Blown By The Wind – Kabanata 13

July 24, 2017 By In Blown By The Wind Comments Off on Blown By The Wind – Kabanata 13

Kabanata 13
Scene

We did not have a peaceful night. Nagtagal kami sa dalampasigan habang panay ang paulit-ulit na tawag ni Tita sa akin. Ang nasa kabilang sofa na mga media ay paniguradong limpak-limpak ang nakukuha dahil tunay na malaking scoop ito, especially that it concerns Zander.

“Galing din bang Romblon ang P.A. na hinihintay mo?” Vince asked pagkatapos ng pangatlong tawag ni Tita.

Parang may natapong malamig na tubig sa aking tiyan nang tanungin niya iyon.

“Hindi,” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

I manipulated his phone. Marami itong natanggap na texts kanina at purong teknikal ang nababasa kong laman. I wonder if women text him at night? Well, I kind of see names of women in his inbox but I dared not to open it. Lalo na’t ganito kami kalapit at nakikita niya ang mga ginagawa ko.

“Eury Saniel of Astra, happily in love but not with Zander Mendez…” the headline of an article flashed on a popular showbiz blog.

Mabilis talagang kumalat ang balita. Multiple videos about the exclusive interview were released pero hindi ang lahat. Dalawang tanong lang iyon, siguro’y nirereserba ang buong detalye sa isang palabas.

“Where are the people you’re with in Romblon? Hindi ba sila nag-alala sa kalagayan mo?”

Shit!

Binaba ko ang cellphone para harapin si Vincent. Nang nagkatinginan kami, nakita kong determinado siyang makakuha ng sagot. Nananantya at naghahanap ng mali sa maaaring sasabihin ko.

Reporting it to the authorities right now would only cause me trouble. Lalo na sa nangyari sa mga kaibigan ni Hubert. The news about them is still always aired on TV. Mas lalong magkabuhol-buhol ito kung sasabihin ko ang kalagayan ko. I need to seek legal help and I know exactly where to get that.

“Well, I don’t know. They’re in Manila.”

Napakurap-kurap ako. His lips protruded. I can sense that he is not buying this. I can also sense that he’s thought about this too much.

“Hindi ka man lang nila hinanap? Hindi ka naireport sa police?” Nanliit ang mga mata niya.
“Vince, can we talk about this some other time? Inaantok na ako,” sabi ko.
“Why are you so vague when it comes to this?”

Umahon ang matinding kaba sa aking puso. Alam ko kung ano ang estado naming dalawa. Alam ko rin kung bakit ko ginagawa ito. Pero hindi namin dapat pwedeng kalimutan na pareho lamang kaming nakikinabang sa sitwasyong ito. And his only motive is to clear his name. Bakit pa namin papakealaman ang issue ng isa’t-isa?

“Wait, wait, wait…”

Bahagya akong lumayo sa kanya. Nakita kong dumaan ang iritasyon sa kanyang mga mata.

“May mga bagay na hindi na natin pa kailangang panghimasukan sa isa’t-isa.”

Wow! I can’t believe I’m saying that. Kakaibang ligaya ang naramdaman ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil noon pa man, nanghihimasok na ako sa kanya. At ngayon, nararamdaman kong siya ang tila may gustong manghimasok sa mga ginagawa ko na hindi na dapat pwede. The pleasure I’m feeling while I’m rejecting him right now is just funny.

“Let’s draw the line here, Vince. Let’s face it. We’re both gaining from whatever this is and that’s it. Dapat ay alam natin na may limitasyon tayo sa isa’t-isa.”

Nanatili siyang nakatingin sa akin, iritado at nagtitimpi. I smiled inwardly. Feeling successful for whatever reason.

Kung noon ay para akong mamatay kung ‘di ko alam kung anong nangyayari sa buhay niya, o kung ‘di ako makekealam sa kanya, ngayon, iba na.

“I’d like to keep my privacy. Hindi naman talaga tayo totoong may relasyon kaya bakit tayo manghihimasok sa buhay ng isa’t-isa, hindi ba?”
“Simple ang tanong ko. I don’t think it will hurt the privacy you are talking about,” hamon niya.
“Well, it hurts my privacy,” matapang kong sinabi. “We both should maintain the privacy we have for each other. Besides, hindi naman talaga tayo totoong magkarelasyon kaya para saan pa, hindi ba?”

