunod kami ni Genta papasok ng bahay. Parehong sumunod naman si Andres at si Vincent sa amin sa loob.

Sa pintuan pa lamang ay nakita ko nang nakaupo si Amer sa isa sa mga antigong upuan sa sala. Wearing his usual all black attire, with a black fedora on his head. Pareho kami ng naging reaksyon. Binaba niya ang tasa bago tumayo at ako’y kumaripas na patakbo sa kanya para makayakap.

“How did you find me?” tanong ko agad habang niyayakap ang bestfriend.
He chuckled. “Nasa balita ang lahat, paanong ‘di kita mahahanap?”

Kumalas ako sa yakap at agad akong umirap nang nakita kung nasaan ang mga mata niya. Naroon agad sa taong nasa likod ko at natitiyak ko kung sino iyon.

“Long time no see, Vincent,” makahulugang ngumisi si Amer. Nilagay ang invisible na takas na buhok sa likod ng tainga at tumawa.
Tumango si Vince. “Nice to see you, Amer.”
Nilingon ako ni Amer. Ngayon ay puno na ng malisya ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako ngayon na narito siya o ano.
“Pagkatapos ng ilang taon at maraming nangyari, hindi ko inaasahang magiging kayo?” Nakita ko ang titig ni Amer sa akin, punong-puno ng tanong.

That question wasn’t directed at Vincent. It was for me. Nakita ni Amer ang reaksyon ko buong panahon na nandoon si Vincent sa amin. I collect all his flaws and issues and fuel my hatred. He saw that and now he couldn’t believe that the man I accused of a crime is just suddenly my boyfriend!

“Mag-uusap muna kami ni Amer,” diretso kong sinabi kay Vincent.

Ilang sandali niya akong tinitigan bago tumango. Nilingon ko si Cassandra na ngayon ay pinapalibutan na ni Andres. I suddenly feel awkward.

“Uh, can we use the veranda. I need to talk to my friend. I’m so sorry for the trouble.”
Umaliwalas ang mukha ni Cassandra, hindi pinapansin si Andres sa gilid niya. “Sure, no problem.”

Inutusan ko si Genta na mag-antay na muna sa akin sa sala. Inalok niya naman na tumulong kay Cassandra sa paghahanda ng tanghalian. Pumayag si Cassandra, she explained that Andres wants to have lunch outside. Magbabarbecue raw sila so they started setting it up.

“How did this happen?” paunang tanong ni Amer sa akin.

Sa baba ng veranda ay kung saan nagseset-up si Vincent at Andres ng paglulutuan ng barbecue. Genta and Cassandra started putting the table cloth for the rectangular table outside. Sa malayong dalampasigan ay nakita ko si Milo na tumatakbo patungo sa kanila.

“Mommy! Is Ate Ganda around yet!? Tito Vince is here!”
“Yes, Milo. She’s upstairs,” Cassandra said.

Tumingala si Milo at agad na nagtatalon talon nang nakita ako. I smiled.

“You’re so pretty, Ate Ganda! Mabuti naman at bumalik ka!”

Umamba pa itong tumakbo papasok ng bahay nang biglang pinigilan ni Cassandra.

“Stop it, Milo. Don’t disturb your Ate. She’s talking to someone. Later.”
“Okay lang, Cassandra!” I shouted.
Ngumiti si Cassandra at umiling. May sasabihin sana ngunit agad na iginapos ni Andres ang dalawa sa kanyang bisig. I saw her eyes gleam with anger as he looked at the man behind her.
“Come here, Milo. I’ll watch you swim while your Tito Vince will grill our lunch,” palusot nito sabay kalas sa yakap ni Andres.

Tumawa si Vincent at nagbigay ng bote kay Andres. Umalis si Cassandra kasama si Milo. Milo’s waving at me and I waved back.

“Where did you find him? I mean, how come ‘di ko alam? Hindi ba si Zander ang boyfriend mo? O for show lang din iyon?”

Huminga ako ng malalim. It is so hard to explain to him. Lalo na’t determinado akong sabihin sa kanya ang lahat. He’s probably the only person I trust enough to say everything.

“Your parents are asking me about it since last night. Hindi ako nakatulog kaya nagdesisyon ako na lumipad dito. Hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang bahay ni Vincent. I checked in at the Coast because I heard you’re here. Tapos nakita ko si Magenta sa lobby nagtatanong kung saan iyong tinutukoy na mansion ng mga Hidalgo rito kaya nalaman ko rin na nandito iyon.”

