Whipped: Entice (Alegria Girls Series #1)

Story Written: 2015

Entice Ralene dela Merced Esquivel owns Alegria. Siya ang spoiled brat ng mga dela Merced. All her whims, laging nasusunod. Lahat-lahat. Kaya hindi siya sanay na may bagay siyang hindi nakukuha. Hindi niya nakukuha ang atensyon ni Knoxx Montefalco. So she did everything to get his attention. She was determined to make him fall so hard for her. No one can stop her, even Knoxx’s friend.

Kahit gaano niya pa ka alam na in love si Lumiere kay Knoxx, hindi niya tinigilan si Knoxx. But then a tragedy shattered her heart into millions of pieces. A tragedy she never thought to be possible.

Talaga palang hindi mo makukuha ang lahat ng bagay sa mundong ito kahit gaano mo pa kagusto. May mga bagay talagang sadyang hindi para sayo. There are loves you just can’t hold alone. Loves who will drift no matter how tight you hold them. People who just can’t be yours no matter how whipped you are.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • SimulaOpen or Close

    Simula

    “Entice!” sigaw ni Manang Leticia.

    Nakapagtago ako ngayon sa kitchen. Sa ilalim ng aming counter ay nakayuko ako para hindi ako mahanap ni Manang Leticia. I’ve been here for two days and they won’t let me go out of this house. I am so damn bored kung sa bahay lang ako mananatili.

    Ayaw akong palabasin ni Mommy at Lola. Naiinis na nga ako dahil sa pagiging over acting nilang lahat. Kesyo hindi ko na daw kilala ang Alegria, hindi ko na alam saan patungo ang mga daanan.

    Kung sa bagay, tama naman sila. Siyam na taong gulang yata ako noong nangibang bansa kami kasama ang pinsan kong si Hector. Ibang-iba na ang Alegria ngayon kumpara noon. Halos bukirin parin naman ang makikita pero mas marami ng factories ngayon.

    “Entice! Malalagot ka sa aking bata ka kapag nakita kita!” sigaw ni Manang Leticia.

    So mas lalo akong hindi magpapakita. Bakit ako magpapakita sa kanya kung malalagot pala ako pag nagpakita ako?

    Mabilis akong tumakbo palabas ng pintuan sa kitchen. Kailangan ko pang magtago dahil mamaya ay makita ako ng mga trabahador nina daddy na nakalagi sa mga kuwadra ng kabayo.

    Mabilis ang pintig ng puso ko habang tinatahak ang maputik na daan palabas sa lote ng buong mansyon. Putikan na ang combat boots ko at ang kulay kayumangging putik ay umabot na sa faded blue jeans ko. I don’t care. This is exciting!

    “ENTICE!” sigaw ni Manang galing sa bahay.

    Humagikhik na ako. Nakalabas na ako sa lote at nagsimula na akong maglakad ng matuwid. Tatahakin ko ngayon ang daanang madalas kong pinupuntahan para makapunta sa aming dam at makalusot hanggang sa Tinago.

    Tiningnan ko ang malawak na taniman ng aming pamilya. Kung hindi pa ikakasal si Hector ay hindi pa ako makakauwi dito. Mabuti na lang talaga at ikakasal ang isang iyon, pinauwi ako dito. I’ve always like the feels of Alegria. Hindi ako kailanman na inlove sa nagtataasang buildings ng New York, kung saan ako pinag aral ng mga magulang ko ng High School.

    Tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Gusto kong magmura. I should’ve left this! Paano kung tumawag si mommy? Papatayin ko na lang mamaya.

    I saw a message from a friend of mine. Si Hester ay matalik kong kaibigan. Bago ako umalis ay nagpaparty kami sa New York. I got so drunk that I accidentally kissed him. Now he’s being clingy and I don’t like it.

    Hester:

    What’s up, En? How’s the Philippines?

    Hindi ko na sinagot ang text. Pinatay ko ang aking cellphone at nagpatuloy sa paglalakad sa maputik na daanan.

    Kinuha ko ang pampusod at sinubukan kong iangat ang aking buhok. Its curly tips swayed as I tried to make a ponytail. Huminga ako ng malalim at dinama ang malinis na ihip ng hangin ng Alegria. I like this so much! Sana ay huwag na akong pauwiin ni mommy at daddy sa America. This is my home and this is where I belong!

    “Hello!” sabay bati ko sa mga trabahador na nag aani ng mga pinya sa gilid.

    Napatingin ang mga madudungis na lalaki sa akin. Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Nagtinginan sila. Pare parehong may mga dalang matatalim na mukhang punyal para sa pinya.

    Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Inisip kong sana pala ay nag dala ako ng kabayo. Ang sabi ni Hector ay pwede kong gamitin si Abaddon pero ang sabi naman ni daddy ay hindi siya payag. Nalilito tuloy ako kung sino ang susundin ko.

    But then again, Manang Leticia will find me kung dinala ko ang kabayo kaya mas mabuti na ring ganito lang ako, naglalakad.

    Kumuha ako ng isang sanga ng kung anong kahoy. Natagpuan ko lang iyong tuyo na sa daanan at dinala ko habang naglalakad.

    May sumipol pa nang nakita ako. Binatukan iyong lalaki ng matandang katabi.

    “Kailan ka dumating, Entice?” tanong ng matandang babae na hindi ko matandaan.

    Simula nang dumating ako dito, maraming nagtatanong sa akin noon. Kilala nila ako pero hindi ko naman sila kilala. Siguro dahil masyado pa akong bata noon kaya hindi ko na maalala.

    “Noong isang araw lang po…” sinagot ko parin ang matanda at nginitian.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naririnig ang pagalit nitong pangaral sa lalaking sumipol kanina.

    “Ano ka ba? Anak iyon ni Carolina at Thomas!”

    Kilala kami dahil pag aari ng aking Lola ang lupaing ito. Ekta-ektaryang lupain ang pag aari namin sa Alegria at halos walang hindi nakakakilala sa aming pamilya. My dad could even run for a place in the government and win pero mas gugustuhin niyang mamahala sa buong farm. Besides, siya lang naman at si Hector ang inaasahang mamahala sa malaking farm namin.

    Luminga linga ako sa palayan. Ibang taniman naman ngayon ang dinadaanan ko. Nakalimutan ko tuloy… tama ba itong dinadaanan ko ngayon?

    Bumaling ako sa pinanggalingan ko at pagkatapos ay tiningnan naman ang patutunguhan. Probably. Dapat talaga ay dinala ko si Abaddon! Dammit!

    Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mga labing limang minuto pa siguro bago ko natapos lakarin ang palayan at ngayon ay puro mga tubuhan naman. I hate sugarcanes… they ruin my view. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    Kitang kita ko ang ending ng lalakarin ko. Masukal na kagubatan ang natatanaw ko sa malayo, hudyat na malapit na ako sa aming dam at sa talon na gusto kong balikan.

    Niyaya ko si Hector na samahan ako sa talon na iyon pero naging abala siya masyado sa nalalapit na kasal kaya hindi niya ako nasamahan. Ayaw naman ni Manang Leticia na sumama sa akin. I haven’t even met my dear friend Koko kaya mas lalo lang akong na bore. What’s wrong now? I would go alone because I can, right?

    Hinihingal na ako nang umakyat sa isang bato para lang makapasok sa kagubatan. Ang layo pala talaga ng nilakad ko. Noong bata pa ako ay hindi naman ako napapagod ng ganito. Hinawi ko ang mga halaman para makadaan ako patungo sa dam.

    Naririnig ko ang mga langutngot ng mga tuyong dahon sa bawat pagtapak ng aking combat boots. Naririnig ko rin ang iba’t-ibang huni ng ibon. I am fully aware that this forest most likely has wild pigs and other whatnots. Noon ay pinapasakay pa ako ni Hector sa kabayo tuwing dinadayo naming dalawa ito kasama si Koko. Ngayon lang ako naglakad talaga dito. Pero anong magagawa ko? I am so thirsty for all of these. Kasalanan nila at hindi nila ako pinapansin.

    Nakarinig ako ng kaluskos galing kung saan. Tumigil ako sa paglalakad at sumibol ang kaba sa aking dibdib. Hindi kaya ahas iyon? Tumakbo ako sa sobrang kaba. Hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako hiningal ng husto.

    Tumingala ako sa nagtatayugang puno, takot na baka may ahas na bumagsak sa akin. Sinuyod din ng aking mga mata ang mga tuyong dahon dahil baka naroon ang ahas, gumagapang.

    Nang nakabawi ako sa paghinga ay tumakbo ulit ako. Pagkatapos ng lakad at takbong ginawa ay natanaw ko na ang sementadong foot bridge ng malaking dam namin.

    Napangiti ako habang tinitingnan ang mga bundok na nakapaligid. Puro berde ang natatanaw ko, maliban siyempre sa kulay asul na langit.

    Tiningnan ko ang ilalim ng dam at kitang kita ko ang bilis ng agos ng tubig sa baba. Tinago falls must be really wonderful today. Not that it’s not wonderful most days… Mas lalo lang akong na excite.

    Pagkatapos ko sa footbridge ay nilakad ko na ang daanang alam ko patungo sa Tinago falls. Nasa gilid ng mga bundok ang halaman kaya mas mabuti ang daanang ito kumpara sa tinahak kong gubat kanina.

    Actually, there’s another way around Tinago falls. Iyon ay ang pag ikot sa highway. Sasakay ka pa ng Tricycle ng mga nasa lima hanggang sampung minuto. Hindi ko nga lang iyon pinili dahil pumuslit lamang ako sa mansyon. Besides, I enjoyed the journey.

    Lumaki ang ngiti ko nang nakita na ang asul na tubig ng Tinago. The pristine blue waters made my heart melt. Walang tao at ang balsa ay nasa kabilang parte ng dinaanan ko, where the gazebo is…

    Yumuko ako para magtanggal ng combat boots. I am going to swim. Kaya lang ay wala akong damit pangligo at wala akong tuwalya.

    Bakit ko nga ba iyon nakalimutan?

    Tiningnan ko ang paligid. Walang tao doon. Wala ni isa. Tanging mga huni ng ibon lang ang naririnig ko at ang pagbagsak ng tubig galing sa talon.

    Nakapaa na lang ako ngayon. Hinubad ko ang faded blue jeans. Hinubad ko na rin ang puting spaghetti strap na suot ko. Nilapag ko ang kulay pulang flannel shirt na pinalupot ko sa aking baywang.

    Now I’m wearing only my undies. I can even go bare, you know. Kaya lang ay natatakot naman akong mamaya ay may biglang pumunta dito.

    Umakyat ako sa mga batong nasa tabi ng falls. I want to dive. Lagi ko iyong ginagawa noong bata pa lang ako. Ngayon ay gagawin ko ulit. Nang nasa kalagitnaan na ay naramdaman ko na ang kaba. The adrenaline made me tremble so much. Tinaas ko ang aking dalawang kamay, preparing to dive. In one swift motion, sumunod ang aking katawan sa aking mga kamay. Sinalubong ko ang malamig na tubig.

    Lumubog ako at agad bumawi para sa hangin. Nang nakaahon ang aking ulo ay huminga ako at inayos ang aking buhok.

    “Wooooh!” sigaw ko.

    Mas masaya sana ito kung marami kami.

    Lumangoy ulit ako. I tried to check my swimming skills bago ko nilangoy ang papunta sa gazebo.

    Pagkaahon ko ay humawak ako sa balsa. Inangat ko ang sarili ko at agad tumungtong doon. Kinuha ko ang tali at pinakawalan ko ang balsa sa gazebo. Sumakay ako doon at nagpadala sa kung saan man ito mapadpad. Humiga ako at tiningnan ang mga nagtatayugang puno sa paligid.

    This is life.

    Halos makatulog ako sa sobrang payapa ng lugar. Dagdagan pa ng tinig ng tubig sa talon, everything in this place is just so relaxing.

    “Entice… Ralene dela Merced Ezquivel,” isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko kung saan.

    Napadilat ako at napaupo. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo malapit sa gazebo. His features were almost foreign. Matangos na ilong, mapupulang labi, medyo magulong buhok, at matipunong pangangatawan. May hawak siyang lubid sa kabilang braso. The veins of his biceps did not escape my sight.

    “Sino ka?” tanong ko.

    Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking katawan. Kumunot ang noo ng lalaki. Kumalabog ang puso ko nang napagtanto kong wala nga pala akong saplot.

    Nagpahulog ako sa balsa dahil sa kahihiyan. Nang umahon ako ay hinanap ko kaagad ang lalaki. For a moment, I thought he dived too. Baka akala niya ay hindi ako marunong lumangoy ngunit nakita ko lamang siyang nakatayo sa tabi ng gazebo, nilalapag ang lubid na dala.

    “Who are you?” tanong ko sa matigas na ingles.

    Bumaling siya sa akin. His eyes were pretty intense. Tinatali niya ang dulo ng lubid sa gazebo at sa bawat paghila niya sa tali ay mas lalo kong nakikita ang kabuuan ng braso niya. His arms were big and tight. Napalunok ako. Ganoon din kaya ito pag hinahawakan?

    “Pinapahanap ka ng Lola mo. I’m here to pick you up,” aniya.

    Inayos niya ang buhok niya. His Adam’s Apple were protruding. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Abot-abot tuloy ang tahip ng aking puso tuwing dumadapo ang seryoso at malalalim niyang mga mata sa akin.

    “Pakikuha ng balsa patungo dito. Is that your clothes?” tanong niya sabay turo sa mga damit ko.

    Tumango ako, nakatingin parin sa kanya.

    “You might want to put your clothes there.” Sabay turo niya sa balsa. “Dito ka na sa gazebo magbihis para maihatid na kita sa mansyon. Unless you want to walk again?”

    Umiling kaagad ako. Masaya lamang akong naglakad kanina kasi alam kong papunta ako dito sa Tinago. Hindi na masayang mag lakad pag pauwi na.

    “Ilalagay ko ang mga damit ko sa balsa at ihahatid ko sa kinatatayuan mo pero hindi pa ako aahon,” sabi ko.

    Umigting ang panga ng lalaki. What is his name?

    “You’re grandma is looking for you. Marami pa akong gagawin. I’m not here to wait for you till you’re done,” masungit niyang sinabi.

    I can’t help but notice all his manly features. Para bang hindi nagmadali ang Panginoon nang ginawa Niya ang lalaking ito. God had all the time in the world when He made this man. Dahan-dahan at masusi. Ang likhang ito ang nagsilbing standard Niya sa mga sumunod pang gawa.

    He would shame all the GQ models because of his jaw and his dark eyes.

    “Ano?” tanong niya.

    “What’s your name?” tanong ko pabalik.

    He looked at me like I’m the best joke of his life. Umismid siya at umiling.

    “I’m Knoxx. Ano? Uuwi ka ba o hindi?” tanong niya.

    Knoxx? Nice name… Is Knoxx one of our farmers? Natatakot ba siya sa kay lola o sa kay daddy?

    “Kung hindi pa ako uuwi?” Nagtaas ako ng kilay. I can’t help but flash a playful grin.

    “Iiwan kita,” aniya.

    Ngumiwi ako. Bad. “Kahit saglit lang. Fifteen minutes?” halos magmakaawa ako.

    “I don’t have much time. Sasama ka ba o hindi?” matamang tanong niya.

    Umismid ako. How can this man be so uptight?

    Umahon ako. Uminit ang pisngi ko nang napagtantong makikita niya ako ng naka underwear lang. Tiningnan ko siya at nakita kong inabala niya ang sarili niya sa pagtatali ng lubid.

    Hinagilap ko ang mga damit ko at nilapag sa balsa para hindi mabasa. Bumaling ulit ako sa kanya. Ni sulyap ay wala siyang ipinakita sa akin. All that matters to him right now is that damn rope.

    “So… fifteen minutes?” nangulit ako nang nasa tubig ulit ako.

    “I’m leaving you…” aniya at hinayaan na ang lubid doon. Umamba siyang aalis.

    “W-Wait! Wait lang! Oo na! Magbibihis na! Papalapit na nga ako, ‘di ba?”

    Tinulak ko ang balsa patungo sa gazebo. Pumasok siya sa gazebo at kinuha ang kabilang dulo ng lubid para itali doon ang balsa. Kinuha ko ang mga damit ko at pumunta sa likuran ng gazebo para magbihis. Nakatalikod siya sa akin.

    Seriously, he didn’t even look at me? Bading ba ang lalaking ito? Sayang naman kung ganoon!

    “Wala kang tuwalya?” tanong niya, nakatalikod parin.

    “Wala…” sagot ko. “Didn’t plan on swimming…”

    Tumango siya at agad naglakad palayo.

    “Oy! Hey! Don’t leave!” sigaw ko.

    “I have a towel in my Wrangler Jeep. Now if you can please wait…” masungit niyang sinabi.

    Kinagat ko ang aking labi. Tiningnan ko ang kanyang likod habang naglalakad siya palayo. His faded and tattered jeans clung to his muscled thighs and waist. His biceps looked always tensed. Kahit na naglalakad lang siya ay kitang kita iyon. Damn, he is hot!

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    I Want To Be Here

    Binigay niya sa akin ang tuwalya. Ngunit pagkatapos noon ay inayos niya ang tali sa balsa.

    Nakatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang aking buhok. His back is broad and wide. I can’t take my eyes off him. Madalas ang ganitong pangangatawan sa U.S., guys with big built. Pero hindi ako makahanap ng pwedeng maihalintulad sa kanya. Maybe because most eighteen years olds don’t usually have muscles like that.

    “Bilisan mo sa pagbibihis,” anito nang nalingunan ako ng isang beses.
    “Okay…” I said. “So… Knoxx, nagtatrabaho ka ba sa daddy ko?”

    Kinuha ko ang aking spaghetti strap at inayos na para makapagbihis. Abala parin siya sa lubid at hindi siya agad sumagot sa akin.

    “Hello?” sabi ko nang hindi niya ako sinagot kaagad.
    “Hindi. Please, make it fast. Marami akong kailangang gawin,” aniya.

    Ngumuso ako at tinuon ang pansin sa mga damit. Inayos ko ang aking pants at tinali na ang flannel shirt sa aking baywang. Sinuot ko ang combat boots at agad nang tumayo.

    “I’m done,” sabi ko.

    Pinatutuyo ko ang aking buhok sa pamamagitan ng tuwalya. Nilingon niya ako ‘tsaka siya tumayo na rin. Damn, his eyes were really deep. His manliness is as dominating as a lion in the vast jungle. Napangiti ako habang sumusunod sa kanyang paglalakad.

    “So… hindi ka pala nagtatrabaho kay daddy. Kung ganoon, kay lola?” tanong ko habang hinahabol siya sa paglalakad.

    Sa pag-apak ko ay may naririnig akong langutngot ng mga dahon galing sa nagtatayugang mga puno. Nakatuon ang tingin ko sa mga iyon, takot na baka may ahas na biglang dumaan.

    “Hindi,” he answered.
    “So… you are a haciendero too, then?” tanong ko.

    Hindi siya sumagot. Nagtiim-bagang ako. This man is pretty snobbish. Ayaw niya yatang kinakausap.

    Tumakbo ako bahagya para maabutan ang mga malalaking hakbang niya.

    “How old are you, Knoxx?” tanong ko dahil hindi niya ako sinagot sa naunang tanong.
    “I’m twenty-two. Pumasok ka na,” aniya nang nasa harap na namin ang kanyang Wrangler Jeep.

    Kulay itim ito at walang salamin. It’s pretty traditional and I instantly imagined him trying to drive this vehicle.

    Binuksan niya ang pintuan ng front seat at hindi niya na ako hinintay. Umikot na siya at pumasok sa driver’s seat. Nakatingin siya sa kalsada at tamad na hinawakan ang clutch. Humugot ako ng hininga at umakyat na sa sasakyan at sinarado ang pintuan.

    He’s four years older than me! Nag-aaral pa kaya ito? Nakatingin ako sa kanya habang pinapaandar niya ang Wrangler. The engine roared into life. Pinaharurot niya ito at sumabog ang buhok ko sa aking mukha dahil sa hanging sumalubong sa amin.

    “Wohooo!” sigaw ko sabay taas sa dalawa kong kamay.

    I like his car. Inamoy ko ang simoy ng preskong hangin sa Alegria. Gumala ang mga mata ko sa mga bagong bahay at tindahan na wala noon. Alegria is really improving. Naiiwan ang mga mata ko sa mga bagong establisyimentong nakikita.

    “That’s new!” sabay turo ko sa isang malaking grocery store. “Maliit na sari-sari store lang ang nakatayo diyan noon!”
    “Ilang taon ka bang hindi nakabalik ng Alegria?” tanong ni Knoxx.

    Napalingon ako sa kanya. I can’t help but suddenly smile at his question. Nalulugod akong sagutin ang tanong niya.

    “Almost ten years,” sagot ko.
    Di siya tumango o sumagot. Nanatili ang kanyang mga mata sa daanan.
    “Matagal ka na ba dito sa Alegria?” tanong ko.
    Humugot siya ng malalim na hininga. I wonder why he’s looking so intense. Ganyan na ba talaga ang mga mata niya? Ganyan na ba talaga siya tumingin sa mga bagay? Or is there something wonderful in the concrete roads of Alegria to deserve that honour?
    “A few years…” iyon lamang ang naging sagot niya.

    Magtatanong pa sana ako kung hindi ko lang natanaw ang malaking gate ng aming lupain. Our family’s coat of arms and the Dela Merced’s family name is plastered in our big black gate.

    Tumuwid ako sa pagkakaupo. Papagalitan ako ni mommy, panigurado. And I think Lola will get mad at me too!

    Nilingon ko ang aming gazebo na inaayos na para sa kasal nina Hector at Chesca. Doon gaganapin ang salu-salo pagkatapos sa simbahan. Ilang araw pa lang bago ang kasal ngunit tila sobra-sobra na ang paghahanda.

    “I bet you know my cousin Hector?” nilingon ko si Knoxx na ngayon ay pinapatigil ang Wrangler Jeep sa tapat ng bahay namin.
    Bumuntong hininga siya at tumango. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Umismid ako. Ang suplado niya talaga!

    “Entice!” narinig kong sigaw ni mommy galing sa loob ng bahay.

    Nilingon ko ang double doors namin na nakabukas na. Pababa si mommy at daddy sa hagdanan. Sinalubong ni Knoxx si daddy at nag-usap saglit. Hindi ko marinig ang pinag-usapan dahil sa ingay ni mommy.

    “Your lola is very upset! Stop behaving like a child! Alam mo bang tumaas ang alta presyon ng lola mo dahil sa pagkawala mong bigla? Where have you been?”

    Nanatili ang mga mata ko kay Knoxx na masinsinang nakikipag-usap kay daddy. Tumango siya sa sinabi ni daddy at sumulyap sa akin ng isang beses. Halos matigil ako sa paghinga nang dumirekta sa akin ang malalalim niyang mga mata. Bumagsak din ito nang tingnan niya ang kanyang susi at tumalikod para bumalik sa Wrangler Jeep. Sumunod ang mga mata ko sa kanya.

    “En! Are you listening to me?” Mommy sighed. “Go and apologize to your lola! Nasa kwarto siya kanina! Maayos na ang pakiramdam niya ngayon kaya huwag mo nang ulitin iyon!”

    Pinaandar ni Knoxx ang Wrangler at lumayo na ito. Bumukas muli ang aming gate para makalabas ito.

    “Are you listening, Entice?” Baritonong boses ni daddy ang nagpalingon muli sa akin.
    Ngumisi ako. “I just want to go to Tinago, dad! Ayaw ninyo kasi akong payagan! Where is Hector when you need him?” Umiling ako at umakyat na sa aming hagdanan.

    Narinig ko rin ang pagsunod ni mommy at daddy sa pag-akyat ko.

    “You should apologize to your lola!” ani mommy.
    “Hector is busy with the wedding, I told you. You just wait when the wedding’s done,” ani daddy.

    Nasa sala na kami. Ang marmol na sahig ay napuputikan ng aking combat boots. Tiningnan ni mommy ang mga footprints ko at kitang kita ko ang pagbilis muli ng kanyang hininga. She’s going to explode anytime now.

    “Aalis sila ni Chesca, hindi ba? Where are they going for their honeymoon and why is Koko so busy, dad? Hindi ko pa siya nakikita.”
    “Koko will drop by later along with Hector’s friends dito sa bahay natin. You should wait!” ani mommy.
    “Entice! Where have you been for God’s sake!” narinig ko ang boses ni Lola.

    I pouted. Dumiretso ako sa kanya at niyakap siya sa tiyan.

    “I’m sorry, La. I just really want to wander around Tinago.”
    “Saan ka dumaan, kung ganoon? Jusko, hija! Do you want to kill me?”
    Umiling ako. “Dumaan lang ako sa plantation. I’m sorry. Anyway pinahanap naman ako ni daddy kay Knoxx…” Binalingan ko si daddy.
    “If you want to go out, you wait until Hector’s friends are here,” ani daddy bago siya umalis para siguro ay magtungo sa kuwadra.
    “I’m warning you, Entice. Don’t do that again!” ani mommy at nagtawag na ng kasambahay para linisin ang sahig. “Take a bath and change your clothes! Masyado kang madungis!”

    Umupo si Lola sa sofa. I’m feeling queasy too but then I can’t leave. Pumunta na si mommy sa kusina at ang pumalit sa kanyang pwesto ay ang kasambahay. Si Lola naman ay nagpapahinga sa sofa. May naglalagay ng juice sa kanyang baso at sa tabi niya ay ang aparatong pang kuha ng Blood Pressure.

    “I’m sorry again, La…” malambing kong sinabi sabay yakap sa kanya galing sa likod.
    “Don’t do that again. Why don’t you take a bath now, Entice?” natatawang sabi ni Lola.
    Tumango ako at tumalikod. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Manang Leticia na galit na galit.

    “Manang,”
    “Saan ka nanggaling?” tanong niya sa akin.
    “Leticia, nanggaling siya sa Tinago. Kung hindi lang siya natagpuan ni Knoxx doon ay hindi pa siguro iyan nakakauwi ngayon,” si Lola na ang sumagot para sa akin.

    Mabilis ang lakad ko patungong hagdanan. Alam kong pinagbibigyan ako ni mommy, daddy, at Lola pero si Manang Leticia ay hindi ganoon.

    “Ikaw’ng bata ka!” sabay sunod niya sa akin sa aking kwarto. “Alam mo ba kung ano ang nangyari sa Lola mo?”

    Hinarap ko si Manang, determinado akong mabago ang topic. That’s the only way I can get away with this.

    “Hmmm. Manang, may itatanong po ako…”
    “Ano yon?” pagalit niyang sinabi habang nagliligpit ng mga nakakalat ko pang damit galing sa maleta.
    “Trabahante ba ni Lola si Knoxx?”
    “Hindi,” matigas niyang sagot.
    “So he’s haciendero?” tanong ko at nagtanggal ng flannel polo sa aking baywang.
    “Parang ganoon. Bakit?”
    Umiling ako. Napatingin naman si Manang sa akin, nanliliit ang mga mata.
    “Ano na naman iyang iniisip mo, Entice? Kaibigan ni Hector si Knoxx. Anong mayroon?”
    Tumango ako. “Bakit siya ang kumuha sa akin sa Tinago?” Umupo ako sa aking kama, nanatili ang tingin ko kay Manang Leticia.
    “Lahat ng tauhan ng iyong ama na nandito kanina ay pinadala upang mahanap ka. Siya lamang ang nakatagpo sa iyo. Estudyante siya ng ama mo sa farming. Nagpatulong ito sa ama mo kung paano magsaka, pangalagaan ang rancho, at iba pa. Bakit ka nagtatanong?” Mas lalong nanliit ang mga mata niya. Natigil siya sa pagliligpit ng gamit.

    Nag-iwas ako ng tingin at nagsimula nang maghubad ng damit.

    “Huwag kang magkakamali, Entice. Kay bata-bata mo pa at kasing edad ni Hector si Knoxx.”
    “He’s just twenty two.”
    “Paano mo nalaman?”
    Hindi parin ako makatingin kay Manang. Tumalikod ako, may ngiting naglalaro sa aking labi.
    “Manang…” I changed the topic again. “You think papayag si mommy na hindi na ako bumalik sa US? I mean, natapos ko naman ang high school doon. Dito na lang ako magco-college. Hindi ba may college na dito? That’s where Hector studied?”
    Nagpatuloy si Manang Leticia sa pagliligpit. “At bakit ka naman dito na mag-aaral?”
    “You know I’ve always loved Alegria. I hated being away kahit na madalas na pumunta si mommy at daddy doon. There’s a reason why Hector didn’t want to go back. He wants to be here. I want to be here too kaya bakit hindi ako pinapayagan?”
    “Tanungin mo ang Lola mo. Maligo at magbihis ka na. Napakadungis mo na!” aniya.

    Ngumisi ako. Nag-aaral pa kaya si Knoxx? Kung ka edad sila ni Hector ay malamang graduate na ito.

    “Taga saan po ba si Knoxx, Manang?”
    Nanliit ulit ang mga mata ni Manang ngunit sinagot niya parin. “Sa dulo ng lupain ninyo.”
    Ngumuso at tumango. Is he living alone? Living with his parents? Living with his relatives? Living with his girlfriend or wife? Bigla akong nadisappoint sa naisip ko.
    “Ano na naman iyang iniisip mo, Entice?”

    Ngumisi lang ako at dumiretso sa banyo. I turned on the shower. Naka hot shower iyon at nagsimula na akong maligo.

    Pagkatapos ng isang oras ko sa banyo ay lumabas na ako. Wala na doon si Manang Leticia at maayos na ulit ang mga damit ko. Halos lahat ng mga paborito kong damit ay nasa maleta pa. Hindi pa iyon nilalabas dahil ayon kay mommy, babalik din ako ng Estados Unidos.

    Inubos ko ang oras ko sa pagbalik ng mga damit ko sa aking closet. I don’t care if Mom disapproves, I am going to live here in Alegria.

    “Anong ginagawa mo, Entice?” nagulat ako sa boses ni mommy sa pintuan.

    Nakabukas na ang pinto at naroon na siyang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako.

    “Mom, I want to study here. Dito na lang po ako. Huwag niyo na akong ibalik sa New York,” sabi ko.

    Tinitigan niya ako. Bigong bigo ako dahil alam kong hinding hindi siya makakapayag. The last time we talked about this, nagtalo kami ng isang oras at hindi ko na siya kinausap ulit.

    “Lina, hayaan mo na,” boses ni Lola ang narinig ko.

    Bumaling ako sa pinto at nakita ko silang dalawa ni mommy. Namutla si mommy sa gagawing desisyon.

    “Which college do you want? Titira ka kina Hector sa Manila at doon ka mag-aaral,” ani Mommy.

    I was thrilled that she agreed pero hindi pa iyon sapat.

    Tumayo ako at ngumisi. “Mom, dito po sa Alegria ang gusto ko. Hindi ba may kolehiyo dito? Doon na po ako!”

    Nagkatinginan si mommy at Lola. Sa kanilang mga ekspresyon ay alam kong papayag sila na dito na ako mag-aaral.

    “Sa Lunes na ang simula ng kanilang pasukan. Huli ka na…” ani mommy.
    “I’m sure Tomas can do something about it, Lina. Sige na. Pagbigyan mo na ang anak mo. It’s good that she wants to study here. Mas mababantayan natin ang pag-aaral niya. Ang mabuti pa, sabihin mo kay Tomas na magpatulong kayo kay Shirley, ang registrar ng paaralang iyon para diretso nang tanggap si Entice,” ani Lola.

    Tumalon ako sa tuwa. Gusto ko tuloy’ng bisitahin ang paaralang iyon!

    “Sige, mama,” ani mommy sabay tingin sa akin.

    Niyakap ko si mommy at Lola. I can’t believe it! Dito na ako mag-aaral!

    “Lina…” narinig namin ang boses ni Manang Leticia sa baba.
    “Manang?” ani mommy.
    “Narito na sina Hector. Tatawagan na niya ang mga kaibigan niyang pupunta mamaya para sa salu-salo. Aayusin na ba ang mga pagkain?”
    “Sige, Manang. Bababa na ako.”

    This day is the best day of my life! Nakapaa pa ako nang bumaba ako sa hagdanan para salubungin ang pinsan ko. Nagkita na kami nito at ng mapapangasawa niya pagdating ko pero agaran ang pag alis nila papuntang Maynila kaya hindi kami nagkausap ng maayos.

    “Hector!” sabi ko sabay yakap sa pinsan ko.

    Ang maputi na babae sa kanyang gilid ang ngumiti sa akin. Ang kulot na buhok ni Chesca ay nakatali ngayon, mas lalong nadepina ang kanyang collarbones dahil doon.

    “Hi Chesca!” sabi ko sabay yakap sa mapapangasawa ng pinsan ko.
    “Narinig ko na tumakas ka raw kanina? Saan ka nagpunta?” tanong ni Hector sa akin sa isang malamig na tono.
    “Sa Tinago lang naman! Ang linaw parin ng tubig doon! Nilakad ko galing likod patungo doon. Ang init tsaka nakakapagod!” sabi ko.
    “Bakit hindi ka nagdala ng kabayo?”
    “Tumakas lang nga ako, ‘di ba?” Humagikhik ako at bumaling sa kay Chesca.
    “Dala namin ang susuotin mong gown sa kasal. Want to see it?”
    Lumapad ang ngisi ko. “Sure!”

    Bumaling siya sa sofa kung nasaan nakalatag lahat ng gown. Kulay dark green ang motif nila. Magmumukha kaming mga diwata dahil doon. Isa ako sa mga bride’s maid. Ipinakita ni Chesca ang susuotin ko at agad ko itong nagustuhan!

    Si Hector ay nakaupo lamang sa sofa at nanonood sa aming pagtatawanan.

    “Hector, magkakaroon kayo ng salu-salo mamaya, hindi ba?” tanong ko.
    “Oo. Bakit?” pumangalumbaba siya.
    “Pupunta ba ang mga kaibigan mo?” tanong ko.
    Umirap siya. “Pupunta si Koko. Hindi pa iyon nakakabisita dahil abala iyon sa gawaing bukid.”
    Umiling ako. “Not Koko. You think Knoxx will come?”
    Nanliit ang mga mata ng pinsan ko. Pakiramdam ko ay may nasabi akong hindi maganda. Tinutop ko ang aking bibig.
    “What about Knoxx?” Tumagilid ang ulo niya.
    “Knoxx Montefalco, Hector?” tanong ni Chesca.
    Tumango ako ng marahan.
    “He will pero bakit ka nagtatanong? Gusto mo ba siya?” tanong ni Hector.

    Uminit ang pisngi ko. Hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na ako ni Hector.

    “You’re too young for that. At isa pa, hindi kayo magkakasundo noon.”
    Tumawa si Chesca. Umirap naman ako sa aking pinsan. “I don’t know what you’re talking about. Nagtanong lang naman ako. Can I use Abbadon?”
    Tumango si Hector sa aking huling tanong. “Don’t whip him too much. You know I don’t do that.”
    “Hindi ko iyon gawain, Hector…” sabi ko sabay lapag sa gown.
    Umiling siya. “Naaalala ko pa kung paano mo nilalatigo si Abbadon noon tuwing nababagalan ka sa kanya…”

    Nagkibit ako ng balikat at agad na umakyat para sa aking boots.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Spoiled Brat

    Tumagaktak ang pawis ko habang sinisigawan si Abbadon para tumigil sa pagtakbong-kabig. Tumigil ang kabayo sa talampas. Tanaw na tanaw ko doon ang lupang kinatitirikan ng aming mansyon. Maliit ang mga tao kung tingnan galing sa kinaroroonan ko.

    “Ganda!” sabi ko sabay hagod sa ulo ni Abbadon.

    Papalubog na ang araw. Tanaw ko rin ito sa dulo ng lupain namin. Dinama ko ang hangin na naging dahilan ng pagsabog ng aking buhok. Pipikit na sana ako nang narinig ko ang pagtunog ng aming bakal na gate. May mga sasakyang dumating. Isang pick up ang nauna. Sa likod ay may nakita akong mga lalaking sakay.

    “This must be Hector’s friends?” sabi ko.

    Sumunod ang isa pang kulay pulang pick up na may ganoon ding mga sakay. May ilang babae na akong nakikita.

    Ang pangatlong sasakyan ay ang pamilyar na Wrangler ni Knoxx. Tinapik ko kaagad si Abbadon. May sumilay na excitement sa akin.

    “Tara, Abbadon!” sabay tapik ko sa kanyang likod.

    Hindi gumalaw ang kabayo. Imbes ay suminghal pa ito ng bahagya. Kumunot ang noo ko.

    “Abbadon, please!” mas malakas na ang tapik ko sa likod niya.

    Magkasundo kaming dalawa pero mas madalas ay matigas ang kanyang ulo. Hinawakan ko ang latigo at hinampas sa kanyang likod para sumunod sa gusto ko. Agad ay lumiko ito at tumakbo. Kumapit ako sa tali at bahagyang bumaluktot para hindi mahulog.

    Saktong pagtipon tipon ng mga kaibigan ni Hector sa labas ng mansyon ay ‘tsaka kami nakarating ni Abbadon.

    “Hiya!” sigaw ko sa kabayo nang ayaw tumigil.

    Tumigil ito sa harap ng mga nagtatawanang lalaki. Nilingon ako ng isa, ng dalawa, hanggang sa silang lahat na ang nakatingin sa akin. Narinig ko ang aking pangalan at inisip kong may mga nakakakilala siguro sa akin dito ngunit hindi ko na matandaan.

    Lumabas si Knoxx sa kanyang Wrangler. May dalawa pang lalaki ang lumabas galing doon at may dalawa ring babae. They’re not familiar to me.

    Bumaba ako kay Abbadon. Naririnig ko na si Manang Leticia na tinatawag sila para pumunta na sa likod, kung saan hinanda iyong munting salu-salo para sa mga malalapit na kaibigan ni Hector.

    “Entice?” baritonong boses ang mas klaro kong narinig.
    “Hi! Are you Hector’s friends?” sabay ngiti ko isa-isa sa kanila.

    Lumabas ang lalaking tumawag sa akin. Nagulat ako nang nakitang malaking malaki na ang katawan ni Koko. Namukhaan ko siya ngunit hindi ko na halos maalala ang kanyang katawan. Payat siya noong bata pa ako. Ngayon ay halos sumabog ang kanyang damit dahil sa pagkakaporma ng kanyang katawan.

    “Koko!” sigaw ko sabay takbo patungo sa kanya.

    Niyakap ko siya ng mahigpit. I missed him!

    Tumawa si Koko. “Entice!” ulit niya.

    Narinig ko ang bulungan at tawanan. Kinakantyawan nila si Koko dahil sa reaksyon ko. Tumigil ako sa pagyakap at tumuwid sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pamumula ni Koko. Just like the old times. May biglang kumapit sa kanyang braso. Isang babaeng nakakunot ang noo sa akin.

    “Koko, you have a girlfriend?” sabay ngisi ko.

    Nagkamot ng ulo si Koko sabay tingin sa babaeng nasa tabi.

    “Si Abby, Entice. Abby, si Entice, ang pinsan ni Hector at kababata ko.”
    “Hi!” Naglahad ako ng kamay sa babaeng nasa tabi ni Koko.

    Imbes na siya ang tumanggap sa kamay ko ay may ibang tumanggap rito. Nakahilera ang mga lalaking kaibigan ni Hector.

    “Mathew…” anang lalaking matangkad.
    Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nagtagal ay tinulak siya ng katabi. “Oliver,” sabi noong mas matangkad.
    “Entice!” sigaw ni Manang Leticia.

    Umismid ako. Mapapagalitan pa yata ako sa harap ng mga kaibigan ng aking pinsan.

    “Ilagay mo na si Abbadon sa kanyang kuwadra at sumunod ka na sa likod! Naghihintay na si Chesca doon!”
    “Sige po, manang.”

    Bumaling ako sa mga nakatingin sa akin. Tahimik ang mga babae. Nginitian ko sila, isa-isa. May iilang ngumiti pabalik pero ang mga kasamahan ni Koko ay hindi.

    “Hope I can be friends with you all!”

    Tumalikod ako para kunin na si Abbadon at hilahin sa kuwadra. Narinig kong umaalis na sila, isa-isa.

    “Entice, sumunod ka ha?” ani Koko.
    “Syempre, Koko!” ngumiti ako at nilingon si Knoxx na naabutan kong nakatingin sa akin.

    Nag-iwas siya ng tingin. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. Sumunod siya sa mga kasama. Ang dalawang babae ay kinakausap siya.

    Mabilis kong hinila si Abbadon sa kuwadra. Inutusan ko na lang ang naroon na sila na ang bahala dahil gusto ko nang pumunta sa likuran para makausap ang mga kaibigan ni Hector.

    Nang nakarating na ako sa likod ay namili na kaagad ako ng mesa. Ang mesa nina Koko ay punuan na ngunit paniguradong makakahanap naman ako ng paraan.

    “Entice!” sabay kaway ni Koko sa akin.
    Ngumiti ako at kumaway pabalik.
    “Dito ka!” sabay tapik niya sa upuang nasa tabi niya.

    Tumango kaagad ako at dumiretso doon. Narinig ko si Hector na tumatawag sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

    “By the way, eto nga pala ang pinsan kong si Entice. Galing itong U.S. Ngayon lang siya ulit nakauwi ng Alegria,” ani Hector sabay hawak sa likod ng aking silya.

    Ngumiti ako sa katabi kong si Koko. Ang kanyang girlfriend na si Abby ay may masamang tingin sa akin. Nginitian ko parin iyong babae.

    Pinakilala ni Hector isa-isa ang mga kaibigan niya. Although, I forgot all of their names. Syempre, sa dami nila ay hindi ko na maalala. Iyong mga maiingay lang na nasa mesa ni Chesca ang siguro’y naaalala ko.

    Kumuha ako ng pagkain. Puro grilled ang naroon. May inuman din pero syempre ay mamaya na iyon. Sa mesa nina Chesca ay maingay. Gusto ko tuloy lumipat doon. Masyado kasing tahimik ang mga babae dito. Hindi ko naman makuha ang pinag uusapan ng mga lalaki.

    “Ang tagal na nating hindi nagkita, Entice. Noon ang bata bata mo pa. Ang liit mo pa… Ngayon?” Ngumisi si Koko sa akin.
    “Ikaw din naman! Payatot ka pa noon, Koko! But see, people change. Physically, I mean. That’s called puberty,” sabi ko.
    “Ilang taon ka ba sa U.S?” tanong noong pinakamatangkad na kaibigan ni Hector. I failed to remember his name.
    “Almost ten years. Don’t get me wrong, nakakabalik naman ako ng Pinas pero hindi dito sa Alegria. My dad’s usually based in Manila kaya hanggang doon lamang ako tuwing umuuwi. And I don’t last a month in Manila too. Lagi akong bumabalik din ng New York.”
    “Oh? New York! Taga roon ang tita ko,” anang isa pang lalaki.
    “Anong masasabi mo na ikakasal na ang pinsan mo, Entice?” Tinanong ako ng isang babaeng maganda, maputi, at may mapupulang labi. First glance ay alam ko nang mahirap siyang pakisamahan but that didn’t stop me.
    “Masaya ako na ikakasal na si Hector. He’s of age, anyway. At gustong gusto ko si Chesca.” Ngumiti ako.
    Ngumiwi iyong babae at uminom sa kanyang juice. “Why? Ayaw mo ba kay Chesca?”
    “Hindi naman siguro. Nasasayangan lang kasi batang-bata pa si Hector,” sabi ni Abby, iyong girlfriend ni Koko.
    “Kayo rin naman, bata pa. Well, if they feel so in love with each other then let them. Falling in love and being caught by the one you love is almost a miracle in this age. Hindi ba dapat ay ipagdiriwang iyon?”

    Tiningnan ko sila isa-isa. Tumango ang mga lalaki ngunit ang mga babae ay tahimik. Knoxx smirked. Nanatili ang tingin ko sa kanya. God, he really is smoking hot!

    “Why are you smirking? Is there something wrong with what I said?” tanong ko.
    “Tama nga naman, Entice. Kung nagmamahalan naman ay walang problema doon,” ani Koko.
    “Well, you say it like marraige is too simple for you, young lady,” ani Knoxx sa marahang boses.

    Pinaglalaruan niya ang bote ng beer. Uminit ang pisngi ko. I felt a little embarassed. Tingin ba niya ay masyado akong bata para maging tinig ng mga taong nagmamahalan?

    “Have you been married before?” tanong ko. “You say it like you’ve tasted the most disgusting marraige ever.”
    Nagtaas ng isang kilay si Knoxx. Halos mapamura ako. I like him! Dammit! “I don’t need to experience it. Kung matalino ka, makikita mo na iyon sa mga taong nasa paligid sa iyo. But then you’re right, if they’re in love then there’s no problem.”

    Ngumiti ako. Para akong baliw habang nagtititigan kami.

    “Knoxx…” may isang babaeng tumawag sa kanya kaya natigil ang titigan namin.

    Napawi ang ngiti ko. Tumingin ako sa epal na babae. May binulong iyon kay Knoxx, dahilan kung bakit nagtawanan ang dalawa.

    “Ilang taong gulang ka na, Entice?” tanong ng isang lalaki.
    “I’m eighteen.”
    “Oh? So magka-college ka na? Babalik ka sa New York para mag college?”
    Umiling ako at binigay sa lalaki ang atensyon. “Hindi. Dito na ako magco-college. Sa Alegria Community College. Bakit?”
    “Oh! Whoa! So magiging extra protective si Hector nito! Sayang at nagtapos na kami noong nakaraang taon!”
    “Sa Alegria ka mag cocollege?” tanong ni Koko na tinanguan ko lang.
    “Extra protective, for what reason?”
    “Paniguradong maraming manliligaw sa iyo. Maganda ka…” Siniko ng katabi ang lalaki. Umubo ito at nagpatuloy. “Really…”
    Ngumisi ako. “Hindi na kailangang maging protective ni Hector, I don’t like guys my age. I prefer someone years older than me.”

    Naghiyawan ang mga lalaki. Umiling naman ang mga babae. Nag high five ang dalawang lalaking magkatabi.

    “Oy! Kayo ha! Lagot kayo sa akin!” ani Koko sa kanila.
    “Bakit ayaw mo sa lalaking ka edad mo? That’s unusual,” anang lalaking nasa harap.
    “Well, I find them premature physically and emotionally. Mas gusto ko iyong mature.”
    “May mga lalaki namang maganda na ang katawan at matangkad na rin na kasing edad mo!” giit ni Koko.
    “Well, hindi naman katawan ang hanap ko, Koko.” That’s a plus points though.

    Nakita kong tumawa si Knoxx. Kinagat ko ang labi ko.

    “So… paano ako? Maganda ang katawan ko!” ani Koko sabay tawa.
    Ngumisi ako sa kanya. “I’m not saying na ayaw ko iyong may magaganda ang katawan. I’m just saying na hindi iyon ang priority ko.”

    “Anong pinag uusapan ninyo dito?” ani Hector nang lumapit sa amin.
    “You’re cousin’s talking about her type of boys, Hector,” agarang sagot ni Knoxx.

    Dammit! Mataman akong tinitigan ni Hector. Tumawa lamang ako para hindi niya ako mapagalitan.

    “You’re too young for that!” ani Hector.
    “Preach!” nagtaas ako ng kilay. “I’m not getting married yet, Hector. It’s just fun!”
    “Ayusin mo iyang fun mo, Entice! It’s no fun for me at all…”

    Ngumiwi ako at pinagmasdang bumisita si Hector sa kabilang mesa. Bumaling ako kay Knoxx at naabutan ulit siyang may kausap na babae. Nagkatinginan kami ngunit pinagtaasan niya lamang ako ng kilay.

    “Koko,” sabi ko. “Samahan mo naman ako sa kabilang table, oh. Nahihiya ako doon.”
    “Sige ba!” sabay tayo kaagad ni Koko.

    Bumaling ako kay Knoxx na nakatingin parin sa babaeng kausap. Pinagtuonan ko ng pansin ang babaeng kausap niya. Morena ang babae, may dimples siyang lumalabas tuwing ngumingiti, mahaba at straight ang maitim na buhok. Hula ko ay kasing edad siya ni Knoxx. Is that his girlfriend?

    Nang nakalayo na kami ni Koko ay nagtanong kaagad ako.

    “Sino iyong kausap ni Knoxx na babae?” tanong ko kay Koko.
    “Ah! Si Lumi… Kaibigan namin.”
    “Girlfriend niya?” tanong ko, papalapit na kami sa mesa nina Chesca.
    “Hindi yata,” wala sa sariling sagot ni Koko.
    “Hindi yata? Hindi sigurado?”
    Bumaling si Koko sa akin. “Gusto mo si Knoxx, Entice?” Mariin ang tinig niya.
    “Hindi, ano ka ba! I’m just asking…” sabay lakad ko ulit patungo kina Chesca.

    Nang nakarating na ako ay kinausap ko ang mga kaibigan ni Chesca. Clearly they are the better group kumpara sa mga kaibigang babae ni Hector. Hindi na sana ako aalis doon kung hindi lang nagyaya si Koko na bumalik na sa aming mesa.

    Pagkabalik naman namin doon ay padabog na tumayo si Abby. Nagkatinginan kami ni Koko. Nagkibit ako ng balikat nang nakitang nag walk out si Abby sa aming mesa. May isang lalaking sumipol.

    “Sandali lang, Entice…” ani Koko.
    “Oh? Saan ka pupunta, Koko? Aalis ka?” tanong ko.
    Tumango siya at hinabol na si Abby.

    Nagkibit ulit ako ng balikat at umupo sa mesa. Pagkaupo ko ay kitang kita ko na ang tingin nilang lahat sa akin. Kumunot ang noo ni Knoxx sa akin.

    “Anong problema ng girlfriend ni Koby?” tanong ko.
    “She got jealous. Alam mong may girlfriend iyong tao, sinasama mo pa sa pag alis mo. Ni hindi ka nagpaalam,” ani Knoxx sa akin.
    Nagulat ako doon. “Jealous? Wala kaming ginagawang masama ni Koko, ah? That’s weird!”
    “Well what you did was weird! Sinama mo pa si Koko! Hindi mo nakitang ayaw ni Abby?” anang babaeng maarte.
    “Well, I’m sorry if she got jealous! Magkaibigan kami ni Koko kaya hindi ko inakalang magkakaganoon!” Umiling ako.

    Nakita ko ang pag-iling din ni Knoxx. Mukha siyang sobrang disappointed sa ginawa ko.

    “Childish…” bulong niyang narinig ko.
    “Sinong tinatawag mong childish?” I admit it, medyo nairita ako doon.
    “You… You’re a spoiled brat!”
    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Knoxx. “That’s a very serious accusation, Knoxx,” sabi ko. “I didn’t know what happened between Koko and his girlfriend. If you want I can call Koko right now and siya na mismo ang magsabi sa inyo na wala lang iyon. Goodness!”
    “Whatever. You should apologize to Abby. She’s upset,” ani Knoxx sa akin.
    “Why would I apologize? Kung mag sosorry ako, para ko na ring inaccept na may kasalanan nga ako! wala akong kasalanan. That was a friendly gesture!” sabi ko.

    Umiling si Knoxx sa akin. It’s like he’s giving up on talking to me. Parang may bumuhos na asido sa aking sikmura. Pinasadahan ko ng tingin ang ibang lalaking kumakausap sa akin kanina. Mabuti pa sila.

    “That’s okay. Don’t worry about it. Kaya na iyon ni Koko.”
    Ngumiti ako sa lalaki. “Salamat.”

    Sumulyap ako kay Knoxx na umiling ulit sabay tingin sa babaeng nasa tabi niya. Nagtiim-bagang ako.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Why Are You Here

    Hindi na ulit kami nagkaroon ng interaksyon ni Knoxx. Tinatanaw ko na lang siya na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya, kahit isang sulyap ay hindi ginagawa para sa akin.

    “Ayos ka lang, Entice?” tanong ni Koko nang nakabalik na siya.
    Tumango ako. Hinanap ko si Abby sa kanyang likod o gilid pero hindi ko nakita ang kanyang girlfriend.
    “Asan si Abby?”
    Nagkibit ng balikat si Koko sa akin at nag iwas ng tingin. “Babalik din iyon.”

    That was it. Pinili kong lumayo na lang muna sa grupo nina Koko at nakiupo ako kina Chesca. Nakisabay ako sa tawanan nila at paminsan minsan ay sumusulyap sa kabilang lamesa kung nasaan sina Koko. Nagkakatuwaan din ang kabilang mesa.

    Pagkatapos ng gabing iyon ay bumagsak ako sa kama. I feel so tired and tipsy. Kaonti lang naman ang nainom ko dahil binabantayan ako ni Hector. Hindi rin ako mahilig uminom dahil mababa ang tolerance ko sa alcohol.

    “Entice! Kung hindi ka gigising diyan, hindi ka na makakapag enrol!” Hinampas ni Manang Leticia ang pintuan ng kwarto ko.

    Kahit na antok na antok pa ako ay nagawa kong agarang bumangon. Pupunta nga pala ako ngayon sa Alegria Community College para makakuha ng exam at maayos ang enrolment!

    Iyon ang tanging naging inspirasyon ko para kumilos na at maligo. Pagkatapos kong maligo ay naibsan na ang antok ko. Bumaba na kaagad ako para makakain na. Naroon na si Hector, Chesca, at daddy sa hapag.

    Humalik ako kay daddy bago ako umupo sa harap ni Chesca.

    “Are you excited?” tanong ko kay Chesca habang nilalagyan ng cheese ang bread na kinuha ko.
    “Hmm. Of course!” nakangiti niyang sinabi.

    Bukas na ang wedding nila ni Hector. Ang alam ko ay magiging abala sila sa araw na ito for the final touches of their wedding. I am happy for them. Hindi mapigil si Chesca sa pag kukwento tungkol sa ganda ng wedding cake at sa ganda ng kinalabasan ng mga photoshoots nila ni Hector.

    “Of course you two are models, paano hindi magiging maganda ang mga kuha ng pictures?”
    “You’re going to school alone, Entice?” singit ni Hector kahit na nagkakatuwaan pa kami ni Chesca.
    “Ihahatid ko siya, Hector. Tapos ko nang nilakad kahapon iyong mga request niya. She’s just going to enrol herself today unless of course if she wants me to help her,” nanliit ang mata ni daddy.
    Umiling kaagad ako. “I can do it alone, dad. Huwag mo nga akong pahiyain. For sure maraming estudyante doon.”
    Tumawa si daddy. “I know you’ll say that…”
    “Tito, inasikaso mo kaagad ang mga papel ni Entice kahapon?” tanong ni Chesca.
    “Yup. I’m not sure though if she’ll need to take an exam. Entice, baka bumagsak ka ha?” Tumawa ulit si daddy.
    “Excuse me?” Iritado kong sinabi.

    Wala si mommy at lola dahil nag fa-final fitting daw sa kani-kanilang gown. Ang alam ko ay may pinaayos si mommy sa kanya kaya sinamahan siya ni Lola.

    “Hector, wala ka mamaya?” tanong ko habang abala siya sa pagkain.
    “Why?” Hindi siya nakatingin sa akin.
    “Hihiramin ko si Abaddon, ah?”
    “Saan ka pupunta?” Nag angat na siya ng tingin ngayon.
    “Gagala lang sa rancho. Please?” I smiled sweetly.
    Matalim niya akong tinitigan at hindi na sinagot. Kahit na walang sagot ay tinangga ko ito bilang pagpayag. Kung ayaw niya akong pahiramin ay dapat umiling na siya, ‘di ba?

    Hinatid ako ni daddy sa Alegria Community College. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan ay may iilang kasing edad kong estudyante ang lumingon sa akin. Inayos ko ang black flannel long sleeves na naka yakap sa aking baywang. Ballpen lang ang dala ko dahil ani daddy ay lahat ng files ko ay nilakad niya na kahapon.

    “Saan po ba dito iyong testing center?” tanong ko isang middle-aged woman na nasa registrar.

    Mula ulo hanggang paa niya ako tiningnan. Alam ko dahil nagawa niya pang dumungaw sa enclosed window niya. Inayos niya ang kanyang salamin bago sumagot.

    “Kumanan ka lang,” istrikta niyang sinabi.
    Tumango ako at sinunod ang kanyang sinabi.

    Pinasadahan ko ng tingin ang aking damit. I’m wearing a high waist jeans and a midriff white longsleeve. Hindi naman kita ang pusod ko dahil sa flannel short. Though my skin is kind of showing… nag kibit na lang ako ng balikat.

    Isang oras ako sa testing center. Halos mahilo ako sa mga tanong tungkol sa Philippine History at sa Filipino grammar. Mabuti na lang at naalala ko pa ang ibang natalakay noong grade school pa lang ako.

    Sa kabuuan ay tatlong oras yata ako sa eskwelahan. I’m starving after enrolment so I went to the cafeteria. Marami ring college students doon. Lahat yata sila ay lumingon nang dumating ako. Kinuha ko ang aking cellphone para matext na si daddy na tapos na ako dito. I can’t wait to go home and ride with Abaddon.

    “Diet Coke…” sabi ko sabay turo sa canned softdrinks.

    Kumuha ang babaeng taga cafeteria sa gusto ko. Inabot ko sa kanya ang bayad at kinuha ko rin ang coke na binili ko.

    “Hi!” may bumating lalaki sa akin.

    He’s tall and handsome. His eyes were deep and his hair is kind of messy. Naka jersey shorts siya at itim na t shirt. May dala siyang basketball na inilipat lipat niya sa kanyang kamay. Nag-iwas ako ng tingin. Gaano man ka taas at kagwapo ang mga ka age kong lalaki, hindi talaga ako naaattract.

    “Anong pangalan mo?” tanong niya at nilipat ang dalang bola sa kabilang kamay.

    Naglakad ako palayo. Sumunod naman siya. I’m not rude so I answered.

    “I’m Entice. You?”

    Umupo ako sa isang upuan. Ikinagulat ko nang nagawa niyang umupo rin sa harapan ko. Pinagtitinginan na kami ng iilang magkakasama sa kabilang lamesa.

    “I’m Joaquin,” sabay lahad niya ng kamay.

    Ngumiti siya. I smiled back and took his hand.

    “Nice meeting you.”
    “You’re a freshmen?” tanong niya. “Bago ka ah? Taga Maynila?”

    Magkakakilala lang ang mga tao dito sa Alegria. Siguro dahil na rin iyon sa liit ng probinsyang ito at sa kaonting tao at pamilya lamang ang mga narito.

    “Hmmm. Yup.”
    “Kaya pala… Saan ka nakatira?” tanong niya.
    “Hmmm. Sa dela Merced,” iyon lamang ang sinabi ko at kitang kita na naguluhan siya.
    “Dela Merced?” Nag isip siya. “dela Merced ka?”
    Tumango ako. “Iyong mommy ko…”
    “Mommy mo si Tita Carolina Esquivel?” Nanlaki ang mata niya.
    I smiled sweetly. “Yup…”
    “Whoa!”

    Hindi pa niya nadudugtungan ang pagkakagulat ay tumunog na ang aking cellphone. Nakita kong si daddy ang tumatawag. Sumulyap ako kay Joaquin at tumayo.

    “Excuse me…” Tinalikuran ko siya para sagutin ang tawag ni daddy.
    “Entice, I’m outside.”
    “Okay, I’ll be there, dad.”

    Binaba ko kaagad ang cellphone at binalikan ko ang mesa para kunin ang aking softdrink. Ngumiti ako kay Joaquin na naabutan kong nakipag kwentuhan saglit sa mga nasa kabilang mesa.

    “I need to go. Nice meeting you, Joaquin.”

    Iniwan ko siya doon. Mabilis ang lakad ko habang umiinom ng softdrinks. Kulang na lang ay liparin ko para lang maka diretso na sa sasakyan namin. Kahit nagmamadali ay hindi ko parin magawang huwag pansinin ang kagandahan ng campus na iyon. It’s so close to nature. Maraming puno at malawak ang soccerfield at basketball court na magkatabi. This is going to be great!

    “May gusto ka pang puntahan?” tanong ni daddy nang naka pasok na ako sa aming sasakyan.
    “Wala na po. Uuwi na ako,” sabi ko.
    “Okay…” pinaandar ni daddy ang sasakyan.

    Ang alam ko ay pupuntahan na rin niya sina Mommy at Lola pagkatapos niya akong ihatid. Inanyayahan niya pa nga akong sumama kaso ay hindi ako interesado. I have other plans.

    Nang nakarating na ako sa mansyon ay hinintay ko munang umalis ulit si daddy bago dumiretso sa kuwadra. Hindi naman ilegal ang ginagawa ko pero ayaw ko lang talaga ng tinatanong ako.

    Hinanap ko sa mga kuwadra si Abaddon. Nilingon ako ng mga trabahador na naroon kaya nagpaalam muna ako.

    “Nagpaalam na ako kay Hector. Hihiramin ko lang saglit si Abaddon,” sabi ko sa matandang tagapangalaga.

    Kinuha ko ang latigo na nakasabit sa kuwadra. Hinaplos ko ang ulo ni Abaddon, he responded.

    “Kung mag tatanong si Hector kung saan ang tungo niyo, ano ang sasabihin ko?”
    “Paki sabi na lang na gumala lang ako sa rancho-“
    “Naku, hija. Pinayagan ka ba talaga? Alam mo bang delikado ngayon lalo na’t tag ulan? Paano kung abutin ka ng ulan kung saan? Maraming galang hayop sa ibang parte ng hacienda.”
    “Manong, hindi naman po ako doon gagala. Sa malapit lang po ako. Gusto ko lang sumakay.”

    Wala siyang nagawa dahil sumakay na ako kay Abaddon. Kaonting lakad lang bago ko nilingon ulit ang tagapangalaga.

    “Aalis na po ako? Babalik din agad.” Ngumisi ako at bahagya nang nilatigo si Abaddon, I want a fast take off.

    Mabilis nga ang naging takbo ni Abaddon. Hindi ko alam kung tama ba ang tinatahak ko kaya diniretso ko ito sa azukarera kung nasaan maraming trabahador ang naroon.

    Pinatigil ko si Abaddon nang nakitang may isang matandang babaeng may bitbit na basket.

    “Manang, pwedeng magtanong?”
    Nanunuri ang mga mata niya. “Ano ‘yon?”
    “Saan po ba ang dulo nito?” Sabay turo sa tinatahak ko.
    “Sa Tinago ang dulo dito…” Tinuro niya ang daang diretso. “Ito naman sa highway…” sabay turo niya sa kabila.

    Naalala ko iyong bahay ni Aling Nena na doon tatahakin. Bumaling ulit ako sa matanda.

    “Kilala niyo po ba si Knoxx Montefalco?”

    Kumunot ang noo ng matanda. Kung hindi niya kilala ay maghahanap ako ng ibang trabahador na nakakakilala.

    “Montefalco, oo! Iyong nakatira ba doon?” Tinuro niya ang ibang daanan.
    “Saan po siya nakatira?” Ginalaw ko si Abaddon para mas makita ang tinuturo ng babae.
    “Diretso ka lang muna sa Highway. Tapos sa dulo ng lupaing ito, may mga isa o dalawang ektarya diyan na may iba’t ibang tanim. Sa gitna ay may medyo malaking bahay. Bahay iyon ng mga Navarro pero ang naroon na ngayon ay ang apo nilang Montefalco ang apelyido.”

    Wala naman siguro gaanong Montefalco dito, hindi ba? Tumango ako at tinapik ang ulo ni Abaddon.

    “Maraming salamat po!”

    Sinunod ko ang sinabi ng matanda. Ilang minuto din akong nakasakay kay Abaddon sa mabilis na takbo. Nasa highway na ako at tinahak ko iyong daanan sa gilid lamang ng kalsada para marating ang dulo ng rancho.

    Ekta ektarya ang lupain namin kaya medyo malayo rin ang narating ko. Nang may nakita akong isang malaking bahay sa di kalayuan ay hindi na ako nag atubiling lapitan.

    Ang bahay na iyon ay mukhang makaluma ngunit kita parin ang pagiging makabago nito. Tingin ko ay ilang beses na itong na renovate. May veranda ito sa ikalawang palapag. Hard wood ang gamit sa mga dingding nitong parang nasa panahon pa ng kastila ang disento. Dark brown ang kulay ng buong bahay. Nakabukas ang pinto nito sa harap at nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa gilid ng bahay. It’s Knoxx’s Wrangler!

    Sa isang galaw ay bumaba ako kay Abaddon. Pinwesto ko siya sa may damo at may kaonting tubig at putik. Tinali ko siya sa puno ng acacia’ng nasa bukana ng lupain kung saan nakatayo iyong bahay.

    “Tao po?” sabi ko.

    Nakabukas ang nguso ng Wrangler. Tila ba may umaayos dito kanina pero wala akong makitang tao.

    “Sino ‘yan?” baritong boses ng lalaki ang narinig ko.

    Naka puting gutay gutay na sleeveless shirt si Knoxx. May grasang nagmantsa sa kanyang damit at sa kanyang maong. Nagpupunas siya ng kamay at madilim ang tingin lalo na noong namataan ako.

    Pinisil ko ang aking daliri sa aking likod at ngumiti sa kanya.

    “Hi! Dito ka pala nakatira?” sabi ko.

    Bumaling siya sa nguso ng kanyang sasakyan at may inayos yata doon. Hindi ako nililingon ay tsaka siya nagsalita.

    “Bakit ka nandito?”

    Lumapit ako sa kanyang sasakyan para dumungaw na rin sa kung anong inaayos niya.

    “I’m bored so namasyal muna ako. Are you alone in this house?”

    Humilig ako sa nguso ng kanyang Wrangler at agad akong nakakuha ng grasa galing doon!

    “Don’t-” hindi niya tinuloy.
    “Oh!” Tiningnan ko ang mga kamay kong itim na ngayon. Kinagat ko ang aking labi. “Paano ‘to matatanggal?”
    “Just wash your hands…” aniya at kumuha ng isang tabo ng tubig sa gilid.

    Sinarado niya ang nguso ng kanyang wrangler at doon niya nilagay ang tabo. Binasa ko ang aking kamay doon at unti unting tinanggal ang itim kahit na mukhang matatagalan ako.

    Nagkatinginan kami ni Knoxx. Umigting ang kanyang panga. Bakit mukha siyang laging naiinis sa akin? What’s in me that is very unlikeable, I wonder?

    “Sira ba ang Wrangler mo?” tanong ko para maistorbo ang galit niya sa akin.

    Nag-iwas siya ng tingin at ginulo niya ang kanyang buhok. Dammit! Could this guy get any hotter? Nilingon niya ako. His eyes pierced through me. Umawang ang labi niyang mapupula. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya! Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa may lamay dito.

    “Nope. Tinitingnan ko lang. Wash your hands properly…” aniya sa malamig na boses.

    Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang aking mga kamay na nasa loob ng tabo. Medyo nawala na ang grasa doon kaya tumigil na ako sa paghuhugas. Bumaling ako sa kanya.

    “Why are you here?” tanong niya. Mukhang hindi siya kuntento sa aking sagot.

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Sumilong

    “Why are you here?”

    Ngumisi ako sa tanong niya. He looks pissed.

    “I told you I was bored. Sumakay ako kay Abaddon at namasyal. I found this house. Nandito na ba ito noon?” Tumingala ako sa two-storey old looking house nila.
    “Hindi ba ay dito ka lumaki sa Alegria?”
    Tumango ako. “Yup. Pero hindi ako nagagawi dito. Hindi ka ba dito lumaki?” Kumunot ang ulo ko.
    “No… You should go now… mukhang uulan,” ani Knoxx sabay iwan sa akin para kumuha ng tubig at maghugas na rin ng kanyang kamay.

    HIndi ko sinunod ang gusto niyang mangyari. I want to be here. Totoong dumidilim na nga dahil sa nagbabadyang ulan pero hindi ko na iyon inisip. Tiningnan ko ang puno ng mangga na nasa kanyang bakuran. Marami ng hinog.

    “Hindi mo ba kinukuha ang mga bunga ng mangga? They look so delicious…” sabi ko at binaba ko ang tingin sa kanya.

    Naabutan kong nakatingin na siya sa akin habang nagtatrapo ng kamay.

    “Hindi pa sila hinog,” simpleng sagot niya.

    Umikot siya patungo sa likod ng Wrangler. Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang pintuan ng backseat at may kinuhang mga kahon doon.

    Sumunod ako doon para matingnan kung ano ang kinukuha niya. His biceps were strained as he carried two boxes at a time. Tumabi ako dahil inilapag niya iyon malapit lang sa kinatatayuan ko.

    “What are those?” tanong ko.
    Humigit siya ng malalim na hininga bago ako sinagot. “Mangoes…”
    “Oh! You have a mango plantation?”

    Hindi niya na ako sinagot dahil panay ang hakot niya sa mga kahong nasa likod ng kanyang Wrangler. Pagkatapos ng sampung kahon ay tumigil na siya sa paghahakot.

    “You should really go now. Baka hinahanap ka na sa inyo…”
    Ngumisi ako. “They’re busy for Hector’s wedding. By the way, you’re going to be there right?” Wala kasi ang pangalan niya sa wedding invitation but he can be a guest of course.
    “Yeah…” pagod niyang sagot.

    Lumipat siya ngayon sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at nang nakuntento sa tunog nito ay pinatay din kaagad. Binuksan niya ulit ang nguso ng kanyang sasakyan.

    “Bakit hindi mo iyan patingnan sa talyer?” tanong ko. “There are shops here, right?”

    May inayos siya doon. Pilit akong dumungaw kahit na wala naman talaga akong alam sa sasakyan.

    “I can do it myself…” aniya.

    Kinagat ko ang labi ko. May pawis na sa kanyang noo. I can’t help but stare at his serious face. I can stay here all day and just watch.

    Sinarado niya ulit ang nguso ng Wrangler at bumalik siya sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina at nang mas naging maganda ang tunog ay natapos na siya.

    Umakyat siya sa hagdan ng bahay. May double doors ito na binuksan niya para makapasok. Sa labas ay kitang kita ko ang mga antique na gamit doon sa loob. Marmol ang sahig ng loob ng bahay at may chandelier pang makaluma. Umakyat ako ng isang baytang. Bumaling si Knoxx sa akin.

    “You’re not allowed to go inside…”

    Nalaglag ang panga ko. Well, I’m not sure if he’s being mean to me or he just doesn’t want anyone seeing us together or even inside his house.

    “Bakit naman?” Tumingala ako sa langit na naging mas makulimlim.
    “Just stay there… Or just go home now… It’s gonna rain…” malayo na ang boses niya.

    Nanatili ako sa labas. I don’t want to push my luck. Umupo ako sa hagdanan habang naghihintay sa kanyang paglabas.

    “I’m bored! Si Manang at ang mga kasambahay lang ang naroon sa mansyon,” sabi ko.
    “Just log in to your Facebook and do things like that…” Narinig ko ang halakhak niya sa loob ng bahay.

    Napangisi ako. Dammit! His laugh made me blush!

    “I don’t do that… That’s boring!” pasigaw kong sinabi.

    Sana ay nakita ko iyong tawa niya.

    Ilang sandali ang nakalipas ay may patak ng ulan sa aking braso. Sunod sunod na ito hanggang sa maaari na akong mabasa. Nilingon ko ang double doors papasok ngunit hindi ako dumiretso doon.

    Pumunta ako sa malaking mangga para doon makisilong.

    Noong una ay kaya pa ng malaking puno ang ulan. Nakakasilong pa ako sa kanya. Pero nang mas lalong lumakas ay may mga takas na patak nang nagpapabasa sa akin.

    Ilang patak pa ay nababasa na ako. Dumikit ako sa katawan ng puno para maiwasan ang pagkabasa ngunit sa lakas ng hangin at ulan ay hindi na nakaya. Napatingin ako kay Abaddon na nakasilong sa isang munting puno na may yero sa taas. Sana pala ay doon ako dumiretso!

    Nakita ko si Knoxx na lumabas sa double doors. May hawak na siyang mug at isang kulay grey na t shirt na ang suot. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang bakuran. Nagawa ko pang kumaway para makita niya ako doon.

    Kitang kita ko ang pagkakagulat niya nang nakita akong nakatayo doon. Nilapag niya sa isang mesa ang kanyang mug. Pumasok siya sa loob ng bahay at sa pagbabalik niya ay may dala na siyang isang malaking payong!

    Tinakbo niya ang distansya naming dalawa. Nanginginig na ako sa lamig. Humatsing pa ako. Dammit! Sisipunin pa yata ako!

    “Bakit ka nandito?” pagalit niyang sigaw.

    Hinawakan niya ang aking braso. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit galit siya ay lubos aking nagalak!

    “Sumilong ako-“
    “Sumilong?” Sinilong niya ako sa kanyang payong. “Silong ba ‘yan?” sigaw niya ulit.

    Hinigit niya ako paalis doon. Dumikit ako sa kanya para hindi mabasa ng ulan. Nakatitig na rin ako sa sobrang pagkamangha sa galit niya.

    Pinapasok niya ako sa kanila. Nilagay niya ang payong sa isang malaking jar at dumiretso siya sa isang kwarto. Lumabas siya doon ng may dala ng tuwalya. Humatsing ako at suminghot. Magkakasipon yata ako. Kasal pa naman ni Hector at Chesca bukas.

    Binigay niya sa akin ang puting tuwalya.

    “Basang basa ka!” pagalit niyang sinabi.
    Tumango ako. “Akala ko ambon lang kaya doon ako sumilong. Nagulat na lang ako nang biglang bumuhos-“
    “Sana ay umuwi ka na! Ang tigas ng ulo mo!” aniya.

    Natigil ako sa pagsasalita. Nagpunas ako ng buhok at humatsing ulit. He moaned in frustration.

    “You should… change your clothes…” aniya.

    Tiningnan ko ang damit kong basang basa. Ang aking boots ay naging dahilan kung bakit ang marmol na sahig ay naging maputik.

    “Do you have some… spare clothes? I think I need to change nga para hindi ako sipunin…”

    Hindi niya na ako pinatapos. Umakyat siya sa isang hagdanan patungo siguro sa ikalawang palapag. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para maghubad ng boots. Nilagay ko sa tabi ng jar ang boots at pinunasan ko na rin ang paa ko. Humatsing ulit ako at nagsimula nang sumama ang pakiramdam ko. Not now, dammit!

    Bumaba si Knoxx na may dalang mga damit. Tila nalilito siya habang nilalapag ang mga damit niya. Hindi ko alam kung bakit.

    “Sa banyo ka na magbihis…” aniya sabay turo sa isang pintuan.

    Tumango ako at tinanggap ang mga damit niya. Pumasok ako sa banyo para magbihis pero napatingin ako sa mga gamit doon. Maraming imported na showergel, shaving cream, at kung anu-ano pa. Lahat ng gamit doon ay panlalaki. I can imagine Knoxx taking a shower here… May bathtub pa!

    Napangiti ako habang nagbibihis. Isang malinis na puting t shirt ang pinasuot niya sa akin. Para sa shorts ay isang itim na jersey naman. My undies are wet too. Hindi ko na nga lang hinubad dahil wala naman akong pamalit.

    Kinatok niya ako bigla. Natigilan ako habang nagsusuklay ng buhok.

    “Are you done? Give me your wet clothes…” aniya.

    Binuksan ko ang pintuan at binigay ko sa kanya ang aking mga damit. Nagkatinginan kami bago siya umalis patungo sa likod ng bahay.

    Sumunod ako sa kanya ng nakapaa. Humatsing ulit ako kaya napalingon siya sa akin. Umiling siya habang nagsasampay ng damit ko. Hindi ko maiwasan ang pagngiti.

    “You’re living alone?” tanong ko.
    “Yeah…” tamad niyang sagot.

    Pagkatapos niyang magsampay ay pumasok ulit siya sa loob. Dumiretso siya sa kusina. Sumama ako sa kanya at nakita kong kumukuha siya ng iba’t-ibang powdered milk, coffee, at kung anu-ano pa.

    “Do you drink coffee?” tanong niya.
    Tumango ako at umupo sa mahogany chair sa malapad na lamesa doon.

    Nilapag niya sa harap ko ang brewed coffee. Kinuha ko ang isang mug at ako na mismo ang nagsalin ng kape doon.

    “Pagkatapos mong magkape, ihahatid na kita sa inyo…”

    Sumimangot ako. I won’t drink my coffee then?

    “Umuulan pa…” sabi ko.
    “Ambon na lang iyan,” aniya.
    “Paano si Abaddon at ang mga damit ko? Hintayin ko na lang matuyo ang damit ko…”
    “Hintaying matuyo? Ano? Bukas ka pa uuwi? You need to go before Hector conducts a search and rescue operation for you…”
    Humalakhak ako. “Pwede ko namang tawagan. Hindi naman siguro sila magagalit kasi kilala ka naman nila.”

    Umigting ang panga ni Knoxx. Nagtaas lamang ako ng kilay. Hindi ko maitago ang ngiti ko kaya sumimsim na lang ako sa kape.

    “Finish your coffee fast. You are going home now…”

    Sungit! Ngumiwi ako at inunti unti lamang ang kape.

    Kaya iyon nga ang nasunod. Nang nagkalahati ako sa aking kape ay nagyaya na siyang umuwi na ako. Ihahatid niya daw ako gamit ang Wrangler.

    “How about Abaddon? Hihintayin ko na lang na humupa ang ulan. Gagamitin ni Hector si Abaddon bukas sa kasal. Magagalit iyon pag-“
    “Ipapakuha ko si Abaddon dito…” malamig niyang sambit.

    Ngumiwi ako at sumunod na lang. Wala na akong choice. Hindi ko na siya pinaalala sa mga damit ko. Dumiretso na ako sa loob ng kanyang sasakyan. Naka tsinelas niya ako. Mas malaki iyon sa aking paa pero hindi ako nagreklamo.

    His clothes smell so nice. Pakiramdam ko ay pareho na kami ng amoy and I’m loving every but of it.

    Pinaandar niya ang Wrangler. Diretso ang andar nito palayo doon.

    Babalik ako doon sa susunod na araw, panigurado. Ngumiti ako at hinayaan siyang mag drive ng matiwasay. Nasa highway na kami nang binalingan ko siya. Nakakunot ang kanyang noo.

    “Do you have a girlfriend?” tanong ko.

    Hindi siya sumagot. Sumulyap lamang siya at nakita kong umigting ang kanyang panga.

    “Bakit ka nagtatanong?”
    “Well, I’m just curious. Who’s that girl again? Si… Lumi? Iyong kausap mo sa party ni Hector kahapon. Siya ba ang girlfriend mo?”
    Suminghap siya. “I don’t have a girlfriend…”
    “Ahh…” Slow motion akong tumango. “Akala ko may magagalit pag nakita tayong dalawa.”

    Hindi siya nagsalita. Naririnig ko lang ang mabibigat niyang paghinga. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan ang katahimikan.

    Nang nakarating na kami sa mansyon ay sobra akong na disappoint. Gusto ko pang manatili doon sa kanila pero dahil hinatid niya ako, wala akong magagawa. May sumalubong sa aming taga pangalaga ng mga kabayo. Lumabas si Knoxx at may binilin kaagad doon.

    “Knoxx?” pababa ng hagdan si daddy nang nakita niya ang sasakyan ni Knoxx.

    Lumabas ako roon at lumipat ang tingin ni daddy sa akin. Natigil siya sa pagbaba at bumagal ang bawat hakbang niya.

    “Tito, naabutan ng ulan si Entice kaya pinahiram ko ng damit. Dala niya si Abaddon na nasa bahay. Hinatid ko siya dahil umaambon pa,” paliwanag niya kaagad kay daddy.
    “Dad!” ngumisi ako lumapit.

    Kitang kita ko ang galit sa mukha ni daddy. Paniguradong papaulanan niya na naman ako ng pangaral dahil da katigasan ng ulo.

    “You know Hector will use Abaddon tomorrow, right?” paunang tanong ni daddy.
    “Dad, nagpaalam ako kay Hector. Hindi siya umiling kaya siguro pumayag siya. And besides, hindi ko alam na uulan. Kung alam ko, sana hindi na lang ako namasyal.”
    “Namasyal ka hanggang sa dulo ng rancho?” Kumunot ang noo ni daddy. “Dapat noong nakita mong dumidilim, bumalik ka na!”

    Ngumiwi ako at bumaling kay Knoxx na kay daddy lang ang buong atensyon.

    “Knoxx, maraming salamat hijo. Pasensya ka na sa anak kong ito. She’s young and naive most of the time…”
    “Hey! I’m not young and naive…” angil ko.
    “Walang anuman, tito. Pinakuha ko na si Abaddon sa tagapangalaga.”

    Tinapik ni daddy ang balikat ni Knoxx at naglakad sila palayo sa akin.

    “Maraming salamat talaga…”

    Hindi ko na narinig ang sunod na pinag usapan. Tiningnan ko lang silang dalawa na nag uusap hanggang sa nagpaalam na si Knoxx. Bago siya pumasok sa Wrangler ay sumulyap siya sa akin.

    Ngumiti ako at kumaway. Pumasok siya ng wala man lang sukli sa akin. Naabutan ako ni daddy na ngayon ay nakaigting na ang panga.

    “How many times do we have to tell you, Entice? Dapat ay hindi ka basta bastang gumala! You’re a girl, for God’s sake!”

    Nang umalis na ang Wrangler ni Knoxx ay bumaling ako kay daddy.

    “Namasyal lang naman-“
    “Namasyal at gumala, pareho lang iyon! Ang tigas talaga ng ulo mo!”

    Tinalikuran ko si daddy at tumakbo na ako papasok ng mansyon. I’m not a child anymore. Hindi ako tatanggap na tinuturing akong ganoon!

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Alipin

    Pinagalitan ako ni mommy, daddy, Hector, at Lola. Pakiramdam ko, silang lahat ay nagkakaisa para gawing impyerno ang buhay ko. Pinapalabas ko na lang sa kabilang tainga ang kanilang mga salita para hindi ako buong araw na badtrip.

    “Ano ang gusto mo para sa buhok mo?” tanong ng bading na mag aayos sa akin.

    Si Chesca ay nasa likod ko. Inaayusan na rin siya ng isa pang make up artist. Ang ibang mga bride’s maid ay nasa kabilang kwarto naman at inaayusan na rin. Sa salamin ay kitang kita ko na tinatanaw ni Chesca ang aking repleksyon.

    “I want my hair straightened. Hindi ba mas maganda iyon?” tanong ko sa bading.

    Ang kaonting kulot sa dulo ng aking buhok ay sumasayaw, tulad ng kay Chesca. Only that, Chesca is wearing his hair up this time. Nga naman, ikakasal na siya. Her off shoulder gown is just beside us. May green long gown is on the bed, waiting.

    “Mas nakakabata pag inuunat ang buhok kaya sige…”

    Kinuha ng bading ang hair iron ngunit pinigilan ko kaagad siya dahil sa huli niyang sinabi. I don’t want to look any younger than my age. In fact, I want to look a year older or something.

    “Kung kulot ba mas nakakamature?” tanong ko.
    “Oo,” kitang kita ko ang pagkakalito sa mukha ng bading.
    “Okay then. Curl my hair. Iyong sa baba lang and I want it half ponytail.” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
    “Okay. Gusto ni ate ng mature…” Humagikhik ang bading.

    Sa salamin ay kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni Chesca. It was as if she’s speculating something. Naka poker face ako habang tinitingnan siya doon pabalik.

    “You know, curly hair looks good on you…” ani Chesca.
    “Thanks… Nasanay ka lang siguro dahil natural na kulot ang dulo ng buhok ko, tulad ng sayo…”
    Ngumiti siya. “Ipapakilala kita sa kapatid kong si Craig mamaya. Ilang taon lang ang tanda niya sayo…”

    I’ve seen Chesca’s brother. He’s cute and that’s all. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi ngayon.

    “You like Knoxx Montefalco, huh?” nasapul niya.
    Walang kurap-kurap kong tinanggihan ang kanyang paratang. “Nope…”
    “Really? Then bakit ka naroon sa bahay ni Knoxx kahapon?” Tumawa siya ng bahagya. “You can fool the boys, you can’t fool me. We’re girls, Entice.”
    Nag angat ako ng tingin kay Chesca. “He’s challenging.”
    “Naku! You know, Entice… Schoolmates kami ni Knoxx noong college. He’s a known heartbreaker. Well, maybe he’s changed now. Ilang taon na rin ang lumipas. Just be careful.”
    Nanliit ang mga mata ko.

    Pumikit si Chesca para sa kanyang eye make up. Ngumiti ako. I’m not sure why I’m attracted, though. We’ll find it out.

    Sinusuot na sa akin ang gown, katulong ng bading nang pinasok ni mommy ang kwarto ni Chesca. Panay ang click ng camera sa gown ni Chesca. Magkakaroon pa raw ng pictorials ngayon bago kami didiretso sa simbahan.

    “Agricultural Business ang kinuha mong kurso sa Alegria Community College, Entice?” tanong ni mommy sa akin.
    “So what?”

    Ang totoo ay wala naman talaga akong gustong kurso. Kaya kinuha ko iyong kurso ni Knoxx at ni Hector. Seems interesting. Tutal ay nasa Alegria ako at sagana ng sa agrikultura, iyon na ang kukunin ko.

    “So what? Akala ko ba napag usapan na natin ito? I want you to take up Business Administration,” giit ni mommy.
    “Mom, why is Hector allowed to get that course? Tapos ako, hindi?” Marahan kong sinabi.
    “Siya ang magmamana ng buong rancho, Entice. You… You’re going for your dad’s company in Manila. Not the ranch!” Dismayadong sinabi ni mommy.
    “I’m for Agri Biz, mom. Please, hayaan mo na ako,” sabi ko.

    Umiling si mommy at marami pang sinabi bago ako nilubayan. Hindi niya na ako kinulit muli kaya natahimik na rin ako.

    Lumabas ako, kasama ang mga bride’s maid. Marami palang imbitado si Chesca. Pinaghalong mga kaibigan niya sa Manila at kaibigan niya dito sa Alegria ang naroon. Kulay dark green ang lahat ng suot namin, iba iba lang ang disenyo.

    Sa malayo pa lang ay kita ko na ang kapatid ni Chesca na si Craig. Nilingon kaagad ako ni Chesca nang nakalapit ang dalawang lalaki.

    “Entice, this is my brother, Craig Alde. Ito naman ang pinsan kong si Theodore…”

    Kinamayan ko ang dalawang lalaki. Craig’s brows shot up. Nakasimangot naman sa kanya ang pinsang si Theodore.

    “Teddy,” ani Theodore.

    Kinausap nila ako saglit tungkol sa detalye ng pag uwi ko dito sa Pinas ngunit nagkahiwalay din kami nang tawagin na ng photographers ang mga bride’s maid.

    Tumagal ng isang oras at kalahati ang buong pictorial. Kaming mga bride’s maid kasama si Chesca. Tapos ang mga groom’s men ay sa likod naman kasama si Hector.

    Nasa isang van lamang kaming patungo sa simbahan. Sa jeep commander nakasakay si Chesca at si Hector naman ay kay Abbadon. The whole wedding looked so magical. Para bang galing ang scenes sa isang fairytale.

    “So… we’re partners,” ani Craig nang nagkatabi na kami sa linya.
    “I guess so…” sabi ko at pinasadahan kaagad ng tingin ang buong simbahan.

    Marami ng tao doon. Hindi ko na makikita kung nasaan ang iba kaya nag concentrate na lang ako sa paglalakad patungong gitna.

    Nang nagsimula ang ritwal ay sabay kaming naglakad ni Craig. Naghiwalay lamang kami nang nasa gitna na at umupo sa aming mga upuan.

    Bumaling ako sa bukana ng simbahan para makita ang iba pang mga papasok sa loob. Nahagip ng tingin ko si Knoxx sa malayong likod. Nakaputing long sleeve shirt siyang nakatupi hanggang siko. Katabi niya iyong si Lumi at iba pang mga kaibigan ni Hector.

    Nakita ko si Koko na nakasimangot nang naglakad patungo sa kanyang upuan. I wonder what’s wrong with him.

    Ibinaling ko ang buong atensyon sa kasal. Napaiyak pa ako nang nagsabihan ng vows si Hector at Chesca. I can’t believe this event made me emotional. Mabuti naman at halos lahat yata ng guest ang napaiyak. Tunay ngang malapit sa kanila ang halos lahat ng imbitado.

    Pagkabalik namin ng mansyon ay sumakay na ako sa Jeep Commander kasama si Hector at Chesca.

    “Don’t do that. She needs to study,” naabutan kong saway ni Hector kay Chesca.

    Umandar ang sasakyan at pinagmasdan ko ang dalawa sa harap ko. Nilingon ako ni Chesca na ngayon ay humahagikhik na. She looks so pretty, like a goddess straight from Mt. Olympus.

    “What is it?” tanong ko.
    “Your cousin is over protective, Entice. Sinabi ko lang na pinakilala ko si Craig at Teddy sa’yo, nagwawala na.”
    “Hindi ako nagwawala,” marahang sinabi ni Hector at inakbayan si Chesca.
    “Asus! Hindi rin naman type ni Entice si Craig. At isa pa, babalik ang dalawang iyon sa Maynila. Bukas. Kaya it won’t hurt if they became acquainted with each other…”
    “Basta! Mabuti pang mag aral na lang muna siya…” parinig ni Hector.
    “Chesca was eighteen when she met you. Nag aaral din siya noon. It’s called multi tasking.” Ngumisi ako.
    “Tsss. Mag aral ka muna! You’re too young for anything,” malamig na sinabi ni Hector.

    Nilingon ko ang labas at pinagmasdan ko ang malawak na soccerfield na dinadaanan namin sa tapat ng simbahan ng Alegria.

    Nang nakarating na kami sa mansyon ay abala na ang lahat sa mga pakulong gagawin sa pagdating ni Hector at Chesca. Umupo ako sa upuan na inihanda para sa mga kapamilya. Naroon din si Teddy at Craig na parehong abala sa kani kanilang mga cellphone.

    Nilingon ko ang lamesa ng mga kaibigan ni Chesca at Hector, nakikinig sila sa buong programa at nakikitawa sa Master of Ceremonies. Si Koko naman ay abala sa pakikipag usap kay Abby, ang kanyang girlfriend.

    Hindi kalaunan ay kainan na. Isa isang nilagay ang mga pagkain sa aming hapag. Nilingon ko ang mesa nina Koko at nakita ko si Knoxx na nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Lumi.

    Nilingon ko ang mga pagkain namin at nagsimulang kumain. Pilit kinalimutan ang imaheng nakita kanina.

    “Are you done eating?” tanong ni Craig sa akin.

    His air reminds me of Hester, iyong kaibigan ko sa US. He looks like a playboy… the irrevocable one. Well, I guess all playboys will stay that way forever.

    “Yup…” sabi ko sabay inom sa wine.
    “May I have this dance?” tanong niya.

    Nilingon ko ang dancefloor. Tapos na ang selebrasyon at mismong si Chesca at Hector ay wala na sa kanilang upuan. Marami paring bisita dahil sa sayawan. Papalubog na ang araw at magandang oras na para magsayaw.

    Si Koko at Abby ay sumasayaw na sa gitna kasama ang iba pang mga naroon. The music was slow and boring.

    Umiling ako kay Craig. “Maybe later…”
    “Tsss,” tumawa si Craig. “Pa hard to get?”
    “I dislike the music, that’s all…”

    Humalukipkip ako at bumaling sa tumatayong si Knoxx. Nilahad niya ang kanyang kamay kay Lumi at tumayo ang babae para tanggapin ang kamay. Parang may malamig na kamay ang humawak sa aking tiyan.

    “Hmmm…”
    Nilingon ko si Craig na mukhang nakita kung sinong pinapanood ko. “Let’s dance…”

    Ako mismo ang unang tumayo at naghila kay Craig papuntang dancefloor. Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at nilagay niya naman ang kanyang kamay sa aking baywang.

    “Looks like you have an eye for someone, huh?” ani Craig sa isang malambing na boses.

    Hindi naman pala siya manhid. Not bad… Bumaling si Craig sa kung sinong tinitingnan ko.

    Knoxx was standing close to Lumi. What does she see in her? Maybe her long straight hair, or her pitch black eyes? What is it? Dahil ba hindi na siya bata? Dahil pareho sila ng edad at siguro’y magkapareho din ang isipan?

    “Do you want to make him jealous?”
    Napatingin ako kay Craig. Oh come on! Ni hindi niya nga ako tinitingnan, pagseselosin pa? Hinding hindi iyon magseselos. “I’m not that cheap…”

    Pagkasabi niya noon ay hinila niya palapit ang aking katawan. Tinaas ko ang kilay ko bilang hamon. Ngumisi siya.

    Biglang tumigil si Craig sa pagsasayaw at hinarap ang katabi namin. Nagulat ako nang si Knoxx at Lumi na iyon. Sa dami ng sumasayaw ay sila pa ang makakatabi namin.

    “Can we change partners?” tanong ni Craig sa kay Knoxx.

    Hindi pa nakaka-oo si Knoxx ay tinanggap na ni Craig ang kamay ni Lumi. Nanlaki ang mga mata ni Lumi ngunit walang nagawa ang kanyang katawan. Matalim na tumingin si Knoxx kay Craig ngunit pilit na nilayo ni Craig si Lumi.

    Tumikhim ako. I know it’s wrong but who knows, Craig probably likes Lumi kaya niya iyon ginawa.

    “Si Craig talaga. Type niya siguro iyong kaibigan mo,” humagikhik ako.
    Bumaling si Knoxx sa akin. Ang kaninang magaang ekspresyon ay bumigat nang hinarap ako.

    Napawi ang ngiti ko. So much for thinking this is okay.

    Nakaramdam ako ng panliliit. Hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko ang kahabaan ng long gown ko at nanatili kaming nakatayo sa gitna ng dancefloor. Maybe we should sit down now…

    Naglahad siya bigla ng kamay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. He’s seriously asking me to dance with him?

    Walang pag aalinlangan kong nilagay ang aking kamay sa kanya. Hinigit niya ako palapit sa kanyang katawan. Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito. It’s foreign and amazing!

    “I’ll return you to your partner…” ani Knoxx.
    Hindi napawi ang gulat ko kahit ganoon ang linya niya. “I don’t want my partner back…”
    Nag iwas siya ng tingin sa akin. “Then don’t dance with him. Simple.”
    Nag tiim bagang ako. “Let your partner enjoy this dance with mine, Knoxx.”
    Binalik niya ang mata niya sa akin. “Ayaw mo nga sa partner mo, si Lumi pa kaya?”

    Nanuyo ang lalamunan ko. He sounds so protective of her. May kung anong mabigat na nakadagan sa aking puso. Kinagat ko ang aking labi. Nagkatinginan kaming dalawa.

    Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Nanatiling madilim ang kanyang mga mata. His expression is always unreadable. Misteryoso. Parang laging may tinatago. Ayaw magpapasok ng kahit na sino. May matatayog na dingding sa pagitan ng ibang tao. Pero para kay Lumi, wala. Para kay Lumi, walang dingding. Para kay Lumi, nakalahad ang lahat. Ang buong pagkatao at maaaring pati ang kaluluwa.

    “So… you’re in love with your friend, huh?”
    “You speak of love like you know a thing about that. You’re too young for that,” mabilis niyang sagot.
    “I am young, yes. But I am not too young to not feel it. No one is too young for it…”

    Umigting ang panga ni Knoxx. Parang kinukurot ang puso ko. I know it’s a shallow thing to feel hurt just because of this. I’ve been to charity works with my father. We fed the poor. I’ve met people in depressing areas and living depressing lives. Maliit na problema lamang ito. Ngunit kahit paano ko iyon isipin, hindi ako kaagad nakabawi.

    Bumagsak ang balikat ko. Nanghina ang kamay kong nakakapit sa kanyang balikat.

    Nagulat ako nang hinawakan ni Knoxx ang kamay kong nanghihina. Inayos niya iyon sa balikat niya.

    “Hold on. I’ll take you back to your partner.”

    Huminga ako ng malalim at luminga para mahanap si Lumi at Craig sa dancefloor.

    “Hindi ko sila makita…” bumaling ulit ako kay Knoxx.
    Umigting muli ang panga ni Knoxx. “Don’t be too impatient…”

    He’s right. Siya ang maghahanap sa kanila dahil siya naman itong atat na maibalik ako kay Craig. Inilapit ko ang sarili ko sa kanyang katawan. Pinalupot ko ang kamay ko sa kanyang batok. I am determined to enjoy this dance, no matter what.

    “Look for them. Just tell me when you see them, para maibalik mo na ako kay Craig,” sabi ko at ngumisi.

    Umiling siya at marahang pumikit. Para bang isa akong malaking problema sa kanya.

    Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi parin niya natatagpuan si Craig at Lumi. Nakita ko si Koko na kasayaw si Abby sa dancefloor. Nginitian ko lang si Koko habang tinitingnan niya si Knoxx.

    “Knoxx, pinormahan daw ni Craig si Lumi?” tanong ni Koko nang nakalapit sa amin. “Kaya ba kayong dalawa ni Entice ang nagsasayaw ngayon?”
    “Yeah…” tamad na sinabi ni Knoxx.
    “Kanina pa umupo si Craig at Entice, ah? Di ninyo nakita?” may pagtataka sa tono ni Koko.

    Dammit! Koko naman! Matalim kong tinitigan si Koko.

    “Yeah…” ani Knoxx sa napapaos na boses.

    Unti unting pinroseso ng aking utak ang sinabi ni Knoxx. Ngumisi ako at tiningala ko siya.

    “Hindi ka pa ba napapagod?” tanong niya.
    Umiling ako at mas lalong ngumisi. “Persistent, huh? Umupo na tayo. Your dad will get furious…”

    Kinagat ko ang labi ko. I don’t care about my dad! Pero sa oras na iyon pakiramdam ko kahit anong sabihin ni Knoxx ay susundin ko.

    “Okay…” tumango ako, parang alipin sa kanya.

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    Gutom

    Inuman ang nagpahaba sa gabi. Nakisali ako sa mesa nina Koko para malibang ako. Antok na ako at lumalalim na ang gabi ngunit sinikap kong makisama.

    “Eto oh…” Koko handed me a bottle of beer.
    Umiling ako. “Hindi ako masyadong umiinom e. Wag na.”
    Tumawa si Koko. “Sige na nga…”

    Sumulyap ako kay Knoxx. Nakita kong humikab ang katabi niyang si Lumi. Hinigit ng bahagya ni Lumi ang braso ni Knoxx. Lumingon si Knoxx sa kanya.

    “Inaantok na ako,” ani Lumi.
    “Gusto mo nang umuwi?” tanong ni Knoxx sa isang banayad na boses.
    “Oo.” Sumulyap si Lumi sa akin.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Tumayo si Knoxx at sumunod naman si Lumi.

    “Mauna na kami,” ani Knoxx.
    “Ha? Bakit?” tanong ni Koko.
    “Inaantok na…” Nakipag high five si Knoxx kina Koko.

    Tumuwid ako sa pagkakaupo. Tiningnan akong muli ni Lumi. Her straight hair flowed freely behind her. Matangkad siya at kung magkatabi sila ni Knoxx ay mapagkakamalan mong mag kasintahan sila. Lumamig ang aking sikmura.

    “O sige… Susunod na rin kami,” ani Koko.

    Pinagmasdan ko silang umaalis sa aming mansyon. Sinakay ni Knoxx si Lumi sa kanyang Wrangler. Pati ang pag alis ng sasakyan ay pinagmasdan ko rin.

    Nang nakaalis na ay nagpasya rin akong matulog na. I wonder what’s really the score between them?

    Kinabukasan ay naghanda na ako sa unang araw sa eskwela. Namili kami ni mommy ng mga gamit. Nakuha ko na rin ang schedule ko at panay ang talon ko nang nakitang bakante ako alas tres o alas kuwatro. Hindi bale nang maaga ako sa paaralan.

    Pinaglalaruan ko ang latigo habang pinagmamasdan si daddy na naggagatas ng baka. Papalubog na ang araw at nakaupo lang ako sa estokada ng aming mga baka. Napupuno na ang baldeng nilalagyan ng gatas. May mga makina naman kami para diyan pero may ilang bakang ginagatasan sa tradisyunal na pamamaraan.

    “Mahirap ba iyan, dad?” tanong ko, nakapangalumbaba.
    “Hindi, kapag natuto ka na. Dapat kang matuto dahil ang kurso mo ay pang agrikultura,” ani daddy.
    “Hmm. Turuan po ninyo ako. Hindi ba ay tinuturuan n’yo rin si Knoxx sa mga ganito?” Kinagat ko ang labi ko. Siya na naman ang bukangbibig ko.
    “Oo,” sagot ni daddy.