Umangat ang gilid ng kanyang labi at ilang sandali siyang tumitig. The fire in his eyes spoke of danger. Bigla kong naalala iyong painting sa dingding ng kanilang dining area. His ancestors sure looked rough and reckless, but his roughness and ruthlessness seems to be above them all. Hindi ko alam kung dahil ba nasanay siya sa isang buhay na hindi marangya o talagang ganito na siya.

“Kung iyan ang gusto mo,” malamig niyang sinabi.
Napakurap-kurap ako. Well, that was a quick decision. I thought he’s gonna fight for his right.
“I’ll escort you to our suite,” aniya at tumayo.

Nagulat ako ngunit agad ding nakabawi. Tumayo na rin ako at sabay na kaming umalis doon. Binati ko at nilagpasan lamang ang media na nadaanan namin at tahimik na kaming umakyat sa tamang palapag.

I know that he’s watching me as I move silently beside him. Ayaw kong magsalita. I am content with the silence. Especially now that his choice of topic is not something I want to tell him.

I opened the door of our suite. Nang nakapasok ay agad akong nakaramdam ng pagkakabalisa. We’re sleeping in that damn large bed together? Palapit pa lang ako sa kama ay nilingon ko na siya. Nagkatinginan kaming dalawa.

A knowing smirk is plastered on his lips. Nilingon ko ang sofa na paniguradong kasya ako, pero hindi siya. Kaya ako dapat ang matutulog doon.

“Sleep there, I’m gonna meet someone tonight,” aniya nang natanto kung anong bumabagabag sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. Meet someone later tonight? At sino naman iyon? Nag-ekis ang aking mga braso at mataman ko siyang tiningnan. It is okay when we’re meters apart, I can play the intimidating person. Pero kapag nakalapit na siya, the expanse of his built just always break all of my confidence.

“Meet someone tonight? Sino?”

His lips pursed. I know immediately what he’s thinking. Oh, Eury, you fool! Akala ko ba wala ka nang topak pagdating sa kanya? Bakit parang walang nagbago? Hindi ba ay nagkasundo na kayo na walang manghihimasok!?

“O-Of course I don’t want the media to talk about me behind my back saying I’m so in love with this famous playboy Architect pero ang playboy Architect na ito ay may kabit!”

Jesus, Eury! Get a hold of yourself!

Tumaas ang isang kilay niya. Nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi. Tumalikod siya para buksan ang ilaw ng isang lampshade habang ako’y nakaharap at medyo umaalon ang dibdib sa bawat bigat ng hininga.

Pinaypayan ko ang sarili ko. Calm down, Eury. Calm the fuck down, okay. I don’t think people will judge him that quickly! But damn, he’s a known for being a woman magnet. Hindi na kailangang magsikap sa kahit ano.

Nilingon niya ako. Isang kilay parin ang nakataas. Tumuwid ako sa pagkakatayo at nakabawi na sa biglaang iritasyon. I tilted my head to show that I am just challenging him. Naglakad siya pabalik sa kung saan ako ngayon.

“I thought we just talked about our privacy, kid,” aniya sa mapanuyang boses.

Napasinghap ako. Lahat ng init ay napunta sa aking mukha. I feel so humiliated everytime he calls me that. I remember how I just try to stalk and look at them from afar. Sa hamba ng pintuan, habang nagtatawanan at nag-iinuman sila ng mga kapatid ko at mga kaibigan nila. I remember how awful I feel everytime.

Kinain ng mga hakbang ko ang distansya namin. I saw his eyes widened when he saw me aggressively walking towards him. The memories triggered my frustration.

“I am not a kid!” sigaw ko sabay turo sa kanyang dibdib. “I may be when I was sixteen, but definitely not now that I’m twenty-three!”

He captured my hand. Nakita kong pumungay ang mga mata niya. Kumalabog agad ang dibdib ko nang naramdaman ang diin sa kanyang kamay. He stretched my arm at mabilisan akong sumubsob sa kanyang dibdib! My chest got squished on his. Naglakbay ang elektrisidad galing sa aking dibdib patungo sa batok at pakalat sa aking katawan.