Nilingon ko si Amer. His eyes full of concern but not of what happened to me but of my haywired relationship.

“Alam mo namang ‘di nagtitiwala si Tito Ephraim sa lahat ng taong may koneksyon sa showbiz. And that’s including your manager. Kaya ako ang tinawagan para kumpirmahin ang lahat. They couldn’t contact you. I couldn’t contact you either. Where is your phone?”
“I left it at Romblon…” panimula ko sa mahabang eksplenasyon na mangyayari.

Lahat ng detalye ang sinabi ko sa kaibigan ko. When he realized what happened, he paled. Alam kong sa lahat ng maaaring kasinungalingan ko noon, si Amer ang tanging maniniwala sa akin ng walang pag-aalinlangan.

“Eury, did you talk to the police about this?” seryoso niyang tanong.

Nilingon ko kaagad sina Vince sa baba. Marami na silang naluto ni Andres. The way he picked the bottle up kind of bothered me. Something about his fluid movements. Parang tigre ang tikas. His built at par or more solid than Andres’ built.

“No. At first gusto ko. Pero pinigilan ako ni Tita Daisy dahil gustong makipag-areglo nina Hubert.”
“But the friends you’re talking about are dead! He killed them, according to the reports! He’s under prohibited drugs! Tinutugis na siya ng mga police ngayon!”
“All the more I’m scared to tell anyone about it. Paniguradong nagulo sila ng mga kaibigan niya dahil sa akin! Pakiramdam ko, may isa sa kanilang gustong umamin. The stylist, perhaps, because I think he’s not like them. And that was why he killed them! Paano kung ayaw niya talagang may makaalam kaya niya pinatay ang lahat ng witnesses?”
“But then you’re here! Killing them would only mean multiple counts of murder for him plus sexual harassment from you! Mas lalong naging kumplikado ang kaso niya pero… well… siguro he’s high when he did it.”
“You think he’ll come after me?” I asked, scared.
“This is why you have to go to the police and tell them.”
“Hindi kaya itinatago siya ng kanyang mga magulang, Amer?”

Marami akong takot patungkol dito. I just couldn’t voice it out properly. Si Amer lang ang pinagkakatiwalaan ko ng husto para sabihin ang lahat ng ito.

“According to the reports, pati na ang kanyang mga magulang ay pinapahanap siya. So I doubt it…”

Hindi ako nagsalita. Narinig ko ang marahas niyang mura.

“This is like your second life, Amore! My God! At dito ka pa talaga napadpad?”
I smiled weakly. I know, right? What a weird coincidence.
“Ngayon, anong balak mo? You have a Hubert issue but I doubt he’s in Manila. The case is too public na tingin ko’y mamumukhaan siya ng kahit na sino at agad siyang ipapapolice, bukod pa sa “Most Wanted” siya ngayon.”
“Hindi ko alam. I want to pursue it before it got complicated. Ngayong ganito na, natatakot lamang ako. And I also have a problem with Vince.”
“Alam niya ba ang nangyari sa’yo?”
Umiling ako at kinagat ang labi.
“He seriously didn’t understand how you got here?”
“Well, nagtatanong siya pero hindi ko naman sinasabi. We have some sort of agreement about privacy.”
Humagalpak bigla si Amer sa sinabi ko. My face heated, alam ko rin ang tinutukoy niya.
“You stalker, and did he buy it?”
“I think so…”
Umiling siya habang tinititigan ako. “Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala talaga. To clear his name, he wants you to pretend that you’re in love with him. When he doesn’t need to clear his name. His expertise is far more important than that vague part of his past!”

Ngumuso ako. Tumayo si Amer, his jaw clenched and his stubble is more defined. Sa pananamit pa lang at kilos, alam mo na talagang hindi kayo talo. I missed him. Kahit na ilang araw pa lang iyon, tila ilang taon na para sa akin. Sa dami ng nangyari.

“I don’t think people still think of him that way! But then, I don’t know. Maybe his colleagues and the other veteran Architects of his field still didn’t forget. Lalo na’t pareho sila ni Tito Ephraim ng mundong ginagalawan. Plus your mother almost pursued the case kung ‘di mo lang binawi.”

I groaned at the memory of how fucked up that is. Some inner psychotic in me is lurking somewhere.