    Tumalon ako at nilapag ang latigo sa lupa. Dumiretso ako kay daddy para matuto.

    “Hindi ba niya ito natutunan sa eskwelahan?” tanong ko.
    “Hindi pang agrikultura ang kinuha ni Knoxx. Si Maximo Navarro ang marunong sa ganito pero wala iyong interes sa kanilang lupain kaya ang pamangkin niyang si Knoxx ang sumalo.”
    Tumango ako at umupo sa tabi ni daddy.

    Inubos ko ang araw na iyon sa paggatas ng baka. Tatlong baka ang natapos ko kahit na alam kong may mali akong ginagawa. Mabuti na lang at naroon naman ang mga trabahante ni daddy para punahin ang mga kamalian ko.

    Sa sumunod na araw ay kabado ako sa eskwelahan. Wala akong kilala at hindi ko pa alam kung saan ang mga classroom. Ang resulta, nahuli ako sa unang klase.

    Mabuti na lang at nakatingin sa blackboard ang aming matandang propesor. Naghanap agad ako ng upuan at naghintay ng handouts.

    “Entice!” tawag ng isang boses ng lalaki.

    Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang nagalita. Nakita ko si Joaquin sa likod ko. Laking pasasalamat ko sa kanya. At least may kakilala ako sa classroom.

    “Ikaw pala ‘yan!” sabi ko.

    “So today, we’ll discuss the Course Syllabus!” panimula ng propesor pagkatapos niyang magsulat sa blackboard.

    Hindi natapos sa tamang oras ang subject na iyon. Mas maaga dahil kaonti lang naman ang diniscuss. Lumabas kaagad ako sa silid pagkatapos noon.

    “Entice! Sandali lang!” tawag ni Joaquin.

    Sa likod niya ay iilang mga kaibigan niyang nakatingin sa amin. The boys were smiling while the girls were looking serious. Tatlong lalaki ang kasama niya at dalawang babae. Ang mas matangkad na babae ay hinahawi ang buhok, ang mataba naman ay matalim akong tinititigan. Nginitian ko silang pareho ngunit nanatili ang kanilang mga ekspresyon.

    “Bakit?” tanong ko kay Joaquin.
    “Patingin naman ng schedule mo. Titingnan ko kung alin pa ang pareho natin…”
    “Joaquin!” tawag ng kaibigan niyang lalaki.

    Sinenyasan lang niya ang mga itong mauna na sila ngunit hindi sila gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa aking schedule. He took out his schedule too and compared them.

    “Magkaklase tayo sa halos lahat ng ating subjects! Pati sa next subject…”
    Bumaling siya sa akin at binigay niya ang aking schedule.
    “Ang mabuti pa, sumama ka na sa amin. Hindi ba natagalan ka kasi di mo alam kung nasaan ang classroom mo?”

    Sumulyap muli ako sa kanyang mga kasama. Looks like I’m not welcomed but what choice do I have?

    “O sige…” sabay ngiti ko.
    “Tsss…” anang medyo matabang babae.

    Kahit na mukhang ayaw ng mga kaibigan ni Joaquin ay sinama niya parin ako. Nalaman kong ang matangkad na babae ay si Heather at ang medyo mataba ay si Drixie. Pareho silang tahimik at hindi makatingin sa akin. Samantalang panay ang pag uusap namin ng mga lalaking kaibigan ni Joaquin.

    “Saan ka mag lalunch, Entice? Uuwi ka ba sa mansyon ninyo?” tanong noong isa.
    Umiling ako. “Hindi. Dito na lang ako mag lalunch kasi baka makatulog ako kung umuwi pa ako sa bahay. I don’t want to be late…”
    “Kung ganoon, sumama ka na sa amin!” ani Joaquin.
    “Tss…” alma ni Drixie sabay iwas ng tingin.

    I know the girls hated me for a reason. Hindi ko nga lang alam kung ano ang rasong iyon.

    “Sige ba? Okay lang ba?” tanong ko.
    “Oo naman!” maligayang sabi ni Joaquin.

    Sumama ako sa kanila sa canteen. Mas marami pala sila sa inasahan ko. Tingin ko ay isang buong section sa high school ang barkada ni Joaquin. Nakisama ako sa kanila. Panay ang tanong sa akin kung marami daw ba kaming alagang mga hayop sa hacienda.

    “Kapag ba may project tayo, pwedeng sa inyo tayo gagawa?” tanong ng isang lalaki.
    “Oo naman!” Tumawa ako.

    I want to make some friends at ito na iyon. Nginitian ko muli si Drixie at Heather pero wala parin akong nakuhang magandang sukli.

    Sa huling subject namin sa hapon ay masiglang masigla ako. Hindi na ako makapag hintay na makauwi. Kaya noong maaga kaming pinakawalan ng propesor ay nagmadali din ako sa paghagilap sa aking mga gamit.

    “Entice, gusto mong sumama sa practice game namin?” tanong ni Joaquin sa akin.

    Nilagay ko ang aking bag sa aking balikat. Umiling ako at ngumiti.

    “Kailangan ko na kasing umuwi.”
    “Ha? Bakit? Ang boring naman. Pwede namang gala muna tayo bago ka umuwi. Alas tres pa lang naman…” ani Joaquin.

    Naglakad na ako palabas ng classroom. Hinihintay na siya ng mga kaibigan niya pero sumunod siya sa paglalakad ko.

    Didiretso na ako ngayon sa aming sasakyan nang sa ganoon ay makauwi na.

    “May gagawin pa kasi ako. Sorry, Joaquin…”

    Inayos niya ang kanyang backpack na nakasabit lang sa isang balikat.

    “Sayang naman. Kung ganoon, bukas maliligo kami sa Tinago pagkatapos sa school. Sumama ka.”

    Bahagya akong natigilan. I like that idea but I also have plans for tomorrow.

    “I’ll try, Joaquin…” sabi ko.
    “Ano ba kasi ang gagawin mo?” tanong niya.
    Ngumuso ako. “Basta, importante…” sabi ko. “Sorry talaga.”

    Nilingon ko ang gate ng eskwelahan at sa labas ay nakita ko ang aming sasakyan. Kinawayan ko si Joaquin. Tumigil siya sa paglalakad at kumaway pabalik.

    Lumabas na ako sa gate at kaagad na pumasok. Ang driver lang ang naroon. Wala si daddy, nagpunta ng Maynila kaninang umaga.

    “Diretso tayo sa bahay, manong,” sabi ko.

    Dumiretso ang aming sasakyan sa bahay. Masiglang masigla ako nang nakatungtong ang sasakyan sa loob ng mansyon. Kaya nang tumigil ito sa harap ng aming bahay ay tumakbo na kaagad ako papasok.

    Si Manang Leticia ay nasa sala at nanonood ng TV. Nag mano ako at nagpatuloy sa paglalakad.

    “O, o, Entice, kamusta ang eskwelahan?” tanong ni Manang at pinatay ang TV.
    “Ayos lang ho,” sagot ko papaakyat sa hagdanan. “Nasaan po si mommy at Lola?”
    “Nasa bahay ng mga Alde. Ba’t ka nagmamadali?” kumunot ang kanyang noo.
    “Pagamit po kay Abaddon, mamamasyal lang ako…”
    “Dapat kay Hector ka nagpapaalam…”

    Mabilis na akong tumakbo sa aking kwarto. Nagbihis ako ng boots at spaghetti strap shirt. Ang flannel shirt ay pinalupot ko sa aking baywang. Bumaba ulit ako, wala na si Manang sa sala. Salamat naman!

    Tumakbo ako patungo sa aming mga kuwadra. Naroon si Abaddon, pinapakain ng trabahador ni daddy.

    “Kuya, pa sakay kay Abaddon? Uuwi din naman ako agad…” sabi ko.
    “Nag paalam ka ba sa iyong ama o kahit kay Hector?”
    Tumango ako at ngumisi. “Payag ‘yon…”

    Hinaplos ko ang mukha ni Abaddon. Hinila ko ang lubid niya para makalabas na siya sa kuwadra. Kitang kita ko ang pag aalinlangan ni Kuya sa pagpapahiram sa akin ngunit wala siyang nagawa.

    Sumakay ako kay Abaddon at pinatakbo na siya patungo sa aming gate. Nakalapit na ako at hindi parin binubuksan. Alam kong mahigpit na sila sa akin ngayon.

    “Kuya guard, pabukas naman ng gate oh. I’m bored. Gusto kong mamasyal…” sabi ko.
    “Mahigpit na utos ng ama mo na huwag kang palabasin kasama si Abaddon…”
    I pouted. “Makakalabas din naman ako dito kapag dadaan ako sa tubuhan, e. Mas mabuti ngang sa gate ako lumabas para at least sa kalsada, hindi ba?”

    Nagkatinginan ang dalawang guard sa malaking gate namin.

    “Sige na naman. Tsaka uuwi din ako. Di ako gagabihin. May kailangan lang akong puntahan. Importante.”
    “Sigurado ka? Hindi ka gagabihin ha at baka sisantihin kami ng tatay mo!”
    Ngumisi ako. “Oo. Promise!”

    Nakalusot ako sa gate. Nang nakawala ay mabilis kong pinatakbo si Abaddon. Tumawa ako at yumuko para mas lalo siyang bumilis. Mabuti na lang at nakalusot ako.

    Ilang minuto akong sakay ni Abaddon nang nakita ko na ang lumang bahay ni Knoxx. Naroon ang kanyang Wrangler kaya nakakasiguro akong naroon din siya.

    Pinasok ko si Abaddon sa kanilang bakuran. Nakita ko siyang naka topless habang umiinom ng kape sa veranda. Umiling siya nang nakita ako.

    “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
    “Namasyal lang ako. Iiwan ko muna si Abaddon dito, ha?” ngiti ko.

    Bumaba ako kay Abaddon at nilapag ko ang latigo sa gilid. Inayos ko ang sarili ko at pinasadahan ng tingin ang kanilang bakuran.

    Mabilis siyang nag suot ng kulay itim na vneck t shirt.

    “Tumakas ka na naman?” tanong niya sa malamig na boses.
    “Hindi. Malaya akong-“
    “Hindi ba may pasok ka ngayon?” tanong niya, kumukunot ang noo.

    His thick brows made me shiver. Ngumiti ako.

    “Tapos na ang klase ko. Na bore ako sa bahay-“
    “Anong oras ba natatapos ang klase mo at bakit nandito ka ng ganitong oras?” tanong niya.
    “Hmm. Alas tres natatapos na. Kaya ngayon, nandito ako…”

    Ngumisi ako at lumapit sa veranda. Isang hakbang at nasa veranda na ako. Umiling siya at tumingin muli sa akin.

    “Mag-isa ka?” tanong ko sabay tingin uli sa kanyang bahay.
    “You should go now. Hahanapin ka na naman ng iyong ama.”
    “Wala si daddy, nasa Maynila.” Ngumiti ulit ako at tiningnan ang looban ng kanilang bahay. Kumalam ang sikmura ko. Sa pagmamadali kong makapunta dito ay hindi na ako nakapag merienda man lang sa bahay.
    “Umuwi ka na… May mga gagawin pa ako,” sabi ni Knoxx sabay kuha sa mga nakahilerang basket ng manga.
    “Mag aayos ka nito?” sabay hawak ko sa isang basket. “Tutulong na ako.”
    “Ang kulit mo…” ani Knoxx.

    Kumuha ako ng isang basket at binuhat ito. Medyo mabigat pero kaya naman. Dalawang basket ang nabubuhat ni Knoxx. Nauubos naman ang dalawang kamay ko sa isang basket lamang.

    “Put that down!” utos niya.
    “I won’t. Tutulungan na kita. Pahingi nitong manga, ha? Isa lang… Gutom na ako, e,” sabay lakad ko at lagay ng basket na dala sa isang truck.

    Paglingon ko kay Knoxx ay nakatitig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala. Anong ginawa ko? Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Umiling siya, tila natauhan at binuhat ang isang basket patungo ulit sa truck.

    “Hindi magandang kainin ang manga kapag gutom…” aniya.

    Kumuha ako ng isang manga galing sa basket na binuhat ko kanina. Habang nagsasalita siya ay pinunit ko ang balat ng manga para makakain na.

    “Naririnig mo ba ako?” tanong niya. “Sabi ko hindi magandang kumain-“
    “Gutom na ako…” sabi ko.
    “Dammit!” aniya sabay hablot sa manggang kakainin ko na sana.

    Kumunot ang noo ko.

    “Gagawa ako ng merienda mo! Ang tigas mo talaga!” aniya.

    Nanlaki ang mga mata ko. Lumapad din ang ngisi ko. Umiling siya at dumiretso sa loob.

    “Talaga?” Sinundan ko siya. Mabilis ang pintig ng puso ko sa excitement. He’ll make something for me!

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Gulo

    Sinundan ko siya sa loob ng kanyang bahay. Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang mga muwebles doon. Everything looked antique. Gawang hardwood ang halos lahat ng muwebles at porselana ang mga dekorasyon.

    NIlagpasan namin ang malalaking sofa nito dahil dumiretso siya sa kusina. Sumama ako roon. Kitang kita ko ang pagiging engrande din nito. It was almost as big as our kitchen. Ang pinaka nakakabagabag lang ay talagang mag isa siya sa mala mansyong bahay na ito. Sino naman kayang taga linis dito? Mukha namang malinis ang buong bahay.

    “Anong iluluto mo?” I felt giddy. Is he going to cook for me?

    Sumulyap lamang siya sa akin. His thick eyebrows defined his usual scowl.

    “I’m not cooking…” aniya.

    Uminit ang pisngi ko. Masyado ba akong naging assuming doon. Humilig ako sa counter. Pinagmasdan ko siyang kumukuha ng kung ano sa fridge. May kinuha siyang mga gulay doon at isang nasa loob ng plastic.

    “I don’t like vegetables…” sabi ko kaagad.

    Sumulyap ulit siya sa akin ngunit binalewala ang sinabi ko. May nilagay siya sa loob ng isang microwave oven. Pilit kong tiningnan iyon pero hindi ko nakita kung ano.

    Kumuha siya ng iilang mga gulay. I saw a cucumber, tomato, and lettuce. Hiniwa niya sa maninipis na bilog ang cucumber at kamatis.

    “You’re in my house, you eat what I serve…”

    Ngumiwi ako. I can get away with that. I just don’t want to interrupt him. Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan siyang naghihiwa. His arms flexed as he sliced the cucumber. Hindi ko kailanman naisip na maganda palang panoorin sa kusina ang mga lalaki. No… especially him, actually!

    “You cook…” it was a statement.
    “I live alone, what do you expect?” sarkastiko niyang sinabi.

    Patuloy parin siya sa paghihiwa ng mga rekados. Tumalikod siya at pumunta sa double doors na ref.

    “You live alone. Bakit? Asan ba ang tiyuhin mong si Maximo Navarro?” tanong ko.

    Sumulyap muli siya sa akin. Tila nagulat dahil kilala ko ang kanyang tiyuhin.

    “Ang sabi ni daddy, may tiyuhin ka hindi ba?”
    “Abroad…” simple niyang sinabi.

    Marahan akong tumango at tiningnan siyang gumawa ng sandwich. May ham siyang nilagay at nang nabuo niya na lahat kasama ang cheese at mga rekados ay nilagay niyang muli iyon sa microwave oven.

    Humilig siya sa lababo at hinarap ako.

    “Pagkatapos mong kumain, umuwi ka na…” aniya.
    Umirap ako. “Bakit ba palagi mo akong tinataboy? Namamasyal lang naman-“
    “Kung gusto mong mamasyal, pumunta ka sa bayan. Maraming pasyalan doon. Hindi parke ang bahay ko…” masungit niyang sinabi.
    “I don’t really like crowds, anyway. I like peace and quiet and your house is peaceful and quiet.”

    Umiling siya. Pakiramdam ko ay malapit na siyang sumuko sa akin. He then clenched his jaw as he looked at me.

    “Hahanapin ka na naman ng iyong ama. O ni Hector…”
    “I’m not a kid anymore. Alam nilang kaya ko na ang sarili ko,” maagap kong sinabi.
    “Kaya mo na ang sarili mo? You’re not a kid? You’re just eighteen! Hindi ibig sabihin na dahil hindi ka na minor de edad, matanda ka na!”
    “What I’m trying to say is that I can take care of myself. Hindi ko naman siguro ikakapahamak ang pagpunta dito, hindi ba?” Nagtaas ako ng kilay.
    “Ang byahe papunta dito, Entice… You are so stubborn. At ang byahe rin pabalik…” may diin sa kanyang pagkakasabi.

    Tumindig ang balahibo ko doon. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pag tawag niya sa aking pangalan. It felt nice. Para bang talagang hindi na ako bata.

    “I am with Abaddon. He’s a great horse. And I’m not going to get lost going home so chill…” ngumisi ako. “Thanks for the concern…”

    Umiling siya at bumaling sa microwave oven. Kinuha niya ang sandwich at nilapag kaagad sa harap ko. Mabango ang cheese kaya mas lalo lang kumalam ang sikmura ko. Dinungaw ko ito, it has all sorts of veggies I dislike but he made it for me. Napangiti ako.

    “Huwag mo munang kainin ‘yan, mainit pa…” aniya at iniwan ako doon.
    “Thank you…” sigaw ko.

    Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong lumabas siya sa pintuan ng bahay. Hindi niya iyon sinarado. Hinubad niya ang kanyang t shirt at bumaba sa hagdanan siguro’y para ayusin ang mga basket.

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong kitchen para maghanap ng baso. Nang nakita ko iyon ay nagsalin agad ako ng malamig na tubig sa ref. I checked the products inside his fridge, puno ito. I even saw some boyish things like protein shake and all.

    Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang pinggang may sandwich. Kung kakain ako, doon ako sa labas.

    Habang tinatahak ko ang marmol na sahig ng sala ay napagtanto kong medyo napuputikan ko iyon. Maybe I should bring some slippers at dito ko na rin iiwan. Tutal ay lagi naman akong namamasyal dito.

    “Pagkatapos kong kumain, tutulong ako ha?” sabi ko sabay lapag ng pinggan sa lamesa.

    Umiling uli siya. Umupo ako sa isang silyang rattan at nagsimulang kumain. Isang kagat ay nalasahan ko kaagad ang pipino. Halos idura ko iyon kaya binaba ko ang sandwich at nilabas ang kamatis at pipini bago inayos at kinain muli.

    Nang inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya ay nakatingin na rin siya sa akin. Mabilis ang hingal niya at madilim ang kanyang expresyon. His slightly messy hair made me smile. Ang kulay gold niyang cross necklace ay mas nagpatingkad sa mamula mula niyang balat.

    “Inalis mo ang mga gulay?” tanong niya.
    “Iniwan ko ang lettuce. It’s bearable.”
    “You’re still really nothing but a kid.”

    Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Napalunok ako at dinungaw ko ulit ang mga gulay.

    “Ang gulay ay maganda sa katawan. You should learn to eat that.”

    Ngumiwi ako habang tinitingnan ang pipino. I tried to bite it one more time. Nilunok ko na lang agad. Tiningnan ko naman ang kamatis at inalis ang mga buto nito. Kinagatan ko ng kaonti iyon at napatango na lang ako.

    Narinig kong humalakhak siya. Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya. Umiling siya at nagpatuloy sa pagbubuhat ngunit tumatawa na.

    “Why are you laughing?” tanong ko.
    “Wala… Kumain ka na…”
    “What’s funny?” Luminga ako.
    “Wala…” ulit niya at mas lalong natawa.

    Damn it! May problema kaya sa mukha ko? Tiningnan ko sa salamin ng mga bintana at wala namang problema.

    Tiningnan ko ulit siya. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang ginagawa ngunit pansin ko na ang ngiti sa kanyang labi.

    Tinapos ko ang pagkain at ininom ang tubig. Bumaba kaagad ako para lapitan ang nakahilerang mga basket ng manga. Kumuha ako ng isa at binuhat iyon para mailipat sa likod ng truck.

    Hinawakan niya ang basket ko at inangat iyon sa isang kamay lamang. Samantalang ako dito ay hirap na hirap kaya dalawang kamay ang gamit.

    “Hindi mo rin naman kaya. Give it up. Save your energy. Uuwi ka pa…”
    “You’re being a gentleman,” ngumisi ako.
    Nagtaas siya ng kilay. “You are Hector’s cousin…”
    “You’re a gentleman to me because I am Hector’s cousin?”

    Binalewala niya ang sinabi ko at bumalik uli siya sa nakahilerang mga basket. Sumunod ako sa kanya hindi para makipag usap kundi para tumulong. Sumulyap siya sa akin at hinayaan ako sa ginagawa ko.

    Nakadalawang basket ako sa loob ng ilang minuto. Hindi ko alam kung ilan na sa kanya pero alam kong masyado akong mabagal.

    “Akin na!” aniya nang nakitang nahihirapan ako sa pangatlo. “You’re just slowing me down…”

    Nakapamaywang ako at tiningnan siyang walang kahirap hirap na nilapag ang isang basket sa likod ng truck.

    “I’m helping you out, though I’m not as strong as you, it’s still help. You should be happy.”

    Kaonti na lang ang nakahilerang mga basket. Pagod na pagod na ako. Pawis na rin ako kaya ang nakalugay kong buhok ay tinali ko na. My feet hurts from all the walking.

    Dumiretso ako sa veranda ng bahay niya at agad hinubad ang aking boots. Tiningnan ko ang mga paa kong pulang pula.

    “Dumidilim na. Umuwi ka na!” ani Knoxx.

    Umupo ako sa silyang rattan at nagpahinga.

    “Mamaya na. Pagod na ako…” sabi ko.

    Pinikit ko ang mga mata ko. Sabayan pa ng malamig na ihip ng hangin ay nakapagrelax akong mabuti. Dumilat ako at nakita kong patapos na nga siya. Pumasok agad ako sa loob ng bahay para kumuha ng isang pitcher ng tubig at baso para sa kanya. He must be thirsty…

    Nang nakakuha ako sa kusina ay nilapag ko ulit iyon sa mesa sa veranda. Saktong pag akyat niya sa veranda at pagpupunas niya sa pawis ang naabutan ko. Nagsalin kaagad ako ng tubig.

    “You thirsty?” tanong ko.

    Tinitigan niya ako habang nagpupunas ng kamay. His jaw was clenched the whole time. Alam kong gusto niya lang namang umuwi ako.

    Nasa ere na ang aking kamay at ang malamig na tubig. Tinanggap niya iyon at napangiti ako. I don’t know why this brings me so much happiness.

    Ininom niya ng isang bagsakan ang tubig na inalay ko. Even when sweating, he still smells so damn great.

    “Gabi na. Dito ka na maghapunan,” aniya at nilagpasan ako.

    Halos lumiwanag ang buong buhay ko sa kanyang sinabi. I can’t believe I’m rewarded by that!

    “O sige,” maligaya kong sinabi at sinundan siya sa loob ng bahay.

    Umakyat siya sa taas. Tingin ko ay naroon nga ang kanyang kwarto. Hindi ko na siya kinulit at nanatili ako sa baba. I turned on the TV and watched some news.

    Pagkababa niya pagkatapos ng ilang minuto ay amoy na amoy ko na agad ang bango ng kanyang showergel at shaving cream. Naka itim na jersey shorts at grey t shirt siya nang dumiretso siya sa kusina.

    Pinatay ko kaagad ang TV para sumunod sa kanya sa kusina. I volunteered to make the table habang siya ay nagluluto ng sinabawang manok. Tahimik siya habang nagluluto kaya hinayaan ko na lang.

    Sumulyap siya sa akin habang nagsasalin ng juice sa kanyang pitcher.

    “Nagpaalam ka bang mabuti sa inyo?” tanong niya.

    Oh… Damn it!

    “Oo naman…” sabi ko.

    Nakatitig siya sa akin dahilan kung bakit napaiwas ako ng tingin.

    “Do you have your cellphone?” tanong niya.
    “Wala, eh. Nasa bahay…”

    Tiningnan niya akong mabuti. Ngumiti lang ako sa kanya kaya nagpatuloy siya sa pagluluto. Pagkatapos magluto ay nilagay niya na ang kanin at ulam sa lamesang inayos ko.

    “Kain na tayo!” sigaw ko sabay upo sa lamesang pang anim.

    Umupo rin siya sa harap ko at tahimik na kumuha ng pagkain. Kumuha na rin ako, nagutom dahil sa mga ginawa kanina.

    “Kanino ka nagpaalam?” tanong ni Knoxx sa akin habang kumakain na kami.
    Muntik na akong masamid. “Kay Manang Leticia. ‘Tsaka wala naman si daddy, eh kaya di ako nakapagpaalam.”
    “Kahit na ganoon, dapat ay nagpaalam ka parin. O di kaya sa mommy at lola mo? Bakit hindi ka nagpaalam?”
    “Wala sila, e. Nandon kina Chesca. I’m sure walang tao ngayon sa bahay namin. Sino naman ang maiiwan doon, hindi ba?”
    “Pagkatapos nito, iuuwi na kita sa inyo…”
    “Paano? Marunong ka bang mangabayo?” that one is a stupid question.
    “Not through horse. Iiwan mo dito si Abaddon. Gabi na para diyan.”

    Tumango ako at naisip ang magiging reaksyon ni Hector. Well, Knoxx is his friend so he’ll probably trust Abaddon to him.

    Sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa ay bayolenteng tumunog ang isang cellphone kung saan. Nilingon ni Knoxx ang drawer na pinanggalingan ng maingay na tunog at tumayo kaagad siya. Uminom siya ng tubig bago tinungo ang drawer. Sa loob ay kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

    “Hello…”

    Habang kumakain ako ay tinitingnan ko siya.

    “What? No need. She’s here…” Bumaling si Knoxx sa akin. “Okay…”

    Kitang kita ko ang pag kuyom ng kanyang kamao. Napainom ako ng tubig. I know what this is and I know what he meant by that! Oh come on, it’s still seven!

    “Tito, andito po ang anak ninyo sa- Ganoon po ba? Hindi ko alam. Ang sabi- Opo, ngayon din po. Sorry hindi ko agad sinabi… Sige…”

    Binaba niya ang cellphone at bumaling sa akin. Nakatayo na ako at handa nang umalis. I guess that’s enough for today?

    “Sino ‘yon?”
    “Hindi ka nagpaalam ng maayos!” pagalit na sinabi ni Knoxx.
    “Oh, come on! Namasyal lang ako… My parents are overreacting. Tumawag si dad?”
    “Nasa bahay ninyo ang daddy mo. Let’s go!” aniya at agad na dumiretso paalis ng bahay.

    Sumunod ako sa kanya. Binuksan niya ang kanyang Wrangler at pumasok siya doon. Pumasok rin ako sa front seat at nag ayos ng seatbelts. Nilingon ko siya at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

    “It’s just seven! I’m not doing anything wrong!”
    “It’s seven in the evening. You’re with a horse… alone… and you didn’t ask permission properly!” iritado niyang sinabi nang pinaandar ang sasakyan.
    “This is Alegria, you’re talking about. I know every corner of this place at isa pa, hindi naman ako pupunta o sasama sa taong alam kong ipapahamak ako.”
    “Really? You think hindi kita ipapahamak kung ganoon?” He raised his voice.
    “Yes! You’re Hector’s friend… You’re dad’s student. I’m here because I’m bored and I don’t have any friend na pwedeng-“
    “Why don’t you go to Koko, then? You two seem very close!” Hinampas niya ng bahagya ang manibela at tumingin siya sa labas na parang may problema.
    “Koko’s probably busy.”
    “And I am not busy?” Nilingon niya ako.

    Natahimik ako lalo na dahil nakita ko na ang pagbubukas ng gate ng bahay sa di kalayuan. Pinasadahan ko ng tingin ang mga guard na nagbukas. Sa bukana naman ng mansyon ay kitang kita ko si daddy na nakahalukipkip, si Hector at Chesca, si mommy, at si Lola. What the hell?

    “Look at what you did!” ani Knoxx.

    Nakita ko rin ang trabahanteng hiniraman ko ng kabayo kanina at ang security guard na nagbukas ng gate para sa akin noong umalis ako.

    Pagkabukas ng sasakyan ni Knoxx ay agad akong lumabas doon. Kinausap na ni Hector ang mga tauhan samantalang sinalubong ako ni daddy.

    “What did you do now, Entice?” ani daddy.
    “Namasyal lang po ako. Nandoon lang ako kina Knoxx at-“
    “Tito, pasensya na. Hindi ko alam na hindi siya nakapagpaalam-“
    “You brought Abaddon without Hector’s approval! Umalis ka pa at binilog ang guard!” ani daddy.
    “Thomas, dapat ay huwag muna nating isisante ang mga tauhan…”

    Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang dalawang malungkot na tauhan na kausap ni Hector. Nakita ko si Chesca na nakatingin sa akin.

    “Dad! Sisisantehin mo sila? Bakit?”
    “Because of you! You tricked them and they were fooled! I don’t need men who can be tricked by a little girl like you! Paano na lang kung ibang tao ang manloko?-“
    “Oh my God! Dad, please don’t! Wala silang kasalanan!”
    “Kung ganoon? Sino ang may kasalanan?” tanong ni daddy.

    Nilapitan ako ni Lola at ni Mommy. Pareho silang mukhang disappointed sa akin. And I don’t get why I’m being hated for this.

    “Wala akong ginawang masama. I just went out to kill boredom and-“
    “At hindi ka nagpaalam ng maayos!? Now you’re going to pay for it!”
    “Tito, this is all my fault. Kung naisip ko lang sanang maaaring tumakas siya dito, hindi ko na sana siya hinayaang magtagal sa bahay,” singit ni Knoxx.
    Huminga ng malalim si daddy at kumalma ng hinarap si Knoxx. “Hijo, this is not your fault. I am sorry at nasali ka pa sa gulo. My daughter is childish and still so stubborn…” umiling si daddy na parang sobrang disappointed siya sa akin.

    Nilingon ko si Knoxx na nakatingin lamang kay daddy like he believed everything he just said.

    “Wala kayo dito! Wala sila! Wala akong mapagtatanungan! I asked Manang kung pwede ba akong lumabas kasi-“
    “Entice! We’ll talk in your room. You’re grounded!” ani daddy na halos nagpatalon sa akin.

    Yumuko ako. Hiyang hiya sa lahat ng gulong nagawa ko. Damn it!

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    Yakap

    Sinamahan ako ni mommy at lola sa kwarto. Nanatili si daddy doon kasama si Knoxx at ang mga tauhan para mag-usap. Hindi ako umiyak. Ang tanging naramdaman ko lang ay disappoinment, hindi ko nga lang alam kung para kanino.

    “Entice, your dad just wants you to learn. Na sa mga ganitong bagay, dapat nagpapaalam ka ng maayos…” ani mommy.

    Binagsak ko ang aking katawan sa aking kama at nilunod ang aking mukha sa aking unan. Naisip ko kung paano ang ekspresyon ni Knoxx kanina habang pinapagalitan ako.

    “Nagpaalam ako ng maayos kay Manang Leticia. Siya lang naman kasi ang naiwan dito-“
    “Kung ganoon bakit ginabi ka ng ganoon? Bakit hindi ka nakapagtext?” tanong ni mommy sabay haplos sa aking ulo.
    “I left my phone here. I don’t need it. Hindi ko naman inasahang gagabihin ako…” paliwanag ko.
    “Saan ka nga ulit, Entice? Sa bahay nina Knoxx Montefalco?” tanong ni Lola.

    Nilingon ko siya at tinanguan. Kitang kita ko ang pagpipigil ngumiti ni Lola. Umupo siya sa gilid ng aking kama.

    “Ano naman ang ginagawa mo doon?” tanong ni Lola.
    “Tumulong. Namasyal. Iyon lang naman.”
    “Intindihin mo na lang ang ama mo. Protective lang siya sa’yo. Ikaw lang ang nag iisa niyang anak. Babae ka pa kaya mas lalo siyang mag aalala,” ani Lola sabay haplos sa aking pisngi.

    Tumango ako. Naiintindihan ko naman si daddy. Naiintindihan ko rin ang pagkakamali ko. Hindi ako nagpaalam ng maayos.

    “Talaga bang sisisantehin ni daddy ang mga tauhan? They didn’t do anything wrong! I was to blame, I’m sure dad knows that!” sabi ko.

    Nagkatinginan si mommy at lola.

    “Kanina habang wala ka pa, galit na galit ang daddy mo, Entice. I’m just not sure if he’ll be convinced na huwag na silang sisantehin. Maybe you can convince him.”

    Tinanggap ko ang kaparusahan para sa akin. Ang sabi ay eskwela at bahay lang ang gagawin ko kinabukasan. Hindi pa kami nag uusap ni daddy tungkol sa mga tauhan dahil naging abala siya sa rancho. Nagpaanak sila ng iilang baka kaya hindi na siya nakauwi sa gabing iyon. Magdamag yata sila doon.

    “Oh, Entice, sasama ka ba sa Tinago?” tanong ni Joaquin nang nagliligpit na ako ng gamit.

    Nakalimutan ko na inanyayahan niya nga pala ako ngayong pumunta sa Tinago kaya lang ay hindi ako makakasama.

    “Hindi e. I’m grounded…” sabi ko.
    “Huh? Bakit naman?” Kumunot ang noo niya at lumapit siya sa akin.

    Nagkibit ako ng balikat. Ayaw ko nang mag explain kung paano nangyari.

    “Basta. Grounded ako. Next time na lang…” sabi ko.
    “Ayaw mo naman kasi yata, e…” Humalakhak siya.

    Tiningnan ko siya at nginitian.

    “Really, I’m grounded. Pumunta ka pa sa bahay at magtanong kay daddy.”

    Sumulyap siya sa kanyang mga kaibigang naghihintay. I admit it. Joaquin is good looking. Sunburned skin, messy hair, narrow nose, and thin lips… pero nagmistulang totoy ito sa paningin ko kung iisipin ko si Knoxx.

    “O sige, palalagpasin kita ngayon pero next time, sumama ka ha? Hindi naman pwedeng lagi kang grounded!” ani Joaquin.
    “Sure!”

    Kaya ganoon ang eksena ng mga sumunod na araw. Literal na bahay eskwela lang ang ginagawa ko. Minsan ay naiisip kong manatili na lang muna sa eskwela ng ilang oras tutal ay hindi naman ako makakagala pag nakauwi.

    Limang araw sa eskwela ay nagyaya naman si Joaquin na panoorin siyang maglaro ng basketball.

    Tiningnan ko ang distansya ng classroom namin at ng gate. Naroon na ang aming sasakyan, naghihintay para sa akin. Biyernes ngayon kaya may mga practice game ang iba’t-ibang club. Kung hindi ko papaunlakan si Joaquin, uuwi naman ako sa bahay at magkukulong sa kwarto. Mas gugustuhin ko pa dito sa eskwelahan para lang makawala parin ako.

    “O sige…” sabi ko.

    Lumapad ang ngisi ni Joaquin. Walang pasubaling kinuha niya ang aking bag. Ang isang kamay niya’y ukupado sa bolang pambasketball.

    “Ako na ang magdadala!” sabi ko.
    “Ako na. Ako ang hahanap ng mauupuan mo doon. Itatabi kita sa mga kaibigan ko,” aniya.

    Sumunod ako sa kanya. Inayos ko ang aking unipormeng mini skirt. Naririnig ko ang ingay sa buong gym dahil sa pagbabasketball ng iilang mga estudyante.

    Pagkapasok namin ay napatingin kaagad ang mga kaibigan ni Joaquin sa akin. I know they don’t like me that much. Nilagay ni Joaquin ang bag ko sa tabi Heather. Nginitian ko siya, ngumiti naman pabalik kaya ayos lang naman siguro.

    “Dito ka lang, ah?” ani Joaquin.
    Tumango ako at nanood na sa practice game.

    May iilang mas matatandang players doon. Mga senior at junior ang naroon at panay ang tawanan lamang, para bang naglalaro lang sila. Samantalang ang mga freshmen tulad ni Joaquin ay sobrang siniseryoso ang laro.

    “Go Joaquin!” ani Heather at iba pang mga babae sa likod. “Go Agri Biz!”

    Pumalakpak ako tuwing nakakashoot ang team namin. Magaling si Joaquin maglaro. Pero siyempre, kung itatapat sa mas matatangkad at mas mahuhusay na senior ay walang wala ito.

    “Entice, hindi ba ang pinsan mong si Hector ay magaling ding mag basketball?” tanong ni Heather.
    Tumango kaagad ako. “Oo. Player iyon, e.”
    “Naku! Dapat magpaturo itong team natin sa mas magaling para mas humusay!”

    Nakicheer na rin ako. Nagtatawanan at pumapalakpak kami tuwing nakakashoot ng bola sina Joaquin. Kaya mas lalong gumaan ang loob ko kay Heather at sa iba pang mga kaibigan ni Joaquin. Mga babae halos ang naroon dahil ang mga lalaki sa kanila ay naglalaro ng basketball.

    “Uy, niyaya ka pala ni Joaquin noong Tuesday sa Tinago. Bakit hindi ka sumama?” tanong ni Heather nang patapos na ang laro.
    “Hindi kasi papayag ang daddy ko. Next time sasama ako…” sabi ko.
    “Sige ha? Sumama ka…” ani Heather.
    Tumango ako. Uminit ang aking puso. At least now I made some friends.

    Tumunog ang cellphone ko, patapos ang laro nina Joaquin. Ayaw ko sanang sagutin ang driver pero kailangan. I don’t want him to be scolded by my dad too.

    “Entice, alas singko na po. Hindi ka pa ba uuwi? Baka kasi hinahanap ka na ni Sir…” ani Manong Rene.
    “Manong, palabas na po ako sa school. May ginawa lang po ako na activity. Pasensya na po,” sabi ko.

    Tiningnan ko ang court. Tumabla ang score nina Joaquin sa kalaban dahilan kung bakit kailangan ng overtime. Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Heather.

    “Heather, kailangan ko nang umuwi. Tumawag na kasi ang driver. Pakisabi kay Joaquin na nauna na ako, ha?”
    Tumango tango siya. “O sige, sasabihin ko. Sayang ‘di mo malalaman kung sino ang mananalo. O kunin ko na lang ang number mo para maitext kita kung sino ang panalo!”
    “O sige!”

    We exchanged digits at pagkatapos ay nagmadali na akong umalis. Aagawin ko sana ang atensyon ni Joaquin pero ayaw ko namang ma distract siya sa laro kaya nauna na akong umalis. Ilang sipol ang narinig ko nang dumaan ako sa mga Agribiz seniors na bleachers.

    Huminga ako ng malalim nang nakalabas na at dumiretso na sa gate. Naroon pa ang sasakyan namin. Agad akong sumakay sa likod.

    “Pasensya na Manong, ah?”
    “Ayos lang, Entice. Kung ititext mo naman siguro ang mommy mo o ang lola mo, maiintindihan nila. Ayaw ko lang magaya sa mga tauhang sinisante ng daddy mo…”

    Ngumuso ako. Naalala ko na naman iyon. I should ask Dad to take them back again.

    “You know what their names are, Manong Rene? Iyong sinisante po ni daddy?”
    “Si Pedro at Baldo.”
    “Kakausapin ko si daddy mamaya na ibalik na sila…” sabi ko.

    Pagkapasok namin sa gate ng mansyon ay iyon ang tanging nasa isip ko. I would rather suffer another week of punishment than let other people be suffer for what I did.

    Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng hagdanan. Napatingin ako sa isang kabayong nasa damuhan at sa taong nag aayos ng lubid nito. Nanlaki ang mga mata ko nang nakatingin si Knoxx sa bandang sasakyan namin.

    Binuksan ko ang sasakyan. Bakit siya nandito?

    Nang nakita niya ako pagkalabas ko ay iniwas niya ang tingin sa aming sasakyan. He’s wearing a black tight shirt and a tattered maong pants.

    “Nandito ka?” tanong ko palapit sa kanya.

    Mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko inasahang ito!

    “Tumulong ako sa daddy mong magpaanak ng mga baka sa rancho…” hindi siya makatingin sa akin.
    “Kailan lang? Noong Lunes pa lang iyon nagsimula a?”
    “Noong Lunes pa,” aniya sabay hila sa kabayo palayo doon.

    Sumunod ako sa kanila. Siguro’y ginamit niya ito patungo sa dulo ng rancho kung nasaan ang mga baka.

    “Bakit ngayon ka lang? Hindi ba hanggang alas tres lang ang pasok mo?” tanong niya.

    Binayo ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam para saan iyon.

    “Ah! Nanood ako ng basketball practice noong mga kaklase ko.”

    Patuloy siya patungo sa kuwadra. Sumunod ako. Inayos ko ang bag ko at wala na akong pakealam kung naka uniporme pa lang ako.

    “You’re not grounded anymore?” nagtaas siya ng kilay nang bumaling sa akin.
    “I am still…”
    “Hindi ba ay malinaw na sinabi ng daddy mo na bahay eskwelahan lang? Bakit ka pa nanood? Baka bukas si Mang rene naman ang ma sisante ng daddy mo…” masungit niyang sinabi.
    Uminit ang pisngi ko. “Bakit? Sa school lang din naman kami nanood ng game, ah? ‘Tsaka mag uusap kami ni daddy mamaya. Sasabihin ko sa kanyang ibalik niya sa trabaho si Pedro at si Baldo. Kasalanan ko naman at pinagbabayaran-“
    “Mabuti at namulat ko. You should. You don’t know how you affect people’s lives. Konting pagkakamali mo, sila ang masisisi. Kaya dapat huwag kang padalos dalos sa mga ginagawa mo…” aniya sabay tali sa kabayo doon sa kuwadra.

    Uminit ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ilang beses naman akong napagalitan ay ngayon lang tumama sa akin.

    “I’m glad you know their names. Kasi nakakahiya naman sa kanila kung nasisante sila at ni hindi mo alam ang kanilang mga pangalan. They are suffering because of what you did. Their work mean so much to them. Si Pedro, breadwinner ng pamilya nila. Siya ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Ito ang bumubuhay sa kanila.”
    “Hindi ko naman sinasadya!” sabi ko.
    “Alam ko. Pero hindi ibig sabihin na dahil hindi mo sinadya, ayos lang.”

    I tried hard to swallow the lump on my throat. Bahagya akong umatras. Nagpatuloy siya sa pagtatali sa kabayo.

    “At may apo na si Baldo. Siya ang bumibili ng gatas para sa bata at sa loob ng apat na araw na wala siyang trabaho, ano sa tingin mo ang iniinom noong batang iyon?” Bumaling siya sa akin.

    Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata. Nanatili akong nakatingin sa kanya. I know what he’s pointing out and I accept it. I accept that it’s all my fault, okay?

    Nanlaki ang mata ni Knoxx pagkatingin niya sa akin. Umatras ako ng isa pang beses dahil gusto kong tumakbo. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.

    He reached for my face pero hinawi ko ang kamay niya. I’m not crying or what! I’m just moved by it. Mawawala din ito at ayaw ko nang tinatahan ako.

    Kumunot ang noo niya nang hinawi ko ang kanyang kamay kaya marahas niyang hinawakan ang aking palapulsuhan at hinila niya ako pabagsak sa kanyang dibdib.

    “Kakausapin ko nga si dad pagbalik niya!” sabi ko ng pasigaw habang nasa dibdib niya.

    Hindi siya nagsalita. Kinagat ko ang labi ko at pinunasan ang aking luha habang yakap yakap niya pa ako. Unti unting kumalas ang pagkakayakap niya. May narinig akong mga yapak.

    Pamilyar na tikhim ni daddy ang narinig ko. Mabilis akong tumingin sa kuwadra. Nagtama agad ang mga mata namin ni daddy. May dala siyang apat na tauhan sa likod.

    “Dad!” sabi ko.

    Lumipat ang mga mata niya kay Knoxx ngunit bumalik ulit iyon sa akin.

    “Kararating mo lang?” tanong niya sabay pasada sa aking uniporme.
    Tumango ako. “Dad, ibalik ninyo si Pedro at Baldo. Kasalanan ko iyong nangyari. Huwag ninyo naman silang tanggalin sa trabaho. Hindi na po mauulit!” sabi ko sabay lapit sa kanya.

    Tumitig si daddy sa akin ng ilang sandali. Sumulyap ulit siya kay Knoxx ng isa pang beses. Tahimik lamang ito sa likod ko.

    “Sige. Humingi ka ng tawad sa kanila pagbalik nila sa trabaho…” ani daddy.

    Tumango kaagad ako. Bumaling ako kay Knoxx para tingnan ang kanyang magiging reaksyon. Nakatingin lamang siya kay daddy.

    “Dalawa na lang ang natitira. Mukhang gagabihin na naman tayo ngayon. Dito ka na maghapunan…” ani daddy.
    “Hindi na po, Tito. Sa bahay na lang po…”
    “Sige na, Knoxx. Malayo pa ang inyo…” Tinapik ni daddy ang balikat ni Knoxx bago tumulak papasok sa mansyon.

    Lumapad lalo ang ngiti ko. Dito siya mag di-dinner!

    “Magbibihis lang muna ako. Pasok tayo sa bahay!” sabi ko.
    Tumango si Knoxx sa akin at sumunod na rin papasok.

    Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Mabilis din ang takbo ko para sa hapunan dahil paniguradong naroon si Knoxx.

    Naabutan ko silang nasa hapag na ni daddy at nag uusap ng masinsinan.

    “Kakain na ba?” bungad ko dahilan kung bakit nanahimik si daddy at tumuwid sa pagkakaupo.
    “Oo. Umupo ka na, Entice,” ani daddy.
    “Where’s Hector and Chesca?” tanong ko nang nakita si mommy at lola na sasabay na rin sa amin.
    “Hayaan mo na ang bagong kasal,” ani mommy.

    Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Knoxx. Naabutan kong nakatingin siya sa akin.

    “Your punishment is lifted, En. Seeing that you’re regretting. I hope you won’t do it again.”
    Tumango ako. “Kailan po ang balik nila sa trabaho?” tanong ko kay daddy.
    “Ipanatawag ko na sila kay Koko. Magtutungo iyon dito mamaya at kung gugustuhin nila, bukas agad babalik na sila. Next time, magpaalam ka ng mabuti kung saan ka pupunta,” ani daddy.
    “Yes, dad.”

    Binuksan na ang mga pagkain namin. May apat na putahe sa aming lamesa. Isa doon ang ginataang manok. Kumuha ako noon at nilagay sa maliit na bowl. Napatingin si mommy sa akin.

    “Mabuti at kumakain ka na ng gulay ngayon,” ani mommy.

    Bahagyang tumawa si Knoxx sa tabi ko. Ngumuso ako at tumigil sa paglalagay. Napatingin si mommy kay Knoxx.

    Uminom ako ng tubig at binalewala na lang lahat ng iyon.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    So Stubborn

    Dad lifted my punishments. Hindi niya naman agad sinabi iyon pero nang sinubukan kong magpaalam ng maayos sa kanya tungkol sa pamamasyal kinabukasan ay hindi siya nagalit.

    “Saan ka naman mamamasyal?” tanong niya habang nag aalmusal kagabi.

    Nagdadalawang isip pa ako kung ano ang isasagot ko sa kanya pero inunahan niya ako.

    “Kina Knoxx ba?” tanong niya at uminom ng kape sa kanyang mug.
    “Siguro po, mapapadaan ako doon.”
    “Ask him to take you back home later.”

    Umaliwalas ang mukha ko sa sinabi ni daddy. I can’t believe he agreed! Tumayo ako at napayakap sa kanya. I kissed his cheek at mabilis na akong lumabas ng bahay galing sa likod.

    “Manong, pumayag si daddy na lumabas ako. Dadalhin ko sana si Abaddon.”

    Dahil hindi na rin masyadong nagtitiwala sa akin ang mga tauhan ay kinailangan pa niyang magtanong kay daddy. Kinabahan ako saglit pero nang tumango si daddy ay gusto ko nang magtatalon. I just didn’t do it dahil pakiramdam ko marerealize ni daddy na masyado siyang maluwang sa akin dahil sa pagkakatuwa ko.

    Mabilis ang patakbo ko kay Abaddon patungo sa bahay nina Knoxx. Hindi pa ako nakakapunta doon ng ganito ka aga. I wonder what he’s doing. Ang alam ko ay ginabi sila kagabi sa pagpapaanak ng baka.

    Maliwanag ang araw sa Alegria habang bumabyahe ako patungo sa kanila. Ang mga magsasakang nadadaanan ko ay abala sa mga ginagawa.

    Pagkarating ko sa bahay nina Knoxx, bukas na ang gate. Itinali ko si Abaddon sa punong madalas kong pagtalian sa kanya. May damo at tubig malapit kaya hindi siya magugutom doon.

    Bukas din ang pintuan ni Knoxx. Gising na siya. Talagang maaga siyang nagigising, huh? Ano kaya ang ginagawa niya? Tutulong ako kung ano man ang ginagawa niya ngayon.

    “Kukunin ko na lang iyong isang truck at ideliver mo sa tindahan…” narinig ko ang boses ni Knoxx.

    May kausap siya. Nakita kong lumabas sila sa bahay. Dalawang beses siyang tumingin sa akin nang nahagip ako ng kanyang paningin. Ngumisi ako at lumapit. Isang lalaki ang kausap niya.

    “Sige. Siguro mamayang ala una makokompleto iyong huling truck. Kukulangin tayo sa truck kaya kailangan natin ng dalawa pa.”
    “Walang kaso. Tatawag ako sa trucking para makakuha ng dalawa pa,” sabay tingin ni Knoxx ulit sa akin.

    Napatingin na rin iyong kausap niya. Nang nakita ako ay agad tumuwid sa pagkakatayo.

    “Paano Knoxx, mauuna na ako. Babalik na lang ako pagkatapos…”
    “Sige, Omeng…” aniya.

    Mabilis na bumaba sa hagdanan ang lalaking kausap at dumiretso sa truck na may lamang mga mangga. Hinintay ko munang umalis ‘to bago bumaling kay Knoxx. Nakatingin na siya sa akin.

    “What are you doing here? Hindi ba ay grounded ka? Tumakas ka, Entice?” he sounded tensed.
    Umirap ako. “Dad lifted it. Kahit tanungin mo pa siya…” ngumisi ako.

    Umigting ang kanyang panga.

    “Wala ka bang pasok pag Sabado?” tanong niya.
    Umiling ako. “Wala. Sa second sem pa daw magkakapasok pag Sabado.” Umakyat na ako sa hagdanan para makalapit sa kanya. “Anong gagawin mo ngayon?”
    Humugot siya ng malalim na hininga. “Marami akong aasikasuhin. Ang mabuti pa, mamasyal ka sa ibang lugar. Huwag dito.”
    Ngumuso ako. “No. I’m fine here.”

    Tiningnan ko ang loob ng bahay niya. Nakita ko ang isang basket ng mga tshirt na marurumi. Siguro ay ipapalaba niya iyon. Kanino naman?

    Bumaba si Knoxx. Bumaling ako sa ilang basket pa ng mangga na naroon. Ayaw niya naman ako patulungin pagdating sa mga gawaing ganyan kaya anong gagawin ko dito sa bahay niya?

    “Anong ginagawa mo?” tanong ko nang nakita siyang isa isang tinitingnan ang mangga at may ibang nilalagay sa isa pang basket at may ibang sa sako.

    Hindi siya sumagot. Mukhang mabusisi ang ginagawa niya dahil tinitingnan niyang mabuti ang balat.

    “Tinitingnan ko kung alin ang maayos at alin ang hindi,” sagot niya. “Manood ka na lang ng TV diyan…”

    Sumimangot ako. Bumaling ako sa kanyang bahay at nakita kong medyo maputik ang marmol na sahig. Siguro ay lingguhan ang paglilinis dito.

    “Gusto mo linisin ko ang sahig ng sala mo?”

    Natigil siya at napatingin sa akin. Tumawa siya at halos bumilis ang tibok ng puso ko doon. His eyes were dark now. Para bang sobrang amused siya sa sinabi ko. Para bang may iba siyang naiisip kaya dumidilim ang mga mata niya.

    “Do whatever you want to do, then.”
    Kinagat ko ang labi ko. Wala rin naman akong ginagawa. Hindi ko rin naman masasabing wala akong alam sa gawaing bahay dahil sa ibang bansa, ako naman din ang naglilinis.

    Nahanap ko ang mop at walis sa kusina. Una ay winalisan ko ang bawat sulok doon. Hindi naman gaanong marumi. Siguro ay dahil siya lang naman ang nakatira dito at paminsan minsang may tauhan.

    Pinagpawisan na ako nang nag mop sa buong sala. Malawak kasi ito at maraming sulok. Tinali ko ang buhok ko at kahit may takas ay binalewala ko na lang. Abala ako sa ginagawa. Tinabi ko rin kanina pa ang aking boots at nakapaa na lang ako ngayon.

    Hinihingal pa ako nang nakita kong paakyat na si Knoxx sa bahay. Nagpupunas siya ng kamay at nangingiti nang nakita niyang abala ako sa loob.

    “Tadah!” maligaya kong sinabi habang hawak hawak ang mop.
    Nagtaas siya ng kilay. “You know how to clean, huh?”
    Tumango ako. Ang totoo, ito lang ang alam kong gawin. Hindi ako gaanong maalam sa pagluluto o sa kahit anong ibang gawaing bahay. But I think that’s enough. Ang iba nga ay kahit paglilinis, hindi alam kung paano.

    “Aalis ako saglit dahil hindi ko makontact ang trucking na hihiraman ko ng mga truck. Saglit lang ako. Dito ka na muna sa bahay,” aniya.

    Gusto ko sanang sumama pero nang lapitan niya ako ay halos umiwas ako. I’m sweating and all. Pakiramdam ko ay ang baho ko. Umangat ang gilid ng kanyang labi at tinapon ang pamunas sa naka tambak na labahin.

    “Isarado mo ang pintuan. Don’t open it while I’m not yet back.”
    Tumango ako. “Okay…”
    “I have food inside my fridge if you’re hungry. You can also watch TV. I’ll be back. Ilang minuto lang ako…” aniya.
    Tumango ulit ako.

    Tinalikuran niya na ako at sinarado niya ang pintuan. Nilock niya iyon galing sa loob at tuluyan na siyang tumulak.

    Mabilis akong sumilip sa bintana. Pumasok siya sa Wrangler at pinaandar niya iyon. Ngumuso ako at bumaling sa nakatambak na labahin niya. Hindi ko alam kung paano maglaba. Pinapalaba ko lang ang mga damit ko. Tanging underwear lang ang nilalabhan ko kaya kaonti lang ang alam ko tungkol doon.

    Bitbit ang buong basket na ay lumabas ako ng bahay galing sa likod para maghanap ng pagsasampayan. Mayroon doon kaya dumiretso na ako sa bathroom para magsimulang maglaba. Hinanap ko muna ang sabong panlaba at may nakita akong powder. Paano ba gamitin ito?

    Tiningnan ko ang mga damit. Paano ba labhan ang mga maong? Naisip kong mga t shirt na lang muna ang unahin ko dahil mukhang mas madali iyon. Kahit na marurumi ang t shirt ni Knoxx, mababango parin ito. His natural manly scent is missed with his shower gel. Napangiti ako habang nilalagay silang lahat sa isang balde.

    Nilagyan ko ng tubig ang balde. Nang mapuno ay nilagyan ko rin ng powder. Inubos ko ang isang pack at sobrang bula na nito. Hindi ko alam kung paano labhan ng isa-isa ang t shirt pero kinusot ko na lang ito gaya ng nakikita ko sa mga commercial sa TV. Pagkatapos ng ilang kusot ay nilalagay ko ito sa kabilang balde. Natapos ko ang mahigit sampung t shirts at babanlawan ko na. Pakiramdam ko ang dami dami kong nagawa.

    Pangatlong palit ko na ng tubig nang medyo nawala na ang bula. Nakuntento na ako.

    “Entice!” sigaw ni Knoxx galing sa sala. Tumindig ang balahibo ko. Kahit pagtawag niya lang sa pangalan ko, halos hindi ko na kaya.

    “Nandito ako sa bathroom!” sigaw ko at sinubukang lumabas. Nahirapan pa ako kasi nabasa ang maong ko dahil sa paglalaba.

    Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya nang datnan akong ganoon ang itsura.

    “What are you doing?” tanong niya sa tonong hindi maganda.
    “I’m doing the laundry.” Nagkibit ako ng balikat.

    May nilagay siyang supot sa counter. Lumipad ang mga mata ko doon. Sa puti at manipis na supot ay nakakita ako ng isang tsinelas.

    “Bakit mo nilabhan? I did not ask you to do that. I can do that!” aniya sabay lapit sa akin.
    “Wala na akong ginagawa ‘tsaka… kaya ko naman. Hayaan mo ako,” sabay kibit ng balikat.
    “Stop it-“
    “If you’re scared na isusumbong kita kay daddy dahil sa mga ginagawa ko, don’t be. I did this willingly-“
    “That’s not it!” Mas lalong lumalim ang kanyang boses. “Hindi ka nandito para gawin ang mga bagay na iyan!”

    Halos napa atras ako sa gulat.

    “Leave those alone. Ako na ang bahala sa mga iyan!” Tiningnan niya ang mga ginawa ko.
    “Knoxx, please… I’m doing this because I have nothing to do…” Bumaling ulit ako sa kanyang pinamili.

    Dalawang supot ang nasa counter. Ang kulay pink na tsinelas ay hindi parin nawawala sa aking utak.

    “You don’t even know how to do the laundry, damn it! Doon ka na sa sala at manood ka ng TV kung gusto mong payagan kitang manatili dito sa bahay ko!” pagalit niyang sigaw.

    Halos mapatalon ako doon. Yumuko ako at tiningnan ko ang mga kuko ko. Nakita kong medyo napudpud ang kuko ko sa hinlalaki. Kinagat ko ang labi ko at tinago ito.

    “But… I just want to help-“
    “I don’t want you to do the laundry…” aniya. “You’re not even doing yours, right?” Mas mahinahon na siya.

    Nilingon ko ang mga nilabhan ko.

    “Hindi nga ako marunong pero maayos naman ang ginawa ko kahit paano… I can do it. Kahit sa mga t shirt lang…”

    Nilingon ko siya. Umiling siya at humugot ng malalim na hininga.

    “You really are so stubborn.” Bumaba ang tingin niya sa aking paa.

    Napatingin rin ako doon. Pumikit siya ng mariin at umigting ang kanyang panga.

    “Binilhan kita ng tsinelas. Check it… Bumili na rin ako ng pananghalian natin,” aniya. “Instead of doing the laundry, you can prepare the table. That’s a lighter job.”

    Kinagat ko ang labi ko. I don’t want to push my luck. Kahit na nagagalit na siya ay gusto ko paring mangiti. He accepted it. Alam niyang dito ako laging pupunta pag wala akong ginagawa kaya siya bumili ng tsinelas.

    “And you’re so wet… May dala ka bang damit?” tanong niya.
    Halos hindi ako makahinga sa sobrang saya. “Wala, e.” Hindi nakatakas ang saya sa tono ko.
    Dumilim ang kanyang mga mata. “Kukuha ako ng t shirt ko. The next time you come here, bring an extra…”

    Hindi ko na napigilan ang ngisi ko habang tumatango.

    “Sige!”

    Umalis siya para kunan ako ng damit. Bago ko sinunod ang gusto nyang mangyari ay kinuha ko ang mga tapos ko nang labhan para maisampay na sa labas. Hindi ko na tatapusin iyong mga maong dahil baka pagalitan niya ako.

    “Damn it, Entice!” aniya kaya halos mapatalon ako.

    Naabutan niya akong nagsasampay sa labas. Ngumisi lamang ako.

    “Tinapos ko na lang. Pagsasampay lang naman ‘to…”
    Umiling siya at tumingin ulit sa mga paa ko. “Wear the slippers I bought you!”
    Mabilis akong tumango. “Pagkatapos nito. Saglit lang…”

    Mabilis kong tinapos iyon. Takot na baka mabadtrip si Knoxx dahil sa sobrang kuakulitan ko. Bumalik ako sa bathroom para maghugas ng paa.

    Siya na ang nag ayos ng lamesa para sa aming dalawa. Naabutan ko siyang matalim akong tinitingnan habang nagsusuot ako ng tsinelas.

    Tiningnan ko rin ang sarili ko sa salamin. Nahihiya akong humarap sa kanya para kumain tapos ang dungis dungis ko. I should take a bath before I go and change.

    Naglalagay siya ng baso nang umupo ako sa hapag. Pinanood ko siyang seryosong ginagawa iyon.

    “Knoxx, can I take a bath on your bathroom? Ang dungis ko na, e.”
    “Okay. Pagkatapos nang kumain…” aniya at umupo sa harap ko.

    Ngumisi ulit ako. Pakiramdam ko ay nasasanay na siya sa akin. Kumain kami at tinanong ko siya tungkol sa mga truck na kinuha nila.

    Pagkatapos naming kumain ay nag presinta akong maghugas ng pinggan habang siya ay may inasikaso pa ulit sa labas.

    “Gamitin mo ang tuwalyang ito. I have shorts here too…” aniya at nilapag ang mga kakailanganin ko para maligo.

    Tumango ako at ngumisi.

    “Sa banyo ka na magbihis…”
    “Okay. Thank you…”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Una siyang bumitiw.

    “And if you’re tired because of the chores you did, you can sleep in my room…”

    Hindi ako pagod pero gusto kong matulog sa kanyang kwarto!

    “At ikaw? Ano namang gagawin mo?” tanong ko.
    “Babalik si Omeng ngayong ala una at mag iinventory ako sa lahat ng mga dineliver.”

    Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.

    “Okay! Matutulog ako. Gigising ako ng mga hapon para gumawa ng merienda…”

    Napatingin siya sa akin. Ilang sandali niya akong tinitigan na ako mismo ay sumuko na. Hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang mga mata.

    “Okay. If that’s what you want to do…”

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10
    Estupida, Entice

    Hinatid niya ako sa kanyang kwarto pagkatapos kong maligo. Basang basa pa ang buhok ko kaya ayaw ko pang matulog pero nagpahatid parin ako.

    “Dito ka lang…” aniya. “Nasa baba na si Omeng…”

    Naputol ang titigan namin nang sinarado niya ang kanyang pintuan. Nang tuluyan na siyang nawala ay dumipa na ako at binagsak ang sarili sa kanyang malambot na kama. Naamoy ko kaagad ang kanyang bango. Sa bedsheets at sa comforter ay nakapikit iyon. Hinagkan ko ang puting unan at napangiti na lang ako.

    Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. May aircon doon at may dalawang pintuan patungo kung saan. Malinis at maayos ang pagkakaarrange ng gamit. May nakapatay na laptop sa isang study table, katabi ng table lamp. May nakita din akong frame na may lumang picture.

    Tiningnan ko iyong mabuti. Picture yata iyon ng pamilyang nakatira dito dati. May matandang babae at lalaki na nakatayo sa likod ng tatlong anak. Ang gitna ay babaeng maputi. Ang magkabilang gilid ay isang nakakatandang lalaki at ang bunso ay musmos pa lang. Sinu-sino kaya ito? This can’t be Knoxx, right? Masyadong luma itong picture. Siguro ay isa dito ang kanyang daddy o mommy. Alin naman kaya? Hindi niya gaanong kamukha ang dalawang lalaki, pero kahit paano may resemblance.

    Binuksan ko ang isang pintuan. Bumungad sa akin ang isang walk in closet. Everything’s made of hardwood. Kahit ang mga kabinet, walang marka ng modernisasyon. Sinarado ko iyon at binuksan ang isa pang pintuan. It was a bathroom complete with a classic bath tub.

    Sinarado ko iyon at tumingin ulit sa kabuuan ng kwarto. Ang mapuputing bed sheets, unan, at comforter ay nakakapagparelax. Maging ang puting kurtina na hinihipan ng hangin ay nakakaantok. Hindi na kailangan ng aircon dahil natural na malamig dahil sa hangin galing sa labas.

    Humiga ulit ako sa kanyang kama. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam kung makakatulog ba ako.

    Ilang minuto yata akong nakatingin lang sa ceiling ng kwarto ni Knoxx. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay nababaliw na talaga ako. Lumipad ang isipan ko sa pag alala sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito.

    Naidlip ako sa kakaisip sa mga nangyari. Naalimpungatan na lang ako nang narinig ko ang kalabog sa labas.

    Kinusot ko ang mga mata ko. I feel so tired but I need to get up. Nang tiningnan ko ang buong kwarto, natigilan pa ako dahil hindi ko naalala kung nasaan ako. Nang tuluyan nang pumasok sa isip ko ay sinuot ko na ang tsinelas at dinungaw ang bintana. Sa gilid ay nakita kong may isang truck na dumating. Sinalubong iyon ni Knoxx.

    Hindi pa ako natatapos sa panonood ay lumabas na ako ng kwarto. Sinabi ko nga pala na gagawa ako ng merienda!

    I checked my face. Ni hindi ako nagsuklay ng buhok. Bumaba ako sa hagdanan at naamoy ko kaagad ang kape galing sa kusina.

    Nang tatlong palapag na lang bago ako makababa ay nakita kong hindi si Knoxx ang nagtitimpla noon sa kusina. I saw a girl.

    Kinusot kong muli ang mga mata ko para makita. Napatingin siya sa akin at natigilan nang nakita ako. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Lumi. She’s here. Pumupunta pala siya dito?

    “Hi!” sabay diretso ko sa kusina.

    Kitang kita ko ang nakahandang tinapay at dalawang mug ng siguro’y kape. Naka floral dress siya at naka half pony tail ang kanyang buhok.

    “Nasa… taas ka?” tanong niya.

    Tiningnan ko ang hagdanan. Hindi ba nasabi ni Knoxx na nandito ako?

    “Oo. Natulog ako.” Tiningnan ko ang hinanda niya. “Magkakape kayo ng ganitong oras?”

    Alas kwatro na at pakiramdam ko’y hindi iyon ang tamang oras para uminom ng mainit na kape.

    “Bakit ka natutulog-” Natigil siya nang narinig naming pareho ang mga yapak ni Knoxx papasok sa bahay.

    Nilingon ko si Knoxx. Hindi ako sigurado kung kanino siya nakatingin, sa akin ba o kay Lumi.

    “Kanina pa siyang umaga dito. Nagpahinga lang sa kwarto… Pagkatapos ikarga nina Omeng ang natitira, aalis na sila. Sasama ka ba?” tanong ni Knoxx kay Lumi.

    Napatingin ako kay Lumi. Bumaling siya sa akin.

    “Hindi na. Mauna na sila… Coffee?” sabay tingin niya kay Knoxx.

    Lumapit si Knoxx sa kanya at tinanggap ang kape. Hindi ko alam na madalas pala si Lumi dito sa bahay ni Knoxx.

    Nakatingin ulit si Lumi sa akin. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi niya sinuklian iyon.

    “She did some chores…” ani Knoxx para mabasag ang katahimikan.
    “Chores? Marunong ba sa bahay ang apo ng mga dela Merced?” Bahagyang tumawa si Lumi sabay tingin kay Knoxx.
    “Marunong akong maglinis. In fact, naglaba pa nga ako ng mga damit ni Knoxx…”

    Huminga ng malalim si Knoxx at pumunta sa ref. Kumuha siya ng isang pitsel ng juice at nilapag sa lamesa. Nagsalin siya sa isang baso at tumingin sa akin.

    “Saan mo sinampay, sa likod?” tanong ni Lumi.

    Hindi pa nga ako nakakasagot ay tiningnan niya na ang mga nakasampay sa labas. May tinuro siya at hinila niya si Knoxx.

    “Really, Knoxx?” aniya.
    “There’s nothing I can do. Hindi ko siya inutusan,” ani Knoxx.

    Bumaling ulit si Lumi sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon.

    “Hindi mo hiniwalay ang mga puti at dekolor? Marunong ka ba talagang maglaba?”
    “Lumi… hindi ko siya pinaglaba.”
    Umiling si Lumi.
    “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko.
    “Ang ibang puti ay nag mukhang pink. Sinama mo sa isang balde ang mga puti at ang pula?”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam na kailangan iyong iseparate.

    “That’s okay-“
    “All your whites are now pink, Knoxx…” tumawa si Lumi.
    “Sorry…” Kinabahan ako at dumiretso sa pintuan para makita ang nagawa ko. “Hindi ko talaga alam na ganoon.”

    Tama si Lumi. Kitang kita ko ang pagiging pink ng mga puti. Ang dalawang pulang t shirt ay sinama ko kanina sa iisang balde. Mabuti na lang at ang itim at grey ay hindi naman naapektuahn.

    “I can bleach your whites if you want. Para hindi naman ‘yan magka ganyan,” ani Lumi kay Knoxx.
    “Ako na lang. Para maayos ko ang pagkakamali ko…” sabi ko.
    Bumaling si Knoxx sa akin at bumuntong hininga. “Hayaan mo na si Lumi. Alam kong hindi ka naman rin marunong. Kumain ka na lang ng merienda…”

    Humagikhik si Lumi at dumiretso sa labas. Kinuha niya lahat ng puti. Si Knoxx naman ay uminom sa kape at humilig sa may lababo.

    Nang pumasok si Lumi ay tumabi ako.

    “Dito ka ba maghahapunan?” tanong ni Knoxx, nakatingin kay Lumi.

    Nilingon siya ni Lumi at nagtaas ito ng kilay sa kanya. Napalunok ako nang nagngitian silang dalawa.

    “Bakit? Gusto mo?” ani Lumi.
    Nagkibit ng balikat si Knoxx. “O sige. Alam ko namang gusto mo ng luto ko, e. Ako na rin ang magluluto…”

    Nanlamig ang tiyan ko. Lumunok ako kahit nahihirapan dahil barado ang aking lalamunan.

    “Thanks…” ani Knoxx at tinapos ang kape.

    Nilapag niya iyon sa lababo at bumaling sa akin.

    “Drink your juice. Hindi ba sabi mo ay gigising ka pag merienda… Anong oras kang uuwi?”

    Pinisil ko ang aking mga daliri sa aking likod. Naalala ko iyong sinabi ni daddy na magpahatid daw ako kay Knoxx.

    “Dito na lang din ako maghahapunan.”

    Napatingin si Lumi sa akin na nasa loob ng banyo. Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa.

    “Okay… Ihahatid kita mamaya pauwi. Ipakuha mo na lang si Abaddon kay Pedro.”

    Tumango ako at naalala ang aking kabayo. Ngumuso ako at naisip na siya na lang muna ang aasikasuhin ko.

    “Sige. Lalabas lang ako. Titingnan ko si Abaddon…”
    “Oh, di ka kakain ng merienda?” tanong ni Knoxx.
    Tiningnan ko ang juice at tinapay na handa. I should eat a little. Kahit na wala akong gana.

    Kinuha ko ang baso ng juice at uminom ako doon ng kaonti.

    “Hindi kasi ako gutom…” sabi ko. “But thanks, anyway…”

    Dumiretso na ako palabas ng bahay. I can’t take it. Pakiramdam ko ay masyadong awkward kaya minabuti kong pumunta na lang kay Abaddon.

    Naabutan kong umiinom si Abaddon ng tubig galing sa hinanda ni Knoxx. May mga dayami din doon na siguro’y hinanda rin ni Knoxx para sa aking kabayo.

    Hinawakan ko ang mukha ni Abaddon nang tumigil siya sa pag inom ng tubig. Maybe I should go now? Ngayong hindi pa gumagabi? Pero kasi sinabi ni daddy na magpahatid daw ako kay Knoxx. Baka isipin na naman ni daddy na hindi ko siya sinusunod pag umalis akong mag isa.

    Kumalabog ang isang basket. Nakita kong binuhat iyon ni Knoxx at nilagay sa likod ng truck. Tumingin siya sa akin. Hinampas niya ang gilid ng truck dahilan kung bakit binuhay ni Omeng ang engine nito.

    Umandar iyon kaya hinila ko si Abaddon sa gilid para pagbigyan ang truck. Nang tuluyan itong nakalabas ay umupo si Knoxx sa veranda. Nakatingin siya sa akin. I don’t know what to say but I’ll say something anyway.

    “Madalas pala si Lumi dito sa inyo?” tanong ko.
    “Hindi naman madalas pero pumupunta siya dito pag naaabutan niya ang truck sa daanan,” ani Knoxx.
    Tumango ako. Sinuklay ko ang buhok ng kabayo. “Dito ba siya natutulog?”

    Tumawa si Knoxx. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Nagdilim ang kanyang mga mata at nakangiti parin nang tingnan ako.

    “Minsan…” tumaas ang kanyang kilay.

    Tumikhim ako. Just as I thought. They’re probably in a relationship or something. Pero sabi hindi niya girlfriend, ‘di ba? What is it? Mutual understanding?

    “Dito ba siya matutilog ng-ngayon?” tanong ko nang di siya tinitingnan.
    “Hindi ako sigurado. Tanungin mo siya…”

    Sumisikip ang dibdib ko. Patuloy kong sinuklay ang buhok ni Abaddon. Tahimik na ako. Kailangan kong magsalita.

    “Sorry nga pala sa ginawa ko sa damit mo. Next time, aayusin ko na. Hindi ko alam na kailangang ihiwalay ang puti at dekolor.”
    “I know. I know you don’t know how to do the laundry…” humalakhak ulit siya.
    “Tinatawanan mo ba ako?” tanong ko.

    Tumaas ang dalawang kilay niya at mas lalong lumapad ang ngiti. Uminit ang pisngi ko. Tinaas niya ang kanyang mga kamay.

    “Hindi…”

    I feel stupid. Bumaling ulit ako kay Abaddon at tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha. Hindi bale, at least may natutunan ako. Next time, aayusin ko na. Hindi na ako nagsalita.

    Ilang sandali ang katahimikan bago siya tumayo at lumapit sa akin. Hindi ako halos makagalaw sa kaba. Damn it!

    “Maayos ba ang tulog mo?” tanong niya sabay hawak din sa pisngi ni Abaddon.
    “Maayos…”
    “Hindi ba mainit sa kwarto ko. Did you turn on the aircon?”
    “Hindi. Hindi naman kasi mainit…” sabi ko.
    “Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?”
    Napatingin ako kay Knoxx. “Maayos akong nagpaalam kay daddy kanina. He knows na mamaya pa ako.”
    Tumango siya at sinuklay ang buhok ni Abaddon. Tinitigan ko siya. I feel like he’s so near but so far at the same time. Ironic, isn’t it?

    “Knoxx!” ani Lumi na nasa likod ng bahay. “Ikaw na ang mag prepare sa spices. Di pa ako tapos sa paglalaba.”
    “Yeah. I’m coming!” ani Knoxx sabay talikod sa akin.

    Tiningnan ko siya paalis ngunit diretso ko ring binawi ang tingin ko. I feel so small, really. Too small, actually. I couldn’t fit.

    Bumuga ako ng hininga at nagpasyang putulin ang agos ng pag iisip pagkatapos ng ilang sandali. Dumilim na at kitang kita na ang mga bituin sa langit. Ano bang ginagawa ko dito? Nagmumukmok?

    Nagpasya akong pumasok na para tingnan ang dalawa. Tawanan ang bumungad sa akin sa kusina. Pareho silang nakaharap sa stove at amoy ng tinola ang nalalanghap ko sa hangin.

    Lumapit ako sa kusina at nakita kong uminom si Lumi sa sandok at agad niya itong binigay rin kay Knoxx. Tinanggap iyon ni Knoxx at uminom rin siya galing doon. Tumango si Knoxx at ngumisi.

    “You really are a good cook…”

    Ngumiti ako pero hindi nakatakas sa akin ang panlalamig sa tiyan.

    “Nakakagutom naman!” sabi ko.

    Pareho silang nakatingin sa akin. Ngumiti ako.

    “I’ll prepare the plates…” nag presinta ako. I should’ve left an hour ago. Kung bakit ko hinayaan ang sarili kong manatili dito para lang manlamig ay hindi ko alam. Estupida, Entice…

    Kinuha ko ang mga plato sa lalagyanan. Kinuha ni Knoxx sa akin ang mga plato kaya napatingin ako sa kanya.

    “Umupo ka na lang,” ani Knoxx.
    Humalakhak si Lumi. “Prinsesa, umupo ka na lang daw…”
    “Kaya ko namang gawin iyan. Madali lang y-yan…” sabi ko.
    “I’ll do it,” ani Knoxx.

    Tumikhim ako at tumango. I really should’ve left. Umupo ako at pinanood si Knoxx na nilalapag ang mga pinggan at iba pang kubyertos. Pagkatapos ay tumayo ulit siya sa likod ni Lumi. Nakapamaywang siya habang tinitingnan ang ginagawa ni Lumi sa ulam namin.

    Kulang na lang ay yakapin niya si Lumi galing sa likod. Nilingon siya ni Lumi at ngumiti ito sa kanya.

    “Luto na…” ani Lumi.
    “Thank you, Lumiere…” sabay ngisi ni Knoxx.

    Napalunok ako at napatingin na lamang sa pinggan. Nang nilapag nila ang isang bowl ng sabaw, I tried to act happy. I tried to act hungry. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ako nagugutom. Tanging lamig lamang ang nararamdaman ko sa aking tiyan.

    “Kumain ka na…” sabay ngiti ni Lumi sa akin.
    Tumango akoa t kumuha ng kaonting kanin.

    Umupo si Knoxx sa tabi ni Lumi, sa harap ko. Kitang kita ko na mukhang gustong gusto niya talaga ang luto ni Lumi. Maybe I should learn to cook that.

    “Tinola ito, hindi ba?” tanong ko habang sinusubo.

    Masarap nga iyon. Lalo na dahil mainit pa. Hindi ko maipagkaila. Tumango si Lumi sa tanong ko.

    “Paano ba iyan lutuin?” tanong ko.
    Ngumisi siya. “Sana pala nanood ka kanina habang niluluto ko ito. Para malaman mo…”

    Then, I can’t turn back time. Maybe I should ask Manang Leticia.

    “Hindi ka nagluluto, ‘di ba? Kasi may mga kasambahay naman kayo sa inyo…”
    Nahihiya akong tumango. “Pero gusto ko namang matuto.”
    “Why do you have too? Hindi naman yata mauubusan ng kasambahay sa inyo.”
    “It’s still better if I can cook…” Napatingin ako kay Knoxx na nasa pagkain lang ang buong atensyon.
    “Tama rin. Sige na, kumain ka na,” sabay ngiti ni Lumi.

    Nag usap sila ni Knoxx tungkol sa mga tauhan. Hindi ko makuha ang pinag uusapan kaya tahimik na lang akong kumain.

    “Uuwi ako,” sabi ni Lumi.

    So she does sleep here.

    “You should. Ihahatid ko si Entice sa kanila. Ihahatid na rin kita…” ani Knoxx sabay inom ng tubig.
    Suminghap ako at nakitang tapos na sila sa pagkain. “Ako na ang maghuhugas ng plato…” sabi ko.
    “Ako na,” ani Knoxx. Mamaya pagbalik natin. Kailangan mo nang umuwi kaya ngayon na kita ihahatid.”

    Tumayo siya. Ganoon din si Lumi na humikab na. Uminom ako ng tubig at sumunod sa kanilang dalawa. I guess that’s the end for today. I don’t know if I’ll be back tomorrow.

    Kinuha ni Knoxx ang susi sa isang maliit na mesa. Lumabas na si Lumi ng bahay at binagalan ko naman ang paglalakad. Bumaling si Knoxx sa akin.

    “Pwede bang isama mo na lang din si Pedro pabalik dito nang sa ganoon, agad niyang makuha si Abaddon ngayong gabi?”
    Kumunot ang noo niya. “Okay… why? You wan’t to return Abaddon so bad in your stables. Di ka na babalik dito?” he smirked.
    “Hindi… para may masakyan ulit ako bukas…”
    Ngumuso siya, parang nagpipigil ng ngiti. “Right! Lumabas ka na…” aniya sabay hawak niya sa door handle para maisarado na ang pinto.

    Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Curious

    Sa sumunod na araw, nagpunta ulit ako kina Knoxx. Hindi nga lang kasing aga noong pagpunta ko noong Sabado. Sumama pa kasi ako kay mommy at lola para makapag simba. Hapon na nang napadpad ako kina Knoxx at tulad ng dati, abala siya sa mga bagong harvest ng manga.

    Hinatid niya ako nang gumabi. Kaming dalawa lang ang nasa bahay niya at nagulat ako dahil wala naman doon si Lumi. Magtatanong na sana ako tungkol doon ngunit ayaw kong maging masyadong kuryoso. Masaya na ako na ganoon ang kinalabasan sa araw na iyon.

    “O? Nood ka muna ng game!” anyaya ni Joaquin sa akin.

    Wednesday na at araw-araw, walang mintis, kina Knoxx ako pumupunta twing hapon. Natagalan lang ako sa araw na ito dahil sa sandamakmak na assignments namin. Lagi kong ginagawa iyon bago umalis ng school para pag uwi ko tapos na ako sa mga gawaing pang eskwela.

    Iba ngayon… mukhang di ko ‘to matatapos lahat.

    “Alam mo paano ito?” tanong ko kay Joaquin ng wala sa sarili.

    Hindi ko masyadong gamay ang mga minor subjects namin. Hirap na hirap tuloy ako sa Agri Econ. Hindi ko masyadong gamay ang math at maraming math sa Economics na ito.

    “Tulungan na kita…” tinabi ni Joaquin ang kanyang bola sa kabilang desk.

    Tiningnan ko siya. Kumunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang nilagay ko sa aking yellow pad.

    “Bakit ba kasi ngayon mo ito ginagawa?” Hinarap niya ang aking papel at kinuha ang aking calculator.

    Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase naming unti unti nang umaalis sa classroom. Ang ibang mga lalaki ay nag-aantay na kay Joaquin. Sina Trixie at Heather naman ay nasa labas na.

    “Sorry. Sige na, ako na lang nito,” sabay harap ng assignment ko.
    “Hindi na, tutulungan na kita…” aniya.

    May lumapit na dalawa pang barkada niya. May dala din silang bola. Hindi ako sigurado kung may practice ba sila ngayon o tunay na game.

    “Ano ba ‘yan?” tanong ng kaklase kong lalaki.
    “Assignment. Sa bahay na lang kasi gawin,” ani Joaquin.
    “Oo nga, Entice…”

    Lumunok ako at nagsimula ng magligpit ng gamit. Ayaw kong maabala sila. I just want a little help, not their whole attention. Ngayon ay halos silang tatlo na ng kaibigan niya ang nakapaligid sa akin.

    “Ano? Tara! Watch us play…” ani Joaquin sa seryosong tono.

    I hate to decline his offer but I need to. Dadalhin ko na lang itong assignment ko kina Knoxx, baka sakaling may alam siya kung paano. At isa pa, pag umuwi ako ng gabi baka hindi na ako payagan ni daddy na pumunta kina Knoxx.

    “Hindi na. Sorry, Joaquin. Nagmamadali kasi akong umuwi…” sabi ko.
    Ngumiwi na siya. It was like he’s tired of hearing me say that.
    “I’m really sorry. I have to do things…”
    “Ano ba ‘yang pinagkakaabalahan mo, Entice?” Bahagya siyang tumawa. “Nakakacurious naman.”
    “Strict siguro ang parents kaya laging umuuwi ng maaga…” singit ni Heather.
    “Sorry talaga…” sabay tingin ko sa mga bagong kaibigang nakilala.

    Alam kong marami akong utang sa kanila. They let me be with them in school. Kapag lunch ay sumasama ako sa kanila. Kapag may assignment, sila ang takbuhan ko. It’s just not right to treat them this way. Na kapag may katuwaan kahit pagsama na lang, hindi ko magawa. I’m not Miss Congeniality but I know friendship. I like them and I don’t want them to feel just used whenever I need them.

    “Sorry! Hmmm. Sige, sa Sabado punta kayo sa amin. Babawi ako…”
    “Talaga?” Nanlaki ang mata ni Heather sa tuwa.
    Tumango ako. “Yes…”
    “Talaga?” Matamis ang ngiti ni Joaquin.

    Bumuntong hininga ako. I know I’m doing something great.

    “Talaga!” Tumango ako.

    Hinaplos niya ang pisngi ko at bahagyang kinurot ang ilong.

    “O sige…” Kinuha ni Joaquin ang kanyang bag. Nakaplaster na ang ngiti sa kanyang labi. “Lika, ihatid na kita sa gate…”
    “Ano dawng sinabi?” tanong ni Trixie kay Heather.

    Pabulong na kinwento ni Heather sa kaibigan ang sinabi ko at kitang kita ko ang ngiti kay Trixie. I don’t know what’s so great about being inside our mansion.

    “Alis na ako…” kinawayan ko sila.
    “Joaquin, bilisan mo ah?” sabay tawa ng mga kabigan ni Joaquin.
    “Oo, Bob. Mauna na kayo doon!”

    Mabilis na ang lakad ko patungong gate. Nakikita ko na ang aming sasakyan na naghihintay sa labas.

    “Ano ba talaga ang ginagawa mo ng mga ganitong oras sa inyo?” tanong ni Joaquin.
    Nagkbit balikat ako. “Namamasyal.”
    Tumawa siya. “Kaya ka hindi nakakapanood ng game kasi namamasyal ka? Kahit isang oras lang, En?”

    Hinarap ko siya nang nasa gate na kami. Huminga ako ng malalim.

    “Sorry talaga. Babawi naman ako, Joaquin. Sige na… Good luck sa game, ha?” sabay ngiti ko.
    “Okay… Ingat ka pauwi at sa pamamasyal. Text ka pag naka uwi ka…”
    Tumango ako kahit na hindi ko naman iyon ginagawa. Madalas ay siya ang nagtitext tuwing nakakalimutan ko kaya nag rereply na lang ako.

    Pagkapasok ko sa sasakyan ay tumawag na kaagad ako sa bahay. Ipapahanda ko si Abaddon para pagkatapos kong maligo, diretso na ako kina Knoxx.

    “Entice, bilin nga pala ni Manang Leticia na sabihin sa’yo na huwag ka na daw muna mangabayo kasi gagamitin nina Koko iyon mamaya patungo sa tubuhan.”

    Binaba ko ang cellphone ko nang narinig ko iyon galing kay Manong.

    “Po? Pati si Abaddon, pinagamit ni Hector?” tanong ko.
    “Oo, e. Ang bilin ng daddy mo, magsasakyan ka na lang daw. Ihahatid kita doon.”

    Hindi ako nakapagsalita. Talagang alam ni daddy kung saan ang punta ko. At pumayag pa siyang ihatid ako ng sasakyan.

    “Oh! Okay…” sabi ko.

    Kaya nang nakarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para maligo at makapagbihis. Hinagilap ko ang mga gamit ko para doon na mag-aral kina Knoxx. Nagmamadali kaagad akong bumaba at dumiretso sa aming sasakyan.

    “Tara na po!” sabi ko, nagsusuklay pa ng buhok.

    Abala yata sina daddy at mommy sa farm. Si Lola ay malamang nasa kanyang study at si Hector at Chesca, wala sa bahay.

    Hindi tulad ng byahe sa kabayo, mas mabilis akong nakarating gamit ang aming sasakyan. Nilingon ko si Manong nang nasa labas na kami ng bahay nina Knoxx.

    “Manong, huwag ka nang mag antay ha? Magpapahatid na lang ako kay Knoxx…” sabi ko.
    Tumango siya. “Sasabihin ko sa daddy mo.”
    “Sige po, salamat.” Sinarado ko ang pintuan at unti unting lumapit sa gate nina Knoxx.

    Medyo natagalan ako sa araw na ito. Maputik doon dahil siguro sa ulan tuwing umaga kaya nag ingat ako sa paglalakad. Tahimik kong sinungaw ang ulo ko sa gate para makita kung naroon ba siya.

    Nakita ko ang likod niya. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa makina ng Wrangler. Ngumiti ako.

    Bumaling siya sa gate ng isang beses at namataan niya ako. Binalik niya ang tingin niya. Siguro ay matagal niyang na proseso.

    Kumunot ang noo niya sa akin. Kitang kita ko ang mantsa ng grasa sa kanyang puting t shirt. Kumuha siya ng pamunas at nagpunas siya ng kamay. Pumasok ako sa gate.

    “Ba’t ngayon ka lang?” tanong niya. “Asan si Abaddon?”

    Uminit ang pisngi ko. Hindi ko maitago ang ngiti ko.

    “Hindi pinahiram ni daddy. May gagawin daw sila sa tubuhan.”
    “Kaya ka ba natagalan?” aniya sabay tapon sa trapong hawak.

    Ngumuso ako at naglakad patungo sa hagdanan ng kanyang bahay. I really can’t help but smile.

    “Hmmm. Natagalan kasi ako sa school. May ginawa lang…”

    Tumingin siya sa akin bago tumagilid. Kitang kita ko ang paghuhubad niya ng t shirt. Galing sa batok ang paghila niya sa tshirt hanggang sa nahubad na ito ng tuluyan. Tumikhim ako.

    “Ano ‘yang dala mo?”

    Napatingin ako sa dala kong libro at mga papel. May kinuha siyang t shirt na nakasampay sa veranda at sinuot niya kaagad iyon.

    “Dito sana ako gagawa ng assignment. May alam ka ba sa Agri Econ? Nahihirapan kasi ako.”

    Kinuha niya ang libro ko at naunang pumasok sa bahay. Dumiretso naman ako sa pintuan at nakita ko doon ang tsinelas ko. I removed my boots at nagpalit ako ng tsinelas na bigay niya.

    Nilagay niya ang aking libro sa coffee table at umupo siya sa sofa. Ngumuso ako at umupo na rin doon sa sofa.

    “Nagpatulong ako sa kaklase ko kaso hindi ko natapos sa school, e. Marami kasi…”

    Umaliwalas ang kanyang mukha nang nabuklat ang aking libro. Nandoon lahat ng tanong na pinapasagutan ng teacher namin.

    “This is all in your book,” aniya.
    “Babasahin ko ba ang buong chapter? ‘Tsaka may mga solving, medyo nahihirapan ako.”
    “You should read the whole chapter later, nang maintindihan mo…” aniya.
    Tumango ako. “Babasahin ko naman talaga mamaya…”
    “Isusulat ko sa scratch ang sagot ng solving bago ko sasabihin sa’yo kung paano.”

    Tumango ako habang mabilis niyang niscribble lahat ng sagot. Straight at all caps ang kanyang sulatkamay. I can’t help but smile. Bagay na bagay sa kanyang image ang kanyang sulat kamay.

    “Tapos…” aniya pagkatapos niyang mag solve.

    He told me how to do it. I listened carefully. Mabuti na lang at nakuha ko naman kahit paano kahit na nakakadistract ang movements ng labi niya tuwing nagsasalita siya.

    “And as for the questions, basahin mo ang chapter na iyan. Mahahanap mo ang sagot. Magluluto muna ako…” aniya.
    Tumango ako. “Salamat! Sige, magbabasa ako.”

    Tinuon ko ang buong atensyon ko sa paggawa ng assignment. Kumunot na ang noo ko habang nagbabasa at tama si Knoxx, naroon nga. Sinaulo ko na lang muna ang mga tanong para pag nabasa ko ang sagot, may isasagot na kaagad ako.

    Ilang sandali ang nakalipas ay binalikan na ako ni Knoxx. Patapos na ako sa assignment ko. Napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip siya at nanonood sa akin.

    “Done?” nagtaas siya ng kilay.
    “Yup. Thanks for the help…”
    “Kain na tayo…” aniya.
    Tumango ako.

    I’m used to what we’re doing. Kailangan ko na talagang magpaturo kay Manang Leticia kung paano magluto para ako naman ang magluto dito sa bahay niya. Palagi na kasing siya.

    Umupo ako sa hapag. Pinasadahan ko ng tingin ang buong mesa na naka handa na. Usually ako ang naglalagay ng mga kubyertos ngunit hindi ngayon. Naging abala kasi ako sa paggawa ng assignment.

    Uupo na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dumiretso siya doon at sinagot iyon.

    “Hello… Yeah… Yup. Sige… Yup…” Iyon lang ang narinig ko. “Maayos naman ako. Ingat din po kayo, dad.”

    Dad. Nasaan kaya ang kanyang daddy?

    Binaba niya ang cellphone at dumiretso siya sa harap ko para maupo. Kumuha na kaagad siya ng kanin. Ganoon din ang ginawa ko.

    “Where’s your dad?” tanong ko.
    “Nasa bahay namin,” simple nyang sagot.
    “Saan?” tanong ko.
    “Sa Cagayan de Oro,” sulyap niya sa akin.
    “Cagayan de Oro?” ulit ko. “Ang layo naman. Bakit mag isa ka dito? Ba’t di ka samahan ng daddy mo? Mommy mo?”
    “Nag aaral pa ang mga kapatid ko,” aniya.

    Nanlaki ang mga mata ko. I never thought that he’s got siblings! Mukha kasi siyang only child or something. Tagapagmana o ano…

    Kumunot ang noo niya. Nagsusuplado dahil sa pagkakamangha ko.

    “May mga kapatid ka? Maliliit pa?” Hindi ko maimagine na may mga bata siyang kapatid.
    “Hindi. Mas matanda sa’yo…” aniya.
    “Babae o lalaki?”
    “Babae at lalaki. Sunod sa akin ‘yong lalaki, ‘yong babae mas bata…”
    “Anong mga pangalan nila?”
    Sinimangutan niya ako. “Why do you have to ask?”
    “Well, you know about my family. I don’t know about yours!” paliwanag ko.
    “Azrael at Claudette.”
    “Azrael Montefalco and Claudette Montefalco?”
    “What? Are you gonna add Azrael on Facebook?” matigas na ingles ang gamit niya.
    “What?” Naguluhan ako sa sinabi niya.
    “Tsss.”
    “Ha? May Facebook sila? May Facebook ka ba?”
    “Don’t add me. I hate social media.”
    Tumawa ako. “Weh? Napaka anti social mo naman! Kaya ba nandito ka sa Alegria kasi ayaw mong makihalubilo sa mga tao sa inyo? May kapatid ka pala!” Namamangha kong sinabi. “Kamukha mo ba sila? Si Azrael? Si Claudette?”
    “Why are you curious? Drop it!”
    “Ilang taon ba si Azrael?” tanong ko, binalewala ang sabi niya.
    “Bakit ba?” natigil siya sa pagkain. “Ang sabi ko, sunod sa akin.”
    “Mas bata sa’yo ng isang taon, kung ganoon?” I said with enthusiasm.
    “He’s way older than you…” aniya.
    “You are way older than me, actually…” sabay tawa ko.

    Sinimangutan niya ako lalo. Natulala na ako kakaisip na may mga kapatid siya. Naisip ko ang kapatid niyang babae. Paniguradong maganda iyon. Ano kaya ang itsura ng Cagayan de Oro?

    “What are you thinking?” pagalit niyang sinabi.
    “Wala…” umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

    Tiningnan ko siya at matalim ang tingin niya sa akin. Nag ngising aso ako.

    “Are you a good brother? I wonder…”

    Nag iwas siya ng tingin at nagtaas ng kilay.

    “Stop being too curious…”
    “Bakit? May tinatago ka?” natatawa kong tanong.
    “Wala!”
    “I can’t help but be curious. Especially ganito ka kung maka react!” Ngisi ko ulit.

    Kinuha ko ang cellphone ko para icheck ang Facebook. Hindi ako madalas nag oopen noon kaya hindi ko rin siya hinanap.

    Hinablot niya ang cellphone ko at lumayo siya sa akin.

    “Hey!” sigaw ko.

    Tinalikuran niya ako at tinaas niya ito. Sinubukan kong abutin iyon ngunit hanggang siko lang ang kamay ko. Kahit na tumalon ako ay hindi ko maabot ang kamay niyang nasa ere.

    “Knoxx!” tili ko.

    Panay ang talon ko ngunit hindi siya natinag. Kitang kita ko ang pagsscroll niya sa Facebook ko. Tiningnan niya ang profile ko at mga pictures ko doon.

    “Ano bang ginagawa mo!” sabay tawa ko.

    Then he went to my messenger. Tiningnan niya ang message ni Hester na hindi ko pa na si-seen. Nakita niya rin ang message ng ilan kong kaibigan sa US.

    “Knoxx!” hinampas ko ang braso niya.

    Hindi parin siya natinag. Tiningnan niya ang notifications ko at nakita ko ang pagiging friends namin ni Joaquin, Heather, at Trixie.

    “Ano ba?” natatawa parin ako.

    Then he pushed exit. Dinelete niya ang app kong Facebook at Messenger bago binalik sa akin ang aking cellphone.

    “Let’s Skype. Stop doing Facebook,” aniya.
    “Bakit?” Hinihingal pa ako habang ni sscroll kung aling apps pa ang nawala.
    “Just do it, Entice…”

    Ngumuso ako at tumingin sa kanya.

    “Fine!” Hindi ako nanghihinayang sa Facebook na dinelete. Hindi rin naman kasi ako interesado doon.
    “What’s your Skype name?” tanong ko.
    “Give me your phone.”
    Binigay ko sa kanya ang aking cellphone. “Ilagay mo rin ang cellphone number mo, ha?”
    “Kumain ka na…” aniya nang di ko alam kung ilalagay niya ba o hindi.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Mango Float

    I went home with a smile plastered on my face. He did not put his number on my phone, like what I expected pero ayos na ako sa Skype niya.

    I checked it before I went to sleep and saw that he’s online. Malayo siya sa kanyang pamilya kaya ito siguro ang ginagamit niya para makatawag sa kanila.

    Mas naging busy kami sa sumunod na mga araw. Mas dumami ang mga assignments ko mula Econ hanggang Botany, kaya tuwing pumupunta ako kay Knoxx, puro iyon ang inaatupag ko. Luckily, he’s always willing to help.

    Minsan magiging abala siya dahil sa mga harvest at sa plantation kaya inaabangan ko kung magpupunta ba sa bahay niya si Lumi pero wala naman. Siguro ay tuwing Sabado lang, kung ganoon?

    But then…

    “Bukas ha? Sabi mo!” ani Joaquin sabay paikot ng bola sa kanyang thumb.
    Tumango ako at huminga ng malalim. They gathered around me. Nginitian ko sila isa-isa.
    “O, bukas… ano ba ang gusto ninyo? Kukunin ko kayo kung saan o dumiretso na lang kayo sa amin?”
    “Nakakahiya naman, Entice, kung didiretso kami…” Nangingiting sinabi ni Drixie.
    “O sige. Magkita kita tayo sa soccer field sa tapat ng simbahan. Sinu sino ba ang sasama?”
    “Teka, ano bang gagawin natin doon?” tanong ni Bob.
    “Sasama si Drixie, Bob, Heather, Henry, Ben, Ayana, at Susie… tayo lang!” ani Joaquin.

    Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigang sasama. Iniisip ko rin kung anong gagawin na saswak sa kanilang lahat. The boys were athletic, ayos lang kung mangabayo. But girls? Tanging si Heather at Susie lang ang mukhang game. I am not sure with Ayana at Drixie.

    “Kahit anong gusto ninyo. Pwede tayong mamasyal, mangabayo, pumuntang Tinago, kahit ano. Ano ba’ng gusto ninyo? O di kaya ay mag picnic tayo!”
    “That’s a good idea!” ani Joaquin.
    “Sige, maghahanda ako ng mga gagamitin.”
    “Huwag na tayo sa Tinago, lagi kami doon last week. Mabuti pa sa rancho niyo na lang tayo mag picnic! May mga pine trees ba doon?”
    “Walang pine trees sa rancho, e. Doon lang sa labas ‘yong papunta sa Kampo Juan ang marami. Bakit?”
    “Pero may sisilungan naman tayo, hindi ba?” tanong nila, nangungunot ang noo.
    “Mayroon. May malaking puno ng acacia at Mahogany malapit sa rancho kaya pwede tayong sa ilalim noon mag picnic.”
    “O sige! Pagkain?” tanong ni Heather.
    “Ako na ang bahala sa lahat. Mag dala na lang kayo ng extra shirts dahil medyo maputik sa rancho ngayon.”

    Tipid na ngiti ang binigay sa akin nina Ayana at Susie. Hindi ako sigurado kung magugustuhan ba nila iyon. Hindi naman kasi ako close sa kanila.

    “Pinayagan ka na ba ng mommy mo, Ayana? Payag na please!” ani Drixie sabay suklay sa straight na buhok ni Ayana.
    “Susubukan ko ulit mamayang gabi. Natatakot kasi si mommy na baka maligaw ako dito sa Alegria…”
    “Naku! Hindi ka maliligaw dito basta kasama mo kami…”
    Ngumiti ako. I would like to talk to them more para bukas ngunit kailangan ko nang umalis.