Oh, damn! Damn him!

His lips curved into a slow smile. Pilit kong binabawi ang kamay ko para makawala sa kanya ngunit pinalupot niya ang isang kamay sa aking baywang. He caressed my waist horizontally at para na akong magdideliryo sa nararamdaman.

I felt the tip of me conquering the foamless brassiere he’s allowed me to wear. Alam ko kung bakit siya nakangisi ngayon. This is so fucking unfair!

He bit his lower lip trying to hide that sensual smile. Mas lalo niya akong idiniin sa kanyang dibdib, squishing me more on his chest.

“Bitiwan mo ‘ko, Vince!” and since when did my voice became so sweet? Damn him! Damn fucking him!
“Yeah, you’re right,” he whispered on my ear.

Halos iiwas ko ang leeg ko sa kiliting hatid ng kanyang hininga. He crouched lower so he could whisper nearer.

“You’re not a kid anymore.”

Binitiwan niya ang kamay ko at agad akong umurong para lumayo. I hate him with a passion. And I’m attracted with him in an equal or even more passion. Damn!

“Matulog ka na. Bababa ako para makausap ang isang kaibigan ni Tito Solomon. Don’t worry, he’s an old man-”
“If it’s not, please know that it is okay. Tama ka at pareho tayong dapat may privacy-” agap kong pinutol niya agad.
“H’wag mong gawing paraan iyan para makipagkita ka rin sa ibang lalaki, Eury. I am not seeing other girls and you will not see any boy, as well. Not even your ex. Hindi ngayong narito tayo at lalong hindi pag-uwi natin ng Maynila,” his tone is full of authority.

Wala akong nagawa kundi kumurap-kurap. Nagulat ako sa kabuuan ng kanyang boses. The danger of his tone and the expanse of his chest trying to overshadow my whole body. Nanuyo ang lalamunan ko at nawalan ako ng lakas para magsalita.

“Now will you please sleep. We’ll talk tomorrow. You need to rest,” aniya.

Tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at muli ay binalingan ako.

“I’ll get this call and go. Matulog ka na.”

Ilang sandali akong nanatiling nakatulala kahit nakaalis na si Vincent. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. Sinapo ko agad ang noo ko, hindi kinakaya ang pagkakapahiya sa harap niya.

Nang nakalma ko na ang sarili ko, hindi ko maintindihan kung susundan ko ba ang mga balita sa TV o iisipin ng husto ang mga nangyari sa araw na iyon.

Habang walang balita, nanatili ang tingin ko sa lampshade habang naiisip kung gaano talaga ako katanga pagdating kay Vince. Hindi kaya maling desisyon ang nangyayaring ito sa gitna naming dalawa ngayon?

And I also deeply wonder how the heavens have conspired too much so we could meet here. Kung hindi kami nagkita ngayon at nagpatuloy ang buhay ko, ano kaya ang nangyari? I wouldn’t agree with Zander’s offer. Everyone will find out about us eventually. And will Vince continue to be a great Architect and a notorious playboy bachelor in the Metro?

Nakatulugan ko ang lahat ng iniisip. Ni hindi ko na nahintay ang mga balitang inaabangan.

Ang sakit sa mga paa ko’y nanunuot. Ang hapdi roon dahil sa mga matatalim na sanga ng mga puno at halaman ay hindi pwedeng baliwalain.

The screeching sound of my dress when it got torn by a branch filled my ears. Hinila ko ito ng buong lakas at napatili nang dumalisdis ako sa halamanan dahil sa biglaang pagkahila ng damit. Tumayo muli ako at mabilis na tumakbo patungo sa bangka.

Ang hapdi sa aking paa ay mas nadepina nang nanuot ang tubig-alat sa aking sugat. But unlike the familiar scene to me, imbes na makasakay ako sa bangka ay may humila sa aking braso.

“Bitiwan mo ako!” I screamed.

Pawis at mabilis na pintig ng puso ang inabot ko. Naiiyak na ako sa takot nang sa isang iglap ay dumilat ako. Mabilis akong bumangon at agad na umatras dahil sa takot galing sa panaginip.

Vincent’s fiery eyes told me that he’s been trying to wake me up from that hell of a dream!