“I did not pay for it enough so I agreed to this. Besides, sa dami ng issues ko ngayon kay Zander, I also need to defend myself. This is my way of it.”

Ngumisi siya habang matalim kong tinitigan. Lumapad pa lalo ang kanyang ngisi na pakiramdam ko’y may ibang kahulugan na.

“It is so weird that you drifted here, exactly in his home. I get that it’s a near death experience for you. I can imagine how terrified you were, Eury. Pero seryoso, napadpad ka talaga rito.”
Wala akong masabi. Maging ako man ay hindi maintindihan ang plano ng tadhana sa akin. If there is such a thing. Because I surely did not choose to be blown here.

Tinawag kami ni Genta nang handa na ang mga pagkain. Nagbihis na rin si Milo galing sa pagligo at kinandong na agad ni Andres sa harap ng lamesa. Sa kabisera ay si Vincent, sa gilid ay ako, si Amer ay naroon din katabi si Genta.

Wala ang ilan pang Engineer na kasama rito sa bahay. Ang alam ko’y naroon sila sa site at si Vincent ay absent dahil sa mga ginawa.

“Miss Eury, Miss Eury,” tawag ni Genta habang nakatingin sa malaking android phone niya. “Saan po ba ang bahay na sinasabi? Aalis ka na ba sa inyo?”

Nagkatinginan kami ni Amer. Napainom si Amer ng juice. Binaba naman ni Cassandra ang kanyang kubyertos habang nakakunot ang noo ni Andres.

Ang huni ng ibon at ang tunog ng mga dahon ng niyog na hinihipan ng hangin ang tanging narinig ko sa iilang sandaling katahimikan. Nilingon ko si Vincent, paniguradong alam niya ang tinutukoy ni Genta.

“Genta, bakit? Pwedeng patingin?” Cassandra extended her hand.
“Sige po. Eto po.”

Tumayo pa talaga si Magenta para ipakita kay Cassandra ang article na possibleng nabasa. Why am I just suddenly the center of attention in social media? Akala ko pa ay dahil sa issue ko kay Zander ngunit ngayon kahit wala na yata si Zander, ako parin ang pinag-uusapan.

Or is it because…

“You’re building a house, Vince?” Cassandra asked.

Halos mabilaukan si Andres sa narinig sa katabi. Natawa at nilingon si Milo na ngayon ay nagtataka sa mga reaksyon.

“Are you okay, Dad?” tanong ni Milo.
“Yes, baby. I just need some water,” patuyang sabi ni Andres sabay ngisi kay Vince.
“She’s used to a house,” paliwanag ni Vince na mukhang hindi iyon ang hanap na sagot ni Cassandra.

Cassandra closed her eyes for a moment and then looked at me. I wonder how weird is it to her? Kahapon ay umalis ako at sinundan ni Vince sa hotel. Pagbalik namin ay bumulusok na ang balitang kami na. Kung may sakit siya sa puso ay kanina pa siya inatake.

“I don’t really mind…” living with my parents house. For sure Vince will be furious if I said that. “…living in your condo.”

Ngayon si Amer naman ang naubo sa tubig na iniinom.

“Naku, Sir! Ayos ka lang po ba?” si Genta sabay kunot-noong tingin kay Amer.
Tumango si Amer at umiiling para magbigay ng assurance na ayos lang siya.
“So you’re moving in?” si Andres, nanunuya parin hanggang ngayon.
“She is,” sagot ni Vince para sa akin.

Napainom ako ng tubig. Silang lahat ay nakatingin sa amin ni Vince, tila tinatantya ang pareho naming reaksyon.

“Kailan naman ang balik mo ng Maynila?” tanong ni Cassandra.
Nilingon ko si Genta na ngayon ay hinihintay din ang sagot ko.

Pwede na naman talaga. May pera na ako. Plus, this is a heads up from my manager. I might be scared because of Hubert’s issue but the thought that the authorities are looking for him, I think I will be just fine.

“Kailan, Vince?” tanong ko sabay lingon sa kanya.
“Oh! Approval, huh?” Cassandra relaxed a bit and then smirked.

Uminit ang pisngi ko. Nakita kong ngumisi na rin si Amer, alam ang tinutukoy ni Cassandra.