    “O… nagliligpit ka agad?” kumunot ang noo ni Joaquin sa akin.
    “Opo…” Ngumiti ako. “May gagawin ako ‘tsaka ihahanda ko pa ang lahat bukas.”
    “May mga kasambahay naman kayo, as if ikaw maghahanda!” Panunuya ni Drixie sa akin.
    “Tutulong din naman kahit paano. Basta, ha? Itext ninyo ako bukas.”
    “Teka, anong oras?” tanong ni Heather.
    “Ano bang gusto ninyo?” tanong ko naghahandang umalis.
    “Alas diez na lang dahil baka hindi ako makagising ng maaga,” ani Drixie.

    Tumango ako at kumaway na sa kanila. Alam na nilang kailangan kong umalis. Sumunod kaagad si Joaquin sa akin kahit na hindi ko naman hiningi sa kanya.

    “Sunod ka na naman, Mr. Cuevas…” biro ko sa kanya.
    “Nagtataka talaga ako kung bakit ka laging nagmamadali…” Nag ngising aso siya. “Ganoon ba kaganda ang tanawin sa inyo at ipagpapalit mo dito?”
    Nilingon ko siya at nginitian. “Nakasanayan lang.”
    “Two weeks, nakasanayan? Hindi ba ay galing kang Estates. Paanong nakasanayan?” tanong ni Joaquin.
    “Nakasanayan ko sa two weeks…” Tumawa ako at kumaway na sa kanya para huwag na niya akong tanungin.

    Maraming assignments pero hindi ko dinala iyon kina Knoxx. Nagpaalam na rin ako kina mommy at lola na pupunta ang mga kaibigan ko dito bukas. Maghahanda sila ng mga pagkain.

    “Dito ba matutulog?” tanong ni Lola.
    Umiling ako.
    “Next time, ask them to stay, hija. We have so many free rooms!” giit ni Lola na kung hindi lang ako nagmamadali ay pinatulan ko na.

    Nakarating ako kina Knoxx na busy siya sa ginagawa. Mas lalo kasing dumami ang naharvest nila sa plantation. Gusto ko sanang bumisita doon ngunit ‘tsaka na lang kapag doon din ang punta niya.

    Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan kung tama na ba ang nabuhos kong crushed Grahams.

    Tama na yata kaya lalagyan ko na ulit ng manga. Kanina pa kasi nag aayos si Knoxx sa labas kasama ang kanyang mga tauhan kaya hindi ko na siya inabala. Naiinis pa naman iyon kapag pinilit kong tumulong kaya heto ako sa loob at gumagawa ng Mango float. Iyon lang din naman ang alam kong gawin. I don’t know how to bake. Magpapaturo pa ako.

    Tiningnan ko ulit ang cellphone ko.

    “Hala nakalimutan ko!” sabi ko sa sarili ko.

    Dapat pala ay nilagyan ko ito ng parchment paper bago ang graham crackers! Oh damn!

    “Ang?” tanong ni Knoxx.

    Napatingin ako sa kanya. Ni hindi ko namalayan na nasa tabi siya ng ref at umiinom ng tubig. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

    “May parchment paper ka?” tanong ko.
    Kitang kita ko ang pagkalito niya. Nilapag niya ang baso sa counter at humalukipkip. “Para saan?”
    “Sabi dito… kailangan daw ng parchment paper bago lagyan ng crackers,” sabay tingin ko sa cellphone ko.

    Humalakhak siya kaya napabaling ulit ako sa kanya.

    “Really?”
    “Oo! For easy removal of the dessert!” Nasapo ko ang noo ko.
    “Do you really have to follow that? Pwede namang wala na iyon…” Umiling siya. “You really don’t know how to do this, do you?”

    Uminit ang pisngi ko. Oo nga naman. Pwede namang wala na iyon. Natatakot lang ako na pumalpak. This is my first time!

    “Fine… Pwede na ‘to,” sabi ko.

    Nilagyan ko ng cream pagkatapos ay ang mango. Umupo siya sa high chair. Mukhang papanoorin niya ako. Sinimangutan ko siya.

    “Umalis ka! Doon ka na sa labas…”
    Ngumisi siya. Damn, his smile. “Bakit?” Umiling pa siya tila nalilito kahit alam niya na ang sagot.
    “Basta! Doon ka na!”
    “Why? I wanna watch…” ngising aso niya.

    Umirap ako at nilapitan siya. Hinila ko siya sa high chair at tinulak paalis sa kitchen. I am really uncomfortable. Lalo na pag nakatitig lamang siya sa akin habang may ginagawa akong seryoso. Pakiramdam ko ay magkakamali ako.

    “Why?” tumawa pa siya.
    “Basta! Just go! Okay?” sabi ko at tuluyan na siyang napalabas sa bahay.
    “Fine!” Ngisi niya at bumalik na siya sa labas.

    Nabunutan ako ng tinik doon. I resumed what I’m doing after that.

    Gusto kong ubusin lahat ng manga na dinala niya dito sa kitchen para sa Mango Float ko pero masyadong marami iyon. I should research of other recipes para makagawa ulit ako nito.

    Masayang masaya ako nang natapos ko ang tatlong layer. Gagawin kong apat dahil kasya pa naman.

    Naisip ko tuloy na apat na oras pa itong kailangang i chill at sa mga oras na iyon, siguro’y nakauwi na ako. At isa pa, hindi ako makakapunta dito bukas. Makakakain kaya ako nito? Well, Knoxx can’t finish it all.

    Narinig kong may pumasok na truck. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa hanggang sa naaninag ko kung sino ang papasok.

    Kumikinang ang morenang kutis ni Lumi nang papasok siya sa bahay. May dala siyang paper bag. Nagkatinginan kaagad kami.

    “Andito ka pala…” aniya ngunit walang bahid na gulat sa mukha.
    “Oo. Uh…” tumingin ako sa likod niya baka sakaling hinatid siya ni Knoxx ngunit hindi. Mag isa siya. Naroon parin si Knoxx sa labas. I feel like this is normal for the both of them.
    “Mango float?” tanong niya sabay tingin sa ginagawa ko.
    “Hmm. Yup…” Medyo nawalan ako ng gana ngunit pinilit ko ang sarili ko. “Marami kasing manga kaya naisip kong gumawa.”
    Tumango siya. “Patapos na?”
    “Oo. Ilalagay ko na sa fridge…”

    Kinuha ko ang buong container at binuksan ang ref ni Knoxx. Tapos ko na itong tinakpan kaya diretso na lang ang paglagay ko sa loob.

    “Maghahanda na ako ng hapunan. Alam kong hindi nakapag luto si Knoxx ngayon kaya bumili na lang ako. Besides, kung magluluto pa ako, hindi na aabot. Mukhang gutom na siya dahil sa mga ginawang trabaho.”

    Tumango tango lamang ako. I don’t know but I feel like she is really doing something for Knoxx. Iyong tipong nakakatulong. Naisip ko tuloy kung anu anong mga bagay ba ang nagawa ko para kay Knoxx. Pakiramdam ko ay ako naman lagi ang tinutulungan niya.

    “Ihahanda ko ang mga plato…” sabi ko para makatulong naman.

    Hindi umimik si Lumi. Hinanda niya ang dalawang klase ng ulam na nabili niya. Nilagay niya rin ang kanin sa lalagyanan. Ako naman ay inaayos ang mga kubyertos.

    Pumasok si Knoxx sa loob ng bahay at nagkatinginan kaagad kaming dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita si Lumi.

    “Lumi? Nasa truck ka kanina?”

    He didn’t know.

    “Oo. Hindi mo ako nakita kasi nasa likod ka at nag didiskarga. Dumiretso na ako dito para maayos itong pagkain, like the usual.”

    Napalunok ako. This is their usual thing. I’m not against that. Sa bagay, nandito na silang dalawa kahit noong wala pa ako. At isa pa, tatlong linggo pa lang kaming magkakilala ni Knoxx.

    “Kain na tayo!” anyaya ni Lumi.

    Nagkatinginan ulit kami ni Knoxx. Ngumiti ako sa kanya at umupo na sa hapag.

    “You done with your Mango Float?”
    “Yup…” Tiningnan ko ang aking plato. Hindi ako makatagal sa titig niya. “Nasa fridge. Apat na oras pa daw pwedeng kainin kaya di na ‘yon aabot pagkatapos kumain. Bukas na lang…”
    “Bukas pa iyon magiging ready,” wika ni Lumi.
    Tumango ako bilang pagsang ayon at naglagay na ng kaonting kanin sa aking pinggan.

    Pagkatapos kumain ay nag desisyon na akong umuwi. Ganoon din si Knoxx. He even suggested it.

    “Let’s go…” ani Knoxx nang nakitang nakaupo parin si Lumi sa sofa at nanonood ng TV.

    Ngumisi si Lumi kay Knoxx at tumuwid sa pagkakaupo.

    “I’m staying. Iuwi mo na siya, Knoxx…” aniya.

    Gulat na gulat ako ngunit hindi ko iyon pinakita. Nag iwas kaagad ako ng tingin sa kanilang dalawa at lumabas na lang ng bahay.

    Mabilis ang takbo ng isip ko. Galing sa pag alis namin ni Knoxx at ang kanyang pagbabalik. Pinilig ko ang ulo ko para matigil ang pag iisip. Nakaharap na ako sa Wrangler at hindi ko pa iyon mabuksan.

    Nilingon ko si Knoxx ngunit kakalabas lamang niya ng bahay. Hindi talaga ako makatingin ng maayos sa kanya but I tried my best.

    Bumaling ulit ako sa Wrangler.

    “Naku! Hindi ko matitikman ang Mango Float kasi mamaya pa ‘yon. Sabihin mo kung masarap, ha? Makakakain kayo ni Lumi…” sabi ko.

    Binuksan ko ang pintuan nang di siya nililingon. Sinarado ko kaagad iyon at hinintay kong makaupo siya sa driver’s seat. Inayos ko ang aking seatbelts habang nakatitig sa kanyang dumaan sa harap ko.

    Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ang tanging alam ko ay seryoso siya.

    Binuksan niya ang pintuan ng driver’s seat. Pumasok siya sa loob at pinaandar niya ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Ayaw ko ng ganoon. Although I’m feeling shitty, I don’t want it to surface.

    “I’m going to make another one. This time, para sa bahay naman. Masasarapan siguro si mommy at daddy. Do you have spare mangoes? I’m gonna make some…” ngumiti ako at nilingon siya.

    Tinigil niya ang makina at tumingin siya sa akin. His eyes were dark and brooding. Hindi talaga ako makatagal. I feel like I’ll lose myself if I stare too much at him.

    “I’m gonna put some baskets at the back then… Ilan ba ang kailangan mo?”
    Tumawa ako. “Basket? Ang dami naman. Konti lang kaya ang naubos ko kanina. Five mangoes will be fine…”

    Tumikhim siya at agad na lumabas ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong binuksan niya ang likod ng Wrangler.

    Isang basket ang nilagay niya doon.

    “Knoxx! Ang dami naman niyan…” sabi ko.
    “Just tell your mom pinadala ko.”

    Akala ko isang basket lang pero nakita kong kumuha pa siya ng isa. Tinanggal ko na ang aking seatbelts para makalabas.

    “Tama na!” Tumawa ako nang nakita ko ang pangatlo. Halos hindi na magkasya sa likod.
    “Pinuno ko lang…” aniya sabay sarado sa likod.

    Bumaling siya sa akin. Napawi ang ngiti ko. Humilig siya sa kanyang sasakyan. Hinawakan ko ang pintuan ng front seat. I don’t know why we’re staring at each other’s eyes but…

    “Bukas ko na kakainin ‘yong mango float. Para matikman mo rin ang gawa mo…” aniya.
    Ngumuso ako.
    “Anong oras ka dito bukas?”

    Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko malaman.

    Tumingin ako sa kanyang bahay. Naroon si Lumi sa loob naghihintay sa kanya. At mamaya pagkauwi ko at pagkabalik niya dito, magkikita silang dalawa. Bakit ganito? Bakit hindi maganda ang nararamdaman ko? Bakit ayaw ko? Bakit ang damot ko?

    “Pupunta ang mga classmates ko sa bahay bukas. If… makakapunta ako dito, baka mga dapit hapon pero hindi rin ako sigurado. Baka kasi magtagal din sila sa amin pag nalibang sila…”

    Tinapik niya ang likod ng kanyang Wrangler. Napatingin ako sa kanya.

    “Oh! Okay…” Ngumiti siya.

    Nilagpasan niya ako at umikot para mapunta sa driver’s seat. Hindi ko alam bakit parang tinutusok ng karayom ang aking dibdib.

    “Skype?” sabi ko.
    Tumango siya at binuhay muli ang makina. “Skype then…”

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    Paligsahan

    Maaga akong nagising nang nag Sabado. Naligo at nagbihis ako sa aking kwarto. Hindi pa nakakapag almusal ay inayos ko na ang itinerary nina Joaquin mamaya.

    Ang plano ko’y una naming gagawin ang kumain dito sa aming bahay. Sa dining room muna dahil may plano naman kaming mag picnic mamaya. Ang sunod ay mangabayo. Marami kaming kabayo kaya pasusubukan ko sa kanila ang mga iyon. Kapag marunong naman sila ay mangangabayo kami hanggang doon sa Rancho. Hindi rin naman kasi iyon kalayuan.

    Inayos ko ang denim longsleeve polo ko at bumaba na para tingnan kung maayos na ba ang pinahanda ko kay Manag Leticia.

    “Manang?” sigaw ko papuntang kusina.
    “Entice! Naku! Akala ko di ka na magigising! Lika na dito…” ani manang.

    Pagkapasok ko sa kitchen ay bumungad kaagad sa aking paningin si Knoxx. Nagsasalin siya ng juice sa baso at binalik ang pitsel sa ref. Sa sobrang gulat ko ay natigil ako sa paglapit sa mesa kung nasaan ang mga basket na dadalhin para sa picnic.

    “K-Knoxx?” dinig na dinig ko ang gulat sa sarili kong boses.
    “Good morning!” aniya at nilapag ang baso sa lababo.

    Bumaling si Manang Leticia kay Knoxx, pagkatapos sa akin. Anong ginagawa niya dito?

    “Good morning…” nag aalinlangan kong sinabi.
    “Pinatawag siya ng daddy mo sa rancho kasi may titingnan sila. Nagkasakit kasi ‘yong ibang mga baka…”

    Dahan dahan akong tumango. Tumikhim si Knoxx at unti unting lumapit kay Manang. Nilingon siya ng matanda.

    “May maitutulong po ba ako dito, Manang?” tanong ni Knoxx.
    Umiling si Manang at ngumiti. “Naku, salamat hijo pero tapos na ito. Ang bait mo talaga… O, Entice! Ano na? Tingnan mo ‘to!” biglang nag iba ang tono niya nang banggitin niya ako.

    Unti unti akong lumapit sa mesa para makita ang mga basket. Nakita kong kumpleto naman iyon kasama ang mga banig na gusto ko.

    “Ayos na ‘yan, Manang. O siya… tulungan mo na lang ako na ilagay ito sa gilid nang ma ayos ko na ang pagkain ng mga kaklase mo doon sa dining room!”
    “Ako na, Manang…” ani Knoxx sabay kuha sa dalawang basket at nilapag kaagad sa mesang nasa gilid.

    Manghang mangha parin ako na nandito siya. Buong akala ko hindi kami magkikita ngayong araw pero heto siya, pambungad sa umaga ko.

    “Entice, pumunta ka na doon sa sasakyan ninyo at kanina pa naghihintay si Rene…”

    “S-Sige po…” sabi ko habang nagkakatitigan kami ni Knoxx.

    Mabilis ko siyang tinalikuran. Nanlamig ang tiyan ko, hindi ko alam kung bakit. I should really be happy for seeing him but… Tuwing naiisip ko na magkasama sila ni Lumi buong gabi. Saan kaya natutulog si Lumi? Pinapatulog niya ako sa kwarto niya kaya malamang pati si Lumi ay umaabot doon, hindi ba?

    Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa sasakyan. Nilingon ako ni Manong Rene.

    “Saan tayo, Entice?” tanong niya.
    “Sa may simbahan po. Doon ko pinaghintay ang mga kaibigan ko.”

    Pagkatapos kong sabihin iyon ay aktong pag tunog ng aking cellphone. Tumatawag na si Joaquin. Siguro ay kumpleto na sila doon.

    “Hello?” salubong ko.
    “Good morning, Entice. Gising ka na ba?” Humalakhak siya.
    “O-Oo. Papunta na ako sa simbahan. Kumusta? Kumpleto na kayo?”
    “Oo. Akala ko di ka pa nagigising. Di ka pa kasi nag titext. Nandito na kami.”

    Lumipat ako sa front seat nang nakarating na kami sa simbahan. Buti na lang at nagkasya naman kaming lahat sa sasakyan.

    Maingay sila sa loob. Halatang excited ang lahat. Nakasama din kasi ang lahat at kanina pa ako tinatanong kung anu-ano ang plano ko.

    “Kakain muna tayo sa amin, pagkatapos ay mangangabayo tayo!”
    “Sige! Marunong akong mangabayo!” ani Bob.
    “Ako rin!” tumawa si Heather.
    “Marunong ka, ‘di ba, Joaquin?” ani Drixie sabay ngisi.
    “Hindi masyado. Etong si Bob at Henry ang marunong…”
    “Sayang at maraming hindi marunong. Hindi tuloy natin magagamit ag mga kabayo patungong rancho,” sabi ko.
    “Hala, hindi ako marunong, Entice…” mahinhing sinabi ni Ayana.
    “Tuturuan ko kaya…” sabi ko.

    Mas dumami ang pinag usapan nila tungkol sa kabayo. Nanahimik na lang ako.

    “Wow!” sabay sabay nilang nasabi ito nang bumukas ang gate ng aming mansyon.

    “Iyan ‘yong coat of arms ng dela Merced sa aming gate… Medyo malayo pa patungo sa mansyon…” sabi ko.

    Pinasadahan ko ng tingin ang mga puno at burol na nakapaligid.

    “Madalas kang nangangabayo dito?” tanong ni Joaquin.
    “Oo. Pero mas madalas sa labas ng lupain namin…” sabi ko.

    “Wow! Ayan na!” anila nang nakita na ang aming mansyon.

    Tinikom ko ang bibig ko nang nakita ko si Knoxx malapit sa kabalyerisa. Nag aayos siya ng tali ng kabayo at diretsong nakatingin sa sasakyan.

    Tumigil ang aming sasakyan sa tapat mismo ng mansyon. Lumabas kaagad kami doon. Dumiretso ako sa hagdanan at nakita kong naroon si mommy at lola, naghihintay at parehong ngiting ngiti.

    “Ilan sila lahat, Entice?” tanong ni mommy.
    “Walo po. Eto nga po pala si Joaquin…” sabi ko sabay lahad kay Joaquin.
    Tumango si Lola. “Cuevas, hindi ba?”
    “Opo…” sagot ni Joaquin.
    “Eto naman si Bob, Ben, at Henry…”

    Binati sila ni mommy at lola.

    “Eto naman si Heather, Susie, Drixie, at Ayana.”
    Ngumiti si lola sa mga babae. “O, tuloy kayo sa aming bahay. May hinanda kaming pagkain sa inyo…”

    Sobrang tahimik nila nang tumuloy sila sa aming bahay. Ang bawat hakbang ay tipid kaya napapangiti ako. Sumusunod si Joaquin sa akin at ang iba naman ay sumusunod rin sa kanya.

    Napapatingala sila sa mga paintings ng mga ninuno ko. Nasa dingding kasi ang mga ito sa sala.

    “Eto ‘yong mga great great grandfathers ko. ‘Tsaka ‘yong mga lola ko rin. At etong latest ay si Lolo ko. Iyong asawa ni Lola…” Ngumisi ako.

    Tumigil silang lahat sa tapat ng painting ng lolo ko.

    “Ito ‘yong gobernador ng buong lalawigan, hindi ba?” tanong ni Joaquin.
    “Oo. Pero pinatay siya sa ambush kaya…” nagkibit ako ng balikat. “That incident was the main reason why me and Hector were sent to the States.”

    Sabay sabay silang tumango.

    “Politics is really dirty…” ani Ayana.
    “Ano Joaquin, ang sabi hindi ba ay tatakbo si Don bilang gobernador? Bibitiwan niya na ang pagiging mayor?” tanong ni Heather kay Joaquin.
    Ngumiwi siya. “Wala akong alam sa politika. Hindi ko alam.”
    “Asus! Ito talaga. Close ang mga Cuevas sa Revamonte kaya ‘di ba dapat alam mo?” nanliit ang mga mata ni Heather.
    I interrupted them. “Sa dining room na tayo para makakain!”

    Giniya ko sila sa dining room kung saan sabay sabay ulit silang nagsinghapan. Hindi ko alam kung dahil ba sa mahabang lamesa o sa malaking painting sa gilid.

    “Grabe! ‘Yong dining table namin nasa tapat lang ng TV, Entice, ang inyo may separate room!” humalakhak si Drixie.

    Tumawa na lamang ako. Niyaya ko na silang kumain. Maraming ulam ang hinanda ni Manang Leticia. Mabuti na nga lang at napigilan ko sila at kung hindi ay magpapalechon ang mga iyon. That’s too much. Iilan lang naman kami unless kung inimbitahan ko ang buong section. I don’t want to flaunt abundance too much. Hindi na iyon kailangan.

    “Ah! Busog na busog ako!” ani Drixie pagkatapos kumain.
    “Hindi ako masyadong kumain dahil baka mamaya sumakit ang tiyan ko pag nangangabayo…”

    Nag pahinga kami saglit sa sala. Panay ang tingin nila sa mga paintings at picture frames sa paligid.

    “Nasaan si Hector at Chesca, Entice?” tanong nila.
    “Nag ha honeymoon, e.”
    “Ang ganda ganda ng wedding nila, grabe! Parang diwata si Chesca,” wika ni Bob. “Crush na crush ko ‘yon.”
    “Maarte nga lang. Si Hector ang bait!” ani Susie sabay ngisi.

    Ngumiti na lang ako sa kanila. Chineck ko ang labas at laking pasasalamat ko na hindi naman sobrang init ang araw na ito.

    Pagkatapos magpahinga ay nag desisyon na kaming lumabas para mangabayo. Sa kabalyerisa, wala na si Knoxx. Hindi ko alam kung bakit nawala ang pangamba ko nang nakitang wala na siya doon.

    Binigyan ko ang mga lalaki ng tag iisang kabayo. Tumanggi noong una si Joaquin dahil hindi raw siya marunong ngunit nang sinubukan niya nang sumampa ay mabilis rin namang natuto.

    “Huwag ka na lang magpatakbo ng mabilis, Joaquin. Huwag mong gayahin si Henry…” sabi ko.

    Tumawa siya. “Oo na… Hindi ako marunong magpatakbo, anyway.”

    Ngumisi ako at bumaba kay Abaddon. Sinundan ako ng tingin ni Joaquin. Ang mga babaeng si Susie, Drixie at Ayana ay nanatiling nakatingin sa mga kaibigan naming nag eenjoy na mangabayo. Panay ang picture nila.

    “Pwedeng pasampa lang?” ani Drixie at tinulungan sila ni Pedro.

    Hinawakan ko ang tali sa kabayo ni Joaquin at bahagyang hinila para makagalaw. Humagalpak si Joaquin.

    “First time mo ba ito?” tanong ko sa kanya.
    “Hindi pero hindi talaga ako marunong. Teka lang… subukan ko. Bitiwan mo ang tali…” aniya.
    “Bend a little, Joaquin…” sabi ko nang nakita ang stance niya.

    Sinunod niya ang sinabi ko at nag concentrate sa kung saan pupunta. Tinapik ko ang likod ng kabayo para tumakbo ng kaonti at naibalanse naman ni Joaquin ang kanyang sarili.

    Pumalakpak ako. “Ang galing!” sabi ko.
    “Yes!” sigaw ni Joaquin.
    “Wow! Ang galing ni Joaquin!” ani Drixie.

    Nakipag high five si Joaquin sa mga boys at maging kay Heather. Sumampa ulit ako kay Abaddon at pinatakbo siya patungo sa kanila para i congratulate si Joaquin. Nang nakalapit ako ay siya namang pagkakakita ko sa dalawang palapit na kabayo. It was Koko… and Knoxx.

    Nangingiti si Koko palapit sa amin at si Knoxx naman ay mukhang bad trip. Napalunok ako. I feel weird… Damn!

    “Koko!” tawag ni Joaquin.
    “Uy! Magkaklase pala kayo ni Entice…” ani Koko sabay tingin sa akin.
    “Oo, e.”
    “O, Koko… Napabalik kayo?” tanong ko sabay lipat ng mata kay Knoxx.

    Tumaas ang kilay ni Knoxx at kitang kita ko ang paghinga niya ng malalim.

    “Pinakuha sa amin ng daddy mo iyong mga basket para sa picnic ninyo. Maglalakad lang kayo patungong rancho, hindi ba?” tanong ni Koko.
    “Oo… Naku, salamat!” Lumipat ulit ang mata ko kay Knoxx.
    “Walang anuman.” Ngumiti si Koko sa akin.
    Lumapit si Joaquin sa akin. “Kaya ko namang dalhin ang mga iyon pero mas maganda nga naman kung nakakabayo, kaya salamat.”

    Nagkatinginan kami ni Joaquin. Tumikhim si Koko.

    “Siya… sige, didiretso na kami sa inyo para makuha ang mga basket…” ani Koko.
    “Sige…”

    Tahimik parin si Knoxx. Sumunod lamang siya kay Koko. Ngumuso ako. Kung hindi pa sinabi ni Heather na kilala niya si Knoxx ay maaaring nanatili akong nakatitig sa likod nila.

    Binalik na namin ang mga kabayo at magsisimula na kaming maglakad. Panay ang hyperventilate ni Drixie at Susie dahil kilala pala nila si Koko at Knoxx. Gwapong gwapo daw sila kay Knoxx Montefalco. Nanahimik na lang ako.

    “He’s a varsity player, noon pa. Lagi akong napapadpad sa ACC noon para manood sa game ni Hector at ni Knoxx, Entice! Naku!” sabay hagalpak ni Drixie ng tawa.
    “Ako rin! Kaming dalawa ni Drixie noon.”

    Ngumisi lamang ako. Kumuha ako ng tuyong kahoy para may libangan ako habang naglalakad. Panay ang tawanan ng mga boys tungkol sa kung saan at ang mga girls ay kina Koko at Knoxx nag rerevolve ang topic.

    Nang narinig ko na ang mga yabag ng kabayo ay nilingon ko na ang likod namin. Andyan na sina Knoxx at Koko.

    Lumiit ang boses ni Drixie.

    “Pero hindi ba may girlfriend na si Knoxx?” aniya.
    “Hindi pa niya girlfriend ‘yon…” ani Heather. “Kaibigan lang, ang alam ko. Kaklase sila sa ACC noon.”
    “Si Lumiere, hindi ba?” singit ni Susie.
    “Shh! Andito na sina Knoxx…” ani Drixie.

    Tumigil kami sa paglalakad at nilingon ang dalawang sakay sa kabayo. Nagtawanan ang boys sa kung anong topic. Ikinagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Joaquin. Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga.

    “Pahiram ng kabayo mamaya, ha? Makikipag racing pa yata itong si Henry. Ang yabang talaga…” humalakhak siya.
    Nilingon ko kaagad si Joaquin. “Huy! Hindi ka pa nga marunong.”
    Umiling siya. “Hindi… pakiramdam ko marunong na ako.”

    Nabaling na sa kanya ang buong atensyon ko. Seryosong hindi pa siya marunong!

    Tumikhim si Knoxx dahilan kung bakit ako napalingon sa kanila ni Koko. Tumigil sila sa gilid namin. Pareho nilang dala ang mga pagkain namin. Uminit ang pisngi ko nang nakita ko ang intensidad ng kanyang malalalim na mga mata.

    “Aabutin kayo ng gabi kapag ganito kabagal ang paglalakad ninyo…” masungit niyang sinabi.

    Humalakhak at nagsinghapan ang mga girls. Tipid akong ngumiti at magsasalita na sana kung hindi lang ako naunahan ni Joaquin.

    “Koko, pahiram nga ng kabayo. Itong si Henry oh, ang yabang. Race daw kami patungong rancho…”
    “Joaquin!” sigaw ko para pigilan siya.

    Kitang kita ko ang kayabangan sa ekspresyon ni Joaquin nang tumingin siya sa akin. Bumaling ako kay Knoxx at kitang kita ko rin ang pagtaas ng kilay niya. Tila ba may nagawa akong masama.

    “Sabi ko hindi ka pa marunong!” nilingon ko ulit si Joaquin. Now, I’m freaking out.
    “Marunong na ako. Tinuruan mo ako kanina!”

    Bumaba si Koko sa kabayo at humagalpak ng tawa.

    “Sige nga. Paligsahan kayo. Ang unang makarating sa rancho, siya ang panalo…”
    “Hindi pa nga daw marunong si Joaquin, Koko…” ani Henry.
    “Damn you! I know how to ride, Henry…” iritado ngunit pabirong sinabi ni Joaquin.
    “Koko! Huwag mong pahiramin!” sabi ko.

    Bumaling ulit ako kay Knoxx. Baka siya ang makakasalba sa dalawa. Nanatili ang titig ni Knoxx sa akin at mabilis siyang bumaba sa kabayo. Damn!

    “Sige. Patunayan mong magaling ka…” aniya kay Joaquin.

    Pumalakpak ang girls at tumawa si Ben at Bob sa likod. Nasapo ko na lang ang noo ko.

    “Sige na nga, Joaquin!” tumawa si Henry.

    Kinuha ni Henry ang tali ng kabayo ni Knoxx. Sumampa naman si Joaquin sa kabayo ni Koko. Nilingon ko si Knoxx. Bakit niya hinayaan ang dalawang ito sa kayabangan nila?

    “Sige, ako ang magsasabi ha?” ani Koko.

    Isa pa itong si Koko na mukhang walang gustong gawin kundi ang ientertain ang sarili.

    “Joaquin, please stop it! Magaling ka na, oo na! Sige na!” sabi ko in frustration.
    “En, chill. I can do this…” tumawa si Joaquin.

    Tumikhim si Knoxx sa gilid ko. Bumaling ako sa kanya, ngayon matalim na ang mga mata ko.

    “Manliligaw mo ba ‘yan?” tanong niya.
    “Hindi…” mahina ang boses ko.

    Tumingin siya kay Joaquin at nagtaas ulit ng kilay.

    “Why so concerned? You like him?”

    Matalim ang titig ko kay Knoxx. Damn it! Hindi ba niya alam na siya ang gusto ko? Is he blind or something?

    “Hindi nga siya marunong…” sabi ko.
    “Start the race, Koko!” ani Knoxx.

    Holy crap!

    “Koko!” sigaw ko.
    “Ready!” sigaw naman ni Koko, binabalewala ako.

    Nilingon ko si Knoxx. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi man lang niya ba talaga pipigilan?

    “He’s why you can’t visit me today, huh?” dinig ko ang iritasyon sa kanyang boses.

    Kinagat ko ang labi ko. Bakit ganito? Kahit galit ako sa pag eencourage niya sa nangyari ay para akong hindi makahinga sa hindi mapangalanang feeling.

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    Dead Tired

    Mabilis ang patakbo ng mga kabayo. Tinatanaw lang namin at iyon habang naglalakad kami. Panay ang tilian ng mga girls at nagtawanan naman sina Ben at Bob.

    Kitang kita ko ang kamalian sa pustura ni Joaquin. I am so damn worried. Pakiramdam ko ay mahuhulog siya, anytime. Lalo na’t hindi tama ang ginagawa niyang pagsakay.

    Nauna si Henry. Magaling na ito at mukhang palaging sumasakay ng kabayo. Hindi ko alam kung paano naasar itong si Joaquin at bakit siya kumagat. Panigurado namang alam niya na magaling si Henry sa pangangabayo.

    “Joaquin!” malakas kong sigaw nang nakitang tumagilid siya pero mas bumilis ng takbo ang kabayo.

    Tumakbo kaagad ako. Sa kalagitnaan ng takbo ay nahulog si Joaquin sa kabayo at umikot siya sa damuhan.

    “Joaquin!” sigaw ni Drixie at Heather.

    Mabilis na ang takbo ko, ganoon din ang kalabog ng puso ko. Nagtakbuhan din ang mga kaibigan ko, panay ang tawag kay Joaquin.

    Hinabol ni Henry ang kabayo naming nauna na.

    Nang nakalapit ako kay Joaquin ay agad ko siyang dinaluhan. Nakangiwi siya habang iniinda ang sakit sa likod at braso. Putikan ang damit niya at pawis na pawis ang kanyang noo.

    “Joaquin!” sabay hawak ko sa kanyang braso.

    May gasgas ang kanyang braso. Kaonti lang pero dumudugo at pulang pula iyon.

    “Oh my God!” sabi ko.
    Tumawa lamang siya. “Ayos lang ako!”

    Sinubukan niyang umupo. Inalalayan ko siya. Ayos lang? Ako ang mananagot pag may nangyaring masama.

    “Akin na ang kabayo…” narinig ko ang boses ni Knoxx sa malayo.

    Hinihingal ang mga kaklase namin nang nakarating sila sa amin. Dinumog kaagad si Joaquin ng girls. Naglahad naman ng kamay si Henry sa kanya.

    “Ayos ka lang, pare?” tanong ni Henry.

    Tinanggap ni Joaquin ang kamay ni Henry. Tumayo siya ngunit paika ika ang kanyang paglalakad.

    Hindi na ako makangiti kahit na tawanan lang ang ginawa ng mga boys. Ang mga girls ay halos hindi mapakali sa nangyari. Nagkatinginan si Heather at Drixie.

    “Dumudugo ang braso mo,” ani Drixie.
    “Oo. Ayos lang ‘to…” ani Joaquin kahit na dumudugo na ang kanyang braso.
    “Entice, may first aid sa basket na pinadala ni Manang,” sabi ni Koko.

    Mabilis akong lumapit kay Koko para kunin sa basket iyong kit. Nilapag nila ni Knoxx ang dalawang basket sa ilalim ng puno ng Acacia. Mabuti na lang at binuksan ni Heather ang isang basket at nag presintang siya na ang mag ayos ng banig.

    “Hindi pala marunong, bakit pa kasi nakipagpaligsahan…” ani Knoxx habang tintali ang kanyang kabayong mabilis tumakbo kanina.

    Sinipat ko siya. I can’t believe he can actually say that! Tumingin din siya sa akin. At nang nakita niya ang matalim na titig ko ay lumapit siya.

    Umupo si Joaquin sa banig na nilapag ni Heather.

    “Entice, ako na ang bahala dito sa mga pagkain. Gamutin mo na lang muna si Joaquin…” ani Ayana.
    “Ayos ka lang, pare?” tanong ni Bob.

    Tumabi siya kay Joaquin. Tiningnan ni Joaquin ang kanyang braso. Nag squat din ako sa harap niya para makita ng maayos ang sugat.

    “Ayos lang. Galos lang…” aniya.
    “Gamutin ko na…” sabi ko at kumuha ng bulak at betadine.

    Tiningnang muli ni Joaquin ang kanyag braso. Hindi ko alam kung pagagalitan ko ba si Joaquin sa pagiging mayabang o ano.

    “Akin na…” sabi ko.
    “Galit ka?” natatawang tanong ni Joaquin.

    Parang sugat na binudburan ng asin ang pagtitimpi ko. Obviously, what he did didn’t make me happy at all.

    “You are guests and this is their land. She thinks she’s responsible for your recklessness,” baritonong boses ni Knoxx ang nagsalita galing sa likod.

    Nagtiim bagang na lamang ako. Alam niya pala, pinahiram niya parin ng kabayo.

    “I’m sorry…” wika ni Joaquin.

    Nilagyan ko ng betadine ang kapirasong bulak na kinuha at nilagyan ng betadine. Idiniin ko iyon ng dahan dahan sa sugat ni Joaquin.

    “Malalim ba?” tanong ni Susie na umupo sa tabi ni Joaquin.
    “Hindi naman masyado, ‘di ba?” tanong ni Henry na yumuko para makita ang ginagawa ko.
    “Hindi naman…” ani Joaquin sa marahang boses.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Narinig ko ang mga yapak ni Knoxx palayo. Nilingon ko siya at natanaw ko na lamang ang kanyang likod. Pabalik siya sa kabayo.

    Hinanap ko si Koko at nakita kong tumutulong siya kay Ayana at Drixie sa pag aayos ng pangatlong banig.

    “Koko, tara na…” iritadong sigaw ni Knoxx.

    Kinalas niya ang lubid na nakatali sa punong sinisilungan namin para makawala ang kanyang kabayo. Bumaling ako kay Joaquin at nakita kong nakatuon ang mga mata niya sa akin.

    “Susie…” sambit ko. “Pwede ikaw na lang muna ang gumamot?”
    “O-O sige…” kitang kita ko ang pag init ng pisngi ni Susie.
    “Oh… Bakit?” tanong ni Joaquin pero di ko na siya sinagot.

    Tumayo na ako at nagmartsa patungo kay Knoxx. Alam kong may sadya sila ni Koko dito sa rancho. Pinatawag sila ni daddy. But then dad also told them to help us out, bakit babalik na sila kaagad?

    “Teka lang, Knoxx…” humalakhak si Koko, mukhang aliw pa kasama ang mga babae.

    Bumaling si Knoxx sa akin at kitang kita ko ang bahagyang pagkagulat niya nang nakita akong nakatayo sa harap niya.

    “Aalis na kayo?” seryosong tono ko.

    He looked away and sighed. “Oo. Bakit?”

    Naglakad siya, umikot sa kabayo. Para bang gusto niya akong iwasan. Sinundan ko siya.

    “Bakit? May manganganak na namang baka? Tinawag na kayo ni daddy?”

    Binalingan ko ang barn house na di kalayuan sa amin. Napapaligiran na kasi kami ng kapatagan na kinukulong lamang ng puting bakod para hindi makalabas ang mga baka, kambing, at iba pang mga hayop sa aming rancho.

    “What am I gonna do here anyway?” Hindi siya makatingin sa akin. “Watch you pet the boy?”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ayaw kong mag isip ng kahit ano doon ngunit hindi ko maiwasan. Lalo na’t hindi siya lubusang makatingin sa akin.

    “Like what you said, he’s my responsibility. Kasalanan ko kapag may nangyaring masama kaya inaayos ko ang sugat niya…” marahan ngunit may diin kong sinabi.

    Tuluyan niya na akong tiningnan. His eyes were full of unexplained fury. Umigting lamang ang kanyang bagang. Hinihintay kong magsalita siya pero wala siyang sinabi.

    “‘Tsaka, ikaw rin naman… Binigay mo sa kanya ang kabayo mo.”
    Ngumisi siya. It was full of sarcasm. “Well, I didn’t know he can’t ride a horse. I didn’t know it was all a bull.”
    “Kaya nga ayaw ko sanang mangyari iyong paligsahan. Hindi siya marunong, Knoxx…”

    Bumaling siya sa akin. Tumindig ang balahibo ko dahil sa kanyang mga titig. His eyes were cold and intense. Sumampa siya sa kabayo.

    Para akong nanonood ng isang show na pinagbibidahan ng isa sa mga dios sa Mount Olympus. Tinikom ko ang bibig ko. Ayaw ko nang nakikita niya ang sobra sobra kong pagkamangha.

    “Babalikan kita dito. Let the other girl tend his wounds…”

    Tumalikod ang kabayo sa akin at kumabig na ito palayo. Kinagat ko ang labi ko. Nanatili ang mga mata ko kay Knoxx. Kung hindi lang ako tinawag ni Koko ay kanina pa ako tumalon at nagtitili.

    “En! Alis na kami! Sa rancho lang! Lapit lang tayo!” Ngisi ni Koko.
    Tumango ako at kinawayan siya. Mas malaki ang naibigay kong ngiti kesa sa dapat kong ipinakita.

    Nakaplaster ang ngiti sa aking mukha nang bumalik ako sa puno ng Acacia. Kumpleto na ang mga banig at nakalatag na rin ang mga pagkain.

    “Entice, kumain na tayo! Ginutom ako sa paglalakad, e,” hagikhik ni Drixie.
    “Oo! Sige…”

    Umupo ako sa banig kung nasaan si Joaquin. Patapos na ang paggamot ni Susie sa mga sugat kaya hindi ko na rin inabalang tingnan.

    Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Knoxx. But it seems like he’s jealous or something. Hindi naman kaya nag iilusyon lang ako? Ayaw kong mag ilusyon pero pinagbigyan ko ang sarili ko ngayon.

    Sumagi sa isip ko ang pagtulog ni Lumiere sa bahay nina Knoxx pero pilit ko iyong binura. Just this once, let me have my fair share of happiness. So what if they have something in between them? At least at the end of all these, I know that Knoxx made me so happy once. Damn it! Happy dahil nagseselos? I must be out of my damn mind!

    “Okay ka lang?” tanong ni Joaquin.

    Napatingin ako sa kanya. Nakakunot na ang kanyang noo. Tila ba kanina pa ako tinititigan. Hiyang hiya tuloy ako. Pakiramdam ko habang nag iisip ako, pulang pula ang pisngi ko at nanatili ang ngiti sa aking labi.

    “Okay lang…” nangiti parin ako.
    “Anong pinag usapan ninyo noong Montefalco?”
    Hindi ako makatingin kay Joaquin. “Wala… tinanong ko lang kung nanganak na ba iyong mga baka…”
    “O… nanganak na ba?”
    Nagkibit ako ng balikat. “Titingnan niya.”

    Kumuha ako ng juice at nagsalin sa plastic cups na dala namin. Binigyan ko si Joaquin ng isa kaya natigil siya sa pagtatanong.

    Napabuntong hininga ako doon. Hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko kung sakaling dumami pa lalo ang tanong niya.

    Pinagsilbihan ko ang mga kaibigan ko. Mabuti na lang at medyo sanay din sila sa picnic kaya sila na mismo ang nag aayos ng pagkain. Sa mga kubyertos at juice ako tumulong. Nang naupo ulit ako sa tabi ni Joaquin ay binuksan niya ulit ang topic.

    “Ilang taon na nga iyong si Knoxx Montefalco?” tanong niya.
    Tumikhim ako. “Twenty two. Why?”
    “Lagi ba iyong nandito sa rancho ninyo?”

    Damn it! Why is he asking me?

    “Hindi. Ngayon lang yata nga iyon nakadalaw ulit pagkatapos ng isang linggo…” hindi ako makatingin.
    “Hindi ba ay nililigawan noon si Lumiere?” tanong ni Susie.

    Nililigawan? Hindi ko alam iyon. I prepared myself for this but I still can’t help but be shocked.

    “I don’t know. Why don’t you ask him, Susie?”
    “Ikaw dapat ang nakakaalam niyan, hindi ba, Joaquin?” Nanliit ang mga mata ni Susie.
    “Wala akong alam tungkol diyan. Besides, she’s not really close to the Revamontes. Kahit na magkaapelyido. Hindi siya kinilala ng gobernador bilang anak noong una, Susie. Kaya malay ko…”

    Nanlaki ang mga mata ko. Si Lumiere ay anak ng gobernador?

    “Gobernador?” tanong ko. “Revamonte si Lumiere? “
    “Oo! Anak sa labas, actually. Kaya hindi kinikilala ng pamilya. ‘Yan din ang dahilan kung bakit siya mahirap. Hindi angat ang pamilya ng nanay ni Lumi… kapag napangasawa niya si Knoxx Montefalco, tiyak aangat ‘yan ng husto!” ani Susie.
    “Nililigawan ni Knoxx si Lumi?” tanong ko para maliwanagan. Is it really true?
    Tumango si Susie. “Matagal na rin, hindi ba? Tanungin mo si Knoxx, baka sagutin ka niya ng maayos. Lagi iyang magkasama. Paano, magkaklase kasi iyan sa ACC noon.”

    Parang pumutok ang bulang nakapaligid sa akin. Nakatakas ang kasiyahan at wala nang natira kundi ang pagkabagabag.

    “Oy! Ano iyang pinag tsitsismisan ninyo?” Pabagsak na umupo si Drixie sa tabi ko. Muntik na akong mahiga sa sobrang pagkabigla.

    Umusog ako ng kaonti. Naputol din ang linya ng pag iisip ko.

    “What’s next? Bisitahin natin ang mga hayop?”

    Muntik ko nang nakalimutan na nandito nga pala ako para libangin sila. Tumayo ako at pilit na iniwan ang mga naiisip.

    “Tara! Ipapakita ko kayo sa rancho…” nawala ang sigla ko.

    Tumayo sila at naging excited. Tuloy tuloy naman ang lakad ko. Talaga bang pagkatapos ng saya ay lungkot kaagad? Laging may kapalit.

    “Dito ang mga kambing…” sabi ko sabay turo sa bakuran kung saan malayang nakakatakbo ang mga kambing.
    “Ilan ang kambing n’yo?” natatawang tanong nila.
    “Hindi ko alam, e,”

    Nagtawanan na lang sila. Pilit kong sumali sa tawanan. I can’t be moved by just one news. Anyway, wala namang masamang ginawa si Knoxx. Gusto ko lang talaga siya kaya ako nagkakaganito.

    “Dito ang mga baka…”

    Marami pa akong pinakita sa kanila. They even saw some of our men in action. Kapag walang ginagawa ay madalas nag ro-rodeo ang mga tauhan ni daddy bilang katuwaan.

    Pumalakpak sila habang tinitingnan na sumasakay ang mga tauhan sa baka. Nakapangalumbaba ako. Ang ayaw ko ay iyong tinatali ang mga baka. Kaya hindi ako nakakatagal sa rancho dahil sa mga ganitong tanawin.

    Ilang oras kaming nanatili doon. Tuwang tuwa sila kaya hindi ko na inistorbo. Papalubog na ang araw nang tinabihan ako ni Joaquin.

    “Kaya mo ba ‘yan?” tanong niya.
    “Bull riding?” tanong ko, wala sa sarili. “Hindi ko na alam. Bago kami umalis ni Hector para sa ibang bansa, nagawa na namin ‘yan. I’m not sure now, though. Maybe. But I’m not allowed, anyway…”

    “Daddy mo, Entice!” sabi ni Heather kaya napalingon ako sa barn.

    Nakita kong lumabas si daddy kasama si Knoxx at Koko. Sa likod nila ay mga tauhan ng rancho. Nag uusap si daddy at Knoxx pero kitang kita ko na nasa direksyon namin ang mga mata niya.

    Nanliligaw ka pala, tumitingin ka pa sa iba. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kung pwede lang sana talikuran na rin pero nandyan si daddy.

    “Lika ‘yo, pakilala ko kayo sa daddy ko…”

    Sumunod sila sa akin. Binuksan ko ang gate ng bakuran para makapasok kami. Napatingin si daddy sa amin at ngumiti siya nang nakita ako.

    Tipid akong ngumiti at sinalubong siya. Nilingon ko ang mga kaibigan ko.

    “Dad, eto ang mga kaibigan ko. This is Heather, Drixie, Susie, Ayana, Bob, Ben, Henry, and Joaquin…”
    Tumango si daddy. “Nice meeting you all! Nag enjoy ba kayo dito sa rancho! Kumain na ba kayo?” masayang tanong ni daddy.
    “Opo! Maraming salamat po!” sabay sabay pa sila.
    “O, dito na kayo sa bahay matulog. Pinayagan ba kayo ng mga magulang ninyo?”
    “Ay hindi na po…” tawa ni Heather. “Nakakahiya naman po ‘tsaka ‘yong paalam namin, hindi overnight…”
    “Ah! Ganoon ba, sayang naman,” ngiti ni daddy.
    “Dad, babalik na kayo sa mansyon?” tanong ko.
    “Hindi pa? May aasikasuhin pa ako sa kabila. Babalik na kayo?”
    “Oo. Nag text na rin si mommy na handa na ang hapunan namin.”
    “Kung ganoon…” Bumaling si daddy kay Knoxx. “Ikaw na ang bahala sa anak ko.”

    Nagtaas ng kilay si Knoxx. Hindi na siya umimik. Tila ba, hindi na kailangan.

    “I’ll get my horse…”

    Hindi ko napigilan ang pag irap. Maglalakad lang kami ng mga kaibigan ko.

    “Koko… Samahan mo na si Knoxx..”
    “Naku! Ikinalulugod ko po…” sabay tawa ni Koko.
    “Maglalakad lang kami ng mga kaibigan ko, dad. Hindi kami nagdala ng kabayo.”
    “Kung ganoon…” tumingin si daddy kay Knoxx.
    “Hindi naman ako ang sasakay sa kabayo. Si Entice naman po. She looks dead tired,” he smiled freaking seductively. Halos tumakbo ang mga mata ko palayo.
    Tumawa si daddy. “Sige…”

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    Camera

    Hindi ako sumakay sa kabayo kahit na anong panunuya at panunukso ang ginawa ni Knoxx at Koko sa akin. I pretended to be busy chatting with Ayana and Heather para hindi na nila ako guluhin. Nasa likod namin sila, sumusunod at nagtatawanan.

    “Hinahanap ka na sa inyo?” tanong ni Heather nang nakatingin na si Ayana sa cellphone.
    Umiling siya at tipid na ngumiti. “Hindi…”
    “Naku! Sana hindi ka pa hinahanap, Ayana. Kakain pa tayo sa bahay…” sabi ko.
    “Alam naman ni daddy na sa iyo ako, Entice kaya hindi na iyon mangangamba…” aniya.
    Tumango ako. Bahagyang wala sa sarili dahil naririnig ko sa likod ang hagikhikan ni Knoxx at Koko. Boys! Damn it!

    Pagkarating namin sa bahay ay handa na ang long table kung nasaan mas marami ang pagkain. Tuwang tuwa si mommy at lola sa pagdating namin na agad nila kaming pinadiretso sa lamesa.

    “Naku! Sana pwedeng lagi kami dito!” ani Drixie.
    Nginitian siya ni Lola. “Bakit hindi?”
    “Talaga po?” Nilingon ako ni Drixie.

    Ngumiti lamang ako. Umupo kami at nagsimula ng kumain. Maraming putahe pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ako nagugutom.

    Hindi pa pumapasok si Knoxx at Koko sa bahay. Nanatili sila sa kabalyerisa kanina nang pumasok kami. Hindi rin ako nagtanong kay mommy o lola kung papasok ba sila at sasabay sa pagkain namin.

    “O? Kaonti lang ‘yang nasa plato mo…” puna ni Joaquin.

    Halos hindi ko nga iyon magalaw. I’m really not hungry. Siguro ay masyadong naparami ang kain ko kanina sa picnic.

    “Busog pa ako…” sabi ko.

    Si lola ay nasa kabilang dulo ng mesa, sumabay sa pagkain namin habang si mommy ay abala sa pag rerefill ng mga pagkain.

    “Sabay na po kayo, tita…” ani Drixie kay mommy.
    “Mamaya na ako. Entice, sina Knoxx at Koko nasa kusina. Hindi ba sumama ang daddy mo?”

    Muntik na ako nabilaukan sa sinabi ni mommy. Kumunot ang noo niya sa akin.

    “Hindi pa iyon naghahapunan,” dagdag niya.
    “Papunta na rin iyon dito. May tiningnan lang sa kabilang barn house, mom…”

    Tumango si mommy at binalingan ulit ang mga kaibigan ko. Lola filled them with stories about my childhood while we were eating. Interisado rin sila kay Hector kaya sinali pa iyon ni lola.

    “Makulit na bata pala talaga si Entice…” tumawa si Joaquin pagkatapos ng kwento ni Lola tungkol sa pagpipilit ko kay Hector na pumuntang Tinago.

    Hector was my bitch when we were young. It was so easy to manipulate him. Later on, they all realized it. Kaya naman mas dinidisiplina ako ni daddy kumpara sa kanya.

    Kung hindi lang tumawag ang daddy ni Ayana ay baka maabutan kami ng siyam siyam sa mga kwento ni Lola. I thanked God that his dad called her. Baka pa malaman nila lahat lahat ng tungkol sa akin.

    “Inutusan ko si Mang Rene sa bayan kasama ang isa pang driver…” ani mommy nang hinila niya ako sa kusina.

    Sa counter ay naroon si Koko at Knoxx, nag uusap. Seryoso ang mga kwento ni Koko pero kitang kita ko ang paglipat ng mga mata ni Knoxx sa akin.

    “Ako na po ang maghahatid sa mga kaibigan ni Entice…” ani Knoxx sabay tayo.

    Damn it!

    “Tatawagan ko po si Manong Rene…” sabi ko kay mommy.
    “May ginagawa pa si Mang Rene, Entice. Si Knoxx na lang,” ani Koko sabay ngisi.
    Nilipat ko ang tingin ko kay Koko. “Sasama ka?”
    “Hindi pa. Pinapabalik pa ako ng daddy mo sa rancho, e.”

    Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Hindi ko na tiningnan si Knoxx. Tinalikuran ko sila para ibalita sa mga kaibigan ko.

    Naabutan ko silang tahimik at mukhang pagod na sa aming sala kaya niyaya ko na silang lumabas.

    “Thank you for the hospitality…” ani Joaquin kay Lola.
    “No problem. I’m sure pag ang apo ko naman ang mapapadpad sa inyo, you will all be also hospitable with her,” ngiti ni Lola.
    “Syempre po…”
    “Thank you, Tita…”

    Binuksan ko ang double doors at nakita ko sa labas na binaba na ni Knoxx ang convertible back ng Wrangler Jeep. Marami kami at hindi magkakasya kung hindi niya iyon gagawin.

    Nagkatinginan kaming dalawa. I looked away immediately. Hindi ko matagalan.

    “Entice, sumama ka ha? Sabihin mo kay Knoxx, door to door mong ihatid ang mga kaibigan mo.”
    Tumango ako at pinalabas na sa bahay ang aking mga kaibigan.

    “Kahit pag uwi, adventure parin!” tawa ni Susie nang nakalapit na kami sa sasakyan ni Knoxx.

    “Kami na ang sa likod…” ani Bob.
    “Sige…” sabi ko at hinintay silang mag settle down.

    Pinagkasya nila ang sarili nila sa likod. Binuksan ko ang pintuan ng front seat at nagtama ulit ang mga mata namin ni Knoxx. He looked amused for some reason. I am not, though. Tahimik akong umupo doon.

    “Sa bayan lang kami, Entice. Kami nina Susie, Ayana, at Henry…” ani Joaquin.

    Nilingon ko siya sa likod. Pinaandar ni Knoxx ang sasakyan.

    “Sa bayan lang ang bahay ninyo, Joaquin?”
    “Oo. Sa sentro lang. Hayaan mo, ipapabisita kita sa amin sa susunod…”

    Pabirong tumikhim si Heather at Henry. Natawa ako sa panunukso nila. Natigil lamang nang biglang bumilis ang patakbo. Napatingin ako kay Knoxx.

    Nagmamadali? Bakit? Sinong naghihintay sa bahay?

    Sumulyap siya sa akin. His brows were up again. Like he’s not pleased. Nanatili ang mata ko sa kanya. Matapang dahil hindi siya makabaling sa akin.

    “Dito lang ako!” biglaang sinabi ni Bob.

    Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Bob. Tiningnan ko ang puting gate nila.

    “Bye, Bob!” nagkawayan sila.
    “Ang sa amin sa kabilang kanto lang, ha,” ani Ben.

    Tinuruan niya si Knoxx kung saan liliko at nang nakarating kami ay nagkawayan ulit.

    Huling hinatid ang sa bayan lang nagpapadrop dahil malayo iyon sa mansyon. Nag uusap pa sila sa likod, tahimik kaming pareho ni Knoxx sa harap.

    “Sa Lunes, Entice, pagkatapos ng klase, free ka?” tanong ni Joaquin.
    “Ha? Bakit?” nilingon ko siya.
    “Ipapasyal kita sa amin.”
    “Joaquin, paano kami?” tumawa si Drixie.
    “Lagi naman kayo doon. Si Entice, hindi pa nakakapunta.”

    Hindi ko alam kung free ako ng Monday afternoon. I am usually somewhere else but…

    “I’m not sure,” sagot ko.
    “Asus! Minsan na nga lang akong mapapaaga ng uwi dahil walang basketball practice, di ka pa papayag.”
    “Titingnan ko pa, Joaquin…”
    “‘Wag kang makulit, Joaquin!” panunuya ni Henry.

    Nagkaasaran ulit ang dalawa. Nagtawanan na lamang ang natitira.

    Nang nahatid na si Drixie at Heather, patungo na kami sa bayan para sa mga natitira.

    Nangungulit parin si Joaquin tungkol sa Lunes. Hindi ko maibigay sa kanya ang desisyon ko dahil mismong ako, hindi ko alam kung ano ba talaga.

    “Sige, text mo ako sa desisyon mo, ah?” aniya nang nakababa na sila sa sasakyan.
    Tumango ako. “Okay. Ayos na kayo dito?” tanong ko.
    “Ihahatid namin sa gate nila si Ayana tapos malapit lang bahay namin kina Henry kaya walang problema…”

    Napatingin si Joaquin sa katabi ko. “Uuwi na kayo?” tanong niya.
    “Oo. Uuwi na rin…” tumikhim ako. “Sige na… alis na kami…” awkward kong sinabi.
    Tumango si Joaquin at kumaway na. Pagkalayo niya sa sasakyan ay pinaandar naman iyon kaagad ni Knoxx.

    Nanatili ang tingin ko sa kanilang apat. Natigil lamang nang tuluyan kaming nakalayo. Ngayon, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Medyo malayo pa naman ang mansyon. Damn!

    “Why are you silent?” basag niya sa katahimikan.

    Tumuwid ako sa pagkakaupo. Bakit nga ba? It’s not like I’m… Pinilig ko ang ulo ko. Hindi dapat ako magalit dahil lang sa mga nalaman ko. Wala akong karapatang magalit. Maaaring masama ang loob ko pero hindi niya deserve ang tratuhing ganito dahil lang nagtatampo ako. It’s not like he asked me to like him. Hindi niya kasalanan na gusto ko siya at nagseselos ako.

    “Kailangan bang may sabihin ako?” tumingin ako sa labas.
    “So you won’t be in my house, Monday afternoon…” aniya.
    Nilingon ko siya. Seryoso ang kanyang mukha. “Siguro.”
    Sumulyap siya sa akin. Hinila niya ang kambyo at biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Halos maiwan ang kaluluwa ko at medyo bumilis din ang takbo ng puso ko.
    “Are you mad?”

    Hindi siya sumagot. Nanatiling seryoso ang mga mata niya na nakadirekta sa madilim na kalsada.

    I tried so hard to keep my mouth shut but I just couldn’t.

    “Anyway, wala rin naman akong ginagawa sa bahay mo. I don’t cook so… wala akong pakinabang unlike Lumi…”

    Mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. Tumahimik ako. Hindi rin naman kasi siya sumagot.

    Inabot pa ng ilang sandali bago niya nasuklian ang sinabi ko.

    “Do you want to talk about her?”

    Fuck. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

    “May dapat ba tayong pag usapan tungkol sa kanya?”
    “Is this why you’re acting strange tonight?”

    Huminahon ang pagpapatakbo niya. ‘Tsaka lang ako nag relax nang normal na ang bilis ng Wrangler.

    “I heard you’re courting her. I wasn’t informed. Dapat pala hindi ako pumupunta sa bahay ninyo. I feel awful…” sabi ko.
    “Tsss… I’m not courting her.”

    Oh… Tinikom ko ang bibig ko. Sinagot niya agad ang tanong ko ng walang pasikot sikot.

    “You’re his boyfriend now?” bumaling ako sa kanya.
    “Hindi ba ay natanong mo na ito sa akin noon? Hindi niya ako boyfriend. Magkaibigan lang kami…”
    “But… she stays in your house some nights… What are you two? Fuck buddies?”

    Halos tumilapon ako sa biglaang pag tigil ng kanyang sasakyan. Ang bilis bilis ng takbo ng puso ko. Bubugahan ko na sana siya ng galit ngunit naunahan niya ako.

    “Where the hell did you learn that, Entice?” he growled.
    “I-I’m just using my common sense! Two people, not lovers, friends lang, tapos natutulog sa bahay ng magkasama? What’s it called-“
    “She did not sleep on my bed and there’s nothing in between us. Where the hell did you get those ideas?”

    Umirap ako at nagkibit ng balikat. Hindi na ako sumagot.

    “So… you roll your eyes too much when your jealous, huh?”

    Unti unti niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako makatingin sa kanya. How dare he conclude that I’m jealous. But… damn it, yes I am jealous.

    Niliko niya ang sasakyan sa aming gate. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na nakauwi na kami at matitigil na itong pag uusap namin o malulungkot.

    Pagkatigil ng sasakyan niya ay agad kong binuksan ang pintuan ko. Lalabas na sana ako ngunit bumagsak ang katawan ko pabalik sa upuan dahil sa paghila niya sa aking braso.

    “Tell me, are you jealous?” tanong niya, nakataas ang kilay.

    Mariin ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung paano magalit sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya itutulak palayo. Dahil kahit kanina niya pa ako sinasalang sa klase klaseng emosyon, gusto ko paring mawala sa mga mata niya.

    “Yes!”

    Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Ang hirap hirap lumunok. He smiled devilishly. Binitiwan niya ako.

    “Skype when I get home. I’ll show you how alone I am in my house…”

    Kumalabog ang puso ko. Hindi na iyon dahil sa kaba. It is a very foreign feeling. Very new. Hindi ko mapangalanan iyon. Tumindig rin ang balahibo ko.

    “Pwede namang magtago ang kahit sino sa likod ng camera mo kaya hindi rin…” nag iwas ako ng tingin.
    Humagalpak siya ng tawa. Uminit ang pisngi ko. Damn! Totoo naman ah?
    “You want to install a CCTV camera, then, lil girl?

    Kumunot ang noo ko. Ayaw ko nang nakikita niya ako bilang bata. Hinablot ko ang braso ko galing sa kanyang kamay at padabog kong sinarado ang pinto ng kanyang sasakyan.

    Naririnig ko parin ang kanyang halakhak. Mas lalo lamang uminit ang pisngi ko habang nagmamartsa patungo sa loob ng bahay.

    Binuksan ko ang double doors at naabutan si mommy at daddy sa sala. Nag uusap sila tungkol sa kung ano habang nanonood ng TV. Mabilis kong tinakbo ang hagdanan.

    “O, sinong naghatid sa’yo?” tanong ni daddy.
    “Knoxx…”

    Dire diretso ang tungo ko sa kwarto. Sumalampak agad ako sa kama. Kinalma ko ang sarili ko bago ako nagtungo sa bathroom para makaligo.

    Paulit ulit kong binalikan ang lahat ng nangyari kanina sa Wrangler. Damn, Knoxx! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng kulay pink na pantulog. Humiga ako sa kama, ang tanging ilaw sa kwarto ay ang nasa lampshade.

    Niyakap ko ang unan habang tinitingnan ang aking cellphone. Kinagat ko ang labi ko. I can’t believe that I’m still really here waiting for his call.

    I must be really out of my mind. Binaon ko ang mukha ko sa aking unan. Hindi pa ako nagkaganito. Kahit kailan.

    Halos napatalon ako nang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko iyong dinampot at tiningnan.

    Knoxx Montefalco is calling…

    Holy crap!

    Umupo ako sa aking kama at agad na sinagot ang tawag. Then I saw him on my screen. Naka puting t shirt siya at nakahiga sa kanyang kama.

    Damn! Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam na ganito pala kasaya magSkype.

    He showed me what’s beside him. Unan lamang ‘yon.

    “No one’s behind the camera, don’t worry…” Tumawa ulit siya.

    Humiga ako at natahimik na lamang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

    “Baka may tao sa baba? O sa ibang kwarto…”
    Mas lalo lamang siyang tumawa. “Wala. I’m really alone…”
    “Bakit wala si Lumi, kung ganoon?” tanong ko.

    Kitang kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. He licked his lips and all I can do is sigh. Really? Relax, heart.

    “Hindi siya dito nakatira. Nakikitulog lang siya dito kapag ginagabi na siya. Are we going to talk about her all night though?”
    Umiling ako at ngumiti. Para akong batang nakakita ng tunay na Santa Claus sa sobrang saya ko. “So you two are not… you know?”
    Umiling siya.
    “But do you like her, though?”
    Tumaas ang kilay niya. “She’s my friend.”
    “Hmmm… Gusto ka ba niya?”
    “I don’t think so…”
    Tumango ako at niyakap ang unan. I can do this all night.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Pumalpak

    Nagpaturo akong magluto. Tuwing Linggo, hindi ako pumupunta kina Knoxx dahil nagpapaturo akong magluto. I just can’t get it right, though. Inabot pa ng ilang araw bago ko makuha ang pagpi-prito ng isda.

    “Are you sure?” Knoxx smiled wickedly.

    Uminit ang pisngi ko. Ilang araw na rin akong nagsasabi sa kanya na ipagluluto ko siya ng hapunan. Ngayon ko iyon naisipan. Nag aral ulit ako kaninang umaga kaya ako tinanghali sa pagdating sa kanilang bahay.

    Kanina ay naging abala siya sa pagdidiskarga ng manga habang ginagawa ko ang assignments ko sa kanilang sala. It’s been three weeks since I last saw Lumi in his house. Madalas, Sabado siya pumupunta ngunit pangalawang Sabado na ito na wala siya kaya siguro hindi naman siya pupunta ngayon.

    “Yup…” tumango ako.
    “Fine,” humalakhak siya. “Anong kailangan mo?”

    Pinasadahan niya ng tingin ang buong kusina. Alas kuatro pa lang pero magsisimula na ako sa pagsusubok na magluto ng pritong isda.

    “‘Wag na. Kaya ko na dito. I can deal with this. Saulo ko naman kung saan nakalagay ang mga ingredients-“
    “How about the fish, it’s in the-“
    “Fridge, yes… I can do this…”

    Humakbang ako palapit kay Knoxx, nagbabakasakaling umatras siya at lumabas na para mapabayaan ako sa kusina.

    Tumaas ang kanyang kilay nang mas lumapit ako. Tila nagtataka sa ginagawa ko. Nag iwas ako ng tingin. I know he knows what I mean.

    “Please, Knoxx…”

    He laughed devilishly. Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis ang aking mukha. Hindi na ako makatingin sa kanya.

    “Fine… Fine… Good luck, then!”

    Sumuko siya dahil sa pang aapura ko. Pinagmasdan ko siyang lumabas sa pintuan ng bahay bago ako naghanap ng mga rekados sa kusina.

    I prepared the fish. Pinaliguan ko ito ng asin at iniwan saglit para maghanap ng iba pang kailangan. Nahanap ko ang oil at ang pan. Naisip ko ring magsaing habang hinihintay na maging ready ang isda.

    Pagkatapos kong ma set ng maayos ang kanin sa rice cooker ay nilagyan ko na ang kawali ng cooking oil.

    Kabado na ako nang kumulo na ang oil. I am still not sure if I’m doing it right.

    Nilagay ko ang unang dalawang isda sa kawali at umilag dahil sa talsik ng oil. Maghihintay dapat ako ng ilang minuto o kung mag kulay brown na ito.

    Umupo muna ako ng ilang saglit at tiningnan ang cellphone ko. Hinanap ko kung paano ang paggawa ng fried fish. Iba iba ang direksyong nakalagay at walang definite na minuto kung kailan dapat baliktarin ang isda.

    Napatalon lang ako sa gulat nang may naamoy na akong sunog.

    “Holy… crap!” sabi ko nang nakitang halos mangitim na ang isda.

    Agad ko iyong binaliktad. Hindi ko na pinatagal, kinuha ko rin agad pagkatapos ng ilang segundo.

    Relax, Entice. Let’s try again.

    Kumuha ulit ako ng dalawa pang isda. This time, I am determined to watch over it until it’s brown.

    Hindi pala mabilis. Inabot pa yata ako ng siyam siyam pero medyo nasunog parin ang kabilang side. Damn it!

    “What’s that smell?”

    Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang nagsalita. Naaninaw ko si Lumi na nakahalukipkip at nanginginig.

    Sa sobrang pag iisip ko sa niluluto ko, hindi ko namalayan na umulan pala. Basang basa si Lumi mula ulo hanggang paa!

    “O, anong nangyari?” napatanong ako at lumapit sa kanya.
    Nanginig siya. “Hindi ko naabutan ang truck kaya naglakad ako patungo dito…”

    Oh! Narinig ko ang malalakas na yabag sa hagdanan. Nakita kong bumaba si Knoxx, may dalang tuwalya. Binigay niya iyon kay Lumi.

    “What were you thinking? Hindi maganda ang panahon, dapat ay hindi ka na lang nagpunta dito…” ani Knoxx.
    “I want to, Knoxx. At ang importante naman ay safe ako, ‘di ba?”

    Halos mapamura ako nang naamoy ko ang niluluto ko. Pang anim na isda na ito. Don’t tell me sunog parin? Damn it!

    Iniwan ko sila para tingnan ang aking niluluto. Dismayado kong kinuha ang isda sa kawali. Anim na isda ang nasayang ko.

    “Kukuha lang ako ng damit…” ani Knoxx.
    “Okay…” mahinahong sambit ni Lumi.

    Binalingan ko ang natitirang dalawa pang isda. Oh my God! This is going to suck.

    Bumaling ako kay Lumi. Wala na si Knoxx sa tabi niya, siguro ay bumalik sa kwarto. Pinalupot ni Lumi ang tuwalya ni Knoxx. Basang basa ang kanyang buhok at kumikinang ang kanyang pisngi dahil sa tubig-ulan.

    “Hindi ka marunong magluto?” natatawa niyang sinabi.

    Tiningnan niya ang mga isdang nasayang. Umiling siya at nilipat sa akin ang mga mata.

    “Papakainin mo si Knoxx ng sunog?”

    Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I ran out of confidence.

    “Akin na…” humakbang siya malapit sa stove dahilan kung bakit napatabi ako.

    My stomach felt hollow. Iyong parang nakatakas lahat ng mga may buhay doon. Naiwala kong lahat.

    “Sunog ang mga ito!” umiling ulit siya, dismayado rin tulad ko.

    Tahimik ako. Nanunuyo ang lalamunan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Knoxx.

    Kinuha ni Lumi ang mga isda at isa isang nilagay sa kawali. Pinagmasdan ko ang mga isda. Sumulyap siya sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanya.

    “Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka ni Knoxx na maglaro dito sa kusina…”
    “Sinubukan ko lang naman kung kaya ko,” sagot ko.
    “Tss… Aray!” nakita kong natalsikan ng oil ang kanyang kamay. “Ang lakas naman ng apoy!”

    Yumuko siya at hininaan ang apoy sa stove. Suminghap ako.

    Lumapit ako sa kanya para tingnan ang natalsikan ng oil. Mukhang sobrang nasaktan siya dahil sa pagngiwi niya.

    “Anong nangyayari?” tanong ni Knoxx nang pumasok na siya sa kusina.

    Nanlamig ang tiyan ko. I suddenly want to be swallowed whole by the ground. Pwede bang mawala na lang ako?

    “Natalsikan lang… ayos lang…” ani Lumi at bumaling ulit sa niluluto.
    “Natalsikan? Bakit ikaw ang nagluluto?” tanong ni Knoxx sabay tingin sa akin.

    Uminit ang pisngi ko sa sobrang hiya. Great! Just great! Pinisil ko ang mga daliri ko.

    “Kasi naman, sunog ‘yong ulam mo tonight kung siya ipagluluto mo…”

    Sabay nila akong tinapunan ng tingin. Hindi ako makatingin kahit kanino. Lalo na kay Knoxx. Kinagat ko ang labi ko.

    “I think it’s all just fine. I’ll check the fishes. Sa likod lang naman ‘yong sunog-“
    “Oo at sa kabila, hindi luto?” tumawa si Lumi.

    Mas lalo akong kinabahan nang nilapitan ni Knoxx ang nasa tabi kong pinggan, kung saan ang mga isdang sunog. Lumayo ako ng bahagya. In case he’ll get angry, at least not in my face.

    “See?” ani Lumi.

    Gamit ang tinidor ay binaliktad ni Knoxx ang mga isdang naprito ko na. Yes, I don’t have any talents.

    Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Knoxx. Oh, great! Natigil lang ang pag susuri niya nang biglang humatsing si Lumi.

    “You’ll get sick. Magbihis ka muna at magpatuyo. Ako na ang bahala diyan…” ani Knoxx.

    Mas lalo akong lumayo. Hinila ko ang upuan sa dining table at umupo na lang doon. Pakiramdam ko, wala talaga akong pakinabang.

    “Hindi na…” Suminghot siya. “Tatapusin ko na ‘to… Malapit na rin, e.”
    “Lumi, please…” Lumapit si Knoxx kay Lumi.

    Nag iwas ako ng tingin. Imbes na manatili doon ay inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng pinggan at mga kubyertos. May dalawang isdang niluluto si Lumi. Kanila na iyon. Tig iisa sila. Akin na lang lahat ng sunog.

    “Huwag kang makulit, Knoxx… I can do this…” tumawa si Lumi.

    Tiningnan ko sila. Si Knoxx ay nanatili sa gilid ni Lumi. Nang bumaling siya sa akin ay nagtama kaagad ang tingin naming dalawa.

    “I think this is just fine…” aniya at kinuha ang pinggan kung nasaan iyong mga sunog na isda.

    Hiyang hiya ako. Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin kaya nanatili akong tahimik.

    Nilapag niya ang pinggan sa gitna ng mesa. Kitang kita kong sunog na sunog nga ang mga ito. I’m not really hungry, anyway. Kaya ko iyang kainin.

    “Heto na…” ani Lumi at nilagay sa isa pang plato ang dalawang isdang niluto niya.

    Humatsing ulit siya kaya bumaling si Knoxx sa kanya.

    “I told you to change, Lumi. Nasa sala ang damit na pwede mong isuot…”

    Pumikit ng mariin si Lumi. Tila ba may masakit sa kanya.

    “Oh… Are you okay?” tanong ni Knoxx.
    “I’m fine… Medyo sumakit lang ang ulo ko…” aniya.

    Dumiretso si Lumi sa sala. Sumunod si Knoxx sa kanya. It’s okay that he’s worried. Tulad lang ito noong nahulog si Joaquin sa kabayo at nag worry din ako. Bumagsak ang tingin ko sa mga isdang luto ko… I am really freaking useless.

    Umupo ako sa silya. Hinintay kong makabalik silang dalawa. Pagkabalik ni Lumi, dala niya na ang mga damit. Dumiretso siya sa banyo para makapagbihis.

    Si Knoxx naman ay tahimik na kumuha ng tubig at mga baso. The awkward silence between us is deafening. I really don’t know what to say, until now…

    “I should’ve not let you cook this one…”
    Pakiramdam ko, naubos ang dugo sa aking mukha. “Why? Dahil pumalpak?”
    Nagsalubong ang mga kilay niya. “Dahil hindi ka marunong. Bakit kasi hindi mo ako hinahayaang manood sa’yo pag nagluluto. Sana ay naturuan pa kita…”

    Nilapag niya ang mga baso sa gilid ng aming mga pinggan. Sasagot na sana ako ngunit natigil ako dahil bumukas ang pintuan ng bathroom. Naka suot ng jersey at maiksing shorts si Lumi. Ang straight at basa niyang buhok ay nakalugay ngayon.

    “Let’s eat…” anyaya ni Knoxx sa kanya.
    Tumango si Lumi at humatsing. Kitang kita ko ang pamumutla niya.

    Nilagyan ni Knoxx ng kanin ang aking pinggan. Nilagay niya rin ang isdang luto ni Lumi sa aking pinggan. Ikinagulat ko iyon. Napatingin si Lumi sa akin, pagkatapos kay Knoxx.

    “Hindi ka kakain ng luto ko?” tanong ni Lumi. “Sunog ‘yang iba, ah?”
    “No… I’m fine…” ani Knoxx at naglagay ng sunog na isda sa kanyang pinggan.

    Nagbara ang lalamunan ko. Umupo si Lumi sa harap ko. Nanatili ang titig niya sa akin. Seryoso at halos matalim.

    Natigil lamang ang titig niya nang humatsing siya at suminghot. Hinawakan ni Knoxx ang leeg niya.

    “Nilalagnat ka…” ani Knoxx.
    Yumuko si Lumi at tumango.
    “Bakit ka ba kasi naglakad pa? Saan ka galing noong naglakad ka?”
    “Sa bahay pa…” ani Lumi.
    “What? Ang layo noon!” pagalit na sinabi ni Knoxx.
    Suminghot ulit si Lumi. “Ang sakit ng ulo ko… Pagkatapos kong kumain, pwede bang magpahinga muna sa kwarto?” sumulyap si Lumi sa akin.

    Napasimsim ako sa baso ng tubig sa aking harap.

    “Okay… Pagkatapos nating kumain, ihahatid ko na si Entice sa kanila. Gusto mo, isama na rin kita para makapagpahinga ka na-“
    “Ayaw ko sa bahay. Nandoon si Uncle John, Knoxx. Alam mo namang ayaw ko pag nandoon ‘yon…”

    Umigting ang panga ni Knoxx at bumaling siya sa akin. Binagsak ko na lang ang aking mga mata sa isdang luto ni Lumi na nasa aking pinggan.

    Hindi na ako nagulat na walang nagawa si Knoxx. They’re friends. And I didn’t know how close they were and it’s okay. Wala ako sa lugar para pumigil sa kahit ano. At isa pa, it’s not like they’re doing something wrong. Knoxx is just helping her out.

    Tahimik ako sa byahe pauwi. Ang bagal magmaneho ni Knoxx ngayon, sobrang nakakapanibago.

    “So… wala ka bukas?” tanong ni Knoxx.

    Usually, hindi ako pumupunta ng Sunday sa kanila. But then…

    “I’ll try to come here. Siguro ng mga dapit hapon. Dadaan lang ako…”

    Narinig ko ang buntong hininga niya.

    “Okay… Let’s Skype when I’m home,” aniya.

    Nilingon ko siya. Tamad siyang nagmamaneho, dahilan kung bakit mabagal. Ang dalawang kamay niya ay nasa baba lang ng manibela, para bang wala lang ito sa kanya.

    “Okay,” sagot ko. “Sorry nga pala doon sa isda.”
    “They taste good. Hmmm…” Ngumisi siya.

    Uminit ang pisngi ko. Pilyong ngiti ang nakita ko kahit na nakatingin siya sa kalsada.

    “Hindi mo na dapat binigay sa akin iyong luto ni Lumi. I’m willing to eat what I cooked, Knoxx.”
    “I am also willing to eat what you cooked. And I don’t expect you to just suddenly become good at it…” Sumulyap siya sa akin. “Matututo ka rin.”
    Tumango ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko doon.

    Ilang sandali ang lumipas at tahimik ulit kami. Sa gilid ng aking mga mata ay natatanaw ko siyang sumusulyap sa akin.

    Nang narating na namin ang mansyon, dahan dahan kong kinalas ang seatbelts. Nag angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko na siyang nakatingin na sa akin. Para bang tinitimbang niya ang mood ko.

    “I’ll drive fast so… don’t waste too much time in your bathroom…” aniya.
    Tumango ako at ngumiti. “Okay.”

    Wala na rin siyang nasabi. Wala na rin akong nasabi dahil alam kong wala sa lugar ang mga naiisip ko. I just can’t believe that I’m jealous over something so shallow. Wala lang naman iyon, hindi ba? And like I said, Knoxx is not obliged to not make me jealous. We’re not lovers.

    True enough, pagkalabas ko ng bathroom ay tumunog kaagad ang cellphone ko. His grey t shirt and white pillows were the first thing I saw.

    Humiga ako ng maayos. He’s still adjustig the camera.

    Nang tumapat na iyon sa kanyang mukha ay nakita kong mapupungay na ang kanyang mga mata. He looks damn sleepy. I wonder where Lumi is right now, though?

    “You done with your bathroom routine?” his voice was husky.

    Halos ma speechless ako dahil doon. Tipid akong ngumiti.

    “Yup. Kamusta na si Lumi?” tanong ko.
    “I think she’s better. Nasa baba, nanonood ng TV kaya baka maayos na ‘yon?”
    Umismid ako. “Aren’t you worried about her?”
    “I am…” kumunot ang noo niya. “Why? But she’s okay now…”
    “Ba’t hindi mo… puntahan at…” nag kibit ako ng balikat.

    Isa na namang pilyong ngiti ang pinakita niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya kaya hindi ko na nadugtungan ang sasabihin.

    Umirap ako at ngumiwi.

    Humagalpak siya kaya hindi ko na napigilan ang pag ngisi na rin.

    “She’s fine, I think. You’re the one who’s not okay, En…”
    “What?” Kumunot ang noo ko.
    Nanatiling pilyo ang ngiti niya. Kinagat niyang muli ang pang ibabang labi. His eyes looked heavy. At hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pamumuri sa kanya. Kahit na inaantok, sobra sobra parin ang attraction ko sa kanya. How could one guy this be good looking? He should be illegal!

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    Masaya ‘di ba?

    Linggo ng umaga ay sumama ulit ako kay Lola at Mommy sa simbahan. Pagkatapos noon ay nagpaturo ulit ako kung paano magluto. Madali lang pag nasa bahay ako pero bakit pag kasama ko na si Knoxx, sobrang hirap na?

    Tuwing Linggo, mas madalas na hindi ako nagpupunta kina Knoxx. Hindi naman rin pwedeng araw araw na lang ako sa kanila. Nakakahiya naman. At isa pa, ayaw kong mag duda si mommy at daddy sa kung anong mayroon kami ni Knoxx dahil sa totoo, wala naman talaga.

    “O, saan ka ngayon?” tanong ni Manang Leticia sa akin nang nakita akong kumukuha ng kabayo.
    “May pupuntahan lang po.”
    “Saan, kina Knoxx?”

    Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang ngumisi na si Manang Leticia.

    “Asus si Entice, parang hindi naman namin alam kung saan ka nagpupunta tuwing nangangabayo ka!”
    “Sige na po, Manang, aalis na ako!”

    Dinirekta ko si Abaddon sa daanan patungong gate para makalabas na ako.

    Alas kuatro ng hapon nang nakalabas ako sa aming hacienda. Hindi na masyadong mainit kaya ayos lang ang pangangabayo.

    Kumalabog ang puso ko nang natanaw na ang bukas na gate nina Knoxx. Like usual, it’s open. Tinali ko si Abaddon sa pinagtatalian kong kahoy.

    Naroon ang kanyang Wrangler. I’m sure he’s inside.

    Dumiretso ako sa pagpasok sa kanyang bahay. Ginala ko ang mata ko sa buong bahay bago pumasok. Laking gulat ko nang nakita ko si Lumi na naka bathrobe galing ng kusina.

    Nanlaki ang mga mata ko. Nandito parin siya? Hindi pa siya umaalis? Akala ko nakitulog lang dahil may sakit?

    “Lumi…” ngumiti ako, tinatago ang gulat. “Nasan si Knoxx?”
    “Wala, may inasikaso sa farm.” Humalukipkip siya. “Araw-araw kang pumupunta dito?”
    “Hindi naman… Uh, hindi sana ako pupunta ngayon…”
    Nagtaas siya ng kilay. Seryoso parin ang kanyang mukha. “Tapos? Bakit ka nagpunta?”

    Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

    Umiling siya at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. Umupo siya sa sofa ng sala at pinatong ang kaliwang hita sa kanan. Her legs showed.

    “Entice, bakit ka nagpunta?” ulit niyang tanong.
    “Itatry ko… lang sana kung kaya ko nang magprito. Nag patulong kasi ako kanina-“
    “Baka maubos mo ang ulam niya sa buong linggo na ‘to kung aaraw arawin mo ‘yang pagsusubok mong magluto…”

    Nakatayo parin ako sa may pintuan. Hindi pa tuluyang nakakapasok. I feel like I’m intruding something.

    “Hindi naman. Uh, hindi na lang siguro…” sabi ko, bigo.
    “O, so ano na ang gagawin mo dito, Entice? Hindi ka makakapagluto kasi nandito naman ako. Ipagluluto ko si Knoxx.”

    Tumikhim ako. Bakit niya tinatanong ito ngayon? Bumaling ako sa kanya. She’s Knoxx’s friend. Matagal na silang magkaibigan at ayaw kong manghimasok sa kanilang dalawa pero hindi ko na napigilan lalo na ngayong tinitira niya ako.

    “Bibisita lang sana ako. I like being here…” Nagkibit ako ng balikat.
    Umangat ang gilid ng kanyang labi. “You like being here? You like him, don’t you? That’s why you like being here, hindi ba?”

    Nagulat ako sa tiyak na tono niya. Bahagya akong nairita pero pinigilan ko ang sarili ko. After all, she’s still Knoxx’s friend.

    “Yes, I like him. Ikaw? Bakit ka nandito?”
    Humalakhak siya. “I’m Knoxx’s friend. Besides, bakit hindi mo tanungin sa kanya kung bakit welcome ako dito?”

    Tumaas ang isang kilay ko. I really can’t help it. I can see through her so much and it’s clear that she’s a bitch.

    “I don’t mind you being here. Ikaw, bakit ayaw mong nandito ako?”
    Napawi ang ngiti niya. “You’re a bother to him. Imbes na magtrabaho siya ng maayos, he’s baby sitting you. Wala kang alam na gawaing bahay kaya hindi ka nakakatulong. Tingin ko ay pabigat ka dito.”

    Bumilis ang aking paghinga. Chill, Entice. Wala siyang karapatan maging spokesperson ni Knoxx. Wala siyang alam.

    “Kung kaya niya lang maging malupit sa’yo, magiging malupit siya. Pero hindi dahil sa daddy mo. Tinitingala niya ang daddy mo kaya wala siyang magawa kahit na iritado na siya sa pagpupunta mo dito…”

    Umigting ang bagang ko. I can’t believe what she’s telling me is piercing my heart too much. Hindi ko matagalan!

    “Bakit ikaw ang nagsasalita para sa kanya? Hindi ba mas maganda kung sa kanya ko mismo marinig ang mga ito? After all, it’s his opinion… like whagt you said.”
    “Simple lang. Hindi naman gawain ni Knoxx ang sabihan ka ng ganoon. You’re a brat and he knows that… And he respects your father so much…”

    Parang may idudugtong pa siya pero hindi niya tinuloy. Hinintay ko iyon ngunit tinikom niya na ang bibig niya.

    “Kung ganito ang bubungad sa akin ngayon, I might as well come back next time. Iyong wala nang eepal. I’m not going to fight for a chance, today. Hindi ko gawain iyon. If you’re telling me all these because you want me gone. Then, the floor is all yours, Lumi…”

    Mabilis akong tumalikod. Tinakbo ko ang pababa sa hagdanan. Sabog sa bilis ang takbo ng puso ko at nagngingitngit ako sa iritasyon at inis. Sumampa ako sa kabayo at agad na nilatigo ang likod nito para kumaripas. Baka mamaya ay kung ano pang gawin ko sa babaeng iyon. I have to remember that no matter how bitchy that girl is, she still holds a special place in Knoxx’s life. Well, probably. Kaya nga hindi siya makatanggi rito dahil may kung ano sa kanilang dalawa.

    Bumalik ako sa loob ng mansyon. Ngunit imbes na dumiretso sa bahay ay naisipan kong dumiretso sa rancho. I don’t want to be alone. Ayaw ko rin ng walang ginagawa lalo na’t puro inis lang ang naiisip ko kay Lumi.

    Tinali ko si Abaddon sa mga bakuran kung saan nag rorodeo ang aming mga tauhan. Umupo ako sa kahoy at pinagmasdan ang malawak na kapatagang pag aari namin.

    Bakit kaibigan ni Knoxx si Lumi? She’s a damn bitch! And should I tell him that?

    No. Nandito na si Lumi bago pa ako dumating. Knoxx would probably hate me if I told him that I dislike her. At ayaw kong mangyari iyon. As long as she’s not going to harm me, I’m good. That should be it.

    “Entice!” tawag ni Koko sa loob ng bakuran.

    Nilingon ko siya. Ang kumikinang na kayumangging kulay niya ay matingkad dahil sa papalubog na araw. May dala siyang lubid at topless siya habang lumalapit sa akin.

    “Hi!” sabi ko.
    “O? Anong ginagawa mo dito? Milagro at napadpad ka sa rancho.”

    Bumaba ako para maharap siya. Umakyat ako sa bakuran para makapasok doon. Tinulungan niya ako pababa kahit hindi ko naman kailangan.

    “Walang magawa, e.” Nag kibit ako ng balikat.

    He smiled. Nilingon niya ang mga nakakulong na malaking baka.

    “Lika, tulungan mo ako. Ikaw ang bahala sa lubid, ako ang huhuli sa halimaw…”

    Ngumisi ako at napagtantong nakahanap ako ng masayang gagawin kahit medyo pangit ang sinapit sa araw na ‘yon.

    Tumango kaagad ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Madalas naming nilalaro ito ni Hector at Koko noon. Hindi nga lang kami pinapahuli dahil masyado pa kaming mga bata, pero ngayon kayang kaya na yata ni Koko.

    I laughed hard till the sun sank down. Pagod na pagod rin ako. Dalawang beses kong nahuli ang baka. Malaki ang ngiti ko, at hindi ko inakala na pagkatapos ng ilang taon, marunong parin pala talaga akong magtapon ng lubid.

    Pagkauwi ko sa bahay, sobra sobra ang pagod ko. Natulog na lang ako sa aking kama. At least I don’t get to think about Lumi and what she said.

    Kinaumagahan tinanghali ako ng gising. Nagmamadali ako patungo sa school. Late ako sa first subject kaya mas lalo akong preoccupied.

    Palapit na ang midterms kaya mas lalo kaming naging busy. Nang nagkaroon ako ng time sa lunch break ay ‘tsaka ko naisipang hanapin ang cellphone ko para ma check ang kahit ano.

    “Ano bang hinahanap mo?” tanong ni Joaquin nang napansin ang paghahalungkat ko sa aking bag.
    “Shit! Naiwan ko ata ang phone ko sa bahay…”
    “Ba’t ka ba kasi tinanghali kanina? Anyway, bakit? May itetext ka? Gamitin mo na lang itong cellphone ko…” aniya sabay bigay ng kanyang iPhone.

    Umiling ako. Wala naman akong itetext. I just want to check something.

    “Wala…”

    Biglang nagtilian si Drixie at Heather. Pinapakita ni Heather ang isang sleeveless top at cycling shorts. Napabaling din si Joaquin sa kanila.

    “Ako rin! Nasa locker!” tawa ni Heather.
    “O, ayan, prepared na tayo ngayon, ha!”
    “Wala pa tayong pagkain pero bibili na lang siguro,” tumawa rin si Joaquin, nakisali sa kanila.
    Kumunot ang noo ko. “Anong mayroon?”
    “Ay! Mamaya, magTi-Tinago kami. Paano ba naman kasi, palapit na ang Midterms. Habang di pa busy, mag eenjoy muna kami!” ani Heather.

    Tumango ako at natulala.

    “Ano? Gusto mo nang sumama? Di ka namin na sabihan kasi hindi ka naman sumasama,” ani Heather.
    “I texted you, by the way. Pag… uh… gusto mo lang,” nag aalinlangang sinabi ni Joaquin. Nagkamot siya sa ulo at nakita kong pumula ang pisngi niya.
    “After class? Wala ka bang practice?”
    “Wala pa dahil sa midterms. ‘Tsaka malapit na rin kasi ang intramurals…” ani Joaquin.
    “Game!” wala sa sarili kong sinabi.

    I just feel like I deserve a break. Sabay sabay silang napatingin sa akin. Natawa na lang ako. Ikinagulat nila ang pagsama ko.

    “Wala kang gagawin?” tanong ni Bob.
    Umiling ako. “Wala. ‘Tsaka tulad ng sinabi ni Heather, malapit na ang Midterms kaya sasama na ako…”
    “Ayos!” ani Susie sabay high five sa akin.
    Tumawa ako at nakijoin sa excitement nila.

    Kung tama si Lumi, siguro ay sawa na rin si Knoxx sa araw-araw kong pagbisita. So I’ll give him time to breathe today. He can have all his alone time. Or maybe, naroon parin si Lumi kaya mainam na rin na dito ako sumama sa kanila.

    “Are you sure na hindi ka na uuwi sa inyo?” tanong ni Joaquin sa akin.

    Nasa labas na kami ng school at pinadala ko na lang kay Manong Rene ang aking bag. Pinagpaalam ko na rin ito kay mommy. Pinatext ko si Manong at sinabi kong sasama ako kina Joaquin. Kung hindi ko pa naipakilala ang mga kaibigan ko, maaaring hindi na ako pinayagan ni mommy. Pero dahil kilala niya na, mas magaan ang loob niya.

    “Hindi na.” Hinubad ko ang flannel shirt ko. “May spaghetti strap naman ako and I don’t mind going home wet, Joaquin.”

    Nakakunot parin ang noo ni Joaquin. Parang siya itong hindi mapakali na wala akong ibang damit.

    “Sige, babalikan ko sa loob ‘yong isa ko pang damit,” ani Joaquin.
    “Huwag na! Kaya ko na…”
    “Tsss… Antayin niyo ako.”

    Hindi na siya nagpapigil. Bumalik siya sa loob ng school para puntahan ang kanyang locker. Nag aantay na ang tricycle sa amin patungong Tinago. Mabuti na lang at naisipan nina Henry na bumili na lang muna ng makakain.

    “Kamote, bananacue, ano pa?” tanong ni Bob.
    “Kumakain ka ba nito, Entice?” tanong ni Drixie sa akin.
    “Syempre! Bili kayo ng soft drinks!”

    Nag ambagan kami ng pera. Ngayon ko lang napagtanto na masaya pala ang ganito. Bakit ngayon ko lang naisipang sumama ay hindi ko alam. Pilit kong inalis sa isip ko iyong dapat na pagpunta ko kay Knoxx ngayon. It’s just one day, come on Entice. Pagbigyan mo rin minsan ang mga bagay na ganito.

    Pagkabalik ni Joaquin, dala niya na ang isang damit para sa akin. He handed it to me.

    “May tuwalya rin ako dito pagkailangan mo…” aniya.
    Tumango ako. “Salamat!”

    Tig aapat o lima kami sa tricycle. Hindi ko alam paano pinagkasya ng boys ang sarili nila sa likod ng driver. Basta tawanan at asaran na lang ang ginawa namin habang nagbabyahe.

    “Hindi ka na naman mag si-swimming, Ayana?” tanong ni Susie sa mahinhing si Ayana.
    “Hindi na. Wala kasi akong dalang damit.”
    “Ba’t di ka gumaya sa akin? Itong underweark ko lang ipang si-swimming ko!”

    Nagtawanan ulit kami. Pareho pa naman kami ng naiisip ni Susie. Buti na lang at may spaghetti strap ako sa ilalim ng flannel. Pwede pang mag swimming!

    Bumaba kami sa short cut patungong Tinago. Maglalakad pa kami ng ilang metro papasok bago namin maabot ang Gazebo at ang buong Tinago. Tawanan at kulitan ang ginawa namin habang naglalakad.

    “Buti at sumama ka Entice! Hindi ba may short cut dito patungo sa dam niyo tapos diretso sa mansyon?”
    “Oo. Kaya lang malayo ‘tsaka ayaw kong lakarin, baka gabihin pa ako.”
    “Oo nga naman!” ani Drixie.

    Namangha agad ako nang natanaw na namin ang malinis at malinaw na tubig ng tinago. Kalmado at nakakarelax iyon.

    Tumawa kami nang agad na lumangoy si Ben, kararating lang namin.

    “O, girls! Mamaya na ha! Ilalatag muna natin ‘tong banig sa gilid ng puno bago tayo lalangoy!”
    “Sige!” sabay sabay kami.

    Pakiramdam ko sanay na sanay na sila sa picnic dito. Nilatag ni Heather at Susie ang banig. Sinabit naman ng mga boys ang kanilang mga gamit sa puno. Ang mga pagkain ay dala ni Drixie, naghihintay kung kailan matapos ang pag aayos sa banig.

    Naghubad na si Joaquin at Henry. Tumakbo sila at sumabit pa sa isang baging. Sumabog ang tubig nang tumalon galing doon si Henry.

    Ginaya siya ni Bob at Joaquin. Nagtawanan kami. Nakakaakit talaga ang kagandahan ng Tinago.

    Nilangoy nila patungong balsa. Ngumiwi ako at mas lalo lang na excite!

    Parehong dumiretso si Heather at Drixie sa isang kahoy. Sinabitan nila iyon ng mga sarong para makapag bihis doon. Wala akong gamit kaya wala akong choice kundi ang maghubad sa likod ng kahoy. Iyong pants at boots ko lang naman ang huhubarin para makalangoy.

    “Hindi ka ba talaga lalangoy, Ayana?” tanong ko habang tinitingnan siyang nakaupo lamang sa banig.
    Ngumiti siya. “Hindi na. I’m fine here.”
    “Tara na, Entice!” ani Susie.
    “Hoy! Hintayin niyo naman kami!” sigaw ni Heather ngunit hinila na ako ni Susie sa tubig.

    Hindi na rin ako makapag hintay kaya tumalon na ako.

    Sa sandaling naramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking mukha at sumalubong sa akin ang preskong hangin sa paligid, para akong nakawala sa hawla. I like this feeling. It’s addicting.

    “Kaya mong lumangoy patungo dito, Entice?” panunuya ang tono ni Joaquin.
    “Of course!” pinatulan ko ang hamon niya.

    Nilangoy namin ni Susie ang layo ng balsa doon sa pinagtalunan namin. Pagkaahon ko ay nasa balsa na ako. Humawak ako sa gilid at huminga ng malalim. Naramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko.

    Tumawa ako. Lumapit si Joaquin sa akin.

    “See? Masaya ‘di ba?” aniya.
    Tumango ako at mas lalong lumapad ang aking ngiti.

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Soft and Hot

    Umahon ang boys nang nakaramdam ng gutom. Tama lang na dinamihan namin iyong biniling mga pagkain kanina. Kaming mga girls naman ay nasa balsa pa at nag uusap usap tungkol sa kung anu-anong bagay.

    “Ang gwapo talaga n’ya no?” naabutan kong patiling sinabi ni Susie kay Drixie.
    “Oo nga. Kaso lang, laging na fafoul out,” ani Heather.
    “Huwag lang niyang masisiko si Joaquin!” ani Drixie.
    “Sinong maniniko kay Joaquin?” tanong ko.
    “‘Yong mga senior players. Ang rurumi kasing maglaro. Hindi ka naman kasi nanonood ng practice game!” wika ni Drixie sabay ngiwi.
    “Marami lang talaga akong ginagawa.”
    “Hay naku, Entice! Grabe ‘yang ginagawa mo, ha! Hindi ka nauubusan! Buti na lang ngayon, andito ka!”

    Ngumiti lamang ako. Hindi ko alam kung anong idudugtong gayong ayaw kong malaman nila kung ano talaga ang ginagawa ko tuwing hindi ako sumasama sa kanila.

    “Kamusta ‘yong sa Agri Econ na last quiz n’yo?”

    Nagsimula na kaming mag usap ng tungkol sa pag aaral. Mas lalo namang lumamig ang tubig nang papalubog na ang araw.

    “Girls! Hindi ba kayo nagugutom?” sigaw ni Ayana sa ilalim ng puno.

    Ngayon, nagkakatuwaan naman ang mga lalaki sa baging. Naunang lumangoy si Susie patungo sa kanila. Magkasabay kami ni Heather at huli si Drixie.

    Naglahad kaagad ng kamay si Joaquin sa akin nang nasa paanan na ako. Tinanggap ko iyon para makaahon. Dumiretso ako sa banig para kumuha ng kamote.

    Kulay orange na ang langit. Si Drixie, ayaw umahon kaya dinalhan na lang nina Bob at Henry ng kamote.

    Nagmadali ako sa pagkain at pag inom ng softdrinks dahil gusto ko ring sumabit sa baging. Sinubukan ko. Nagawa pa akong itulak ni Susie para mas malayo ang abutin ko. Tumili ako pabagsak at nagtawanan kami pagkaahon.

    Ang mga boys naman ay nagkaroon ulit ng panibagong katuwaan. Umakyat sila sa falls at may balak pa yatang tumalon.

    Nagtilian kami. Nagulat ako nang nalaman kong hindi pa iyon nagagawa ng mga girls.

    “Takot ako, e!” ani Heather.

    I felt so proud. As a child, iyon ang tinuturing naming laro ni Hector. I would climb and we would both jump together.

    Umakyat ako. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na iyon. Iritado pa si Joaquin nang nakita akong umakyat kung saan sila pumwesto kanina.

    Nasa baba silang lahat. Pakiramdam ko ay sobra sobra ang pag aalala nila. They forgot, we own this place.