Bumuga ako ng hininga at nilingon ang bintana sa ‘di kalayuan at nakita sa likod ng kurtina na umaga na. I glanced at Vince again, trying to calm myself down. He looks concerned as he silently stared at me.

Niyakap ko ang tuhod ko. Ang lamig sa aking mukha ay naramdaman ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba iyon sa panaginip o dahil sa takot ngayon na magtatanong siyang ulit.

Lumunok ako at ilang sandaling hindi huminga bago pinakawalan ang hangin sa isang bagsakan. Unti-unti akong nakabawi galing sa panaginip. Nanatili namang titig si Vince, his hair a bit damp from the shower, his upper body exposed and the only thing that’s covering him is a white towel.

Tumayo siya. Ang basa sa parte ng kamang inupuan niya kanina ay nagsasabing nagmamadali siyang lumabas na nakalimutan niya nang magpunas ng maayos. Pinulot niya ang kanyang cellphone sa bedside table at tahimik na nilagay iyon sa kanyang tainga.

Natulala ako sa bed sheet. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya gayong wala naman siyang sinasabi sa akin.

“Dr. Fuentebella, paumanhin sa maagang tawag…” Vince trailed off.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He combed the hair on his nape using his fingers. Ang tubig galing doon ay bumaba sa kanyang likod. The massive expanse of his muscular back made my thoughts drift from terror to an unknown realm. Pumikit ako ng mariin at kinusot ang mga mata.

“I will book an appointment this morning. I want a complete check up with her.”

What? Muli akong nag-angat ng tingin kay Vince. Nagtama ang tingin naming dalawa. His eyes are filled with a warning. Alam niyang magpo-protesta ako.

“Okay. Dalawang oras ay darating na kami. Maraming salamat, po.”

Then he put the phone down. Magsasalita na sana ako upang pigilan siya sa ginawa ngunit pinulot niya naman ngayon ang telepono ng hotel.

“I want our breakfast served in our room, please,” he said coldly. “Thank you.”

Nang wala na siyang kausap ay bumaling na siya sa akin. His eyes are still hooded and ruthless.

“Bakit ka nagpabook ng appointment sa doctor?” tanong ko.
“Your check ups last time are not enough. I want you thoroughly check at ang tamang lugar para diyan ay ang ospital,” aniya.

Gusto ko pang makipagtalo pero natatakot din akong tama siya. Bukod pa sa ayaw ko nang makipag-away sa kanya sa parteng ito dahil alam ko kung saan patungo ang away kung sakali.

He smells like aftershave, musk, and mint. Nasa harap kami ng isang maliit na round table malapit sa veranda ng aming suite ngayon. Nilingon ko ang kama na sa banda ko lang magulo. I then wonder if he slept there. O baka naman nagsinungaling siya kagabi at hindi naman talaga lalaki ang kakita niya?

Umahon ang iritasyon sa aking pakiramdam. Nilingon ko siya at naabutan kong nakatitig siya sa akin habang may kausap ulit sa cellphone.

Mabilis agad akong tumuwid sa pagkakaupo at binalingan na ang pagkain.

“Rod, ikaw na muna ang bahala riyan…”

Nagsimula na akong kumain habang siya’y may kausap. Habang ngumunguya ay naglakbay ang paningin ko sa kanya. He’s now clothed with a white t-shirt and jeans. Nagbihis siya kanina habang naliligo ako sa loob ng bathroom.

Pumikit siya at hinilot ang sentido ng ilang saglit.

“Alam ko. Gusto ko sanang tapusin. I will assure him I’ll monitor, don’t worry. I don’t think he’ll last long, anyway. Uuwi na iyon…”

Hindi ko alam kung bakit biglaan siyang naging concern sa kalusugan ko. Did he think that I’m going crazy for having a nightmare? Nang naalala ko ang panaginip ko’y medyo kinabahan ulit ako.

Hindi ako nagsalita nang bumaba na kami ng hotel. Suot ang isa sa mga damit na binili niya’y tahimik akong naglakad sa gilid niya.

Sometimes, I’m not sure if people are looking at me because they find me familiar. Or… siya ang tinitingnan ng mga ito.