“I’ll just settle Andres’ project here bago tayo aalis,” sagot niya.
Tumikhim si Amer. Oh God, do they have to point out everything. Alam kong awkward na, mas lalo pang nagiging awkward.
“So you won’t monitor it till the end? Ang ibig kong sabihin ay hindi ka maghihintay ng isang buwan dito?” si Andres.
“It’s fine if you stay, Vince. I have shoots coming and some project endorsements for Astra so I need to go back to Manila probably by next week,” bawi ko.
“Hindi. Sasama ako sa’yo. Rod will inform me of the progress, anyway. They can do it without me.”
Pumalakpak si Amer, hindi na naitago ang excitement na kanina ko pa nakikita sa kanya. Umiling naman si Cassandra habang nangingiti.
“Saan pupunta si Ate Ganda at Tito Vince, Daddy?” si Milo. He pouted as he waited for answers.
“Tito Vince is taking Ate Ganda away, baby. Ate Ganda is Tito Vince’s girlfriend!” si Andres.
“Andres, ‘yong bata!” saway ni Cassandra.
“What?!” pasigaw na sabi ni Milo sabay talim ng tingin kay Vince.

Nagtawanan sila. I smiled and at the same time feel bad for Milo.

“But I found her first! Ako ‘yong nakakita sa kanya sa bangka! Tito Vince!”
“You’re still a kid, Milo. Your tita is a grown woman. Mas bagay siya sa akin.”

Oh, damn him!

Vince smirked mercilessly at his nephew. Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Milo habang tinititigan ang kanyang Tito.

“Milo, bibisitahin naman kita rito,” kahit na hindi ako sigurado roon. “Or we can see each other in Manila if you want.”
“Sa room mo na nga natutulog si Ate Ganda, Tito, tapos you’re taking her now?”

Cassandra groaned. Tinampal ang braso ni Andres at tumayo para aluin ang anak. Tumayo rin ako para aluin si Milo. Vince did not seem to mind Milo’s threats at him. They were so close and yet he’s so cruel to him? Panay naman ang kumbinsi ni Andres sa anak na susuntukin niya mamaya si Vince kapag ‘di na nakikita ng Mommy Cassandra niya.

Ilang sandali ay tumulong naman si Vince sa pag-alu. May binubulong siya kay Milo ngunit sumisimangot lamang ito, hindi kumbinsido sa kahit anong offer ni Vince sa kanya.

Umabot pa ng kung anu-anong offer bago tuluyang nakalimutan ni Milo ang lahat. Sumama pa si Genta sa kay Cassandra patungong dalampasigan.

“I can’t believe you did that to your own nephew!” sabi ko sabay lingon sa kanya.

Tumulong ako sa pagliligpit ng gamit. Lalo na dahil abala si Cassandra sa kanyang anak, tanging ako lamang at si Vincent ang gumagawa ng gawaing iyon. Si Amer ay sitting pretty lamang sa hapag sa labas, hindi sanay sa gawaing bahay.

“Better than getting his hopes up,” paliwanag niya sabay ngisi.

Mabuti na lang at hindi na nagtantrums si Milo pero bukod doon ay marami pa akong issue sa kanya. Tinalikuran ko siya at tiningnan ang mga pinggan. I turned the faucet on so I can start washing them.

“And look at what you’ve done! Headlines na naman ako! Sa offer mong bahay na paniguradong galing kanina sa ospital! Hindi pa nga humuhupa ang balita sa interview ko kagabi, meron na naman?”

Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig lamang siya sa akin. Tilting his head, he looked at me with serious smoldering eyes. I stiffened. Nakalimutan ang mga sinabi ko at ang mga sasabihin ko pa dapat. Kamuntik ko nang nabitiwan ang pinggan at napamura ako dahil doon.

“Hindi ba iyon naman talaga ang gusto natin?” tanong niya. “I bought you a phone. Pinabili ko kay Andres sa Iloilo. And some things you might need. It’s in our room.”

Lumapit siya. Nanginig ang binti ko, hindi na siya nililingon.

Muntik ko na ulit na mabitiwan ang isa pang pinggan. Hinawakan niya iyon para sa akin. His iron-clad forearm almost snaked around my waist. Nakahawak sa pinggan habang siya’y nasa aking likuran.

“I can do i-i-it!” presinta ko para tumigil na siya.

Ang galing niya talaga sa mga ganito! Palibhasa playboy! He probably fucked the entire hot woman architect and engineers of the entire Philippines. At hindi lang iyon, panigurado!