    “Tabi kayo!” sigaw ko.
    “Entice! Are you sure about this?” sigaw ni Joaquin.
    “Yes! Tabi na, Joaquin!” sigaw ko.

    Pumwesto ako. Kahit sa U.S., gawain ko ito sa swimming pool ng paaralan ko. I can even do a flip before I finally dive. Iyon ang ginawa ko. Pagbagsak ko sa tubig ay agad kong hinagilap ang hangin.

    Tumawa ako kahit hinihingal pa.

    “Holy… You’re so good!” ani Joaquin at lumapit sa akin.

    Dumidilim na talaga at nakita kong ang lamparang dala nila kanina ay nasindihan na sa punong inuupuan ni Ayana.

    “I’m not. May mga mas magaling pa. That was an amateur dive…” sabay ngisi ko.
    Umiling si Joaquin.
    “Turuan mo kami, Entice!” tawa ni Heather. “Di ako makapaniwalang nakaya mo ‘yon.”
    Tumawa ulit ako. “Sige next time. Iyong mas mahaba ang panahon natin dito…”

    Habang nag uusap kami tungkol sa ginawa ko ay natanaw kong umilaw din ang lamp sa gazebo. May lalaking nakahilig sa railings doon at nakatingin sa amin.

    Hindi ko na tuluyang nasagutan ang mga tanong nila nang naaninag ko si Knoxx doon. Kumalabog ang dibdib ko. I can’t believe he literally has this kind of effect on me. Iyong parang panlalamig na walang kinalaman sa hangin, iyong pagkakakiliti ng tiyan ko, at pagbundol ng kaba sa aking dibdib.

    Even from afar, I can see that his eyes were dark and heated. Well, that’s his usual expression. But this time, it made me tremble.

    Napalunok ako. Ang panandaliang pagtigil ko ang nagpabaling sa mga kasama ko.

    “Si Knoxx?” tanong ni Drixie nang naaninag din kung sino ang nasa gazebo.

    Nakasalikop ang mga daliri niya at bahagyang nakayuko siya ng bahagya at ang siko ay nakapatong sa railings. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis at lumalakas ang pintig ng puso ko.

    “Bakit siya nandito?” tanong ni Heather sabay tingin sa akin.
    Nagkibit ako ng balikat, nakatitig parin kay Knoxx. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
    “Siya ba ang pinasundo ng daddy mo, Entice?” tanong ni Joaquin na nagpabaling sa akin.

    Right! My dad probably ordered him to pick me up. Besides, iniisip ni daddy na dapat nandoon ako kina Knoxx pero hindi ako nagpunta.

    Bahagya kong tinapunan ng tubig si Joaquin. So much for that weird feeling! Napalitan ito ngayon ng pait. Dad probably ordered him to pick me up. Ganoon naman lagi, hindi ba?

    “Ano? Uuwi ka na?” tanong ni Joaquin, nagtataka sa bigla kong pagkakaasar.
    “Hindi pa ‘no! Swimming pa tayo!”

    Sumisid ako, nagpasyang pupunta sa balsa. Alam kong malapit na rin kaming umuwi. Hindi kami pwedeng gabihin dahil kailangan pang umuwi ng mga may strict ang parents.

    Nilangoy din nila ang distansya ng falls patungong balsa. Pero nang nakaabot kami doon ay nagpasya din silang umahon na dahil dumidilim na. Wala na akong nagawa. Sumama na ako sa kanila pabalik sa may puno kung nasaan si Ayana.

    Sumulyap ako sa gazebo at natanaw na nakatingin parin si Knoxx sa akin.

    Ang mga kasama ko ay kanya kanya nang kuha sa kanilang mga bag. Ang tanging kinuha ko ay iyong flannel shirt ko at ang maong. Nanginginig na ako habang tumatayo sa gilid ng puno.

    “Entice!” ani Joaquin sabay abot sa akin ng tuwalya.
    “Salamat…” sabi ko.

    Naibsan ang lamig sa aking katawan. Nagiguilty tuloy ako dahil hindi masyadong nakapatuyo si Joaquin dahil pinahiram niya agad ako ng tuwalya.

    “Eto ‘yong t shirt…” aniya.
    “Salamat. Pwede naman itong flannel-“
    “Isuot mo ‘yang t shirt ko tapos ‘yong flannel shirt mo…” sabi niya.

    Naghubad kaagad siya ng t shirt at nagpalit. Para akong natuklaw ng ahas. Pakiramdam ko ang dami dami kung utang na loob kay Joaquin.

    Nilingon ko ang mga girls na nag ayos ulit ng mga sarong sa likod ng isang puno para makapag bihis. Nagsiksikan si Susie, Drixie, at Heather doon sa loob. Tingin ko, kung sasama pa ako, hindi na kami magkakasya kaya lumapit na lang ako sa likod ng puno nila.

    Agad kong hinubad ang spaghetti strap shirt ko. Mabilis ko ring sinuot ang t shirt na bigay ni Joaquin. Sinunod ko iyong flannel shirt ko. Inayos ko ang maong ko at sinuot iyon ng madali. I still feel wet though. Nilagay ko sa aking balikat ang tuwalya ni Joaquin.

    Bumalik ako sa puno kung nasaan si Ayana. Nag aayos na siya ng gamit habang abala ang lahat sa pagbibihis. Tumulong ako sa kanya para mas mapadali. Kaya laking gulat ko nang tumulong din si Knoxx sa pagliligpit.

    Naestatwa ako nang nakita siyang tinutupi ang dalawang banig na nakalatag. Nang matuwid nang nakatayo ay hinarap niya ako.

    “Tapos na ba? Umuwi na tayo…” malamig niyang sinabi.

    Nagtiim bagang ako. Sandali akong napatitig sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

    “Pinadala ka ba ni daddy dito?” tanong ko.
    Tumaas ang isang kilay niya. “Did your dad tell you I’m coming though?” may bahid na sarcasm ang tono niya.

    Tinalikuran ko siya at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri. Basang basa ito. Salamat sa tuwalya ni Joaquin.

    “Let’s go, Entice…” may banta sa tinig niya.
    Suminghap ako. Wala yata akong magagawa kundi ang sumama.
    “Iwan mo na ‘yang tuwalya na hiniram mo dito. That’s not your anyway…”

    Sinimangutan ko siya at tinanggal ang tuwalyang nakapalupot sa aking leeg. Bumalik ako sa kay Ayana at nilapag ko sa taas ng banig ang tuwalya ni Joaquin. Saktong tapos na silang magbihis kaya pwede na akong magpaalam.

    Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Joaquin nang palapit na siya sa amin. “Uuwi ka na?” sabay tingin niya sa tuwalya.
    “Oo, Joaquin. Salamat sa tuwalya ‘tsaka sa t shirt. Iuuwi ko ito bukas…” sabi ko.
    “Walang anuman…” malamig niyang sinabi.
    “Salamat ha?” isa-isa ko silang tiningnan. Hindi pa ata natatapos si Drixie at Heather kaya sinigawan ko na lang. “Drixie, Heather! Salamat! Mauuna na ako!
    “Entice? Sige sige! Ingat ka!” sigaw ni Heather.

    Nilingon ko si Ayana at niyakap bilang pasasalamat. Nang humarap na ulit ako sa naghihintay na si Knoxx ay nagpatuloy agad siya sa paglalakad.

    With no turning back, I walked behind him. Nasa kanyang bulsa ang dalawang kamay niya at tahimik niyang tinatahak ang daan patungo sa highway.

    Hindi rin ako nagsalita. Ano naman ang sasabihin ko? Wala akong maisip na topic. Siguro ay ito na ang resulta ng labis labis na pagtatampo! Damn!

    “Nag swimming ka pero wala kang dalang damit?” pauna niya nang natanaw na namin ang Wrangler.
    “Biglaan kasi kaya ganoon.”
    “You didn’t plan on swimming today, huh?”
    “I didn’t…” My plan was still to go to your house. But…
    “Pero bakit ka sumama?”

    Binuksan niya ang pintuan para sa akin. Imbes na manatili ang mga mata ko sa kanya ay lumipat ito sa pintuan. Damn it! Bakit bigla kong napapansin ang maliliit na gesture?

    “Kasi… mukhang masaya,” wala sa sarili kong sinabi.
    Tumango siya. Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya and then I saw him bite his lower lip. “Get in now…”

    Pumasok ako sa loob ng Wrangler. Akala ko isasarado niya na ang pinto kaya nagulat ako nang nanatili itong bukas. Nakahawak siya doon at ang isang kamay ay nasa gilid ng upuan ko.

    “Kaya wala kang damit at nanghiram ka lang?”
    “Well… I don’t have a choice. I don’t mind wearing just the flannel polo shirt, though. Hindi naman ako maarte. But I’m glad someone gave me a shirt to use.”

    Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya. I am not sure if he’s angry or frustrated… or both.

    Hindi parin siya gumalaw kung nasaan siya. Nagtataka ako at kinakabahan rin. I can’t explain what I’m feeling. I shouldn’t be happy for this simple, stupid thing but, damn it, I am.

    “Hindi na ako pumunta muna sa inyo. Pumunta ako kahapon, wala ka naman at si Lumi lang ang naroon.”

    Nanlaki ang mga mata niya. Bahagyang natigilan at hindi nakapagsalita. His eyes lingered to me like I’m some puzzle he wants to solve.

    “Pumunta ka kahapon sa bahay?”

    Nahihiya naman ako ngayong tumango. What the hell is this?

    “You didn’t tell me. Akala ko di ka pupunta…”
    “Pumunta ako, nandoon si Lumi… Sabi niya…” Marami siyang sinabi. “… nasa plantation ka.”
    “Oo. Because you don’t usually visit on Sundays so…”
    “Andon parin pala siya? I thought you said she’s just sleeping overnight? Hindi ko alam na overnight din pala the next day…”

    Shit! Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

    “She’s not feeling well… so…”
    “Yeah… Sabi nga niya…” hindi na ako makatingin kay Knoxx.

    Nagulat ako nang marahan niyang giniya ang pisngi ko sa kanya para magkatinginan kami. Umirap ako at nag iwas ulit ng tingin. Ayaw ko siyang tingnan sa mga mata.

    Humalakhak siya. Iyon pa ang naging dahilan kung bakit ako napatingin. Nakangisi siyang nakatitig sa akin. Para bang may malalim na iniisip.

    “Don’t think too much about Lumi. She’s just my friend…”
    Umirap ako. “Yeah… Like close friend. You’re friends since forever and you just met me…”

    Bigla akong nahiya sa mga pinagsasabi ko lalo na noong humalakhak ulit siya. Sa sobrang init ng pisngi ko, pakiramdam ko nilalagnat na ako.

    Marahan niya ulit na giniya ang mukha ko sa kanya pero nanatili ang mga mata ko sa labas. I don’t want to look at him.

    “Entice…” tawag niya.

    Crap! Kahit anong pilit ko, napapatingin talaga ako sa kanya.

    Nanlaki ang mga mata ko. Bumaba ang isang kamay niya at hinawakan ang kamay ko. Ang init ng palad niya. Natigil ako sa paghinga nang yumuko siya at nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

    He gave me a soft and hot kiss. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. Nang bumitiw siya sa halik ay sobrang lapit niya parin sa aking mukha. Ang paghinga niya ay ramdam na ramdam ko sa aking labi. He licked his lips. Nakatitig ako sa kanya ngunit siya’y nakatingin sa aking labi.

    “Your lips are cold. We should go home…” his voice was husky.

    I licked my lips too. Umangat na ang tingin niya sa akin ngayon. Ngumiti siya at umiling bago binitiwan ang kamay ko at sinarado ang pinto.

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Don’t. Make. Me.

    I am extremely quiet the entire drive. Sinasagot ko lamang kung may tanong siya. It was a weird feeling.

    “You did not answer my calls yesterday…” aniya.
    “Uhm… Nakatulog agad ako pagkauwi…”
    “And you did not answer my calls this afternoon,” aniya.
    “I left my phone. Tinanghalo ako ng gising kaya nagmadali ako. You called me this morning?”

    It was weird. Hindi naman siya tumatawag tuwing umaga. Nilingon ko siya at nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada. Palapit na kami sa mansyon.

    “Yeah…”
    “Skype?” I asked.
    “No… Your number…”

    Natahimik ako. May number siya sa akin? Gusto ko na tuluy’ng i check ang cellphone.

    “You have my number?” hindi ko na napigilan.
    “Yeah. I… got it from your phone.”

    Lihim akong napangiti. Hindi niya nilagay ang numero niya sa cellphone ko pero kinuha niya naman iyong akin.

    “So… how did you find me?” tanong ko.
    “Nakausap ko si Mang Rene kanina noong pumunta ako sa inyo.”
    “Pumunta ka sa amin?”

    The car slowed down. Lumiko ito sa gate ng aming mansyon at tuluyan ng pumasok. How I wish the ride was longer.

    “Yeah. Hindi ka pumunta sa amin, e.” Sumulyap siya sa akin.

    Uminit ang pisngi ko. So he really did it! My dad did not ask him to find me!

    Nanatili akong nakatitig sa kanya nang tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Bumaling siya sa akin.

    “By the way, tomorrow, if you have plans on going to our house, huwag mo nang ituloy.”
    Ngumuso ako. “Bakit naman?”
    “Ako na lang ang pupunta dito…” He looked away.
    “Talaga? Ng anong oras naman?”
    “I’ll be here before you’re home from school…”
    Ngumisi ako. “Talaga? O bakit ‘di na tayo sa bahay n’yo?”
    “It’s been two months since you’re visiting my home. Aren’t you bored?”
    Umiling ako. Ganoon din siya.
    “Huwag ka nang pumunta sa bahay namin. Ako na ang pupunta dito…”
    Para akong alipin sa kanya kung maka sang ayon.

    Kaya iyon ang nasa utak ko habang nasa eskuwelahan sa sumunod na araw. Magmamadali ulit akong umuwi dahil maghihintay si Knoxx sa akin doon.

    “Nakapag review na ba kayo?” tanong ni Heather pagkatapos ng pang huing klase.

    Mabilis ang hakbang ko patungong library. Gagawin ko ang parte ko sa group work ngayon at ibibigay ko sa kanila. Ang lahat ng assignments at pagrereview ay sa bahay ko na gagawin.

    “Magrereview pa lang ako…” ani Drixie.
    “Gusto niyo mag group study sa amin?” tanong ni Ayana sa maligayang tono.
    “Pwede?” lumapit kaagad si Susie, excited.

    Maiiwan ko sila kung mas lalo pa silang bumagal. Mabilis ang lakad ko. Pati ang pagliko sa library para lang makagawa na ng mga kailangang gawin.

    “Entice, nagmamadali ka na naman?” tanong ni Heather.
    “May gagawin kasi ako sa bahay…”

    Nagkatinginan sila. I know what they’re thinking but I can’t help this anymore. Anyway, hindi ako effective pag group study. Hindi ako makaconcentrate. Magiging black sheep lang ako sa kanila kapag sumama ako.

    “Hindi ka sasama kina Ayana? Iiinvite namin sina Joaquin.”

    Kinuha ko kaagad ang librong kailangan at mabilis na nagsulat sa yellow pad paper. Umiling ako. I’m good at multitasking, though.

    “Hindi na muna. Mas gusto ko kasing mag isang mag review…” sabi ko habang nagsisimula nang magsulat.
    “Asus! O siya… sumama ka naman kahapon!” ani Drixie.

    Hinayaan nila ako. Hindi pa sila nagkakalahati sa group work ay natapos na ako. Iniwan ko ang nagawa ko kay Heather at nagpaalam na sa kanila. Mabilis din akong nakaalis doon dahil abala ang lahat sa school works.

    Dumiretso ako sa labas ng school at nang nahanap si Manong Rene ay pumasok na ako para makauwi na. Sa loob ng sasakyan ay hinagilap ko na ang aking cellphone. I saw one text from Knoxx.

    Knoxx:
    I’m here…

    Para akong baliw dahil sa laki ng ngiti. Gusto ko na lang bilisan ni Manong Rene nang makauwi na ako at magkita na kami ni Knoxx.

    Ako:
    Pauwi na ako. 😀

    Sa byahe ay naisip ko kung ano ba talaga itong namamagitan sa aming dalawa. I don’t want to assume anything but I know he’s not treating me like a friend anymore. I mean, it has got to be more than that, right?

    Natatakot nga lang akong i point out iyon dahil baka ihinto niya ang lahat ng ito. I’m happy we’re like this. I can’t believe I am even content. But then I know we need a definition. Sooner or later, my parents would realize it. Lalo na ngayong si Knoxx na mismo ang bibisita sa akin sa amin.

    Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng bahay. Sa hagdanan ay naroon si Knoxx, kausap si daddy. Tumago si Knoxx sa sinasabi ni Daddy at tinapik naman ni Dad ang balikat nito. Sabay silang napatingin sa sasakyan.

    Lumabas ako, malapad ang ngiti.

    Una kong sinalubong si Daddy para makahalik sa pisngi. Pagkatapos ay nilingon ko si Knoxx sa tabi. Naka kulay dark grey t shirt at maong pants siya. Damn, he looks so good, really.

    Tumikhim si Daddy. “Pupunta ako ng rancho. Ang mommy mo ay nasa rancho, susundan ko lang. Ang lola mo, kasama ni Manang Leticia sa kusina, nag aayos ng merienda.”
    Tumango ako kay Daddy.
    “Well, then… I should leave you two?” sabay tingin niya kay Knoxx.
    Tumango si Knoxx. “Okay, Tito…”

    Pinagmasdan ko ang paglayo ni daddy sa amin. Nang namataan ng kanyang mga tauhan ay sumama na rin sila kay Daddy. Nang tuluyan na kaming mapag isa ni Knoxx ay inimbita ko siya sa loob ng aming bahay.

    “Pasok ka…” sabi ko.

    Sumunod siya sa akin. Iginiya ko siya sa sala at tinuro ko ang sofa sa kanya.

    “You can stay here while I change…”
    Tumango siya ngunit kitang kita ko ang kapilyuhan sa kanyang mga mata.
    “Bababa din ako..”
    “Okay. I’ll wait here…”

    Mabilis kong tinakbo ang grand staircase namin para lang makadiretso sa aking kwarto. Nang nakarating naman ako ay nagmadali ako sa pagbibihis. Dumiretso kaagad ako sa shower. I need a quick bath. I’ve been studying like mad since 7:30 this morning!

    Nang tapos na ako sa pagbibihis ay kinalma ko na ang sarili ko. Hinagilap ko ang mga libro at ballpen. I know we should be doing other things but that would be weird. Ano naman ang gagawin namin ni Knoxx sa bahay? At isa pa, marami akong dapat pag aralan kaya ito muna ang uunahin ko.

    Pababa ako sa hagdanan nang namataan ko si Lola na nakikipag usap kay Knoxx. May merienda na sa lamesa sa sala.

    “Pagpasensyahan mo na talaga ang apo ko… Mabuti naman at nagkakasundo kayong dalawa…” ani Lola.
    “Ano ‘yan, La?”

    Halos mapatalon siya nang narinig ako. Nilingon niya kaagad ako. Sinalubong ko siya ng yakap.

    “Wala! Naku! Kinausap ko lang si Knoxx dahil mamaya kinukulit mo na siya…”
    Tumawa si Knoxx. “Kinukulit nga po…”
    I playfully frowned at him.
    “Kaya nga, pasensya na rito, Knoxx…”
    “Not a problem, Ma’am.”
    “I’ve been a very good girl, Lola,” sabi ko.
    Tumawa lamang si Lola. “Good but spoiled, unfortunately.”
    Mas lalo akong sumimangot. I’m not spoiled!
    “Siya, sige… Iwan ko na kayo dito. Feel at home, Knoxx, ‘tsaka dito na rin kayo mag hapunan. Mamaya pa ang balik ng mommy at daddy mo, Entice, dahil marami silang inaayos sa rancho…”
    Tumango ako at bumitiw na kay Lola. “Sige po…”

    Nagkatinginan kami ni Knoxx. We’re now left alone in our living room. Nasa lamesa ang mga pagkain pati na rin ang mga libro ko.

    “Exams coming?” he asked.
    “Yup… And… I have so many homeworks.”

    Nagkibit ako ng balikat. Tinapik niya ang tabi niya sa sofa. Bigla akong nahinto. He’s asking me to sit beside him. Not that hindi ko pa iyon nararanasan. I am so willing to sit beside him all the time but this is the first time I saw him ask me!

    “Huh?”

    Tinapik niya ulit ang gilid ng inuupuan niya.

    “Let me help you…”

    Napalunok ako at napatango. Para akong lumulutang habang palapit sa kanya. Lalo na nang naupo na ako sa kanyang tabi.

    Siya na mismo ang nagbuklat sa aking mga libro at notebook. Am I permanently stunned because of that? Damn!

    “Alin dito?” nilingon niya ako.

    Napatingin ako sa kanyang labi. All I think about was his kiss last night. Pinindot niya ang ilong ko.

    “Concentrate, Entice! Hindi tayo matatapos dito pag ganyan ka…”
    Humalakhak ako. “Sorry… Okay…”

    Tinulungan niya ako sa Agri Econ. Pati sa pag rereview ay tinuruan niya ako.

    Araw-araw simula noon ay ganoon ang eksena. Lagi akong inspirado sa pag aaral dahil siya ang nagtuturo sa akin. Nakakahiya pag hindi ko makuha kaya sobra sobra ang pagsisikap ko na matuto.

    “Bukas nga pala…” panimula ko sa sasabihin.

    Bigo ako pero wala akong magagawa. Tapos na ang midterms at malapit na ang finals. May group work kami para sa finals at matatagalan ako para tumulong sa groupmates kong sina Joaquin. Nahihiya na nga ako dahil pagkatapos ng klase, binibigyan ko lang sila ng written output at hindi na tumutulong sa paghahanda ng kahit ano.

    “Baka matagalan ako sa pag uwi kasi… uh… may group work kami,” sabi ko.
    “What time?” he asked.
    “I don’t know. Maybe 6 PM? Hindi ko masasabi kasi magdedepende iyon sa groupmates ko. Nahihiya na rin kasi ako, araw araw wala ako sa meetings.”
    Tumango si Knoxx.
    “Gusto ko, bisitahin na lang kita ng gabi sa inyo?”

    It’s been almost three weeks since my last visit. Kahit Sabado, hindi ako nakakabisita sa kanila dahil umaga palang nasa rancho na siya.

    “Huwag na,” maagap niyang sinabi. “Susunduin kita sa school. I’ll wait for you while you’re doing your thing…”
    Nanlaki ang mga mata ko. That’s actually a better idea pero nakakahiya naman! “Really?”
    “Yes. Saan kayo gagawa ng group work?”
    “Madalas sa cafeteria sila gumagawa kaya baka doon.”
    “Okay… I’ll text you so don’t forget your phone…”

    Totoo siya sa kanyang sinabi. Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay nagtext na siya sa akin.

    Knoxx:
    I’m in your school. Where are you?

    Ako:
    Papunta na kami sa Cafeteria.

    “Entice, sasama ka na ngayon?” tanong ni Joaquin.
    Tumango ako. “Syempre! Tara na!”

    Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa kaba. Ayan na naman ang pakiramdam na ito. Talaga yatang hindi na ako makakalmante pag si Knoxx na ang pinag uusapan.

    Nang narating namin ang cafeteria, nilatag kaagad ng mga kaibigan ko ang mga libro. Ang dalang Macbook ni Joaquin ay naka set up na rin. Pati ang mga laptop ni Heather, Henry, at ni Ayana.

    Ginala ko ang mga mata ko sa cafeteria. Napalunok ako nang nakita ko si Knoxx, kararating lang doon. He’s alone. Nagkatinginan kami. I don’t know how to react. I can’t just jump on to him!

    Kitang kita ko ang halos pagkabali ng mga leeg ng mga babae sa cafeteria. Kahit na si Heather at Drixie ay napatingin sa lamesa sa likod, kung saan siya uupo.

    “Entice?” bumalik ang tingin ni Susie sa akin.
    “H.. Hmm?”
    “Sundo mo ulit?” tanong n’ya.
    “Hindi… I mean… Oo…”

    Nagkatinginan kami ni Joaquin. Kumunot ang kanyang noo sa akin. Tila ba tinitimbang ang aking ekspresyon habang pinagmamasdan niya ako kaya inabala ko ang sarili ko sa mga libro.

    “Sinusundo ka na?” may katigasang tanong ni Joaquin.
    “Hindi… Uh, may ginagawa pa tayo, ‘di ba?” I said playfully.
    “Anong nangyari kay Mang Rene? Ba’t siya ang sumusundo sa’yo?”
    “Ah… Eh… Siguro sinusundo si Mommy o Daddy. Hindi ko alam.”
    “Hindi naman driver ‘yan ah? Ba’t ka laging sinusundo?” Kumunot ang noo ni Drixie at lumiit ang kanyang boses.
    “Hmm. Magkaibigan kami…” I said simply.

    Nakatingin parin si Joaquin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Parang binabasa niya ang nasa isipan ko. Iniwas ko na lang ang tingin niya sa akin. Nilipat ko ito kay Knoxx.

    Kitang kita kong nakakunot ang noo ni Knoxx sa kabilang table. Nakatingin siya sa akin at nilipat niya ang tingin kay Joaquin. Binalik niya ulit sa akin at nagtaas siya ng isang kilay na parang nagtatanong.

    “Sige na! Bilisan na natin ‘to…” sabi ko sabay tingin sa mga kaklase ko.

    My phone beeped afterwards. It was a text from Knoxx!

    Knoxx:
    Why is he always looking at you?

    Nilingon ko si Joaquin. Nagkatinginan kaming dalawa kaya binalik ko ulit ang aking mga mata sa cellphone.

    Ako:
    Nagtataka lang kung ba’t ikaw ang sumusundo sa akin. Bakit hindi si Manong Rene…

    My phone beeped again after a few minutes. Nahihiya na ako dahil nandoon nga pero text naman nang text.

    Knoxx:
    He’s got a problem with that?

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang kasamaan sa kanyang mga mata. It’s like he’s pissed and he wants to play. I don’t like it. Joaquin is a good friend to me. Wala siyang ginagawang masama.

    Sinimangutan ko si Knoxx bilang pagbabanta. Umangat ang gilid ng kanyang labi. He mouthed something. I didn’t get it at first.

    “Ha?” napatanong ako.

    Kinagat niya ang kanyang labi at inulit ang sinabi. Kahit hindi ko naririnig ay uminit ang pisngi ko.

    Oh my gosh! It was… “don’t. make. me. jealous.”

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    Trust Me

    “I’ll leave you with a take home exam…” anang panghuli naming professor.

    Sa araw na ito, dalawang oras dapat kaming magbababad sa Agri Econ pero ipinagpaliban ito gaya ng mga naunang mga subjects.

    “The faculty understands your schedule because of the upcoming Intramurals. We all hope you enjoy the sports activities!” Sabay ngiti ng prof namin.
    “Yehey!” Naghiyawan kaming lahat.

    Wala akong sinalihang paligsahan kahit na panay ang lakad nilang sumali ako sa swimming, tinanggihan ko parin. Hindi ako masyadong interesado.

    “Manood tayo ng practice nina Joaquin!” anyaya ni Drixie.

    Ala una pa lang at wala na kaming pasok. Inisip kong sundin ang gustong mangyari ni Drixie ngunit nawalan din agad ng gana nang malaman kong may practice din si Heather at Susie sa softball.

    “Titingnan ko kung saan ako. Inuuhaw ako, pupunta na lang muna ako ng cafeteria…”

    Nagkahiwa-hiwalay kami dahil na rin sa busy’ng schedule. Bumili ako ng maiinom sa cafeteria at nag isip ng pupuntahan. Sina Joaquin ba o sina Heather?

    Tulala ako habang tinitingnan ang aking cellphone. I sent a message to Knoxx. May naisip ako pero hindi pa ako sigurado kung tama bang gawin iyon.

    Ako:
    Hi! What are you doing?

    Lumipas ang limang minuto at hindi siya nagreply. Hinagilap ko ang aking gamit at tumayo na.

    It’s boring here. Mas mabuti pang umuwi at mamasyal kina Knoxx. Ilang linggo na rin akong hindi napapadpad doon dahil siya parati ang pumupunta sa amin.

    Sigurado akong sa mga oras na ito nasa kanila pa siya.

    Wala pa ang aming sasakyan kaya pumara ako ng tricycle. Mabuti na lang at mayroon agad. SIguro dahil marami na rin ang umuwi, tulad ko.

    Tumigil ito sa tapat ng matayog naming gate. Binati ko ang mga guards at nagulat pa sila sa maaga kong pagdating.

    “Early dismissal po kasi… Hindi ko na natext si Manong Rene kaya nag tricycle…” paliwanag ko.

    Nilakad ko papasok sa mansyon. Pagkarating sa bahay ay halos walang tao. Siguro ay nasa farm ang lahat. Si Lola at Manang Leticia ay pareho sigurong nag si-siesta.

    Hindi na ako nagbihis dahil naka maong at boots na rin naman ako. Dumiretso ako sa kabalyerisa upang makuha si Abaddon. Pumayag naman ang nagbabantay. Hindi tulad noon na pahirapan pa.

    “O, saan ka pupunta ngayon at bakit ka napaaga?” tanong ni Pedro.
    “Ah! Mamamasyal lang ako. Napaaga kasi bukas ang simula ng Intramurals. Early dismissal…”

    Pagkatapos ng kaonting paliwanag ay iginiya ko na si Abaddon palabas ng gate. Suminghap ako at napangiti nang tuluyan nang nakalabas sa gate. Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakakapangabayo ng ganito. Paano ba naman kasi si Knoxx, gustong siya na lang ang bumisita.

    Parang tambol na hinahampas ng galit na drummer ang pintig ng puso ko buong byahe. Ang bawat tanawing nadadaanan ko ay mabilis na lumampas lamang sa aking mga mata. Tutok ang araw kaya minadali ko ang byahe.

    Nang palapit na sa bahay nina Knoxx ay binagalan ko ang takbo kay Abaddon. Naisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya kapag sinorpresa ko siya ngayon.

    Tinali ko si Abaddon sa isang puno sa labas lang ng bahay ni Knoxx. May ingay kasi akong naririnig sa labas ng bahay nila kaya pakiramdam ko nandoon siya.

    Napangisi ako habang tinatali si Abaddon. Magugulat si Knoxx, tiyak!

    Pagkatapos kong itali si Abaddon, naglakad na ako palapit sa gate na nakabukas. Sumungaw ako para tingnan kung ano ngang mayroon.

    Noong una hindi ko pa lubusang napansin na may tao. Kalaunan napawi ang ngiti ko nang makitang naroon si Lumi.

    Nag ca-carwash silang dalawa ni Knoxx sa Wrangler. Bakat ang bra ni Lumi sa puting spaghetti strap na suot niya. May kaonting bubbles sa kanyang buhok. Naka topless naman si Knoxx habang pinupunasan ang salamin ng sasakyan.

    Tinapunan siya ni Lumi ng bula. Umigting ang panga ni Knoxx at pabirong iritado ang ekspresyon. Tumawa si Lumi at inulit pa ang ginawang pagsaboy ng sabon kay Knoxx.

    Tumigil si Knoxx sa pagpupunas sa kanyang sasakyan at mabilis na tumakbo patungo kay Lumi. Tumakbo si Lumi pero huli na ang lahat.

    Isang nakakabinging tili ang bumalot sa buong lugar. Nagtawanan ang dalawa nang yakapin siya ni Knoxx galing sa likod. Nagpumiglas si Lumi kaya binuhat siya ni Knoxx.

    Tumigil ako sa pagtingin. Nagtago ako sa gate at bahagyang natulala. Unti unting sumibol ang sakit sa puso ko. Parang bahang rumagasa sa aking utak ang lahat lahat.

    Kaya ba hindi niya ako pinapapunta dito dahil dito na nakatira si Lumi? Kaya ba ayaw niyang magpunta ako dito? Kung ganoon, bakit hindi niya na lang sinabi ng diretso sa akin? Bakit kailangang mag lihim?

    They were friends even before I came. There must’ve been something deeper between them. Something beyond what I’m feeling. Kaya ba hindi iyon nabanggit ni Knoxx sa akin?

    Naririnig ko ang mas lalong paglakas ng tili ni Lumi. Hindi ko na kayang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob. Hindi ko rin kayang magpakita at magpahuli. Bigo at talo ang nararamdaman ko ngayon, ang ipakita sa kanilang natalo ako ay mas lalo lamang magpapabigo sa akin.

    Bumaling ako kay Abaddon. Mabilis kong kinalas ang kanyang tali. I feel so stupid! Hindi ko alam kung paano ako umasa at nag ilusyon ng ganito. Knoxx never told me we’re something. I’m not even sure if we’re friends! At ako, nag ilusyon at umasa! There’s someone else more deserving of my illusions and it’s Lumi. Matagal na silang magkakilala at magkaibigan. Marami na silang napagdaanan! At tulad ng sinabi ni Lumi, hindi naman talaga ako gusto ni Knoxx! Nakikisama lamang siya sa akin dahil nirerespeto niya si daddy.

    Sumampa ako kay Abaddon. Nang ibaling ko siya sa daanan pabalik ay nagulat ako sa nakita ko. May isa pang lalaking sakay rin ng kabayo. Naka angat ang gilid ng labi nito. He finds something amusing.

    Who is this man and why is he here?

    Tumikhim ako at kinalma ang sarili. Pakiramdam ko pulang pula ang mga mata ko dahil sa nag aantabay na luha. Mabuti na lang at hindi ako tuluyang naluha. Ikakahiya ko pa iyon dahil may ibang tao pala rito!

    “You are?” tanong niya sabay taas ng kilay.

    That move reminds me of someone. I just couldn’t point who or what but…

    “I… I’m Entice…” nanginig ang boses ko.

    Damn it!

    Lumapad ang naglalarong ngisi sa kanyang labi. Lumakas ang tawanan nina Knoxx at Lumi kaya mas lalo akong kinabahan. I whipped Abaddon’s back so he can now start galloping out of that place.

    “Oh! Where are you going?” matigas na Ingles ang banggit niya sa mga salita.

    Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy sa pagkabig si Abaddon palayo doon. I feel shitty. Hindi ko alam kung tama bang mainis ako sa kahit kanino ngayon. Siguro ang tamang kaiinisan ko lang ay ang sarili ko. Ako ang gumawa nito sa sarili ko. Ako ang umasa!

    “Entice, where are you going?”

    Nakasunod pala ang lalaking nakausap ko kanina. Tinabi niya ang kanyang kulay brown na kabayo kay Abaddon habang nagpatuloy ako sa pag alis. Hindi na kasing bilis ng takbo ni Abaddon kanina noong papunta pa lang ako dito.

    Sumulyap ako sa lalaki. Nakatingin siya sa akin kaya binalik ko ang tingin sa daanan.

    His thick eyebrows and deep set eyes reminds me of someone. His narrow nose and angled jaw is a head turner. Malaki ang kanyang pangangatawan at hula ko’y nasa late 20s na siya or early 30s. I don’t know. I am not sure. I should be scared now because of this stranger but I’m not. Something’s telling me that I shouldn’t be scared of him. Anyway, masyado pa akong gulantang sa nakita ko sa bahay ni Knoxx. Nag lalakbay pa ang isip ko doon.

    “Who are you and why are you following me?” tanong ko nang di siya tinitingnan.

    Humalakhak siya. Tumindig ang balahibo ko sa kanyang halakhak. Bahagya kong binilisan ang pagpapatakbo kay Abaddon. Why is he so amused with me? Wala namang nakakatawa!

    “I’m Max, by the way. I’m sorry hindi ko naipakilala ang sarili ko. If you would just stop the horse and let me chat with you a little…”

    Hindi ko siya sinunod. Imbes, mas lalo kong binilisan ang takbo ni Abaddon. Max? I don’t know anyone in that name here.

    Pumantay ang kanyang kabayo kay Abaddon. Lumihis ako ng daanan para maiwala siya. Pumasok ako sa tubuhan ngunit sumunod siya. Napagod ako sa pilit na pagbilis ng takbo kaya hinayaan ko ang tamang kabig ni Abaddon.

    Ginala ko ang mga mata ko sa mga trabahanteng napapalingon sa amin. Sa ilalim ng sikat ng araw ay nagtatrabaho ang mga tauhan ni daddy at ang presensya ko ang tanging naging dayuhan sa kanilang mga mata.

    Nasa gilid ko na ulit si Max at ang kanyang kabayo. Sa wakas ay nilingon ko na siya para kausapin siya ng maayos.

    “Taga rito ka?” tanong ko.
    “Uh-huh. Ikaw?”

    Taga rito? Sigurado ba siya? Ngayon ko lang siya nakita dito. At sa hitsura at kisig niya, hindi ko maaaring kaligtaan ito.

    Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok. He really reminds me of someone. At pakiramdam ko isang kalabit na lang saang ayon na ang buong sistema ko sa sinasabi ng aking utak. Na guwapo at matipuno ang isang ito.

    “Taga rito…” sagot ko.
    “Oh? Hindi pa kita nakikita dito. Ngayon lang kita nakita.”
    “Ilang buwan pa lang ako sa Alegria at hindi naman ako gumagala…” sabi ko.

    Nagkatinginan kami. Naisip ko kung uuwi ba ako o magpatuloy sa pagsusuyod sa tubuhan. Ilang minuto na lang ay magagawi na si Knoxx sa bahay para antayin ako. Ayaw ko munang umuwi para doon. Hindi pa ako handa. I guess I should just forget about what happened, then? Dahil tunay namang walang kasalanan si Knoxx o si Lumi. Ako lamang ang may problema dahil gusto ko si Knoxx. Ako lang iyong gumagawa ng problema dahil lang sa nararamdaman ko.

    “Pero nagawi ka doon kanina?” tanong ni Max.

    Doon?

    Marahas ko siyang binalingan ulit. Bakit nga pala siya nandoon sa bahay nina Knoxx?

    “Bakit ka nga pala nasa bahay ni Knoxx Montefalco?” tanong ko.

    Humagalpak siya sa tawa. Tinigil ko si Abaddon at hinarap ko siya. Bukod sa gusto kong magpahinga ng saglit, siguro ay hindi naman masama kung makikipag usap ako sa taong ito.

    Bumaba ako sa kabayo. Tumigil din ang kanyang kabayo at hinarap ako. Tinitingala ko siya, hindi parin natatapos sa kanyang tawa.

    “What’s funny?” tanong ko.
    “Nothing…” Umiling siya pero kitang kita ko na may nakakatawa talaga para sa kanya.

    Sinuklay ko ang buhok ni Abaddon gamit ang aking mga daliri. Hinila ko siya sa mga baldeng tubig na nakita ko para makainom siya ng tubig.

    “The question should be, why are you in my house…” ani Max.

    Kumunot ang noo ko sabay tingin sa kanya. In his house? Alin doon ang bahay niya? Bukod sa bahay ni Knoxx ay wala nang ibang naroon sa malapit!

    Bumaba siya sa kanyang kabayo at iginiya na rin niya iyon sa baldeng tubig kung saan umiinom si Abaddon.

    “Maximo Navarro… You are Entice…” naglahad siya ng kamay at nanliit ang mga mata niya. “Esquivel?”
    Napalunok ako. Sanay na ako na maraming nakakakilala sa akin dito sa Alegria pero hindi ko inasahan na makikilala ako ng kamag anak ni Knoxx. “Entice Ralene dela Merced Esquivel…” kumpleto kong sagot.
    He pursed his lips.
    “Tiyuhin ka ni Knoxx?” tanong ko.
    Nagtaas siya ng kilay. That’s why he’s familiar! “Yup… Anong ginagawa mo sa bahay ko kanina?”
    Umiling ako. “I just want to… uh… you know…” Bumaling ulit ako kay Abaddon. “Visit… Pasyal lang… ganoon…”
    “Pasyal? Sa bahay? Bakit hindi sa mga tanawing ganito ka mamasyal?” nilahad niya ang buong tubuhan namin. “Sa bagay… maaaring sawa ka na sa ganito…”
    “Ikaw? Saan ka galing kanina noong… natagpuan mo ako sa labas ng bahay?”
    “Went to our plantation to check it out. Nothing’s changed…”

    Tinungtong niya ang isang paa sa bato at tinukod niya ang kanyang siko sa tuhod. He looked like a hot cowboy. Kulang na lang ng sumbrero. This is where Knoxx got his mysterious genes, huh?

    Lumapit ako sa kanya. Hindi na masyadong mainit at gumuguhit na sa langit ang kung anu-anong kulay. Hudyat na hapon na at malapit nang lumubog ang araw.

    Sinubukan kong umakyat sa isang bato. Dahil sa putik na naani ko kanina sa labas ng bahay nina Knoxx ay nadulas ako. Mabilis niya akong nahawakan sa baywang. Isang kamay lang at halos walang pwersa pero napatayo niya ako.

    “Careful, little girl…” aniya at nanatili ang kanyang kamay sa aking baywang.
    “Sorry…” Tumungtong ako sa bato.
    “There…” Tinanggal niya ang kamay niya nang nakitang maayos na akong nakatungtong doon.

    Palihim ko siyang tiningnan habang tinitingnan niya ang langit. Kamukhang kamukha niya si Knoxx. Only that, Knoxx has deeper set or eyes. They both have thick eyebrows. Manipis ang labi ng lalaking ito at kay Knoxx ay tama lamang at mapupula. His skin is also bronzer. Higit na mas maputi si Knoxx kumpara sa lalaking ito.

    “Gusto mong mamasyal?” tanong niya.
    “Uh…” Nagpanic ako nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
    “Bring your horse… let’s chase the sun till it sinks…” Kumindat siya at bumalik sa kanyang kabayo.

    In one swift motion, sumampa siya sa kulay brown na kabayo. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

    “Ano pang hinihintay mo? You don’t trust me?” tumaas ang kanyang kilay.
    Napalunok ako at nagkukumahog na pumunta kay Abaddon para makasampa na rin.

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Mutual

    Hinahabol ni Abaddon ang kabayo ni Maximo. Ang bilis niyang magpatakbo. Pakiramdam ko magaling sya sa equestrian.

    Lumagpas na kami sa aming lupain. Habang tumatakbo ay ginagala ko ang mga mata ko sa patutunguhan namin. I’ve never been here before! Hindi ko inakalang may parte sa Alegria’ng hindi ko pa naeexplore. Well, I must be mad thinking that I’ve been to all corners of this place.

    Sampung minuto ko nang pinapatakbo si Abaddon, hindi parin tumitigil si Maximo sa kanyang kabayo. Lumagpas na kami sa isang malawak na ricefield at plantation ng manga. Pakiramdam ko tuloy nag te-trespass na kami ng ilang farms.

    Gusto ko nang sigawan si Maximo nang lumagpas na ng labing limang minuto ang byahe. Pero nang natanaw ko ang bangin kung saan nanggaling ang kumikinang na sinag ng papalubog na araw ay pinigilan ko ang sarili ko. Damn! Ito ‘yon!

    Bumagal ang takbo ng kanyang kabayo. Ganoon din ang ginawa ko kay Abaddon. When he was near the cliff, he stopped completely. Nilingon niya ako at ngumisi siya.

    Ang mga mata ko ay nasa sinag parin ng araw. Tinigil ko si Abaddon nang nakalapit na at natanaw ko ang napakalaking rice field at tubuhan sa baba ng bangin. Sa malayo ang mga bulubunduking maaaring sakop parin ng Alegria. Sa lambak ay sumungaw ang papalubog na araw.

    “You look so stunned, hindi ka pa nakapunta dito?” tanong niya.

    I cleared my throat. Noong una akala ko kilala ko na ang Alegria. Noong una, akala ko kabisado ko ang Alegria. And here now is a scene screaming that I actually don’t. I don’t know anything.

    “Is this place still Alegria?” tanong ko.
    He laughed. “Of course!”

    Tumango ako at pinasadahan ng tingin ang malalawak na taniman at bulubundukin.

    “You think Alegria’s just all about del Merced Dam and Tinago Falls?”

    Hindi ako nakasagot sa panunukso niya sa akin. Alright, I get it. Bata pa lang ako nang umalis kami dito. Ang tanging napuntahan ko ay ang kaharian ng mga dela Merced.

    “You always come to this place?” tanong ko.
    “Yup… I like sunsets…” aniya.

    Binigay ko sa kanya ang aking atensyon. Nanatili naman ang kanyang mga mata sa papalubog na araw. He’s slightly smirking while he’s watching the sunset.

    “Magkapatid kayo ng mommy ni Knoxx?” tanong ko.
    “Yup… Claudine Navarro, his mother, is my sister…”

    Nanatili ang mga mata niya sa araw habang pinapaulanan ko siya ng mga tanong at sinasagot niya ako ng walang pagtataka.

    “Bunso?”
    Tumango siya.
    “Ilang taon ka na?”
    “I’m twenty nine…” Bumaling siya sa akin.

    Halos magdilim na ang kanyang ekspresyon dahil sa tuluyang paglubog ng araw. Pinaharap niya ang kabayong dala sa akin.

    “Let’s go… bago mas lalong dumilim…”

    Sumang-ayon ako sa kanya. Hindi ko naisip ang pagdilim. Ang mga dinaanan pa naman namin ay puro mga taniman na maaaring walang ilaw pag gabi.

    “Ikaw na ang mauna. I don’t like leaving a girl behind…”

    Gusto kong maasar pero hindi ko nagawa. Mas inuna kong inatupag ang pagpapasunod kay Abaddon.

    Mabilis ang takbo ng kabayo pabalik sa lahat ng dinaanan namin. Maximo’s just beside me. Alam kong kaya niyang mauna ngunit hindi niya ginawa. Abaddon continued to gallop with the same speed until we reached our land.

    Binagalan ko na ang takbo. Ganoon din ang ginawa niya.

    “Uuwi ka na?” tanong niya.
    “Yup… Gabi na, e.”
    “I can escort you to your mansion, you know…”
    “Hindi na kailangan…” sabi ko kahit na bahagyang natatakot na.

    Hindi ko alam kung sa kalsada ba ako dadaanan o sa lupain namin. Mas mabilis kung sa lupain ngunit mas safe kung sa kalsada.

    “No… I insist. I find it rude to just leave you alone to go home pagkatapos nating pumunta doon…”
    “Well, if you insist… and wala ka namang ibang gagawin.”

    He smiled.

    Nauna na ako sa pagpapatakbo. Nasa kanang likod ko siya at pinili kong daanan ang mga lupain para mas mabilis ang pagdating.

    “I hope I’m not disturbing you…” sabi ko para mabasag ang katahimikan.
    “I won’t insist if I’m busy, Entice…”
    “Oh! Okay…” Tumikhim ako.

    Lumalamig ang hangin sa taniman kahit hindi pa masyadong madilim. Mabuti na lang at may nadadaanan kaming mga kubo (na pinagpapahingahan ng mga tauhan kapag nag sasaka) at may munting ilaw ang mga iyon.

    “So… Kanina, namamasyal ka sa bahay? Are you a friend of Knoxx?”

    Gosh! That question is a hard one. Ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Am I Knoxx’s friend? I am not even sure…

    “Uh… yeah… you can say that…”
    “Bakit hindi ka tumuloy?” tanong niya na wala ulit akong maisagot. Damn!

    Ilang saglit ang pinalipas ko dahil ayaw kong sagutin ang tanong.

    “Well, I can see that he’s busy…”

    Humagalpak ng tawa si Maximo. Uminit ang pisngi ko.

    “I mean he’s doing something. I don’t want to disturb anyone in any way…”

    Nagpatuloy siya sa pagtawa. Nanahimik na lang ako. Hanggang sa tumigil ang tawa niya.

    “I’m sorry for laughing… So… hindi ka pumasok sa bahay dahil busy siya. Want me to tell Knoxx about it?”
    “Naku! Huwag na! Nakakahiya naman ‘tsaka ayos lang ‘yon! Pwede namang pumunta sa ibang araw.”
    “So… you’ll go to our house tomorrow?”

    The hell! I did not say that and I’m definitely not going, okay? But I won’t say that…

    “Kung hindi busy…”

    Humagalpak ulit siya. I can’t find the humor in my answer but I did not mind. Malapit na rin kami sa mansyon. Tanaw ko na ang mga ilaw ng bahay namin.

    “We’re almost there…” ani Maximo.

    Hindi kami dadaan sa main gate. Sa gilid at mas maliit na gate kami papasok. Mabuti na lang at noong nakita kami ng mga guards ay namukhaan agad nila ako.

    Nagpatuloy kami sa pagpasok. I am not even sure if it’s okay to bring him near our house. Paniguradong magtatanong si mommy, daddy at lola kapag nakita nila akong may kasama. Though I’m pretty sure they know this man…

    Sa kaliwang gilid kami ng bahay dumaan. Ang kabalyerisa ay nasa bandang kanan kaya kinailangan pang dumaan sa harap para makapunta ako doon.

    “Maraming salamat sa paghahatid sa akin…” baling ko kay Maximo nang lumiko na kami paharap ng bahay.
    “No problem. Sa kalsada na ako dadaan pag uwi so… can I pass through the gates?”
    “Of course! Tatawag ako sa mga security guards…” Ngumiti ako.

    His eyes turned to whatever’s in front of us. I was waiting for him to reply but it didn’t came. I traced his vision and I saw who’s waiting on our stairs.

    “Entice!”

    Bumaba si daddy sa hagdanan para salubungin ako. Si Knoxx ay nakapamaywang habang nakatingin sa akin. Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya.

    “Where have you been?”

    Lumipat ang mga mata ni daddy sa kasama ko. Ang kaninang matigas na ekspresyon ay lumambot. Tumawa siya at sabay noon ang pagbaba ni Maximo sa kabayo.

    Tinigil ko si Abaddon para panoorin ang batian nila ni daddy. Sumulyap ako kay Knoxx. Unti unti rin akong bumaba sa kabayo.

    “Maximo! Nakauwi ka pala?” ani daddy at napasulyap siya sa akin.

    Siguro ay pinagtataka niya ang pagiging magkasama naming dalawa ni Maximo. I want to explain but I can’t just butt in. Mukhang tuwang tuwa si daddy sa pagkakakita niya sa binata.

    “Oo, uncle… hindi ako nakapasyal dahil may inatupag ako sa kabilang probinsya…”
    “Kumusta ka na?”

    Dad shook his hands. They looked so close to each other.

    “Mabuti, mabuti. Ikaw, uncle? Malago ang rancho n’yo ah?”
    “Oo!” tumawa si daddy. “Pasyal ka rin madalas dito sa amin.” Tumingin siya sa akin. “You’ve met my daughter?”
    Tumawa si Maximo. “Yes… I found her near…”
    “Near the borders, dad…” naunahan ko siya.
    “At anong ginagawa mo sa dulo ng farm?” Kumunot ang noo ni daddy sa akin.

    Nagtaas ng kilay si Maximo. I don’t care if he thinks I’m a liar. Ayaw kong mapahiya kay Knoxx lalo na’t nandito na siya sa gilid ni dad.

    “Namamasyal lang ako…” Sumulyap ako kay Knoxx na nakakunot parin ang noo habang tanaw ako.

    He damn looked pissed. If he is, then I am too…

    “Malaki na pala ang anak n’yo, Uncle. Noon, musmos pa lamang siya…” Tumawa siya.
    “Yup. Noong nagbibinata ka, kinder pa lang itong anak ko. Did she give you a hard time?” ngumisi si daddy.

    Gusto kong magpasalamat dahil napalitan ang masamang timpla ni daddy nang nakita kung sino ang kasama ko. I was about to butt in when Knoxx stole the spotlight.

    “Tito, tutulungan ko si Entice na iuwi si Abaddon sa kabalyerisa…” aniya sabay tingin sa akin.
    “Sige, sige, Knoxx. Mabuti pa nga…”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Knoxx. Bago pa ako makaapila ay kinuha na ni Knoxx ang lubig at iginiya na si Abaddon palayo doon. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi.

    “Entice, samahan mo si Knoxx!” ani daddy.
    “Opo!”

    Nilahad ni daddy ang mansyon kay Maximo at nag-usap na sila tungkol sa negosyo. Mabilis naman ang lakad ko para maabutan si Knoxx.

    Palapit sa kabalyerisa ay tahimik lamang siya. Wala rin akong sinabi. I don’t know why I’m with him. Kung gusto niyang isoli si Abaddon, edi isoli niyang mag isa. Bakit niya pa ako dinadamay?

    Ginala ko ang tingin ko sa buong kabalyerisa. Walang tao doon. Hindi ko alam kung nasaan si Pedro o ang ibang mga tagapangalaga. Though, I’m sure they can’t be here overnight.

    “You are with?” tanong niya nang naipasok na si Abaddon sa loob.

    Kalmado ang kanyang tinig. Tumikhim ako at pinilit ding maging kalmado. Dinugaw ko ang mga dayami sa sahig na umuuga sa bawat pagtapak ko.

    “Maximo Navarro? Your Tito or something…” nagkibit ako ng balikat.

    Hinawakan niya ang pintuan ng kwarto ni Abaddon. His biceps look strained as his hands gripped the doors tightly.

    “Bakit mo siya kasama?” kalmado parin ang pagkakatanong niya.
    “Because… we saw each other? At gusto niya rin akong ihatid dito?”

    Umirap ako at tinalikuran siya.

    “Why are you turning your back on me? We are talking!” Kalmado parin ang boses niya ngunit nakatakas na ang kinikimkim na iritasyon.

    Humalukipkip ako at bumaling sa kanya. He can’t give me that tone! I did not do anything wrong! Bakit siya magagalit?

    “O hayan! Nakaharap na ako. Ano?” tanong ko.
    “You did not answer my calls! You did not reply to my texts!”

    Hinarap niya na ako. Isang hakbang at nalapit siya sa akin. Isang hakbang lang at abot abot na ang tahip ng aking puso. Ni halos hindi ako makahinga.

    Aatras na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. My heart boomed in every beat. It’s making me feel so uneasy. How could a man affect me this much?

    “Don’t try to step back,” mariin niyang sinabi.
    “Ano ka? Sino s-sa atin ang hindi nag reply! I texted you once, you did not reply. Tapos ako ngayon ang susumbatan mo?”
    “I replied. You’re the one who did not check your phone!”

    Yes. I did not check it. Para ano pa, ‘di ba? Abala rin naman siya. At isa pa, pagkatapos ng nakita ko? Ayaw ko na lang muna. Mabuti na rin iyong ginawa namin ni Maximo, e. At least for a while, I forgot about the stupid problem!

    “You replied after how many hours?”
    “Hindi ka naman nag titext ng ganoong oras, a?”
    “Well, I texted today! And that’s it!” sabi ko.
    “Pagdating ko dito, wala ka! We were worried sick! Sa akin ka lang naman pumupunta kung nawawala ka sa bahay n’yo! Wala ka rin sa Tinago! You’re dad was so worried, Entice!”

    Binawi ko ang aking braso galing sa kanyang pagkakahawak.

    “Pagdating mo dito? Kaya ba ikaw na lang ang pumupunta dito sa amin dahil may tinatago ka sa inyo?”

    Hindi siya agad nakasagot. Nanatili ang tingin niya sa aking mga mata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil napatahimik ko siya o mas lalong maiinis! The fact that he’s speechless means I’m right!

    “Whatever!”

    Tinalikuran ko ulit siya. Hinawakan niyang muli ang aking braso. Hindi niya lang ako hinarap, hinila niya ako patungo sa pintuan ni Abaddon. Isang kamay ang hinilig niya sa pintuan para maharangan ako kung magtangka mang umalis.

    “What do you mean?”
    Umirap ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Humalukipkip ako at hindi nagsalita.
    “I am asking you. What do you mean by that?” tanong niyang muli.

    Hindi ako nagsalita. Parang kinukurot ang puso ko na hindi malaman. Tumingala ako para pigilan ang nag aantabay na luha sa gilid ng aking mga mata.

    Lumapit pa siya lalo sa akin. His arms closing on my shoulders… Pahirapan ang paglunok. Hinding hindi ako magsasalita. Hindi ko sasabihin.

    “Tinatago?” halos pabulong na nang tanungin niya iyon.

    Tumingin ako sa kanya. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nananatili.

    He brushed his lips on mine briefly. Halos mapasinghap ako sa ginawa niya ngunit di ko ginawa. Hell, I won’t let him see how affected I am. Kahit pa alam kong useless iyon dahil alam kong alam niyang sobra sobra akong affected ngayon.

    He licked his lips when he left mine.

    “Talk,” utos niya.

    Hindi ako nagsalita. Iniwas ko lang ang mukha ko sa kanya.

    “I’ll kiss you again if you don’t talk…”

    Matalim ko siyang tinitigan. Damn my pride is in full force but my head is screaming. Huwag kang magsalita Entice! Ano? The hell I won’t let him just kiss me like that after what happened!

    “Why don’t you kiss Lumi instead… Tutal ay naabutan ko kayong kulang na lang maghalikan.”

    Umirap ako.

    He licked his lips again. Nanatili ang mga mata ko sa kanyang labi. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya akong mabuti. Dehado ako dahil alam kong alam niya na halos baliw ako sa kanya.

    “What did you see?” tanong niya.

    Tinulak ko siya. He wants me to go through that pain again? No way!” Kahit na tinulak ko ay hindi man lang siya gumalaw. Hindi siya natinag.

    “Oh yes… That one… probably the only interaction we had that day…” aniya.
    “At tingin mo naniniwala ako, ha? Only interaction shit…” umirap ulit ako. “And anyway, kung marami pa kayong interaction, ayos lang… I’m not saying that you two shouldn’t interact. Crush lang kita, hindi kita boyfriend… kaya wala akong karapatan… So if she’s living with you, it doesn’t matter. My opinion shouldn’t matter to you, too…”

    Nakatitig parin siya sa akin. Sinubukan kong suklian ang titig niya ngunit hindi ko magawa. Nakakapaso.

    “She’s not living with me. But she slept in our house today… Iyon lang. And how many times do I have to tell you that we’re nothing. Asaran lang iyong nakita mo. I’m sorry if you got it wrong, Entice…”
    “Why are you explaining? Kakasabi ko lang. It’s just my opinion-“
    “It matters to me…”

    Natigilan ako. Halos mawala ako sa lalim ng kanyang mga mata. Seryosong seryoso din ang kanyang titig sa akin.

    “And our feeling is mutual, by the way…”

    Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Gustong gustong umangat ang gilid ng aking labi pero pinigilan ko. God damn it, Entice!

    “Oh? Bakit kayo natagalan?” baritonong boses ni Maximo ang narinig naming dalawa galing sa labas.

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22
    Good Night

    Lumayo ako kay Knoxx dahil sa pagpasok ni Maximo doon. His broad shoulders blocked my sight. Hindi ko tuloy makita si Maximo.

    “Nag uusap kami…” ani Knoxx.

    I tried to tiptoe so I can see Maximo. Hindi ko parin makita kaya naglakad ako palapit kay Knoxx.

    Tumawa si Maximo nang nakita ako.

    “Nag-uusap? You alright there, Entice?”
    “I-I’m fine…” sabi ko.
    “We’ll I’m just here to tell you that your dad has invited me to dinner. Knoxx, huwag nating paghintayin si Uncle Thomas.”
    “We will be right there,” ani Knoxx.
    Maximo’s eyes lingered to Knoxx’s. Nagtaas siya ng kilay at umangat ang gilid ng labi. Parang may kung anong pagkakasundo ang namagitan sa dalawa kahit na walang nasabing salita.

    “Fine…” ani Maximo at sumulyap siya sa akin bago kami iniwan doon.

    Suminghap ako at sumunod na. This can’t be. I can’t be with Knoxx in a small place. Nakakalimutan ko lahat ng nangyari dahil lang sa isang halik. Yes, I admit it. I like his kisses. I like him. I like him too much, actually. He must be mad for saying that our feelings are mutual dahil hindi niya alam kung gaano ko siya kagusto!

    “Where are you going?” tanong ni Knoxx.

    Sumunod siya sa akin. Sa wakas ay nasa labas na kami ng kabalyerisa. At least here, I can breathe properly and I don’t have to worry about his kiss. Although, I like it.

    “Kakain na! Tinatawag na tayo ni Maximo…”
    Umigting ang panga niya. “Mag kuya ka nga! He’s way older than you!”
    Nagtaas ako ng kilay. “You’re older than me too. Do I have to call you kuya?”
    “Don’t be sarcastic! He’s way older!” aniya.
    “Tss… Hindi naman ako nakikialam sa’yo-“
    “Are you attracted to him?”

    Sa sobrang gulat ko sa tanong niya ay natahimik ako. Bakit niya naiisip ‘yan?

    “He’s old…”
    “Not that old, he’s just twenty nine…” sabi ko.

    Nanlaki ang mga mata niya. Pumula ang kanyang pisngi at kinain ng malalaking hakbang ang distansyang nakapagitan sa amin.

    “And you even know that?” tumaas ng kaonti ang tono ng kanyang boses.
    Umirap ako. Oh please, ano ngayon?
    “So you like him?”

    Tinulak ko siyang bahagya dahil masyado na naman siyang malapit.

    “Hindi ako nakikialam sa’yo kaya huwag kang makikialam sa akin-“
    “Then subukan mo nang makealam sa akin dahil talagang makikialam ako sa’yo, Entice!”

    Oh shit. I tried to act normal. This is just nothing. Matalim ko siyang tinitigan. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha hanggang tainga. Sa munting ilaw sa kabalyerisa ay naaaninag ko ang marahas na ekspresyon galing sa kanya.

    “Why because you’re jealous?” angil ko.

    Muling umigting ang panga niya. Hindi niya sinagot pero sa katahimikan niya at sa hindi pagtanggi ay alam ko na.

    “Ayaw mong nagseselos ka pero pinagseselos mo ako? Ganoon?” dagdag ko.
    “I didn’t mean to. We were just friends!” giit niya.
    “I’m trying to be friendly to Maximo too. We’re just even, then…”
    “Then what do you want me to do? Throw her out there? Scold her for doing things like that?”

    Natigilan ako sa sinabi ni Knoxx. Pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko sa gumagapang na init na nararamdaman ko. Alright, yes, I am jealous but… this is damn embarrassing!

    “Oo! Why the hell did you let her sleep in your home in the first place!” walang filter kong sinabi. Bahala na. Fire in the hole, Entice!
    “I told you she needed a place to stay and I have plenty of rooms in my house!”

    Maybe, I just don’t really understand what friendship means. Maybe, I’m too young to understand what he’s doing. Maybe, I am overreacting. Pero sobra sobra ang pagkakapunit ng puso ko kanina at hanggang ngayon!

    “Edi sige! Yeah! Sabi mo makikialam ako, ‘di ba? Kung hahayaan mo akong makealam then get her out of your house!”

    He tightly closed his eyes. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at pabalik sa bahay. Halos tinakbo ko na nga.

    Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Basta ang alam ko, iyon ang nilalaman ng utak ko.

    Naisip ko tuloy kung magagawa niya pa kayang sumama sa hapunan. Bahala siya.

    Nang narating ko ang dining room namin, naroon na sina mommy, daddy, lola, at Maximo. Umupo kaagad ako sa harap ni Maximo na katabi lang ni mommy.

    “Asan si Knoxx?” tanong ni daddy.
    “Nasa labas pa po…” Hindi ako makatingin sa kanya.

    Nagsimula na silang kumain kaya kumuha na rin ako ng sarili kong pagkain. Sumulyap ako kay Maximo na ngayon ay nakatoon ang atensyon sa mga sinasabi ni daddy tungkol sa negosyo.

    “Kaya nga sinasabi ko sa’yo, paniguradong magaling ka rin kung ikaw ang magpapalakad ng inyo…” ani daddy.
    “Magaling si Knoxx, uncle. ‘Tsaka alam n’yo namang wala talaga akong interes sa farming. Hindi ako para rito.”

    Pumasok si Knoxx sa dining room. Halos maestatwa ako sa kaba. But he calmly sit beside me.

    “Pasensya na po at natagalan kami ni Entice…” ani Knoxx.
    “It’s okay, hijo…” Tumawa si daddy. “Nasaan na ba si Kiko at kailangan pang pakainin si Abaddon…” Luminga linga si daddy para sa mga kasambahay.
    “Huwag na po. Ako na ang nagpakain. Mukhang pagod na pagod. Malayo yata ang binyahe.”

    Halos mailuwa ko ang aking kinakain. Tumikhim ako at uminom ng tubig. Lumipat ang tingin ni daddy sa akin.

    “Bakit? Saan pala kayo nanggaling nitong si Maximo, Entice?” tanong ni daddy.
    “Sa may bangin lang po, uncle. Akala ko nakapunta na itong anak n’yo doon dahil mukhang mahilig mangabayo pero hindi pa pala…”
    “Pass the rice, please…” malamig na bulong ni Knoxx sa akin.

    Tumikhim ulit ako at kinuha ang lalagyanan ng kanin para maibigay sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata, ramdam kong nakatingin siya sa aking ekspresyon. Pareho kaming nakahawak sa lalagyanan habang kumukuha siya ng kanin. Nangawit pa ang kamay ko sa sobrang bagal at paunti unti ng kuha niya.

    “Thanks…” ani Knoxx.

    “Hindi pa niyan naiikot ang Alegria, Maximo. Alam mo namang sa Amerika ‘yan pagkatapos ng trahedya noon. Kaya hanggang dito lang sa Rancho ang abot niyan…”
    “Ganoon po ba?” tanong ni Maximo sabay tingin sa akin.
    Tumango ako at ngumiti.
    “Nagpupunta naman siya kay Knoxx halos araw-araw. Tingin ko’y namamasyal naman ang dalawa…” tumago si daddy.
    “Talaga? Well that’s good. I can see that my nephew and your daughter is getting along very well…”
    Tumawa si daddy at tumingin kay Knoxx. Nilingon ko si Knoxx at kitang kita ko ang pag iwas niya ng tingin kay daddy. “Of course… Syempre, pasensyoso si Knoxx at itong anak ko may pagkamakulit…”
    Tumawa si Maximo at sumulyap sa akin. “Hindi naman makulit si Entice ah?”
    “Oo nga! Hindi naman ako makulit ah!” I pouted.
    “Nasasabi lang ‘yan ni Maximo dahil hindi ka niya nakakasama ng mahabang panahon, Entice…” ani mommy. “Naku, etong si Knoxx, paniguradong ilang beses nang napikon sa’yo…”

    Kahit na gustong gusto kong tingnan ang reaksyon ni Knoxx ay hindi ako bumaling. Everyone looked at him. I didn’t.

    “Hindi ba, Knoxx?” dagdag pa ni mommy.
    “Hindi naman po ako napipikon. Siya nga itong pikon ngayon.”

    Dammit! Sabay na kumunot ang noo ni mommy at daddy sa akin. Umiling ako bilang pagdedeny sa paratang ni Knoxx.

    “What are you talking about, Knoxx?” Tumawa tawa pa ako.

    Maximo smirked. Parang may pinapanood na palabas kaya tuwang tuwa siya.

    “Nag aaway kayong dalawa?” tanong ni mommy sabay tingin ulit sa akin.
    “Hindi po! Hindi po!” maagap kong deny.

    What the hell? Bakit kailangan pang sabihin iyon ni Knoxx sa harap ng mommy at daddy ko ngayon.

    Tumawa si daddy. “Mag ayos nga kayong dalawa… Pag pasensyahan mo na itong si Entice, Knoxx. At ikaw Entice, hindi ba ang hilig hilig mong pumunta sa kanila? Ngayon, ikaw itong nagtatampo?”
    “Thomas, hayaan mo na sila! Huwag ka nang manghimasok!” banayad na banggit ni mommy.

    She’s my saviour! Thank God! Natapos iyong usapan at bumalik ulit sa negosyo. Sumali si Knoxx sa usapan at habang pinapakinggan ko ay napagtanto kong wala ngang hilig itong si Maximo sa agrikultura. Si Knoxx lamang ang may alam sa lahat ng ganap sa plantation.

    “Please, pass the water…” bulong ni Knoxx sa akin kahit sobrang lapit lang naman ng tubig sa kanya.
    “Extend your arms. I’m sure kaya mo ‘yan…” tumaas ang isang kilay ko.
    “Entice…”

    Bumaling ako sa kanya. Abala sa pag uusap si daddy at Maximo. Si Mommy naman ay nagtungo sa kusina para magtawag ng kasambahay. Kanina pa iyon naghahanap ng magandang wine para sa mga bisita.

    Nagkatinginan kami ni Knoxx. Matalim ang tingin ko sa kanya. Mapupungay naman ang kanyang mga mata.

    “Please…”
    “Extend your arms. What’s the use of that?” maarte kong sinabi.
    “Mahirap paalisin si Lumi sa bahay. Wala siyang matakbuhan. We don’t usually talk. Come on… At nag aasaran kami kahit noon pa. Please…” mas mahinahon niyang sinabi.

    His dark eyes were darker. His jaw was more intense. Ramdam ko ang pinipigilan niyang frustration.

    Nang namataan kong palapit na si mommy at may dalang wine ay tumayo na ako.

    “Busog na ako. Mag aayos lang ako sa taas. I need a good shower…” sabi ko.
    “Good night, dad…” nilapitan ko si daddy at hinalikan sa pisngi.

    Sinalubong ko si mommy at hinalikan na rin sa pisngi.

    “O sige… Mukhang pagod ka ha? Sa bagay, ang tagal mo ring hindi nakapangabayo…” wika ni mommy.
    “Good night, Maximo…” I planted a swift kiss on his cheek.

    Kitang kita ko ang pagsilay ng ngisi sa kanyang labi at pagtaas ng kanyang kilay. Nagmartsa agad ako pataas without looking back at them.

    Naiinis ako sa sarili ko dahil noong nasa kwarto na, panay ang tingin ko sa aking cellphone. Panay ang check ko kung may text ba o tawag. Alam kong nasa baba pa si Knoxx at nakikipag kwentuhan kay daddy pero hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa aking phone hanggang sa makatulog na ako sa pagod.

    Dahil maaga akong natulog (kumpara sa mga nakaraang araw), maaga rin akong nagising. I checked my phone again and saw nothing but Joaquin’s texts, Heather’s rants, and Drixie’s general messages. Wala nang iba.

    Naligo ako at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala pa akong naaamoy na ulam. Siguro masyado pa talagang maaga na hindi pa nakakapagluto si Manang Leticia.

    Patakbo akong bumaba ng hagdanan. I want to check the kitchen to see if someone’s cooking. Nakita kong nakabukas ang pintuan patungo sa kabalyerisa. Siguro ay may sinampay si Manang Leticia o ang ibang kasambahay?

    Sumungaw ako sa labas at pinasadahan ng tingin ang paligid. May katawanan si Pedro na madalas namang wala. Pasalit salit sila ni Kiko sa pagbabantay sa mga kabayo.

    “Pedro!” tawag ko.

    Halos napatalon siya sa boses ko. Guilty’ng guilty siya sa ginawang pagtawa nang namataan ako.

    Nagmartsa ako palabas ng kusina. Magtatanong sana ako kung may kasambahay bang lumabas o di kaya’y may gising na.

    “Oh? Bakit, Entice?” tanong ni Pedro at hinarap ako.

    Sumulyap ako sa loob ng kabalyerisa. Medyo madilim at mga dayami lang ang nakikita ko.

    “Lumabas ba si Manang Leticia? O kahit sino sa mga kasambahay namin?” Nasa kabalyerisa parin ang mga mata ko.

    Malalaking kamay ang una kong nakita nang hinawakan nito ang kural ng kabalyerisa. Then I saw a familiar black watch. Bumilis ang takbo ng puso ko. This early? Why is he here? Sumungaw ang mukha ni Knoxx. He’s topless and his hair is now a bit messy.

    “Oo. May sinampay si Nelia kanina. Nag saing na ‘yon. Bakit? Wala pa bang ulam diyan?”

    Hindi matanggal ang mga mata ko kay Knoxx. Lahat ng tanong ko kay Pedro kanina ay nawala sa aking utak.

    “Si Knoxx ang kasama ko dito. Di pala umuwi kagabi. Dito lang sa kabalyerisa natulog.”

    Umiling si Knoxx. He looked so disappointed at Pedro. Tinulak niya ang kural at lumabas siya sa kabalyerisa. Kinuha niya ang nakasampay niyang t shirt sa gilid ko at nilagay niya iyon sa kanyang balikat.

    Hindi ako makagalaw. Ang daming tanong na naglalaro sa aking utak.

    “Asan si Maximo? Hindi rin siya umuwi?” tanong ko.
    Umigting ang panga ni Knoxx at nag iwas ng tingin sa akin. “Umuwi kagabi.”
    “Kung ganoon bakit ka dito n-natulog?” tuluyan ko na siyang hinarap.

    Tumingin siya sa akin. I feel like I just threw a pathetic question.

    “To stop your doubts even just for today…”

    Umigting muli ang panga niya at tinalikuran na ako para ayusin ang kanyang t shirt. Pinaghalong saya at pagkakainis ang nararamdaman ko. Is that even possible to feel so many emotions at one time? I don’t know. This is driving me crazy!

    “And the first thing you asked me is…” he murmured.
    Kumunot ang noo ko at hinanap ang kanyang mukha. “Anong sinabi mo?”
    Umiling siya. “Wala… Hahanapin ko si Nelia para maipagluto ka. Ihahatid kita sa school mo ngayon. Mag aayos lang ako…”

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Okay

    Halos hindi ako makakain sa hapag sa kakaisip kay Knoxx. Gusto kong magtanong kay Manang Leticia kung nakapag almusal na ba si Knoxx pero ayaw ko namang ituloy dahil baka kung ano pa ang isipin.

    Pagkatapos kong mag almusal ay siyang pagbaba ni daddy. Kakagising pa lamang ito at mukhang walang alam na dito natulog si Knoxx. Surely, he’d be more than willing to let Knoxx stay in one of our guestrooms if he only knew.

    “Ang aga mo yata ngayon? Hindi ba Intrams n’yo?”
    Mabilis akong tumango at humalik sa kanyang pisngi.

    Tapos na akong mag toothbrush at paalis na ako. Madalas, magkasama kami ni daddy sa pagkain pero ngayon nauna pa ako dahil sa aga kong gumising.

    “Oo. May papanoorin lang na game, dad…” sabi ko. “Alis na po ako.”
    “Check mo sa labas kung andyan na ba si Rene…” bilin ni daddy at pinakawalan na ako.

    Tumango ako at dumiretso na sa labas ng bahay para makita kung naroon ba ang driver. Hindi ko pa nagagala ng husto ang aking mga mata ay naaninag ko na ang Wrangler ni Knoxx. Sa labas ay naghihintay siya sa aking pagdating. Tumuwid siya sa pagkakatayo nang nakita ako.

    Binuksan niya ang front seat at nilahad niya sa akin. Luminga ako at nakita kong wala pa ang aming sasakyan. I have no choice but to be with him, huh?

    Lumapit ako. I saw a dark smile in his lips.

    “Sasama lang ako dahil mukhang tulog pa si Manong Rene…” I said defensively.
    Tumango siya at hinayaan ang explanation ko.

    Pumasok ako sa loob. Sinarado niya naman ang pintuan at umikot para sa driver’s seat. Inayos ko ang seatbelts at hinintay kong ayusin niya rin iyong sa kanya.

    Nang pinaandar niya ang sasakyan, I suddenly want to ask him if he’s done with breakfast… or if he slept good last night? Talaga bang sa stables siya natulog? I don’t believe him.

    Is Lumi so important that he couldn’t get her out of his house? Well, anyway kung walang matakbuhan ang bitch na iyon… I just really hope they’re not in some relationship.

    Nilingon ko si Knoxx.

    “Hindi mo sinabi kay dad na sa bahay ka natulog?” I asked the obvious.
    Umiling siya. “Ayaw kong abalahin pa si Tito Thomas.”
    “Marami kaming rooms sa bahay. Paniguradong papagalitan ako pag nalaman niyang doon ka sa kulungan natulog. Mamayang gabi, pag sa bahay ka ulit, sabihin mo na sa kanya…” I said coldly.
    “I can go home. Lumiere’s back in their house.”

    Uminit ang pisngi ko. Pwede naman palang bumalik si Lumi, bakit kailangan sa bahay makitira minsan?

    “Akala ko sa inyo na siya titira, e,” I laughed sarcastically.
    “Hindi. Minsan lang siya nakikiusap. Isang araw o dalawa lang.” Sumulyap siya sa akin.
    “Yeah, yeah… I get it…”

    Bumilis ang takbo ng Wrangler. Pakiramdam ko naiiwan ko ang aking kaluluwa.

    “Galit ka? Bakit ka magagalit? Wala akong ginagawang masama!”

    Because I figured his driving reflects his mood. Hindi ko pa siya nakakasama ng ganoon ka tagal pero memorize ko na ang kanyang mga gestures at munting mga galawan.

    “Hindi,” malamig niyang sagot.
    “Tsss… You just don’t really know how to shoo her away. She’s not from your house, bakit kailangan siyang tumira sa inyo?”
    “Hindi siya tumira sa amin,” marahan niyang sagot.
    “And you hugged her from the back! You hugged her!”
    “She was playing, Entice! And damn it…” hinampas niya ang manibela at medyo bumagal ang takbo ng sasakyan. “That was nothing to me…” may idudugtong pa siya pero pinigilan niya ang sarili niya.

    Nanatili ang mga mata ko sa kalsada. Kita ko sa gilid ang mga titig niya sa akin. I feel ruthless. I feel like I’m being so harsh on him. But what can I do? This feeling is all new to me.

    “And you kissed my uncle…” halos bulong ang pagkakasabi niya nito.

    Nagtiim bagang ako. Hindi nakapagsalita.

    “The same night I kissed you…” dagdag niya.
    “Anong karapatan mo diyan…”

    Tumingin ako sa labas. Lumalabas ang mga salita sa aking bibig na parang wala lang. Maybe I am really so mad that all the words came rushing out my mouth.

    “Maybe we should do something about that…” Matigas na ingles niyang sinabi.

    Tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng aming gate. Kahit nas labas pa lang kami ay kita kong kokonti pa lang ang estudyante sa loob. I wonder if my friends are there now?

    Bumaling ako kay Knoxx. Nagtama ang paningin naming dalawa.

    “I am courting you, I gave you the right to me. If you say yes… you give me the right to you,” seryoso niyang sinabi.

    Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi pa ako nakapag react noong una dahil hindi pa ito tuluyang pumasok sa aking isipan. Nang nanuot ito ay ‘tsaka pa lang ako hindi makahinga.

    “Hey… did you hear me?” malamig niyang tanong.

    Unti untin nag init ang aking pisngi. Did he seriously say he’s going to court me?

    “Your sembreak’s coming, are you allowed to travel? Magtatanong ako sa daddy mo kapag tapos na ang finals n’yo, I’m bringing you to Cagayan de Oro, my hometown.”
    “H-H-Huh?”

    Nanlaki ang mga mata ko. Halos napaatras ako sa mga sinabi ni Knoxx.

    Medyo napaawang naman ang labi niya. Pansin ko ang pagkakalito sa kanyang mga mata.

    “You’re… not ready for this…” Bumagsak ang mga mata niya sa kanyang kamay na nakahawak sa gilid ng aking upuan.
    “H-Huh? A-Anong…” Nanginginig ang labi ko sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

    Tumikhim si Knoxx. It was like he’s done something so wrong. Bumaling siya sa manibela at nanatili sa kalsada ang kanyang mga mata.

    “Anong sinabi mo u-ulit?” God, I’m panicking!

    Tamad siyang bumaling sa akin. Ilang sandali niya akong tinitigan lamang bago nagsalita.

    “I always forget that you’re too young for a serious relationship… I’m sorry.”

    Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. What too young? I’m not young! I’m a lady! I can decide for my own! I can do things a woman can! I’m not a child anymore!

    “I am not that young, Knoxx!” halos pasigaw kong sinabi.

    Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko. Nakatitig parin siya sa akin. Takot na takot akong makita niya ang nagbabadyang luha. Takot na takot akong mapansin niya ang sobra sobra kong emosyon.

    Kinalas niya ang aking seatbelts. Umiling ako. Gusto niya na yatang pumasok na ako sa school pero ako, ayaw ko pa. I need to hear what he just said again. I need to process it!

    “Anong oras ang uwian mo?”

    Bumaling siya sa akin at hinawakan niya ang manibela. Matalim ko siyang tinitigan.

    “I-I want to know… what do you mean by that? I-I-I don’t understand…”
    “Tss… You want me attracted to you but when I finally am, you’re shocked. Bata ka pa nga…”

    Hinampas ko ang kanyang braso.

    “I am shocked, yes! Syempre kasi… Liligawan mo ako?”
    Tumitig siya sa akin.
    Luminga linga ako. “Uh… dadalhin mo ako sa inyo? Sa Cagayan de Oro?”
    “Are you ready for that, though?” nag iwas siya ng tingin.

    Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong umiyak at gusto ko ring matawa. I have completely lost my mind, probably.

    I can’t contain my feelings. Nag iwas ako ng tingin kay Knoxx at tumango ako.

    “Okay…”
    “Okay?” tanong niya.
    “Yup… Okay…” Lumapad ang ngiti ko at uminit ang pisngi ko.

    Binuksan ko ang pintuan ng Wrangler at mabilis na lumabas. Hinawakan ko ang pintuan at tiningnan ko si Knoxx sa loob. Nakakunot ang noo niya at nakatingin parin sa akin.

    “I’ll text you when I’m done.”
    “I’ll wait for your text, then…”
    Tumango ako at tipid na ngumiti.

    Dire diretso akong nagmartsa patungo sa school. Kahit na nakalayo na ay ako, panay parin ang ngiti ko.

    Nilingon ko ang mga cheer dancers na naroon at nginitian sila isa-isa. Pati ang mga players na maagang naroon ay hindi nakaligtas sa aking nakangiting mga bati.

    Hinintay ko sina Joaquin, Heather, at iba pang mga kaibigan ko sa cafeteria. Walang pasok dahil sa mga laro. Ang tanging pinunta ko dito ay ang attendance at ang panonood sa mga laro ng mga kaibigan ko.

    Isa-isa na silang dumating. First game ang Agri Biz sa basketball ngayon at hindi pa dumadating si Joaquin.

    “Hindi naman kasi siya first five. Seniors ang mauunang pumasok,” ani Susie. “‘Tsaka may cheering pa naman. Mamayang hapon pa ang basketball. Masyado kayong excited.”

    Sabay sabay kaming pumunta sa gymnasium para manood ng cheering. Nang dumating si Joaquin ay panay ang talon ko. I’m so hyper today. Sa sobrang hyper ko kumunot ang noo ni Joaquin. Naninibago.

    “Go Agri Biz! Go! Go! Agri Biz!” sigaw ko sabay talon.

    Magagaling ang dancers at ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko kagustong sumama sa kanila.

    Panay ang tawanan namin ni Heather sa mga bloopers ng ibang cheering squads. Masama iyon pero hindi namin mapigilan.

    Ang ingay rin ng mga tao sa paligid. They are all cheering on their bets. Umakbay si Heather sa akin at nang natapos ang isang presentation ay nagtatalon ulit kami.

    Tumalon ulit ako at nilingon ang aking katabi sa pag aakalang si Heather o Drixie parin ang naroon pero natigilan ako nang nakita kong si Lumi ang naroon.

    Sa dagat ng tumatalong mga estudyante ay narito siya sa aking gilid, nakatayo, at matalim ang tingin sa akin.

    “Lumi…” sabi ko.

    Umangat ang gilid ng kanyang labi. Tumindig ang balahibo ko. It was as if her smile is sarcastic.

    “Anong sinabi mo kay Knoxx?” paunang tanong niya.
    “Huh?” tanong ko.

    Hinarap niya sa akin ang kanyang cellphone. It was quick but I’ve seen it.

    Knoxx:
    Lumi, can you please go home for today? Para magkaayos na rin kayo ng nanay mo.

    Lumi:
    Bakit hindi ka umuwi?

    Knoxx:
    Nasa kina Entice ako. Umuwi naman si Maximo. I really think you should go home now…

    Hindi ko nabasa ang whole conversation dahil tinapon niya ang cellphone niya sa aking dibdib. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako. Ang sakit sakit nang tumama sa aking dibdib ang kanyang cellphone. Halos napamura ako.

    “Hey, what’s that?” ani Joaquin.

    Humarang si Heather at Drixie sa aming dalawa ni Lumi. Pulang pula ang mukha ni Lumi at mabilis ang kanyang hininga.

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    Aalis

    “Anong sinabi mo kay Knoxx?” pasigaw na tanong ni Lumiere.

    Unti unting uminit ang dugo ko sa kanyang pamamaraan. She pushed Drixie out of the way. Tinuro niya ako at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. She’s crying. I can sense her overflowing anger.

    “Napaka walang hiya mo! Ikaw pa mismo ang nagpaalis sa akin? Ayaw nga ni Knoxx na umalis ako pero ikaw? Ikaw? Sinabi mo sa kanyang ayaw mo akong naroon!”

    Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nilapitan na kami ng mga security guards at pinapalabas na kami sa gymnasium.

    “Bakit hindi ka na lang umuwi? May bahay naman kayo, ah? You’re just making your distress an excuse to get close to Knoxx!”
    “How dare you! At ikaw pa talaga ang nakakapagsabi niyan! Who are you to say that? Wala kang karapatan!”

    Hinawakan nina Henry at Joaquin ang braso ni Lumiere. Nagpupumiglas siya kaya napapalayo ang dalawa.

    Lumi pushed Drixie away once again. Muntik nang nadapa si Drixie. Nanlaki ang mga mata ko sa galit at gulat. I advanced to get to Lumi. Tinulak ko ang kanyang mga balikat dahilan kung bakit siya napaupo sa sahig.

    Hinila ako ni Heather.

    “Entice, tama na…” takot niyang sinabi.

    Hindi ako nakinig. Nanatili akong nakadungaw kay Lumi, namumunhi sa kanyang matapang na pagsugod dito. How dare she say that! And besides bakit ba kasi kailangan niyang matulog sa bahay nina Knoxx kung may bahay naman sila.

    “How dare you push my friends!” sigaw ko.

    Mangiyak ngiyak na siya habang nakaupo sa sahig. Sinubukan niyang tumayo. Walang ni isang tumulong sa kanya. I felt nothing but anger. I think she’s pathetic and desperate!

    Pagkatayo niya ay kitang kita na ang pagbuhos ng kanyang mga luha. I was taken aback by the amount of tears she was shedding. Para bang sobra sobra ko siyang nasaktan sa ginawa ko.

    Tumalikod siya at tumakbo palabas ng gymnasium.

    Ang ibang walang kinalaman ay nagpatuloy sa pagchicheer sa mga colleges. Samantalang ang mga kaibigan kong umawat at nakasaksi ay bumaling sa akin, naghahanap ng sagot.

    It was lunchtime when I told them a little about what happened.

    “Anong mayroon sa inyo ni Knoxx Montefalco?” Heather inquired first.
    Umiling ako. “We’re just friends… acquaintance…” Hindi ako makatingin.

    That’s what we are right now. Nanliligaw siya pero hindi ko pa naman sinasagot. I don’t want to sound too cocky by telling them that. Especially that he just courted me this day.

    “Ano iyong sinasabi ng Lumiere na iyon? Na ikaw ang nagpaalis sa kanya sa bahay nina Knoxx?” tanong ni Drixie na ngayon ay katabi ko.
    “Si Lumiere ay nakatira kina Knoxx?” tanong naman ni Ayana.
    “Hindi. But there are times when she sleeps there… I don’t know. Ayaw niya sa bahay nila,” sabi ko.
    “Kaya pala hindi siya umuuwi? Ilang araw na siya doon?” tanong ni Henry.
    “Hindi ko alam. Basta, I know she sleeps there.”
    “So… bakit sinabi ni Lumiere na ikaw ang nagpaalis?” si Joaquin na ang nagtanong.

    Nakatayo siya sa gilid ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

    “Kasi sinabi ko kay Knoxx na ayaw kong nandoon si Lumi sa kanila…”

    Natahimik silang lahat. Uminom ako ng softdrinks. Wala paring nagsalita kahit noong binaba ko na ang bote.

    Isang dribble sa bola ang ginawa ni Joaquin. Tiningala ko siya. Umiling siya at tumingin sa mga kasama namin.

    “Kayo na?” he asked without looking at me.
    Umiling ako.
    “Kayo na?” ulit niya. Siguro dahil hindi niya naman nakita ang pag iling ko.
    “Hindi pa, Joaquin.”
    “Hindi pa?” tumigil siya sa pagdidribble at nagkatinginan kaming dalawa. “Ibig sabihin, nanliligaw siya sa’yo?”
    Tumikhim ako. Kahit hindi na ako sumagot, parang alam na ng mga matang nakatingin sa akin ang susunod.
    “Baka naman totoong wala talagang matirhan si Lumi. But anyway, what she did… ang sumugod dito, hindi iyon maganda,” ani Susie.

    The first game for basketball in the afternoon was Agri Biz versus Education. Hindi kasama si Joaquin sa first at second quarter. Syempre, puro seniors at juniors ang pinapapasok. And when he finally went in on the third, hindi rin maganda ang performance niya.

    After the game, we went to the field para manood naman ng game sa softball.

    Hapon na at may mga texts na akong nakuha galing kay Knoxx. Hindi nga lang ako diretsong nag reply dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang pagsugod ni Lumi dito.

    Knoxx:
    Are you done yet?

    Knoxx:
    I’m outside. Can I go where you are?

    Nakapangalumbaba ako habang paulit ulit na binabasa ang kanyang mga mensahe. Nagtipa ako ng isasagot.

    Ako:
    Ikaw ang bahala.

    Hindi pa nga nagdadalawang minuto ay dumating na si Knoxx. Tahimik tuloy sina Ayana at Drixie habang nanonood ng softball match. Ang mga boys ay nasa locker rooms pa at kinakausap yata ng coach nila sa basketball.

    “You’re done?” tanong niya at umupo sa pinaka tabi ko.

    Umusog ako ng konti. Nag iiba ang pakiramdam ko sa kanya. I suddenly wonder if he’s feeling like this too? Nililigawan niya ako, hindi ba? Kung ganoon, does he think about the small gestures? May meaning ba sa kanya ang lahat ng ito? Or am I just overthinking? This is the first time I felt this way. Iyong buhol buhol ang mga iniisip ko dahil sa isang lalaki.

    “I am. Tinatapos ko lang itong game nina Heather at Susie.”

    Tumingin din siya sa field. Humugot ako ng malalim na hininga at bumaling kay Knoxx.

    “By the way, nagpunta si Lumi dito kanina,” sabi ko.

    Naagaw noon ang atensyon niya. Kumunot ang kanyang noo at kitang kita ko ang pagtataka.

    “Anong ginawa niya dito?”
    “Ay naku, tinulak niya kaya ako noong hinarangan ko siya. Hinampas niya ng cellphone si Entice!” singit ni Drixie sabay tango tango kay Knoxx.

    Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Knoxx. Para bang pinoproseso niya pa ang sinabi ni Drixie. Gusto ko tuloy kutusan si Drixie. Dapat ay hindi niya sinabi ng ganoon ganoon ang lahat ng ginawa ni Lumi.

    “She’s sort of moody this past few days. Pinagsabihan ko siya tungkol sa pag alis niya. Bakit siya pumunta sa’yo?” tumingin si Knoxx sa akin, halatang nag iisip. “Anong ginawa niya? Sinaktan ka niya?”

    Bumaba ang mga mata niya sa aking katawan.

    Ayaw kong umo-o. Ayaw ko ring tumanggi. I know they’re friends and I am trying to understand that. Kahit na nahihirapan parin talaga ako. “Ang sabi niya, ako daw ang nagpaalis sa kanya sa bahay niyo.”
    “What? Hindi ko iyan sinabi sa kanya! Where did she get the idea?”
    “I don’t know, Knoxx,” umiling ako.

    Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. I know that he wants to text her but I blocked the phone from his sight.

    “Stop texting her. Alam na siguro noon ngayon na nalaman mo na ang kanyang ginawa. Hindi na iyon babalik sa inyo sa kahihiyan,” sabi ko.
    “Unless makapal ang mukha niya…” tumango tango ulit si Drixie.

    Sabay kaming napatingin ni Knoxx sa aking kaibigan. Biglang sumigaw ang lahat. Nagtatalon ang softball team ng Agri Biz dahil nanalo sila sa laro! Pumalakpak ako ngunit nanatiling nag iisip si Knoxx.

    Pagkatapos ng game ay nagpaalam na ako kay Drixie at Ayana. Matatagalan pa kasi si Heather at Susie dahil kinakausap pa sila ng kanilang coach para sa dalawang game nila kinabukasan.

    “Tapos na ako dito. Saan tayo ngayon?” tanong ko kay Knoxx.

    Tumayo ako kaya ganoon din ang ginawa niya. I suddenly want to go to their house.

    “Sa bahay n’yo kaya?” sabay ngisi ko.
    Sumimangot siya. “No…”
    “Bakit?” I pouted.
    “Not till Maximo’s out of that house…” Nag iwas siya ng tingin.
    Umirap ako. “Ang OA mo! It’s only a kiss on the cheek!” bulong ko.
    “It’s still a kiss.”
    “Tss…”

    Humalukipkip ako at sumimangot.

    “Please? Let’s go to your house!” I pouted some more.
    Bagama’y nagsusuplado, hindi parin nakatakas ang pag angat ng labi. “Fine.” Bumaba ulit ang mga mata niya sa aking katawan.

    I’m wearing a black spaghetti strap with a red flannel button down long sleeves. Tumingin din ako sa aking damit. Iniisip ko kung may problema ba doon o ano.

    “Don’t remove this one when Maximo’s around…” sabay haplos niya sa aking kwelyo.
    “Why?” I smirked.
    Umirap siya. “Tss. Don’t ask.”
    “Fine! Yes! I won’t remove it!”
    “Kahit na mabasa ka o mainitan. Kahit anong mangyari…” His tone was imposing.
    “Yes!”

    Pinagbigyan niya ako. Ang dami dami niya pang binigay na rules sa akin. Natatawa na lang ako. I find it cute when he’s over protective. Naiisip niya sigurong tipo ko rin si Maximo dahil tulad niya, mas matanda ito sa akin. Hindi rin maipagkakaila na gwapo si Maximo. Nakakatuwa din siyang kasama.

    Pagkapasok ng Wrangler sa gate ng bahay ay nakita namin kaagad si Maximo. He’s topless and his hands are full of grease. Sa gilid niya’y may isang lumang motor.

    “Is that his?” tanong ko.
    “What? The bike?” Knoxx stopped the engine.
    “Uh-huh.”
    “Whoa! Cool!” sabi ko sabay bukas sa pintuan ng Wrangler.

    Bago ko pa nasarado ay narinig kong nagmura si Knoxx sa loob. Lumabas din siya pero nauna na akong naglakad patungo kay Maximo.

    “Entice!” He smiled devilishly at the sight of me.

    Nagpunas siya ng kamay at umambang yayakapin ako pero naalala ko iyong mga paalala ni Knoxx kaya hindi ako tuluyang lumapit.

    “I can’t welcome you. Marumi ang kamay ko…” ani Maximo.
    “Yeah, you really can’t…” sa malayo ay dinig ko ang sinabi ni Knoxx.

    Ngumisi ako at bumaling sa kanya. Binalik ko naman kaagad ang tingin ko kay Maximo. Kitang kita ko ang paglalaro ng ngiti sa labi ni Maximo.

    “Napasyal ka? Hindi ka na pinagbawalan?” tanong ni Maximo.
    “Tss…” palapit na si Knoxx sa akin.

    Uminit ang pisngi ko. Pinagbawalan? Sino namang magbabawal sa akin?

    Nakita niya yata ang aking ekpresyon kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya. “My nephew thinks I’m going to hit on you when you come here.”

    Nagtaas ako ng kilay. Titingnan ko na sana si Knoxx para magtanong kung tama ba iyong narinig ko pero…

    “Let’s go inside, Entice. I’m gonna cook for you…”

    Humagalpak si Maximo ng pagkalakas lakas.

    “Knoxx, I never thought this day would come. You are so possessive over a girl. What happened to the mature relationship you said you want to have?”

    Hinila na ako ni Knoxx. Napapangiti ako sa pang aasar ni Maximo. Ngayon ko lang napagtanto na magkalapit pala talaga ang dalawa.

    Tumigil si Knoxx sa paglalakad at bago ko sila lingunin ulit ay humagalpak na ng tawa si Maximo.

    “Bakit?” tanong ko.

    He wrapped his arms around my waist.

    “Nothing. Let’s just go…” Nagtatago siya ng ngiti.

    “Don’t worry, nephew… It’s my last two weeks here in Alegria. Aalis na ulit ako…” sigaw ni Maximo.
    “Aalis si Maximo?”

    Knoxx ignored my question. He only eyed me intensely. Nagkibit ako ng balikat at nagkunwaring inosente.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Yes

    Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay daddy at mommy ang tungkol sa gustong mangyari ni Knoxx. Hindi ko pa sinasabi kahit noong nagfinals na kami. Kaya naman, laking gulat ko nang inunahan ako ni daddy sa hapag.

    “Sasama ka sa Cagayan de Oro?” he blurted it out out of nowhere. We were not even talking kaya sobrang gulat ko.

    Nag uumalpas ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay magagalit siya at hindi siya papayag.

    I’ve decided. Even before finals… na sasama ako kay Knoxx. I’m used to traveling. I’m sure my parents will let me travel. Siguro, ang mahirap lang ngayon ay ang iexplain sa kanila na I’m going to the hometown of Knoxx Montefalco.

    “Opo…” I said without looking at him.

    Uminom ako ng tubig. Ngunit alam kong pinapanood ni daddy ang aking magiging reaksyon.

    “Kasama si Knoxx?” tanong niya.
    “Opo…”
    “Kailan?” tanong niya.

    Somehow that made me feel better. Papayagan niya ako. Kasi kung hindi, hindi siya magtatanong kung kailan ang alis namin.

    “After finals po sana…” sabi ko.
    “Next week, then?” aniya. “Nagpaalam si Knoxx sa akin. You should tell your mom and your lola about it.”
    “So… papayag ka po, dad?” Lumiwanag ang mukha ko. I feel like he’s open to whatever’s going on with Knoxx and me.
    “Magpaalam ka sa mommy at lola mo.”

    Ang saya saya ko sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kay mommy at lola pero alam kong maliwanag na ang sagot doon. I’m really going with Knoxx!

    Sinundo niya ako sa bahay para ihatid sa aming paaralan. I greeted him with a wide smile.

    “Sinabi mo na pala kay daddy na pupunta tayo ng Cagayan de Oro?” tanong ko.
    “Yup. He told you?”
    “Yes!”
    “I’m gonna ask your mom and lola-“
    “Huwag na. Ako na ang magsasabi sa kanila mamaya. Mag iimpake na rin kasi ako…” sabi ko.

    He smiled. Nakatingin lamang siya sa kalsada ngunit nanatiling angat ang gilid ng kanyang labi. Kinagat ko ang labi ko at napangiti na rin ako.

    “Anong oras ka matatapos sa exam mo?”
    “Don’t pick me up anymore. Si Manong Rene na ang kukuha sa akin mamaya.”
    Kumunot ang kanyang noo. “Bakit?”
    “Basta!” I smiled.
    “Why? Anong oras ka bang matatapos?”

    I can sense his growing curiousity. Syempre, lagi niya na akong sinusundo simula noong nanligaw siya sa akin. Ito ang huling araw ng exam namin at magtataka talaga siya kung bakit sa araw na ito ay hindi ako makakapayag na siya ang susundo sa akin.

    “Alas dos, pero kasi si Manong Rene na ang susundo sa akin.”

    Tumigil ang sasakyan sa harap ng school. Kinalas ko ang seatbelts para maharap siya ng maayos.

    “Are you going to Tinago with your friends?”
    Umiling ako. Talagang hindi niya ako titigilan kung wala akong tamang rason. “When’s your birthday?”
    “Why?”
    “Basta! I’ll buy you a gift today kaya si Manong Rene ang susundo sa akin. I don’t want you to see what I’ll give you.”

    Though, yes… it’s a half lie. Hindi naman talaga iyon regalo para sa birthday niya. I can’t help but smile when I think about it. Because, I realized that it’s awkward to go to his hometown and meet his family without proper label.

    “My birthday’s over…” aniya.

    Napawi ang ngiti ko. What? I didn’t know that! And when?

    “Huh? You’re kidding me…” nagtaas ako ng kilay.
    “I’m not. My birthday is over so you don’t have to buy me a present.”
    “Kailan ba ang birthday mo at bakit hindi mo sinabi sa akin? You mean to say… you’re now twenty three?”
    “Yes…”
    “Then when is your birthday?”
    “It’s on June 22…”

    Pareho kaming natigilan. Iniisip ko pa kung kailan iyon. Nag aantay lang siya sa sasabihin ko.