“Hindi ko alam na nakauwi ka pala, Vince,” an old man from the staff of the hotel said.
Ngumiti si Vince at binalingan ang matanda. “May ginagawa po akong proyekto sa Caticlan. Dalawang linggo pa lang ako rito.”
Tumango ang matanda at bahagyang tumingin sa akin. “Iyan ba iyong ipinakiusap ni Andres na proyekto?”
Tumango si Vince.
“Naku! Kaya naman pala at kampante siyang umalis. Ikaw naman pala ang nagdisenyo.”
“Uuwi na rin po si Andres.”
Makahulugang ngumisi ang matanda. Isang tango ni Vincent ay nagpaalam na rin ang matanda sa amin. Sumulyap muli sa akin bago kami umalis.

Tahimik akong sumunod kay Vince patungo sa parking lot ng hotel. He fired the alarm of a large Chevrolet pick-up. He opened the door for me, before I could argue, I entered and slid inside.

Iginala ko agad ang mga mata ko sa buong sasakyan. I’ve known him as a commoner in the metro before. And based on his credentials, he is damn able to afford even luxury cars. Kung hindi siya tinanggal ni Daddy sa firm, baka rin hindi niya makuha ang lahat ng ito. Umismid ako sa naisip na iyon.

Tahimik kami buong byahe, hindi naman kalayuan ngunit masyado siyang abala sa mga tawag. Maybe because he’s late for work? I’m not sure.

“Iiwan kita saglit sa ospital. Babalik din agad ako nang ‘di pa natatapos ang check up mo,” aniya nang nasa harap na kami ngayon ng clinic ng doktor na tinukoy.

Kanina ko pa napapansin ang bawat mga matang tumitingin sa amin. Hanggang ngayon, hindi parin talaga ako sigurado kung ako ba ang tinitingnan o si Vince. Nakita kong may iilang nurse ang napasinghap nang dumaan kami roon habang tinitingnan si Vince. Is he some kind of celebrity in this town? Bakit parang interesadong-interesado ang mga tao sa kanya?

“Okay, I’ll pay for eveything when my P.A. arrives,” sabi ko.
“Kung hindi pa ako nakakabalik, manatili ka muna sa clinic,” sabi niya nang binabalewala ang sinabi ko.

Lumabas ang isang nasa gitnang kwarentang nurse at ngumiti kay Vince. Ang kulot-kulot at takas na buhok ay itinago niya sa likod ng kanyang tainga at tipid muling ngumiti nang balingan ni Vince.

“Magandang umaga, Vince. Ito ba ang itinawag mo kay Doctor Fuentebella?” tanong ng babae.
“Oo, Gene. Thank you for assisting.”
“Walang anuman. Trabaho ko ito,” sabay ngiti muli ng babae.
Vince nodded and looked at me. Muli ay nilingon niya ang babae. “Maiwan ko na muna kayo.”

Well, I assume that he is indeed a celebrity in this town. Oo nga naman at kahit sa Maynila ay nilalagay siya sa isang pedestal ng mga nasa kanyang linya.

Pinaupo ako ng nurse sa isang silya. Mukhang hinihintay pang maging available ang doctor kaya habang hindi pa available ay pinagfill-up niya ako ng form para na rin siguro sa records. While I’m filling it up, she couldn’t stop talking to me.

“Swerte mo kay Vincent, hija! Ikaw ba ang girlfriend niya?”

Kasusulat ko pa lang ng pangalan ay may tanong na ang nurse. Hindi pa naman ako magaling sa mga tanungan lalo na kapag multi-tasking na ganito.

“Ah! Opo,” mabait kong sagot.
“Naku! Bali-balita na magaling daw iyan,” she blushed.
Nanliit ang mga mata ko.
“Sa… pagdidisenyo. Sikat na siya bilang arkitekto abroad! Walang duda, mana siya sa tatay niya.”
Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagfifill-in. Age: 23. Status: Single? Citizenship: Filipino.
“Hindi ko alam na naggi-girlfriend pala ang lalaking iyan. Akala ko’y sa sobrang taas ng standards ay wala nang makakapasa…” pinasadahan ako ng tingin ng nurse.
What the hell? What does that mean? I have never been doubted by anyone!
“Well, maganda ka naman.” Nanliit ang kanyang mga mata. “Parang nakita kita sa TV.”