Naisip ko rin na dahil lang sa nangyari kagabi? Fuck! He thinks I’m a woman now because he felt me? Kinailangan niya pa talaga ng ebidensya para roon! Hindi man lang naisip na hindi na ako fifteen at lalong ‘di na ako tulad noong dati? I am not as fucking obsessed with him. Not as jealous and as confused as I was years ago!

“I can cook for us and you can wash the dishes,” he said huskily.

Pumikit ako ng mariin. Nanginginig na ang kamay ko habang iniimagine ang tempting niyang offer.

“I can cook, too. A-And wash the dishes. I can live alone,” agap ko.
“But you’re moving in with me so I’ll take care of you,” he stated.

Padabog kong binaba ang pinggang hawak at nilingon siya. Kung wala lang sabon ang kamay ko, kanina ko pa siya pinagtutulak. At bakit ba concern pa ako na masasabunan ko siya? Pwede rin naman iyon, ah? Dapat wala akong pakealam!

“Take care of me? Tulad ng ipinapakita mo sa akin noon? Na ikaw ang bahala sa akin pero sa huli malalaman ko na ang dami mo palang babae?!”

You foooool!

Namilog na ang mga mata ko sa biglaang sobrang galit.

He tilted his head. His jaw clenched. His intense stare at me made my legs soft like jelly. Parang gusto kong mahimatay sa titig niya. He looks armed and dangerous. He looks like he could wreck anything if he wants it. The veins of his arms looked strained. Napalunok ako.

“How do you want me to take care of you when you’re still fifteen, Eury? Hmm?”

Shit.

Inangat niya ang aking baba. Lumapat na ang aking kamay sa kanyang dibdib para pigilan siya ngunit imbes na ganoon ay nagusot ko lamang ang damit niya sa pagkakakapit ko.

I have been kissed by Zander. Parehong inosente at maiinit na halik. Ngunit sa halik ni Vince ngayon, para akong mahihimatay.

His kisses were poison to my system. Unang lapat ng labi ay kumalat agad sa akin. When his tongue flicked inside, a soft moan escaped me. When his lips sucked on mine, halos mapaluhod na ako. Sinalo niya ang katawan ko. He snaked his arm around me, trying to get a hold of me before I turn into liquid.

The sound of his deep kiss and the way he took my hand from his chest down to his abdomen made me feel so much. The way he pushed me on the sink like he couldn’t stop or nothing will ever be enough for him to have his feel made me a bit furious.

I fisted and pushed him away. Fuck him! Hinihingal ako nang natigil ang halik. Mapupungay pa ang kanyang mga mata at ang tanging naramdaman ko ay ang pagkapahiya.

Bakit ang mga babae niya noon ay hinahalikan niya ng mabuti. Hindi ganoon. Hindi uhaw. Bakit kaya niyang halikan ang mga iyon ng malambing at punong-puno ng adorasyon at ngayon ‘di niya magawa sa akin? He’s like an animal thirsty and I’m like an oasis in the middle of the dessert!

Hinawakan niya ang sink sa magkabilang gilid ko. Locking me in his arms and subtlely announcing his territory.

I glared at him with so much hate in my eyes. But this… is not the same hate I projected years ago. This is a different kind of hate. Something that’s rooted within me. At wala akong magawa kasi hindi ko naman siya mapipilit, ‘di ba? Lahat naman yata ng lalaki, iyon ang habol sa akin, e. And he’ll never be an exception no matter how he tried to take care of me years ago!

“Hindi pwedeng ganito kita alagaan noon, Eury,” mataman niyang sinabi. “You were so young-”
“I said I’m a woman now!” iritado kong sigaw.
He sensually bit his lower lip. Marahan siyang tumango. “Yes.”

His eyes looks so dangerous. A predator ready for his prey. Bakit kahit na umahon ang dating hinanakit ko sa kanya ay hindi ko parin maiwasan ang pagkakamangha sa kanya.

Nilagay niya ang noo niya sa aking balikat. His breathing reached my chest caressing my skin with every hot exhale.

He kissed my collarbone. Napapikit ako. Kung ‘di lang ako nakasandal sa sink ay nabuwal na ako sa kinatatayuan.

“The gap that stopped me before seems like nothing now,” he whispered.

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Kaya na kitang alagaan. Sa parang gusto mo. At sa paraang gustong-gusto ko,” bulong niya habang tinititigan ako.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

4

Comments are closed.