    “It was months ago!” sabay kuha ko sa aking cellphone para tingnan ang kanyang kaarawan.
    “I’ll help you remember it…” aniya.
    Nag angat ako ng tingin sa kanya.
    “That was when you went to Tinago with your friends. And I picked you up…” his voice was husky.

    Unti unti siyang lumapit sa akin. Halos hindi na ako makahinga. Gusto kong umatras para mas makahinga ako ng maayos pero hindi ko ginawa.

    “Iyong hindi a-ako… pumunta sa inyo?”
    Tumango siya.
    “That was your birthday!? I-I’m sorry!”
    “That’s okay… I got to kiss you the first time that day, anyway.” He smiled devilishly.

    Ngumuso ako. Right! Iyon iyong araw na una niya akong hinalikan!

    “Don’t have to be sorry for that…” dagdag niya.

    Sobrang lapit niya na sa akin. I could kiss him if I pushed myself to him but I didn’t. I’ll reserve that kiss later. Since sasagutin ko na rin naman siya mamaya.

    “Basta! I’ll give you a gift! Lalo na ngayong hindi mo pa pala sinabi sa akin iyong birthday mo!”

    Binuksan ko ang pintuan para hindi na siya makatanggi.

    “Then we’ll see each other in your house?”
    Tumango ako at sinarado ang pintuan ng kanyang Wrangler.

    I went to our school to do the last batch of my exams. Nakapag aral naman ako kahit paano. Kahit na mahirap lalo na’t ang nagtuturo sa akin ay si Knoxx. He’s a good teacher but I just get distracted with his lips or his eyes.

    “Entice! Saan ka ngayong sembreak? Sa Lunes, pupunta kami sa Alps. Mag oovernight kami doon…” ani Heather.
    “Hindi ako pwede, e. I’ll just text you.”
    “Bakit? May pupuntahan ka?” tanong ni Drixie.

    Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang plano namin ni Knoxx sa umalis. Hindi ko rin alam kung kailan but I know Knoxx wants it right after my finals. Kaya hindi ko maipapangako sa mga kaibigan ko ang pagsama sa Alps.

    “Inanyayahan kasi ako ni Knoxx na pumuntang Cagayan de Oro.”
    “Whoa!” Nanlaki ang mga mata nina Susie at Drixie.

    Nagkatinginan silang dalawa. Napatingin ako kay Joaquin na tahimik at nakikinig lang.

    “Meet the parents?” tanong ni Drixie.
    “Ang swerte mo!!!” ani Susie at niyugyog ako.
    “Kayo na?” tanong ni Heather.
    Umiling ako. “Hindi pa.
    “Hindi pa? Tapos dadalhin ka na niya sa kanila? That’s serious!” ani Heather.

    Nalibang ako sa pakikipag usap sa kanila habang paalis sa paaralan. Nang nakita kong dumating na ang aming sasakyan ay nagpaalam na ako.

    “Joaquin, see you soon!” sabi ko nang napansin ang kanyang pagiging tahimik.
    Tumango lamang siya at nanatiling seryoso ang ekspresyon.

    Kinawayan ko sila at pumasok ako sa loob ng sasakyan. Nanatili ang mga mata ko sa aking mga kaibigan na nagkulitan na agad pagkaalis ko. Kinukulit ng mga boys si Drixie.

    “Anong kukunin natin, Entice?” tanong ni Manong Rene sa akin.
    “Damit ko po, Manong.”

    Nagpaprint ako ng isang spaghetti strap. Nilagyan ko ng isang malaking “YES, I’M YOUR GIRLFRIEND” sa harap.

    Napangiti ako sa plano ko. Magsusuot ako ng flannel shirt at sa loob nito ay ang spaghetti strap na iyon. Sasagutin ko si Knoxx sa araw na ito. And I want it with style. I’ll show it to him when the time is right.

    “Tapos na po ba?” tanong ko sa tanyag na nag piprint ng mga damit.
    “Opo…”

    Ipinakita sa akin ang kulay grey kong speghetti strap. Kulay itim ang mga salitang nakasulat doon.

    Nagbayad ako at nagpasalamat na rin. I can’t wait to go home and change my clothes.

    Pagkadating ko sa bahay, kinuha ko ang aking cellphone at nag text ako kay Knoxx.

    Ako:
    I’m home. We’ll see each other around 4pm. Sa Rancho…

    Hindi na magkamayaw ang kasiyahan ko. Kumakanta kahit naliligo. I can’t wait to see Knoxx!

    “O… saan ka pupunta?” tanong ni Manang Leticia nang naabutan akong pababa ng hagdanan.
    “Sa Rancho po… Dadalhin ko si Abaddon doon…”

    Dire diretso ang labas ko. Ayaw kong mapurnada ang plano ko. I won’t let anyone ruin anything today…

    Kinuha ko si Abaddon kay Pedro. I whipped his back so he’ll start galloping swiftly. Hindi na ako makapag antay at nalalason na ang utak ko sa kasiyahan. I’ve never been this happy before. Everything seemed perfect. Everything’s okay. I don’t want it to change anymore. Kung sana pwede lang na ganito palagi.

    Nang nakarating sa rancho ay tinali ko si Abaddon sa kural ng mga baka at kabayo. It’s still early so Knoxx isn’t here yet.

    Inakyat ko ang puting kural para makapasok sa bakuran ng mga baka at kabayo. Medyo mainit pa kaya nasa sa kanilang mga kulungan pa sila ngayon.

    “Entice! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Koko sa malayo.
    “Magkikita kami ni Knoxx dito, Koko…” sabi ko.

    He ran his fingers through his hair. Medyo basa ang kanyang buhok. Siguro dahil sa pawis sa pagtatrabaho.

    “Ganoon ba? Dito kayo magkikita?”
    “Oo. Mamayang alas kuatro…”

    Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Ganoon siguro talaga kapag masaya. It really shows in everything that you do.

    “Sasamahan pa sana kita pero may inutos ang daddy mo sa akin. Babalikan kita mamaya…” aniya.
    “It’s okay, Koko. I’m sure Knoxx will be here anytime now…”

    Tumango si Koko at tumalon sa kural para makaalis sa bakod. Naglakad lakad ako sa loob ng bakuran. It’s still so bare because the farm animals are still in their houses.

    Humikab ako at tiningala ang mainit na araw. Natulala ako doon. Naputol lamang ang paninitig ko sa langit nang may naaninag akong anino.

    Nilingon ko kaagad ang dumating. Thinking it was Knoxx, I was all smiles. But when I saw who it was, napaatras ako.

    “What are you doing here?” I asked Lumi.

    Naka floral dress siya sa harap ko. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. I feel like she’s on her biatch mode. Well then… I’ll switch to my biatch mode too.

    “Hinihintay mo si Knoxx?” tanong niya.

    Seriously? This girl is just so pathetic. Alam kong gagawin mo ang lahat pag gusto mo ang isang tao. I know because I do that… But this is just way pathetic. Nanliligaw na si Knoxx sa akin at heto ang babaeng ito… parang inaagawan ng asawa.

    “Oo. Bakit?” Humalukipkip ako. I showed her that I’m not going to put up with her shit today.
    “Hindi na iyon pupunta dito…” ani Lumi.

    Nagtiim bagang ako. The nerve of this girl to say that. Bakit? Anong nangyari kay Knoxx?

    “I don’t really know what’s your point. Why do you have to really push that Knoxx is yours. Natanong mo na ba siya kung gusto ka niya? Natanong mo na ba siya kung anong mayroon sa amin-“

    Humakbang siya palapit sa akin. I want to back off. I don’t want a cat fight right now. Ngunit hindi ako umatras. Ang pag atras ay isang palatandaan ng takot. And I’m not scared. Not even a bit.

    “Natanong mo na ba ang daddy mo kung bakit hinahayaan ka ni Knoxx? Natanong mo na ba ang daddy mo kung bakit hinahayaan ka niya kahit sobrang kulit mo na? Ha?”
    “My dad has nothing to do with this-“
    “Tanungin mo na ngayon! Knoxx did all these because your dad wants you tamed. You’re a brat! At nakita niyang si Knoxx lamang ang makakapagpaamo sa’yo. Dahil siya lamang ang makakapagpasunod sa’yo. Dahil patay na patay ka sa kanya!”

    I slapped her hard. Not because I’m so angry at her but because my faith is shaking. At ayaw ko ng ganoon.

    Napahawak siya sa kanyang mukha. Kitang kita ko ang pamumula nito. Nagdidilim ang paningin ko at bumibilis ang paghinga ko.

    “Hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit na iritado si Knoxx sa’yo, hinahayaan ka lang niya sa lahat ng kapritso mo? Hindi mo ba napansin na hindi ka na pinagbabawalan ng daddy at mommy mo papunta sa kanila?”
    “Why would Knoxx do such thing!?”
    “Because your dad asked him! Bakit hindi mo tanungin ang daddy mo, ha?” giit niya.
    “Hindi ako naniniwala sa’yo! He told me you two are just friends! You two are nothing! Don’t fool me! Gusto mo lang siraan kaming dalawa!”
    “Edi tanungin mo ang daddy mo!” sigaw ni Lumi sa akin.
    “Dadalhin niya ako sa kanilang probinsya! I’ll meet his parents! I’ll-“
    “I will meet his parents! Besides… ako lang ang pwede niyang ipakilala sa kanyang pamilya! You’ll see! At bakit hindi mo tanungin ng mabuti ang daddy mo tungkol sa lahat ng ito? Tanunngin mo siya!”

    Nagdidilim ang paningin ko sa iginigiit niya. I hate that she’s so pathetic.

    “Shut up!” sigaw ko sa aking galit.
    “You shut up!” sigaw niya pabalik.

    Tinulak ko siya sa sobrang galit ko. Bakit ayaw niya paring madala! Bakit ganito parin ka kitid ang kanyang utak?!

    Hinatak niya ang aking buhok. Ngumiwi ako sa sobrang sakit. Hinila ko rin ang kanyang buhok para masaktan siya. Ang matutulis niyang kuko ay bumaon sa aking braso kaya nang bawiin ko ang aking kamay ay hapdi ng hangin at pawis ang naramdaman kong pumasok sa nakabukas kong balat. Sa sobrang takot at galit na pinaghalo ay tumakbo ako palayo.

    Nilingon ko siya at nakita ko ang bilis ng kanyang pagtakbo patungo sa akin. Gigil na gigil siya kaya tinakbo ko ang distansya doon patungo sa kulungan ng mga hayop.

    Kinalas ko ang lock ng kulungan ng mga hayop. Pinakawalan ko ang lahat ng baka at kabayo sa aming rancho. Kumalabog ang lupa sa bilis ng takbo ng mga kabayong nakawala.

    Kinuha ko ang latigong ginamit ko kanina kay Abaddon. And I saw how the animals went to Lumi, habang siya’y tumatakbo patungo naman sa akin.

    Nagtatakbo ang mga hayop sa kanyang direksyon.

    I lost all the warmth in me. Napalitan ito ng bayolenteng panlalamig lalo na noong nakita kong nadapa dahil may nakasalubong na isang kabayo. The animals went near her as they ran as fast as they can, enjoying the thrill of freedom I gave them.

    Kitang kita ko kung paano gumulo ang buhok niya nang isang beses siyang gumulong dahil sa pagkakadagan ng isang kabayo.

    And when all the animals went away, nangangatog ang mga paa ko habang humahakbang. In my head, I want to get out of there. It’s her fault after all! That’s what she gets!

    I can see her shoulders shaking. I can hear her angry sobs. Hindi parin siya nakakatayo.

    Imbes na umalis ay nilapitan ko siya. Tulala ako at kinakabahan.

    Nang tuluyan na akong makalapit ay nakita ko iyon. The blood dripping on my arms was nothing compared to the blood I saw on the skirt of her dress.

    Nabalot din ang kamay niya ng dugo. Galing iyon sa pang ibabang parte ng kanyang katawan. She’s injured somewhere on her feet?

    Nang tuluyan na akong nakalapit at nakita niya na ako ay bayolente siyang umiyak.

    “Ang anak namin ni Knoxx!” she cried. “Walang hiya ka Entice! Walang hiya ka!”

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    Nobody Can Stop Me

    Nanuot sa aking mga buto ang panlalamig na naramdaman ko. Hindi ako makagalaw. I know I need to help her but my feet just won’t move.

    “Walang hiya ka!” she sobbed harder.

    ‘Tsaka lang ako natauhan nang narinig kong sumisigaw si Koko sa malayo. Siguro ay kahit doon, kitang kita ang paghandusay ni Lumi.

    Agad kong hinawakan ang kamay ni Lumi para alalayan siya patayo ngunit tinampal niya ang kamay ko. Mas lalong humapdi ang sugat sa aking braso. Natulala ulit ako sa aking sugat.

    “Knoxx!” sigaw ni Lumi na siyang nagpabalik sa aking ulirat.

    Papalapit si Knoxx. Mabilis ang kanyang pagtakbo at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ang buong atensyon niya ay naroon sa kay Lumi. Sa likod niya ay si Koko na tumatakbo patungo din sa amin.

    He jumped swiftly on the fence and in an instant he’s beside Lumi.

    Umiiyak si Lumi at punong puno ng dugo ang kanyang skirt. Hindi ako makagalaw habang tinitingnan silang dalawa. Si Knoxx na nakaluhod sa kay Lumi at si Lumi na hinahawakan ang kamay ni Knoxx.

    “Knoxx, ang baby…” iyak ni Lumi.

    So he knew… He knew. He knew that Lumi’s pregnant?

    Everything behind me went black. Ang tanging nakikita ko ay ang dalawa. Klase klaseng emoosyon ang bumaha sa aking sistema. It was a mixture of betrayal, anger, regret, and shame. Lalong lalo na nang tiningala ako ni Knoxx. Lumipat ang mga mata niya sa latigong dala ko.

    “Pinakawalan niya ang mga baka at kabayo, Knoxx!” iyak ni Lumi.

    Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking pisngi. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong hindi ko maitatanggi iyon!

    “Entice, what did you do?” pagalit na tanong ni Knoxx.

    Napaawang ang bibig ko. Dumalo na rin si Koko sa kay Lumi.

    “Anong nangyari?” ani Koko, natataranta sa dugong nakikita.

    Knoxx scooped Lumi in a swift motion. Buhat buhat niya na ito sa kanyang mga bisig.

    “What did you do?”

    Napaatras ako sa naramdamang gulat at takot sa baritono at galit na boses ni Knoxx. Nangatog ang aking binti. Tiningnan niya ang hawak hawak kong latigo.

    “Pinakawalan niya…” nanghihina na sinabi ni Lumi.
    “God damn it, Entice! Is it true?” sigaw niya.

    Sa gulat ko ay napapikit at napatalon ako. Hindi ko maitanggi dahil totoong nangyari iyon! Nanginig ang aking mga labi. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. I’m so guilty!

    “‘Yong baby…” iyak ni Lumi. “Knoxx, ‘yong baby…”

    Parang sinaksak ang puso ko nang dinungaw ni Knoxx si Lumi. Mapupungay ang kanyang mga mata nang ginawa niya iyon.

    “The baby will be saved, don’t worry…” napapaos na boses ni Knoxx ang sumagot para kay Lumi.

    Kumapit ng mabuti si Lumi sa leeg ni Knoxx at mabilis nila akong tinalikuran.

    “Koko, get a horse or something!” utos niya kay Koko.

    Hindi parin ako makagalaw. Tumakas ang luha sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan.

    Pinanood ko lamang sila habang umaalis doon. Kumuha si Koko ng malaking kabayo. Sumampa si Knoxx doon at sinakay niya si Lumi. Hindi ko ma imagine kung paano siya magpapatakbo gayong sobrang kumplikado ng posisyon nilang dalawa.

    “Knoxx, kukuha ako ng tractor!” ani Koko nang napagtantong mahihirapan ang dalawa.

    Nilingon ako ni Koko ngunit wala akong naging reaksyon. Alam kong inaasahan nila ako para kumuha ng tractor o sabihin man lang sa mga tauhan na kailangan namin ng tulong pero hindi ko ginawa. I was too stunned to even blink.

    “Huwag na! Kailangan ko siyang dalhin sa ospital ng mabilis!”
    “Knoxx, ang baby…” Nanghihinang banggit ni Lumi.
    “Shh… Don’t worry, the baby will be okay…”

    Hinaplos niya ang buhok ni Lumi. Habang pinagmamasdan ko sila ay hirap na hirap akong lumunok. May batong bumabara sa aking lalamunan. Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.

    It was my fault, I know.

    Parang nakikita ko ang unti unting pag guho ng aking mundo. My world crumbled right before my eyes and there was nothing I can do. If Knoxx is truly the father of the child, then it’s all over for me.

    It’s over for me. Oo, dahil hindi ko makakayang makipagrelasyon kay Knoxx ngayong nalaman kong may magiging anak siya sa ibang babae. I grew up in a complete and happy family. I want children to grow up like me. Taliwas sa paninindigan ko ang pagpapatuloy kay Knoxx dahil lamang gusto ko siya.

    “Entice! Anong ginawa mo?”

    Mabilis ang lakad ni Koko patungo sa akin. Nawala si Knoxx at Lumiere sa aking paningin. Mabilis kasing pinatakbo ni Knoxx ang kabayo pabalik sa mansyon. Naupo ako dahil sa pangangatog ng aking binti.

    “Bakit mo pinakawalan ang mga baka?! Anong nangyari?! Hindi mo ba alam na pwedeng malaglag ang baby ni Knoxx at Lumi?”

    Tiningala ko siya. I’ve never been this devastated. I’ve never been this scared. I’ve never been this embarrassed my whole life.

    Kung sana ay hindi ako naging makitid. Kung sana ay mas nag ingat ako.

    I don’t know which incident is to blame. Iyon bang pagpapakawala ko sa mga hayop. Yes, I should regret that. Dahil diyan, dahil sa pagiging brat ko, napahamak ang baby ni Lumi. I also want to blame myself. Iyong puno’t dulo ng lahat ng ito. Ang pagkakagusto ko kay Knoxx. My attraction with him seems unhealthy. It’s obsessive. Kayang kaya kong manakit ng ibang tao para kay Knoxx. I condemned Lumiere for that ngunit anong pinagkaiba ko sa kanya kung ganoon din pala ako?

    “I-Is it Knoxx’s child? I-I-I didn’t know…”
    “Bakit? Kapag ba hindi iyon anak ni Knoxx, Entice, pwede mo nang gawin iyon?” nanggagalaiting sinabi ni Koko. Ginulo niya ang kanyang buhok.

    Natulala ako sa lupa kung saan nahiga si Lumi kanina. Traces of her blood were still there. Napatayo ako nang bigla kong naalala ang duguan niyang skirt.

    “Hindi ko alam na buntis siya!”
    “Kahit saan mo tingnan, mali ang ginawa mo! Paano kung may nangyaring masama sa baby? O kay Lumi? Tingin mo mapapatawad ka ni Knoxx?”
    “It’s impossoble! It’s not Knoxx’s child-“
    “Walang ibang malapit kay Lumi kundi si Knoxx! Ang mabuti pa, sundan mo sila sa ospital! At kahit na anong sabihin mo, kahit na hindi kay Knoxx iyong bata, hindi ibig sabihin noon na pwede mo nang saktan si Lumi!” pagalit niyang sinabi sa akin sabay lakad niya patungo sa barn house.

    I couldn’t move. I could not even fight back. Syempre, dahil alam ko na kasalanan ko nga ang lahat ng ito. I tried to defend myself. I tried to reason out.

    Hindi… Hindi ko kasalanan. Sinaktan niya rin ako. Una niya akong sinaktan! Sinugod niya ako dito! She harrassed me too! I was hurt too! Gumanti lang ako!

    Pinilig ko ang ulo ko. Alam ko… No matter how much I defend myself, my conscience is telling me that I am at fault. I want her hurt. I want to defend myself by hurting her back. I want her impaired so she can’t hurt me. And this is the price I paid.

    Walang tigil ang buhos ng luha ko habang nagmamartsa ako sa aming bahay. Nanlalamig ang aking mga kamay habang pinipihit ang door handle.

    Takot lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala nang iba. I couldn’t even describe what I’m feeling for Knoxx. I can’t name it. My heart seemed hollow and numb. I don’t feel anything for him.

    Isang bagsakan kong nilagay ang mga damit ko sa loob ng aking maleta.

    Ganito ba ang pakiramdam ng mga baguhan sa isang krimen? I didn’t mean to do that but I did. I know it’s not an enough reason to understand. Patungo ang lahat ng ito sa kung bakit gustong gusto kong saktan si Lumi sa mga panahong iyon. It was to defend myself, yes… But I know the basic law of human beings… and one of it is to take care of one another. To avoid hurting one another. To avoid fights and to conform. Kahit na ginawa ko iyon para depensahan ang sarili ko, sa huli si Lumi parin ang malubhang nasaktan. Sa huli, sa akin ang sisi.

    “Entice!” nagmamadaling pumasok si Manang Leticia sa aking kwarto.

    Panay ang tulak ko sa aking mga damit sa loob ng maleta. I would run. Yes. That was my only plan. And it’s irrevocable. Kahit na harangan ako ni daddy, mommy, o lola, hinding hindi magbabago ang isip ko.

    I would run… alone… Nanginging ang aking kamay sa takot. What will happen to me? Am I going to prison? And who would sue me? Lumiere? Knoxx? Oh my God!

    “Anong nangyayari?”

    Humihikbi ako. Hindi ko masagot ang tanong ni Manang. Basta ang lahat ng damit ko ay pinasok ko sa maleta.

    Nilalagpasan ko lang siya habang nagliligpit. Nakadipa na siya sa pagkakalito. Nagmadali siya sa paglabas, hindi ko alam kung ano. Siguro tatawagin niya ang kahit na sino para lang magsalita ako.

    “Thomas! Si Entice nag iimpake! Anong nangyayari?” pagkabalik niya ay hawak niya na ang cordless telephone namin.

    Mabilis kong kinuha kay Manang Leticia ang telepono kahit na hindi pa siya natatapos magsalita. Kitang kita ko ang galit kay Manang Leticia. I’m am so damn freaking scared that her anger doesn’t scare me anymore.

    “Dad!” sigaw ko, nanginginig parin ang labi.
    “Entice! Nag iimpake ka?”
    “Did you ask Knoxx to entertain me everytime I go to their house?” diretsahan kong tanong.
    “Anong? Anak, anong pinagsasabi mo?”
    “Dad!” Pasigaw kong tanong. “Pinakiusapan mo ba si Knoxx na huwag akong itaboy tuwing pumupunta ako sa kanila?”
    “Hindi ba hindi ka na pumupunta sa kanila? He’s goes to our house-“
    “Why can’t you…” Sinapo ko ang aking noo. “Tell me! Nakiusap ka ba sa kanya to put up with all my caprices? Ha? Did you ask him to tame me?!”
    “Entice, what is happening?”

    He couldn’t deny it. Binalik ko kay Manang Leticia ang telepono. Bumaling ako sa aking maleta. Hindi ko na impake lahat lahat pero hindi ko na pinanghinayangan ang kahit ano.

    “Entice! Antayin mo muna ang mommy at daddy mo, Diyos ko!”

    Sumunod si Manang Leticia sa akin kahit noong pababa na ako. Padabog na bumaba ang aking maleta sa bawat baitan ng hagdanan.

    I didn’t mind the noise. I just want to move out of this place before anything else happens.

    Halos napaatras ako nang nag abang si Koko sa akin sa pintuan. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang maleta sa aking likod.

    “Entice, hindi ka pupunta sa ospital?”

    Umiling ako.

    With the amount of blood Lumiere lost, I’m sure I’m going to jail.

    “Tinext ko na ang kanyang kapatid at si Governor. Pupunta na rin sila sa ospital, Entice. Hindi ka ba pupunta?” tanong ni Koko.

    Now, I am as cold as ice. Pag nagtagal pa ako dito ng isang minuto, malamig na rehas na ang magiging kasama ko.

    Pinasok ko ang maleta sa loob ng sasakyan. Si Manong Rene na nag aabang lamang sa labas ay nagulat pa.

    “Rene! Huwag mong ihatid si Entice! Antayin natin si Thomas! Anong nangyari, Koby?”

    Kitang kita ko ang pagkakalito ni Manong Rene sa utos ni Manang Leticia. Bago pa siya nakapagtanong ay inagaw ko na ang susi.

    “Entice!” sigaw ni Manang at mabilis na akong pumasok sa sasakyan.

    I locked all the doors. I will leave before anyone hunts me down. Iyon lamang ang tangi kong naiisip.

    “Hindi siya marunong, Rene!” sigaw ni Manang.

    Sinubukan ni Koko na buksan ang sasakyan. Ganoon din si Manong Rene pero huli na ang lahat. I stepped on the gas. Nobody can stop me.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    With Child

    I left our car near the bus terminal. Sumakay ako ng bus patungong Maynila, mag isa. Ito ang unang pagkakataong sumakay ako ng bus ng mag isa. I’m scared, I can’t deny it. Pero mas nakakatakot ang manatili sa Alegria.

    Maaaring ipagtatanggol ako ng mga magulang ko. They would save me from anything that can ruin my name. But it’s not going to be enough for me. My conscience will haunt me. Leaving is my only choice.

    I turned my phone off. Gabi na nang sumakay ako ng bus kaya sa bus na rin ako nagpalipas ng gabi. Hindi pa ako nakakapaghapunan ngunit naalis na sa isip ko ang gutom dahil sa nangyari.

    Madaling araw akong nakarating sa Maynila. I’m not really familiar with the city too. Iyon pa ang isa sa ikinakatakot ko.

    Kumuha ako ng isang room sa isang hotel malapit sa airport. Wala nang tumatakbo sa utak ko kundi ang pagbalik sa America.

    Kung babalik ako doon, tatanggapin ako ng mga kamag-anak namin. What do I do next? Mag aaral? Magtatrabaho? Hindi ko alam kung alin.

    Tinupi ko ang spaghetti strap na hinanda ko para kay Knoxx. Masakit tingnan ang damit na iyon. Nagpapaalala iyon sa akin na sa isang iglap lang ay nagbago ang tungo ng aking buhay.

    “I’ll just call a relative,” sabi ko sa receptionist ng hotel nang naghanap ako ng computer sa premises.
    “Ma’am, we have wifi in this hotel. The password is with your key.”
    Umiling ako. “Wala akong cellphone e…”

    Parang hindi makapaniwala ang babae sa sinabi ko. Kanina ko pa gustong buksan ang cellphone ko para matawagan si daddy at mommy but then I’m scared that they might want me back in Alegria.

    Pinahiram ako ng isang laptop. I opened Skype and found out that Hector’s online. Kinlick ko kaagad ang kanyang icon para matawagan.

    Kumalabog ang puso ko. I’m thankful that Knoxx’s icon is offline. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa Alegria ngayon pero tingin ko’y abala pa ang lahat sa nangyari kay Lumi.

    “Entice…” tinig ni Hector ang narinig ko.

    Itim pa ang screen kaya hindi ako sumagot. Nang nakita ko na siya sa harap ko ay ‘tsaka lang ako nagsalita.

    “Hector…”
    “Where are you?”

    Nagtiim bagang ako. I knew it! Alam niya na yata ang nangyari. Paniguradong noong umalis ako, tinawagan kaagad ni mommy o daddy si Hector.

    “Hector, please huwag mong sabihin kahit kanino. Nasa Maynila ako. I need to go out of the country… Please, help me.”

    Nanatiling nakatitig ang pinsan ko sa screen. Narinig ko ring nagsalita si Chesca sa background pero hindi siya nagpapakita.

    “Nag aalala si Tito Thomas at Tita Lina sa’yo! Asan ka ba?” tanong ni Hector na parang di ako narinig.
    “I’ll call them once I’m out of the country. I just really need to be out of the country! Please naman, kupkupin n’yo ako ni Chesca!”

    Pagkasabi ko noon ay siyang pagkakakita ko kay Chesca sa screen. Nakatayo siya sa gilid ni Hector at yumuko para makita ako ng mabuti sa screen nila.

    “We’re in New York, Entice. Paano ang pag aaral mo diyan?” ani Chesca.
    Umiiling na ako. I don’t care about anything as of the moment.
    “Ano ba talaga kasi ang nangyari? Iniwan mo ang Jeep sa bus terminal? Nag drive ka? Hindi ba automatic lang ang alam mo? Si Tito Thomas ay nasa ospital para panagutan ang ginawa mo sa anak ni Governor Revamonte! Antayin mo ang pag luwas nila diyan bago ka magdesisyon.”

    Parang gumuho ang aking mundo. Siya lang ang tanging naisip kong hingan ng tulong. Bumagsak ang mga mata ko sa keyboard ng laptop. Pakiramdam ko ay wala akong maaasahan. I should just go get a ticket. I stayed in an apartment at Los Angeles when I was fifteen, syempre kasama ko noon ang ilang relatives ko. Doon na lang siguro ako pupunta.

    “Anong iniisip mo, Entice?” tanong ni Hector.
    Umiling ako at ngumiti.
    Umiling din siya at bumuntong hininga. “Book a ticket now. Tatawagan ko si Tito Thomas at ako na ang bahala sa kanya.”
    “T-Talaga?” Nanlaki ang mga mata ko.
    Umirap siya at tumango. “In exchange of this, I want to know what exactly happened. And you will live with us here in New York. Bawal kang bumukod, as this is your house anyway…”
    Mabilis akong tumango. Pakiramdam ko ay susundin ko lahat ng gusto niyang mangyari, matulungan niya lang ako sa gusto ko.
    “What happened?” tanong niya.

    Tinampal ni Chesca ang kanyang braso. Napalunok ako. I will explain to Hector everything, I just don’t know where to start.

    “Pagkadating niya na dito, Hector…” ani Chesca.
    “I have an idea. Sinabi sa akin ni Tito Thomas iyong pagkakaospital daw ni Lumi… Pinakawalan mo ang mga hayop sa rancho?” ani Hector sa akin.
    “Yes…” malungkot akong tumango at tiningnan ang sariwang mga sugat galing sa kuko ni Lumi.

    Sa braso ko ay may tatlong mahahabang linya na nag marka. Mahapdi iyon at kaka tigil lang ng pagdurugo.

    “And she’s pregnant?” ani Hector.
    “Hindi ko alam na buntis siya! But then I know too that it was a wrong thing to do, pregnant or not. I know it’s bad, Hector. And I’m scared…” bumuhos ang luha ko at nanginig ang labi ko. “I’m really, really scared. I’m eighteen and they might file a case against me!”
    “You really think hindi kayang lumaban ni Tito Thomas? Besides, baka pwedeng ma areglo ito kapag nag usap lang ng mabuti.”

    Galit na galit si Lumi sa ginawa ko kaya alam kong hindi iyon magpapaareglo. And I don’t know what to feel towards dad, too. Lalo na noong napagtanto ko ang lahat… na maaaring sumunod lamang si Knoxx sa gusto ni daddy. Kaya pinayagan niya na akong mamasyal araw-araw. Kaya payag na siyang pumunta ako kay Knoxx. It was all dad’s plan. Pinagbigyan lamang ako ni Knoxx dahil nirerespeto niya ang aking ama.

    “Hector…” hinaplos ni Chesca ang braso ng aking pinsan. Tumigil agad ito sa pagsasalita at sa pag giit sa kanyang opinyon.
    “Alam kong natatakot ka sa nangyari, Entice. Pero hindi ba dapat harapin mo iyong problema?”
    “I am not yet ready to face my problem yet. I just want to go away from this mess, Chesca,” sabi ko.
    Tumango siya. “I understand.”
    “Kung ganoon, book a ticket now. I’ll tell Tito Thomas,” ani Hector pagkatapos ay umiling siya. “The day you were born, you were a pain in the ass. Hanggang ngayon, you’re a pain in the ass…”

    Napangiti ako sa sinabi ng aking pinsan. Tinampal ulit ni Chesca ang kanyang braso. Nangilid ang luha sa aking mga mata. I suddenly yearn for familial love.

    “Thank you, Hector… Chesca…”

    Pagkatapos ng tawag ay naghanap na agad ako ng ticket patungong New York. Nagulat ako nang nakakita ako ng isang flight bukas. I immediately booked it. There’s no turning back. Like how I left Alegria, there’s no turning back too.

    Dinudungaw ko sa labas ng eroplano ang iiwan kong bansa. Una ko itong iniwan noong may nawala sa amin ni Hector. Ngayon, iiwan ko ito dahil nawala ko ang sarili ko.

    Naghahalong kaba at panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon. Panghihinayang para sa mga taong nasimulan ko nang mahalin, sa mga kaibigang napagtuonan ko ng pansin… iiwan ko din naman pala. Kaba para sa maaari pang mangyari. I am sure that it’s not going to be the end. Pag balik ko ng US, paniguradong malalaman ko lahat ng nangyari sa Pilipinas. The only thing that would comfort me will be the distance between all of us… and maybe, that’s it.

    “My goodness, Entice!” humagulgol si mommy sa Skype nang una ko siyang nakita pagkarating ko ng New York.

    Pagod na pagod ako sa byahe pero walang pakealam si Hector sa akin. Hindi na rin ako umangal. Kasalanan ko dahil hindi ko kinausap ang mga magulang ko bago ako umalis. Mag isa akong nag desisyon at pinangunahan ako ng takot pero kung ibabalik ulit ang lahat ng iyon, ito parin ang gagawin ko. There’s just no other way for me.

    “What happened? Sana kinausap mo man lang kami! Alam mo bang sobra sobra ang pag aalala ko nang ibinalita ni Manang Leticia iyong nangyari sa’yo! You’re lola got sick!” sabay iyak niya.

    Nanlamig ako. This is why Hector was so pissed. Nilingon ko ang aking pinsan na ngayon ay nakatingin lang sa akin at nakahalukipkip.

    “You’re lola’s in bed! Ayaw niyang magpa ospital kahit na ang taas ng blood pressure niya dahil sa nangyari. You’re dad’s busy with the Revamontes! And I’m here thinking about you! Hindi ka man lang tumawag sa akin! Kung wala si Chesca at Hector, baka inatake na rin ako sa puso!” sigaw ni mommy sabay iyak.
    “I’m really sorry, mom. I’m fine here. Natatakot lang po talaga ako sa nangyari-“
    “Natatakot ka na? Dios ko naman, Entice! Anong ikinakatakot mo na nandito naman kami ng daddy mo! Did you really do it, anyway?” tumigil siya sa pag iyak. May bahid na kuryusidad ang kanyang ekpsresyon ngayon.
    Tumango ako at pumikit ng mariin.
    “Talagang pinakawalan mo ang mga baka at kabayo? For what reason? You want to hurt her?”
    “I know… I’m sorry. I was just so scared that time. She’s hurt me too. But I know that’s not enough reason to do that. I’m sorry. I’m sorry…” Alam kong mali na kay mommy ako nag so-sorry. Dapat pala kay Lumi ako nag so-sorry. But then… it’s too late for that now.
    “And she’s pregnant!” nagpatuloy sa pag iyak si mommy. “My goodness! Did you know about that?”
    Umiling ako. “Hindi ko po alam, mommy! I swear hindi ko alam!” sabi ko.
    “Ang sinabi niya sa daddy mo ay nagagalit ka raw sa kanya! Bakit?”

    Ayaw kong mag sumbong. Hindi ko ugali iyon. But I need to explain my side. I need to somehow enlighten my mom about it.

    “I don’t know… She went there, nagsimula siya ng away. Pinagsalitaan niya ako ng masama and she hurt me physically.”
    “‘Yang sugat sa braso mo ba ang tinutukoy mo?” malamig na tanong ni Hector.
    Tumango ako at nagpatuloy sa pagkukwento kay mommy. “Nagagalit siya sa akin sa pagiging malapit ko kay Knoxx, mommy. But I know that my reasons won’t be valid dahil kahit nasaktan ako, mas nasaktan ko siya.” Umiling ako. “Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari. I just really want to divert her attention. I just want to distract her because I’m so scared she might hurt me again.”
    “You should’ve called someone! You should’ve called Koko or someone, Entice! Hindi iyong ganoon! And you’re in New York now, mas lalo kang nagmukhang guilty!”
    “Because yes, I truly am guilty…” nangilid ang aking luha. “I really did it. Kahit anong cover up ang gawin ni daddy para masalba ang pangalan ko diyan sa Alegria, makaka takas parin ang katotohanan-“
    “But we can all say that you did it because she’s hurt you, Entice! That’s a completely different story!”
    “Na ano, self defense lang iyon? There’s another one who’s involved her, mom. Kahit saan ko tingnan sa akin ang sisi ng lahat. She’s with a child! She’s pregnant…” napalunok ako. “And… I want to ask… Is the child o-okay?”

    Natahimik si mommy. Sa katahimikan niya pa lang alam ko na ang sagot.

    “Mom! Is her child okay?”
    “Entice, hindi mo kasalanan, okay? I believe in you-“
    “Holy shit…” napapikit ako at tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha.

    All hopes of forgiveness went out of the window. She lost the child!

    “En, makinig ka… Don’t be scared, your dad is doing everything para maging maayos ka. He’s doing really well. Nag uusap sila ni Knoxx at ng mga Revamonte. Si Lumi na lang. After all these, paniguradong magiging maayos na…”

    Ayaw kong makinig. I just want to be alone in my room. I want to stop this. I want to end it…

    “Tita, mamaya na po ulit. Magpapahinga na lang po muna si Entice. Kararating niya lang din kasi…” ani Hector.
    “Huh? O… sige… Entice, don’t worry, anak. Everything’s going to be alright. We’ll fix all the mess. Don’t you worry. Rest well there. Tatawag ulit ako mamaya kasama ang daddy mo…”

    Hindi ko parin tinatanggal ang aking palad sa aking mukha. I can’t take it. I wish the time would stop or something.

    “Hector, please take care of your cousin. Please, Hector. Maraming maraming salamat sa inyo ni Chesca…”

    Marami pang ipinagpasalamat si mommy kay Hector. Tumayo na ako at tahimik na dumiretso sa aking kwarto. Pinanood lamang ako ni Chesca ng walang imik.

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28
    More To Life

    “‘Yong baby namin, Entice! Anong ginawa mo?” boses ng isang lalaking nanggagalaiti ang narinig ko bago ako nagising.

    It’s four in the morning, kita ko sa digital clock sa gilid ng aking kama. Isang buwan na ako sa New York pero iyon parin ang laman ng konsensya ko. I will probably have it with me for always, huh?

    Nagpunas ako ng pawis. Kahit malamig, hindi parin napigilan ang pamamawis ko dahil sa masamang panaginip.

    I stared blankly on the ceiling. Tuwing nagigising ako sa panaginip na ganoon ay hindi na ulit ako nakakatulog.

    Ang sabi ni daddy noong huli ko siyang nakausap ay maayos na daw si Lumi. A week after it happened, nakaalis na si Lumi sa ospital. Ang sabi ng doktor, before the assault, Lumi was almost always bleeding na daw. At dahil ayaw niyang malaman ng sambayanan na buntis siya, hindi siya nagpapacheck up. Mas lumala lamang ang nangyari noong galit na galit siyang sumugod sa akin.

    Suminghap ako at tumagilid sa kama. Hindi na talaga ako makakatulog. Pabalik balik kong naiisip na ako ang pumatay sa anak ni Knoxx at Lumi. I did not point the gun but I was the one who pulled the trigger. Kahit na ayaw kong mangyari ay ginawa ko.

    “Entice, umuwi ka na dito, anak…” ito ang palaging linya ni mommy.

    Unlike the old times, mas grabe siya kung makapagpaalala sa akin sa pag uwi ko. Noong nasa U.S. ako, ni halos di niya ako tinatanong kahit na gustong gusto ko nang umuwi. Si mommy at daddy ang madalas na bumibisita sa akin noon, pero ngayon, sila naman ang atat sa pag uwi ko. Siguro dahil alam nilang malaki ang posibilidad na hindi na ako bumalik.

    “Mom, nagtatrabaho na po ako dito. Ayos na po ako.”
    “No! You need to study! You should!”
    “‘Tsaka na…”

    Simula ng pagbalik ko dito, hindi ko na muna inisip ang pag-aaral. Nag apply ako bilang assistant ng mga journalist sa isang magazine at libro tungkol sa farming.

    “Marami akong matututunan dito-“
    “Iba ang pagbabasa ng tungkol sa farming, iba rin iyong pinag aaralan mo talaga, Entice,” giit ni daddy.

    Mabilis na tumakbo si Chesca patungo sa banyo. Kalalabas niya lang sa kwarto nila ni Hector at dahil sa kusina ako tumawag kay mommy at daddy ay namataan ko ang pagtakbo niya.

    Sinundan ko ng tingin si Chesca habang nagsusuka sa banyo. Ilang araw ko na siyang napapansing ganito. Tuwing umaga ay nagsusuka siya. Hindi kaya… buntis siya?

    “Entice!” ani daddy kaya natuon ulit ang atensyon ko sa kanila.
    “I will come back-“
    “When?” ani daddy sa nag aalalang tono. “If you’re thinking about your relationship with Knoxx, hija, inaamin kong pinagsabihan ko nga si Knoxx ng tungkol sa’yo. But I never told him to court you. Ni hindi ko sinabi sa kanyang dalhin ka niya sa kanila at ipakilala sa kanyang pamilya. He moved on his own will…”
    Umiling ako. “Yes, dad. I just really need some space right now. This isn’t about him, anymore. This isn’t about me being… betrayed. Gusto ko lang huminga muna sa lahat ng nangyari. I did something wrong. Very wrong. I know I should be there, saying my apologies to Lumi and Knoxx pero hindi ko pa kaya sa ngayon. I am just too guilty-“
    “You don’t have to be guilty! The child’s not in good condition even before it happened, Entice!” ani daddy.

    Hindi ako nagsalita. Hinaplos ni mommy ang braso ni daddy. Kahit na sila lang ang nag uusap ay naririnig ko ito.

    “Alam mo namang hindi ‘yan papatalo,” ani mommy.

    Lumabas si Hector sa kwarto kaya nag angat ulit ako ng tingin. Sinundan niya si Chesca sa banyo.

    “Mom, Dad, I’ll call you later. I need to prepare…” sabi ko para matulungan si Hector at Chesca sa kung anong problema.
    “Isa pa, Entice, kailan ka ba magkakaroon ng sariling Skype? You keep on calling us through Hector’s account! Nalilito kami…” ani daddy.
    “I’ll try. Paano kung sa ibang App na lang, daddy?” sabi ko.
    “Huwag na!” giit niya. “Skype lang! Ibalik mo ‘yong dating account mo!”

    Nagulat ako pero nagkibit ako ng balikat.

    “Sige na po… I’ll end the call.”

    Natapos na lang ako sa pagpapaalam sa kanilang dalawa ngunit si Hector at Chesca ay nanatili sa nakabukas na bathroom. Dumiretso ako doon para tingnan kung anong nangyayari.

    Naabutan ko si Chesca na namumutla na at nakaupo sa inidoro. Si Hector ay sinusubukang punasan ang mukha ng asawa pero tinatanggihan nito ang wet wipes.

    “What’s wrong?” tanong ko.

    Bumaling si Hector sa akin. Dinagdagan niya ang kinuhang wet wipes at sinubukan ulit na punasan ang pisngi ni Chesca pero tinanggihan parin nito ang wipes.

    “Is she p-pregnant?” Hindi ko alam kung bakit biglaan akong nanlamig.

    Parang gusto kong tumakbo. Hindi ko ma pin point ang nararamdaman ko pagkatapos kong bitawan ang tanong na iyon.

    Tahimik silang dalawang nakatingin sa akin. Ang singhap ni Hector ang bumasag sa ilang saglit na katahimikan.

    “Yes, we’re pregnant…” ani Hector.

    Nalaglag ang panga ko at bahagyang napaatras. Tumindig ang balahibo ko. Nag angat ng tingin si Chesca sa akin at bahagyang ngumiti.

    “Pinag iinitan niya lagi ako tuwing umaga. Parang laging badtrip sa akin pag umaga…” ani Hector.
    “Ang sabi ko sa’yo, kaya ko dito! Bakit ka ba kasi sumusunod? Ha?” pagalit na sigaw ni Chesca.

    Hindi parin ako makagalaw. I am deeply happy for them! So happy… Ngunit ang alaala ng nangyari kay Lumi ay bumuhos sa akin. I feel like I shouldn’t come near Chesca. I feel like it’s going to be my fault again. I feel like I shouldn’t be here!

    “Nag aalala lang naman ako sa’yo, Chesca…” ani Hector.

    Napatingin si Chesca sa akin. Nanlalamig ang kamay ko. Umatras ako ng isang hakbang. Napangiti ako pero ang sikip sikip ng dibdib ko.

    “Are you okay, Entice?” tanong ni Chesca sabay tayo.

    Napatingin si Hector sa akin. Tumulo ang luha sa aking mga mata. I’m really happy for them. But I’m so fucking scared about something.

    “O-Okay lang ako…” sabi ko.
    “Entice?” ani Hector.
    “Hindi pa namin sinasabi kay Tita Lina at Tito Thomas. Pati kay Lola, En. She’s 3 months pregnant…” ani Hector at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
    Tumango ako pero hindi tumigil ang luha ko.

    Tumayo si Chesca at lumapit sa akin. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang braso ko pero hinawi ko ang kamay niya.

    “Entice!” ani Hector.
    “Entice!” sigaw rin ni Chesca.

    Hindi ko na napigilan ang paghagulhol ko. Hinawakan ni Chesca ang aking braso. Napakahirap na pigilan ang sarili kong hawiin ang kanyang kamay. Nanginginig ako habang hinahawakan ang kanyang kamay.

    “Hector, kailangan kong bumukod. Natatakot ako! Natatakot ako!” sabi ko.
    “Entice!” may diin na sigaw ni Chesca.
    “Anong nangyayari sa’yo?” tanong ni Hector.

    Tinulak ni Chesca si Hector palayo sa amin at hinila niya ako palabas ng CR. Hinigit niya ako patungong kwarto niya.

    “Magluto ka ng breakfast, Hector!” iritadong sinabi ni Chesca sa pinsan ko.
    “Huh? What’s wrong? Uh… okay!”

    Sinarado ni Chesca ang pintuan ng kwarto nilang dalawa. Mabilis ang paghinga ko dahil sa pag iyak ko pero unti unti nang kumalma ang aking puso.

    “Naaalala mo iyong nangyari kay Lumi?” tanong ni Chesca. “You’re traumatized, Entice…”

    Tahimik lamang ako. Tumigil na sa pag iyak at ang tanging ginawa ay umupo sa kama nila. Tiningnan ko ang aking mga kuko.

    “Ang sabi ni Hector, uuwi kami pagkatapos ng ilang buwan. Gusto niyang sa Pinas ko ipanganak ang anak namin…” umupo si Chesca sa tabi ko.

    I stiffened. Damn it! I shouldn’t move!

    Sinuklay niya ang aking buhok. Nilagay niya ang ilang tikwas sa likod ng aking tainga. Her touch was so gentle.

    “But I changed my mind. I’ll be here. I’ll help you get over that feeling. You’ll help me with my pregnancy. At tutulungan mo rin ako sa pag aalaga sa anak ko, once he or she’s out!”

    Hindi ako nakaimik. The look on Chesca’s eyes told me that she’s darn serious about it.

    Nandito sila sa New York para magtravel. Nag honeymoon kasi sila sa isang isla sa Carribean at nag stop over lamang dito para magbakasyon. They should’ve gone home a month ago pero dahil sa pagdating ko ay napa extend ang dalawa. Ngayon, nag desisyon si Chesca na dito niya ipapanganak ang kanyang dinadala, I’m thrilled and scared at the same time. Hindi maalis sa utak ko iyong nangyari kay Lumi. But then again, like what Chesca said, I’ll get over it. I will.

    Limang buwan na ang tiyan si Chesca nang pinaalam namin kay mommy at daddy ang balita. Sa sobrang saya ni Lola ay gusto niya na kaming pauwiin lahat doon. They both refused and I can’t help but feel so emotional. Pakiramdam ko, gusto na nilang umuwing pareho pero ayaw nila akong iwan mag isa dito.

    “So ano, ipapadala ko na lang ang gift ko sa pamangkin ko, Ateng?” boses ni Craig, ang nakababatang kapatid ni Chesca ang nasa Skype.

    Malaki na ang tiyan ni Chesca pagkatapos ng ilang buwan naming pananatili sa New York.

    “Chill, brother. Uuwi kami ni Hector at Entice pagkapanganak ko…”

    Tiningnan ko ang screen. Kumaway si Craig sa akin. Nginitian ko siya at kinawayan na rin.

    It’s been almost four months simula noong napunta ako dito sa New York. Dito na kami nagpasko ni Chesca at Hector. Hindi ko maipagkakailang mabuting ideya nga ang pananatili nila dito. I feel a little better knowing that I’m with them.

    “Sige, mag aantay ako! Pagkapanganak mo, umuwi agad kayo dito!” ani Craig.
    Natawa ako. “Pagpahingahin mo naman si Chesca, Craig!”

    Tumawa si Chesca. Afterwards, she ended the call with Craig. Pinagpatuloy ko na ang pag totoothbrush. Medyo napaaga ako ngayon kaya hindi ko kailangang mag madali papuntang trabaho.

    “Hector!” sigaw ni Chesca.

    Niluwa ko ang toothpaste sa aking bibig. Kumalabog ang puso ko sa takot ngunit nang nilingon ko si Chesca ay agad namang napawi ang aking kaba.

    Damn it!

    Nakita ni Chesca ang pagiging kabado ko. Ngumuso siya at nagtaas ng kilay.

    “Bakit?” ani Hector pagkalabas ng gym room.

    Naka topless pa ang pinsan ko at pawis na pawis, siguro ay nag wowork out. Relief washed over me. Akala ko ano nang nangyari at bakit napatawag si Chesca ng ganoon kay Hector. Uminom ako ng tubig para mas lalong kumalma.

    “Tumatawag si Knoxx sa Skype mo…” ani Chesca.

    Nailuwa ko ang tubig na iniinom. Sa sobrang gulat ko ay naubo pa ako.

    “Ayos ka lang, Entice?” nahimigan ko ang panunuya sa boses ni Chesca.
    “I’m fine!” sabi ko, nakaharap sa sink at naghugas ng baso.
    “Sagutin mo, Chesca…” ani Hector.
    “Okay…” Natatawang sabi ni Chesca.
    “Hi… Knoxx!” ani Chesca.

    Halos hindi ako huminga. Pakiramdam ko, kapag huminga ako ay malalaman ni Knoxx na nasa parehong room lang kami ni Hector at Chesca.

    Ang alam ko, nagalit si Hector kay Knoxx noong unang buwan ko dito. But later on, like how boys do it… nagkabati rin ang dalawa. Hindi ko nga lang alam na tumatawag si Knoxx sa Skype ni Hector.

    “Hi, Chesca! Hector…” baritonong boses ni Knoxx ang narinig ko.
    “May problema sa rancho?” tanong ni Hector sabay tabi kay Chesca.

    Hindi sumagot si Knoxx. Naghugas ako ng kamay para panandaliang marinig ang pag uusapan pero wala naman siyang sinabi.

    “Wala?” ani Hector. “Anong itinawag mo, kung ganoon?”

    Bahagya akong natigilan. Naririnig ko ang hagikhik ni Chesca. Kumalabog ang dibdib ko. Imbes na manatili ay nagpasya akong bumalik sa kwarto.

    “Iyong lupa niyong dikit sa lupa namin, binibenta ng Tito Thomas mo sa akin. Nasabi niya ba sa’yo?” ani Knoxx.
    “Ah! Oo, nasabi niya nga. Iyong lolo mo naman kasi ang nagtanim ng mga manggang iyon. Naturally, Tito Thomas would offer you that. Hindi rin kawalan sa amin ang higit isang ektaryang iyon, Knoxx. But if I were you, I won’t buy that piece of land…”

    Hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig. Whatever. I need to focus on my job now. Hindi umiikot ang mundo sa isang tao. Hindi umiikot ang mundo sa pag ibig. Hindi umiikot ang mundo sa pagkamit sa pag-ibig ng isang tao. There’s more to life than love. There’s freedom, passion, knowledge, and friendship. Iyon ang natutunan ko. So I shouldn’t dwell much on that side of life. Because life isn’t all about it.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Rational
    Moody si Chesca sa kanyang pagbubuntis. Tuwing umaga ay sobrang tahimik ni Hector pagka’t lagi na lang itong napapagalitan. I would only smile and ignore them. Ayaw kong ako naman ang pagbuntungan ni Chesca.

    Nag susuklay ako ng buhok habang umiinom ng kape. Panay ang mando ni Chesca sa gustong pagkain kay Hector.

    “Pancakes, yeah? You sure you don’t want me to buy some-“
    “I want you to cook it, Hector!”

    Umiling ako. She’s giving my cousin a hard time. Well, not Chesca, I’m sure. I mean… she… The little baby girl inside her tummy.

    “Okay. Pero kasi kahapon, hindi mo kinain iyong niluto kong pancakes…” mahinahong sinabi ni Hector, kaharap ang mga ingredients.
    “Lagyan mo ng maraming cheese!”

    Umiling na lang ako. Naririnig kong tumutunog ang Macbook na nasa counter pero walang pumapansin. Chesca’s too tired to even move. Her stomach is too big now. Si Hector naman ay abala sa pagluluto.

    “Hector, tumutunog ang Macbook,” sabi ko.

    But then later on, I realized nobody’s going to answer the call so I need to answer it myself.

    Hindi ko pa nakikita kung sino ang mag fi-Facetime ay nasagot na ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung kaninong account iyon.

    Knoxx Gideon N. Montefalco

    Hindi pa ako nakakaatras ay tumambad na sa screen si Knoxx na nakapangalumbaba. His hair is slightly longer and disheveled. His broad shoulders look wider and his expression looked so mature. Nangatog ang aking binti at nagpanic ako. Gusto kong patayin pero hindi ko mahanap ang tamang buton.

    Nang sa wakas ay nahanap ko ang tamang buton ay pinutol ko kaagad ang tawag. It lasted for only five seconds and darn it that was the longest five seconds of my life.

    Tumunog ulit ang Macbook. Napatalon ako sa sobrang gulat.

    “Entice, sinong tumatawag?” tanong ni Chesca.

    Namutla ako at tumingin sa kanya. Pagod siyang ngumisi.

    “Hmm. Si Knoxx ba? Hector!” sigaw niya.

    Hindi na ako umimik. Dumiretso na ako sa kwarto para makapagbihis at makapaghanda sa paglabas ko.

    “Yes, Chesca…” ani Hector sabay lapit sa Macbook.

    Sinarado ko ang pintuan. Napahilig ako sa may hamba. I was so stunned. My heart won’t stop beating like crazy. Kung hindi pa ako tinawagan ni Hester ay hindi ako gagalaw doon.

    Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala kasing pasok at nagkasundo kami ni Hester, iyong girlfriend niyang kasama ko sa trabaho, at ilan pang kaibigan namin na pumunta sa Brooklyn Botanic Garden para manood ng Cherry Blossom Festival.

    Kumuha ako ng isang dark maong pants. Nahirapan pa akong hanapin iyon dahil hindi na ako madalas nag susuot ng ganoon. Sa trabaho ay lagi akong naka dress o skirt, at coat. Hindi na rin ako masyadong nag boboots pwera na lang kung winter. Madalas kailangang stilletos or peep toe pumps sa trabaho.

    Itim na coat ang pinares ko sa pants at white t shirt at tapos na ako. Pagpihit ko sa door handle ay dinalaw ulit ako ng kaba.

    Kumuha ako ng payong, in case na umulan. Sa sala ay naroon si Chesca at ilang metro lamang ang layo noon sa kitchen kung saan nakaharap parin si Hector sa Macbook.

    Tahimik siya, parang may masinsinang kausap sa screen. I don’t know if it’s still Knoxx though.

    “Aalis ka?” tanong ni Hector nang namataan na bihis na bihis ako.
    “Labas lang kami-“
    “Ni Hester? Saan naman kayo?” aniya.

    Mataman ko siyang binalingan. Bakit ngayon pa siya makekealam?

    “Hector, tumigil ka nga…” saway ni Chesca.
    “Hindi ba nagpaalam na ako sa’yo? Brooklyn Botanic nga. Ngayon ‘yong Cherry Blossom Festival-“
    “Kayong dalawa lang?”
    Umirap ako. “He’s got a girlfriend already. Come on, Hector. Don’t be so nosy…” sabi ko at binuksan na ang pintuan para makaalis na sa bahay.

    Alegria felt like a very far away land. Tulad na lang ng naramdaman ko noong una akong umalis doon. Pakiramdam ko, hindi ko na ulit ito makikita.

    Seven months na simula nang umalis ako doon pero pakiramdam ko ang tagal tagal na noon. Sa sobrang tagal ay pakiramdam ko panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi. Siguro, mabuti na rin. Para tuluyan ko nang makalimutan ang lahat.

    “Entice, kailan ba ang uwi n’yo at tuwing nagkakasalubong kami ng mga kaibigan mong si Drixie, Heather, at Joaquin ay nagtatanong sila ng tungkol sa’yo!” ani Manang Leticia nang isang beses ay tumwag si Lola.
    “Hindi ko alam, Manang. Just tell them I’m out of the country-“
    “Ilang beses ko na ba iyong nasabi sa kanila? Nagtatanong sila kung kailan ka babalik dito? O kung babalik ka pa ba?”
    “Babalik siya, syempre. In two or three months, Manang,” singit ni Hector kahit pareho kaming kabado.

    Nasa loob kami ng ospital ngayon. Kahapon pa lang ay narito na kami dahil iyon na ang sinabi ng doktor. Today is the real thing. Chesca’s inside the labor room. Kaya hindi rin pinuputol ang tawag dahil gusto na ni Lola masilayan ang kanyang apo sa tuhod.

    Bumukas ang pintuan ng room. Tumayo si Hector at agad na kinausap ang doktor. Tinawag ni Manang Leticia si Lola, mommy, at daddy.

    “Bakit ba kasi kayo hindi pa umuuwi?” pagalit na sinabi ni daddy.
    “Hayaan mo na, dad. Sige na. Asan na?” ani mommy.
    “Wait…”

    Tumayo ako at sumunod kay Hector. Mukhang tapos na nga ang panganganak. Nasa loob pa si Chesca at hindi pa kami pinapapasok. Tinaas ng isang nurse ang baby.

    Napawi ang malaking ngiti ko habang tinitingnan ang maputi at mamula mulang baby. Umiiyak siya habang binabalot ng puting cloth. Napaliwan ang aking ngiti ng mga luha. The child’s making my heart hurt so bad. Sa sobrang saya ko ay ang sakit sakit ng puso ko. Posible palang ganito?

    “What happened to my wife? Is she okay?” pagalit na tanong ni Hector sa doktor.

    Nilipat ko ang aking paningin kay Chesca. Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan siyang walang malay.

    “She’s fine. She’s just exhausted. She’s just asleep. No need to worry about her-“
    “Is she stable? Does she need anything to make it feel better?” nagpapanic niyang paulan ng tanong.
    “Hector, ganyan yata pagkatapos manganak. Naubos siguro ang lakas niya. Tulog lang ang katapat niyan…” sabi ko.

    Napatingin ulit kaming dalawa sa baby. Mukhang ililipat ito sa nursery. Binalikan ulit kami ng doktor.

    “What’s the name of the baby?” tanong ng nurse na may dalang clip board.
    Tumingin si Hector sa akin. “She wants you to name the baby, Entice. Did you prepare a name?”

    Nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat.

    “What? Did I prepare a name? Like I know that I’m naming my niece, Hector?” pagalit kong sinabi.
    “She wants you to name it! I thought you know…”

    Napakurap kurap ako. Hindi sinabi ni Chesca sa akin iyon pero mukha ngang maaari niya itong gawin. Bago siya nag labor ay nagtanong siya sa akin ng kung anong magandang pangalan. I just couldn’t believe na sa loob ng siyam na buwan ay hindi siya nakapag isip ng pangalan. Ako nga nakapag isip agad ng pangalan sa mismong araw na nalaman kong buntis siya, siya pa kaya?

    “Sigurado ka ba dito, Hector? Si Chesca dapat ang tanungin natin! We should just wait for her to wake up…”
    “Tsss. Mababadtrip na naman ‘yan sa akin kung hindi mo nabigyan ng pangalan ang anak namin. Think. If you need time, I can give it to you. Isang oras lang.”
    Umiling ako at napagtantong totoo nga ito. Hector won’t tell me that kung hindi naman ito ni request ng asawa niya.”Macy Bernice, then…” sabi ko.
    “Macy Bernice Alde Dela Merced,” ani Hector.

    I checked the spelling. Ako pa mismo ang nag correct sa pangalan. Ang tanging concern ni Hector ay ang makapasok siya sa room ni Chesca at maalagaan ito. Gusto rin niyang lumapit sa baby pero mukhang mananatili pa muna ito sa nursery.

    Nang nailipat na si Chesca sa isang room ay hinayaan ko si Hector doon. Some of our relatives went to the hospital to check on Chesca and the baby. Sobrang nagsaya din sina mommy, daddy, at Lola nang nanganak na si Chesca.

    Hinaplos ko ang salaming namagitan sa amin ni Baby Macy Bernice. Karga siya ng nurse ngayon para maipakita sa akin ng malapitan.

    Napangiti ako ngunit hindi ko mapigilan ang pagluha. Pinunasan ko ang naglandasang luha sa aking pisngi. I can’t believe I’m this happy that she’s finally here. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko at ipinapangako kong hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasama niya.

    I would never be reckless again. Simula ng umalis ako sa Pinas ay natuto na ako. To always think before you act. To always be rational. Walang puwang ang mga bagay na labag sa katwiran para sa akin. That’s pure plain stupidity. Ang isang bagay na nagpapalabo sa katwiran ng tao ay dapat iwasan. And if love makes me stupid, then I’ll run for the hills.

    Inayos ko ang itim na fedora hat na suot ko. Inatake ng mainit na sinag ng araw ang aking balat, pababa kami ng eroplano.

    Chesca’s standing beside me. Abala siya sa pagbuhay sa kanyang cellphone para siguro’y ma contact na ang susundo sa amin dito sa airport.

    “Hector…” tawag ko sa aking pinsan na karga karga ang bata. “Give Macy to me. We need you for the luggage,” sabi ko.
    Tumango siya at pinasa sa akin si baby Macy.

    She’s two months old now. Noong una ay hesitant pa kaming ibyahe siya pero sobra sobra ang pagdadrama ni Lola kaya kinailangan na naming umuwi na.

    “My God! I’ll die this year and I won’t be able to see my great grand child in person!” iyon ang iyak ni Lola kaya pinagbigyan na rin ni Chesca at Hector.

    “Hello…” ani Chesca sa kanyang phone. “We just landed, Craig. Nandyan na ba- Okay… Kukunin lang namin ang luggage tapos lalabas na rin,” ani Chesca.

    Nilaro ko si Baby Macy. She’s asleep. Probably exhausted.

    “Chesca, Entice, mauna na kayo sa labas. Ako na ang bahala sa luggage. Paki sabi kay Craig na magtawag ng tutulong.”
    “Okay…” ani Chesca sabay kuha kay Macy sa akin. “She’s exhausted.”
    Tumango ako. “Kawawa naman.”
    “Hindi bale, we’ll stay here in Manila for today. Bukas pa ang byahe natin pabalik ng Alegria.”

    Nakababa na kami. Nag antay na si Hector sa aming luggage at nauna na kami ni Chesca palabas para hanapin si Craig.

    His brother is so tall now na unang lingon ko pa lang sa labas ay namataan ko na siya.

    Sinalubong niya kami kasama ang dalawang bodyguards. I removed my big sunnies and smiled at Craig.

    “Pamangkin ko!” nanggigigil na sinabi ni Craig sabay kuha kay Macy galing kay Chesca.

    Lumingon si Craig sa akin at napabalik siya ng dalawang beses.

    “Entice?” gulat niyang sinabi. Mula ulo hanggang paa ay ginala niya ang kanyang mga mata sa akin. Tumawa lamang ako. “You look so different!”
    Tumawa si Chesca. “Pumuporma lang ‘yan, En… Manong, paki abangan si Hector. Marami iyong dala…” utos ni Chesca sa mga bodyguards.
    “I’m not kidding! You look… mature!” napalunok si Craig at bumaling sa pamangkin niyang tulog. “And you look like my niece!”
    Tumawa ulit si Chesca. “Pinaglihian ko ‘yan, e.”

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30
    A Peek
    Halos sampung buwan ang pagkawala ko sa Alegria. I left last week of September last year. July kami dumating ngayon. Kung iisipin ay kaonting panahon lang naman iyon pero para sa akin, napakahaba noon.

    Ganoon talaga siguro. You don’t age with time. You age because of your experiences. The quality of your experiences, to be exact.

    Umirap ako habang tinitingnan si Craig na kaliwa’t kanan ang mga babae. Ang pinsan niyang si Teddy ay ganoon din sa harap ko. Mag isa ako sa malaking sofa na inuupuan ko dito sa isang club.

    “Come on! Have fun!” ani Craig sabay halik sa babaeng inaakbayan.

    She’s a half, I guess. Kita sa features ng mukha niya na may dugo siyang Amerikano. The other girl on his side is an international model. Napangisi ako at iling ulit.

    “This is not my kind of fun.”
    “Papatayin ka ni Hector, Craig,” ani Teddy.
    “Entice isn’t minor, come on! She’s an adult!” giit niya.
    “Babyahe pa kami bukas, Craig. I’d rather just chill…” sabi ko kahit na nag aalinlangan pa akong sumama sa Alegria.

    Alas dos ng umaga ang byahe namin mamaya. Kailangan nakauwi na ako bago pa mag alas onse para naman makatulog ako saglit. There’s no chance to change my mind unless I run away now.

    “Nangako ka sa akin, Entice! Bago kita kinupkop sa New York ay uuwi ka kasama ko!” iyon ang laging sinasabi ni Hector tuwing pinipilit kong manatili na lang muna sa Maynila.

    Aside from him, my mom and dad would go hysterical if I don’t go home. Wala akong kawala.

    Kumusta na kaya ang Alegria? Kumusta ang mga kaibigan ko doon? How’s Joaquin, Heather, Ayana, Drixie, Bob, Henry, Ben, and Susie? Naroon kaya si Maximo? Si Lumi, kumusta na kaya?

    Napalunok ako. Simula nang dumating ako sa New York, ang tanging binabalita lang sa akin ng mga magulang ko ay iyong tungkol sa pakikipag areglo nila sa mga Revamonte. I heard they stopped Lumi from filing a case against me. Mas inalala raw kasi ni Lumi ang pangalan ng mga Revamonte. Her dad wants it hushed. I feel bad for her, though. But… kailangan kong magpasalamat doon. Dahil sa desisyon na iyon ay malaya pa akong nakakalakad dito ngayon sa Maynila.

    Hinatid ako ni Craig sa bahay ng alas onse. Pareho lang din kasi kaming babyahe. Of course, sa makalawa ay bibinyagan si Macy Bernice sa mansyon. Naghahanda na nga sina mommy at daddy, e. Sa garden gaganapin at espesyal ang event. Maraming dadalo, ang sabi pa ni Manang ay inimbita niya rin ang mga kaibigan kong sina Joaquin. Alam nilang naroon ako.

    I just don’t know if it excites me or it’s making me nervous. There’s a very thin line between those emotions.

    Nakinig lang ako ng music habang bumabyahe na kami. Dalawang sasakyan ang dala. Sa unang sasakyan ay ako, si Chesca, baby Macy, Hector, at isang katulong. Sa kina Craig naman ay si Theodore, at ilang body guards ni Hector.

    Hinilig ko ang ulo ko sa backseat. Pagod pa ako sa flight kaninang umaga at ngayon ay bumabyahe ulit kami.

    Binalingan ko si Chesca at Hector na abala sa pagkakarga sa kay baby Macy. Ngumiti ako. The world truly changed for the both of them, pagdating ni baby Macy.

    I imagined how the world would probably change for Lumi kung natuloy ang kanyang baby. Pait ang dulot ng kaonting alaala na iyon. I have forgiven myself for what I have done. Ngunit alam kong may peklat na sa aking utak ang nangyaring iyon. I would probably never forget.

    Nagising ako sa iyak ni Baby Macy. Agad nanlaki ang mga mata ko. Ni hindi ako dumaan sa pagkusot dahil sa biglang pagkakagising.

    Tutok na ang araw sa labas. Taliwas sa kaninang madaling araw pa lang.

    “Where are we?” tanong ko sa abalang si Hector.
    “Three hours away,” iyon lamang ang sagot niya.

    Tiningnan ko si Macy na ngayon ay umiiyak habang karga karga ng kanyang ama.

    “Hector, ako muna…” I volunteered.

    Paniguradong pagod na si Hector at Chesca. Nakatulog ako kanina na gising silang dalawa at ngayong pag gising ko ay gising parin sila. I can’t imagine how stressful it is to be in their shoes.

    “Macy…” sabi ko habang kinakarga ang aking pamangkin.

    Tumahimik siya at humikab. I kissed her cheek and rocked her softly.

    “Pwede ka nang mag-asawa…” biro ni Hector.
    Tinampal ni Chesca ang braso ng pinsan ko. “Ang galing mag suggest…” pagod na sinabi ni Chesca. “Pero pag nakita ka niyang magka boyfriend, mapapaaway ‘yan…”

    Inakbayan ni Hector si Chesca at pilit na hinila kahit na magkatabi naman sila. Hinalikan ni Hector ang leeg ni Chesca. Napangiti ako.

    “Marami pa akong gagawin. Wala pa sa utak ko ang pag boboyfriend…” sabi ko.
    Tumawa bigla si Hector. “Well, that’s weird… Okay… Sige nga, anong mga gagawin mo?”

    Tinapik niya ang driver habang tinatanong ako. Tumango iyon at nagsalita.

    “Sa susunod na probinsya, may madadaanan tayo, sir,” anang driver.

    Siguro ang tinutukoy nito ay ang pag sstop over namin para kumain saglit.

    “Aayusin ko iyong pinapaalaga ni daddy sa akin na parte sa hacienda-“
    “Like you know something about it?” panunuya ni Hector.
    Umirap ako. “May natutunan ako kahit paano sa trabaho ko, ‘no!”
    “Iba kapag ginagawa mo na kesa sa binabasa mo, Entice. You need help…” ani Hector.
    Ngumiwi ako. “Gagawin ko muna. Kapag di ko kaya, nandyan naman si daddy.”
    Tumango siya.
    “Kayo? Sa Alegria kayo?” tanong ko.
    Tumango si Chesca. “I guess I need to accept it,” tumawa siya. “I married a cowboy, e. Mag aaral na ako sa pagbibilang ng baka.”

    The conversation went on. Chesca wanted a city life. Iyon ang alam ko. Kaya rin sila nagpuntang New York para maexperience ni Chesca ang ganoong pamumuhay.

    Nag stop over kami sa isang maliit na restaurant. Binigay ko kay Chesca si Macy nang tulog na ito. Nakatulog ulit ako pagkabalik namin sa sasakyan at nang nagising na ako ay ang pamilyar na mga tindahan sa bukana ng Alegria ang nakita ko.

    Pilit kong hinahanapan ng bago ang Alegria. Maybe I’m expecting too much. Nothing has actually change. Ang mga puno, ganoon parin katayog. Ang mga maberdeng halaman ay ganoon parin ang ayos. Ang mga bahay na maliliit ay ganoon parin ang hitsura. Nothing changed and it’s weird… I don’t know why.

    “Oh Entice! Oh Entice!” Lola cried and showered me with so many wet kisses.

    Umirap ako at suminghap. Wrong move na nauna akong pumasok sa mansyon. Dapat ay si Baby Macy ang unang pinapasok para hindi na ako mapansin!

    “Alalang alala kami sa’yo simula ng…” tumigil si Lola. “Nevermind! I’m just really glad you’re back!”

    Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga gray hair sa ilalim ng golden brown hair ni Lola. Tumatanda na nga siya at masyado nang emosyonal.

    “How are you? Are you okay?”
    “I wouldn’t be here if I’m not okay, Lola. I’m fine!” maligaya kong sinabi.

    Pinasadahan niya ako ng tingin. Si Mommy ay tahimik na nakatayo sa tabi ni Lola. She may be silent but I know there’s a storm inside her mind!

    “Jusko, hija, ang ibang iba ka na!”

    Sinabayan ko ang pagsuyod ng mga mata ni Lola sa aking damit.

    “A dress! A short dress! And my God, tacones altos!”
    Natawa ako at napailing sa kay Lola. Niyugyog niya ako, binalewala ang pagtawa.
    “Jusko, hija! You look so grown up! Where’s my grand child?” tanong niya sa akin.
    “Mama, tama na ‘yan. You sound like she’s kidnapped or what. Ganyan talaga. Hindi ‘yan habambuhay bata!” singit ni Mommy sabay yakap at halik sa akin.

    Dumating si daddy at niyakap niya rin ako. Mahigpit ko silang niyakap muli. I’m just so glad I’m back. Noong wala pa ako dito, parang ayaw kong bumalik dahil sa mga nangyari. Ngayong nararamdaman ko na ang matagal ko nang hindi nararamdaman, ang pagkakaroon ng kumpleto at masayang pamilya, ayaw ko na ulit umalis.

    “OHH!” Sabay na tumili si mommy at Lola pagkatapos akong ma interrogate.

    Nakatingin sila sa likod ko at alam ko na kaagad kung sinong naroon. Chesca’s carrying Macy in her arms. Pinagmasdan ko kung paano nila dinumog ang kawawa kong pamangkin. Umiyak pa ito habang kinakarga ni Lola pero tuwang tuwa silang lahat.

    Nanatili kami doon sa sala. Parang hindi nag uusap sa Facetime kung makapagkumustahan. It was okay… I missed it.

    “Chesca, Hector, ang mabuti pa ay hayaan niyo na lang muna ako dito kay Macy. Babantayan ko siya kasama ang kasambahay para makapag pahinga naman kayo…” ani Mommy.
    “Nakakahiya naman po. Ayos pa naman kami…” ani Chesca.
    “Ches, sige na. Uhaw si mommy at Lola kay baby Macy. Hayaan mo na…” sabi ko.

    Kumain muna kami bago nagpahinga.

    Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang pumasok ako sa aking kwarto. Ganoon parin ang ayos nito. Parang hindi nagalaw. Ang mga muwebles ay nasa ganoong ayos ng pag alis ko.

    Nilagay ko ang luggage ko sa tabi ng aking kama at humiga ako doon. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nawala at ngayon lang talaga ako nahanap.

    Umidlip ako ng ilang sandali. Nang nagising ako ay nais ko pang matulog pero hindi na ako madalaw dalaw ulit ng antok.

    Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa aking kwarto. Sa labas ay nakita kong tutok pa ang araw. Tiningnan ko ang aking relo at nakita kong alas tres pa lang ng hapon.

    Sa baba ay dinungaw ko ang kabalyerisa. Nakita ko doon si Pedro na sinusuklay ang buhok ng isang kabayo. Kinagat ko ang labi ko at naisip kung may pinagbago kaya ang Tinago? Siguro ay wala. Tulad ng mga nadaanan kong wala namang pinagbago.

    Dumiretso ako sa banyo para magbihis ng itim na two piece. Nandito na lang din ako sa Alegria, lulubus lubusin ko na.

    Isang itim na spaghetti strap dress ang sinuot ko pagkatapos ng two piece. I know I look misplaced but these are the only clothes I brought. Ni hindi ko pa tiningnan ang closet ko doon para maghanap ng maaaring irecycle na damit. Nagdala ako ng tuwalya at spare undergarments bago lumabas ng kwarto.

    “Where are you going?” tanong ni mommy na ngayon ay nasa sala.

    May crib na doon pero kinakarga at sinasayaw niya parin si Macy. Hinawi ko ang buhok sa aking balikat.

    “To Tinago Falls? I just want a peek.”
    “With Abaddon? Naka heels?” tanong niya.
    Umiling ako at naglahad ng kamay. “Sinong nagsabing kay Abaddon ako?” sabi ko.

    Nanatili ang titig ni mommy sa akin. Ngumiti ako. Bago ako umuwi ay nagpadala ako ng pera kay daddy. I told him to buy me a manual car. Isinoli niya ang pera ko dahil siya na lang daw ang bibili pero pinilit ko iyon. I told them na hindi ako uuwi kapag di ako pinagbigyan.

    Nginuso ni mommy ang mga muwebles namin.

    “Nasa banga ang susi ng Sedan, Entice.”

    I smiled and winked at her. “Thanks, mommy.”

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31
    Suplada

    I drove past the huge gate. Hindi na ako tinanong ng guards kung saan ako pupunta at hindi ko mapigilan ang pag ngiti. At least something really changed here in Alegria.

    Diretso ang pagtakbo ng sasakyan ko. Iba talaga ang probinsya, kaonti lang ang sasakyang dumadaan sa mga kalsada.

    Nadaanan ko ang matatayog na puno na sakop parin ng hacienda namin. At nang nasa dulo na ako at lumiko na patunogo sa bayan ay medyo dumami na ang nakakasalubong kong sasakyan.

    Nadaanan ko ang simbahan at ang soccerfield. They all looked the same. Suko na ako sa paghahanap ng pagbabago.

    Niliko ko ulit ang M3 sa daanan patungong Tinago. Shortcut ang daan pag galing sa aming rancho pero kapag sa kalsada ay iikot ka pa.

    I stepped on the gas. Mabilis ang takbo ng bago kong sasakyan. I can’t help but smile and cheer for my own success. Pakiramdam ko nagmaterialize ang success ko sa pamamagitan nito.

    Tunog sports car pa ang makina kapag pinapabilis ang takbo kaya tumawa ako at umiling. I’m losing my mind over my car. Damn it!

    I parked my car under the big Acacia tree. Sa bukana na iyon ng Tinago. Mag lalakad pa ng ilang metro bago maaninag ang gazebo at ang falls.

    Gaya ng dati, wala masyadong nagpupunta dito. Well, kung tutuusin isa lang naman ito sa maraming anyong tubig dito sa Alegria. If you live here, you would rather go to the beach. Isang lugar na wala dito at nasa susunod na lalawigan pa.

    Sa loob ng kulay brown na shoulder bah ko nilagay ang damit at tuwalya. Sinuot ko rin ang isang butterfly sunglasses. Tiningnan ko ang repleksyon ng sarili ko sa salamin ng sasakyan bago ako naglakad palayo doon.

    Ang langutngot ng mga tuyong dahon galing sa nakapaligid na puno lamang ang background music ko habang naglalakad. Ilang sandali ang lumipas ay ang tunog na ng talon at iilang huni ng ibon ang naririnig ko.

    Nang naaninag ko na ang tubig galing sa talon ay mas lalo nang bumilis ang mga hakbang ko. Like all the other things here in Alegria, Tinago Falls did not change too. The clear blue water is still as inviting as it was. Sa maliit na boardwalk sa gilid ng gazebo ay nilapag ko ang aking bag at cellphone. I removed my black peep toes. Umupo ako sa dulo ng boardwalk at binabad ang paa sa tubig.

    Malamig ang tubig galing sa talon. Mas lalo tuloy akong naengganyong maligo.

    Sa gilid ng talon naroon ang balsa. Gusto kong languyin ang distansyang nakapagitan. Tiningnan ko ang rock formations sa may talon at gusto ko ring umakyat doon para tumalon.

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. I don’t want anyone to watch while I’m swimming here.

    Napangiti ako. “How weird…” sabi ko sa sarili ko.

    Naghubad ako ng damit. Tinanggal ko rin ang itim na band na nakatali sa aking buhok at tinabi ko iyon sa aking sapatos.

    Buti na lang talaga nag two piece ako! I know I’ll be tempted!

    Tumalon ako at sumisid sa kailaliman ng talon. Nang nakabawi ay huminga ako ng malalim.

    “Woooh!” sigaw ko.

    Nag echo ang boses ko sa buong paligid. Tumawa ako at ganoon ulit ang nangyari. Pagkatapos malibang sa nangyari ay nilangoy ko na ang distansya doon patungo sa balsa.

    Nang umahon ako at umupo sa balsa ay naramdaman ko kaagad ang ihip ng malamig na hangin. Nanginig ako sa sobrang lamig.

    Tiniis ko iyon at tumungtong sa balsa. Nilakad ko ng nakapaa ang distansya doon patungo sa talon.

    Masakit sa paa kaya dahan dahan ang paglalakad ko. Pati ang pag akyat sa talon ay dinahan dahan ko dahil medyo masakit iyon. Hindi na nga talaga ako sanay sa ganito. Maybe I should’ve brought some slippers or something.

    Nang nakaakyat sa gitna ay tumigil na ako. I can climb till it’s peak but I’m content here. Isa pa, mag isa lang ako kaya kailangan kong mag ingat.

    Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako nag dive. Umikot ako ng isang beses bago bumagsak sa tubig. Nang nasa tubig na ay agad akong nagsisi. Sana pala talaga inakyat ko na lang hanggang sa tuktok para mas marami akong magawa.

    I did it twice. Sa pangalawa ay dalawang ikot at inabot ko pa ang tuhod ko bago ako bumagsak. Hinihingal na ako sa pangatlo at mas mataas kong dive kaya nang bumagsak ay nagpasya na akong tumigil. I don’t want to strain my legs.

    “You’re really good at this, huh?”

    Halos napatalon ako habang humihinga ng malalim. Malapit ako sa balsa at kakaahon ko lang galing sa pangatlo kong dive nang narinig ko ang nagsalitang iyon.

    His slow clap filled the whole place. Luminga linga ako para makita kung sino iyon kahit na may ideya na ako. That voice. That baritone. That accent. It’s him!

    Nanlamig ang loob ng sikmura ko. Hindi dahil sa malamig na tubig pero dahil sa nararamdaman ko.

    Unlike the last time I saw him on the screen, his hair now is properly trimmed. Maliwanag pa kaya kitang kita ko ang pagbabago sa kanyang mukha. He’s growing his stubble! Kahit wala pa ay kita ko ang anino nito sa kanyang pisngi pababa sa leeg. Napalunok ako. If anything, it made him look so damn hot!

    Aakyat na sana ako sa balsa nang napagtanto ko kung ano lang ang suot ko ngayon.

    Tumalikod ako sa kanya at pumikit ng mariin. Damn, I don’t know what to say or how to react! Ni hindi ko na mahagilap ang rason kung bakit nga ba ako umalis noon dahil sa pangyayaring ito.

    Nang nilingon ko ulit siya ay nakahalukipkip na siya at nakatitig sa akin na parang may nakakatawa. Na parang nakakatawa ang ilang buwan naming hindi pagkikita. Na parang wala lang sa kanya. Parang wala lang iyong nangyari kay Lumi at sa anak niya. He should’ve brought a gun and pointed it at me.

    Or maybe he did brought a gun?

    Tiningnan ko ang katawan niya. He’s wearing a white v neck t shirt and a blue faded jeans. His strained arms looked so tight in that position. Nahihirapan na akong lumunok at huminga. Lalanguyin ko pa naman ang distansya dito patungo sa gazebo, kung saan siya nakatayo.

    Nilangoy ko na agad ang distansya patungo sa gazebo. I’m done. I need to go. Why is he even here? Pumupunta ba siya dito? Mag isa ba siya? Asan na si Lumi? Bakit di na lang siya umalis nang nakita akong nandito?

    Isang tulak ko lang sa boardwalk ay naangat ko na kaagad ang katawan ko. Sa gilid ng aking mga mata ko, alam kong nakatingin siya sa akin kaya pinulot ko kaagad ang tuwalya. Pinalupot ko iyon sa aking katawan.

    Kinuha ko rin ang damit ko. Nilagay ko ang aking cellphone sa loob ng bag at dinampot ko ang aking pumps.

    Diretso ang lakad ko patungo sa isang puno. Determinado akong magtago doon para makapagbihis.

    Tahimik lamang siya habang ginagawa ko iyon. Mabilisan ang pagbibihis ko. Ni hindi ako nakapag palit ng undergarments dahil sa presensya niya. Nang nagpakita na ako ay nahanap ko kaagad siya sa may gazebo, ngayon ay nanonood parin sa akin at nakapamulsa. Seryoso na ang kanyang mga mata ngayon.

    “Are you here to kill me?” panimula ko para maibsan ang kaba.
    “Kill you?” nagtaas siya ng kilay.

    Pinatuyo ang buhok ko sa tuwalya at nag iwas ng tingin sa kanya. Maraming beses kong naisip ang mangyayari sa una ulit naming pagkikita pero hindi ko inakalang ganito lang pala ang magiging pag uusap namin.

    Huminga ako ng malalim at naglakad na paalis doon. Uuwi na ako. Bahala na siya dito.

    “Huwag ka ng magmaang maangan…”

    Sumunod siya sa akin. Ramdam ko ang mga mabibigat niyang yapak sa likod.

    “You know what I did to Lumi and your child… If you’re here to finally vent-“

    Tumawa siya kaya natigil ako. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya. Bastos! I’m serious here and he just laughed it out?

    Napawi ang tawa niya at unti unting nagseryoso. His intense gaze made me dizzy. Ganito ba talaga palagi pag siya ang kaharap ko? There’s always something about his eyes. Parang palagi siyang malupit. Parang laging galit. Kahit nakangiti ay parang malupit parin ang kanyang titig.

    “You think so lowly of me, Entice. I’m disappointed,” umiling siya.

    Nalaglag ang panga ko. I don’t want to be stunned but I can’t help it. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

    Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita muli.

    “You think I would court you if that happened? Pag nakabuntis ako, Entice…” Nanliit ang mga mata niya. “Hindi kita papaunlakan ng kahit titig man lang,” mariin niyang sinabi.

    Biglang sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga ng maayos. Nararamdaman ko na rin ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata kaya tinalikuran ko siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    Sumunod siya sa akin. Sumipol siya na parang nanunuya.

    Nang nakalapit na ako sa aking sasakyan ay pinatunog ko ito. His Wrangler’s parked near my car.

    “Uuwi ka na?” tanong niya, may panunukso sa tono.

    Nagkibit lamang ako ng balikat sa takot na baka pag sumagot ako’y manginig ang boses ko. Binuksan ko ang car door para makapasok na.

    Sumipol ulit siya.

    “Ang suplada mo na ngayon. Ibang iba ka na.” He smirked.

    Padabog kong sinarado ang aking pintuan. Umirap ako sa loob. Doon lamang ako nakahinga ng mabuti.

    Nakangisi siya habang pinagmamasdan akong umalis doon. Nang nakalayo ako ay nanlamig ang aking kamay.

    Hindi siya ang ama ng dinala ni Lumi noon?!

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32
    Too Short

    Mabilis ang patakbo ko pabalik ng mansyon. Nakasunod ang Wrangler sa akin, hinahamon ang bilis ng takbo ko.

    Nang nagpark ako ay ‘di na ako nagpaliguy ligoy pa. Padabog kong sinarado ang pintuan ng aking sasakyan. Nasa likod kasi si Knoxx na lumalabas na rin sa kanyang sasakyan.

    “Ang bilis mong magpatakbo…” aniya.
    “Pakealam mo ba…”

    Dire diretso ang lakad ko patungo sa loob ng bahay. I don’t know why he’s here. Nang pumasok ako sa double doors ay dumiretso na ako sa pag akyat sa hagdanan.

    Sumulyap ako sa pintuan at nakita kong tamad siyang pumasok sa bahay. The nerve of this man!

    Padabog kong sinarado ang pintuan ng aking kwarto at diretso na sa bathroom para makaligo.

    “Miss Entice?” sigaw ng isang kasambahay sa kalagitnaan ng hot shower ko.

    I turned it off to answer.

    “Yes?” sigaw ko.
    “Kakain na!”
    “Oo!” sigaw ko at nagpatuloy sa pagligo.

    Naloko na talaga pag kahit sa hapag ay narito si Knoxx. Ano bang sadya niya dito at bakit pa siya pinapayagan ni daddy na pumasok sa mansyon?

    Oh right! He said he’s not the dad of Lumiere’s child. Pero sino nga ba ang ama ng anak ni Lumi? Nasaan na kaya siya ngayon? Naroon parin kaya siya sa bahay nina Knoxx? Madalas parin ba silang nagkikita? Oh! Nevermind that! I don’t care!

    I slipped on a dark blue dress. Nakita ko kasing puro mga silky lingerie ang dala ko bilang pambahay. Ayaw ko namang mag suot ng pajama tulad noon. I feel damn stupid.

    Pababa na ako ng hagdanan nang narinig ko ang ingay sa sala. Maraming tao doon. Una kong nakita ay si Koko at iilang babaeng kaibigan ni Hector. I can’t remember them much but I know Abby.

    “Entice!” Lumiwanag ang mukha ni Koko at nilapitan niya ako.
    “Koby!” sabi ko.

    Hinead to foot niya ako. Napatingin tuloy ako sa aking damit.

    “Wow! Dalagang dalaga ka na!” ani Koko.
    “Salamat!” bati ko.
    “Hi Entice!” bati ng isang kaibigan ni Hector.

    Hinanap ko ang aking pinsan sa kanila at nakita ko siyang katabi ni Knoxx.

    “Kumain ka na, Entice. Inimbitahan ko sila dito para makapag catch up naman kami kahit paano…” ani Hector.
    “Oo. Kakain na ako.”
    “Sumama ka dito sa amin pagkatapos mong kumain, ah? Tapos na kaming kumain e,” wika ni Koko.

    Napansin ko ang pagtalim ng tingin ni Abby sa akin. As much as possible, I don’t want to be in between relationships. I’ve learned. Kapag may gusto ang isang tao sa isa pang tao, hindi ako manghihimasok. Hindi ko hahamunin ang kahit ano.

    “Yeah, Koko…” sabi ko.

    Iniwan ko sila doon nang kumain ako sa dining area. Narinig ko pa kay Manang Leticia na lumipat sila sa labas at mas mabuti iyon dahil hindi ko na kailangang dumaan muna sa kanila bago makaakyat at makapasok sa kwarto.

    So after dinner, I got away. Dumiretso ako sa kwarto at hindi na muli akong lumaba.

    Hinawi ko ang mahabang kurtina ng aking bintana para pagmasdan sila sa baba.

    May nakahandang long table doon kung saan sila nagtatawanan at nag iinuman. Wala si Chesca, siguro’y abala sa anak niya. Si Hector ay naroon sa tabi ni Knoxx at nakikipagtawanan.

    Nanatili akong nakadungaw doon hanggang sa isang beses na tumingala si Knoxx sa bintana ng aking kwarto. Mabilis akong umalis doon, kumakalabog ang puso. Damn it! Makatulog na nga lang!

    Dilat na dilat ako sa aking kama. Nakatingin lamang ako sa kisame. It’s been a while huh? This really keeps me up at night.

    Kinabukasan ay abala na ang lahat sa binyag ni Macy Bernice. Nag hire sila ng ilang photographer at videographer. May mga make up artist din para sa amin. Naka puting fairy dress si Baby Macy abang pinipicture-an ng mga photographers.

    Tulad ng kasal nina Hector at Chesca, abala ang lahat sa garden dahil doon gaganapin ang salu-salo.

    “Dios Mio, hija, iyan ba talaga ang susuotin mo? Hindi ba magagalit ang pari niyan?” puna ni Manang Leticia. “Sus maryusep, itong batang ito, oo!”

    Panay ang sunod niya sa akin habang naglalakad ako sa sala. Abala ang lahat sa binyag at wala nang nakakapansin sa akin. Si Manang lang talaga itong paranoid at sobra kung makapuna.

    Isang white tube top dress ang suot ko. It’s short alright. Shorter than my usual dresses. Pero magsusuot naman ako ng itim na blazer para may istilo naman ang puting simpleng dress.

    “Manang, chill ka lang! Wala nang pakealam ang pari sa susuotin ng mga ninang. He will only care about baby Macy!”

    Umiling siya at nakapamaywang na ngayon.

    “Hindi ka na bata! Okay lang sana kung bata pa iyang katawan mo pero hindi. Dios ko, hija, masisilipan ka niyan!”
    “Don’t worry! I can handle it!” sabi ko.

    Tulad ng sinabi ko, OA lang talaga si Manang. Kahit si daddy ay pinasadahan lang ng tingin ang suot ko at hindi na siya nag abalang mamuna. Si Mommy at Lola ay parehong nasa kay Baby Macy ang buong atensyon kaya wala na akong inalala.

    Sa simbahan ay naroon na ang mga guests. Maraming imbitado kaya puno ang simbahan.

    Halos mapatalon pa ako nang nakita ko ang mga kaibigan ko doon.

    “Entice!” ani Heather at niyakap ako.
    “Oh my, Entice!” ani Drixie na kahit paano’y pumayat naman.
    “Hi! I missed you all!” sabi ko.

    Si Joaquin, Bob, Ben, at Henry ay nasa likod. Ngumiti si Joaquin sa akin so I turned to him and hug him. He’s my first friend in ACC!

    “Kumusta ka na? Marami kang utang na kwento sa amin, ha!” ani Drixie.
    Tumango ako. “Oo na nga!”

    Napuna kong hindi sila kumpleto pero dahil dumating na ang pari ay nagpaalam muna ako na pumunta sa kina mommy.

    Naging abala na ako dahil isa ako sa mga ninang ni Macy. Ganoon din ang mga kaibigan ni Chesca na puro maiingay at nakakatawa.

    I was surprised that Knoxx was there as a godfather! Kinuha siya ni Hector?

    Sinisindihan ko ang kandilang hawak ko nang nahagip ko ang mga mata niyang madilim na nakatingin sa akin. Nag iwas siya ng tingin at nangingiti habang sinisindihan din ang kanyang kandila.

    Uminit ang pisngi ko at nanatili ang mga mata ko sa kanya. Bumalik ang tingin niya sa akin at ngayon ako naman ang nag iwas ng tingin.

    It’s so hard to stop looking at him. Kailangan ko ata ng superpowers maiwasan lang ang madalas na pagsulyap sa kanya. Lalo na dahil sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita kong nakatitig siya sa akin.

    Niyaya ko ang mga girls na sumakay sa aking sasakyan. Tutal ay ang mga boys, kay Joaquin sasakay.

    “Lumipat ng school si Susie at Ayana!” ani Drixie kahit hindi ako nagtatanong.
    “Saan lumipat?” tanong ko.
    “Hindi namin alam, e. Hindi na kasi nagparamdam si Ayana pag alis niya. Tulad mo!”

    Sumulyap ako sa kanya habang nagdadrive pabalik sa bahay.

    “Iba iyon! Alam niyo namang…” Hindi ko maipagpatuloy.
    “May atraso ka sa mga Revamonte? Asus! Tingin ko, kasalanan din naman ni Lumiere iyon. Noong sinugod niya tayo sa gym, buntis na siya non! Eh kung sinampal ko siya noon, edi mas napaaga pa iyong nangyari ‘di ba!”
    “Hoy, Drixie! Tumigil ka nga! Ang sama nito!”
    “Hindi! I’m not taking sides, Heather. Sinasabi ko lang naman na dapat hindi na siya sumugod sugod kung alam niyang buntis siya.”
    “Kaya nga sumusugod dahil grabe iyong emosyon sa pagbubuntis! ‘Tsaka… gusto niya sigurong si Knoxx ang managot!”
    “Hindi si Knoxx ang ama ng anak niya?” tanong ko kahit alam ko na.
    “Oo!” sabay silang dalawa. “Hindi mo ba alam?”
    “Nalaman ko kahapon kay Knoxx!”
    “Nag usap na kayo?” halos mabingi ako sa chorus nila.
    “Medyo…” sabi ko sabay liko ng sasakyan papasok sa aming gate.
    “Tapos?” ani Heather.
    Nagkibit ako ng balikat. “Ewan. Wala. Ayaw ko na munang isipin iyong tungkol sa amin sa ngayon. I mean… nawala na talaga iyon sa isipan ko…” sabi ko.

    Natahimik silang dalawa.

    Crowded ang daanan dahil sa dami ng sasakyan. Naroon na ang ibang guests sa mga lamesa.

    Lumabas kami ng sasakyan at sinalubong nina Joaquin.

    “Babalik ka sa ACC?” tanong ni Joaquin sa akin.
    Umiling ako. “Hindi pa ako nagpaplano. I just know I need to take care of some of our lands…”

    Nginitian ko ang mga relatives na naroon. Nagmano ako sa aking mga Tito at Tita at pinakilala din ako ni mommy sa iilang mga kakilala.

    Iniwan ko muna sina Joaquin dahil sa nangyaring pagpapakilala. Parang sinuyod ko ang buong venue dahil sa pagpapakilala. Gutom at pagod ang kalaban ko.

    “Ang liit mo pa noon, Entice!” sabi ng Tita ko na hindi ko naman maalala. Siguro ay sobrang bata ko pa nang nameet ko siya.

    Kanina ko pa tinanggal ang blazer ko dahil naiinitan na ako. Sa kabilang table ay nahagip ng paningin ko si Knoxx na kasama sina Koko, ilang mga kaibigan ni Hector at Chesca, at naroon na rin sina Joaquin.

    Tumayo si Knoxx nang tinawag siya ni Daddy. Nakahawak si daddy sa kanyang balikat habang pinapakilala sa mga mukhang importanteng tao sa kabilang lamesa.

    “Halika, Entice! Meron pa dito sa kabilang table…”

    Dinala ako ni mommy sa kabilang table. Pinakilala niya ako sa ilang mga businessmen na kilala din ni Daddy. Kalaunan ay nagpasya akong pumasok na muna sa bahay habang nag poprogramme pa para saglit na mag freshen up. Nilagpasan ko si Knoxx para makaalis doon.

    Dire diretso ang lakad ko nang bigla akong natapilok dahil sa isang malaking bato sa bakuran! Nadapa ako! Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa aking binti.

    Tiningnan ko kung may nakita ba sa akin at naabutan kong papunta si Knoxx sa kinaroroonan ko!

    Diyos ko, naman. Kahit sino na lang huwag lang siya!

    Hinawakan niya ako sa baywang at tinulungan niya ako sa pagtayo. His arms brushed my boob once. Okay lang iyon dahil natural lang iyon. Tinulungan niya ako. But then when his arms brushed the other one, tinulak ko na siya.

    Galit na galit ko siyang tiningnan. Nakita kong nakatingin siya sa baba ng aking tiyan. Napatingin ako sa aking skirt na medyo nagusot at nagpakita ng kaluluwa! My undies were exposed, damn it!

    “Bastos!” sigaw ko sabay sampal sa kanyang mukha.

    Parang nakakabingi ang sakit na naramdaman ko sa aking palad. Ganoon kalakas ang sampal ko sa kanya. Nalaglag ang panga niya at ilang sandali bago nakabawi ang kanyang mukha. Nakahawak siya sa kanyang pisngi at napatingin sa akin.

    “Anong nangyayari dito, Entice?” tanong ni daddy.

    Inayos ko agad agad ang damit ko habang tinuturo turo si Knoxx.

    “Iyang si Knoxx sinisilipan ako!” pagalit kong sinabi.
    “Huh?” ani daddy at napatingin kay Knoxx.
    “I was just helping her. Natalisod siya kaya pinatayo ko. Is it my fault that your dress is too short. Kaonting galaw mo lang, kita ka na?”
    “Eh bakit ka tumingin, ha? You’re a pervert-“
    “Tama na ‘yan, Entice! Knoxx is right… You should change. Your dress is too short…” ani daddy.

    Mabilis ang paghinga ko habang tinitingnan pabalik balik ang dalawa. May laro na naman siguro silang dalawa, no? This time, it’s going to be different!

    “Knoxx!”
    “Po…” ani Knoxx.
    “Samahan mo nga ang anak ko sa loob ng bahay-“
    “I can do it myself, dad! Salamat!” sabi ko sabay pagalit na martsa papasok sa bahay namin.

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33
    Not Yours

    Ganap ang katahimikan sa loob ng aking kwarto. Panay singhap ko lamang ang naririnig.

    Sumunod si Knoxx sa mansyon pero hindi ko alam kung pumasok ba siya. I want to just stay inside my room. Ayaw ko nga lang iwan ang mga kaibigan ko doon. Matagal ko na silang hindi nakikita at iindianin ko pa sila sa kainan.

    Ang puting tube dress ko ay punong puno ng putik. Kinailangan ko pang mag shower para mawala ang putik sa aking katawan.

    Isang oras yata ang itinagal ko doon sa loob. Humanap ako ng puting spaghetti strap dress para masuot. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Dumungaw kaagad ako sa baba ng grand staircase. Umirap na lang ako nang makita si Knoxx na nakaupo sa sofa.

    Talaga palang sumunod siya.