Natutop niya ang kanyang bibig ilang sandali ang nakalipas. Binawi niya sa akin ang papel na ibinigay at may binasa roon. Pagkatapos ay bumaling muli sa akin.

“Eury Saniel? Ikaw iyong isa sa Astra?” she asked.
Ngumiti lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact.
“Ang swerte mo, hija! Saan ba kayo nagkakilala ni Vincent?”

Oh God! I thought the interview portion is done? Not here!

Mabuti na lang at lumabas na ang doktor. Natigil sa pagtatanong ang babae at tinawag na ako sa loob. The doctor is professional. He did not question anything about me and Vincent. Imbes ay nagsimula na siya sa mga abiso sa akin kung saan pupunta para sa mga tests na kung anu-ano.

It’s a relief that I’m out of his clinic for some tests. Kumportable din akong escortan niya sa loob ng ospital para lang maigiya sa mga tamang lugar.

Iilang mga nurse ang nakakakilala sa akin. May ibang hindi. May ibang kilala lamang ako bilang “girlfriend ni Vince.” I can’t believe that he’s such a big person in this town that everyone seems to care about his relationship and whatnot.

“Ilang buwan na ba kayo ni Vince?” isang kasing edad kong nurse ang nagtanong.

Seriously? Do they stop asking me questions? I refused to answer that. Isa pa, wala pa kaming napag-uusapan ni Vince tungkol sa mga ganoong detalye.

Pagkatapos ng lahat ng tests ay nasa labas na si Vince ng clinic. I started walking towards him to explain that I’m gonna pay for everything. Lalo na’t nakita kong umabot sa limang digits ang babayaran. I know it must be a few cents to him but I’ve been such a burden for the past days.

“Vince, I need to contact my manager and ask her if my P.A. is already coming,” pauna ko.
“She’s at home with Cassandra,” sagot ni Vince.

Nagulat ako roon. So I can pay him.

“Good! I will either wire transfer some of my money on your account or-”
“There’s no need for that, Eury.”

Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang pagkakahawak niya sa kamay ko o ang pagbabalewala niya sa sinabi ko.

“Look, I understand that you earn so much more than what I earn but let me pay for my expenses. I earn, too. Diyan patutungo ang pera ko. You just paid for my hotel expenses and that room costs a lot already. Ayaw kong magkautang sa’yo.”

Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa paghihila sa akin palabas ng ospital.

“Dr. Fuentebella will send me the results so it’s okay if we won’t visit here to claim it,” aniya obviously ignoring my predicament.
“Naririnig mo ba ako, Vincent? Sabi ko, babayaran kita lalo na’t may P.A. na ako sa bahay mo.”
“No need, Eury.”
“Babayaran nga sabi kita, Vince!” tumaas na ang tono ko sabay hila sa kanyang kamay para makuha ang buong atensyon niya.

My hand slipped on his. He stopped and turned to me. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagkakatigil ng ilang empleyado habang nakatingin sa amin. Great! Nakikitsismis na ang lahat.

“I offered you a damned house, you think this will cost me much? Come on, let’s not fight over your hospital bills, Eury,” mahinahon niyang sinabi.

Uminit ang pisngi ko. Imbes na magreklamo pa’y gusto ko na lang kainin ng lupa. Did he just declare it to everyone listening? What the hell?

“Umuwi na tayo. Huwag na nating pag-awayan ulit ito,” aniya at muling hinagilap ang aking kamay at hinigit na ako palabas.

I ducked my head when I realized that people are taking our pictures. I heard some of them sighing and muttering curses. Nanghihinayang sa pagkakatali ni Vince.

“You’re causing a scene, Vince! Damn it!” I whispered. “And for sure ibabalita na mamaya na inalok mo ako ng bahay!”

He opened the shotgun’s door for me. Hindi pa ako pumapasok. I glared at him. He sighed and put his hand on the car’s roof. Ang isa’y nasa pintuan ng sasakyan. He tilted his head as he watched me, eyes full of concern. He licked his lower lip and pursed it.

“Totoo naman iyon. So what if it spreads?”

Mas lalong tumalim ang titig ko sa kanya.

“Get in before we cause another scene here,” he said.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.