    Pababa ako nang nag angat siya ng tingin at tumayo. I tried to act normal kahit na para na akong nililipad ng hangin habang bumababa sa hagdanan. Concentrate, Entice, kung ayaw mong madapa ulit sa harap niya.

    “Bakit ka pa nandito? Kaya ko naman ang sarili ko. It’s just the mansion to our garden, anyway.”
    “I’m just concerned…” aniya sabay tabi sa akin.

    Patuloy ako sa paglalakad. Nasa likod ko na siya. Pinipilit kong huwag kaming mag kasabay.

    “Baka madapa ka ulit…” Nahimigan ko ang panunuya sa sinabi niya.

    Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalayo sa kanya. Binalewala ko ang kanyang panunukso.

    Nang palapit na kami sa maraming tao ay inabala ko ang sarili ko sa panonood sa iba pang mga bisita. Pinuntahan ko sila sa kani kanilang mga lamesa at binati. Hindi ko na alam kung naka sunod parin ba si Knoxx o ano.

    Nang nakarating na ako sa lamesa kung nasaan sina Koko, Joaquin, at iba pa naming mga kaibigan ay umupo na ako. Binati ko ang mga kaibigan ni Koko na halos hindi ko na maalala ang mga pangalan. I just remember Oliver. The rest, mukha na lang ang naaalala ko. But I don’t want to ask them, nakakahiya iyon.

    “Ang dami niyong handa, Entice! Sira ang diet ko nito!” ani Drixie.
    Tumawa lang ako.

    Nahagip ng aking mga mata si Knoxx na nasa tabi nina Koko at Oliver. Nakatingin siya sa akin. His smirk was still plastered on his face.

    Nag enjoy ang mga kaibigan ko sa party. Lalo na nang natapos ang programme at puro kainan at inuman na lang ang naroon.

    Nasa isang table na kami nina Joaquin, Bob, Ben, Henry, Drixie, at Heather. May beer ang bawat isa sa kanila habang lumalalim ang gabi. Panay ang tawanan nila tungkol sa mga nangyari sa classmates namin habang wala ako.

    I can only smile. Masaya siguro kung hindi ako umalis pero hindi rin naman ako nagsisising nangibang bansa ako. Mas naging maliwanag sa akin ang mga bagay bagay dahil sa pag alis ko.

    “Ikaw? Mag kwento ka naman, Entice! Nauubos na ang laway ko sa kakatalak tungkol sa mga kaibigan natin!” ani Drixie.

    Napatingin ako kay Joaquin na ngayon ay pinaglalaruan ang kanyang bote. Nakatitig din siya sa akin, tila nag hihintay ng sasabihin ko.

    “Nagulat talaga kami noong umalis ka. Bigla bigla na lang! Pero nang narinig ko ang balita, naisip kong nakakatakot nga…” ani Heather.
    “I was just too guilty…” sabi ko.

    Malayong mesa sina Knoxx at sina Koko at panay na ang tawanan nila. Siguro may tama na rin ang iilan sa kanila kaya ganoon.

    “Alam kong kasalanan ko ang lahat ng iyon. Kasalanan ko ang nangyari sa kay Lumi at sa baby niya. I was too scared. Pakiramdam ko ay makukulong ako…”
    “Hindi ba ay nasaktan ka rin? Sinaktan ka rin niya?”

    Tumango ako but there’s no point in that now. Being hurt isn’t an acceptable reason to hurt someone back. Definitely not. Kaya ano mang nagawa ni Lumi, dapat ay hindi ko na iyon ginawa pabalik sa kanya.

    “Do you know where she is now? I mean…” Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. “Her friends are here. Bakit wala siya dito?”

    Not that I want to see her, though. I’m just curious. Kahit na sabihing siguro’y hindi siya inimbitahan ni mommy at daddy para na rin sa akin.

    Tumingin silang lahat kay Joaquin na para bang may alam ito. Umiling si Joaquin.

    “I already told you, wala akong alam. Wala ring alam si Ate kaya…” Nagkibit siya ng balikat. “Maybe she’s with her mom. Ang alam ko iyon. Magpapare-elect kasi si Gov sa susunod na halalan at baka makasira sa kanya ang dalawa kaya nilayo.”
    Ngumiwi ako. “So… She’s not here in Alegria?”
    “You can say that,” tumango si Joaquin.
    “Sino ba ang ama ng magiging anak niya sana?” tanong ko.
    Nagkibit ulit ng balikat si Joaquin. “I don’t know too. Hindi ko rin naman kasi naitanong. We thought it was Knoxx Montefalco, silang dalawa lang kasi ang close.”

    Napalunok ako. Knoxx can’t be lying. Hindi niya ugali iyon, alam ko.

    Kinwento ko sa kanila ang ginawa ko sa America. Puro trabaho at gala lang naman ang ginawa ko doon. Umabot pa ako sa puntong dalawang trabaho ang inatupag ko. I kept myself busy to overcome my thoughts.

    Nang mas lalong lumalim ang gabi ay isa isa nang tumawag ang kani kanilang mga magulang. Hinahanap na sila kaya kahit na nagkakatuwaan pa kami ay wala na akong magagawa.

    “O! Since hindi ka na nag aaral at sigurado kaming hindi ka na busy, sumama ka na sa amin pag gumala kami, ha!” ani Drixie.
    Tumawa ako. “Fine!”

    Ngumisi si Drixie at niyakap ako. I don’t know if she’s just happy that we saw each other or it’s the alcohol talking.

    Hinatid ko sila sa sasakyan ni Joaquin. Kinawayan ko sila nang palayo. Babalik na sana ako sa mansyon nang tinungo ako ni Hector sa kinatatayuan ko.

    “Makisama ka muna kina Koko, Entice,” aniya.
    “Ayoko na, Hector. Pagod na ako.”
    “Tsss. Sige na! Minsan na nga lang magkatuwaan!”

    Hinila niya ako patungo sa lamesa nina Koko. Nagtatawanan na ang kanilang tropa. Hindi na ako makasabay sa mga biro nila. Syempre, maliban sa hindi ko naman sila close friends, medyo lasing na rin sila.

    Knoxx was just there laughing with them. Nakaupo siya hindi tulad nina Koko, at ilan pang kaibigang lalaki na nag sasayawan na. Even Hector danced with them. Umiling lamang si Chesca sa kabilang table. Nilubos lubos na ng dalawa habang si Baby Macy ay inaalagaan pa nina mommy at lola.

    Umupo lamang ako doon at tiningnan sila. Umupo sa tabi ko ang isa sa mga kaibigan ni Hector at nagsimulang magtanong tungkol sa America.

    “Entice Ralene, right?” he asked.

    Pulang pula na ang kanyang pisngi at ang kanyang hininga ay balot na ng alak. Tumabi sa kanya si Oliver na tumatawa. They are complete opposites. Si Oliver ay matangkad at ang tumapi sa akin ay hindi katangkaran ngunit maputi at tsinito.

    “Yup…”
    “Galing ka palang New York? Hindi ka ba nag Maynila muna bago ka nangibang bansa?”

    I really don’t remember if I met this guy or what but he’s a friend of Hector so I don’t want to be rude.

    “Hindi. Dumiretso kasi akong ibang bansa.”
    “Ah! I thought you were in Manila. Madalas kaming pumapasyal doon kasama si Oliver. Sa bahay niyo sa Maynila?”
    Tumango ako. Kita ko ang pagkakawalang focus ng kanyang mga mata.

    Mas lalong umingay ang music sa stereo. Siguro ay nilakasan nina Koko dahil sa katuwaan nilang pagsasayaw. May tinanong pa ang tsinito ngunit hindi ko na masyadong makuha dahil sa lakas ng stereo.

    “Sabi ko…”

    Hindi ko ulit nasundan ang sinabi ng lalaki kahit na sumisigaw na siya. Tumawa ako at umiling.

    “I’m sorry! Hindi ko talaga nakuha!” sigaw ko.
    “Ang sabi ko, Wala ka bang plano mag aral sa Maynila?”

    Tumawa ulit ako habang iniinom ang pangalawang shot. Umiling ako at nilapit ang mukha sa kanyang tainga. Ayaw kong inuulit ulit ang mga sinasabi ko.

    “Wala pa! May gusto kasing ipaasikaso si daddy sa akin sa kanyang mga lupain, e!”
    “Ha?” sigaw ng tsinito.

    Nagtawanan kaming dalawa. Hindi ko mapigilan ang pagkakalibang sa usapan naming hindi naman magkarinigan.

    Lumapit ako sa kanya para mabulungan. Amoy na amoy ko na ang kanyang buhok at perfume. Napapikit ako habang bumubulong.

    “Ang sabi ko, Wala pa! May kailangan kasi akong asikasuhin sa mga lupain ni daddy!” sigaw ko.
    Tumawa ulit ang kausap ko. “Huh?”

    Inakbayan niya ako at nilapit ng husto sa kanya para mas makarinig sa kung ano mang sasabihin ko.

    “Ang sabi ko…”

    Hindi pa ako natatapos ay may biglang humila sa akin patayo. Napatayo ako ng wala sa oras. Madilim na mga mata ni Knoxx ang sumalubong sa akin. Unti unting bumangon ang galit sa aking damdamin pero pilit ko iyong tinago.

    Ngumiti ako. “What is it, Knoxx?” kahit na alam kong di niya ako maririnig.

    Sinenyasan niya ang tsinito ng kung ano at bago ko pa makita ang reaksyon ng kausap ko ay hinila niya na ako palayo doon. What the hell?

    Binawi ko ang braso ko. “Bitiwan mo nga ako! What the hell is your problem?”

    Tumigil kami sa paglalakad. Gusto niya yatang ihatid na ako sa loob ng mansyon. Sino ba siya sa akala niya? Not even my dad could tell me to rest when I don’t want to!

    “He’s taking advantage of you, can’t you see?” singhal niya sa akin.
    Ngumiwi ako. “And? Diyos ko naman, Knoxx! If I was harrassed, you would know. I would’ve slapped him!” sabi ko.

    Nanlaki ang mga mata niya. Ang alak na dumaloy sa aking dugo ay bahagyang natigilan nang nakita ko ang galit at iritasyon sa kanyang mga mata.

    “Kaya mong magpahawak sa iba…” sigaw niyang ‘di tinapos.

    Nag antay ako ng idudugtong pero walang dumating kaya humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. He towered over me but it doesn’t matter. My feelings doesn’t matter. My heart racing so fast doesn’t matter!

    “Oo! Because I know that’s unintentional and very platonic! We were just talking about something trivial! “
    “Paano mo nalamang wala lang iyon sa kanya? I know boys, Entice. I know parties. You are young and still learning! Ni hindi mo napapansin na-“

    Pinutol ko siya doon. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng lahat lahat, ganoon parin ang tingin niya sa akin. I have changed. I did it for the better. I did it for myself. I did it because I was too whipped to realize the wrong things I did. I was too whipped and crazily infatuated with him!

    “Don’t you dare tell me what to do! Kung gusto kong magpahawak, edi magpapahawak ako! Labas ka na doon! Party or not, I know people. I know boys. Hindi lang ikaw ang kilala kong lalaki at hindi lang ikaw ang nakasalamuha ko, Knoxx. Mas mulat pa yata ako sa’yo! So… stop being so possessive, Knoxx Montefalco. I am not yours!” sigaw ko sabay tulak at iwan sa kanya doon.

    Dumiretso na ako sa mansyon. I would’ve stayed and piss him off more kung hindi lang parang gripong tumulo ang mga luha ko. Damn it!

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34

    Natatakot Ka

    Ang sakit sakit ng ulo ko pagkagising kinabukasan. Pakiramdam ko’y magkakasakit yata ako. Hindi naman ako sinisipon o ano. Siguro’y sa pagod lang. Kagagaling lang namin ng mahabang byahe at marami na kaagad inasikaso.

    Wala ako sa sariling kumakain sa mahabang lamesa. Maraming pagkain sa hapag pero nakapagtataka ang katahimikan ng bahay. Kung sa bagay ay alas diez na ng umaga nang nagising ako. Malamang tapos nang kumain ang lahat!

    Kinusot ko ang mga mata ko. Pagkainom ko ng mainit na hot chocolate ay medyo gumanda naman ang pakiramdam ko.

    Tinusok ko ang scrambled egg sa aking pinggan. Siguro’y kung kumain ako, mawawala na itong sakit ng ulo ko.

    May biglang pumasok sa dining area galing sa kitchen. Noong una akala ko kasambahay o di kaya’y si Manang Leticia. Hindi ko man lang sinulyapan habang sumusubo ako at nagtanong.

    “Nasan sina…”

    Nag angat ako ng tingin sa kalagitnaan ng tanong at nakita kong si Knoxx ang naroon. He’s wearing a black sleeveless top and a dark blue pants. Halos mabilaukan ako sa kinakain ko.

    His hair is slightly disheveled and his hands were dirty.

    “Anong ginagawa mo dito?” pagalit kong tanong at tumuwid kaagad sa pagkakaupo.

    Kung kanina’y nanghihina ako, ngayon inayos ko na kaagad ang sarili ko. Sising sisi kaagad ako kung bakit hindi ako nagsuklay o naligo man lang muna bago kumain.

    Ginala ko ang mga mata ko sa kanya. Tumayo lang kasi siya sa hamba ng pintuan na parang nagmamasid lang sa akin. And damn even if he probably went home late last night, he still looked so good.

    “Magandang umaga!” bati niya, binabalewala ang tanong ko.

    The smirk on his face stayed. Parang kagabi lang ay sinigaw sigawan ko siya. I remembered all my lines. I was tipsy and yes, walang preno ang aking bibig. Hindi ko inakalang magpapakita siya sa akin kinaumagahan at suot pa ang ngisi niya.

    “Oh! Knoxx! Andyan ka pala?”

    Boses ni Manang Leticia ang narinig ko sa likod ni Knoxx. Si Manang ay nasa kitchen na. Nang nakita ko siyang pumasok sa dining area ay sinalubong ko na siya ng mga tanong.

    “Manang, nasaan sila? Bakit parang ang tahimik? ‘Tsaka anong…”

    “Knoxx, saluhan mo si Entice dito. Kumain ka muna ng almusal. Kanina pa kayo ni Berto doon, ah? Sige na!” ani Manang Leticia sabay lahad kay Knoxx sa upuang nasa harap ko.

    Mas lalo akong tumuwid sa pagkakaupo. Damn it!

    “Hindi na po, Manang. Busog pa po ako…” ani Knoxx.

    “Kanina ka pa doon tumutulong sa pag aayos sa sasakyan, ah? Naku!”

    Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Hindi man lang sinagot ni Manang ang mga tanong ko.

    “Hindi na po talaga, Manang,” sabay ngiti ni Knoxx.

    Ngumiti si Manang at umiling. Nang bumaling siya sa akin ay napawi agad ang ngiti niya.

    “Ang mommy mo, Lola, si Chesca, Hector at baby Macy ay nagpunta sa bahay nina Chesca. Alam mo namang hindi nakadalo kahapon iyong Auntie niya dahil hirap kay Siling… Pinuntahan nila ngayon. At ang daddy mo lumuwas kanina…”

    “Ganoon po ba?”

    Kung ganoon, mag isa ako sa bahay na ito? And why is Knoxx here?

    “Nga pala… bilin ni Hector na sabihin sa’yo na hiniram nila iyong Sedan mo. Sakay doon sina Chesca, Hector, at ang baby kasama ang tagabantay. Ang mommy at Lola mo kasama ang body guards sakay ng isa pang sasakyan n’yo. Iyong daddy mo naman, dala patungong Maynila iyong isa pang SUV. Kasi iyong Jeep Commander ni Hector, nasiraan yata. Kaya nandito si Knoxx…”

    Lumipat ang tingin ko sa kay Knoxx na titig na titig sa akin habang nakahalukipkip at nakasandal sa hamba ng pintuan.

    “Kung ganoon, walang natirang sasakyan?”

    “Oo. Wala ka namang lakad, ‘di ba?”

    Hindi hinintay ni Manang ang sagot ko at bumalik na siya ng kusina. Gusto ko pa naman sanang mamasyal. Ang akala ko’y ngayong may sasakyan na ako, hindi na ako mahihirapan kapag gusto kong umalis kahit saan.

    “Ano?” nagtaas ako ng kilay habang tinitingnan si Knoxx na nanatili sa kanyang posisyon.

    Nagtaas din siya ng kilay, parang naghahamon. “Umalis si Berto dahil tinawag sa rancho. Patapos na ako sa pag aayos ng Jeep n’yo. Walang mag s start habang tinitingnan ko ang makina.” Tinuro niya ang labasan. “Pagkatapos mong kumain, pwede bang…”

    “Maliligo muna ako,” sabi ko at kinuha ang aking pinggan.

    Dinala ko iyon sa kusina. Nilagpasan ko si Knoxx at nilapag ang pinggan sa sink.

    “Alright…” ani Knoxx.

    Nilagpasan kong muli siya pag alis ko sa dining area. Tinakbo ko ang paakyat sa grand staircase. Nasulyapan kong nanatili siya sa kinatatayuan niya at nakatingin sa akin.

    Isang oras na naman ang tinagal ko sa kwarto. Syempre galing sa pagligo hanggang sa pagbibihis. I feel like I have nothing to wear. Isang floral dress lamang ang sinuot ko at strappy sandals.

    Ang hulikong nilagay ay ang perfume. And then voila! I’m ready to go out.

    Lumabas ako ng kwarto at bumalik ng kusina. Naabutan ko si Knoxx na umiinom ng tubig habang nakaupo sa high chair ng counter. Nilapag niya ang baso ng nakita ako.

    Bulgar na bulgar ang paninitig niya mula ulo hanggang paa. I want to smirk but I tried to act calm and composed.

    “Tapos ka na?” tanong ko, referring of course to our car.

    “Hindi ko pa matapos tapos dahil kailangan ko ng mag s-start ng engine… Let’s go…”

    Tinalikuran niya ako ng walang pag aalinlangan. Gusto ko siyang batuhin pero pinigilan ko ang sarili ko. Sumunod ako sa kanya palabas ng kusina.

    Unang apak ko pa lang sa medyo malambot na bakuran ay nahirapan na ako. Pinanindigan ko parin ang aking suot.

    Mabilis ang lakad ni Knoxx and I need to keep up with him so binilisan ko rin ang lakad ko.

    Nang nakalapit na kami sa garahe ay bumagal ang lakad niya at nilingon niya ako. Naabutan niya akong nahihirapan kaya tumuwid ulit ako at taas noong hinarap siya. Nagpupunas siya ng kamay at tiningnan niyang muli ang aking suot.

    “You sure you’re wearing that here in Alegria?” iwas tingin niyang tanong.

    “You wear clothes because they’re comfortable,” sabi ko.

    “And… perfect for the place too.”

    “Hindi ba ito nababagay sa Alegria?” iritado kong tanong. “Is there a specific cloth for Alegria?”

    “Wala naman…” Bahagya siyang humalakhak.

    Binuksan niya ang makinarya ng Jeep Commander. Lumapit na ako sa pintuan nito. This brings back so many memories. Ito iyong pinaharurot ko noon nang lumayas ako.

    Mabuti na lang at may karanasan ako noon sa pagmamaneho ng manual. Of course sa ibang bansa, kailangan maalam ka talaga kahit paano. Iyon nga lang, hindi ako naging interesado sa mga sasakyan. My mode of transportation was always Abaddon. Pero hindi na ngayon…

    “Anong gagawin ko?” tanong ko.

    Nakahalukipkip ako ngayon malapit sa pintuan ng driver’s seat. Si Knoxx ay abala na sa pagchicheck ng kung ano sa makina.

    Humawak siya sa edge ng sasakyan at bahagyang yumuko. His sleepy eyes went to me.

    “I want you to start the engine.”

    “Okay…” Nag iwas ako ng tingin at dumiretso sa loob.

    Those eyes should be darn illegal. Pumasok ako nang di sinasarado ang pintuan. Hindi rin naman kasi papatakbuhin, paaandarin lang.

    “Where are the keys?” tanong ko.

    “On the dashboard, lil girl…”

    What? Padabog kong dinampot ang susi sa dashboard at sinaksak at inikot. Little girl? Just how little do I look like?

    “Very good!” Tunog nasasarapan siya.

    Halos mapamura ako sa panunuya sa kanyang boses. Tumawa siya at sumipol.

    “Hmmm… This is fine. Kailangan lang siguro talaga mapalitan muna ang battery para hindi na mamroblema si Mang Rene.”

    Tinigil ko ang pag andar. Sumungaw siya sa gilid ng nakakunot ang noo.

    “Pinatay mo?”

    “Tapos na ba?” tanong ko.

    “Start it again,” utos niya ng walang pag aalinlangan.

    Uminit ang pisngi ko at inikot muli ang susi. He really is authoritative. Damn it!

    “Tapos na?” tanong ko habang umaandar ang makina.

    Nagulat ako nang nakita ko siya sa gilid na lumalapit na sa pintuan. Nagpupunas siya ng kamay na medyo maitim, siguro dahil sa mga kinumpuni niya sa makina.

    “Tapos na ba?” ulit ko.

    “Why? Do you want to use it?”

    Malumanay ang kanyang boses. Ang isang paa ay inakyat niya na sa gilid ng sasakyan at ang dalawang kamay ay nasa bukana ng pintuan. Hindi ako makagalaw. He’s so near me. Bumibilis ang pintig ng puso ko.

    “Oo.”

    “Saan ka naman pupunta?”

    Nilingon ko siya at inirapan. “Bakit?”

    “Dahil hindi mo pa ito magagamit,” nagkibit siya ng balikat.

    “Ang sabi mo, ayos na ‘to?”

    Pinatay ko ang makina.

    “Kulang pa. Papalitan pa ang battery. Saan ka ba pupunta? Ihahatid na lang kita.”

    Gusto kong matawa. What’s he up to now, really?

    “Titingnan ko ang lupain na gustong ipa manage ni daddy sa akin. At hindi na kailangan… Kaya ko na. Pupuntahan ko na lang si Abaddon.”

    “Alam mo ba kung saang parte iyon, kung ganoon?”

    Natahimik ako. Tama siya. Hindi ko alam. I just know it’s at the end of our rancho. I just don’t know where it is exactly.

    Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero wala akong panlaban. Naabutan kong nakatingin siya sa aking labi kaya agad kong tinikom ang bibig ko.

    He smirked. “Hindi mo alam? I can drive the Wrangler for you. I’ll take you there if you want.”

    “Mag aantay na lang ako na-“

    “Umiiwas ka?” putol niya sa akin.

    “Hindi,” angil ko.

    Sumibol muli ang nanunuyang ngisi.

    Bumaba ulit ang kanyang tingin sa aking labi. Naghuhuramentado na ang puso ko lalo na nang unti unti siyang lumapit. I clearly remember how his lips were the first time he kissed me.

    Bahagya akong umatras sa kinauupuan ko pero mas lalo lamang siyang lumapit. Oh shit! Pipikit na ba ako?

    Tumikhim siya ng bahagya at nakita kong sumilay muli ang ngisi. Kinuha niya ang kanyang t shirt sa aking tabi.

    “Tara na… Kung aayaw ka pa, iisipin ko ng natatakot ka…”

    Pinakawalan ko ang hininga ko. I want to curse and call all the devils in this world. What the hell was that, Knoxx Montefalco?

    Binaba niya ang nguso ng Jeep Commander. Mabuti na lang at tinted ito kaya di niya kita ang inis ko.

    Hinubad niya ang kanyang itim na sleeveless. Galing ulit sa batok ang paghubad niya noon at mabilis niyang dinausdos ang grey t shirt bilang pamalit.

    Tiningnan niya ako sa loob. Mukha akong tanga doon. Hindi kumikibo dahil sa panonood sa kanya kanina.

    “Let’s go…” Naglahad siya ng kamay at ngumisi. Para bang tinutukso niya ako.

    “I don’t need the help…”

    Diretso ang labas ko ng sasakyan. Well, if he thinks umiiwas ako, hindi no! Hindi ko na kailangang umiwas sa kanya para ipakitang hindi na mauulit ang lahat!

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35
    Stop It

    Walang pag aalinlangan akong pumasok sa kanyang Wrangler. Habang nag mamartsa ay naisip ko kung gaano ito pinagplanuhan. What a coincidence! Na wala lahat ng sasakyan, sa dami noon ay mauubos pa. At si Knoxx lamang ang tanging natitira dahil wala ang mga driver.

    I know Berto can fix the Jeep Commander. Siya naman iyong mekaniko nina Daddy pero bakit kay Knoxx inasa? Hindi naman siya mekaniko, ah? True that I’ve seen him fix his own ride but not someone else’s. Pakana na naman ba ito ni Daddy? What needs to be fixed in me this time?

    Pinaandar ni Knoxx ang kanyang Wrangler. Nakahalukipkip ako habang matalim na tinititigan ang daanan.

    Ngunit hindi nakatakas sa akin ang bango ng loob. Everything inside it is nostalgic. His dashboard, the scent, the sound of the engine, the feels inside it… everything. Pero isinantabi ko iyon. Iniwas ko ang aking isipan sa lahat ng nakakapagpaalala sa lahat ng katangahan.

    Ako ang nagdala sa aking sarili sa kanya. Ako ang nagpumilit na pumasok. And he didn’t like me. He clearly showed me his true feelings. It was my dad and his respect for my dad… iyon ang naging dahilan kung bakit binigyan niya ako ng tsansa. Iyon ang dahilan kung bakit pinayagan niya ako. If not for that, I would never stand a chance… even to just knock on the doors of his heart.

    Ni hindi ko alam kung tunay nga ang kanyang nararamdaman noon para sa akin. It was so complicated. He’s always with Lumi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila bago ako at wala akong karapatan doon.

    Hindi kalayuan ang binyahe namin. Dulo lang naman ng rancho sa may bandang west patungo kina Knoxx kaya niliko niya kaagad ito sa rough road na nadadaanan lamang ng truck pag harvest.

    “This… this is your land, right?” tanong ko nang namataan ang plantation nila ng mangga.
    “Hindi ba nasabi ni Tito Thomas sa’yo na malapit sa amin ang lupa na ipapaalaga niya sa’yo?”

    Ang alam ko lang ay punong mangga ang mga tanim noon. Hindi ko inakalang ganito ka lapit sa lupain ng mga Navarro iyon.

    “Hindi ko alam na ganito kalapit!”

    Para na akong batang nakatingin sa labas. Papalapit na kami ay mas lalong naging mahirap ang daanan. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko.

    “Aray!” sabi ko nang nauntog ako sa salamin ng bintana.
    “Huwag masyadong malapit sa salamin, lubak lubak ang daanan dito.”

    Hinimas ko ang aking noo.

    “And… you did not put your seatbelts on,”

    Pagkasabi niya noon ay ‘tsaka ko pa lang napagtanto. Nagmamadali kong kinuha ang seatbelts. Pakiramdam ko kasi medyo malayo layo pa kami. Kaya lang, bago ko tuluyang maitama ang aking seatbelts ay umindayog na ang buong sasakyan dahil sa isang malaking lubak o di kaya’y bato. Naging dahilan ito kung bakit tumama ako sa dibdib ni Knoxx.

    “Aray!” sabi ko, hindi makabawi dahil sa patuloy na pag andar ng sasakyan.

    Tiningala ko siya at nakita kong kagat kagat niya ang kanyang labi habang binibilisan ang takbo ng Wrangler. What the hell?

    Init ng katawan niya ang naramdaman ko sa aking dibdib. His biceps strained as he turned the stirring wheel.

    “Kapit ka lang. Malapit na tayo…” Hindi nakalagpas sa akin ang panunukso sa kanyang tono.

    Tinulak ko siya para makabawi at tumuwid ako sa pagkakaupo. Humupa ang lubak lubak kaya medyo naging balanse ang katawan ko.

    Inayos ko ang seatbelts ko. Siya namang pagtigil ng sasakyan. Umirap ako at naghubad ulit ng seatbelts.

    “We’re here?” I asked.

    A smile plastered on his face. What the hell was that for? Sinadya niya ba iyon?

    “Yes,” aniya.
    “Hindi mo sinabi sa aking lubak lubak pala ang dadaanan,” hindi ko na napigilan ang pagpuna.
    “Nasa bukid tayo, Entice. What do you expect?”

    Umiling ako at binuksan ang pintuan. Tiningnan ko ang mga puno ng mangga na may mga naka guhit na numero sa bawat katawan. Ilan kaya lahat ang puno ng mangga dito? I should ask daddy. At ang sabi niya’y may ilang ektarya pang walang tanim sa banda rito.

    Lumabas na din si Knoxx sa sasakyan. Nauna niyang tinungo ang mga puno. Nag aalinlangan ako dahil medyo maputik at matalahib.

    “This is where it starts. Iyong lupain na para sa’yo…” sabay tingin niya sa akin. “Hanggang doon pa…”

    Tinuro niya sa malayo at naglahad siya ng kamay.

    The hell will I take it. Naglakad ako palapit sa kanya pero hindi ko tinanggap ang kamay niya. Hindi bale na kung maputikan ang sandals ko. Hindi bale na kung mahirapan ako, kaya ko pa naman ang sarili niya.

    Suminghap siya nang nilagpasan ko siya. Binalewala ko iyon.

    “Saan banda ang lupang walang tanim?”
    “Doon?” tinuro niya ulit at sumabay siya sa akin sa paglalakad.

    Hindi ko siya nilingon dahil sa gilid ng aking mga mata ay ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

    “Tataniman ko siguro iyon ng gulay,” sabi ko.
    “Tsss. I suggest you should plant more mango trees. Matagal pa ang tubo pero hindi ka na mahihirapan kasi isang harvest lang kapag nagkataon.”

    Naisip kong tama siya pero hindi ko iyon sasabihin. Hindi na ako kumibo.

    Habang tumatagal ang paglalakad ay mas lalong bumibigat ang sandals ko. Mas lalong bumagal ang aking paglalakad. Minsan ay naiiwan pa ako ni Knoxx kaya bumabalik siya para magkasabay kami. I hate it so I pretend that I’m looking at the trees, their leaves, their fruit, and whatnots…

    Nang palapit na kami ay pakiramdam ko pasan ko na ang buong daigdig sa aking sandals. Dinungaw ko iyon at kitang kita ko ang pagkakaroon nito ng heels na putik.

    Ngumiwi ako at tumigil sa paglalakad.

    “Bakit ba kasi sandals ang suot mo?”

    Matalim ko siyang tiningnan. Agad na tinaas niya ang kanyang kamay.

    “Okay!”

    Lumuhod siya at kumuha ng isang tuyong sanga sa malapit. Hindi na ako gumalaw, tinitingnan ko kung ano ang gagawin niya.

    “Let me remove your sandals. Tatanggalin ko lang ang putik…” aniya.

    Hindi na ako umalma. Hinayaan ko siyang hanapin ang lock ng aking sandals. Ramdam ko ang kiliti sa bawat haplos ng kanyang daliri sa aking paa. Kinagat ko ang labi ko habang dinudungaw siya.

    “How do you do this?” nakakunot noong tanong niya.

    Bago ko pa masagot ay natanggal niya na ang isa. Gusto ko sanang tumulong pero mahirap dahil isang paa na lang ang nakaapak sa lupa ngayon.

    Tinapik niya ang kanyang hita at tumingala sa akin. Kitang kita ko ang pag pasada ng kanyang mga mata sa aking hita. Sisigawan ko na sana siya ngunit tinapik niya ulit ang kanyang hita.

    “Put your foot here. Lilinisin ko lang itong sandals mo.”
    “Okay…” mahinahon kong sinabi.

    Dahan dahan kong nilagay sa kanyang hita ang aking paa. Sa pamamagitan naman ng tuyong sanga, tinanggal niya ang putik sa aking sandals. Kitang kita ko ang pagkakalinis ng heels noon.

    Hinawakan niya ang paa ko. Nabigla ako kaya bahagya kong iniwas.

    Tiningala niya ulit ako. Nahagip ko ulit ang pagpasada ng kanyang mata sa bandang hita ko.

    “Stop moving. Isusuot ko ulit sa’yo ‘to…”
    “Okay…” I said again, calmly.

    Damn it, Entice! Bumilis ang pintig ng puso ko habang tinitingnan siyang inaayos ang aking sandals.

    Binaba niya ang paa ko at sa kabilang paa naman siya ngayon. Mabilis siyang matuto. Isang kalabit niya lang sa sandals ko sa kabila ay natanggal niya na kaagad. Nilapag niya ang paa ko sa kanyang hita at nagsimula ulit siyang linisin ang aking sandals.

    Kinagat ko ang labi ko. This is too much. I know it is. Dapat ay hindi na ako sumama sa kanya. Iyan tuloy ngayon, hindi na ako makahinga habang tinitingnan siyang nakaluhod sa paanan ko.

    “Done…” aniya.

    Binalik niya sa aking paa ang sandals. Binalik niya rin ang paa ko sa lupa. Tumayo siya at tinapon lang kung saan ang tuyong sanga.

    “You can walk properly now…” aniya at lumingon ulit sa patutunguhan namin.

    Hindi na matanggal ang mga mata ko sa kanya. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit.

    Nauna siya sa akin. Mabuti na lang at hindi niya makikitang nakatitig ako sa likod niya. His back was slightly moist. Pinagpawisan siya sa ginawa.

    Sa gitna ng pagmamasid ko sa kanya ay kamuntik na akong nadulas. Namuo ulit sa aking sandals ang kaonting layer ng putik. Pumikit ako ng mariin. Papalapit na kami, ngayon pa mangyayari sa akin ito?

    Nilingon niya ako at tiningnang muli ang aking sandals. Suminghap siya at binalikan ako.

    “I’m gonna carry you so don’t slap me for touching anything…” aniya sa malamig na tono.
    “Carry me? Kaya ko ‘to!”
    Tumawa siya ng walang humor. “Really. You’re just cheering yourself.”
    “Kaya ko ‘to!” nanginig ang boses ko at nagpatuloy sa paglalakad.

    Ayaw kong magpakarga sa kanya. Kung ang simpleng hawak niya lang sa aking paa ay milya milya na ang tinakbo ng utak ko, paano na kaya kapag kinarga niya pa ako?

    Ilang hakbang pa lang ay namuo na ang mas maraming putik. Nagsisimula na naman ako sa hirap sa paglalakad. Nag hanap ako ng bato para ipatid na lang doon ang putik pero bago pa ako makahanap ay kinarga niya na agad ako.

    Tumili ako at bahagya ko siyang tinulak.

    “Stop wriggling, Entice!” sigaw niya habang iniiwas ang mukha sa akin.

    Tinampal ko ang mukha niya. Nagpumiglas ako. Maging ang mga paa ko’y tinadyak tadyak ko.

    “I said stop wriggling!” sigaw niya at tinapon ako bahagya.

    Sobrang lakas ng tili ko sa takot na baka mahulog. Mas lalo ko siyang tinampal sa kanyang ginawa.

    “Knoxx! Knoxx, ibaba mo ako! Ayaw ko ng ganito!” sigaw ko.
    “Madudulas ka lang pag binaba pa kita! Stop fighting, alright! Just look at the land!”
    “Damn it! Paano ako makakapag concentrate kung ganito ang ayos! Ibaba mo ako! Ngayon din!” sigaw ko sabay pagpupumiglas.

    Bahagya niya ulit akong tinapon. Sinapak ko na siya.

    “Stop it, will you? Inaayos lang kita dahil nalalaglag ka. Huwag kang malikot!”

    Humigpit ang hawak ng kanyang kamay sa aking tagiliran at sa likod ng ang tuhod. Natigil ako sa paggalaw. Tiningnan ko siyang mabuti. Pumungay ang mga mata niya. I suddenly saw how tired he is… Tired of… what?

    “Stop moving. I’m feeling something else, Entice. Pag hindi ka tumigil, mahihirapan ako,” napapaos ang kanyang tinig.
    “What?”

    Rinig na rinig ko na ang puso ko. May ideya ako sa sinasabi niya pero hindi ako sigurado. I don’t want to assume.

    Nakapirmi lang siya. Hindi siya naglakad o humakbang man lang. Yumuko siya at inamoy lang ang buhok ko.

    “What the hell are you doing, Knoxx?” sigaw ko at bahagyang gumalaw ulit.
    “I said stop moving for a while… Stop it. It’s for your own good…” his tone sent shivers down my spine.
    “Huh? B-Bakit?”
    “Shh…” bulong niya sa aking tainga. “Let me calm down.”

    Kinagat ko ang labi ko. What the hell? I think… I know what’s happening with him. Heat traveled in my bloodstream. I can feel it. Galing sa aking balikat, sa aking mukha, hanggang sa aking mga paa. I stopped moving. I suddenly want to get closer to him. I don’t understand.

    Pagkatapos ng ilang saglit ay huminga siya ng malalim at pagod na tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin.

    “Ibaba mo kasi ako…” sabi ko.
    “Mahihirapan ka,” sagot niya.
    “Inutusan ka ba ni daddy na dalhin ako dito?” tanong ko at bumaling sa kanya.

    Hindi siya kumibo.

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36
    Shorts

    Nilapag niya ako sa isang malaking bato. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa maibalanse ko ang sarili ko. Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko.

    “Inutusan ka ba ni daddy na dalhin ako dito, Knoxx?” ulit ko.

    Suminghap siya at dinungaw ako.

    “I also have my own decisions, you know,” aniya.
    “Like how you let me in way back? That was your own decision? Kahit na sobra sobrang ang iritasyon mo sa akin?”

    Hindi siya nakasagot. He clenched his jaw.

    “Yes. Your father asked me to tame you because he said you’re a brat.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Matalim ko siyang tiningnan. Tumayo ako para man lang kahit paano’y hindi ako magmukhang tangang nakaupo sa bato.

    “At ngayon naman ganoon parin?”
    “Hindi na ako kailangang pakiusapan ni Tito Thomas para lang samahan kita dito. I’ll bring you here if I want to.”

    Umalis ako doon. Hindi ko kayang manatili. Baka mamaya isumbat ko ang lahat lahat. Hindi na rin naman iyon kailangan. Nakapag desisyon ako noon na umalis hindi dahil nalaman kong napag utusan lamang siya. Umalis ako dahil sa kasalanan ko kay Lumi at sa kanya.

    “Huwag kang masyadong lumayo. Baka madulas ka na naman sa putikan!” sigaw ni Knoxx na naroon parin sa bato.

    Lumayo ako. He can’t tame me. Noon hanggang ngayon.

    Nasa gitna na ako ng lupain. Sinisigawan ako ni Knoxx pero hindi ako nakinig. Mabuti na lang at hindi mainit. Sa ganitong walang puno ay mapapaso siguro ako kung sobrang init.

    Tumingala ako at laking gulat ng biglang kumulog. Napatili ako.

    “Entice!” sigaw ni Knoxx nang bigla biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

    Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dalawang hakbang ay hirap ako dahil sa putik. Dalawa pang hakbang ay nawalan na ako ng pag-asa. Masyadong malakas ang ulan na basang basa na ako kahit ilang sandali pa lang ng pagsisimula nito.

    “Tara na!” aniya sabay hila sa akin.

    Binawi ko ang kamay ko. The last thing I’d do is to hold his hand, damn it!

    “Entice!” pagalit niyang sinabi.

    Kumulog pang muli at mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo ako para sumilong sa puno ng manga kahit na alam kong walang epekto iyon.

    Sa pagtakbo ko ay nadapa ako. Nalagyan ng putik ang aking skirt at ang mga kamay ko ay punong puno rin nito. Natigilan ako habang tinitingnan ang kamay ko.

    And in one swift motion, kinarga ako ni Knoxx sa kanyang braso. Nagpumiglas ako pero nahirapan dahil tumakbo na siya palayo doon.

    “Stop being so complicated!” aniya.

    Mas lalo lamang akong nairita. Ako pa ngayon ang kumplikado?

    “Umuulan! Pag di kita kinarga, mapupuno ka lang ng putik,” aniya.

    Nilagay niya ako sa front seat ng kanyang Wrangler. Nilinisan ko ang kamay ko at ang skirt ko. Damn it! Ngayon pa talaga umulan?

    Umikot siya. Siya rin ay basang basa. Pinaandar niya kaagad ang sasakyan para makaalis kami doon.

    Walang imik siyang nag drive habang ako’y nag aayos sa sarili. I probably look like a mess. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita kong may kaonting putik pa sa mukha ko! Damn it!

    Nilingon ko siya at walang bahid na putik sa kanyang mukha. He’s all sexy with his wet hair and his mad face.

    Nakakainis talaga!

    “Where are we?” tanong ko at luminga.

    Unti unti kasing tumitigil ang makina kahit na malayo pa naman ang amin.

    “Oh! Nakalimutan mo na ang bahay namin? Ang bilis naman yata.”

    Bago pa ako makaalma ay lumabas na siya sa kanyang sasakyan. Umuulan parin ng malakas kaya tinakbo niya ang distansya patungo sa front seat. Binuksan niya ang pintuan ng front seat.

    “Ano-“

    Bago pa ako makapagsalita ay kinarga niya ulit ako. Tinakbo niya ang distansya doon hanggang sa kanyang bahay.

    “Ano? Papalipasin muna natin ang ulan dito bago kita ihatid sa inyo! And… you’re a mess. You should at least change,” ani Knoxx.
    “Paano kung hindi tumigil ang ulan? Edi dito ako magdamag, ganoon? Ihatid mo na lang ako sa bahay. Wala akong damit dito, Knoxx. Mas mabuting sa amin na lang!” sabi ko.

    Bahagyang umangat ang kanyang labi. Nilagpasan niya ako at nilagay niya sa pintuan ang tsinelas na pink ko noon. Hindi niya ba ako narinig?

    “Knoxx! Knoxx, ang sabi ko uuwi ako!” sabay sunod ko sa kanya nang hindi tinatanggap iyong tsinelas.

    I don’t care if I bring dirt on his marble floor. Ang kailangan ko ngayon ay ang makauwi sa bahay.

    “Uuwi ka nga, pagkatapos ng ulan,” ani Knoxx sabay kuha ng tuwalya at damit sa loob ng isang kwarto.
    “Hindi! Kailangan ko-“
    “Change. You can use the bathroom…”

    Magsasalita pa sana ako ngunit sa harap ko ay nag hubad siya ng tshirt. Pumikit ako ng marahan at nagmartsa na patungo sa kanyang bathroom.

    Do I have a choice? Iritadong iritado ako habang naliligo.

    Pagkatapos kong sabihin na ayaw ko na ng ganito ay heto ako at ginagawa na naman? I can’t be here for long. This is his house! It reminds me of everything! For instance, itong bathroom niya. Dito ako naliligo noon! Ayaw ko nang balikan iyong noon. I have learned. I have learned that love or maybe infatuation makes me irrational and I don’t need that.

    Ang kailangan ko sa buhay na ito ay ang mga tamang desisyon. Happy ever afters are just for fairytales. Hindi ganoon kadali ang lahat sa tunay na buhay. Love… or your lover may fail you. Iyon ang dahilan kung bakit kumukonti ang sumusugal sa mundong ito. And I am not one of them. No…

    Lumabas ako sa banyo na suot ang t shirt ni Knoxx. And damn the man did not even bother giving me a fucking shorts!

    “Wala ka bang shorts? Bakit t shirt lang ito?” tanong ko, hindi lubusang makalabas ng bathroom dahil sa sitwasyon.
    “Malaki ‘yan. It looks like a dress on you for sure. Hindi mo na kailangan ng shorts,” aniya.

    Nakatopless parin siya habang gumagawa ng kung ano sa kusina niya. His back muscles flexed as he carried the thermos.

    Tiningnan ko ang damit ko. Ang puting t shirt niya ay hanggang hita ko naman. It’s true that it looks like a dress but… it’s still too short to be!

    “I need shorts!” sabi ko.

    Hindi siya nagsalita. Nagsalin siya ng hot chocolate galing sa thermos patungo doon sa dalawang tasa sa kanyang lamesa. Tumunog ang microwave at naamoy ko kaagad ang toasted bread na mukhang maraming cheese.

    Bahagya akong dinalaw ng gutom.

    Nilagay niya ang isang tinapay sa kanyang bibig. Kagat kagat niya dahil mukhang mainit pa ito.

    Tinulak niya ang tasa ng hot chocolate sa mesa at tiningnan ako. Binaba niya ang tinapay para makapagsalita.

    “You must be hungry. I’ll cook our lunch in a while now…”
    “I said I need shorts!” sabi ko ulit.

    Pagod siyang suminghap at nagmartsa patungo sa akin. Bahagya akong napaatras dahil s apaglapit niya’y bumibilis ang pintig ng puso ko. Hinila niya ako palabas ng bathroom.

    “Ano ba!”
    “You’re fine that way! Besides, ako lang naman ang nandito!” aniya sabay pasada ng tingin sa suot ko.
    “This is too short!” giit ko.
    “If it’s too short then why can’t I see your panties? Come on, Entice! Don’t be too complicated now… Pinapahirapan mo lang ako. Eat…” aniya sabay tulak ulit sa hot chocolate.
    “Ano? You want me to roam around here without shorts, Knoxx? Hindi ba noon, may binibigay ka namang shorts? Is it too hard to find one?” tanong ko.

    Binalewala niya ang sinabi ko at dahan dahan niyang inangat ang tasa ng hot chocolate para matanggap ko pero imbes na tanggapin ko ay tinabig ko ang kanyang kamay. Kitang kita ko ang pagngiwi niya nang tumama ang mainit na tsokolate sa kanyang kamay.

    Sa gulat ko ay nanlaki ang mga mata ko. I suddenly want to attend to him pero nanatili akong nakatayo. Nagpunas siya sa kanyang kamay at nilingon ako.

    “I… I want to have shorts…” sabi ko. “Ayan tuloy…”

    Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang tinitingnan ako. Mas lalo lang bumilis ang pintig ng puso ko. His jaw clenched. His brows furrowed. Isang malaking hakbang ang kumain sa distansya naming dalawa.

    “Hindi ka nakikinig, e!” sabi ko, hinahabol na ang hininga.
    “Pwede na ‘yan! What’s wrong with wearing that? You wore a dress shorter than that yesterday, Entice! And you were with other people? Ngayong ako lang, ayaw mo ng mas mahabang damit? And mind you, that’s decent. It doesn’t even show your cleavage! Unlike what you wore yesterday!”

    Para siyang bulkang sumabog. Nangatog ang tuhod ko habang tinitingnan ang galit na galit niyang mga mata. Even so… I can’t just stop here because of my trembling legs.

    “That was different! Nabasa lang ako ngayon ng ulan, Knoxx!”
    “Tell me how different it is, then!”

    Diniin niya ang sarili niya sa akin. Napakurap kurap ako. Ang kaninang nangangatog na binti ay sumusuko na ngayon. Pakiramdam ko ay nahihilo ako.

    “It’s dif- different. This one… is big… and… uhm! Just give me the damn shorts! Ano? Ubos na ba ang shorts mo at ‘di mo ako mapagbigyan?”

    Kitang kita ko ang pamumungay ng mga mata niya habang dinudungaw ako.

    “Stop it…” aniya.
    “What? What do you mean?”

    Umatras ako ng bahagya pero humakbang ulit siya.

    “This fight… is making me so horny. Stop it…”

    Pagkasabi niya noon ay hindi ko na maramdaman ang aking binti. Heat ran on my bloodstream. I can feel it between my thighs. Lalo na nang hinalikan niya ako.

    Unlike before, his kisses now were dark, hungry, and almost in need. Isang hawak niya lang sa pang upo ko ay nawala na ako sa aking sarili. Everything went black. All I know is that I want his kisses too. I want more of it.

    Kinarga niya ako. His hand stayed on my butt for support. The in between of my thighs were exposed! Sabing kailangan ko ng shorts, e!

    Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. His scent filled me, hypnotizing me, making me kiss him back.

    He groaned and kissed me more.

    Hindi ko alam kung paano namin narating ang kanyang kwarto. Mabilis ang hininga ko at klase klaseng emosyon ang naramdaman ko. Alam kong mali ito. Mali dahil ayaw ko nang ma invilve dito but all my rational thoughts went out of the window. Damn it!

    Without removing my t shirt, he unclasped my bra and made it to my mounds. Napapikit ako habang nararamdaman ang mainit niyang kamay doon.

    He kissed my jaw. He kissed my nose. He kissed my eyelid as he slowly removed the t shirt. Uminit ang pisngi ko nang nakita siyang pinapanood akong hubo’t hubad sa harap niya. With only my panties on, right now.

    And then his sweet kisses resumed. Napapikit ulit ako at wala nang nasabi. His hands rested on my stomach, making circular motions. Parang nakukulangan ako. Parang hindi ko kakayanin kung hanggang doon lang iyon.

    I moaned for whatever reason. And I feel like he understood. His hand slipped in between my thighs. Halos hindi ako huminga nang naramdaman ko iyon.

    “Damn it! Knoxx!” sabi ko.

    He kissed me again. His hand gently parted my folds. Uminit ang pisngi ko nang naramdaman kong ninanamnam ng daliri niya ang pakiramdamn doon. I felt it. The liquid pleasure that flowed in between them. Para na akong lasing habang hinahalikan ako ni Knoxx.

    It was all too much. Hindi ko na mailarawan ang nararamdaman ko. All i know is I want him closer to me. I want him so close. Hindi ako kuntento sa ganito lang. I reached for the buttons of his pants.

    “No…” aniya.

    Kinagat ko ang labi ko. Bakit ayaw niya? Damn it!

    “Are you chickening out?” tanong ko.

    Hinampas niya ang unan at pagalit akong tiningnan.

    “You’re still-“
    “A kid? What? What?” pagalit kong hamon.

    Tinanggal ko agad ang butones ng kanyang maong. I unzipped his pants and felt all his glory. Para akong kinuryente pero hindi ako nagpahalata. Damn it! Actually, I am the one who’s chickening out.

    Tumuwid siya ng pagkakatayo at hinubad ang kanyang pantalon at boxer shorts. When I saw all of him, mas lalo lang akong napangunahan ng instinct. He started kissing me again. His hands giving me shocking pleasure.

    Then he traveled down to my boobs. Habang naroon siya ay nakakuha na ako ng rhythm. I can feel him near me. Teasing my folds but not fully going inside.

    “Knoxx, please!” sabi ko sabay sabunot sa kanya. “Please!”

    He did not stop caressing my boobs. And all I can say was that polite word. I need him now. I want him now.

    “Why do you want this?” he asked.

    Iritadong iritado ako at bakit ngayon niya pa naisipang mag tanong.

    “I just want you, Knoxx. I… I love you. Please?”

    Maliit na mura ang pinakawalan niya. Na para bang iyong sinabi ko ang tanging trigger para sa kanya.

    He parted my legs. He showered me with desperate kisses. Probably just to distract me from that one powerful strok. I cried when I felt all of him entered me.

    “Shh… I’ll stop till you’re comfortable…” bulong niya.

    Tumango ako at unti unting sinanay ang sarili sa kanyang pagpasok sa loob. Until he suddenly started moving. I slid up everytime he enters. His long, hard, and thick glory filled me completely everytime he enters and left me completely alone everytime he leaves.

    Habang ginagawa niya iyon ay paunti unting bumibilis. It still hurts but then the pleasure it gave me was just too much. I forgot how painful it is. Hanggang sa unti unti kong naramdaman iyon. The world spun around me. Shocks of pleasure vibrated inside me na halos makalimutan ko na kung anong nangyayari.

    His movements came faster and faster. Sinabayan nito ang pintig na nararamdaman ko until he just suddenly withdraw. Nagmura siya at nagsalita ng kung ano. Pumikit ako at huminga ng malalim. What the hell was that? Damn it!

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37
    I’m Sorry

    Nakapalupot ang mabigat na braso ni Knoxx sa aking dibdib. He’s fast asleep beside me. I wish I was as peaceful as him right now. Taliwas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko.

    Ano itong nagawa ko?

    I am being stupid again. My attraction with him makes me this dumb.

    Unti unti kong binuhat ang kanyang braso para makawala ako sa kanya. Umupo ako sa kama at tiningnan siyang mabuti. His eyelashes and brows are thick. It defines all the expressions in his eyes tuwing dilat. His lips are thin and red. And his narrow nose fitted perfectly in his beautiful face.

    Maybe I’ll figure this out in the long run. Maybe… he’s right. I’m too young for all of these.

    Hinagilap ko ang damit na binigay ni Knoxx sa akin at sinuot ko ang mga iyon. Lumabas ako ng kwarto at bumaba doon. Umupo ako sa sala upang makapag isip isip.

    Ilang saglit ang nakalipas ay narinig ko ang tunog ng makina sa isang truck. Tumayo ako at hinawi ang kurtina ng sala. Nakita kong kararating lang ng isa sa mga truck na pinaglalagyan ng manga tuwing harvest.

    I panicked. Dumiretso ako sa kusina para mahagilap ang mga damit kong naroon. Kahit basa ay pilit kong sinuot ang mga ito.

    “Knoxx?” sigaw ng driver pagkalabas sa truck.

    Nagmadali akong pumunta sa sala. Hindi ko alam kung alin ang uunahin, ang gisingin si Knoxx o ang harapin ang driver.

    “Knoxx?” Kumatok ang driver sa pintuan.

    Doon ko napagtantong huli na ang lahat. Binuksan ko na lang ang pintuan para makausap ang driver. Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang ako ang nagbukas.

    “N-Nasaan si Knoxx?” tanong ng pamilyar na driver ng truck nila.
    “Nasa taas po, natutulog. Anong ipapasabi n’yo nang masabi ko sa kanya pagkagising niya?” tanong ko.
    “Ah. Eh. Pinapasabi kasi sa akin ni Lita na bibisita si Lumi dito mamaya. Paki sabi kay Knoxx… Dumaan lang ako para sabihin ‘to…”

    Hindi ako nakapagsalita. Everything inside my head went still.

    “Pakisabi na lang kasi kailangan kong pumunta sa plantation para icheck ang tanim habang wala nang ulan…” anang driver.

    Nagtiim bagang ako. Lumi… Lumi’s just here in Alegria? And she’ll visit Knoxx later! She’ll be here later!

    Umalis na ang truck at hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

    What if we see each other? Ano ang gagawin ko? Ano ang gagawin niya? Hanggang ngayon ba, galit pa siya sa akin? Hanggang ngayon ba, ako ang sinisisi niya sa pagwala ng kanyang anak. And did Knoxx feel the same? Inisip din ba ni Knoxx na kasalanan ko ang lahat? Is that the reasopn why when I was abroad, he did not do anything to contact me? Not that I want to communicate to him. Guho pa ang mundo ko noon…

    And they say Lumi isn’t in Alegria? Or she isn’t seen here in Alegria? Pero bakit nandito siya ngayon? At bakit pupunta siya dito mamaya?

    Nag land slide sa utak ko lahat ng mga tanong. I just can’t keep up with them.

    Wala sa sarili kong inayos ang aking sandals at lumabas na sa bahay ni Knoxx. Ayaw kong abutan ako ni Lumi doon. Ayaw kong magkita kami sa ganitong pagkakataon.

    I know that I need to personally apologize to her. I know that’s the right thing to do. Even with her rage and anger, I will take it all. Dahil kasalanan ko. My intention was to really hurt her that time. My intention was to really inflict pain and I succeeded!

    Nilakad ko palabas ng bakuran nina Knoxx. Nang napadpad ako sa kalsada ay nilakad ko rin ang distansya doon. At kung kailangang lakarin ko patungo sa aming mansyon ay gagawin ko pero laking pasasalamat ko nang may tricycle na dumating.

    Nanlalamig ako patungo sa bahay. Nanunuot sa aking kalamnan ang lamig galing sa aking damit. Tulala ako at hindi mawala sa isip ko si Lumi.

    Wala pa sina mommy at lola pagkadating ko sa bahay. Si Manang Leticia ay nag sisiesta kaya wala ring nakapansin sa kalagayan ko.

    Dumiretso ako sa aking kwarto at nagbabad sa bathtub. Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay naaalala ko ang nangyari sa amin ni Knoxx. His kisses, his insanely addicting touch, his burning eyes, his words, and the feel of his skin. Ngunit tuwing dumidilat ako ay naaalala ko naman si Lumi. Ang pag iyak niya. Ang kanyang galit dahil sa pag aaway namin kay Knoxx. At ang posibleng pagkabigo niya dahil sa nangyari sa kanyang anak.

    Nakatulog ako sa bathtub. Posible sa sobrang pagod emotionally at mentally.

    Ayaw kong lumabas ng kwarto at medyo masakit pa ang ulo ko. Siguro ay lalagnatin o sisipunin ako.

    “Entice?” boses ni Manang Leticia ang narinig ko.

    Kumalabog ang puso ko. Mag aalas sais na ng gabi at kakalabas ko lang sa bathroom. Nakatapis pa ako nang nilingon ko ang pintuan.

    “Po?”

    Kumatok ulit si Manang kaya lumapit na ako sa pintuan. Kahit na kabado ay binuksan ko parin ito.

    “Bakit po?” tanong ko.

    Nanatili ang mga mata niya sa aking katawan ng ilang saglit. Bahagya akong naasiwa sa ginawa ni Manang.

    “Hindi pa sila nakakauwi. Kanina ka pa hindi bumababa ah?”

    Ipinakita niya ang tray na may pagkain.

    “Kanina ka pa tinatawag, hindi ka sumasagot…”

    Tinanggap ko ang tray. Dito na lang ako kakain sa aking kwarto. Ayaw kong lumabas.

    “Nakatulog po ako sa banyo, Manang. Bakit ‘di pa po nakakauwi sina Mommy?” tanong ko.
    Nagkibit siya ng balikat. “Hindi ko alam. Baka doon na maghahapunan kina Chesca…”
    “Siya nga pala… pumunta si Knoxx dito kanina pero hindi ka sumasagot sa kwarto kaya umalis na rin.”

    Napalunok ako sa sinabi ni Manang. Nag iwas ako ng tingin. Kitang kita ko ang pag aantay niya sa aking reaksyon kaya minabuti kong putulin ang usapan doon.

    Umalis din si Knoxx dahil pupunta din naman si Lumi sa kanila. Bakit niya pa ako pupuntahan dito?

    Pagkatapos kong magbihis ay pinilit kong kumain. Tinitigan ko lang ang pagkain sa aking kama. Ilang sandali pa ako natulala bago narinig ang busina ng sasakyan namin sa labas. Napansin ko rin ang biglaang pag ingay sa baba dahilan kung bakit ako napalabas ng kwarto.

    Isang hagulhol ang narinig ko sa sala. Nakatingin pa ako sa chandelier namin bago diretsong pumunta sa hagdanan.

    Iyak ni Lola at ni Chesca ang naririnig ko sa baba. Naririnig ko rin si Hector sa kanyang pagtatahan. Narinig ko rin ang iyak ni baby Macy.

    Dumungaw ako at sinubukang bumaba ng hagdanan.

    Nakaupo si Chesca sa sofa habang si Hector ay humahagod sa kanyang likod. Si Mommy ay buhat buhat ang umiiyak na si Macy. Si Lola naman ay pinapalibutan ng dalawang nurse habang umiiyak.

    “A-Anong nangyayari?” kinakabahan kong tanong.

    Si Manang Leticia ay naglapag ng mga tubig sa lamesa. Pumasok si Knoxx sa bahay kasama si Koko.

    Nagkatinginan kami ni Knoxx ng ilang saglit bago ako bumaling sa pamilya kong bigong bigo.

    “Mommy, anong nangyari?” tanong ko.
    Nilingon ako ni Mommy habang sinasayaw si Baby Macy. “Inatake sa puso ang Lola Siling ni Chesca kanina.”

    Nanlaki ang mga mata ko. Kaya sila natagalan kina Chesca?

    “Kagagaling lang namin ni Knoxx sa ospital, Ches… Wala na si Lola Siling…” ani Koko.

    Nalaglag ang panga ni Chesca. Maging ako ay parang naiiyak na rin sa nangyari!

    “Lina, akin na muna ang bata…” ani Manang Leticia kay Mommy.

    Tumango si Mommy at binigay si Baby Macy sa kay Manang Leticia. Dumiretso si Mommy kay Lola na ngayon ay mas lalong humahagulhol.

    “Mama! Tama na…”
    “Puntahan natin si Siling, Carolina!” ani Lola.
    “Kailangan n’yo na pong magpahinga! Magpahinga muna tayo. Bukas, pupuntahan natin siya…”

    Umiyak si Lola. Si Chesca ay parang natulala sa balitang dala ni Koko. Si Hector ay nasa gilid ni Chesca at tinatahan siya.

    Nilingon ni Hector si Manang Siling.

    “Hector, ihatid mo na lang muna si Chesca sa kwarto para makapag pahinga na rin siya…” ani Manang Leticia.
    Umiling si Chesca. “Pupunta po muna ako sa bahay. Kailangan ako nina Mama at Papa ngayon. Dito na lang muna si Hector. Hector, ikaw na lang muna ang bahala kay Macy…” ani Chesca sabay tingin sa kanyang anak.

    Tumayo siya at dumiretso kay Manang Leticia. Kinuha niya si Macy at sinayaw ng saglit bago bumaling kay Hector.

    “Chesca, ako na ang bahala kay Macy. Ngayon lang naman ‘to. Isama mo si Hector. Kailangan mo siya…”

    Nilingon ko si mommy na abala kay Lola. Napatingin rin ako kay Hector na ngayon ay nalilito kung sino ang sasamahan niya.

    “Chesca, ako na muna ang bahala kay… uh… baby Macy…” May pag aalinlangan kong sinabi.
    “Kami na lang muna ang bahala kay Baby Macy, Hector… Chesca… Ang mabuti pa, puntahan n’yo sina Francis ngayon. Kailangan nila kayo… Kaya namin si Macy…” ani Manang Leticia.

    Tumango si Chesca at nilingon ako.

    “Pasensya ka na, Entice. Iiwan ko muna si Macy sa inyo ni Mannag… Uuwi din kami ni Hector…”
    “Walang problema, Chesca. Isa pa, matutulog lang naman siya ngayong gabi. Kayang kaya ko iyon…”

    Ngumiti ako. She smiled back. Kinuha ni Manang Leticia si baby Macy at sinayaw muli. Si Lola ay dahan dahang inalalayan ni mommy at ng mga nurse pa akyat sa kanyang kwarto.

    “Mukhang pagod na itong si Macy. Iaakyat ko na muna sa kwarto. May kailangan ba kayo bago kayo umalis ni Hector?”

    Hinalikan ni Hector ang noo ng kanyang anak at bumaling kay Manang Leticia.

    “Kami na po ang bahala sa mga kailangan namin ni Chesca, Manang. Magpapakalma muna kami bago bumalik sa ospital…” ani Hector.
    “Mabuti pa nga… Koko, tawagan n’yo si Thomas at ibalita n’yo sa kanya ang nangyari nang makabalik na siya dito sa Alegria…” utos ni Manang Leticia.
    “Opo, Manang,” ani Koko.

    Napatingin ako kay Koko… at kay Knoxx. Kitang kita ko sa mga mata ni Knoxx ang galit. Pagkatapos ay simpatya at takot naman ang nakita ko. Hindi ko maintindihan ang lahat ng emosyon galing sa kanyang mga mata.

    “Hector, I’ll just check baby Macy before we go…” ani Chesca.
    Tumango si Hector. “Aayusin ko rin ang sasakyan bago umalis. Magkita tayo sa labas…” ani Hector. “Koko… Knoxx…”

    Sumunod si Koko kay Hector. Si Chesca naman ay umakyat nang muli. Susunod na sana ako kung hindi ko lang narinig ang sinabi ni Knoxx.

    “I’m sorry… for what happened…” aniya.

    Nilingon ko siya at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagsusumamo at galit. Hindi ko alam kung paano nagkasya ang dalawang magkaibang emosyon sa kanyang mga mata. Humakbang siya ng isang beses. Napalunok ako at napaatras.

    “Alam kong pagkakamali ‘yon, Entice. I’m sorry…”

    Parang kinukurot ang puso ko sa pagkakasabi niya nito. Ngayon, nawala ang galit sa kanyang mga mata. Tanging pagsusumamo, pagkabigo, guilt, at awa na lang ang naroon. Hindi ko alam kung para saan ang mga emosyong iyon. But I feel like it’s a slap to me. Pakiramdam ko tingin niya’y mahirap ipaintindi sa akin na wala lang iyon kaya humihingi siya ng patawad ngayon. Pagkakamali. That’s the right word for that. Pagkakamali.

    “It’s okay… I understand…” malamig kong sagot at tumakbo na ako paakyat sa hagdanan para habulin si Chesca.

    My chest hurts like a bitch. I know what you mean by that Knoxx. Sa lahat ng tao, ako pa talaga ang kinaawaan mo? Hindi. Alam kong wala lang iyon lahat. Alam kong nadala ka lang sa init ng pangyayari. Alam ko. It’s just the instincts talking and nothing more.

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    It Changed You

    Hindi ako makatulog sa kakaisip. Naging mainam din iyon para mabantayan ko ng husto si Macy habang wala si Hector at Chesca.

    Kinabukasan ay nakauwi rin ang dalawa. Ngunit sa pagod ay kinailangan din nilang magpahinga muna. Macy is all left to me and Manang Leticia.

    Si Lola ay nanatili sa kanyang kwarto, nagpapagaling. Si Mommy naman ngayon ang nagpunta sa bahay ng mga Alde. Ngayon ang dating ni daddy galing Maynila at sa pagkakaalam ko ay pupunta rin siya sa mga Alde pra tumulong.

    “Macy…” sabi ko sabay karga kay baby galing sa crib.

    Pinababa ko ito kanina para dito ko na bantayan si Baby Macy.

    “Ma’am, nakahanda na ang gatas ni baby Macy. Ilalapag ko na lang dito?” tanong ng tagabantay ni Macy.
    Tumango ako. “Salamat, Pia. Ako na ang bahalang magpa inom kay baby Macy.”

    Pinakain ko muna ang taga bantay ni Baby Macy. Para naman may kapalitan ako mamaya sa pagbabantay.

    Halos silang lahat ay abala sa burol. Ako lang ang maiiwan sa bahay kung sakaling umalis ulit si Chesca at Hector pagkagising nila.

    Kinuha ko ang gatas ni Baby Macy at inabot niya agad iyon sa aking kamay. Tila ba nagpapahiwatig na gusto niyang uminom kaya pinagbigyan ko siya.

    Dahan dahan ko siyang isinasayaw habang pinapainom ng gatas. Ilang sandali ang nakalipas ay nangalay ako kaya naisip kong ilagay muli siya sa crib. Bago ko pa iyon magawa ay may pumasok sa double doors ng bahay.

    Si Knoxx na nakakulay itim na vneck t shirt ay pumasok. Kitang kita sa kanyang buhok ang pagiging bagong ligo niya at kahit sa malayo ay naaamoy ko ang kanyang after shave. Damn! Why is he here again?

    “Tulog pa sina Hector at Chesca?” tanong niya.
    “Oo. Nasa taas…” sabi ko sabay baba kay Baby Macy lagay sa crib.

    Nakahiga siya habang umiinom ng gatas. Hinawakan kong mabuti ang bote ng gatas. I thank God for this. I don’t have to face Knoxx or look at him in the eye.

    Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang paglapit ni Knoxx sa akin. Nangatog agad ang binti ko. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko ginawa. I’m afraid it would only cause trouble.

    “Entice, ‘yong nangyari kahapon…”
    “It’s okay. I understand.”

    Inunahan ko na siya. I know he’ll bring that up and I know where I stand. I know why he apologize and he shouldn’t feel guilty for it. I asked for it.

    “What do you understand?” rinig ko ang frustration sa kanyang boses.

    Bumaling ako sa kanya. His eyes are now full of anger and frustration.

    Lumayo ako sa kanya para mas makapag usap kami ng maayos.

    “We’re adults. Mas bata ako sa’yo pero I’m not saying that I’m purely innocent in my thoughts, Knoxx. So it’s okay. What happened between us, you don’t have to feel guilty about it. I asked for it and you only did what I wanted. No need to say sorry for it…” Matabang kong sinabi.
    “So what do you mean? Lahat ng nangyari para sayo, wala lang?” tanong niya.

    Nag iwas ako ng tingin. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng kakarating na Manang Leticia.

    “Entice… oh, Knoxx. Nandito ka pala? Galing ka ba kina Chesca?”
    Tumikhim si Knoxx. Ang kanina’y matigas na boses ay biglang naging malumanay. “Galing ako ng bahay. Pupunta pa lang ako kina Chesca, hinihintay ko si Hector.”
    “Ganoon ba? Gising na yata iyon. Si Chesca, baka mamaya pa.”
    “Kaming dalawa lang ni Hector. May usapan kaming pupunta sa farm ngayon tapos didiretso sa kina Chesca,” ani Knoxx sabay tingin sa akin. “Gusto mong sumama, Entice?”
    “Hindi ako pwede… Babantayan ko si Macy…” sagot ko.

    Bumaling si Manang kay Macy na ngayon ay nakahiga sa crib.

    “Entice, tingnan mo nga ang diapers ni Macy. Kapag puno na, palitan mo. Iaakyat ko muna ang agahan ng Lola mo. Ikaw Knoxx, kumain ka na ba?” tanong ni Manang.
    “Tapos na po… Salamat…” sagot ni Knoxx.
    Ngumiti si Manang at tumango pagkatapos ay tumalikod para pumunta sa kusina.

    I panicked. Ayaw kong mag usap ulit kami ni Knoxx tungkol sa nangyari kahapon kaya hinawakan ko ang diapers ni Macy. Mukhang medyo marami na nga iyon at kailangan nang palitan.

    “Knoxx, can you please hold the bottle for me? Kukunin ko lang ang spare diapers…”
    “Hmm. Okay…” aniya sabay lapit sa akin.

    Hinawakan niya ang bote ng gatas at nilingon ako.

    “Like this?” he asked.
    “Yup…”

    Tumitig si Knoxx sa baby. Naka squat siya sa gilid ng crib habang hinahawakan ang bote ng gatas. Hindi maalis sa utak ko ang imahe ng dalawa doon. How can he look so adorable with a baby? Damn it!

    Nagmartsa na ako palayo doon. Dumiretso ako sa kwarto ni Baby Macy para makakuha ng maraming diapers at mga kailangan kapag bibihisan siya.

    Pababa ako nang nakitang hinahawakan na ni baby Macy ang isang daliri ni Knoxx. Parang may humawak sa puso ko habang tinitingnan ang dalawa.

    Napatingin si Knoxx sa akin nang dumating ako at agad siyang pumormal. I can sense that he wants to continue our conversation.

    “Pakihawak muna itong mga kailangan. Aayusin ko lang.”

    Hindi siya nakapagsalita. Pinahawak ko sa kanya ang mga wet wipes at ang mga diapers. Nilapag ko muna sa lamesa ang malinis na mat para doon ko palitan ng diaper si Macy.

    Kinarga ko si Macy. Nagkatinginan kami ni Knoxx ng ilang saglit bago ko nilapag ang baby sa mat na hinanda ko.

    Lumapit si Knoxx sa akin. Nakaluhod ako sa mesa habang kinakalas ang diapers ni Macy.

    “Ibigay mo sa akin ang bagong diapers. Please, open it…” utos ko.
    “Okay…” he said calmly.

    He did what I want him to do. Tinabi ko muna iyong dating diaper at kinuha ang inabot ni Knoxx.

    “Give me the wet wipes…” utos ko.

    Binigay niya rin iyon. Mabuti na lang at hindi naman tumae si Macy kaya hindi masyadong mahirap. Pinunasan ko ang kanyang puwitan hanggang sa harap. Tahimik si Knoxx habang ginagawa ko iyon.

    “Give me the clean cloth…” sabay lahad ko sa aking kamay.

    Tumitig si Knoxx sa akin ng ilang sandali bago niya tuluyang binigay ang hinihingi ko. Umiling ako at dinampian si Macy ng malinis at tuyong pamunas.

    Nilagay ko sa puwitan ni Macy ang diaper at nagpatuloy sa pag pupunas kay Macy para matuyo siya ng tuluyan.

    “Entice!” boses ni Chesca ang narinig ko.

    Napalingon ako sa hagdanan at nakita kong nagmamadali siya pababa. Kakagising niya lang pero tingin ko’y kulang parin siya sa tulog.

    “Naku! Maraming salamat sa pag aalaga kay Macy…” aniya.

    Tinapos ko ang pag aayos ng diaper bago ko kinarga si Macy para ibigay sa kanyang mommy. Nilaro ni Chesca ang anak bago lumingon sa akin.

    “Napainom ko na rin siya ng gatas. Ches, if you’re busy today. I can take care of Macy for you. It’s okay…”
    “Knoxx…” pababa si Hector nang tinawag niya si Knoxx.
    “Hector…”

    Nakaligo na ang pinsan ko at mukhang handa ng umalis. Hindi ko alam kung saan ang punta nila pero hula ko ay para ito sa burol ng lola Siling ni Chesca.

    “It’s okay, Entice. Dito muna ako habang may gagawin si Knoxx at Hector. Ako muna ang magbabantay kay Macy. Mamaya pa ulit kami aalis patungong bahay.”
    “Kung ganoon, Hector. Saan nga pala ang punta n’yo?” tanong ko.
    “Pupunta kami ng farm. Nagpaharvest ako ng ilang fresh flowers para kay Lola Siling. Kami ni Knoxx ang kukuha noon since it’s wet season. Wala sa kondisyon ang Jeep at maayos ang Wrangler niya kaya iyon ang gagamitin namin papunta sa plantation.”

    Napatingin ako kay Knoxx. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ako. Bumaling ako kay Hector at kitang kita ko ang pag lipat ng tingin niya kay Knoxx tapos sa akin.

    “Okay…” sabi ko nang matapos.
    “I will eat my breakfast first bago umalis… Chesca…” tawag niya sa asawa.
    “Knoxx, mag almusal ka muna…” ani Chesca.
    “Hindi na. I’m done…”

    Sasama sana ako kina Chesca pero…

    “Kakain lang kami, Entice. Where’s Pia?” tanong niya.
    “Nag aalmusal din. Ako na lang muna ang magbabantay. Malapit na rin matapos si Pia sa pagkain kaya dadating din iyon agad.”
    “Sige… Thank you so much for this, Entice.”
    “Chesca naman… It’s always a pleasure to take care of Macy.”

    Pinasa niya ulit sa akin ang bata. Sinayaw ko ng ilang saglit dahil ramdam kong antok ito. But she wouldn’t close her eyes so I smiled.

    Dumiretso na si Chesca at Hector sa dining area. Naiwan ulit kami ni Knoxx doon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aalaga kay Macy nang narinig ko ulit ang usapan namin.

    “You look ready for a child…” anito sa isang mapaglarong boses.

    Sinipat ko siya agad. Ayaw ko tuwing may bahid na panunuya sa kanya. Tumitindig ang balahibo ko at lumalabas ang kapilyuhan niya. And indeed, his smirk is evil this time.

    “And you’re not ready for me…” mas malamig niyang sinabi.
    “What are you talking about?” malamig at mahina kong sinabi para hindi marinig ng kahit na sino sa bahay.

    Isang beses siyang humakbang. Nanatiling ganoon ang ekspresyon. His eyes are dark, evil, and angry.

    “I said sorry because you left me. I thought I offended you somehow… I thought, I should’ve stopped myself that day… Sana hindi ako nagpadala sa mga daing mo.”
    “I get it, Knoxx. Please? I won’t be clingy just because something happened between us. I won’t need you to-“
    “Shhh…” Hinaplos niya ang labi ko dahilan kung bakit hindi ako nakapagsalita.

    Pumungay ang kanyang mga mata. He stared at me in dead silence. Halos makita ko ang pagod sa kanyang mga mata habang dinudungaw niya ako. Parang may humawak sa aking puso.

    “I waited for you to get over the tragedy. And… it changed you. It changed you a lot.” Tumango siya.

    My eyes widened. Nag init ang gilid sa aking mga mata habang hinahabol ko ang aking paghinga.

    “I can deal with that. I can deal with you,” mahinahon niyang sinabi.
    “Ma’am, ako na po ang bahala kay Macy…” sabi ni Pia nang dumating siya.

    Umatras ako kay Knoxx at agad na binigay si Baby Macy sa taga bantay niya. Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi ni Knoxx kaya umalis ako doon. Hindi ko kaya ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko kaya ang mga titig niyang parang tumatagos pati sa kaluluwa ko. It was as if he’s seeing all of me. It’s scary. I’m scared to be so open to him. I’m scared to be so vulnerable.

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    Forgiveness

    Lumabas lang ulit ako pagkaalis na ni Knoxx at Hector. Nakaupo ako sa sala habang pinagmamasdan si Chesca na nilalaro ang kanyang anak. Naka on ang flatscreen at naka set ito sa Cartoon Network.

    “Ayos ka lang, Entice?” tanong ni Chesca.

    Siguro’y kanina niya pa napapansin ang pagiging wala ko sa sarili. I faked a smile.

    “Yup. I’m fine…”

    Hindi magandang nananatili akong tulala dito. Tumitig ako sa TV. Nanatili namang nakatingin si Chesca sa akin.

    “May problema kayo ni Knoxx?” tanong niya.
    Umiling ako. “Ba’t naman kami magkakaproblema?”
    Tumawa siyang bahagya. “Wala naman…”

    “Sige na, sige na…” ani Manang Leticia, natataranta habang pinapaalis iyong isang kasambahay.

    Kumunot ang noo ko at tumayo na. Kita ko ang pera at piraso ng papel sa kamay ng kasambahay. I found an escape!

    “Paano po iyong utos ni Ma’am Lina? Hindi ko pa natatapos-“
    “Ako na ang bahalang maghanap ng pwedeng tumapos. Kukunin ko si Pedro, siguro…”
    “Ano ‘yan, Manang?” tanong ko sabay lapit sa kanila.

    Tinuro ni Manang ang kasambahay. Ramdam ko ang pagkakalito ng kasambahay sa kung anong uunahin niya.

    “Nakaligtaan ‘yong grocery dapat kahapon. Konti lang naman pero ‘yong mga importante kaya hindi pwedeng ipagpaliban…”

    Hinablot ko sa kamay ng kasambahay ang papel para basahin ang mga nakasulat. Karamihan doon ay puro spices at ilang kakailanganin sa kusina. Hindi gaanong marami pero puro importante, gaya ng sabi ni Manang.

    “Ako na lang po nito…” sabi ko.

    Nakita kong nakahinga ng malalim ang kasambahay dahil sa sinabi ko. Tingin ko’y may mahalagang inutos si mommy sa kanya. Kapos kami sa tao ngayon dahil wala si papa. Isa pa, abala si Hector sa trabaho. Abala rin si Mommy kay Lola kaya paniguradong ang mga kasambahay ay maraming ginagawa.

    “Talaga? E…” tumingin si Manang kay Chesca. “Pwede namang si Sita na lang, Entice.”
    “Wala akong ginagawa kaya ako na lang nito,” sagot ko.
    “O… O sige… Mag ingat ka, ha? ‘Tsaka alam mo ba iyang nilista ko? Basa mo ba?” tanong niya.

    Binasa ko ang buong listahan para sa kanya. Mahaba at mahirap basahin pero tinatama niya tuwing nagkakamali ako.

    “Tapos… sibuyas, bawang… asukal… asin… kape…”
    “O siya… sige na. Sita, balik na lang sa ginagawa mo. Mabuti na lang at nandito si Entice.”

    Mabuti na lang at nakahanda naman ang suot ko. Hindi ko na kailangang magpalit. Naisip ko kasi na maaari akong isama ni Mommy o Daddy sa burol para bumisita kaya pagkatapos kong maligo kanina ay hinanda ko na ang suot ko.

    Dumiretso ako sa nakaparadang sedan sa aming garahe. Pinaandar ko iyon at doon lang ako nakahanap ng kapayapaan. Sa lahat ng nangyari simula kahapon, ngayon lang ulit ako napayapa ng ganito.

    Wala masyadong sasakyan sa daanan kaya dire diretso ang drive ko. Ito talaga ang gusto ko sa probinsya. Kaya ang sarap magkaroon ng sariling sasakyan dito.

    Sa bayan ako pumunta. Dumiretso ako sa wet market dahil pakiramdam ko naroon lahat ng kailangang bilhin.

    Basa ang sahig kaya nagsisi agad ako kung bakit hindi ako nag heels. Nahirapan ako sa paglalakad. Binubuhusan ng mga tindera ng tubig ang isdang binibenta nila kaya napaatras ako tuwing ganoon. Halu-halo din ang amoy. Hindi mo alam kung galing ba iyon sa mga karne o sa mga lamang loob.

    “Iyang sitaw po, Manang…”

    Pinili ko iyong sa kilalang taniman ng gulay dito sa Alegria. Ilang saglit pa akong tumitig sa ilang mga gulay habang tinitingnan kung alin ang sariwa.

    Maingay din ang mga tindera. Kapag nakita nilang nalilito ka ay mas lalong tumataas ang boses nila.

    “Mas mura dito! Mas mura dito!” sigaw ng isa.

    Tumawa ako. Nakakatuwa na kahit simple lang itong ginagawa ko ay napapawi nito ang lahat ng gulo sa aking utak. It’s weird that I appreciate life because of what I’m doing right now. Parang nakita ko ang simpleng pamumuhay at walang halong gulo sa utak.

    But then little did I know that it’s short-lived.

    Kinuha ko ang isang supot ng kamatis galing sa tindera.

    “Oh? Bakit ikaw ang namamalengke? Asan ang mga katulong n’yo?”

    Hindi ko siya kilala ngunit gaya noon, sanay na ako. May mga tao dito sa Alegria na namumukhaan kaming mga dela Merced. I’m used to strangers talking to me.

    Ngumiti ako. “Abala silang lahat ngayon dahil sa pagkamatay ng lola ng mga Alde…”
    Tumango siya. “Oo nga pala…”

    May tiningnan siyang kung ano sa likod ko. Noong una ay hinayaan ko iyon. Nagpasalamat ako at naglakad na patungo sa mga bawang para makabili.

    Sinulyapan ko kung anong nasa likod ko. Nang nakita ko kung sino iyon ay natigil ako sa kalagitnaan ng paghakbang.

    In a white lacey spaghetti strap dress is Lumiere Revamonte. Naestatwa siya habang tinitingnan ako.

    Unti unting nanlamig ang mga parte sa katawan ko. My eyes widened. I don’t know how to react. Para akong natuklaw ng ahas. Para akong nakakita ng multo.

    She looked the same. Only prettier, this time. Kumikinang sa pagkamorena ang kanyang balat. Matangkad at manipis ang pangangatawan kumpara sa akin. I’m tall, too but not as tall as her. I’m slender but not as slim as her. Para siyang Victoria Secret model na nagmaterialize sa harap ko.

    Hindi ako makahinga. Sa isang iglap ay bumalik sa akin ang lahat ng alaala noong isang taon. How I ran away from her. How I got so scared that I did not even bother to say sorry!

    Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang nakita kong pumula ang ilong ni Lumi. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata at nanginig ang kanyang balikat.

    “Lumi…” nanunuyo ang lalamunan ko.

    A year ago, I would’ve run for the hills in this situation. Pero alam ko na may pagkakamali ako sa nangyari. Kahit na anong rason, alam ko na kasalanan ko iyon. And what was lost because of my recklessness? Her child. A life. A human being. An angel.

    Napalunok ako at imbes na lumayo ay humakbang ako palapit sa kanya. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata sa ginawa ko.

    She probably thought I’m going to run again. No… A year ago, I ran because I was so scared. But then the experience taught me diplomacy. Kahit gaano ka pa ka takot, ka galit, kapag kasalanan mo, kasalanan mo talaga. Kailangan mong harapin at humingi ng tawad. That’s the rule of man. I am human and I want to be humane. To be humane, I must know all this.

    I killed her child. I inflicted her pain. Her child suffered. And it was all because of my anger… Bakit ako galit? Dahil sa mga sinabi niya sa akin tungkol kay Knoxx. And it will all boil down to my want for love. It all boils down to my want to have Knoxx.

    Hinawakan kong mabuti ang mga pinamili ko. I want to reach for her. To even hug her. Sinubukan ko siyang abutin pero sa kalagitnaan ay pinigilan niya ako.

    “Huwag mo akong hawakan…” Nanginginig ang boses niya.

    Matalim ang tingin niya sa akin pero kalaunan ay nalukot ang kanyang mukha. Humagulhol siya sa pag iyak. Napayuko siya sa sobrang pag iyak.

    Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang halos mabali sa kakaiyak.

    “I lost my child because of you!” umiyak siya.

    Kinagat ko ang labi ko. Ang mga luha ay nagbabadya na ring pumatak sa akin.

    “At ni hindi ka man lang nagpakita! All your family did was cover you up! Pay whoever just to cover your name! Ginamit mo ang kapangyarihan n’yo! At ikaw? Asan ka? And all this time I thought you’re not that kind of girl!”
    “I-I’m sorry. Lumi… I’m sorry…”

    Truth is… pakiramdam ko sobrang liit na salita lang ng sorry. Hindi magkakasya diyan ang kasalanan ko sa kanya. Pakiramdam ko, kailangan ng mas mabigat na salita. Hindi… kailangan ng mas mabigat na kabayaran. At hindi ko alam kung ano iyon.

    Sinampal niya ako. Pumikit ako sa sobrang hapdi ng naramdaman ko sa aking pisngi. Yes! That’s it… If she wants to punch me right now, I won’t stop her! Kung gusto niya akong saktan, tama lang iyon sa akin! Dapat lang iyon!

    “Napaka walang hiya mo! Duwag ka! Napakawalang puso mo!” sigaw niya sa akin.

    Tumulo ang luha ko. Tinanggap ko ang lahat ng mga sinabi niya.

    “Ang kapal kapal ng mukha mong humarap sa akin ngayon pagkatapos ng ginawa mo! Ang kapal kapal ng mukha mo! Kung talagang gusto mong humingi ng tawad, bakit hindi mo ginawa noon? Bakit ka tumakbo! Guilty ka! Guilty ka dahil alam mo gusto mo akong saktan sa mga sandaling iyon! Gusto mo akong patayin!”
    Umiling ako. “Hindi totoo ‘yan. I… I’m…”

    Hindi ko maituloy. Yes, I want to inflict pain but I don’t want that to happen. I’m not going to kill her!

    “Ano? Ha?”

    Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa palengke. Pinalis ni Lumi ang luha sa kanyang mga mata.

    “I’m sorry, Lumi. I’m sorry. Hindi ko alam na may dinadala ka… I was young… and stupid. I did not like what you said and I was scared you’ll…”
    Nanliit ang mga mata niya. “Bumalik ka na lang ngayon kasi tapos na ang lahat. Malinis na, ‘di ba? Malinis na ang pangalan mo…”

    Nanghina ako sa mga sinabi niya. Hindi ko na nilingon ang mga tindera at mamimiling nanunuod sa amin. Hindi ko alam kung alam ba nila ang ibig sabihin ni Lumi o hindi.

    “Hindi ka ba dinadalaw ng konsensya mo? Inosente, Entice…” Mahinahon at may pagsusumamo ang kanyang tono. “Inosenteng buhay…”

    Wala akong nagawa kundi suminghot. Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga kamay. Nanghina ako.

    “You ruined my life… You ruined everything for me…” aniya.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Pilit niyang pinupunasan ang mga luha niyang ayaw tumigil sa pagtulo.

    “I’m sorry…”

    Nagkatinginan kami. Matalim na mga mata ulit ang ipinakita niya sa akin. I can sense her anger. Pero kaakibat ng galit na nararamdaman niya ay ang pagod at panghihinayang.

    “Anong magagawa ng sorry mo?” pagod niyang tanong. “Wala, ‘di ba? Maibabalik ba nito ang nawala? Hindi. Maibabalik ba nito ang dati… hindi?”
    “But… I can correct what I did, Lumi. Babawi ako sa’yo…” nanginig ang boses ko.
    Umiling siya at bigong tinalikuran ako.

    Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siyang palayo. Ang mga takas na buhok niya’y sinabit niya sa kanyang tainga. Humupa ang mga taong nakatingin sa amin kanina at naging normal ulit ang lahat sa palengke. Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto.

    Nang natuyo ang mga luha ko ay huminga ako ng malalim at pagod na humakbang palayo doon. Bumalik ako sa sasakyan. Nawala ulit ang kapayapaang nararamdaman ko.

    Maybe this happened to wake me up. Na talagang wala akong karapatang maging payapa kung may ganito akong kasalanan. Tanging ang pagpapatawad niya sa akin ang makakapagpabuti sa nararamdaman ko. Tanging iyon ang makakahatid sa akin ng kapayapaan. Heart and mind.

    Pumikit ako ng mariin at hinilig sa manibela ang ulo. I’ll do anything for forgiveness.

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    Commitments

    Pagkabalik ko sa bahay ay kulang kulang pa ang mga binili ko. Hiyang hiya tuloy ako kay manang Leticia. So much for trying to help.

    “Sorry po, Manang. Nakaligtaan ko iyong iba…” sabi ko.
    Tumango tango siya pero ramdam ko ang iritasyon. “O sige… Sige… Ipapa utos ko na lang ‘tong iba sa kasambahay.”

    Hindi na ulit muna ako nagvolunteer sa mga gawaing bahay o kahit ano.

    Nalaman ko rin na sa araw na iyon ay dumating si daddy at dumiretso sa burol para i check ang kalagayan ng pamilyang Alde.

    Sa bahay lang muna ako nang sumunod na araw. Palaging naroon si Knoxx. Minsan sa baba, kasama si Hector at daddy. Minsan nasa kabalyerisa. Minsan pa nasa garahe kaya ayaw ko ring gamitin ang sedan para lumabas at mag lakwatsa.

    Napatalon ako nang kinatok ni Hector ang pintuan ng kwarto ko. Nabitiwan ko ang kurtina sa aking bintana. Halos mapamura ako.

    “Entice!” sigaw niyang muli.
    “What? What is it?” sigaw ko pabalik at dumiretso na sa pintuan.

    Hinawakan ko ang door handle pero hindi ko ito pinipihit. Hinintay kong magsalita si Hector. Hinampas niya ang aking pintuan.

    “Entice!”
    “Ano?” tanong ko.
    “Hindi ka ba lalabas?”

    Umirap ako at bahagyang binuksan ang pintuan. Tumaas ang isang kilay niya.

    “Bukas na ang libing. Hindi ka ba bibisita kina Chesca ngayon?”

    Dinungaw ko kanina si Knoxx at naroon siya sa kabalyerisa. Siguro’y kasama siya sa pagbibisita.

    “Sa libing na ako dadalo, Hector. Masama pa ang pakiramdam ko.”

    Sumama na ako kay Daddy noong isang gabi doon. Kaonti lang ang taong bumisita noong nagpunta kami at hindi rin naman kami nagtagal dahil gabing gabi na iyon.

    “Nilalagnat ka?” tanong niya sa isang concerned na tono.
    “Hindi. Basta… masama ang pakiramdam ko.”

    Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Unti unti kong sinarado ang pintuan.

    “Gusto mo magpa ospital? Pa check up ka…” dagdag pa niya.
    Umiling ako. “Hindi na…”
    “Hindi mo kayang mag drive? Ipapahatid kita sa driver…”
    Nagkamot ako ng batok. “Hector, bukas na ako pupunta. I’m not in the mood.”
    Ngumiwi siya. “Girl thing, huh?”

    Tuluyan ko nang sinarado ang pintuan para matigil na siya. Bumalik muli ako sa pwesto ko doon sa bintana. Saktong pagdungaw ko ay naaninag kong nakatingin ng diretso si Knoxx sa akin.

    Hindi ko alam kung tatalon ba ako at magtatago pero nagkunwari akong dumaan lang saglit. At nang naka ilag na sa bintana ay napadikit ako sa dingding.

    Fuck!

    Tinakpan ko ang aking mukha at inalala ulit ang madilim na mga mata ni Knoxx. I should really stop on crushing him like this. It’s stupid!

    Bumalik na ako sa kama at binuksan na lang ang cellphone. Wala akong ginawa buong araw kundi ang mag register sa mga social networking sites. Ito ang nakukuha sa sobrang pagkakabored.

    “Hindi pa kita natatanong, kumusta ang pag chi-check mo sa lupaing pinapa alagaan ko sa’yo?” tanong ni Daddy sa akin.

    Gusto ni daddy na sa iisang sasakyan lang kami patungo sa libing ng Lola ni Chesca. Kaya heto ako sa tabi niya at ini interrogate. Si Lola at mommy ay nasa likod.

    Dapat ay hindi na sinama si Lola dahil baka tumaas ang altapresyon ngunit nagpumilit parin.

    “Ayos lang… Nakita ko…” sabi ko sabay tingin sa labas.
    “It’s harvest next week. Ano? May plano ka ba? Sayang naman iyon kung ngayong nandito ka na ay hindi parin natin iyon mapapakinabangan…” ani daddy.
    “Noon ba, Dad, anong ginagawa n’yo sa lupaing iyon?” tanong ko.
    “Pinapasali ko na lang sa lupain ng mga Navarro. You know, Entice, it’s better if you handle that one. Para kapag tataniman mo na iyong katabing lupain, may ideya ka na sa farming.”
    “May ideya ako sa farming…” Tinutukoy ang experience ko sa pagsusulat sa ilalim ng mga pang agrikulturang topic sa America.
    “Iba parin iyong application ng mga ideya mo. Just try, this time. Walang mawawala. Ikaw ang kumuha ng mga tao. Ikaw ang magpaikot ng pera. Ikaw rin ang mag arkila ng truck na ipapahakot mo at sa pag dedeliver mo.”
    “Kanino ko ibebenta?” tanong ko.
    “Exactly! Find that out! Sino ba dito sa Alegria ang bumibili ng mga harvest na ganyan? O baka gusto mong diretso sa Maynila?”
    “Come on, Dad. Aabot pa ‘yan ng Maynila? Konti lang naman ‘yan.”
    “Malay mo…”

    Iyon ang pinag usapan namin buong byahe. He’s determined to make me busy with that. In the end, nakumbinsi niya ako sa responsibilidad. Nachachallenge ako. Gusto ko na agad mag tanong tanong kung saan ang magandang magpahakot ng mga ihaharvest.

    Sa sementeryo kami dito sa Alegria dumiretso. May iilang sasakyan na sa kalsada. Siguro’y sa mga Alde iyon. Naroon na rin sina Hector at Chesca sa labas.

    Isang malaking itim na tent ang pinag silungan ng mga tao. May iilang mga upuan na hindi naman napuno ng tao kaya hindi kami nahirapang pumwesto.

    Nalingunan ako ni Knoxx na nasa unahan. Tumaas ang kanyang kilay at hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Umawang ang bibig ko para pakawalan ang medyo mabigat na paghinga.

    He’s wearing a white long sleeve polo. Naka tupi iyon hanggang siko. Nanibago agad ako. This is the first time I saw him wear something formal. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko lalo na nang tumayo na kaming lahat para sa dasal na ibibigay.

    Nakaputing dress ako at may pamaypay na dala. Pinaypayan ko ang sarili ko at pinilit ipirmi ang mga mata sa nagsasalita sa harap.

    Nagsimulang umiyak ang Auntie ni Chesca. Naghagis ng mga puting bulaklak ang kanyang pamilya. Nakita ko ring lumuha ang daddy ni Chesca habang hinahagis ang bulaklak. Mahinahon naman si Chesca sa tabi ni Hector. Tiningnan niya lang ang unti unting pagbaba ng kabaong.

    Tanging ang pag iyak lang ang naririnig namin. Pumikit ako at nagdasal para sa kaluluwa ng Lola ni Chesca.

    Pagkatapos ng libing ay nanatili muna kami sa sementeryo tulad ng pamilya ng mga Alde. Naiiyak si Lola habang inaalala ang lahat ng mga nangyari noong kabataan nila ng kaibigan niyang si Lola Siling.

    Tahimik akong nakaupo habang tinitingnan si Lola nang bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses.

    “Entice?”

    Sa likod iyon nanggaling. Bago pa ako nakalingon ay nagkatinginan kami ni Knoxx. Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya sa nakita sa likod ko.

    “Maximo!” gulat kong sinabi.

    He’s wearing a black long sleeve polo. Nakatupi iyon hanggang siko. Nakatayo siya at nakangiti habang dinudungaw ako. Napatayo ako sa gulat.

    “Long time no see…”

    Ngumiti siya. Sa ilang buwan naming hindi pagkikita ay nakita kong wala masyadong pinagbago sa kanya. He’s still so attractive! At kung may nagbago man ay mas naging manly siya ngayon.

    I did not want to steal the scene so humakbang ako palayo doon. Sumunod siya sa akin.

    “Long time no see…” sabi ko sabay pisil sa aking mga daliri.

    Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumuso siya at nagtaas ng kilay.

    “You changed! Wow!” aniya.
    Ngumiti lang ako. “Hindi naman…”
    “Naging dalaga ka na…”
    “Maximo…” ani Knoxx galing sa aming likod.

    Nag iwas agad ako ng tingin at umirap sa kawalan. Bakit kailangan niya pang pumarito?

    “Nakauwi ka pala…” ani Knoxx sa kanyang tiyuhin.
    Tumango si Maximo at naglahad ng kamay.

    Kitang kita ko ang pag aalinlangan ni Knoxx na tanggapin ang kamay ng tiyuhin. Sumulyap muna siya sa akin bago iyon tinanggap at nakipag kamayan.

    “Oo. Kauuwi ko lang. Dumiretso agad ako dito dahil narinig ko ang pagkamatay ni Lola Siling…”
    Tumango si Knoxx.
    Bumaling si Maximo sa akin. “We need to catch up…”
    Tumawa ako. “Wala naman masyadong nagbago, Maximo…”

    Hinagod niya muli ako ng tingin. A smile curved on his lips.

    “Pakiramdam ko, marami e…”

    Ilang saglit kaming nagkatinginan bago ko nilingon ang kinaroroonan ng pamilya ko. Tumayo si Mommy at Lola. Tingin ko’y aalis na ang mga ito. May kaonting salu-salo sa bahay kasama ang mga Alde. Iyon ang gustong mangyari ni Lola kaya pinagbigyan nila.

    “Hmm. Kailan?” tanong ko sabay tingin muli kay Maximo.
    “Hmmm. We’ll talk about it… Aalis na ang pamilya mo. Sa inyo, ‘di ba? Gusto mong sumabay sa akin para pag usapan natin iyan?”
    “Maximo, I’ll drive her home,” mariing sinabi ni Knoxx.

    Hindi ko siya tiningnan. Malamig ang boses niya at alam kong nagpipigil na siya ng galit.

    “Come on, Knoxx. Kararating ko na nga lang, ipagkakait mo pa itong catch up…”
    “Oo nga naman, Knoxx. May pag uusapan lang kami nI Maximo.”
    “You two can talk later. Pagkauwi mo… Sa akin ka sumakay…” His words were marked with finality.

    Naglakad agad siya patungo sa kanyang Wrangler. Hindi na ako nakaapila dahil sa pag wo-walk out niya. Palipat lipat ang tingin ko kay Maximo at Knoxx. Kita kong sinasalubong ni Koko si Knoxx samantalang si Maximo naman ay nakangisi sa akin.

    Tinuro ko si Knoxx. “Susundan ko lang…”
    Humalakhak siya. “I guess you’re just the same Entice, huh?”

    Natigilan ako sa kanyang sinabi. The same Entice? Bakit? Dahil ba talagang naghahabol parin ako kay Knoxx. Though this time, it’s literal. I hate that that’s what he’s thinking.

    “Kakausapin ko lang ng mabuti…” mariin kong sinabi.
    Tumango siya pero may ngiti parin sa labi. “Go ahead.”

    Nagmartsa agad ako patungo kay Knoxx. Binuksan niya na ang pintuan at mukhang may inaayos sa driver’s seat. Si Koko ay nakahalukipkip sa gilid ng Wrangler. Mukhang may seryoso silang pinag usapan. Bumagal ang paglalakad ko.

    “Hindi mo susunduin? Anong sasabihin ko? Ba’t di mo na lang bigyan ng numero mo? Naiirita na ako sa kakahatid ng mga mensahe, a?” ani Koko.
    “May ginagawa ako.”
    “So iyon ang sasabihin ko kay Lumi?” ani Koko.

    Uminit ang pisngi ko sa narinig. Ayaw kong magpatuloy sila sa pag uusap kaya agad kong pinutol.

    “Hindi ako sasama sa’yo!” pabagsak kong sinabi.

    Napatalon si Knoxx nang nilingon niya ako. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang pagmumukha. Mas lalo lamang akong nairita. Ano? Inisip niyang narinig ko ang pinag usapan? Oo! Narinig ko!

    “Kay Maximo na ako sasabay. Ang tagal na naming hindi nagkita… Mag uusap pa kami!”
    “Entice…” tawag ni Maximo sa likod ko.

    Halos mapapikit ako. Gustong gusto ko nang sigawan si Knoxx.

    Tumawa si Maximo. “It’s okay… Hindi na rin muna ako pupunta sa inyo dahil may importante akong gagawin. Can I have your number instead? So we can plan out kung kailan tayo magca-catch up?”

    Bumuga ako ng hininga. Nakakunot ang noo ni Knoxx sa akin. Nilingon ko si Maximo.

    “Ha? Ba’t naman? Sayang…” Dammit! Kanino ako sasabay ngayon? Ibig sabihin kay Knoxx?

    Iniwan na ako nina Mommy at Daddy. Siguro’y inisip nila na may sasabayan na ako. Or worst! Dad asked Knoxx to be with me, kaya ganoon.

    “Next time, Entice.”

    Ipinakita ni Maximo ang kanyang cellphone. Wala yata akong magagawa.

    “Okay…”

    Tinanggap ko ang kanyang cellphone at tinype ko ang aking numero. Nilagyan ko ng pangalan at binigay muli sa kanya.

    “Knoxx…” ani Koko. “Mauna na muna ako…”

    Hindi ko sila pinansin. Tiningnan ni Maximo ang kanyang cellphone pagkatapos ay binulsa ito.

    “So… paano ba ‘yan? I’ll text you later…” ani Maximo.
    “Okay…” Ngumiti ako at kumaway.
    “Knoxx… alis na ako…” ani Maximo sabay tango.

    Nang tumalikod si Maximo ay pumikit ako ng mariin. Now, I’m trapped again with him. Bakit ganito ang laging nangyayari?

    “You gave your number so easily…” padabog niyang sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan.
    Nilingon ko siya. “He’s a friend…”
    “And I’m a what?” iritado niyang baling sa akin.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Una siyang bumitiw at kitang kita ko ang pagtatampo sa kanyang mga mata.

    “Pumasok ka na…” sabay diretso niya sa front seat binuksan ang pintuan.

    Tamad at padabog akong naglakad patungo doon. Hinintay niya ako. His eyes zeroed on mine. Hindi nagbago ang kanyang eskpresyon habang hinihintay ako.

    Bumaling ulit ako sa kanya nang nasa pintuan na ako ng kanyang sasakyan. Halos mahilo ako sa sobrang lapit ng aming titigan.

    Pumasok ako sa loob at umupo sa front seat. Inayos ko ang seatbelts at hindi pa niya sinasarado ang pintuan.

    Nanatili ang mga mata ko sa kalsada. Pero kumakalabog na ang puso ko dahil alam kong nakatingin siya.

    “Iniiwasan mo ako…” hindi iyon tanong.
    “Hindi…” sagot ko.
    “Did I offend you or something? Did I do something wrong?” marahan niyang sinabi.

    Hindi ko siya kayang tingnan. Parang kumikirot ang puso ko sa tono niya pa lang. Paano na kung titingnan ko pa siya.

    “Wala…”
    “Is it because of what happened?”
    “I already told you, Knoxx. That was nothing. I’m an adult…”
    “Bullshit…”

    Napalingon ako sa lutong ng mura niya.

    “I call bullshit on that. If that was nothing, you should’ve stayed. You didn’t! At iyon? Wala lang sa’yo? Bullshit! You’re telling me you’re giving away your virginity for free?”

    Nagtiim bagang ako sa kanyang sinabi. Para siyang naghahamon.

    “I’m not like other girls. I did it. We did it. You did not rape me. And you don’t need to commit just because something happened between us!”
    “I am not going to ask for committments just because something happened between us! I want a relationship with you!” Sigaw niya.

    Parang may dumaang sakit sa aking dibdib. Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mga mata. Kinagat ko ang labi ko. It distracted him. Bumaba ang mga mata niya sa aking labi ngunit agad niyang binalik ulit sa aking mga mata.

    Hindi ako sumagot. Nanatili rin siyang tahimik. Ilang minuto ang nagdaan na tahimik kaming dalawa. Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat niyang hininga.

    Halos maubos na ang mga tao doon. Isa isa nang nag alisan ang mga sasakyan. Kahit na gusto ko na ring umalis na kami, ayaw ko paring magsalita. Hinayaan ko siyang manahimik. Ganoon din siya sa akin.

    Isang mabigat na hinga ang pinakawalan niya.

    “Damn, you trapped me…”

    Hinigit niya ang aking seatbelts. Halos mapatalon ako. Chineck niya kung inayos ko ba bago niya sinarado ang pintuan.

    Kitang kita ko ang pag iling niya noong dumaan siya sa harapan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nasa pintuan na siya ng driver’s seat.

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41
    Love

    Kinalas ko kaagad ang seatbelts pagkatapos ay lumabas sa kanyang sasakyan. Sumunod siya sa akin, hindi ko na siya hinintay.

    Pumasok ako sa loob ng bahay. Napansin ko kaagad ang mga bisita naming kamag-anak at kaibigan nina Chesca. Naroon si Craig, ang kanyang kapatid at si Teddy na pinsan. Nag uusap usap sila habang nasa sala.

    Gusto kong umakyat sa kwarto para mapag isa pero alam kong hindi iyon magandang gawain lalo na ngayong may mga bisita kami.

    I spent the time with them. Nilalaro ni Craig si Baby Macy habang nasa gilid niya ako at nakatitig sa TV.

    Sumama naman si Knoxx kay Hector at kay Daddy sa dining area kung nasaan ang mga matatanda.

    “Kanino ka sumabay kanina?” tanong ni Craig sa isang nanunuyang tono.
    “Kay Knoxx…” ni hindi ko na siya tiningnan. Mas dadami lang ang tanong niya kung bibigyan ko siya ng kung anong ekspresyon.

    Sumapit ang gabi at inilabas na ang mga pagkaing hinanda ni Lola ngayong hapunan para sa lahat. Dumiretso na kami sa mahabang lamesa namin sa dining area.

    Umuwi na ang ibang mga malalapit na kaibigan at tanging pamilya na lang nina Chesca ang natitira. Naroon din si Knoxx, Koko, Oliver, at Mathew.

    We all listened as lola reminisced her past with Lola Siling. She even brought up a very sensitive topic.

    “Kaya naman nireto talaga namin itong si Carolina at Francis noon. We’re that close…” sabay ngiti ni Lola.

    Halos mailuwa ko ang aking pagkain. Napatingin ako kay Mommy at sa daddy naman ni Chesca. Seriously? Nireto ni Lola si Mommy kay Tito Francis?

    “Ganyan naman kasi talaga noon…” sabay ngiti ni Lola sa akin.

    Tumawa lang si mommy. Siguro’y napansin nila ang gulat ko.

    “Uso talaga noon ang reto…” ani Lola.
    “Siya nga…” anang Auntie ni Chesca. “Pero talo ang pagrereto ng mga magulang sa tunay na pagmamahal…”
    “Tiya… you make it sound so magical…” ani Chesca saway sa kanyang Auntie.
    “It’s true, Chesca. At mabuti na lang din, hindi ba? May Entice si Carolina at Thomas ngayon. May Craig at Chesca naman si Francis at Michelle ngayon…”
    “Oo nga, e,” ani Mommy sabay hawak sa kamay ni Dad.

    Bumaling si Lola sa akin sabay tawa. Nilingon ako ng Auntie ni Chesca.

    “Kumusta na nga pala iyong nangyari last year? Dinig ko nandito na daw ulit sa Alegria ang anak ni Gov…”

    Napalunok ako sa tanong. Isang nakakabinging katahimikan ang panandaliang bumalot sa dining area. Mabuti na lang at nagsalita si Daddy.

    “Wala na iyon. Napag usapan na namin ang nangyari noon pa man…”

    Nanatili ang mga mata ko kay Daddy. Bumaling ang Auntie ni Chesca sa akin.

    “Nagkausap na ba kayo ng anak ni Gov, Entice?”

    Shit! Why is this suddenly an issue?

    “There’s no need for that, Lucy,” singit ni Lola sa isang tensyunadong tono.

    Nilingon ko si Lola na awkward ang ngiti sa akin. Bumilis ang paghinga ko.

    “Tiya, what’s done is done. The family apologized for what happened. It’s not like sinadya iyon ni Entice. Ni hindi namin alam na buntis si Lumi ng mga panahong iyon…” singit ni Chesca.
    “I know. Napatanong lang ako dahil narinig kong bumalik na raw siya galing sa probinsya ng kanyang ina. Naisip ko lang na ngayong nakabalik na rin si Entice… e…”
    “Yes, we talked. Nag usap na kami,” matapang kong sinabi.

    Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Mommy, Daddy, at Lola. Para pang gusto nilang umapila sa sinabi ko kahit na iyon naman talaga ang totoo. Ni hindi ko na nilingon ang ibang tao sa mesa nang sagutin ko iyon. I was so sure that it’s the right thing to say… It is the right thing cuz it’s the truth!

    “Kailan?” tanong ni Hector.
    “Noong isang araw sa palengke…” nilingon ko si Daddy.

    Hindi siya nagsalita. Nag antay siya sa ikukwento ko. I’m so tired of letting them control what happened. Kasalanan ko ito kaya dapat harapin ko ito. Hindi na nila ako kailangang pagtakpan pa.

    “Anong ginagawa mo sa palengke, Entice?” tanong ni Mommy.
    “I ran some errands for Manang Leticia. I volunteered. Doon ko nakita si Lumi. Galit parin siya sa akin…” napaos ang boses ko. “Personal akong humingi ng tawad. And I understand where she’s coming from and why she’s still mad at me.”
    “Don’t worry about it, hija. Nag usap na kami ng mga Revamonte…” ani Lola pero pinutol ko siya.

    Hindi ang mga Revamonte ang magpapatawad sa akin kundi si Lumi. At hindi ang pamilya ko ang dapat humihingi ng tawad, kundi ako.

    “No… I understand why she’s still mad. And I’m willing to wait for her forgiveness. It’s my fault.”

    Natahimik silang lahat.

    “We don’t need to sugarcoat it. Pinakawalan ko ang mga hayop sa rancho. They all ran towards her, that’s the reason why her baby died.”

    Ang sakit sabihin niyon sa harap ng maraming tao. That’s the truth. With no bias. It’s the third side of the story. And I accept it. I take full responsibility for it.

    Tumikhim si Chesca. “Well, I think Entice is doing the right thing. Humingi siya ng tawad kay Lumi.”
    “Tama…” anang mommy ni Chesca. Bahagya siyang tumawa. “Hindi natin pwedeng asahan na masiyahan si Lumi sa pagbabalik ni Entice pero ang paghingi ng tawad ay isa ng malaking hakbang para malimutan ang lahat.”
    Tumango rin si Mommy. “She didn’t mean it. She didn’t want to do that…” ani Mommy na parang kinukumbinsi ang lahat.
    “By the way, saan n’yo ilalagay nga pala ang mga damit ni Siling?”

    Sa tanong ni Lola na iyon ay naiwas sa topic na iyon ang lahat. Tinusok ko ng tinidor ang pork belly sa aking pinggan. Hindi na ulit ako nakisali sa usapan. Nanatili sa aking pinggan ang aking mga mata.

    My family wants to forget what happened. I want to forget it too but I know I won’t. What happened probably scarred me for life.

    Nag angat ako ng tingin sa banda ni Knoxx at nakita kong nakatingin din siya sa akin. His deep-set eyes were in a strange expression. His strong chiseled jaw clenched so tight.

    Pagod kong binalik ang mga mata ko sa aking pinggan at tinapos ko ang pagkain.

    Pagkatapos kumain ng lahat ay nag-usap pa sila tungkol sa kay Lola Siling. Sina Craig at Teddy ay sumama kay Chesca pabalik sa sala kung saan nila nilalaro si Baby Macy. Hindi ko alam kung saan naman ako pupwesto. Is it better if I go with Chesca or stay here and hear what my Lola has to say about the Aldes?

    Tumayo ako at umalis sa hapag. I need to be alone.

    Dumiretso ako sa kusina para maghugas ng kamay. Ang mga kasambahay ay naroon at naghahanda ng salad dahil nirequest iyon ni Lola para sa mga panauhin.

    Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako sa kitchen. Dumaan ako sa likod para makapagtungo sa kabalyerisa. Gabi na at paniguradong wala na doon ang mga taga bantay sa mga kabayo.

    Ang mga ilaw sa kabalyerisa ang tanging nakikita sa likod ng aming bahay. Nahirapan ako sa pagtingin sa mga stone path para hindi ako makaapak sa putik. At nang sa wakas ay napalapit na sa kabalyerisa ay hinanap ko kaagad si Abbadon.

    Pinaamoy ko sa kanya ang aking kamay bago ko hinaplos ang kanyang buhok. Hinaplos ko ang malambot nitong buhok.

    Umatras ako ng bahagya at naapakan ang iilang dayami sa sahig ng kabalyerisa. Narinig ko ang ilang yapak galing sa likod. Nilingon ko kung sino ang naroon at nakita ko ang pag hawak ni Knoxx sa pintuan ng kabalyerisa. Sinundan niya ako!

    Hindi na ako nagsalita. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Abaddon.

    “Nagkita kayo? Hindi mo sinabi sa akin…” panimula niya.
    “Hindi mo rin naman sinabi sa akin na bumalik na siya. We don’t owe each other anything, Knoxx. So why do we need to tell each other that?”
    “Anong sinabi niya sa’yo?”

    Tumigil ako sa paghaplos kay Abaddon at hinarap ko siya. Pumasok siya sa loob ng kabalyerisa. Naalala ko ulit ang pakiramdam ko noong kaming dalawa ang nandito sa loob. Masikip at parang hindi ako nakakahinga. Tulad ng nangyayari ngayon. Maybe Maximo’s right… Nothing changed. Pansamantala lang akong nawalan ng atensyon para kay Knoxx dahil sa trahedya pero hindi parin talaga nawawala sa akin ang pakiramdam na ito.

    “Ano ba ang dapat kong malaman? May dapat ba siyang sabihin sa akin?” tanong kong naghahamon.
    “Ang sinabi mo’y nagalit siya sa’yo? What did she tell you?”
    “She told me that I ruined her life. Which is… true… And it’s her right to be angry…” matapang kong sinabi.

    Nanatiling tahimik si Knoxx. Isang hakbang ang ginawa niya at gusto ko na agad umatras.

    “What else?” tanong niya.

    Nanliit ang mga mata ko. I wonder what he’s expecting to hear? Hindi ko maaaring idetalye sa kanya ang lahat ng sinabi ni Lumi. It will be redundant. My last statement sums up her rage for me.

    “Ano ba ang inaasahan mong sabihin niya, Knoxx? Do you have a secret with her? Na ini expect mong sinabi niya sa akin sa huling pagkikita naming dalawa?”

    Umiling si Knoxx sa akin. Nanatili ang mabibigat niyang mga mata sa akin.

    “What do you want to know then? Na may lihim kayong pag uusap na dalawa? At ayaw mong malaman ko? Come on, Knoxx. Sanay na ako diyan… And it’s okay with me. Kahit noon naman, hindi ako nakekealam sa inyong dalawa ni Lumi. Whatever it is between you two…”
    “There’s nothing in between us. How many times do I have to tell you? We’re just good friends…”

    Para akong sinaksak sa puso kahit na wala namang masakit sa sinabi niya. Ilang beses ko na itong narinig pero bakit mas masakit ngayon?

    “Oh come on… Fine! But the girl likes you, just so you know. Well, alam kong hindi ka naman ganoon ka manhid. Noon pa man, alam mo na iyan. She likes you… There. I’ll make it easy for you two…” nag iwas ako ng tingin.

    Ilang saglit na katahimikan. Natigil lamang nang humakbang siya at tunog ng naiipit na dayami sa sahig ang narinig ko. Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya.

    “So?”

    Nakataas ang kilay ni Knoxx sa akin. I can feel his bottled up anger.

    “I already expected this from you, Entice. Too bad…” aniya.
    “What?” Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkakalito.

    Pumungay ang mga mata niya. His broad shoulders rose. At ang dalawa niyang kamay ay humawak sa dingding sa aking likod.

    “You want her forgiveness so… you’ll push me away to earn it. You push me to her so she’ll be satisfied. You’ll push me so she’ll be happy… Is that it? Huh?” pabulong niyang sinabi.

    Kumalabog ang puso ko. Para bang may binabasa siya sa aking mga mata. Kuhang kuha niya ang gusto kong gawin. Kuhang kuha niya ang naiisip ko kahit sa likod ng aking utak.

    Inangat niya ang baba ko. Pinipilit na magkatinginan kami pero nanatili ang mga mata ko sa baba. Kahit na nakaangat na ang mukha ko sa kanya ay hindi ko parin siya pinagbigyan ng tingin.

    “I want to know if you still like me after what happened. I want to know that it’s not a fleeting feeling for you. I want to see that it’s not just a phase. And I can see that it’s not a phase. You still like me like how you liked me a year ago. Look at me…” utos niya sa isang malambing na boses.

    Hindi ko siya pinaunlakan.

    “That’s all I want to know, Entice. That this… for you… is not puppy love. I want a mature relationship with you… so… so bad. Kahit noon. At alam mo iyan. I just don’t want to make it fast… because you’re young…”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko parin siya tinitingnan kahit na sobra sobra na ang kagustuhan kong tingnan ang kanyang mga mata.

    “At ngayon, sa pagbabalik mo. I hoped you got over what happened. I gave you the space you need. I gave you the room to grow and to forgive yourself. But… right now, kung ako ang magiging kapalit ng pagpapatawad mo… Kung ang pag layo mo sa akin ang kapalit ng pagpapatawad mo sa iyong sarili…” Bahagya siyang humalakhak. “I say no… There’s another way, for sure. I won’t let you sacrifice me for that. Look at me…”

    Nag tiim bagang ako at inangat ko ang tingin sa kanya. Dinilaan niya ang kanyang pulang labi. His eyes were bloodshot and his nose turned pink. Napaawang ang bibig ko. I never thought he could look this beautiful when he’s frustrated!

    “Gusto mong lumayo, ‘di ba? Go ahead… Come on, Entice, push me away! Push me so far away…”

    Halos magtindigan ang balahibo ko sa tono ng hamon niya.

    “Itulak mo ako palayo… Subukan mo… Subukan mong mabuti,” aniya. “I did not let you grow just to slip away. Hindi kita tiniis para lang makawala sa akin ng ganyan.”

    Nag iwas ulit ako ng tingin. His eyes were hypnotizing. Namamanhid ang tuhod ko sa tono niya at nanginginig ang kamay ko sa kanyang mga mata.

    “Because while you were crushing on me, I was falling in love with you. While you were busy growing, I am already stuck here waiting till you’ve grown enough.”

    Hinawakan niya ang aking baywang. At ang isang kamay ay humawak sa aking palapulsuhan.

    “Knoxx…” pigil ko sa kanya.
    “Bakit?” Mas mahinahon niyang sinabi. “Kapag ba tinulak mo ako, magkakagusto na ako sa iba? Kapag ba tinulak mo ako, hindi ako babalik sa’yo? Kaya… sige… Sige, subukan mo. I’ll come back to you anyway. I’m not scared.”

    Parang tambol na hinahampas ang puso ko sa lakas ng pintig.

    “Try me…” bulong niya.

    Huminga siya sa aking leeg. Halos mapapikit ako sa kiliting nararamdaman ko. Narinig kong kumalabog ang pintuan ng kabalyerisa at nakita kong pumasok si Pedro. Natigil ang pagsipol niya nang nakita ang posisyon namin ni Knoxx.

    Hindi gumalaw si Knoxx kahit na alam kong alam niyang may ibang tao. Tinulak ko siya sa sobrang kaba at nilagpasan ko si Pedro. Dumiretso ako pabalik sa mansyon. Hindi ko na inalintana ang putik.

    Pagkabalik ko sa mansyon ay kabadong kabado pa ako. Dire diretso ang lakad ko papasok. Kitang kita ko ang titig ni daddy sa akin habang nilalagpasan ko ang dining area.

    Dumiretso din ako sa hagdanan para makapunta na sa kwarto. Sinarado ko ang pintuan ng aking kwarto at hinubad ang sandals na suot. Sumalampak agad ako sa kama at kumawala ang kanina pang nagbabadya na mga luha dahil sa sakit at takot.

    I like Knoxx. I like him too much. And I’m afraid that liking him is my downfall. I want Lumi’s forgiveness. I want to forget what happened. I want to forget that I killed her child. I want her to look at me with a smile on her face because she finally forgave me for what happened. I want to be responsible for what I did.

    “Entice…” hindi na kumatok si Dad nang pumasok sa kwarto.

    Nakita kong dala niya ang spare key ng aking kwarto. Naabutan niya akong umiiyak. Imbes na punasan ko ang mga luha ko ay binaon ko na lang ang aking mukha sa unan. It’s pointless. Naabutan niya na ako.

    “Umiiyak ka?” he asked.

    Hindi ako sumagot. Halos hindi ako huminga para mapigil ang sarili ko sa paghikbi.

    “Pansin kong nagkukulong ka na lang palagi dito sa kwarto mo nitong nakaraang araw. Hija, may problema ka ba? Si Knoxx ba ang kausap mo sa labas?”

    Hindi parin ako sumagot. I just want to be alone. I hope dad realizes it.

    “Dahil ba kay Knoxx, anak?” mas malambing na tanong ni daddy.

    Umuga ang kama dahil umupo siya sa aking tabi. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik si daddy ng ilang minuto. I actually thought he went out of my room pero nang suminghap siya ay nakuha kong naroon parin siya.

    “Pasensya ka na, Entice. I really just thought that Knoxx is a good man for you. He’s mature and he’s good in making decisions. He’s not impulsive. He’s intelligent. And yes, inaamin ko na inutusan ko nga siya noon na bantayan ka at pakisamahan ka. But darling Entice, I never wanted this to happen to you. If I have only known…”

    Gumalaw ang kama. Naramdaman ko ang pagtayo ni daddy.

    “Tomorrow, kapag pupunta ka sa lupain. Hindi na siya ang ipapasama ko sa’yo. Do not worry anymore about it. I don’t want you to go through this pain, Entice. I love you…”

    Natigil ako sa pag iyak dahil. Nag antay pa ako sa mga sasabihin ni daddy ngunit sinarado niya na ang pintuan.

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Let’s See

    “Iyong Sedan na lang po ang gagamitin ko sa pagpunta ko sa lupain…” sabi ko kay Daddy kinabukasan.

    Inutusan niya akong mamahala sa harvest ng mga manga. Bibisitahin ko ang pag aarkilahan ng truck ngayon at kakausapin ko rin ang mga tauhan.

    “Hindi na, Entice. Mahihirapan ang sasakyan mo doon. Isa pa, maputik ngayon kaya kailangan ng mas maganda tulad ng pick up…”

    Kumunot ang noo ko.Tingin ko ay kaya ko namang magdrive patungo doon. At ano naman ngayon kung maputik? Ipapa carwash ko na lang ang sedan pagkatapos.

    “Kung ganoon, dad, ipapahiram n’yo sa akin ang sasakyan?”
    “Kaya mo bang kausaping mag isa ang pag aarkilahan mo ng truck? Baka mamaya ay mahirapan ka sa pakikipag negotiate kaya tinawagan ko na si Maximo kanina. Siya ang magiging gabay mo sa gagawin mo ngayong araw.”

    So this is what it is, huh? Ang sabi niya ay hindi na niya ipapasama sa akin si Knoxx kapag aasikasuhin ang farm. Kaya ngayon, si Maximo ang ipapasama niya. May alam si Maximo sa pamamahala ng mango plantation. ‘Tsaka sa pagkakaalam ko, hindi naman ito mahirap aralin dahil hindi naman high maintenanca ang mga punong manga.

    “Hindi ba nakakahiya kay Maximo, Dad? He seems very busy…” sabi ko, naiisip iyong hindi niya pagsama sa bahay.
    “Hindi naman siguro siya papayag kung abala siya, hindi ba?”

    Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain ng breakfast. Marami kaming pupuntahan ngayon. Ang sabi ni Daddy, unahin ko raw ang pakikipag negotiate sa isang Trucking. Sunod ay ang pag nenegotiate naman sa kukuha ng mga manga. Pipili pa ako ng magandang pumresyong mamimili. Sa hapon kami dapat pumunta sa lupain para maicheck iyong mga manga at makita na rin ang gagawa sa trabaho.

    “See?” ani daddy habang umiinom ako ng tubig.

    Namataan ko ang pagpasok ni Maximo sa dining area. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok at ngumiti siya sa akin. Ang ugat sa kanyang braso ay nadepina nang nilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa.

    “Magandang umaga, Tito Thomas…” ani Maximo kay Daddy.
    “Magandang umaga, Maximo. Breakfast ka muna…” sabay lahad ni daddy sa isang upuan sa harap ko.
    Umiling si Maximo. “Nah! I’m done, Tito. Kumain na po ako sa bahay.”

    Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay nagpunas ng bibig. Tumayo ako. Nahihiya ako kay Maximo. Ayaw kong pag antayin siya kaya kinailangan ko nang tapusin ang breakfast.

    “Oh, Entice. You can eat first… Hindi naman tayo nagmamadali…” natatawang sinabi ni Maximo.
    “Hindi na. I’m done eating.”

    Ngumiti ako at lumapit na sa kanya. Nang nakalapit ay naamoy ko kaagad ang kanyang nakakaakit na pabango. Nilingon ko si daddy at naabutan ko siyang nakangiting nakatitig sa akin.

    “Will you two be okay?” tanong ni Dad.
    “Of course, tito. Ako ang bahala kay Entice.”
    “Salamat, Maximo…”
    “No problem, Tito… Let’s go, Entice…”

    Tumango ako at sumunod na kay Maximo. Bigla akong nahiya sa pagsama sa kanya. Siguro ay may kailangan pa siyang gawin pero dahil nakiusap si daddy ay heto siya ngayon. He respects my Dad so much that he’ll do this.

    “Maximo…” tawag ko nang nakalabas na sa mansyon.

    Nag aantay ang isang kulay black na Isuzu sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad akong pumasok.

    “Maraming salamat sa pagsama, ha? Sorry sa abala.”
    “No problem… You know you can always count on me, Entice. I just wonder why your Dad asked me. Bakit hindi ang pamangkin ko gayong… si Knoxx ang paborito niya pagdating sa ganito?”
    “But you can still teach me. It doesn’t really matter…”

    Naisip ko ang dahilan pero pilit ko iyong kinalimutan. I have to forget about that and concentrate on this.

    Tumango si Maximo at umikot na para sa driver’s seat. Pinagbuksan ko siya ng pintuan galing sa loob at nang pumasok siya ay nginitian niya ako.

    “Thanks…”
    “You’re welcome…”

    The ride is smooth. Pinag usapan namin ang iba’t ibang trucking at ang kani kanilang mga offer. May mahal pero maganda at mabilis ang delivery, may mura pero hindi maganda ang mga truck na gamit.

    Ang pangatlong Trucking ang nagustuhan ko. Maganda ang pagkakamanage at maganda rin ang mga truck.

    “You know, you don’t really need nice looking trucks. Ang importante ay mabilis ang delivery…” ani Maximo.
    “Paano kung masiraan along the way? Hindi ba mas mabilis kung mas maganda ang mga truck?”
    Tumango si Maximo at tiningnan ang mga truck na dumadaan sa aming harapan.

    Nag fill up ako ng form doon para makapagpabook ng ilang truck para sa delivery. Dalawa lang ang kinuha ko at pababalikin ko lang sila kapag magkulang.

    “Pwede mo ring i omit ang driver dahil marami naman kayong drivers, Entice…”

    Pinag isipan ko iyong sinabi ni Maximo. Kaya lang ay naisip ko rin na sa panahon ng delivery ay iyon din ang pagdedeliver ng mga produkto sa rancho kaya kumuha ako ng driver sa trucking.

    Besides, kung magkamali ako dito, at least matututo naman ako.

    Ang susunod naming pupuntahan ay ang pagbibilhan ko ng mga prutas. Sinabi ni Maximo sa akin kung saan saan sila nagdedeliver.

    “Noong ako pa ang namamahala, I just simply sell it to the market. Or to the other farms here, iyong nag poproseso ng mga produktong gawa sa manga. Kay Knoxx, pumupunta pa siya sa kabilang lalawigan.”
    “Bakit naman?” kumunot ang noo ko.

    Nasa labas kami ng kanyang sasakyan. His head tilted.

    “Well, he thinks it’s better that way. But really, nasa diskarte iyan.”

    Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nginuso niya ang loob. Pumasok ako habang nag iisip kung saan ko nga ba ipagbibili iyon.

    “Hmmm…”

    Kinuha niya ang seatbelts ko. Hindi ko namalayan na hindi ko pala ito naisuot dahil sa pag iisip. Siya na mismo ang nagsuot nito. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, I can smell his manly scent.

    “Sorry… nakalimutan ko…” mahinahon kong sinabi.
    “That’s okay…”

    Ngumiti siya at nilingon ako. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Tumigil ako sa paghinga dahil sa pagkakaconscious. Napatingin siya sa aking labi.

    “You’re cheeks are pink…” pabulong niyang sinabi. “Are you blushing?”
    “Uh… Uhm… No…”

    Biglang tumindig ang balahibo ko sa pagkakapuna niya. Masyado rin kasi kaming malapit sa isa’t-isa.

    Humalakhak siya at lumayo sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at sinarado ang pintuan. Umiiling siya habang umiikot patungo sa driver’s seat.

    Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko doon kaya natahimik na lang ako. Pinaandar niya ang sasakyan at tumulak na kami.

    “So… what’s your decision? Hindi ka pa ba nagugutom?”

    Hindi pa ako lubusang nakakapag desisyon kung saan ko ipagbibili ang harvest. Gusto ko sanang sa kabilang bayan, tulad ng ginagawa ni Knoxx pero dahil nahihiya ako kay Maximo…

    “Maybe… sa palengke na lang. Saan mo pinagbili iyong sa’yo noon?”

    I can’t ask him to drive me to the next municipality para lang maghanap ng mapag bebentahan ko ng harvest.

    “Okay then… Pupunta tayo sa suki ko noon…” aniya sabay ngiti sa akin.

    His smile is teasing me. Para bang may ibang kahulugan ito pero ayaw ko lang isipin. Napalunok ako. Niliko niya ang sasakyan sa palengke.

    Sa isang malaking bodega kami nagtungo. Nagugutom na ako pero hindi ko sinabi kay Maximo. Magtitiis muna ako habang nakikipag negotiate pa kami sa pagbibentahan ng harvest.

    “Ganyan talaga ang presyo ngayon per kilo. Marami kasi talagang harvest ngayon…” anang representative ng bodega.

    Mainit at nagugutom na ako kaya hindi na ako makapag isip ng mabuti. I think it’s not a good price but if the market’s like this right now, siguro ay ganito rin naman sa kabila.

    “Ang mura naman kasi…” may pag aalinlangan kong sinabi habang tinitingnan ang papel kung saan naroon ang presyo ng manga.
    “Iyan na ang pinakamahal ngayon. Marami kasing harvest ngayon sa farm, e,” ulit niya.
    “Mababawi mo rin ‘yan, Entice. Marami naman iyong inyo…” ani Maximo.

    Gusto ko pa sanang pag isipan pero kung hindi ko ‘to susubukan ay hindi naman ako matututo.

    “Okay… Deal…” sabi ko.

    Binigyan ko ng mabilisang kondisyon at schedule kung kailan idedeliver ang harvest. Tumulong si Maximo sa pakikipag deal ko pero minadali ko ang lahat dahil na rin sa gutom.

    “So… we’re done? Shall we have our lunch?” tanong ni Maximo, palayo kami sa bodega.

    Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung iimbitahan ko ba siya sa bahay o ano.

    “Hmmm. I guess so…”
    “Dito na lang tayo?” sabay turo niya sa isang grill hindi kalayuan sa bodegang pinuntahan namin.
    “Masarap ba diyan?” tanong ko sabay singhap.

    I thought we’re going to their house. Mabuti na lang at dito lang naman pala.

    Simpleng karenderya lang ang kakainan namin. Grilled madalas ang luto nila kaya iyon na rin ang inorder naming dalawa. Umupo kami sa isang lamesang pangdalawahan.

    Si Maximo ang kumuha ng plato at mga kubyertos para sa aming dalawa.

    “Salamat…” sabi ko sabay arrange sa mga iyon sa aming lamesa.

    Umupo siya sa upuang katapat ng sa akin. Mag aantay pa kami ng ilang minuto dahil niluluto pa ang aming napiling barbecue.

    “Gusto ko sanang sa bahay tayo kumain kaso, I know you’re hungry…” He smiled.
    “Oo, medyo.” Tumawa ako. “Pwede rin naman tayong sa bahay kumain. Mas malapit iyon.”
    Umiling siya. “Nah… I don’t want you to go home hungry kaya dito na tayo. And besides, we still need to talk to your father’s men para doon sa paghaharvest hindi ba? And then we’ll go to the plantation.”
    “Yeah… Maximo, thanks ah? Hindi ko inakalang medyo mahirap pala ito.”
    “No problem. Hindi ito mahirap pag nasanay ka na…”
    “Siguro nga. And besides, these are all experiments. Ganyan talaga ang una, experiment pa…” Ngumiti ako.

    Makahulugan ngayon ang titig niya. His eyes are intense. Halos makita ko doon si Knoxx sa kanyang mga mata, only a little bit different. Only it’s not him.

    “I really like it when you smile, you know…” aniya.

    Uminit ang pisngi ko at tiningnan ko ang tubig sa aking harapan.

    “And you’re blushing again. Entice, am I making you blush?”

    Holy crap! Tumawa ako para itago ang nararamdamang awkwardness.

    “Of course you praised me. I would blush!” giit ko.
    Humalakhak siya. “Oh, I like you blushing. So does that mean I should compliment you often? You gave me an idea…”

    I’ve never been in a relationship but I’ve been with boys. At ganitong ganito kung pumorma ang mga lalaki lalo na iyong gaya niya. I know he’s westernized and aggressive. I can feel it and I can see it.

    “If it’s an honest compliment, Maximo…”
    “And the way you call me? I find it so hot…” pabulong niyang sinabi.

    Nanlaki ang mga mata ko. Nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko, I crossed some damn invisible line. Napainom ako ng tubig at napawi ang ngiti ko.

    “I really thought we’d never see each other again, Entice. Akala ko umalis ka na for good…” aniya.
    “Well, here I am. And besides, I came back because I have to… And this is my home.”
    Tumango siya. “Noong nalaman kong bumalik ka, bumalik din ako…”

    Napatingin ako sa mga mata ni Maximo. His eyes are deep. Almost unreadable. It’s like an infinite abyss. Parang kung susubukan mong himayin ang lahat ng nakapaloob roon ay makukulong at malulunod ka lang.

    “Are you kidding me?” Bahagya akong tumawa para maibsan ang kaba.
    “Yes, Entice… My nephew seemed to have lost his chance, huh?”

    What? Hindi ako nakapagsalita doon.

    “I know you like him. Come on… I don’t think you want to keep that as a secret either. Or should I say you liked him?”
    Ngumuso ako. “Well, yes, Maximo. And I’m not keeping it as a secret either.”
    “I didn’t want to challenge his chances back then…”

    Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa akin.

    “And you’re really young, Entice. Like a fresh blooming flower… So I didn’t want to risk it…”

    Holy crap… Ano ang ibig sabihin ni Maximo rito?

    Nilapag ng trabahante sa karenderya ang pagkain sa aming hapag. Doon ko tinakasan ang pinag usapan naming dalawa.

    “I’m hungry… shall we it?”

    Umangat ang gilid ng kanyang labi at pagkatapos ay tumango siya. Nakatakas ako. He let me eat the food peacefully. Naiwala rin ang usapan dahil sa sarap ng pagkain.

    “Ang sarap pala dito,” I said.
    “Hindi ka pa nakakakain dito? Matagal na ‘to ah?”
    Umiling ako. “You know, sa bahay lang kami kumakain.”
    “Yeah. Sa bahay lang din naman ako madalas pero nakakakain din dito minsan.”
    “You know how to cook?”

    I’m determined to make the convesation as light as possible. Ayaw kong makarating ulit kami sa pinag usapan kanina.

    “Of course, Entice. Gusto mo ipatikim pa kita sa luto ko?” He smiled devilishly.
    “Sige, bah!”

    Buti naman at naging madali na ang pag uusap habang kumakain. Tawanan na lang ang nangyari at hindi na umabot ulit doon sa kanyang sinabi kanina.

    Bumalik kami sa sasakyan para pumunta na sa mga trabahante ni Daddy. Kahit sa sasakyan ay puro tawanan lang ang ginawa namin.

    “You are so fun to be with! Kung alam ko lang na ganito ka kasarap kasama, sana noon pa pala kita laging dinidate…” wika ni Maximo sa normal na tono.

    Pinapark niya ang sasakyan sa labas ng opisina ng aming farm. Hirap akong lumunok at hindi ako nakapagsalita.

    “So… can we go out tomorrow too?”
    “Ha? Saan naman tayo?” Kumunot ang noo ko ng pabiro.

    Lumabas ako at nagkunwaring wala lang ito kahit na kinakabahan ako.

    “Tinago? Anywhere you like, Entice. Hindi ba ay gusto mong mamasyal sa Alegria. Marami pang lugar dito na hindi mo pa nakikita…”

    Sabay kaming naglakad patungong opisina. He looks so serious with his plan. Hindi naman ako makahindi dahil wala naman akong gagawin bukas.

    “Hmm. Let’s see, Maximo.”
    Tumawa siya. “Oh! There’s a chance that it’s a no. It’s okay, though. Alam kong busy ka naman…” Nagtaas siya ng kilay.
    Tumawa na rin ako. “Let’s see…”

    Pumasok ako sa opisina at sinabi ko na sa tagapamahala ng mga trabahante na kukuha ako ng ilang labor worker para sa plantation. Isang oras ang tinagal namin doon dahil chineck pa kung sinu-sino ang available sa mga araw at oras na kailangan ko. Kaonti lang din ang kinuha kong tao dahil iyon ang suggestion ni Maximo.

    And finally, pagkatapos namin doon ay niyaya ko na siya patungo sa plantation. Isasama namin ang dalawang tauhan na siyang mangunguna sa pag haharvest ng mga manga. Titingnan pa muna kung kailan ang tamang panahon para kunin ang mga ito kaya dadalhin namin sila doon.

    “Saan n’yo ba ipagbibili? Sa kabilang bayan ba?” tanong ng tauhan.
    “Ay hindi po… Dito lang po sa Alegria.”
    “Kung ganoon, hindi ito isasama sa harvest ni Knoxx? May ibang trucking na kinuha?”
    Tumikhim ako. “Opo. Titingnan ko lang kung maayos ba. Alam kong maayos iyong kay Knoxx pero baka kasi masyadong malayo naman iyong kabilang bayan. Aside sa gastos sa sasakyan ay kailangan pang dagdagan ng labor.”
    “Tumutulong naman ang mga tauhan ni Knoxx sa pag gawa niyan noon.”
    “Ay kuya, nakakahiya naman kasi kay Knoxx kung hahayaan ko silang tumulong. Kailangan kong tumayong mag isa…”
    “Sa bagay… Tama naman. Pero mas maganda kasi ang benta sa kabilang bayan. Wala kasing mango plantation doon…”

    Hindi na ako nagsalita. Papalapit na rin kami sa plantation. Dumaan kami ni Maximo sa parehong lubak lubak na daanan na nadaanan namin ni Knoxx noon. Nilingon ko ang mga punong mangga sa plantation. Kumapit ako sa aking seatbelts at sa dashboard para hindi mauntog.

    “Dito na lang…” sabi ng trabahante.

    Kakalasin ko na sana ang seatbelts nang pinark ni Maximo iyong sasakyan niya pero naunahan niya ako. Nahawakan ko ang malaking kamay niyang naunang kumalas sa aking seatbelts. Nagkatinginan kaming dalawa.

    Sabay na kumalabog ang pintuan sa likod, hudyat na lumabas na ang dalawang kasama naming trabahante.

    Una akong nag iwas ng tingin. Tumikhim ako at binuksan ang pintuan. Narinig kong humalakhak si Maximo. Uminit ang pisngi ko at napapikit ako ng marahan.

    Pagkasarado ko ng pinto ay kitang kita ko ang pamumula ng aking pisngi sa salamin. Umiling ako at naglakad na patungo sa bakuran ng plantation. Ngunit imbes na una kong makita ang mga puno ng mangg, si Knoxx na topless at may hawak na walis ang una kong naaninaw.

    Nakakunot ang kanyang noo nang tumingin siya sa akin. Para bang basang basa niya ang bagong nangyari. Ni hindi ko alam kung iyon ba ang ikinagagalit niya o talagang laging iritado ang kanyang mga mata.

    “Oh, Knoxx! Nandito ka pala?” bati ng trabahante namin.

    Hindi siya tumigil sa pagtitig sa akin kahit na may mga trabahanteng dumating. Nanatili din ang mga mata ko sa kanya.

    Huminga siya ng malalim at nagtaas ng kilay. Yumuko siya para ihilig ang walis na dala sa isang puno ng manga. Nag iwas rin ako ng tingin. Maximo blocked my view.

    “Let’s go?”

    He smiled at me. Tumango ako at naglakad na papasok ng plantation.

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    For Me

    Tumingala ako para tingnan ang mga puno ng manga. Sa gilid ng aking mga mata ay pansin ko ang paninitig ni Knoxx. Lumapit pa siya sa amin kaya mas lalo lang akong kinabahan.

    “Nag lilinis lang ng konti…” ani Knoxx kay Maximo.
    “Ba’t hindi mo pinagawa sa mga trabahante?” Natatawang tanong ni Maximo.
    “Maliit na bagay lang naman.”
    “At bakit dito ka nagwawalis sa lupain nina Entice?”

    Binaba ko ang tingin ko kay Knoxx. Nagkatinginan kaming dalawa.

    “It doesn’t really matter. Wala naman akong ginagawa buong araw…” Nagtaas siya ng kilay sa akin. “Done with the deals?”

    Magsasalita na sana ako nang naunahan ako ni Maximo.

    “Yes, we’re done. Dating trucking ang kinuha namin at dito lang sa Alegria ipagbibili.”
    “Oh… So this won’t join our harvest this week?” Nilingon ni Knoxx ang mga puno at pagkatapos ay bumaling ulit sa akin.
    “Parang ganoon,” sagot ni Maximo. “Entice, tingnan natin ang ibang mga puno doon…”

    Tinuro ni Maximo ang looban ng plantation. Tumango ako at naglakad na sa daang tinuro niya. Nauna na rin doon ang mga tauhan, chinicheck kung tama na bang magharvest.

    “Ano ang itatanim mo sa tabing lupain nito?” tanong ni Maximo habang naglalakad kami papasok lalo sa plantation.
    “Hmm. I’m thinking of planting more mango trees.”
    “Hmm. Wise. Pero hindi ba puro na lang puno ng manga? Why don’t you plant some vegetables or something?”

    Tumango ako. Si Knoxx ang nagsabi sa akin na manga parin dapat ang itanim ko sa tabing lupain pero iba ang gustong mangyari ni Maximo.

    “I’m not sure yet, though. Pag iisipan ko pa…”
    “Mas mabuting manga parin. That way, sabay lang kapag harvest. Less maintenance and less hassle kumpara sa mga gulay…” boses ni Knoxx ang nasa likod ko.
    “Entice!” tawag ni Maximo sabay hawak sa kamay ko.

    Hinigit niya ako patungo sa isang maliit na puno ng manga. Nagpatianod ako sa kanya.

    Binitiwan niya ako at umakyat siya sa manga. Ang bilis niyang nakaakyat. Nagulat ako at nakaupo na agad siya sa sanga. His playful smile flashed. Kumuha siya ng dalawang bunga ng manga.

    “Can you catch?”

    Tumawa ako at nilahad ang kamay.

    “Sure!”

    Hinagis niya sa akin ang bunga at naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng prutas.

    “Try it! Tingnan mo kung maayos na ba…” ani Maximo.

    Tumango ako at tiningnan ang bunga. Pinunit ko ang balat ng manga. Umagos sa daliri ko ang katas ng manga kaya lumayo ako ng bahagya para hindi mag mantsa sa aking damit.

    Tumalon si Maximo at agad na nasa aking harapan. Kinuha niya ang manga sa aking kamay at siya na mismo ang nagbalat nito para sa akin.

    “Salamat!” sabay ngiti ko.

    Nagbalat din si Maximo ng kinuha niyang manga at sabay naming tinikman ang mga iyon. Natawa ako nang nagkalat ang katas sa aking bibig. Lumayo ako kay Maximo at nakaharap ko si Knoxx na nasa malayong gilid namin. This time, he’s wearing a black shirt.

    Pinunasan ko ang gilid ng aking labi gamit ang aking kamay. Huminga ng malalim si Knoxx at lumapit sa akin. Umalpas agad ang kaba sa aking dibdib nang nakitang papalapit siya.

    Hinawakan niya ang kamay kong puno ng katas ng manga at pinunasan niya iyon gamit ang isang dark sleeveless shirt.

    “You’re a mess…” aniya.

    Hindi ako gumalaw. Dahan dahan niya ring pinunasan ang gilid ng aking labi. Parang nawalan ako ng gana sa kinakaing manga. Nakakadalawang kagat pa lang ako pero gusto ko na itong isuko.

    “Matamis na ba, Entice?” tanong ni Maximo.
    “A-Ayos lang naman…” sagot ko.

    Nagtaas ng kilay si Knoxx sa akin. Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa manga. Iginiya niya ito sa kanyang bibig. Kinagatan niya ang aking manga.

    “Kailangan nang mag harvest. It’s fine…”

    Mataman niya akong tinitigan.

    “Ayaw ko na niyan…” sabi ko sabay tingin sa manga kong kinagatan niya na.
    “Akin na lang ‘to, kung ganoon…” He smiled wickedly.

    Matalim ko siyang tinitigan. Who am I kidding? I am really so affected when he’s around. Kahit na ipinapakita kong naiirita ako sa presensya niya ay hindi parin maalis sa akin ang kaonting galak.

    Kinuha niya ang manga sa aking kamay. Kumagat siya sa manga at nanatiling ganoon habang pinupunasan niya ang kamay ko.

    He looked so damn cute while biting the mango. Medyo magulo ang buhok niya at medyo pawis rin.

    “Why are you here? Talaga bang nagwawalis ka lang?”
    Kinuha niya ang manga sa kanyang bibig at tumitig sa akin. “I don’t want to stalk. I waited until you’re here. Saan kayo kumain ng tanghalian?”
    “Entice!” tawag ni Maximo.

    Napatalon ako at imbes na sagutin si Knoxx ay naglakad na ako patungo kay Maximo.

    “Damn…” ani Knoxx nang nilagpasan ko siya.

    Kinagat ko ang labi ko. Kahit na palapit kay Maximo ay nakay Knoxx ang buong atensyon ko.

    “May mga hindi pa hinog. Gusto mong kumain?” tanong ni Maximo.
    “Sure… Let’s try it!”

    Umakyat ulit si Maximo sa isang puno. Pinitas niya ang isang manga at hinagis niya ulit sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito kahit medyo nahirapan. Nawala agad ako sa sarili ko dahil sa kay Knoxx.

    Medyo matigas ang mangang ito. Hindi hinog kaya hirap akong balatan. Lumapit si Maximo na may dalang kutsilyo. Binigay ko sa kanya ang manga at binalatan niya ito sa harap ko.

    Isang slice ang binigay niya sa akin. Tinanggap ko ito. Napatingin siya sa likod ko kung nasaan siguro si Knoxx sa mga panahong iyon.

    “So… tomorrow. I’ll pick you up?” pabulong na sinabi ni Maximo.
    “Hmm. Saan naman tayo?” may pag aalinlangan sa akin.
    “Tinago? I want a dip…”

    Hindi na ako binigyan ni Maximo ng pagkakataong umoo o humindi. Tinalikuran niya na ako at hinanap ang mga trabahanteng dala namin.

    “Kumusta? Ayos na ba ito sa makalawa?” tanong ni Maximo.
    “Ayos na! Pwede ngang bukas, e…” anang trabahante.

    “What are you whispering about?” si Knoxx ay bumulong sa likod ko.

    Nilingon ko kaagad siya sa gulat. Holy crap! Is that the sound of my watch or my heart? Ang bilis ng pintig ng puso ko!

    “Huwag na. May lakad ako bukas. Ano, Entice? Ayos na ba sa makalawa?” nilingon kami ni Maximo.
    “Saan ang lakad mo bukas, Maximo?” tanong ni Knoxx.

    Natigilan si Maximo. Nakangangang nakangisi. Tila ba’y namangha sa tanong ng pamangkin.

    “Somewhere, Knoxx… By the way, sa bahay kami kakain ni Entice. Ipagluluto ko siya… Shall we go now, Entice?”
    “Huh? Oh… Okay!” sabi ko sabay sulyap kay Knoxx.

    Nagkasalubong ang mga titig namin ni Knoxx.

    “Uuwi na rin naman ako ngayon. Let’s go together…” ani Knoxx.

    Umigting ang panga ni Maximo at mas lalong lumapad ang ngiti.

    “Let’s go, Entice…” ani Maximo.

    Sumunod ako sa kanya. Nanatiling nakatayo si Knoxx, para bang pinapanood niya ang pag alis namin. Ni hindi ko alam kung tunay ngang sumunod siya.

    Tahimik si Maximo papalapit sa sasakyan. Sumama ang mga trabahante sa amin. Pumasok sila sa likod. Magsasalita sana ako ngunit nagtanong ang isa tungkol sa mangyayari sa makalawa.

    Ang byahe pabalik sa opisina ng farm namin ay napuno ng topic tungkol sa harvest. Hindi na ako nakasingit ng mga personal na usapin.

    Nang nakaalis na ang dalawang tauhan ay nagmaneho na si Maximo patungo sa bahay nila ni Knoxx. Dumalaw ulit ang kabog ng aking dibdib. I’m pretty sure Knoxx will be there now.

    “Sa Tinago tayo bukas?” tanong ko.
    “Yup… Ilang taon na akong hindi nakakaligo doon, e. Well, if you have other ideas, we can go somewhere else?”
    Umiling ako.

    Actually, wala akong ideya dahil wala akong plano na lumabas kasama siya. But I feel like it’s mean to reject him. He helped me with all of these at kahit simpleng labas ay hindi ko mapaunlakan?

    “So it’s a deal then? Tinago?”
    “Okay…”
    “That’s great!” he said excitedly.

    Tinago. Magsi swimming kami, kung ganoon. Huminga ako ng malalim at nilingon ang papababang araw sa malayo.

    “What do you want to eat?” tanong ni Maximo nang pinark niya ang sasakyan sa labas ng bahay nina Knoxx.

    The last time I went here, something happened between me and Knoxx! Napalunok ako habang naaalala ang lahat. I can still feel his heat on my skin. This is not the right time to think about it, though.

    “Kahit ano. I’m fine with anything, Maximo.”
    “Well then…”

    Sinarado niya ang pintuan ng sasakyan. Ganoon din ang ginawa ko. Naroon na ang Wrangler ni Knoxx sa usual spot nito. Bukas din ang pintuan kaya paniguradong naroon na siya.

    Naunang pumasok si Maximo. Nilingon ko ulit ang Wrangler at naalala ko iyong nangyari noon. Iyong pagbuhat ni Knoxx kay Lumi habang naglalaro sila. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naaalala ko sa sandaling ito.

    “I’m gonna make some buffalo wings…” ani Maximo nang sumunod ako sa kusina.

    Si Knoxx ay nasa sala at nanonood ng TV. Nakapatong ang kanyang sapatos sa lamesa. Sapo niya ang kanyang buhok at nagtaas siya ng kilay pagkapasok ko.

    “Your slippers are still here,” ani Knoxx.
    “What is it, Knoxx?” tanong ni Maximo.

    Kitang kita ko ang iritasyon sa mga mata ni Knoxx sa tanong ni Maximo.

    “Her slippers, Maximo. May tsinelas siya dito…”
    “Oh… It’s okay, though, Knoxx. Hindi niya na kailangang mag tsinelas… Dito tayo sa kusina, Entice.”

    Sumunod ako kay Maximo nang ‘di tinitingnan si Knoxx. Bigla akong natakot sa reaksyon na ipinakita ni Knoxx kanina.

    “Sit here…” sabay lahad niya sa upuan sa dining table.

    Tumango ako at umupo na doon. Pinanood kong naghanap siya ng mga rekados sa ref at sa mga cabinet.

    Lumingon ako sa likod nang naramdaman ko ang pagdating ng kung sino. Pumasok si Knoxx sa kusin at dumiretso sa ref. Nilingon siya ni Maximo habang inaayos ang manok.

    Dahan dahan ang pagsasalin ni Knoxx ng tubig. May multo ng ngiti sa kanyang labi habang ginagawa iyon. Para bang nanunukso o nanunuya sa kung sino.

    “Hmm. I bet, ito ang unang beses na nakapunta ka ulit dito simula noong umalis ka, Entice?” ani Maximo.
    Bahagyang natawa si Knoxx. “No, Max. Not her first time after she went out of the country…” Nagtaas ng kilay si Knoxx.

    Bumaling si Maximo sa kanyang ginagawa.

    “Uh,” tumikhim ako. “Nakapunta na ako dito… Uh, bago namatay si Lola Siling…”
    “Oh! For what reason, then?” Nilingon ako ni Maximo.
    Tumawa ulit si Knoxx. “For what reason do you think? For me, Maximo…”

    Umigting ang panga ni Maximo. Halos nawalan ako ng hininga sa bulgar na sinabi ni Knoxx.

    “Why don’t you let the lady answer, nephew?”

    Nagkatinginan ang dalawa. Tumayo ako para sana basagin ang tensyong namagitan. Hindi bumitiw si Knoxx. Kung madilim noon pa man ang kanyang ekspresyon ay mas lalo lang itong nagdilim ngayon.

    “May tao ba dito?”

    Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong bahay. Tumagilid ang ulo ni Knoxx at si Maximo ay nagpatuloy sa ginagawang pagluluto.

    “Is that… Lumi?” Nilingon ko ang sala at nakita ko ang pagpasok niya sa pintuan.

    Holy crap! It is her!

    “Why don’t you go there and entertain her, Knoxx…” ani Maximo sa isang matabang na boses.

    Tumawa ng bahagya si Knoxx at bumaling sa akin.

    “May tao ba…” ani Lumi at natigilan nang nakapasok sa kusina at nakita kaming tatlo doon.

    Una niyang tiningnan si Knoxx, pagkatapos ay si Maximo… pagkatapos ay ako. Her face distorted when her eyes met mine. Para siyang maiiyak at biglang magsisisigaw. Kumalabog ang puso ko sa kaba. I don’t want another commotion.

    “Why is she here, Knoxx?” tanong ni Lumi kay Knoxx sabay lapit.

    Halos umiwas ako ng tingin para lang huwag maramdaman ang kirot. Kitang kita ko ang pag iwas ni Knoxx kay Lumi. Nilagpasan niya ito at lumapit sa akin.

    “She’s here for dinner, Lumi,” matigas na sabi ni Knoxx sabay tingin sa akin. “Sa sala tayo…”

    Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya o mananatili doon. Matalim ang bungad ng tingin ni Lumi sa akin. That inspired me to go with Knoxx.

    “Knoxx, why don’t you invite Lumi to our living room, instead?” ani Maximo na may halong panunuya.
    “I am for Entice and you know that,” walang kurap na sinabi ni Knoxx.

    Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Lumi sa sinabi ni Knoxx. Nilingon ni Lumi si Maximo na walang imik na nag aayos ng mga rekados.

    Inangat ni Knoxx ang aking baba para magtama ang aming mga mata.

    “You know I won’t stop till I covince you to go with me, right?” mahinahon niyang sinabi.

    Dinilaan niya ang kanyang labi. His red lips are now wet and redder.

    “Pero…” Nilingon ko si Maximo na tahimik na ginagawa ang pagkain. Tapos si Lumi na parang lito.
    “Please…” maliit ang boses ni Knoxx nang sinabi niya ito.

    Ngiti ang sinalubong niya sa mga mata ko.

    Tumango ako at tumayo. Huminga ng malalim si Knoxx at nilahad ang pintuan palabas sa akin. Sumunod ako sa kanya at ‘di na ulit nilingon ang naiwan.

    I thought it’ll be peaceful in their living room. Ngunit hindi pa nga kami nakakaupo ay lumabas na rin si Lumi galing sa kusina.

    Shit!

    Nanatili ang mga mata niya sa akin. Like I’m some disgusting criminal and she’s offended! I don’t know if I can stand the way she looks at me but I know I freaking deserve it. I understand where she’s coming from and I won’t judge her just because she couldn’t forgive me. It’s okay. I don’t know how much it hurts to lose a child. She’s in that situation. I have no right to judge her battles.

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    Without Inhibitions

    Nakaupo si Knoxx sa mas malaking sofa. Ako naman ay nasa pang isahan. Ang ingay lang ng TV ang bumalot sa amin.

    Umupo si Lumi sa tabi ni Knoxx, tahimik rin.

    “Sana ay sinamahan mo na lang si Maximo sa kusina,” ani Knoxx kay Lumi.

    Nilingon siya ni Lumi. Alam kong intensyon niyang tingnan si Knoxx dahil sa sinabi nito pero napatingin siya sa akin.

    “Bakit? Anong problema sa pag upo ko dito, Knoxx?”
    Huminga ng malalim si Knoxx. “I think it’s better that way. By the way, why are you here?”
    “Bibisita lang sana ako.” Sumulyap ulit siya sa akin. “Ikaw, Entice, anong ginagawa mo dito?” Mas mahinahon na ngayon ang tono niya.

    Nag aalinlangan pa akong sumagot. Kaya naunahan ako ni Knoxx sa sasabihin ko.

    “I told you she’s here for dinner. Dito siya kakain, Lumi. Do you have some problem with that?”

    Kitang kita ko ang pagkawala ng palabang ekspresyon kay Lumi. Napalitan ito ngayon ng pag aalinlangan at, kung hindi ako nagkakamali, takot.

    “I don’t have a problem with that, Knoxx. D-Dito na rin ako magdidinner…”

    Nilingon ako ni Knoxx. ‘Tsaka lang ako nakapag relax nang tuluyan nang tumingin si Knoxx sa akin. Parang doon lang ako nakahinga ng mabuti.

    “You chose to sell the mangoes in the market, huh? Sana ako na lang talaga ang pinili ni Tito Thomas na tumulong sa’yo…”
    Tumikhim ako. Nakatingin si Lumi sa aming dalawa, nakikinig. I feel like we don’t have enough privacy here. Should we even talk? “I think it’s better. It’s my first time, anyway. I’ll learn if it’s a bad idea…”
    “Knoxx, inimbitahan mo siya dito?” tanong ni Lumi.
    Inunahan ko si Knoxx. “Si Maximo ang nag imbita sa akin dito, Lumi…”

    Kitang kita ko ang pagpupumiglas ng galit niyang ekspresyon pero nanatili ang kalmadong mukha. Parang hirap na hirap siyang itago ang galit pero nagawa niya parin.

    “Ang akala ko si Knoxx ang nag imbita sa’yo dito…” Ngumiti si Lumi. “Bakit ka sumama kay Knoxx sa sala kung ganoon? Sana pala ay inantay mo si Maximo sa loob?”
    “Lumi, I invited her to be with me. She said yes. Do you have a problem with that?”

    Nawala ang ngiti sa mukha ni Lumi. Napawi ulit ang galit at pagkapalaban.

    “Wala naman, Knoxx…”

    Tumayo ako. I definitely have to learn how to control my feelings. Kahit na nakakairita na ang inaasta ni Lumi, kailangan kong magpigil. Ako ang may atraso, I should be more patient. Her reaction to me is natural. It’s an effect of what I did to her.

    “Pupuntahan ko na lang muna si Maximo…” sabi ko.
    “Entice…” ani Knoxx.
    “Knoxx, he invited me here. It’s rude to leave him alone in the kitchen.”

    Hindi na ako nag antay ng desisyon ni Knoxx. Dumiretso na ako patungo sa kitchen. Hindi ko na rin nilingon ang reaksyon ni Lumi.

    Naabutan ko si Maximo na natutulala habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa dulo ng lamesa. Bumitaw siya doon at tumuwid ang kanyang pagkakatayo nang nakita ang pagpasok ko.

    “Entice… I thought, you’d be entertained in the living room…”

    Umikot siya at lumapit sa akin. Ngumiti ako at tiningnan ang niluluto niya.

    “No. I think it’s rude to leave you alone here…”
    “Well, mabuti na rin at iniwan mo ang dalawa para makapag usap sila.”

    Napalunok ako at napaupo sa upuan kanina. Nilingon ko ang sala at nakita kong iniwan ni Knoxx si Lumi doon. Natulala si Lumi sa sala. Si Knoxx naman ay lumabas ng bahay.

    “Ano naman ang pag uusapan nila?” tanong ko.
    “I don’t know? Probably about their relationship?” ani Maximo.

    Relationship? Well… It’s always like that and I’m not surprised.

    “Ganoon ba…”

    Tumawa si Maximo at nilapitan ulit ang niluluto niya. Iniwan ko hanggang doon ang usapin. I don’t want to talk about it. Isa pa, siguro ay isa rin si Maximo sa nag hihinala sa dalawa. Malapit sila, bago ako dumating. Knoxx told me over and over again that they’re just friends. I can only imagine his girl friends back in college and high school…

    “Anong oras nga pala kitang susunduin sa inyo bukas? Are you fine with 4PM?” tanong ni Maximo.

    Muntik ko nang kalimutan ang usapan naming iyon. Hindi ko pa napapag isipang mabuti ang pagsama pero bakit naman hindi, hindi ba? Besides, I like Tinago. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko… sina Joaquin. Hanggang text na lang kami ngayon dahil abala sila sa pag aaral.

    “I’m fine with that. Sure!” sabi ko.

    Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol doon. Magdadala daw siya ng pagkain kaya nag offer din akong magdala ng drinks. Sinabi ko rin sa kanya na pwede namang hindi niya na ako sunduin at magkita na lang kami sa Tinago.

    “Nah! Mag aaksaya ka lang ng gasolina. Besides, dadaan talaga ako sa inyo kaya kukunin na kita doon, okay?”

    Nagpatuloy kami sa pag uusap. Patapos na siya sa pagluluto at dumidilim na rin sa labas. Biglang pumasok si Knoxx sa kusina kaya natahimik ulit kami.

    “I’m done cooking, Knoxx. Sasabay ba kayo ni Lumi o kayong dalawa lang mamaya?” tanong ni Maximo habang nilalapag ang pagkain sa lamesa.
    “Sasabay ako sa inyo. You have all the right to invite or reject Lumi, Maximo,” anas ni Knoxx habang nilalapag sa lamesa ang mga plato.

    Umigting ang panga ni Maximo sa pamangkin. I can sense their tension again.

    Tumayo ako at kumuha ng mga kubyertos para sa apat na tao. Hindi nila pwedeng itaboy si Lumi.

    “Ako na ang tatawag kay Lumi…” sambit ko pagkatapos nilapag ang mga kubyertos sa mga pinggan na nilagay ni Knoxx.

    Dumiretso na ako sa sala. Naabutan ko siyang nanonood ng TV. Inilipat niya ang mga mata niya sa akin.

    “Lumi, let’s eat. Handa na ang pagkain.”

    Ilang sandali niyang ipinakita sa akin ang pag alma niya sa pakikipag usap ko sa kanya. Pero sa huli ay huminga siya ng malalim at pinatay ang TV.

    “Okay…” aniya.

    Tinalikuran ko siya para mauna na sa kusina. Bahagya akong natuwa. I feel like there’s a chance for all of it to be okay. Pakiramdam ko, may pag asang tuluyan niya akong mapatawad.

    Si Maximo ang nasa gitna ng lamesa. Si Knoxx naman ay nasa tabi ni Maximo. Umupo ako sa harap ni Knoxx at si Lumi naman ay sa tabi niya.

    Tahimik kaming kumain. Nakatingin si Knoxx sa akin habang sumusubo. Si Maximo naman ay nakatingin sa kanyang pagkain.

    Walang gustong magsalita. Pakiramdam ko tuloy sobrang awkward. Nakatingin si Lumi sa aming tatlo na para bang hinuhulaan kung anong nangyari.

    “Hindi ka pa kaya hinahanap ng daddy mo, Entice?” tanong ni Knoxx.
    “Uh, hindi, e. Hindi pa siya nag titext…” sagot ko naman.
    Tumango siya.
    “Besides, Knoxx, she’s with me. Alam ni Tito Thomas iyon at pinagkakatiwalaan niya ako.”
    Nagtaas ng kilay si Knoxx kay Maximo. “Why? When you invite her here, lagi ba siyang hinahanap ni Tito Thomas? That’s probably because he doesn’t trust you enough…” Humalakhak pa si Maximo.

    Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Knoxx. Pakiramdam ko ay nagpipigil siya sa pagkakainis.

    “Ikaw Lumi, hindi ka pa ba hinahanap ng mommy mo?” singit ko para maibsan ang tensyon.

    Gulat si Lumi sa biglaang tanong ko. Tumikhim siya at kumurap kurap.

    “Uh, walang pakealam si Mama. ‘Tsaka pag nandito ako kina Knoxx, hindi niya naman ako pinagbabawalan…” Nilingon niya si Knoxx.
    Bumaling rin si Knoxx sa kanya. “Hindi ba ay pinagbawalan ka na niya simula nang-“
    “Ikaw na ang maghatid kay Lumi, Knoxx. Ako na ang maghahatid kay Entice pagkatapos nating kumain,” utos ni Maximo.

    Natigil si Knoxx sa pagsasalita. Tumingin siya sa akin.

    “Well, that’s good. You’re not in some danger here in Maximo and Knoxx’s house. Mapagkakatiwalaan ang dalawa. I’m glad your mom knows that…” sabi ko.

    I just want to keep a normal convesation going. Lalo na dahil kausap ko si Lumi. I want our relationship to improve. Kahit na alam kong may hinanakit siya sa akin, it can’t go on forever. Her rage can’t be that powerful forever. I’m sure she’ll forgive me at some point.

    “Nagtitiwala naman ang mama ko sa Alegria. Isa pa, gobernador ang papa ko. He’s a good leader. Iyan ang dahilan kung bakit kaonti lang ang krimen dito… And of course the Navarros are good people, Entice. Kung bakit naiisip mong may panganib dito ay hindi ko alam… Hindi ba, Knoxx?” nilingon niya si Knoxx.
    Umiling ako. “I’m not saying that they are dangerous, Lumi. Ang sinasabi ko ay mapagkakatiwalaan silang tao. Na mabubuti sila-“
    “Well, whatever now…” Umangat ang isang kilay niya.

    Huminga ako ng malalim at tinignan ang pagkain ko. Tahimik na lang akong kumain.

    “Gusto ko talagang pumunta dito. I’m sure hindi rin naman magagalit si Mama kung sabihin ko sa kanyang dito ulit ako matulog ngayon…” ani Lumi.

    Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

    Umiling si Knoxx. “Lumi, susugod lang ang mama mo dito…”
    Tumawa si Maximo. “Iuwi mo siya kung ganoon, Knoxx. Abala kaming dalawa ni Entice. Wala kaming panahon para sa inyong dalawa…”

    Tumayo si Maximo para iligpit ang pinggan. Tiningnan niya rin ang sa akin. Tapos na rin ako kaya hinayaan ko siyang iligpit na rin ang akin.

    “Shall we go, then, Entice? Ayaw kong isipin ni Tito Thomas na inaabuso ko ang binibigay niyang kalayaan sa ating dalawa…”
    “O-Okay then, Maximo…”
    “Knoxx, kayo na ni Lumi dito ang bahala. Okay?”

    Lumapad ang ngisi ni Maximo. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at hinigit na paalis doon. Nilingon ko si Knoxx. Nanatili siyang nakatalikod. Samantalang halos mabali ang leeg ni Lumi sa paglingon sa aming dalawa ni Maximo.

    Tahimik akong sumama kay Maximo. Binitiwan niya lang ang kamay ko nang nakalabas na kaming dalawa sa bahay. Dumiretso siya sa kanyang sasakyan. Madilim kaya hindi ko makita ng maayos ang kanyang ekspresyon.

    “Though, I want us to spend more time today, kailangan na kitang iuwi. Like I said, ayaw kong nadidisappoint si Tito Thomas sa akin…” ani Maximo.

    Pumasok ako sa sasakyan niya. Ganoon din siya sa driver’s seat.

    “Besides, I know you’re not comfortable with Knoxx and Lumiere around.”

    Nilingon niya ako. Umiling ako. It’s true but hell I won’t tell him that. Okay lang. Okay lang. Kaya kong mag tiis. Kaya pa naman. Kaya kong makisama. It’s uncomfortable but I can manage.

    “Okay lang naman, Maximo. But… hmm… I guess you’re right. I should go home. Kanina pang umaga tayo lumabas ng bahay, naghahanap na siguro si Daddy.”
    “Kailangan din talaga muna nating iwan ang dalawa. Baka may importanteng pag uusapan na mas magagawa nila kapag wala tayo…” humalakhak si Maximo.

    Nagtiim bagang ako at nilingon ang bahay. Pinaandar niya ang sasakyan at umalis na kami doon. Inayos ko ang aking seatbelts.

    Ano kaya ang pag uusapan ni Knoxx at Lumi? Ano ang tinutukoy ni Maximo?

    “Hindi nga ako uuwi agad. Magpapalipas na lang siguro muna ako sa bayan at may bibisitahing kaibigan. Para kung sakaling may pag usapan ang dalawa, sila na lang muna…”

    Seriously? Nilingon ako ni Maximo, tila ba tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon ko.

    I slightly smiled. I don’t know how to react but being upset about it surely isn’t a good reaction.

    “Ganoon ba. Well, whatever it is… I hope they settle it…” sabi ko at nanatili ang mga mata sa kalsada.
    “Hmm. By the way, in your stay out of the country for months, did you have a boyfriend?” biglaan niyang tanong.
    “Uh, Uhm… Wala naman… bakit?” mahinahon kong sinabi.
    “Whoa? Really? Hanggang ngayon pala wala ka paring boyfriend? Well, siguro dahil hindi ka naman nagpapaligaw?” natatawa niyang tanong.
    “Uh, well, no… I’m open for suitors…”

    Ilang sandali pa siya bago nagsalita. I actually thought that it’s the end of our conversation but then…

    “Really, Entice?”

    Sumulyap siya sa akin. May makahulugang ngiti sa labi.

    “Well, yes, Maximo…”

    Ngumuso siya at tumango. I want to be bothered by his reaction but I’m too preoccupied with something else.

    Niliko niya ang sasakyan papasok sa aming mansyon. Ang tamang pasasalamat pagkauwi ko ay ang pag imbita ko sa kanya sa loob pero hindi ko ginawa.

    Nang lumabas ako ay hindi ko binanggit sa kanya ang loob ng bahay. Mabigat ang pakiramdam ko at nawalan ako ng gana sa kahit ano.

    “Salamat sa paghatid, Maximo. Salamat din sa araw na ito…”

    Pilit akong ngumiti.

    “You’re always welcome… So… tomorrow, alright?” He said excitedly.
    “Yeah…” matamlay kong sagot.

    Kinawayan ko siya para makaalis niya. He got the hint so he started the engine again. Nakatayo ako sa hagdanan ng aming mansyon at parang nag ugat ang aking mga paa doon.

    Palayo na ang sasakyan ni Maximo ngunit nanatili ako sa hagdanan.

    Nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Maximo, nanatili parin ako doon.

    Para akong nawalan ng gana. Parang naubusan ng lakas. Hindi naman lubos ang pagod ko at hindi rin naman inaantok pero tila naubos ang sigla sa akin.

    Lumi is casual to me this day. Our interaction improved. At kahit na dahil lamang iyon ipinapakita niya kay Knoxx at Maximo na kaswal siyang makitungo sa akin, masaya parin ako. I just want to feel forgiven. I just want her acceptance. I just want to feel that it’s okay… even if it’s not.

    Siguro kaya niyang makitungo sa akin ng maayos kung lalayuan ko si Knoxx. Siguro kaya niyang kalimutan iyon kung nasa kanya ang buong atensyon ni Knoxx.

    This is why today went well because I wasn’t a threat to her.

    Nanuot ang lamig ng lumalalim na gabi sa aking balat. Niyakap ko ang aking braso at sa aking mga palad ay naramdaman ko ang lamig ng aking balat.

    Noong umalis ako, Lumi clearly told me that she wanted Knoxx. She even said that Knoxx is the father of her unborn child. That’s how she desperately wants Knoxx for herself.

    So… for forgiveness, do I give him to her? For forgiveness, do I stop pursuing? Yes. I would.

    Kinagat ko ang aking labi.

    Besides, hindi magiging mahirap para kay Knoxx na mahalin ang kaibigan niyang iyon. Kahit na ang sinasabi niya sa akin ay ako ang mahal niya…

    If he really is in love with me, do I push him away to her?

    Well, I guess. I will find someone else. Bata pa naman ako, ‘di ba?

    Parang kinukurot ang aking puso sa naiisip. Masakit naman talaga dahil gusto ko siya, hindi ba? Mahirap naman talaga kasi pinangarap ko siya.

    Umupo ako sa hagdanan. Naisip ko iyong sinabi ni Maximo na may pag uusapan ang dalawa sa bahay na iyon.

    Natulala ako sa konkretong kalsada sa tapat ng aming mansyon. Nakapangalumbaba ako habang iniisip iyon. Is this really worth it?

    Forgiveness over my heart? I guess so… It’s always worth it. It’s my peace of mind versus my wants… It’s worth it. I guess that’s it. I guess it’s okay to sacrifice it this time. I think it’s realistic that way.

    Habang natutulala ako ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang isang sasakyang nagpark. Probably Hector. Ipapasok siguro mamaya iyang sasakyan niya sa garahe.

    I was prepared to get interrogated by my cousin when his shadow appeared.

    Hanggang tuhod lang ang nakikita ko sa aking pagkakatulala. I was about to talk when the man suddenly squated in front of me.

    Halos mapaatras ako nang nakitang si Knoxx iyon! What the hell?

    Pumungay ang mga mata niya nang tuluyan ko na siyang natitigan.

    Unti unti kong naramdaman ang pag iinit sa aking mga mata. Is it worth it, Entice? To just let go for someone’s forgiveness? But it’s my fault! I did something so wrong! I did it with the intention to hurt! I should pay for it!

    “Hindi ka pa ba inaantok?” tanong ni Knoxx sa mahinahong boses.

    Hindi ako nakasagot. Ni hindi ako nakagalaw man lang. Ang alam ko lang ay sobra sobra ang sakit sa aking lalamunan na hindi ako makalunok.

    “Lika… ihahatid kita sa loob…” aniya.

    Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na sumagot.

    “Si Lumi? Iniwan mo?” sabi ko.
    Tumagilid ang ulo niya. “You know… I want to leave this place so much. Para iwan ang lahat lahat. Para hindi ka na mangamba. To cut my connections to the people. Though…” hinawakan ni Knoxx ang kamay ko. “I admit it. They were close to my heart because they’re all my friends but I can sacrifice them, you know, for someone who’s now inside my heart.” Inangat niya ang tingin sa akin. “But I can’t leave… This is where I’ll find you. This is where you left me. And this is where you’ll come back.”

    Pinaglaruan niya ang mga daliri ko. Gustong gusto ko na itong bawiin para abangan ang luhang nagpalabo sa aking paningin. Pero ayaw ko rin itong bawiin dahil gustong gusto ko ang init na nararamdaman ko sa kanyang kamay.

    “I’m not leaving this place unless you’ll come with me…” marahan niyang sinabi.
    Umiling ako. Marami akong iniisip pero hindi ko maisatinig. Nagkabuhol buhol na ang mga salita sa aking utak.

    Bumuhos ang luha ko at sa sobrang pilit kong huwag huminga ay napahikbi ako.

    Kinagat ni Knoxx ang kanyang labi at binitiwan ang kamay ko. In just one swift motion, he scooped me to his arms. Kumapit ako sa kanyang leeg at hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

    Bahala na.

    Bahala na ito.

    Kung hindi man ako papatulugin ng konsensya ko, bahala na. Edi bangungutin na ako habang buhay!

    “Forgive yourself, please, Entice,” bulong niya sa akin habang inaakyat ako sa hagdanan papasok sa aming bahay.

    Humikbi ako. Doon ko napagtanto, is it Lumi’s forgiveness or mine?

    “I won’t stop until you love me without inhibitions. I won’t stop until you fall so hard you’ll forget…”

    Humigpit lalo ang yakap ko sa kanyang leeg. Naramdaman kong mas lalo niya akong idiniin. Humalakhak siya.

    “There…”

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    The Wonderful Tinago

    Nakapikit lamang ako habang inaakyat ako ni Knoxx sa hagdan papasok sa bahay. Tanging ang mabilis na pintig ng puso niya at ang paghinga ang naririnig at nararamdaman ko.

    Hindi ko inalintana ang posibilidad na makita kami ni daddy, mommy, lola, Hector, o ni Chesca. I let him carry me inside our mansion.

    Naramdaman kong nakapasok na kami nang nanuot sa nakapikit kong mga mata ang ilaw galing sa aming chandelier. Wala pang nag rereact at wala din siyang binabati. Napahinga ako ng malalim.

    Umakyat na siya sa hagdanan at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa leeg niya.

    “Don’t worry, I won’t let you fall…” humalakhak si Knoxx.

    Really? But I think I have fallen in love with you so much, Knoxx.

    Naisip ko tuloy kung tunay bang doon matutulog sa kanila si Lumi. At kung uuwi ba siya ngayong gabi. Not that I want him to sleep in our stables again…

    “Is this your room, Entice?” mahinahon niyang tanong.

    Oo nga pala, hindi niya alam kung nasaan ang kwarto ko. Tumigil siya sa paglalakad. Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong tama naman ang pinuntahan niya.

    Tumingala ako sa kanya. Dinungaw niya ako, his eyes are full of gentleness. Hindi ko halos matanggap na sobrang lambot ng pakikitungo niya sa akin. I could melt.

    Tumango ako. Tumango rin siya sa akin at pinihit ang door handle para makapasok.

    “I can’t be here for long. I’ll leave you immediately, don’t worry.”

    Gusto kong umalma. Lalo na noong hiniga niya na ako sa kama. Dahan dahan ang ginawa niya. Tila ba ay mababasag ako kung hindi siya mag ingat. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingala siya.

    Nakapamulsa siya. He looks satisfied with what he did to me. Kinagat ko ang likod ng index finger ko. I don’t know what to say to him.

    Ginala niya ang paningin sa akin at natigil siya sa aking mga paa. Tiningnan ko rin iyon. I’m still wearing my sandals.

    Humugot siya ng hininga at tinanggal iyon. Isang kalabit lang ang ginawa niya sa bawat isa.

    “Done… I’ll go now…” aniya sabay tingin ulit sa akin.

    Tumango ako ng marahan kahit na ayaw ko siyang umalis. Mapapagalitan kaming dalawa pag naabutan kami nina mommy at daddy na nandito siya sa loob ng kwarto ko.

    “Uhm…”

    Natigilan siya sa paglabas dahil sa bigla kong reaksyon. Ngumuso ako at tumingin sa aking tuhod.

    Bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina. Umupo siya sa aking kama, dahilan kung bakit bahagyang umuga sa may paanan. Hinawakan niya ang aking paa.

    “What is it?” he asked gently.
    “Uuwi ka… uh… sa inyo?” Hindi ko maidiretso ang tanong ko sa kanya.
    “Hmm. Umuwi na si Lumi sa kanila. And I’m sure your dad will be furious if he finds me here… or even just in your living room.”

    Oo nga pala. Iniisip ni dad na ayaw ko kay Knoxx. And yes, at some point I hated him. I didn’t want to be near him. I can’t… but…

    “Don’t worry. I’ll come here tomorrow, pagkatapos kong ayusin ang para sa harvest at pagpunta sa plantation.”

    Inangat ko ang tingin ko kay Knoxx. Kitang kita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi. Damn!

    “Okay…”

    Kinuha ko ang kumot at tinabunan ko ang sarili ko. Kahit na sigurado naman akong tatayo ako mamaya pagkaalis ni Knoxx at pag hindi na ako ganito ka windang.

    Inangat ko ulit ang mga mata ko nang bigla siyang tumayo at walang pasubaling lumapit sa akin. Pinatakan niya ng halik ang aking noo. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa.

    Tumigil siya, malapit parin ang mukha niya sa akin. He then smiled. Tumindig ang balahibo ko. Kung pwede lang akong mas mabaon sa kama ay kanina pa ako nalunod dito.

    Then he kissed me again on the bridge of my nose. This time, napapikit na ako sa sobrang rahan ng kanyang paghalik. His lips were soft and gentle. Nais kong manatili iyon doon. Ang mainit niyang hininga ay nararamdaman ko.

    He stops again and looks at me. I feel like I’m hypnotized. Nanginginig ang binti ko kahit hindi ko naman iyon gamit.

    Then he took another kiss on my lips this time. It’s swift at first. But then he tried to kiss me again, this time deeper. Nawalan na lang ako ng lakas. Tumindig ulit ang balahibo ko. If only I have the guts to pull him closer, then I would.

    “Good night…” aniya.

    Napatango na lang ako. I licked my lips. Damn, it tastes like him.

    Ngumiti siya at naglakad na palayo. Sinundan ko siya ng tingin. Uminit ang pisngi ko nang nakitang ngumisi siya habang sinasarado ang pintuan ng aking kwarto.

    Nang tuluyan na siyang nakalabas ay sinapo ko na lang ang mukha ko. I’m hopeless. This thing with Knoxx is just so hopeless.

    No matter how hard I try to be righteous, I still end up following my heart. And knowing hearts, they lack wisdom.

    “Damn!”

    Hindi ako nakatulog. Oo. Imbes na payapa akong makatulog dahil sa naramdamang seguridad sa ginawa ni Knoxx, hindi ako dinalaw ng antok. Madaling araw na nang naging desperada ako sa pagtulog kaya tinanghali tuloy ako sa pag gising.

    “Siya nga pala, Entice…” ani Manang Leticia habang kumakain ako.

    This is brunch now. I woke up around 11:30 AM, agad akong bumaba para kumain dahil sa gutom.

    “Nagpunta dito si Knoxx kaninang mga alas syete, nagtatanong kung gising ka na…” ani Manang Leticia.

    Halos matigilan ako sa pagkain. He went here! Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti kaya dinaan ko na lang sa pag inom ng tubig para hindi mahalata ni Manang.

    “Tapos?” sabi ko sabay lapag sa inumin.
    “Sabi ko tulog ka pa… Naabutan siya ni Thomas at tinanong kung anong sadya…” Nagkibit ng balikat si Manang.
    “Anong sinabi ni Daddy?”

    This time, I am curious.

    “Hindi ko alam. Lumabas sila ni Thomas para mag usap, e.”

    What?

    “Saan nga pala si Daddy, Manang?”

    Ginabi yata sila kagabi kina Chesca. Gusto daw kasing gumala ni Lola kung saan saan kaya pinagbibigyan nila ang matanda.

    “Hindi ko alam. Nasa rancho n’yo yata. Bakit?”
    Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

    I wonder what my Dad said?

    Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ni Baby Macy. Naabutan ko doon si Chesca na nilalaro ang anak. Kinakarga niya ito at mukhang naghahanda para manood ng TV.

    “Hi, Tita!” sabay kaway ni Chesca sa kamay ni Macy.

    Ngumiti ako at sinalubong si Macy. Iyon ang plano ko ngayong araw para naman maibsan ang pag iisip ng tungkol kay Knoxx.

    Sana pala binigay ko sa kanya ang aking numero. Para naman hindi ako mukhang tanga dito sa kakaisip kung ano na…

    “Wala kang gagawin ngayon?” tanong ni Chesca.
    Umiling ako.

    Nakatingin ako sa TV habang karga si Macy. Siguro ay tinitingnan din ni Baby ang cartoons sa TV.

    “Nasaan nga pala si Hector?”
    “Hmm. Kasama yata si Papa sa rancho. Bakit?”
    “Wala naman…”

    Inubos ko ang oras ko sa pakikipaglaro kay Macy hanggang sa mapagod siya. Pinatulog siya ni Chesca. Sakto namang kinatok kami ni Manang Leticia.

    “Chesca, nandito ba si Entice?”
    “Bakit, Manang?” tanong ko sabay bukas sa pintuan.
    “Nandito ka lang pala. Nag hihintay na si Maximo sa’yo sa baba, may usapan daw kayo?”

    Muntik ko nang makalimutan! Maagap akong lumabas sa kwarto ni Baby. Ni hindi ko na chineck si Maximo sa baba. Nagmadali na ako sa pagkuha ng mga damit na susuotin sa pagpunta namin sa Tinago.

    “Talaga naman, Entice! Dahil lang sa nangyari kagabi, nakalimutan mo na!”

    Nanginginig ang kamay ko habang nag iimpake sa isang maliit na shoulder bag. Nagbihis din ako ng madalian. Nagsuot ako ng romper at sa ilalim nito ay isang itim na two piece.

    Well, this better be good. Huli kong punta sa Tinago ay noong una kong punta dito. Although, I told Joaquin that I’ll join them if I have time, pakiramdam ko naman sila itong walang time dahil sa eskuwela.

    “Eto na…” sabi ko.

    Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan. Nakasalikop ang mga daliri ni Maximo sa kaka antay sa akin. Nakaupo siya sa sofa at napatayo lang nang nakitang pababa na ako.

    “I’m really sorry, Maximo. Nakalimutan ko.”
    “That’s okay. Though, I texted you…”
    Kumunot ang noo ko. “I’m sorry. Hindi ko kasama ang cellphone ko habang nasa kwarto ni Macy.”
    “Oh! You’re with your… uh… niece? Okay lang. I don’t want to disturb…” sabi niya sabay turo sa labasan ng bahay.
    “Oh! No! No! It’s okay. She’s asleep now. I’ve been with her for two hours. Talagang nakaligtaan ko lang ang cellphone ko…”
    “But if you’re busy, Entice. We can reschedule this…” ngumiti siya.

    I feel like I’m not going to be able to reschedule this. Kaya kung kaya ko naman ngayon ay gagawin ko na. Besides, it’s just a little favor. Noon ko pa alam na mahilig talaga si Maximo sa magagandang tanawin.

    “No, it’s okay, Maximo! Besides, I’m ready!”

    Ipinakita ko sa kanya ang bag ko. Umaliwalas ang kanyang mukha. Tumango siya at nilahad ang pintuan ng bahay.

    “Hmm. Okay then. Let’s go?”

    Tumango ako at sumunod na sa kanya palabas. He’s wearing a gray t shirt and khaki shorts. Pinaglalaruan niya ang susi ng kanyang sasakyan noong pababa kami sa hagdanan.

    Bahagya akong napangiti nang may naalala sa hagdanan. Pinatunog niya ang kanyang pick up kaya napawi ang ngiti ko at napatingin ako doon.

    Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

    “Salamat…”

    Pumasok ako sa loob at inayos ang seatbelts. I opened the door for him galing sa loob. He smiled at me but it was quick. Agad niyang pinaandar ang sasakyan, ngayon, seryoso na ang mukha.

    “I’m glad pumayag ka. Akala ko hindi ka na papayag, e.”
    Tumawa ako. “Maximo, I’m true to my word.”
    “Thank God for that, then?”

    Nagtaas siya ng kilay at sumulyap siya sa akin. Tumawa na lang ako. This is a short trip, I might as well enjoy it.

    The ride was smooth and fast. Hindi rin naman kasi kalayuan ang Tinago sa amin. He parked the car near the mahogany trees.

    Sabay kaming lumabas ni Maximo. It’s four in the afternoon at kahit tutok pa ang araw ay hindi na siya ganoon kasakit sa balat. Maganda nang mag swimming ngayon. At pag nainitan ay magpapasilong na lang sa malalaking puno.

    “Kailan ka huling naligo dito?” tanong ni Maximo.

    Papalapit na kami sa talon. Naririnig ko na ang bayolenteng buhos ng tubig.

    “Noong pagbalik ko. Ito ang una kong binisita. I missed it, e.”
    “And I thought this is your first time since you left!” Natatawa niyang sinabi.
    “Nope… I’m sorry…” Tumawa rin ako.

    Nilapag ko sa gazebo ang aking gamit. Naglapag din si Maximo ng tuwalya at damit doon.

    Nanatili ang mga mata ko sa talon. Tuwing pumupunta ako dito, madalas kong naiisip na pwede rin namang ‘di ako maligo. Pero kapag nasa harap ko na ang Tinago, imposibleng mangyari iyon! I am gonna swim!

    Sa gilid ng aking mata ay nakita kong naghubad si Maximo ng t shirt. Hindi ko siya nilingon para mabigyan siya ng privacy. But when he removed his shorts, napatalikod na ako.

    “We have food here too. Just in case you get hungry…” ani Maximo.
    “O… Okay…” sabi ko at bago ko pa siya malingon ay malakas na pagsabog ng tubig ang narinig ko!

    He dived right after he removed his clothes. Now, damn it! I’m wondering if he’s wearing a shorts or not!

    “Ano? Let’s go, Entice!”

    Tumalikod siya sa akin. I can see the muscles of his back. Para siyang professional swimmer kung makalangoy patungo sa baba ng talon.

    “Come on!” sigaw niya nag hinarap ulit ako.

    Napalunok ako at napatango. Then slowly, I removed my rompers.

    For the wonderful Tinago, I will swim.

    I removed my sandals too. Nag aalinlangan pa akong mag dive pero panay ang sigaw ni Maximo sa akin.

    “Come on! Ang ganda dito!” aniya.

    Tumawa ako. I should loosen up, alright? Kaya tumalon ako. Nawala agad ang pag aalinlangan ko nang naramdaman ang malamig na tubig ng Tinago na nanunuot sa aking balat.

    Pinunasan ko ang aking mukha nang umahon ako. Hinanap ko si Maximo at nakita ko siyang nasa paanan ng talon.

    “Dito tayo!” sigaw niya sabay talikod.

    Lumangoy ulit siya palayo at patungo sa likod ng malakas na talon. Kaya linangoy ko ang distansya naming dalawa. Malamig pero hindi ko inalintana iyon.

    Tumigil ako sa paglangoy nang nasa paanan na ng talon. Halos hindi ko na marinig ang sigaw ni Maximo dahil sa lakas ng buhos ng talon. Kita ko siya sa likod ng talon. Umaakyat siya ng bahagya sa mga bato. Para bang balak niyang umupo doon.

    Nilangoy ko ang distansya doon patungo sa kanya at nang naroon na at umahon ay nawala siya sa aking paningin.

    Luminga linga ako. Umikot para hanapin siya. Bahagya pa akong kinabahan sa pagkawala pero laking gulat ko nang bigla siyang sumulpot sa likod ko.

    Napatili ako sa gulat.

    “Gotcha…” he said.

    Lumapit siya sa akin. Umatras ako dahilan kung bakit napahilig ako sa batong uupuan niya sana kanina. He locked me there. Hinawakan niya ang bato, nasa gitna ako ng dalawang kamay.

    “Maximo…” sabi ko habang naghihilamos para mas makakita ng maayos.

  • Kabanata 46Open or Close

    Kabanata 46
    I’m Cold

    Nang nakahanap na ako ng tamang hangin at nakita ko na ng husto si Maximo ay nag iwas ako ng tingin. We are so close and this position is not good.

    “Doon naman tayo!” sabay turo ko malapit sa balsa.

    Hindi ko na siya hinintay na mag react. I immediately went under his arms to swim away. Mabuti naman at hindi naman siya umalma sa ginawa ko.

    Mabilis ang pintig ng puso ko, hindi dahil sa paglangoy kundi para sa isa pang nararamdaman.

    Tumigil ako nang nakaabot sa balsa. Nilingon ko ang talon para hanapin si Maximo ngunit wala na siya doon.

    The image of his back side emerged on the crystal clear water. Halos hindi ako makahinga sa kaba nang umahon siya sa harapan ko.

    Hinawakan niya ang balsa. And like what happened the last time, I got trapped again.

    Ginala ko ang mga mata ko para makahanap ng magandang rason para kumawala. Tinuro ko ang malalaking bato.

    “I want to climb and dive! Can you do that, Maximo?” hamon ko sa kanya para lang maiwala siya sa posisyon naming dalawa.

    But then his eyes is fixed on me. Parang hindi niya ako narinig habang tinititigan niya ako.

    “Of course,” marahan niyang sagot.
    “Then, sige! Tara! Try mo!” maligaya kong sinabi para maitago ang kaba.
    “If I can do it, can I kiss you?”

    Natigilan ako sa gusto niyang mangyari. Definitely, it’s a no!

    Ngumuso ako at sinubukang kumawala ngunit hindi niya ako pinagbigyan. Hindi niya binitiwan ang balsa kahit na anong pahiwatig ko na gusto kong umalis.

    “Is it a yes, Entice?” he asked.

    Napatingin ako sa kanya. Ayaw kong magkaroon ang lamat ang pagkakaibigan namin ni Maximo. But the only way to make him understand is to thicken the blurred lines between us.

    “No… I-I’m sorry…” sabi ko sabay amba ulit na kakawala pero hindi natinag ang kanyang braso.
    “Why not?” he asked.

    Mas lalo niyang nilapit ang kanyang katawan sa akin. His biceps flexed. Imbes na kumawala ay pumirmi ako. i’m sure Maximo whould take the hint if I talk to him properly.

    “Maximo, we’re just friends. And friends don’t kiss…” sabi ko sabay ngisi.

    Pilit akong ngumiti para maibsan ang awkwardness. Nanatiling seryoso ang mukha ni Maximo.

    “Then let’s take it to the next level. I want a kiss, Entice…” aniya sa isang malamig na boses.
    “Maximo…”

    Bago pa ako nakapagsalita ay hinawakan niya na ang aking baba at siniil ako ng halik. Nakapikit siya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at agad ko siyang tinulak.

    Lalangoy sana ako palayo ngunit hinawakan niya ang aking palapulsuhan at ipinako sa balsa. He trapped me again!

    Mabilis ang hininga ko sa sobrang kaba! Hindi ko inasahan iyon!

    “Maximo, please!”

    Pilit akong huminahon ngunit hindi ko magawa. Not when the man I’m with has bloodshot eyes! Pakiramdam ko ay galit na galit siyang bigla sa akin1

    “I don’t want to ruin this friendship-“
    “You ruined it a long time ago!” sigaw niya sa akin. “So kiss me!”

    Pilit niya akong hinalikan kaya sinalubong ko ang mukha niya ng sampal. Ramdam ko sa mga daliri ko ang pagkakadali ng kanyang pisngi hanggang ilong sa isang sabog ng sampal.

    Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at ipinako niya ang mga ito sa balsa!

    “Maximo! Why are you doing this to me?” sigaw ko.

    Hindi ko na kayang kumalma. Not when I can’t move properly!

    “Stay still and let me kiss you again!” sigaw niya.
    “What!? Maximo!”

    Tinulak ko siya ng buong lakas ngunit kulang na kulang iyon. Ni hindi siya natinag sa buong lakas ko. Kung may nangyari man ay iyon ang paghigpit pa lalo ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

    I tried to kick his balls but it didn’t work. Immediately, he locked my legs with his own. Hindi ko inakalang ganito ka lakas ang mga lalaki para hindi ko magawang humakbang man lang para igalaw ang paa ko!

    “Maximo! Tumigil ka na!” sigaw ko.
    “It’s just a kiss, come on! Halik lang ang kabayaran ng lahat ng nangyari! Hindi mo pa magawa? Ha?”

    Nag iba ang kanyang tono. Puno ng poot at hinanakit na iyon ngayon. Hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa pagpupumiglas ko ngunit isa lang ang sigurado ko, his eyes are full of unmeasurable hatred.

    “After what you did, ito lang ang hiningi ko! Tapos hindi mo pa ako mapag bigyan? Come on…”

    Mas lalo niyang diniin ang sarili niya sa akin. Nararamdaman ko na ang kanyang dibdib sa aking dibdib. Patuloy ko siyang tinulak ngunit wala paring nangyayari.

    “Malay mo, baka dito, mapatawad na kita!” aniya habang nanlalaban sa akin.
    “What are you fucking talking about, Maximo?” sigaw ko.
    “Anong ginawa mo bago ka umalis dito sa Alegria?”

    Hindi ako nakapagsalita. Inisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. I have an idea but I refuse to acknowledge it. It’s impossible!

    “You moved because you were guilty, right?” Mariin niyang sinabi. “Right?” Pasigaw na ang huli.

    Napapikit ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay binubudburan ng asin ang sugat na pilit kong kinakalimutan.

    “You were guilty of trying to hurt Lumi! You were guilty because you killed my child!”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanghina ako. Nawalan ng lakas. Maximo… Maximo is the father of Lumi’s child?

    Tumawa siya pero kitang kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

    “You killed my child…” ulit niya.

    Hindi ako makapagsalita. Ayaw lumabas ng mga salita sa aking bibig. I am too stunned!

    “And now you came back like nothing happened! Ginamit mo ang impluwensya ng pamilya mo para makawala sa krimeng ginawa mo! Ha? Bakit?”

    Niyugyug niya ako. Nangilid na rin ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

    “And I trusted you! I thought you’re a nice girl! I thought you’re great! But then you’re not! Tinakbuhan mo ang responsibilidad mo at bumalik ka na malinis na ang lahat!”

    Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw niya.

    “Ano? Kalimutan na lang iyong anak ko? Ha? Kakalimutan mo na lang? Tutal, hindi naman siya pinanganak, e. Nasa sinapupunan pa lang! Kakalimutan mo na lang? And act like nothing happened! You can even fucking face Lumi after that! And now can you face me! Ha? Ngayong nalaman mo na anak ko iyon, kaya mo ba akong tingnan!?”

    Humikbi ako. Mainit na luha ang dumaloy sa aking pisngi. Nakatitig ako kay Maximo.

    “I’m sorry…”
    “Anong magagawa ng sorry mo, ha? Maibabalik mo ba ang anak ko? Ha?” sigaw niya.

    Hinampas niya ang balsa. Napapikit ako ng ilang sandali. Dumilat ako at nakita ko siyang nakatingin na lang sa akin. He looks angry and disappointed.

    “I know hindi ko na maibabalik-“
    “And why did you do that, tell me! I need an answer! I need a reason! I need a valid reason! Bakit mo… Bakit mo kinailangang saktan si Lumi? Nangangati ba ang kamay mo na kailangan mong manakit ng tao? For what reason? WHY?” sigaw niya.
    “Maximo, she… she was there… And she told me-“
    “What? About Knoxx? What? Yes, she likes my nephew! So? What? Is that wrong?! Did you have to hurt her! Ha? Kinailangan ba talaga, Entice?” sigaw niya.
    “She… I know it’s not enough reason but I felt thr-threatened… She-“
    “You fucking know that there’s just no enough reason to hurt other people pero, fuck, bakit mo ginawa!? Ha?”

    Humikbi ako.

    “And you can walk here in Alegria like nothing happened? I despise your family! I despise you! You are evil! Para lang kay Knoxx, kaya mo nang manakit ng inosente-“
    “Maximo, I didn’t know that Lumi’s pregnant. If… If I have known, sana nagpabugbog at nagpasabunot na lang ako-“

    Binalik niya ang kamay niya sa balsa. Natigil ako sa pagsasalita dahil nilapit niya ang mukha niya sa akin.

    “Kahit kailan, hinding hindi mo mababayaran ang lahat ng ito… Kahit kailan, hinding hindi ka makakatulog dahil sa ginawa mo…” aniya.

    Inamoy niya ang aking dibdib. Tinulak ko siya ng buong lakas pero nagpumilit siya. Nakawala na kanina ang mga paa ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sipain siya pero bago ko pa magawa ay isang bagsak ng tubig ang narinig namin.

    Nilingon namin ang pinanggalingan. Wala na kaming nakita.

    Tinulak ko si Maximo dahil nagkaroon ako pagkakataon pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nakita ko si Knoxx sa likod ni Maximo.

    Isang malaking sabog ng suntok sa mukha ni Maximo ang narinig ko. Napaatras si Maximo sa nangyari.

    “Knoxx!” sigaw ko.

    “What the fuck are you doing, Maximo?” sigaw ni Knoxx.

    Umatras si Maximo at umakyat sa balsa. Tumakbo siya sa lupa at tinagilid ang ulo.

    “Ano? Halika dito, Knoxx! Alam kong alam mo na matagal ko nang gusto ‘to, ‘di ba? Halika dito!”

    Tumalon talon si Maximo.

    Fuck!

    Alam kong malakas si Knoxx at maganda ang pangangatawan pero mas mature si Maximo! Kasing tangkad lang halos ang dalawa at kasing laki lang halos ang katawan.

    In one swift movement, umakyat si Knoxx sa balsa. Ang tubig ng Tinago ay dumaloy sa bitak ng kanyang katawan. He’s wearing a black boxers.

    Umatras si Maximo para bigyan ng espasyo si Knoxx. Tumalon talon ito.

    Inangat ni Knoxx ang dalawang kamao. Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya at ang galit ng ekspresyon sa mukha niya.

    “Knoxx!” sigaw ko.
    “Kung hindi ka gusto ni Lumi, sana hindi na nangyari ang lahat ng ito!” sigaw ni Maximo.

    Umakyat ako sa balsa para pigilan ang dalawa ngunit huli na. Nagsimula na sila!

    Nagtapon ng isang suntok si Knoxx. Mabilis kumilos si Maximo kaya agad siyang nakailag. Maximo tried too but Knoxx docked. Patalon talon parin si Maximo habang si Knoxx ay nag aantay ng tyempo.

    “Knoxx! Tama na!”
    “Anong ginawa mo kay Entice!?” sigaw ni Knoxx na punong puno ng galit.
    Tumawa si Maximo… “Do you really wanna know?”

    Kitang kita ko ang pagpula ng mukha ni Knoxx at ang pagsuntok niya ng diretso sa labi ni Maximo.

    “Do not try my patience!” sigaw ni Knoxx sabay suntok pa ng isang beses.

    Lumaban si Maximo pero umatras si Knoxx. Kitang kita ko ang galit kay Knoxx.

    “Knoxx! Please!”

    Nanginginig na ang boses ko dahil sa lamig at sa takot. Halos maiyak na ako habang tinitingnan ang dalawa kaya sumugod na ako kahit mainit pa ang labanan.

    “Ano? Gago! Para lang sa babae? Talaga, Knoxx!? Ganito ka ka babaw?” sigaw ni Maximo sabay dura ng dugo.

    Sumuntok siya at dumapo iyon kay Knoxx. Imbes na tumigil si Knoxx ay mas lalo siyang lumapit at mas lalong naging agresibo.

    “Knoxx!” sigaw ko sabay pagitna sa dalawa.

    Umigting ang panga niya.

    “Anong ginawa mo, Maximo? Tangina tingin mo may pakealam ako sa kahit ano pagdating sa kanya? Ha?” sigaw ni Knoxx.
    “Iyang mahal mo, pinatay ang dapat sana’y pamangkin mo! She’s violent and evil! And you like that? Huh?” sigaw ni Maximo.

    Umigting ang panga ni Knoxx. Nakataas parin ang kanyang kamao kaya lumapit ako sa kanya. Unti unti siyang tumuwid sa pagtayo. His eyes went wide.

    “Knoxx, let’s go… Please?” nanghihina kong sinabi.

    His fist loosened up. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Ang init init ng kanyang palad.

    “Are you okay?”

    Tumawa si Maximo.

    “After all those years of playing with girls, you’re seriously giving me this shit now? And to an undeserving one, huh?”

    Knoxx stiffened again. Hinawakan ko ang kanyang dibdib. Binalik niya sa akin ang kanyang mga mata at unti unti itong pumungay.

    “I’m cold… I want to go…” sabi ko.

    Umigting muli ang kanyang panga at hinaplos niya ang aking balikat hanggang likod. Tumingin ulit siya kay Maximo sa aking likod.

    “If she’s evil, dapat hinayaan niya na lang akong lumpuhin ka,” ani Knoxx sabay dausdos ng kanyang kamay sa aking baywang.
    “Let’s go, Knoxx. Please…”

    Binaba niya ang mga mata niya sa akin. Pumikit siya ng marahan bago tumango.

    Iginiya niya ako malayo kay Maximo. Nanatili si Maximo sa balsa. Tatawa tawa siya habang pinagmamasdan kami.

    “Can you swim?” tanong ni Knoxx.
    Tumango ako.
    “Swim first. Kapag nasa gazebo ka na, ‘tsaka ako susunod,” aniya.

    Gusto kong magsabay kami pero hindi ko na siya sinubukan. I guess that’s the only way I could make him at peace.

    Agad kong nilangoy ang distansyang iyon. Nang nakaahon sa gazebo ay hinanap ko kaagad ang gamit ko. Nilagay ko ang tuwalya sa aking balikat habang nagliligpit.

    Umahon si Knoxx sa gazebo nang nahagilap ko na ang bag at rompers ko. Mabilis niya akong hinila palayo doon. Hindi ko pa naisusuot ng lubos ang sandals ay naglalakad na kami palayo.

    Sa higpit ng hawak niya sa aking kamay ay ramdam ko parin ang galit niya. His Wrangler is parked near Maximo’s pick up.

    Pinagbuksan ako ni Knoxx sa sasakyan. Agad akong pumasok, nagmamadali.

    Hindi niya sinarado ang pintuan. Tiningnan niya muna ako ng mabuti. Nanginginig ako sa lamig. Gusto kong magbihis pero mahihirapan ako dito sa loob ng sasakyan.

    Hinaplos ng kanyang hinlalaki ang aking pang ibabang labi. Napatingin ako sa kanyang kamay.

    “Anong ginawa niya sa’yo?” tanong niya sa isang malamig na boses.
    Umiling ako. I lost my voice. Hindi ako makahagilap ng lakas para magsalita. And I don’t even know what to answer!

    Pumikit siya ng mariin at niyakap ako ng mahigpit. Ang kamay niya’y nakapalupot sa aking baywang at ang kanyang mukha ay nasa aking leeg. Nahulog ang aking tuwalya dahil sa yakap niya.

    Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Nanlalambot ako. Namumuo ang bara sa aking lalamunan.

    Bumuhos ulit ang luha ko. Ano kaya ang nangyari kung hindi siya dumating? Ano kaya ang nangyari sa amin ni Maximo kung wala si Knoxx?

    Ramdam ko ang kanyang ilong sa aking leeg. Ramdam ko ang kanyang labi sa aking dibdib. Diniin niya ang kanyang mukha doon at lumayo pagkatapos.

    “Fuck! Muntik na ‘yon! Fuck!” sigaw niya sabay hampas sa upuan ko.

    Ginulo niya ang buhok niya. He looks so frustrated and angry.

    “Ayos lang ako, Knoxx. Ayos lang ako…” paulit ulit kong sinabi.

    Namumula ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako. He looks exhausted. Umiling siya at nagmura ulit.

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47
    Loyalty
    Nakapagbihis na kami. Nagmamadali si Knoxx dahil ayaw niyang maabutan kami ni Maximo.

    Nanginginig parin ako sa lamig at sa iba pang halu-halong nararamdaman.

    Pinaharurot ni Knoxx ang sasakyan patungo sa mansyon. Pinagbuksan agad kami ng mga guard.

    Nag fa-flashback pa sa akin lahat ng nangyari sa Tinago. Naaalala ko pa ang nakakakilabot na galit ni Maximo sa akin.

    “I’m sorry. I should’ve told you that Maximo’s the father of Lumi’s child…” ani Knoxx nang pinarada ang sasakyan sa harap ng double doors namin.

    Hindi ako nakapagsalita. I was too shocked to even utter a word. Hindi ko rin talaga inakalang si Maximo ang ama ng anak sana ni Lumi.

    Hinampas ni Knoxx ang manibela. Kinalas niya ang kanyang seatbelts at marahas na bumaba ng sasakyan.

    I can see anger and rage in his eyes. Tingin ko ay hindi pa siya tapos. Tingin ko, kumalma lamang siya dahil sa akin.

    Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

    “Babalikan mo ba si Maximo?” tanong ko.
    Umiling siya. “Maaaring wala na siya doon ngayon.”
    “But then you want to find him?”
    “Yes,” mariin niyang sagot.
    “Please don’t. Galit na galit siya, Knoxx. And you know what anger can do…”
    “I’m angry too. Let’s see what it can do…” ani Knoxx.

    Bago pa ako nakaapila ay may narinig na kaming mga yapak sa likod niya.

    “Anong nangyayari dito? Knoxx? Entice?”

    Napatingin si Knoxx sa likod. Nakakunot ang noo ni Daddy habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Knoxx. He looks confused. Tinitigan niya ako sa huli.

    “Tito…” ani Knoxx.
    “What happened to you, Entice? Bakit basa ka at bakit namumugto ang mga mata mo?”

    Dad came to me. Hinigit niya ako sa palabas sa loob ng sasakyan.

    Nagulat ako sa ginawa niya. I can almost sense anger in him. Nasa gilid niya ako. Hawak niya parin ang aking palapulsuhan.

    “Wala lang ito, dad-“
    “Knoxx! What happened? Did you get my daughter in trouble again?” he accused Knoxx.

    Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Knoxx. Yumuko siya at unti unting tumango.

    “I’m sorry, Tito. I didn’t mean to-“
    “Ano na naman ngayon?” Pagalit na utas ni Daddy.
    “Dad!” saway ko sa biglaan niyang galit. “Hindi kasalanan ni Knoxx-“
    “It’s my fault, Tito. I’m sorry,” wika ni Knoxx.
    “Knoxx!”
    “Kung ganoon, hijo… mas mabuti pang umalis ka na muna dito!” mahinahon ngunit may diin na sinabi ni Daddy.
    “Dad! Walang kasalanan si Knoxx. Knoxx, please… I got myself in trouble. It’s not your fault…”

    Sumulyap si Knoxx sa akin at tahimik na pumasok sa kanyang Wrangler.

    Umatras si Daddy at hinila niya ako kasama niya. Ayaw kong sabihin kung ano talaga ang tunay na nangyari dahil ayaw ko nang palakihin ang gulo ngunit ayaw ko ring isipin ni Daddy na si Knoxx ang may kasalanan sa nangyaring ito.

    Palayo na ang sasakyan ni Knoxx nang binitiwan ako ni Daddy. Tiningnan ako ni Daddy mula ulo hanggang paa.

    “What did he do to you?” tanong niya.
    “He’s not at fault! In fact, he saved me Dad. Kaya what you did to him was rude!”
    “He saved you? Hindi ba ay lagi ka na lang umiiyak dahil sa kanya? Siguro ay namumugto ang mga mata ko dahil sa pamimilit mo sa kanya sa iyong pagtingin! Ayaw ko ng ganoon para sa’yo, anak! You deserve better!”
    “Hindi ganoon, daddy! It was Maximo! Si Maximo ang may galit sa akin! And Knoxx was there, he saved me from his rage, daddy! Hindi si Knoxx, kundi si Maximo!”
    “Maximo?” Ngumiwi si Daddy. “What about him?”
    “He’s the father of Lumi’s lost child, Dad! At alam mong ako ang may kasalanan sa pagkamatay ng anak niya. Maximo wants me to pay for it-“
    “Imposible iyon. Si Maximo?” Kumunot ang noo ni Daddy.
    “Yes, he is the father of Lumi’s child! And he wants revenge!”
    “Imposible iyon. He helped you with the harvests, Entice… You…” Umiling siya. Hindi na makapagsalita sa lahat ng naiisip.
    “Anong nangyayari diyan, Thomas?” boses ni Mommy ang narinig ko galing sa mansyon.
    “Then tell me who’s the father of Lumi’s child kung hindi si Maximo?” hamon ko.
    “Hindi na namin pa inungkat iyon. We just want it to be over, Entice.”
    “Now we all know. It’s Maximo Navarro, Dad.”
    “Entice, anong nangyayari?”

    Tuluyang nakalapit si Mommy sa akin. Nakakunot ang noo niya at halatang halata ang pag aalala.

    “He came back for this, Entice?” Parang naliwanagan si Daddy sa kanyang sinabi.
    “Iyon ang sinabi niya…” mahinahon kong sinabi.

    Nagkatinginan si Mommy at Daddy.

    “Entice, you don’t look fine. Where have you been? And Thomas, will you tell me what’s wrong?”
    “Pack your bags. Pansamantala kitang dadalhin sa Manila…” wika ni Daddy.
    Maagap ang pag alma ko. Unang pangungusap pa lang ay umiiling na ako.

    No. Not this time again. I won’t run from it. Kung kailangan kong managot, mananagot ako. Hindi ko kailangan ng proteksyon. This is my fault and it means it is my responsibility.

    “No, dad, haharapin ko ito ngayon…” sabi ko.
    “Entice, this is not your fault…” paliwanag ni daddy.
    Pumikit ako ng marahan. “What happened to Lumi’s child is my fault. That’s the truth…”

    Dumilat ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Daddy. Nakatitig lamang siya sa akin na tila ba’y tinitimbang ang reaksyon ko.

    “I’ll face it. I’m tired of running from it. I’m tired of moving out of Alegria because of it. I’m gonna face it, daddy.”

    Tumango si Daddy at nilingon si mommy. Tumango si Mommy sa kanya. Walang nagsalita pero parang agad silang nagkaintindihan.

    “Entice, huwag ka munang lalabas ng mansyon. I will settle this. I’ll find Maximo, contact the Revamontes, and contact Lumiere. Dito ka lang sa bahay!” ani daddy.

    Naiintindihan ko gustong mangyari ni Daddy. Dahil na rin sa ginawa ni Maximo kanina, mas maigi nga na manatili na muna ako sa bahay para sa kaligtasan ko.

    Nagpahinga ako buong araw sa kwarto. Iniisip ko kung nasaan na si Knoxx at kung natagpuan niya ba si Maximo.

    May kaonting kaba at kirot sa aking puso sa kakaisip sa kanya.

    Sa sumunod na araw na nang naisipan kong lumabas sa kwarto. Hinahatid lamang ni Manang Leticia ang pagkain ko sa kwarto kagabi. Ngayon ay lalabas ako para kumain ng agahan.

    Sa taas pa lang ay naririnig ko ang pilit na bulungan ni mommy at daddy sa baba. Pakiramdam ko ay nag aaway ang dalawa.

    Hindi ako bumaba. Nanatili muna ako sa taas para makinig. Bahagya akong dumungaw at nakita kong naroon din si Hector sa sala, nakikinig sa dalawa.

    “That’s too much, Thomas. Wala namang sinabi si Entice na sinaktan siya ni Knoxx, hindi ba?”

    Nanlaki agad ang mata ko sa bulong ni mommy.

    “They are relatives, Lina. Si Knoxx at Maximo. Kung kayang saktan ni Maximo ang anak natin, maaaring ganoon din si Knoxx.”
    “Tito, hindi ba noong nakipag areglo kayo ay malaki ang tulong ni Knoxx?” singit ni Hector. “You told me that.”
    “He probably cares for the Revamontes too. Ayaw ng mga Revamonte na masira ang pangalan nila.”
    “Pinaglaban niya ang katahimikan ng lahat. He did not push the case against Entice. At least give him that…” ani Mommy.
    “Still, I don’t trust them anymore. Kilala mo ako, Lina. Isang pagkakamali at mahirap ko nang makalimutan. Loyalty, Lina…”

    Hinawakan ko ang railings ng hagdanan. Bababa na sana ako para makisali ngunit kinuha ni Daddy ang jacket. Sumunod si Mommy sa kanya palabas ng bahay.

    Tumayo si Hector galing sa sofa at sumunod na rin sa dalawa. Tinitigan ko ang sofa na iniwan nila. I don’t know what they’re talking about but I feel like Knoxx’s in trouble.

    Mabilis akong bumaba sa hagdanan. Sinilip ko sa bintana kung naroon pa ba sina Mommy at Daddy. Nang nakita kong pinaharurot na ang Jeep palabas ay nagmadali agad ako sa kusina para makalabas.

    I figured the Sedan would be too obvious kung ginamit ko kaya naisipan kong si Abaddon ang sasakyan ko ngayon palabas ng mansyon.

    Sa likod ako dumaan. Sa plantation ako dadaan, titiisin ko ang init ng araw. I want to see if Knoxx is okay. I want to tell him what my father is thinking.

    Tiwala akong magagawan ko ng paraan iyon. Makukumbinsi ko si Daddy na walang kinalaman si Knoxx dito. Gusto ko lang na malaman ni Knoxx ang iniisip ni Daddy.

    Iniwan ko ang tsinelas ko sa kabalyerisa. I don’t need it. Hindi bale nang magpapaa ako. Siguro naman ay makakahanap ako ng masusuot doon.

    “Hiya! Abaddon!” tinapik ko ang likod ni Abaddon para magsimula na siyang bumilis.

    Sumunod siya sa gusto ko. Kumapit ako sa latigo at sa lubid kay Abaddon.

    Nakalabas ako ng mansyon, doon ko lang naisip si Maximo. What if Maximo’s there?

    Mas lalo akong kumapit sa latigo. Mag iingat ako ngayon. Hindi ako bababa kay Abaddon unless makita kong si Knoxx ang nasa loob ng bahay.

    Kitang kita ko ang mga ulo ng nagsasaka na lumilingon sa akin. If this was a normal day, I would greet them. Pero nagmamadali ako ngayon. Halos mas mabilis pa sa hangin ang takbo ni Abaddon kaya doon ako nag concentrate.

    Ilang minuto lang ang binyahe ko at napalapit na ako sa bahay nina Knoxx. Tanaw ko na ang gate at kita ko na ang nakaparadang Wrangler.

    Humina ang takbo ni Abaddon. I’m sticking to my plan. Titingnan ko pa kung si Knoxx ba ang nasa loob.

    Gumapang ang kaba sa aking dibdib.

    “Tao po?” sigaw ko sa gate pa lang.

    Pumasok kami ni Abaddon. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Nag uumalpas na sa kaba ang aking dibdib. Damn it! Kung si Maximo ang narito, talagang wala na ako!

    “Entice?” tumambad si knoxx sa pintuan.

    Nakakunot ang kanyang noo.

    Para akong nabunutan ng tinik sa nakita ko. Hindi ako bumaba kay Abaddon. The first thing I did was smile. Iyon lang. Salamat at siya ang naabutan ko dito. Salamat at walang nangyaring masama sa kanya kahapon.

    “Alam mong delikado, bakit ka pa nagpunta dito?” ani Knoxx at nagmartsa palabas ng bahay. “I can’t find Maximo. He’s just around Alegria at ikaw ay nandito? Anong iniisip mo?”

    Dire diretso ang tanong niya. Bumaba ako para itali si Abaddon. Wala akong tsinelas kaya naghanda na ako para sa sakit na mararamdaman pag apak sa simento ngunit bago pa nangyari ay nasalo na ako ni Knoxx. Binaba niya ako ng marahan.

    “What?” mariin niyang tanong.
    “I’m worried about you. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa’yo kagabi. Hindi ako pinalabas nina Mommy at Daddy.”
    “It was only right! After what happened to Tinago, Entice, dapat lang na doon ka muna!”
    “I want to see if you’re okay. Galit na galit ka kahapon at pakiramdam ko’y hahanapin mo pa si Maximo. Paano kung nagkaharap kayo ulit, ‘di ba?”

    Umigting ang panga niya. Kinuha niya ang tali ni Abaddon at itinali niya iyon sa puno. Hindi siya umimik. It makes me wonder what he’s thinking.

    Nilingon niya ako at bumaba ang mga mata niya sa aking paa.

    “Hinanap ko si Maximo kahapon. Gustong gusto kong basagin ang mukha niya. That’s the only way I’ll be satisfied, Entice.”
    Napalunok ako. “He has all the right to get angry. To seek for revenge. What I did to his child was unforgiveable, Knoxx.”
    Umiling si Knoxx. “He has the right to get angry. Pero wala siyang karapatan na gawin ang ganoong paraan sa’yo! Tell me, anong ginawa niya? He kissed you? And what? Where?”

    Tiningnan niya ang aking leeg, ang aking dibdib, at ang aking mga mata. Kitang kita ko ang pag aalab ng galit sa kanyang mga mata. His eyebrows were thick. It defined his beautiful expressive eyes. At kung galit na siya nito, masasabi ko na talagang mas lalo lamang siyang gumugwapo tuwing ganito.

    “I’m sorry. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam na ganoon.”

    Umigting ang panga ni Knoxx. Natigil lamang ang titigan namin nang may narinig kaming tumunog na cellphone galing sa loob ng kanyang bahay.

    Humugot ng malalim na hininga si Knoxx. Hinilot niya ang kanyang sentido.

    “May tumatawag…” sabi ko.

    Tumango siya at dinungaw ako. He then scooped me in one motion. Kinagat ko ang labi ko.

    “Where’s your slippers?” tanong niya sa kalmadong boses.
    “Iniwan ko sa kabalyerisa. Nagmamadali kasi ako papunta dito…”

    Kinagat ni Knoxx ang kanyang labi. Binaba niya ako sa pintuan at naroon na ang tsinelas ko noon.

    Sinuot ko iyon at mabilis siyang pumasok sa kanyang bahay. Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag. Nilingon niya ako.

    “Yes… Yes… Give me some time. Yes…”

    He looks bored and annoyed. Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa kusina.

    “Yes, I already told you, dad. Yes…”

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    I Love You

    “Yes, yes, I will. Konting oras lang ang hinihingi ko, dad- It’s nothing. I can handle Maximo… Uuwi din ako…”

    Sinundan ko si Knoxx. Agaran niya kasing binaba ang tawag na para bang ayaw niyang makausap ang kanyang ama.

    “Anong sinabi ng Daddy mo?”

    Kinabahan ako doon. Hindi rin kasi makatingin ng diretso si Knoxx sa akin. May naiisip ako pero ayaw kong aminin dahil ayaw ko iyong mangyari.

    “Wala ‘yon…” aniya.
    Lalo lamang akong kinabahan. “Your dad wants you home? Because of this?”

    Umalis si Knoxx sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin. Sa kilos niya, alam kong ganoon na nga.

    Alam kong kaya nang mag desisyon ni Knoxx para sa sarili niya pero natatakot ako para sa gusto ng kanyang mga magulang.

    “That was nothing, Entice…” ani Knoxx.

    Sinundan ko siya sa kabilang dulo ng lamesa.

    Paano na lang kung malaman niya ang iniisip ni Daddy tungkol sa kanya? Paano kung maging si Knoxx ay kasuhan ng pamilya ko? Ano na lang ang iisipin ng kanyang pamilya? He would probably finally decide to just go home.

    He took all the responsiblity from Lumiere down to Maximo.

    “Nothing? I heard you! Pinapauwi ka, ‘di ba?” sabi ko.
    “That’s just nothing to me…”

    Nangilid ang luha sa aking mga mata. Sa pag iisip pa lang na aalis siya dito ay nangungulila na ako. I feel so guilty. Ang puno’t dulo nito ay ako. Kung wala ako, sana ay tahimik sila. Sana ay walang alitan sa pagitan ng mag tiyuhin. Sana ay walang alitan sa pagitan ng magkaibigang Lumi at Knoxx!

    “And if your family finds out that my dad’s kind of blaming you, Knoxx… Anong iisipin nila?”

    Kinagat ko ang labi ko. Tinitigan lang ako ni Knoxx. Hinihintay ang sasabihin ko.

    “I heard him. He told my mom that you are to blame too-“
    “I was to blame too. He was right. Hindi ko agad sinabi sa’yo na si Maximo ang ama ng nawalang anak ni Lumi. I tried my best to protect you, but I couldn’t. I didn’t know that Maximo’s that angry to do that to you.”

    Umiling si Knoxx at nag angat ng tingin sa akin.

    “No, you’re not to blame! Alam ko naman iyon, Knoxx. Maximo is your flesh and blood. And Lumi’s your friend.”
    “Tsss. This is what you get if you follow the rules too much…” aniya.

    Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What rules is he talking about? Huminga siya ng malalim at humakbang palapit sa akin.

    “This is Maximo’s house. Inutos sa akin na sundin siya sa lahat dahil siya ang aking tiyuhin. I want the plantation. I worked hard for it. So I need to follow Maximo’s simple rules, Entice.”

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “It was all simple the first years. Until you came… naging mahirap na lang bigla ang mga patakaran.”
    “What are his rules then?” mahinahon ang boses ko.
    “To let his women in when they need a place to stay or when he’s around. So I did…”
    “His women? Marami siyang babae, kung ganoon? Hindi lang si Lumi?”

    Kinagat ni Knoxx ang kanyang labi.

    “They met because of me. Lumi’s my college friend. One time, pumunta siya dito para bumisita at naabutan niya si Maximo. That’s how they met…”
    “And that’s the start of their relationship?”

    Para akong naliwanagan sa lahat. Maximo is a playboy. But who’s Lumi for him?

    “Not relationship, Entice…”

    Hinagip niya ang takas na buhok at inipit niya sa aking tainga.

    “Then fuck buddy?”

    Napatingin si Knoxx sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at tinaas ang isang kilay.

    Napaisip tuloy ako kung na eenjoy ba si Knoxx sa patakarang iyon noon dahil pwede rin siguro siyang magdala ng babae dito. Judging our first time, I don’t think it was his first time to do that with a girl. Damn it!

    “Nabuntis niya si Lumi. Tinakbuhan niya ba iyon? Days before that happened, hindi ba umalis siya?” tanong ko.
    Tumango siya. “He didn’t know that she’s pregnant. Ilang araw pa, Entice, bago nalaman. Lumi told me about it. I want to reach Maximo pero ayaw niyang sabihin ko. All I can do was to at least take care of her. Kadugo ko ang laman ng tiyan niya, Entice. I would eventually tell Maximo when the time comes but that happened.”

    Nag iwas ako ng tingin. May kaonting tinig sa kaibuturan ko. Matagal ko na itong gustong isatinig pero masyado akong napangunahan ng guilt.

    “Lumi wants you to be the father of her child.”
    “What?” Nagkasalubong ang kilay ni Knoxx.
    Tumango ako. “Sinugod niya ako sa rancho sa mismong araw na iyon. She told me that you two are together at ginugulo ko kayong dalawa.”
    Knoxx licked his lower lip. “And did you believe her? I asked you to be with me in Cagayan de Oro, Entice. Hindi pa ba iyon sapat na dahilan para malamang ikaw ang gusto ko?”

    Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko pero nagpatuloy ako sa sinasabi.

    “She told me that you two were together. That my dad only asked you to tame me and that was all.”
    “You know that. Yes, your dad asked me. Pero hindi niya ako inutusang ligawan ka. Hindi niya ako inutusang dalhin ka sa amin. Hindi niya ako inutusang mahulog sa’yo… Entice, I respect your dad so much pero hindi niya ako mapipilit kung ayaw ko talaga.”

    Nanuyo ang lalamunan ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. Ang init ng kanyang palad ay nanuot sa aking mukha. He licked his lips once again.

    “She… she told me that you two were together.” Tiningnan ko ang aking braso sa eksaktong lugar kung saan ako nakalmot ni Lumi noon. “Nagmarka ang kuko niya rito noon. I was bleeding. She tried to pull my hair kaya tumakbo ako. Her anger was scary. Ang tanging naisip kong paraan para matigil siya ay ginawa ko. I didn’t know that she was carrying a child in her womb. And when she told me that it was your child, Knoxx-“
    “That wasn’t my child, Entice.”
    Nanginig ang boses ko. “I was devastated. Pero agad ko ring nakalimutan. Ang tanging naisip ko ay ang aking pagkakasala. Blood… blood came running down her legs, Knoxx. A lot of it…”

    Nangilid ang luha sa aking mga mata habang nagsasalita.

    “Shh… Shh…”

    Sapo niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako mapakali. Marami akong gustong sabihin. Unti unting bumibigat ang aking puso sa nakaboteng emosyon.

    “She lost a lot of blood that I was positive na nawala ang baby. Ang baby ni Lumi. Ang baby mo. I… I thought you just want me but you had a relationship with Lumi. Before. I thought you chose me but I am going to become a homewrecker. Ang dami. Ang dami kong naisip. But then in the end, ang nakapagpaalis sa akin sa Alegria ay ang aking guilt. That I really did destroy Lumi’s fate. That I really killed her child. Your child-“
    “Shh… That wasn’t my child, En. I’m sorry. I’m sorry you have to go through this. I didn’t know…”
    “Lumi loves you, Knoxx.”
    “Shh… You didn’t tell me exactly what happened a year ago, En. I gave you the space you need because I knox you feel guilty. Sinabi ni Hector sa akin na na trauma ka. And maybe the only way to help you is to stay away. And just wait here…”
    “Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila ni Maximo pero patay na patay si Lumi sa’yo… That’s why she told me that you’re the father of her child, Knoxx-“
    “Shhh. Shh, Entice…”

    His soft lips brushed mine. Natigil ako sa pagsasalita. Nilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Nang naramdaman ko ang mainit niyang dibdib sa aking katawan ay nanghina ako.

    My overwhelming feelings were covered with hypnotizing weakness. Abot abot ang tahip ng aking puso, kasabay ang panghihina ng aking mga buto.

    “Anong magagawa niyan kung ako naman ang patay na patay sa’yo? Huh?”

    Mas lalong lumalim ang kanyang mga halik sa akin. I kissed him back twice. He moaned.

    He scooped my butt. Kinarga niya ako kaya pinalupot ko ng mabuti ang aking braso sa kanyang leeg.

    Pinalupot ko rin ang aking hita sa kanyang baywang. He tried to walk. Napabitiw ako dahilan kung bakit nahagip ng kamay ko ang isang vase.

    Tumigil ako para tingnan ang nahulog na vase. Hindi naman iyon nabasag. Knoxx continued to kiss me. Hinihingal siya habang ginagawa iyon. He did not even care about the vase.

    Dumiretso kami sa sala. Tumitigil lamang ako sa paghalik tuwing kailangan ko na ng hangin. And he would always wait. He would always watch me take a deep breathe. Na para bang hindi man lang siya kinakapos ng hangin.

    He locked the doors. Nanatili ang halik niya sa akin.

    Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. My hands are all over him. Trying to find something in his skin.

    My skin became hypersensitive. Bawat haplos ni Knoxx sa aking puwitan ay para akong kinukuryente. I kissed him back so hard. I bit his lower lip. He moaned again.

    Hinilig niya ako sa dingding. Hindi ko alam kung saang parte na kami ng bahay dahil nakapikit ako.

    Hinilig niya ako doon para mahalikan niya ang aking dibdib. Klase klaseng emosyon ang naramdaman ko sa ginagawa niya sa akin. His lips showered desperate kisses on my neck. Pakiramdam ko hinding hindi siya nasasatisfy sa paghalik sa akin doon. Pilit niyang binaba ang kanyang halik sa aking dibdib.

    Dinala niya ako sa kama. Dumilat ako at nakita kong nasa kwarto niya na kami. Nang nakahiga na ako ay hinubad niya kaagad ang kanyang t shirt. His muscles flexed as he tried to reach out to me again.

    He kissed me again. He slowly parted my legs. He positioned himself in between my thighs. My mouth parted. Lalo na nang naramdaman ko na ang umbok sa gitna niya. Nakaposisyon ito sa mismong dapat nitong paglagyan.

    I can’t help but moan. I felt the liquid heat of desire gushed in between my thighs. Gumapang ang kanyang kamay sa aking dibdib. His hand kneaded my breasts. Dahil sa kiliting naramdaman ko ay hinila ko palapit sa akin. I need more of him. I need more of Knoxx Montefalco. I probably would never be satisfied.

    While he kneaded and molded my precious mountains, hinawakan niya ang dulo ng aking dress. In a swift move, he removed what covered my body.

    Tinapon niya lang iyon at nagpatuloy siya sa paghalik sa akin. Bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib. He unclasped my bra in one move. He covered my breast with his hot mouth. Pilit akong dumilat para tingnan siya habang ginagawa iyon. He licked it. His mouth closed over the tip. Halos mabulag ako sa tindi ng naramdaman ko.

    Sinabunutan ko siya habang ginagawa niya iyon. His other hand played with my other breast. Then he went to that other breast. He covered it with his mouth too. Ang isang kamay ay bumaba sa aking baywang, sa aking balakang, sa aking hita. And there… the piece of cloth in between our touch is offending! It feels rough because of my hypersensitive skin down there.

    Pero sa isang galaw niya ay naibaba niya ang aking underwear. He then touched the folds. Nanghina ang kamay kong nakahawak sa kanyang buhok. I lost all my senses. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang lahat ng ginagawa ni Knoxx sa akin.

    He kissed my lips again. I was too aroused to even kiss back. And he knew that. Kaya pagkatapos ng tatlong malalim na halik ay bumaba ulit siya. At first I thought he’d kiss my two mounds once again but then when I saw him near my thigs, halos mapaigtad ako.

    “Knoxx!” sigaw ko.

    Hinawakan niya ang magkabilang paa ko para mapirmi iyon. Then he plunges in between my thighs. Halos mapasigaw ako nang naramdaman ko ang init ng kanyang halik doon.

    “Knoxx!” I called him again.

    I want him to stop. Not because I didn’t like it but because I am scared. At talagang dapat akong matakot!

    The building pleasure in between my thighs is exquisite. Each flick of his tongue made me moan. Halos salubungin na ng balakang ko ang bawat niyang halik! Pilit ko nang tinatanggal ang aking mga paa sa kanyang pagkakahawak dahil sa nararamdaman sa kaibuturan. But his hands are firm and hard. They wouldn’t even move an inch.

    Hanggang sa nawala na ako sa sarili ko. Klase klaseng emosyon ang naramdaman ko. I am grinding hard against him when I felt it. Halos nawalan ako ng lakas nang naramdaman ko iyon.

    His lips found mine again. I was too exhausted to even kiss him back. Pero patuloy siya sa paghalik sa akin.

    “I love you…” he whispers.

    Bumaba ang halik niya sa aking leeg.

    “I love you…” aniya.

    Then his big hand covered my breast again. He played with the tip. Nagkatinginan kaming dalawa. Mapupungay ang kanyang mga mata. Kinakagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan ako halos napapapikit na rin sa kanyang ginagawa.

    “Do you like it?” he asked.

    Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang kanyang katawan. He’s still his wearing his maong pants. The only thing I’m thinking right now is how much I want to give him pleasure.

    “I want you in, Knoxx…”

    Napaawang ang kanyang bibig. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Pumikit siya ng marahan bago siniil muli ako ng halik.

    Nang tumigil siya ay ako na mismo ang nag hubad ng kanyang pants. I want to give him pleasure. That’s the only thing that’s on my mind.

    When he was completely naked, his hardness rubbed against my swollen flesh. Siniil niya ako ng halik. He kneaded my breasts, too. But then the pleasure in between my thighs just won’t escape my senses.

    When he entered me, halos hindi ako nakahinga. I cried out loud! Dahilan kung bakit nagdahan dahan siya pero hinawakan ko ang kanyang braso. I want him to feel the pleasure. I don’t mind if it’s hurting me. I want him to know that I am his.

    “En…” tawag niya.
    Umiling ako. “Please…”

    Slowly he rubbed his against mine. Ang sakit ay unti unting napalitan ng panibagong pakiramdam. His fingers went down on me. While he’s thrusting, his fingers glided on my folds. Ilang sandali lang, he gave me another mind blowing release!

    “Oh Knoxx!” sabi ko sa kalagitnaan noon.

    Then he went faster and deeper on me. I am completely lost. Knoxx Montefalco owns my heart, mind, and soul.

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49
    My Feelings

    Mahigpit na nakapalupot sa akin ang braso ni Knoxx. Hinaplos ko ang kanyang pisngi habang pinagmamasdan siyang natutulog.

    Pinagod ko yata siya. Napangiti ako.

    I glanced at the wall clock near the window. Tanghali na. Maybe I should cook something.

    Dahan dahan kong tinanggal ang mabigat na braso ni Knoxx sa aking baywang. I don’t want to wake him up. I even want to surprise him with food.

    Hindi ako magaling magluto pero kahit paano ay may alam naman ako.

    Bumangon ako para makapagbihis. Nilingon ko ulit si Knoxx. He’s still fast asleep. I smiled. Unlike what happened the first time, I’m not going to leave him now.

    Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa kusina, tinitingnan ang bawat cabinet para sa mga rekados. Tiningnan ko rin ang loob ng refrigerator.

    For today, I’m cooking adobo. Hindi ako masyadong maalam sa pagluluto pero hindi naman siguro ako mahihirapan kung titingnan ko sa internet kung paano.

    Kumuha ako ng chicken meat sa freezer. Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gagamitin.

    Tinali ko ang buhok ko. I’m getting serious here. Nang nailagay ko na ang lahat ng rekados at pati ang manok sa kaldero ay tinikman ko na. It tastes like how it’s supposed to taste. Nalasahan ko ang toyo at bawang. The chicken’s fresh so it tastes good.

    Napangiti ako nang tinikman ko ang kaonting sabaw nito. Ngunit naagaw ang atensyon ko nang may narinig akong kalabog galing sa hagdanan ng bahay. Nilingon ko iyon at nakita ko si Knoxx na nakabihis na ng maong at t shirt.

    “Shit!” mura niya nang nagtama ang paningin naming dalawa.

    Kumunot ang noo ko. Bakit siya nagpapanic? His hair is still disheveled and he still looks tired.

    “Knoxx?” tanong ko.

    Pumikit siya at tumingala. KItang kita ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

    “Is there a problem?”

    Ang kaninang pagmamadali ng pagbaba ay nagbago ngayon. Marahan na ang bawat hakbang niya ngayon.

    Tinagilid ko ang ulo ko at bumaling sa nilulutong adobo. Pinatay ko ang stove bago siya nilingon ulit.

    Pagkalingon ko ay nasa likod ko na siya. Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking baywang at suminghot siya sa aking buhok.

    “Akala ko umuwi ka na naman…” aniya.

    Tumawa ako.

    “Kaya ba nagmamadali ka pagbaba?” Ngumiti ako at napapikit sa paghalik niya sa aking batok.

    Hinila niya ako patungo sa upuan. Umupo siya roon at tiningala ako.

    “Akala mo umuwi ako? Pinagluto lang kita.” I smiled. “You were so tired.”
    “You left me alone the first time. What do you expect, En? Akala ko umalis ka ulit. And I’m not tired, I’m just really at peace when I’m with you…” aniya.

    Niyakap niya ang aking baywang. Wala akong nagawa kundi ang bumigay. His face tickled my tummy. Pabalik balik niya itong hinalikan pababa. Tumindig ang balahibo ko.

    “Knoxx!”

    I’m still sore. Nakatulog lang siya, parang ayos na ulit. Damn it!

    “Let me stay like this for a while…” he murmured against my tummy.

    Hinayaan ko siyang humilig sa aking tiyan. Dinungaw ko siya at hinaplos ang kanyang buhok. Mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap. He’s getting used to this, huh?

    “Nagluto ako ng pananghalian natin… ‘tsaka ako uuwi pagkatapos. Kakausapin ko pa si daddy tungkol sa opinyon niya sa’yo. I don’t want them to worry about me right now. Lalo na’t masyado pang mainit ang issue tungkol kay Maximo.”
    “We should tell your dad about this…” he murmured against my tummy again.
    “About what we’re doing? Are you crazy, Knoxx? ‘Tsaka na siguro. Kapag maayos na ang lahat. Tingin ko’y magagalit si daddy pag sinabi natin agad.”
    “But we’re doing unprotected sex. You could get pregnant. I want him to know that I’m serious about you. We can get married first before that happens…”

    Lumapad ang ngisi ko. Ramdam ko ang init sa aking puso. Kahit na hindi pormal ang pagkakasabi niya, I was moved by how he’s considering the future. Na hindi lang ito panandalian sa kanya. Na alam niya ang mga posibilidad.

    Tumingala siya sa akin. Like a little boy looking hopeful.

    “Don’t you wanna get married?”

    Parang kinukurot ang aking puso habang tinitingnan siya.

    “Of course, I want to. With you, Knoxx. Pero hindi ba masyado pa tayong bata?”

    Binaon niya ulit ang kanyang mukha sa aking tiyan. Tumawa na ako pero nanginig ang boses ko. Dammit! Nagiging emosyonal ako sa ginagawa niya.

    “You’re young…” aniya.
    “You’re still young too. Don’t act like you’re old.”
    “I’m ready to marry you, though.”

    Oh shit! Tumingala ako para bumalik sa tear ducts ang mga luha.

    I convinced Knoxx to take it slow. Lalo na ngayong sinisettle pa ang issue. Mahirap siyang kumbinsihin pero alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko. He knows that there’s still issues we need to address. Lalo na kay Maximo at Lumi. And probably he also needs to earn the trust of my father.

    Pagkatapos naming kumain ay pareho kaming panay ang sagot sa mga tawag. Manang Leticia called a lot.

    “Entice! Ano na? Anong oras ka bang uuwi? Pinapunta ko na si Pedro diyan!” ani Manang.
    “Manang. Uuwi na ako ngayon. You don’t need to send Pedro here. Chill, okay?”
    “Pag malaman ito ni Thomas, papagalitan na naman ang mga trabahante n’yo…”

    I hate to admit it but she’s right. Parang dati lang. Parang noong tumatakas lang ako.

    Si Knoxx naman ay abala rin sa kanyang cellphone. His family calls him every now and then. Hindi ko alam kung para saan pero tingin ko ay talagang pinapauwi na siya.

    “I’m okay, Mom. I already told that na uuwi rin ako-”

    Natigilan si Knoxx sa pakikinig sa nasa kabilang linya. I wonder what his mother told him. Pumikit siya at umiling. Pagkatapos ay hinilot niya ang kanyang sentido.

    “Fine. Yes… Fine… Okay. Okay.”

    Pagkatapos ng isang tawag ay may tatawag ulit sa kanya. Hinayaan ko siya.

    Nang dumating si Pedro ay sumama na ako. Knoxx said it’s better that way too. Ayaw niyang mag alala si Daddy sa akin.

    “I’ll talk to your dad tomorrow. Huwag muna ngayon. I believe they’re all looking for Maximo. I’ll look for him too. Sa ngayon, I want you to stay in your mansion. Ayaw kong mangamba habang naghahanap sa aking tiyuhin.”
    Tumango ako.

    He kissed on my forehead before we parted. Nang nakauwi ako sa bahay ay pinaulanan ako ng mga salita ni Manang Leticia.

    “Hindi ba ang bilin sa’yo ay manatili dito? Saan ka ba nanggaling? Alam mo namang delikado, hindi ba?”

    Pinalagpas ko ang lahat ng sinabi ni Manang Leticia. I am still in some trance because of what happened between Knoxx and me.

    For the rest of the day, nanatili ako sa bahay. Hinintay ko rin si Daddy na ‘tsaka na nakauwi nang naghapunan na kami.

    “Bukas, pupunta tayo sa munisipyo…” panimula ni daddy.

    Alam ko na na ganito ang mangyayari. Sinabi na sa akin ni Manang Leticia na gagawa daw ng paraan si Daddy para ma settle ang issue once and for all. He wants all the involved parties to be there.

    Nalaman ko rin kasi na wala si Maximo nang isettle nila ito noon. Kaya rin hindi nalaman nina Daddy at Mommy kung sino talaga ang tunay na ama ng dinadala ni Lumi.

    “Anong oras, daddy?” tanong ko.
    “Alas otso ng umaga. Are you ready for it?”

    Masyadong tahimik ang hapag. Nakatingin lamang si Chesca at Hector sa akin. Tila ba napakaimportante ng magiging sagot ko. Ready or not, I’m going anyway. This is how I should face it.

    “Yes.”
    “Anyway, you don’t have to answer all the questions, Entice. We have lawyers to answer their inquiries,” ani Hector.
    “No… I want to answer their questions…” sabi ko.

    Nagkatinginan si Daddy at Hector. Alam kong ayaw nilang magkamali ako sa sasabihin ko. This time, I want to tell the truth. I want to tell the whole story. Para sa wakas ay matutunan ko nang bumitiw.

    “Kung tatanungin ka ba kung sinadya mo iyon, ano ang sasagutin mo?” tanong ni Chesca.

    Natigilan ako. That’s one hard question. Isang bagay na kung totohanan ay mahihirapan akong sagutin. Because although I want to tell the truth, I can’t deny how scared I still am.

    “I did it because I felt threatened…” sagot ko.
    “Threatened?” tanong ni Daddy sabay sulyap ulit kay Hector.

    Napainom ako ng tubig. That’s the truth.

    “Yes, sinadya ko iyon. I opened the gates for the animals because I didn’t have a choice. She chased me. I was bleeding. There’s no one there. At alam kong maaabutan niya ako kung tumakbo ako. The animals were cows and horses, they did not attack Lumi. Tumakbo lamang sila para makalabas. And I take full responsibility for what happened.”
    “You will get sued with that answer, Entice…” ani Hector.
    “It’s already up to them if they will push the case. Hector, I want to finally get over this. If paying for this means going to jail, if they can’t forgive me for what I did, then I’ll face it.”

    Walang nagawa sina Hector at daddy sa gusto kong mangyari.

    Oo, kabado ako. Oo, umiyak ako buong gabi sa posibilidad na makulong ako. Oo, takot na takot ako. But I need to face this so I’ll heal. Maaaring pansamantalang naibsan ang sakit ng sugat noon pero hindi ito maghihilom kung hindi ko haharapin ang puno’t dulo ng problema.

    Maaga akong nagising kahit na halos hindi ako nakatulog. Isang black dress ang sinuot ko. Tinali ko ang buhok ko at nagsuot ako ng wayfarers. This is it. Ito ang araw na malalaman ko kung ano talaga ang para sa akin.

    Alam ko ang pagkakamali ko at handa kong pagbayaran iyon. Humingi na ako ng tawad at ang tanging magagawa ko ngayon ay ang magdasal na sana hawakan ng Panginoon ang puso ni Lumi at Maximo.

    Sabay sabay kaming pumunta sa munisipyo. Papasok pa lang kami sa loob ay namataan ko na ang mga kaibigan ko.

    Si Joaquin, Henry, Drixie, at Heather ay naroon sa labas ng munisipyo. Nagulat ako sa presensya nila. Nilapitan ko kaagad sila sa may hagdanan.

    “Entice! We heard the news…” ani Heather.

    Nilingon ko si Joaquin. Alam kong malapit ang mga Cuevas sa mga Revamonte noon pa man. Siguro ay kay Joaquin rin nila nalaman ang lahat ng nangyayari.

    “Yes…”
    “Good luck! We believe in you…” ani Joaquin sabay hawak sa aking braso.
    Tumango ako. “Salamat.”
    “They won’t file a case, sigurado ako diyan,” ani Drixie.
    “Sana nga… Oh, wala kayong pasok?” tanong ko para maibsan ang tensyon.
    “Dumaan lang kami. Nag aalala kami sa’yo…” ani Drixie.

    Nanginig pa ang boses ni Drixie nang sinabi niya iyon. Ang kulot niyang buhok ay sumasayaw sa bawat pag iling. Niyakap ko siya. Niyakap ko sila, isa-isa. Kahit na nandito ang pinakamasamang alaala sa Alegria, nandito rin ang mga pinakamaganda. These people are one of it.

    “Thank you. I’ll be fine…”

    Iniwan ko na sila doon. Nakita ko rin kasi sa labas ng conference room na naroon na ang ilang Revamonte.

    Malaki ang kanilang pamilya. Nasa labas ang mga tiyuhin o di kaya’y pinsan ni Lumi.

    Si Hector at Chesca ang nasa gilid ko. Si Mommy at Daddy ay nauna sa paglalakad. Sumama si Lola kahit na pinagbawalan na. Ayaw niya akong iwan mag isa.

    Kabado na ako sa labas pa lang. Lalo na dahil may tatlong lalaking Revamonte sa labas ng room. Ang isa ay nasa cellphone, ang dalawa ay nakatingin sa amin.

    Tinanguan ni Hector ang dalawa. Bumati at ngumiti naman ang dalawa.

    “Hindi naman talaga kailangang nandito kami but father told us to join…” anang isang mas nakakatanda.
    Tumango si Hector. “Nasa loob na ba si Don Pantaleon?”
    Umiling ang isa at ngumuso sa likod namin. “Ayan na…”

    Nilingon ko ang matandang Revamonte. He’s wearing a black suit. May kulay brown siyang tungkod. Ang kulay puti niyang buhok ay mahaba at nakatali. May kasama siyang bodyguard, tulad ni Lola.

    “Our lawyers are inside. We should get in…” ani Hector.

    Hindi na ako makahinga sa kaba. Hinila na lang ako ni Chesca sa loob at pinaupo sa isang upuan. Isang mahabang rectangular table ang nakahanda para sa amin.

    Tulad ng sabi ni Hector, naroon na nga ang mga lawyers namin. Ang mga bodyguards namin ay nakatayo sa magkabilang gilid ng pintuan. Nilapag ng aming ibang katulong ang mineral water sa aming lamesa.

    Napatingin ako sa malayong parte ng lamesa at nakita ko roon si Lumi kasama ang isang babaeng kamukha niya. It’s probably her mother.

    Maximo is on the other side. Pinagsalikop niya ang kanyang daliri at pumikit ng marahan.

    Pumasok ang mga taong hindi ko kilala. Hindi na ako makapag concentrate. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa pagkakahalu halo ng emosyon. I’m scared and nervous. Hindi ko alam kung kaya ko ba ito.

    Pumasok ang matandang Revamonte kasama ang anak nitong ilang taon lang ang agwat. That’s Lumi’s father.

    “Magandang umaga, Thomas…” bati ng matandang Revamonte.
    “Magandang umaga din, Don Pantaleon.”
    “Magandang umaga, Dona Valerija…” sabay ngiti niya kay Lola.
    Tumango lamang si Lola. Hindi na sumagot. Hindi ko alam kung bakit.

    Nagsipuan na silang lahat. Ang tanging natitirang nakatayo ay si Don Pantaleon.

    “Simulan na natin ito nang matapos na. Ang akala ko noon ay hindi na ulit tayo magpapatawag ng ganitong pagtitipon, pero isang malaking pagkakamali.”

    Tumawa pa si Don Pantaleon. Nilingon niya ang nasa gilid. Mestizo ang mga Revamonte. Siguro ay nagmana si Lumi sa kanyang inang kulay kayumanggi.

    “Mabuti pa nga, Don Pantaleon. I have here my daughter, Entice Ralene dela Merced Esquivel. And I believe that we also have Lumiere Revamonte, and of course Maximo Navarro, the father of Lumi’s child. Correct me if I’m wrong?” ani daddy.

    Nilingon ni Don Pantaleon si Lumi. Pinagtaasan lamang niya ito ng kilay pagkatapos ay umupo at hinayaan ang mga abogadong magsalita.

    “We are here to settle this once and for all. I will speak for Lumiere Revamontes side. At tulad noon, the story remains the same. Afternoon of September 29, nagkita si Lumiere at Entice sa Rancho dela Merced. Sa loob ng rancho, pinakawalan ng nakababatang dela Merced ang mga baka at kabayo sa kulungan, dahilan kung bakit nadapa si Lumiere Revamonte at nalaglag ang anak nila ni Maximo Navarro…” anang abogado ng mga Revamonte.
    “May I interrupt,” ani Lola. “Gusto niyo bang magsampa ng kaso sa apo ko, Pantaleon?”
    “Kaya nga tayo nandito, para pag usapan iyan…” anang matandang Revamonte.
    “We want to hear your side, Dona Valerija…” anang ama ni Lumiere.
    “No… I don’t want to waste our time explaining here. Kung magsasampa kayo kahit na narinig na ninyo ang eksplenasyon ng apo ko, then what’s the use of all these?”
    “Lola…” sabi ko.

    Natahimik ang lahat sa pagsasalita ko. This is it. Kabado man ako, sasabihin ko ang lahat. My feelings, my point of view, my truth. And if they can’t forgive me, then that’s too bad.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50
    One Reason

    “Tama, nagkita kami ni Lumiere sa Rancho dela Merced, ika-29 ng Setyembre. Hindi siya ang inasahan kong pumunta doon. Magkikita dapat kami ni Knoxx Montefalco,” panimula ko.

    Nanlaki ang mga mata ni Lumi. Nanatili ang tingin ko sa kanya. I’m telling everyone my story. Above all, I’m telling her my side.

    “I was so excited. Kahit alas kuatro pa kami dapat magkita ay naroon ako ng mas maaga. Kobe Marasigan can attest to that. We talked before the incident. Wala nga lang si Koko noong dumating na si Lumi…” sabi ko. “Nagulat ako noong nakita ko si Lumi doon. Dahil hindi naman siya iyong inaasahan kong makita. Paano niya nalaman na naroon ako ay hindi ko alam…”

    Kitang kita ko ang pagpipigil ng luha ni Lumi. Si Maximo ay nakatingin lamang sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Is he upset, angry, or what? It doesn’t matter, though. I’m here telling the story on my point of view.

    Nilingon ko sina Mommy at Daddy, they’re attentive too. Doon ko napagtantong ngayon lang ako nagkwento ng ganito ka detalyado sa kanila. Hindi nila ako pinilit noon na sabihin kung ano talaga ang nangyari. Inintindi nila ako kahit hindi nila alam kung ano talaga.

    “She was already angry when she approached me. Hindi na ako nasorpresa dahil hindi iyon ang unang pagkakataon na sumugod siyang galit sa akin.”
    “You mean this isn’t the first encounter, Miss Esquivel?” tanong ng abogado namin.
    Tumango ako.

    Nagkatinginan ang mga nakikinig. Nanatili ang mga mata ko kay Lumi na ngayon ay punong puno na ng luha.

    “Alam ko na noon na gusto niya si Knoxx. One time, she went to our school. Sinugod niya ako roon. My friends can attest to that too. Joaquin Cuevas, kung kilala n’yo siya. Naroon siya nang nangyari iyon.”

    Kitang kita ko ang pagtitinginan ng mga batang Revamonte. Alam kong kilala nila si Joaquin. Like they said, malapit ang mga Cuevas sa mga Revamonte.

    “Sinugod niya ako sa gymnasium noong may cheering competition. She’s angry because Knoxx asked her to go home. Ayaw ni Knoxx na manatili siya sa bahay-”
    “She has the right to stay when she wants to,” ani Maximo.

    Nagtiim bagang ako. Humilig si Maximo sa swivel chair. Nagpatuloy ako sa sinasabi ko.

    “Natanong mo na ba si Knoxx kung ayos lang sa kanya?” sabi ko dahil sa pagkakairita.
    “Let’s get to the main point!” anang abogado ni Lumi.
    “Sinugod niya ako sa gymnasium dahil doon. Pinagtutulak niya ang mga kaibigan ko. The reason why we made a scene there-”
    “So that’s not the first time you attacked Lumiere Revamonte, Miss Esquivel?” tanong ng abogado ng kabila.
    “She did not attack Lumiere. She responded to Lumiere’s attack. That’s a completely different story. May I ask, nag aaral pa ba itong si Lumi?” sabi ng abogado ko.
    “Hindi.”
    “Then why is she there in the gymnasium? Sa Alegria Community College gymnasium ba ito, Miss Esquivel?”
    “Yes, Attorney.”
    “Then, why were you there Miss Revamonte? To confront Miss Esquivel? May I ask, are you pregnant that time too?”

    Bumuhos ang luha ni Lumi. Marahang pumikit si Maximo sa batuhan ng mga salita.

    “Continue, Miss Esquivel. Doon sa rancho…”
    Tumango ako. “Hindi na ako nagulat sa galit na ipinakita ni Lumi sa akin noong pumunta siya sa Rancho. Tinanong ko siya kung bakit siya naroon.”

    Nagkatinginan kami ni Lumi. Pulang pula na ang kanyang mga mata.

    “Sige, Entice, sabihin mo sa kanila kung paano ikaw ang unang nanakit!”

    Kinagat ko ang labi ko. Umingay ulit sa munting pag uusap tungkol sa sinabi ni Lumi. Yes, it’s true. Ako nga ang unang nanakit. Ako ang nanampal. This is why i feel so guilty the whole time.

    “Sinabi niya sa akin na hindi na pupunta si Knoxx doon. Sinabi niya sa akin na napipilitan lang daw si Knoxx sa akin. Sinabi niya na ang tunay na mahal nI Knoxx ay siya. That Knoxx just wants to please my dad by carrying out his orders.”

    Nanginig ang labi ko. This is it. I am not going to hold back.

    “I was young and naive, yes. Sinampal ko si Lumi dahil sa sinabi niya. I was so mad that she came all the way there just to inform me that. Hindi ba pwedeng hayaan niya na lang akong masaktan kung totoo man ang sinabi niya? Then she told me that Knoxx loved her. Na siya ang ipapakilala ni Knoxx sa parents-”
    “So you started the fight?” tanong ng abogado ni Lumi.
    “It’s clear that Miss Revamonte provoked my client. Miss Revamonte started the fight.”
    “Miss Esquivel, you attacked first? Physically, I mean.”

    Fuck.

    “Yes. I slapped her, Attorney. Hinatak niya rin ang aking buhok. Sobrang sakit ng ulo ko sa ginawa niya. I am no saint. I can’t just stand there and let her pull my hair like that. So I pulled her hair too.”
    “May I remind you that Miss Esquivel didn’t know that your client is pregnant that time,” anang abogado ko.
    “She’s stronger than me. Kaya noong nagkasakitan na kami, dehado ako. Ang matutulis niyang kuko ay nagmarka sa aking braso. Tatlong mahahabang sugat galing sa kanyang kuko ang nasa aking braso. I panicked. Tumakbo ako palayo. Ang tanging makakadivert sa kanyang atensyon ay kung papakawalan ko ang mga baka at kabayo sa kulungan nila.”
    “You are the first one who attacked, then you ran para mabuksan ang kulungan ng mga hayop at madaganan si Miss Revamonte, hindi ba?” tanong ng abogado ni Lumi.
    “It was a quick decision. Anong gagawin mo kung hinahabol ka ng taong mananakit sa’yo? Of course you go to desperate moves. What Miss Esquivel did is a desperate move. She’s in danger,” sabi ng abogado ko.
    “Pinakawalan ko ang mga hayop. Tumakbo sila palayo. Nilalagpasan nila si Lumi. But I guess the pressure got her, that’s why it happened.”
    “The animals were cows and horses. They don’t usually attack humans. These are friendly farm animals. Nagkataon lang na gusto nilang kumawala. If Miss Esquivel wants Lumi to suffer, she should’ve opened the cage of the bulls,” sabi ni Attorney.
    “Kaya ka tumakbo, Miss Esquivel? Kaya ka umalis ng Alegria? We heard lumayas ka talaga sa inyo, because of what happened? You’re guilty. You’re so guilty that you can’t face anyone even your family!”

    Nalaglag ang panga ko. Alam kong dito patungo ang usapan, kanina pa lang. Pero iba parin talaga ang pakiramdam na ibintang sa’yo ng harap harapan.

    “Yes, I am. I am scared. I feel sorry for her baby. I feel so bad. I didn’t know how to accept the truth. Lalo na noong nalaman kong anak nila ni Knoxx iyon. Not that kung hindi iyon anak ni Knoxx, ay wala nang halaga sa akin. Mas lalo lang akong nasaktan sa nagawa ko dahil anak pa ng taong mahal ko ang nagawan ko ng masama.”
    “That’s my child. Not Knoxx’s…” ani Maximo sabay tingin kay Lumi.

    Nagkatinginan ang dalawa. Bumuhos ang luha ni Lumi. Niyakap siya ng kanyang ina. Nilingon ng kanyang ina si Governor Revamonte.

    “She told you that it’s Knoxx’s Montefalco’s child, Miss Esquivel?” tanong ng aking abogado.
    “It doesn’t matter. We’re talking here about the unborn child! Nawala ang bata sa kagagawan ng iyong kliyente. She said she’s guilty. That’s enough!” sabi ng abogado ni Lumi.
    “Yes, I feel so guilty. I regret what happened. I’m sorry, Lumi. I’m sorry, Maximo. I’m sorry… I didn’t mean it. Hindi ko gustong ganoon ang mangyari sa bata. Umalis ako dahil takot ako. I don’t know how to face that responsibility. I am guilty. Hindi ako pinatulog ng nangyari. Pero bumalik parin ako dito sa Alegria. Not just because of my family, but because I want to correct all the wrongs that I did. I know…”

    Humikbi ako. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Kung ano man ang desisyon ngayon, bahala na ang Panginoon. Whatever’s meant to be, it will happen.

    “I know hindi na maibabalik ang lahat. Hindi na maibabalik ang anak niyo, Maximo. Kahit ilang sorry pa ang gawin ko rito. I know that it’s my fault. So whatever you want to give me right now, I’ll take it. Forgiveness, anger, anything. Just let me fight this battle fair and square. Just let me reason out. Because I really didn’t want it to happen. Hindi ko ginustong mawala ang baby. if I have known that Lumi’s with your child, sana ay nagpabugbog ako sa kanya noon…”

    Hinawakan ni mommy ang aking kamay at hinila niya ako palapit sa kanya. She wants me to stop talking already but I’m not yet done.

    “Lumi, I may never know how you feel about your child but please know that I am deeply sorry. Pinagsisisihan ko ang lahat. Bumalik ako ng Alegria para magkaayos tayo. Bumalik ako dito para man lang kahit paano ay maayos ko ang nasira. Dahil alam ko, habangbuhay akong makokonsensya sa nangyari. Even if you forgive me right now, I would always carry the bad memory with me.”

    Nanginig ang balikat ni Lumi habang umiiyak sa kanyang ina. Nilingon ko si Maximo na ngayon ay pulang pula na ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

    “Maximo, I am so sorry. We’ve been great friends. I appreciate you a lot. Salamat sa lahat ng tulong mo. I know it’s too late now but I want you to know that I deeply regret what happened-”
    “Why don’t you tell everyone what happened to you and Maximo, Miss Esquivel? We were told that something happened in Tinago Falls…” sabi ng aking abogado.
    Umiling ako habang tumitingin sa aking abogado.

    Sinapo ni Hector ang kanyang noo. Kitang kita ko ang frustration niya.

    “Kumilos lamang si Maximo ayon sa kanyang nararamdaman. Galit siya sa akin. Galit na galit siya sa ginawa ko. I understand that we all act depending on our emotions. He did that because he’s angry. The same way I opened the gates for the animals, because I’m desperate and angry for Lumi… Naiintindihan ko iyon. It is something that I deserve…”
    “You don’t deserve that, Entice! Huwag mo namang ibaba ang sarili mo ng ganito para lang sa kasalanang iyan. You were provoked! That’s self defense! And she’s on our land! That’s trespassing!” ani Hector.
    “That’s enough…” mababa ang boses ni Don Pantaleon Revamonte.

    Nilingon niya ang kanyang anak para ibigay ang desisyon. Nanatili ang tingin ni Governor sa akin. His eyes are expressive. Ang mahahaba at makurba niyang pilik mata ay mas lalong nagpadepina sa kanyang mga mata.

    “I’ll leave the decision to my daughter, Lumiere Revamonte and the father of the child, Maximo Navarro.”

    Umiiyak pa si Lumi sa balikat ng kanyang ina. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi. Huminga ng malalim si Maximo. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri at pinatong ang kamay sa lamesa.

    “Entice,” panimula niya. “I was so disappointed. Hindi ko alam na buntis si Lumi nang umalis ako ng Alegria. Nalaman ko lamang ng nawala na ang dinadala niya. Inaamin ko, I also blamed myself for what happened. Kung sana ay mas maaga kong nalaman… kung sana ay mas naging responsable ako… siguro ay hindi nangyari iyon. I am sorry. I’m sorry because I tried to put the law in my hands. W should’ve done this the moment you showed up in Alegria. Dapat ay hindi ko na sinubukang bumawi at maghiganti sa sariling paraan.”

    Kinagat ko ang labi ko. I forgive Maximo for what he did. Alam kong masama iyon. Alam kong maaaring napahamak ako kung hindi dumating si Knoxx. But if he can man up and apologize for everything, like me, he still deserves my forgiveness.

    Hindi man maibabalik pa ang relasyon namin noon, dahil sa kamalian ko at kamalian niya, at least I can be casual.

    “Do you want to sue Miss Esquivel for what happened, Maximo?” mababang boses ang gamit ni Governor kay Maximo.

    Nagkatinginan kami ni Maximo. Naririnig ko ang singhap ni Hector sa malayong gilid. Kinakalma lamang siya ni Chesca. Ano man ang desisyon, tatanggapin ko.

    Walang binabatong mga bagay ang Panginoon kung hindi nararapat. Kung kasuhan ako ngayon, ibig sabihin, dapat lang talaga iyon sa akin. That even destiny wants to further investigate about my case. That my apologies and feelings aren’t enough.

    “No…” ani Maximo sabay hilig sa swivel chair.
    “So you mean… naniniwala kang wala siyang kasalanan?” tanong ng abogado.
    “Naniniwala ako na kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang nawala kong anak. She… was young and desperate. I understand what happened. I can see that it can be an accident. But I also acknowledge that she opened the gates on purpose. Hindi ko kakasuhan si Entice. It’s useless.”

    Pumalakpak si Chesca. Siya lamang ang nagkaroon ng ganoong reaksyon. Hinagod ni mommy ang aking likod. Daddy shifted on his chair.

    “Thank you for that, Maximo…” ani Lola.
    “And I am sorry for what happened in Tinago, Entice. I know you were scared of me. You are right. Sinubukan kong hawakan ang batas at hatulan ka sa aking paraan. And you are right that I was only driven by my emotions. I’m sorry…”

    Nakatitig si Maximo sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masaya ako na ganito ang reaksyon ni Maximo. Pero hindi ako nakapaghanda sa reaksyong ganito. I prepared for the worst.

    “Lumi…” ani Lola sa isang seryosong tinig. “I believe that your decision is the most important decision here. Ikaw ang ina, ikaw ang lubos na nawalan, ikaw ang nasaktan ng aking apo. I can hear your plea. I know what it feels like to lose a child. Whatever is your decision, I’m sure Entice will humbly accept it.”

    Huminahon si Lumi. Nakatingin lamang siya sa lamesa. Pinunasan ng kanyang ina ang kanyang pisngi. Kumikinang ang kanyang mukha sa luha. Namumugto na rin ang kanyang mga mata.

    “Hindi ko po siya kakasuhan…” iyon lamang ang sinabi ni Lumi at pagkatapos ay umiyak ulit siya sa balikat ng kanyang ina.

    Tumayo ang matandang Don. Nilingon niya ang mga batang Revamonte. Tumayo agad ang mga ito.

    “That’s it, Third. Dona Valerija, Thomas, Carolina, maraming salamat sa pagdalo. I hope this settles this.”
    Tumayo rin si Lola. Ganoon din ang ginawa ni Hector at Chesca. “Thank you. We’re sorry for the trouble.”
    “Sana ay mawala ang alitan sa gitna ng ating pamilya sa pagkakatuldok nito…”

    Tumayo si Governor. Tumayo na rin si Daddy. Sabay kaming tumayo ni Mommy.

    Naglahad ng kamay si Governor sa akin. Tinanggap ko ito. Parang kinukurot ang puso ko sa nangyari.

    “Thank you. Thank you for the decision. Maximo, Lumi… I know that in your eyes, your opinion of me will never change. But thank you for hearing me out. Thank you for reaching out when I tried to reach out. Sapat na iyon sa akin…”

    Niyakap ako ni mommy. Naunang lumabas si Lola. Sumunod si Don Pantaleon at ang kanyang mga anak. Nanatiling nakaupo si Maximo. Si Lumi ay nanatiling nakahilig sa kanyang ina.

    “Where’s Knoxx, by the way?” bulong ni Mommy sa akin.

    Nilingon ko ang mga abogado na kinakausap ni daddy. Nagsilabasan na ang mga Revamonte habang kami ay nanatili sa loob.

    Umiling ako. “I don’t know…”
    “Umalis na. Pinapauwi iyon sa Cagayan de Oro, e,” ani Maximo.

    Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero nang nakita kong seryoso siya ay kinabahan na ako. Alam kong pinapauwi na nga siya ng kanyang mga magulang. I don’t know if it’s because of what happened or there’s something else but…

    “Maximo, stop the bull…” ani Chesca.
    “After what happened, ngayon pa ba ako magsisinungaling?” Nagtaas ng kilay si Maximo at may kinuha sa bulsa.

    Tinapik niya sa lamesa ang isang sigarilyo. Nilingon ni Lumi si Maximo. Siguro ay maging siya ay nagulat sa sinabi ng lalaki.

    “My sister, Claudine Montefalco, hated me for what happened. And her husband thinks I’ll do something really bad for Knoxx. Kaya bago iyon, pinauwi siya. And Knoxx, the obedient son, obeyed his father…”

    Napatingin si Maximo sa akin habang binubuga ang usok sa sigarilyo.

    “Maximo…” ani Mommy.

    Hinawakan ko ang braso ni Mommy. I think he’s really telling the truth now. Ayaw ko mang magtiwala, nararamdaman kong sa puntong ito, talagang totoo ang sinasabi niya.

    “Why he’s not here for his beloved Entice? There’s only one reason. Dahil nakaalis na siya. Umuwi na sa Cagayan de Oro…”

  • WakasOpen or Close

    Wakas

    “What is so important that you’d have to ignore our calls, Knoxx?” pagalit na sinabi ni Mommy.

    Alam kong malalagpasan ni Entice ang meeting na iyon. She wants this over. It will be over after that meeting. I made sure of that.

    “I told you I’ll be home anytime soon, Mom. Hindi n’yo na kailangang pumunta pa dito!” I said.

    Although I don’t really need to go to the hall, gusto ko lang magpakita para matulungan ang pamilya dela Merced. But now that my mom’s telling me na papunta na sila ni Daddy sa Alegria… and mentioning that they’re just kilometers away, hindi na ako mapakali.

    I have planned everything perfectly. Where I’m heading was so clear to me until this morning. Nang tumawag ang kapatid ko para ibalita sa akin na bumabyahe na ang parents namin patungong Alegria.

    “Isang linggo na iyang anytime soon mo, Knoxx. You are really so stubborn!” ani Mommy.

    I am so tired of being told that way. Alam ko na iyon. Hindi na kailangang paulit-ulit na sabihin.

    “Just tell me kung nasaan kayo. I am waiting here…”

    I finally gave up. Kung patungo na sila sa Alegria ay wala na akong magagawa. Nag co-commute kaya narito ako sa terminal, hinihintay ang bus na maaaring sinasakyan na nila.

    “Bakit mo pinapaabot pa ng ganito? When I told you to go home last week, you should’ve went home the exact day.”

    Hinilot ko ang aking sentido. Damn, I missed Entice’s meeting. Hindi ko alam kung aabot ba kaya iyon ng isang oras o ano. Pero sa tantya ko ay hindi na iyon magtatagal. They will hear out En’s words. Pagkatapos ay magdedesisyon ang mga Revamonte.

    “I told you I have to do some things…”
    “What things are you talking about, Knoxx?”

    Nakahilig ako ngayon sa pintuan ng aking sasakyan. Kanina ko pa tinitingnan ang mga nakarating na bus. Wala naman sina Mommy at Daddy doon. Siguro ay nasa mga susunod pa.

    Noon pa man, magkaibigan na kami ni Lumi. Unang beses akong napunta dito sa Alegria, siya ang unang nakilala ko.

    I enroled myself in Alegria Community College. Ang sinabi kasi ni Daddy sa akin sa Maynila na ako mag-aaral pagkatapos kong mamahala ng ilang taon sa farm. I refused. Gusto kong mag-aral agad. Gusto kong pagkagraduate ng high school, mag-aaral agad ako ng college.

    So I enroled myself in that school. Foreign to the school and the place, Lumi was a blessing. She grew up in Alegria. Kilala niya halos lahat ng malalapitan. Alam niya rin ang mga lugar.

    I hate to admit it but I used her knowledge to get by everyday. Kung saan dadaan na mas malapit patungo sa bahay. Kung saan makakabili ng mga kakailanganin. Kahit sa farming ay maalam siya kaya siya rin ang madalas na tinatanong ko.

    I’m not used to that. Back in Cagayan de Oro, I used to develop romantic relationships with girls, hindi ko inakalang dito sa Alegria hindi na ganoon ang iniisip ko para sa mga babae.

    Though yes, I admit it. Dahil nasama ako sa basketball team ng course ko sa school, naging malapit ulit ako sa mga babae tulad noon. I can play with their hearts if I want to. Kaya lang, iba na ang gusto ko ngayon. I’m more interested with farming, personal growth, stock market, soil, and harvests.

    Hindi ko alam kung bakit nagbago. Siguro iba talaga ang buhay kung nasa syudad ka kesa sa nasa bukid. At ito ang pagbabago ko simula nang tumira ako dito.

    “Yes, yes… The favor you asked me. You know, Montefalco. Mabuting nagtatanong ka sa mga magsasaka para sa lupain n’yo pero iba parin talaga kapag sa eksperto ka magtatanong. Iyang ginagawa n’yo ni Maximo, hindi kayo masyadong kikita d’yan. That’s what my Tito said.”

    Pinapasok ako ni Hector sa kanila. College nang nagkakilala kaming dalawa. Their house is huge. Mansyon ang datingan. Sa bagay, kung may ganito kalaking rancho, talagang ganito rin kalaki ang magiging bahay.

    “Then what should we do?”

    Iniwan niya ako sa baba. Umakyat si Hector sa engrandeng hagdanan. Sa school pa lang, nagkakausap na kasi kami tungkol sa farming. I told him that I’m interested with poultry and cattle ranch. Sila ang isa sa may pinakamalaking rancho dito sa Alegria, so it’s only right to ask him.

    Nakatayo ako sa living room nila. Nilapitan ako ng isang kasambahay at nagtanong kung anong gusto kong inumin.

    “Juice na lang…”

    I smirked. Well, if I am allowed to ask for whiskey? Why not. Kidding!

    Umalis ang kasambahay para kunin ang gusto ko. Naglakad lakad ako para makita ang mga picture frame doon.

    Then I saw Hector’s family pictures.

    From what I know, Hector is an only child. Ang tanging magdadala ng apelyido ng mga dela Merced. His parents died in an ambush. Politics.

    Nakita ko sa isang frame ang batang picture ni Hector kasama ang mga magulang niya. Good times. I can’t imagine life without my Mom and Dad. Buti na lang at may Lola, Tiyahin, at Tiyuhin naman si Hector. Life isn’t that bad.

    Nagpatuloy ako sa pagtitingin hanggang sa natigil ako sa isang picture. There’s a girl on this picture. Mas bata kay Hector.

    Maputi ang babae at mapupula ang kanyang pisngi. Malaki ang ngisi niya habang nakaupo sa isang kabayo.

    Where is this girl now?

    Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko ang mas recent na picture. Hector’s with that girl. They’re in New York. That’s Time Square.

    The girl grew up hot. Whew! Puberty. Shut up, Knoxx. High school pa lang yata ‘to, e.

    Her hair’s flowing waves were so natural. Ang mga mata niya’y malalalim at mapang-akit. There’s an innocent look on her face at first glance. Pero pagtititigan mo siya, you’ll find her really sexy.

    Nilingon ko ang iba pang picture. May isang frame doon na nasa beach iyong babae. Damn, girl! The space in between her thighs made me jump.

    Pulang pula ang kanyang balat dahil sa init ng araw. Ang kulay itim niyang bikini ay bagay na bagay sa kanyang maputing balat.

    Hindi sinabi nI Hector na may relative pala siyang ganito ka ganda. Or am I just… it’s been a while since the last time I touched a girl… natitigang lang talaga siguro ako.

    Tiningnan ko pa ang ibang frame. Siguro ay nasa ibang bansa ang babaeng ito. Westernized. High school siya doon. Knowing kids from the west? I’m not stereotyping but losing their virginity at a young age is usual.

    Bigla akong nairita sa naiisip. I hate the thought of it. God! Ganito na ba ako ka tigang para pati iyon ay kainisan? Because I want her to lose it to me…

    “Tito, this is Knoxx. Siya iyong tinutukoy ko sa’yong…”

    Agad akong napaikot. Halos manlamig ako sa kinatatayuan ko. Ano ba iyong mga iniisip ko kanina! Tangina naman! At si Hector, ang galing tumayming! Kung kailan ako nagpapantasya ‘tsaka naman darating!

    “… kaibigan kong interesado magpatakbo ng rancho.”

    Late 30s or early 40s nang nakilala ko si Sir Thomas Esquivel. Nilingon niya ang mga muwebles sa likod ko.

    Naglahad ako ng kamay sa kanya at bahagyang lumapit. Tinanggal niya ang kanyang salamin at hinilot ang mga mata bago tinanggap ang kamay ko.

    “You’re looking at my daughter’s pictures. That’s my daughter Entice Esquivel…”

    Fuck!

    Pinagpantasyahan ko ang anak ng Tiyuhin ni Hector!

    “Oh! I was bored so I looked at the frames…”

    Nakapamulsa na ako ngayon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Like saying that that girl is off limits. I’m not even allowed to just imagine him inside the CR. Ganoon ka off limits!

    Halos matawa ako sa naiisip ko.

    “Hmm. Pinsan ko iyan, Knoxx. Nasa ibang bansa…” ani Hector.

    Damn it! It’s like they know what I’m thinking! Tumango ako at di na nagpahayag ng interes. Hindi ko naman hinalikan ang picture kanina para maging ganito ka guilty!

    “So… I heard you want to build a cattle ranch?” tanong ni Tito Thomas.
    “Yes… I’m interested. Pero wala akong alam sa mga hayop. I just thought they’re a good source of income lalo na’t hindi kalakihan ang farm lands namin…” sabi ko.
    “He’s the son of Claudine Navarro, Tito. Hindi kilala ni Tito ang Mommy mo, Knoxx. Si tita Lina kasi iyong lumaki dito sa Alegria. Tito Thomas grew up in Manila.”
    “Navarro? Maximo Navarro?”
    “Yes, Tito… That’s my uncle.”
    “Ah! Ikaw iyong tinutukoy niya na mamamahala ng farm? Kasi ayaw noon sa farming, e. Ibang business ang gusto niya,” ani Tito Thomas.

    Tumango ako.

    That’s how I started learning about farm and Alegria. Magaling si Tito Thomas. Mahusay niyang napapalakad ang rancho. Malaki na iyong lupain nina Hector noon pero mas naging malago ang rancho dahil sa kanyang Tito.

    Ang kahinaan lang ni Tito ay sa mga pananim. Na siyang kalakasan naman ng Lola at Tiyahin niya kaya walang problema.

    I learned a lot because of Tito Thomas. Utang ko sa kanya ang ganda ng kita ng plantation namin. Tinuruan niya rin ako kung paano mag alaga ng mga hayop, paano magparami, paano i maximize ang kanilang mga produkto, at marami pang iba.

    So when he asked me to fucking tame his daughter, hindi ko matanggihan.

    Damn it! Oo… Gusto kong tanggihan.

    Because the first time I saw her in the picture, I almost lost my senses. And the first time I saw her in person, I couldn’t sleep at night.

    Almost naked, wet, and very hot… Sa likod niya ay ang talon ng Tinago.

    I would even get fucking hard on my sleep everytime I dream of her kissing me. Tangina. Tatlong araw na sunod-sunod ko siyang napanaginipang hinihingal at nagsusumamong halikan ko.

    In my dreams, I’d kiss her thoroughly. In my dreams, I’d worship every inch of her skin. I’d make her moan. i’d make her grasp the bedsheets tightly as I run my tongue all over her. In my dreams, she’d moan my name so loud. She’s sweating, panting, and screaming… screaming for more. Her eyes filled with desire…

    “Knoxx?”

    Isang mahabang paghinga ang gumising sa akin.

    Pawis na pawis ako. And I’m fucking hard again.

    “What?” pasigaw kong sinabi.

    Tangina. Hindi ko alam kung kanino ako galit.

    “Hindi ka pa gumigising? Gising na, oy!” ani Lumi sabay kalabog sa aking pintuan.

    Umupo ako sa aking kama. Naka lock ang pintuan ko. The bulge on my sweatpants won’t fucking go down.

    I am so fucking done with this. Hindi ko kayang paamuhin ang babaeng iyon kung ako mismo ay ganito ka baliw. Mag iisang linggo na akong nagpapantasya sa kanya kahit sa pagtulog. I can’t go near her! I can’t! To hell with that woman!

    I need to jog, push up… or some hot shower.

    “Hi! Dito ka pala nakatira?” bigla siyang nagpakita sa bahay isang araw
    “Bakit ka nandito?” kalmado kong sagot.

    This girl is interested.

    Sa ilang taon kong paghahalubilo sa mga babae, alam ko na kaagad kung sino ang interesado at sino ang hindi. May ibang hindi nagpapahalata. May ibang nakikipagkaibigan lang. Pero ito… that look on her eyes made me shiver. She’s transparent. She doesn’t mind if I’ll find out how much she likes me.

    Mas lalo iyong naging mahirap! Mas lalo lamang akong susundan ng aking pantasya.

    Shit!

    I have not been this so hard for a girl for the past twenty years or so! Damn it!

    “There’s always that one girl, Knoxx. One girl…” sabi ng pinsan ko habang nag iinuman kami.
    “One girl, huh? Bakit ikaw? Mayroon?”

    Tiningnan akong mabuti ni Rafael. Ngumisi siya at humilig para makausap ako ng palihim.

    “In your life, you’ll get so many hard ons… And it’s just going to be two types of hard ons. Two. Only two types of hard ons. Hard ons for the sexy girls, and hard ons for that one girl. You get me? It’s like… One girl… and the others. Ganoon iyon. That’s how you differentiate it.”
    “It’s not your fucking organ…” anang isang pinsan ko. “It’s your feelings.”

    Humagalpak ng tawa si Rafael. Napangiti lamang ako habang pinaglalaruan ang beer.

    “Dame, we get it! You’re in love… Do you get hard on for the girl that you love?”

    Natahimik si Damon.

    “Oh, eh… tangina. Iyon ‘yon! Hard on for the girl you love. And hard on for the other sexy girls.”
    “Shut up, Rafael! Kung makapagsalita ‘to!” saway ko sa pinsan ko.

    My plan… was to wait for Entice to come back. Malinaw kong sinabi kay Hector na mahal ko ang pinsan niya. Nang umalis siya, gusto kong sumunod sa Amerika.

    But when Hector told me that she’s got it bad, nagdalawang isip ako. She’s traumatized. She’s even scared for Chesca’s pregnancy. Iniisip ni Entice na mapapatay niya ang batang nasa sinapupunan ni Chesca.

    I was angry at what she did. That wasn’t right! But then… that’s for that moment. Pagkatapos kong ihatid si Lumiere sa ospital ay hinanap ko kaagad si Entice.

    She was sorry for it. I want to know why she did it. I want to know how she’s feeling. But it’s too late.

    “I got this, Knoxx. Marami ka nang utang sa akin, ha?”
    “You got this? What? Diyan lang si Entice? Hector, convince her to come back. She can’t just stay there! Iyong pag aaral niya!”
    “My cousin is scared, Knoxx. Takot siya sa kasalanan niya. And tell me, dapat ba siyang matakot?”
    Natahimik ako.
    “Dapat, hindi ba? Dahil totoong kasalanan niya iyon. Let her be scared. Let her recover. We will help her.”
    “I will help her, Hector. You mean wala kang tiwala sa akin?”
    “May tiwala ako sa’yo. Pero pasensya na at isa ka sa nagpapaalala sa kanya sa isang bagay na gusto niyang takasan. Hindi ka niya kailangan ngayon. Kailangan ka niya kapag maayos na siya. Ngayong hindi pa, give her time. I will help her-”
    “Fuck that, Hector! Iuwi mo siya dito-”
    “Iuuwi ko siya diyan. Hindi lilipas ang isang taon, nandyan na ulit siya. Huwag kang mag alala…”
    “Your cousin is young. Her feelings for me might change! Lalo na kapag malayo siya sa akin. Like I would risk this, really? Are you fucking kidding me?”
    “Knoxx…” malamig ang boses ni Chesca na sumali.

    Nasa screen na siya ngayon. Siguro ay kanina pa niya naririnig ang usapan namin ni Hector. Lagi kong sinasabi ito kay Hector noon. Ngayon lang naging ganito ka init ang usapan. I want Entice to come back now. Kung hindi ay ako ang pupunta sa kanya.

    “Isn’t it better if narito siya kapag nakalimutan ka niya? Ano ba ang gusto mo, iyong harap harapang makalimot siya sa’yo o iyong malayo siya?”

    Nanghina ako.

    “If Entice’s love for you will fade, then maybe that’s how it really goes for the two of you…”
    “It can be helped, Chesca. Kung magkasama kami, hindi ganoon kadaling makalimot.”
    “Trust me. When Hector left me, the time and distance didn’t matter. My anger didn’t matter. Because my feelings stayed. If her feelings will stay after a few months of being away from you, then masaya ‘di ba? Dahil matatag. Hindi ba iyan iyong inaalala mo? Na ang bata niyang puso ay makalimot sa’yo? Na pwede pang magbago ang lahat dahil bata pa siya? Now…”

    Fuck… Pinapangaralan ba ako ng dalawang ito?

    I just simply want to nurture her feelings. Ayaw kong magsisi sa huli dahil hindi ko napanatili ang pagtingin niya sa akin.

    “Now you have to prepare your self. We’ll do our best to keep her away from boys that would probably make her forget about you. And you… you have to prepare for the worst. If you forget about her, then kawawa si Entice.”
    “How the hell can you say that to me, Chesca?”
    Halos matawa si Chesca. “Bakit? Si Entice lang ba ang may karapatang makalimot? You can forget her too. Don’t tell me you can’t! You might! You might be the first one to move on, Knoxx. Ngayon… leave everything to fate. If her feelings would stay and yours would… and you meet again. Then that’s good.”
    “Right now, Knoxx. Hayaan mo muna si Entice na makarecover sa trauma niya. She’s innocent and carefree nang bumalik siya sa Alegria. Pero nang umalis ay hindi na ganoon. We want her back to who she was, Knoxx. Kaya habang hindi pa, maghintay ka.”

    I want to reason out. I want to be there too. But I know they’re right. If she’s really traumatized, then seeing me would probably mean Alegria and other things.

    “Hello, Dad? Where are you? I’ve been here for forty-five minutes!”
    “What? Bakit?”
    “What?”

    Luminga linga ako sa terminal ng bus. May dumating na bagong bus at bumaba na ang mga pasahera.

    “What are you talking about? Hindi ba sinabi ko sa’yo na umuwi ka na!? And you bring your girl here. Did you ask permission yet? Huwag kang mag-alala, pupunta rin kami diyan. Just not right now. Your mom is settling things with your Tito Maximo. And while that is happening-”
    “What do you mean? Ibig mong sabihin… Ibig mong sabihin hindi kayo papunta dito?”

    Mabilis akong umikot para makasakay na sa Wrangler. Nag hintay ako para sa wala! My mom and my siblings trolled me!

    “Ah? Hindi naman. Why?” medyo litong tanong ni Daddy.

    Pagkapaandar ko ng sasakyan ay nagpaalam agad ako kay Daddy para makatawag kay Mommy.

    “Mom!”
    “Yes, Knoxx…”
    “Where are you? Sabihin mo sa akin ang totoo?”

    Kahit na alam ko na ang totoo, gusto ko paring malaman ng sigurado sa Mommy ko. She lied para makauwi ako.

    “Uuwi nga sabi ako! Hinintay ko kayo ni daddy sa terminal ng bus! I wasted my time waiting for you!” pagalit kong pangaral sa ina ko.

    Pinatakbo ko ang Wrangler patungo sa municipal hall. Naabutan ko sa labas ang mga Revamonte na nag uusap.

    Before this meeting, I have already talked to Lumi, Maximo… and Tito Thomas.

    Una kong kinausap si Lumi.

    I hate what happened to us. I hate that I’m already so harsh on her. I used to be sweet and appreciative. But something between us changed.

    “Sinabi ko sa’yo noon na tigilan mo na si Entice.”
    “But Knoxx, she killed my baby!”
    “Hating on her won’t make your baby come to life, Lumi! At oo, naintindihan kita. Nagalit din ako sa nagawa niya. And I won’t blame you if you can’t forget! That was your baby. But she regrets it! We can’t turn back the time! All you can do now is decide if you’ll forgive her or not! Kung ayaw mo, at least huwag mo na siyang guluhin!”
    “Knoxx! Hindi mo naiintindihan!”
    “Hindi ko talaga ‘yan maiintindihan! Hindi mo rin ako maiintindihan!”
    “You love her! Kaya ka bias!” sigaw ni Lumi.

    Napagod ako sa kakatingin sa kanyang umiiyak. Alam niya palang mahal ko si Entice.

    “Bakit ka nga ulit pumunta sa rancho noon?” tanong ko sa malumanay na boses.

    Hindi ko sinasabing siya ang dapat sisihin. Ang gusto kong makita niya na hindi lang dapat si Entice ang sinisisi niya. She has to acknowledge her fault too.

    “Knoxx…” humikbi si Lumi.

    Lumapit si Lumi sa akin. Sinadya ko siya sa kanilang bahay para makapag usap kami ng maayos. Hinawakan ni Lumi ang kamay ko.

    “I would never forgive you if you hurt her,” malamig kong sinabi.

    BInawi ko ang kamay ko.

    “Bakit? Bakit sa nangyari sa akin, kaya mong magpatawad pero kapag kay Entice?”
    “You know the answer to that… Sinabi mo na iyon kanina…”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Mas lalo siyang umiyak.

    That was our last talk before the meeting.

    “Where’s Entice, Maximo?” tanong ko nang nakitang nakangiti ang tiyuhin ko.
    “Pumunta sa bahay. Tiningnan siguro kung nasaan ka na… Hindi ka dumating, e.” Ngumisi siya at nagkibit balikat.

    I still can’t trust him. Ano na naman kaya ang binabalak nito? Nag usap na kami ng mahinahon at inamin niya na ang mga kasalanan niya. Pero I still can’t really trust him.

    Sa ngayon, anong magagawa ko? Wala. Hindi ko mahanap si Entice. Bago ako pupunta sa kanila, pupuntahan ko muna ang bahay. Baka naman tama si Maximo.

    Kaya nag drive ulit ako patungo sa bahay. Mabilis ang takbo dahil atat na ako.

    Nang nakita ko ang sedan na nakapark sa labas ng bahay namin ay ‘tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos. Lumabas ako ng sasakyan at nagmadali sa pagpasok sa gate.

    Nakita ko si Entice sa pintuan ng bahay namin. Hindi siya makapasok dahil sarado.

    Nanginginig ang kanyang balikat… narinig ko ang hikbi niya.

    Fuck!

    “Entice!” sigaw ko.

    Nilingon niya ako. Kitang kita ko ang mga luha sa kanyang pisngi. Pulang pula ang kanyang ilong at pisngi. Nanlaki ang mga mata niya.

    Gusto kong magalit. Bakit siya umiiyak diyan? Pero dahil sa mga luha niya, nanghina ako. How I can’t watch her cry… Parang kinukurot din ang puso ko.

    Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Umiyak siya lalo.

    Niyakap ko siya pabalik pero wala nang mas hihigpit pa sa yakap niya.

    “Akala ko umalis ka na! Sabi nila umalis ka na…” nanginginig ang boses ni Entice.
    “Hindi ako aalis nang ‘di ka kasama…” sabi ko at tiningnan siyang mabuti.

    Humihikbi siya dahil sa kanyang pag iyak. Her eyes were wide and swollen. Kinagat ko ang labi ko.

    “Akala ko iniwan mo ako…”

    Pinalis ko ang luha sa kanyang mga mata.

    “I would never do that…” mahinahon kong sinabi.

    Tiningnan ko ang mapupula niyang labi. Inangat ko ang kanyang baba at bahagya akong yumuko para mahalikan siya.

    I kissed her tenderly. She kissed me back. Hanggang sa naging mas agresibo ang kanyang mga halik. I can’t help but moan.

    Binuksan ko ang pintuan ng bahay.

    Nag usap na kami ni Tito Thomas tungkol sa kagustuhan kong dalhin si Entice sa aking hometown. At first, he didn’t like it. He didn’t trust me enough. But I told her that I love Entice. Na pagbalik ko dito sa Alegria, isasama ko na ang mga magulang ko. Mamamanhikan na kami.

    I’m gonna marry her.

    Immediately.

    “Knoxx…” she moaned.

    I love how she can light the fire, tapos sa huli ay manghihina pag masyado na akong nag iinit. Para siyang natutunaw kapag masyado na niya akong naakit.

    “Yes…” sabi ko sabay angat sa kanya.

    She moaned. My hard on is in the right position just in between her thighs. I rubbed it in hers. She moaned again.

    “What is it?” tanong ko habang hinahalikan siya sa leeg.

    Inakyat ko siya sa taas. How I want to do it with her everywhere. Tulad ng mga panaginip ko noon. Sa Tinago, sa Wrangler, sa plantation, sa kanyang Sedan. Damn it!

    And then on my bed… in Cagayan de Oro.

    “I… I love you…”

    Tumigil ako sa paghalik sa kanya. Kitang kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

    “Baka naman dahil hinahalikan kita kaya mo nasasabi iyan?” I smiled.
    “No… Really… I love you…” halos mag makaawa siyang paniwalaan ko.

    Pumikit ako ng mariin bago ko siya hinalikang muli.

    “I love you even more, En…”

    I crushed my hard flesh on her sensitive part. I rubbed it slowly. Panay ang daing niya kaya nilapag ko siya sa kama.

    Unti unti kong hinubad ang kanyang dress. Hinalikan ko siyang muli. My kisses went from her lips to her neck. Sinabunutan niya ang buhok ko at mas lalong diniin sa kanyang balat.

    I like it when she does that. That means she want me in. She’s that aroused.

    Kinagat ko ang labi ko at binalik ang aking halik sa kanyang labi.

    “Knoxx…” she pleaded.

    Bumaba ang kamay ko sa kanyang dibdib. I molded them. I covered one with my mouth. Napaungol ulit siya ng ilang beses.

    I flicked my tongue on its tips. My other hand went down on her panties. Then inside her panties.

    I caressed her folds. Napaungol ako. Damn it! She’s so wet!

    Then she started grinding sa ritmo ng paghaplos ko. Napangiti ako habang tinitingnan siya. Dinungaw niya ako. Hindi na maka focus ang mga mata niya sa akin. She’s lost… completely. To me.

    I removed her panties. I removed my clothes too. Then I continued grinding with my hard on.

    “Knoxx, please…” napapaos na ang kanyang boses.

    Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. She’s bright red now. Paulit ulit niyang hinihingi sa akin ang isang bagay. But damn I love seeing her moan like this… beg like this. I love seeing her so lost to me!

    “Yes, En…” bulong ko.

    Then slowly I pushed myself inside her. Her hot wet insides welcomed me. Then she started grinding. I thrusted inside her slowly ngunit mabilis na ang pacing ng pag grind niya.

    “En, slowly… Or I’m going to climax too soon…” bulong ko sabay halik sa kanyang tainga.

    But she wouldn’t listen. Nagpatuloy siya sa mabilis na pag grind. Hinawakan ko ang baywang niya at pinirmi iyon para matigil siya.

    “Knoxx!” she said, frustrated.

    You want it, huh?

    Then I started doing it fast. The way she wants me to do it… only that… right now, my pacing is faster than hers.

    She moaned so loud. Paulit ulit. Parang nawawala sa sarili. Nanghihina. Hindi ko na kailangang ipirmi ang kanyang baywang dahil hindi na ito gumagalaw.

    Then one moan so loud, I knew. Mas lalo kong binilisan. I want to be with her!

    I felt the waves of pleasure in me. Kumapit ng mabuti si Entice sa aking batok.

    “We’re here…” sabi ko habang bumababa sa eroplano.

    Pagod na ako. Siya, hindi parin nawawala ang energy. Kanina pa siya picture nang picture.

    It’s weird. I don’t take photos here. It’s my home. I’m not a tourist.

    “You’re like a tourist…” sabi ko.
    “I am!” giit niya sabay tingin sa akin ng masama.

    Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang baywang at nilapit siya ng mabuti sa akin.

    “You won’t be a tourist here soon. This is going to be your home.”

    Ngumiti siya sa akin. Her eyes twinkled. Hinalikan ko ang kanyang buhok. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

    “Sinu-sino nga ulit ang susundo sa atin, Knoxx?” tanong ni Entice habang hinihintay namin ang aming luggage.

    Paulit ulit kong sinasabi ang mga pangalan ng pinsan ko kanina. Hanggang ngayon, gusto niya parin na inuulit ulit ko.

    “Silang lahat…” sabi ko sabay kuha sa bagahe.

    Hinawakan ko ang kamay niya. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin nang papalabas na kami.

    Tumigil ako sa paglalakad. Hinila ko si Entice pabalik para matigil din siya sa paglalakad.

    Because there, in front of the three SUVs, were my cousins. Kanina pa sila naghihintay.

    Bumaling si Entice sa kanila. Lahat ng mga mata ng mga pinsan ko ay nasa babaeng dala ko.

    “Finally. Pagkatapos maantala ng… isang taon…” ani Claudette, ang aking nakababatang kapatid.

    I smiled. Bumaling si Entice sa akin.

    “Sila ‘yan? Ang dami…” aniya sabay atras at halos tago sa aking braso.

    Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siyang mabuti. She’s chickening out. Kani kanina lang ay excited pa ‘to. Ngayon, tiklop.

    “Don’t worry… Kaapelyido mo na sila, pagbalik natin ng Alegria…”

    Kumunot ang noo niya at mas lalong umatras. I chuckled. You’re still really so young. But damn it, you made me grow… you made me fall… and so whipped.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

21 Responses to Whipped: Entice (Alegria Girls Series #1)

  1. MAY DESCRIPTION NA RIN ANG WHIPPED! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH BUTI NALANG TALAGA NAPADPAD AKO RITO HUHUHUHU I LOVE YOU QUEEN J! NAGHIHINTAY PO AKO NG UD NG WHIPPED HEHEHEHEHEHHEHEHEHEHHEHEHE SUCCESS OR WHAT IS THE BEST REVENGE CHARING PERO HATE NA HATE KO TALAGA SI LUMIERE! ARGH NAKAKAASAR I WONDER WHAT WOULD BE MY REACTION IF EVER NA MAGKAKASCENE NA SIYA SA WHIPPED :3333333

    Reply
  2. Hi Queen J! First of all, my sincerest thanks for sharing your talent with us. I am a novel reader since my high school years until I reached college and even until now that I am married and already a mother. I have various collection of Filipino novels with different authors. In fact, I have complete copies of Martha Cecilia’s “Kristine Series”. Tangkilin ang sariling atin daw eh! he-he. Just imagine how happy I am when I discovered Wattpad! I was so overwhelmed and mind you, its for free!!! What made my wattpad reading hobby more exciting is that I came across with your stories! When I just started reading wattpad, I was reading mostly english stories. I am not so familiar with wattpad way back then. I did not know there are also lots of interesting tagalog stories in wattpad. When I first read one of your stories, I was so happy especially when I checked your works…Wow!! Kadaghan nako og basahonon oi! to the point nga if mag CR ko, magdala kog cellphone! he-he.

    Karon, everytime makakita kog Trailblazer, c Elijah dayon akong ma rememberan, Alterra ni Hendrix, Mustang ni Logan Porsche ni Brent, Wrangler ni Knoxx and so on….Kada buntag jud na on the way sa akong work, if naa koy makit-an nga ingana nga sakyanan maka remember dayon ko sa imong mga character sa wattpad..ha-ha..

    Grabe, bilib kaayo ko sa imong talent, sa imong writing skills! Addict ko og wattpad, to the point nga akong baby girl, gi name nako og wattpad character! he-he
    Mag twinkle2 jud dayon akong eyes if naay notification sa akong cellphone nga nag update ka…. Imagine, bisan kadtong nag maternity leave ko, if milk time sa akong baby in the middle of the night bisan kaadlawon, if naa kay update kay dli jud nako paugmaan! ha-ha…

    In return sa imoha, I am going to buy all your published books by hook or by crook!

    So……..salamat kaayo ha! May God Bless you always, Queen J!

    Your avid reader,

    nnebtouch

    Reply
  3. WAHHHHH! Finally, I’m hereeeeee! Nakakainggit kasi ‘yong iba sa JSL, nakakapunta sila dito. FD user kasi ako kaya hangga’t hindi pa ako pupunta ng interner shop, hindi ko masususlyapan itong new website ni Queen. Naiispeechless ako, ang ganda ng background. Breathtaking. *Insert hearts emoticon here*

    Reply
  4. Yeey !! Finally nahanap q rin… sheet n marami…. i love u Queen J!!! Baliw na baliw aq sa mga stories na gawa mo to the point na gusto qng pangalanan ang mga future babies q sa mga characters mo especially the Montefalco’s khit wala aqng bf ngpaplano na tlaga aq!! Nd hinahanap q ung lugar na Alegria..dq alam qng nasa somewhere in Cagayan de oro or sa central visayas ba un mtatagpuan…gusto qng magpunta duon kc gusto q i feel ung pnangyarihan ng lugar duon s mga stories mo.!!!khit malayo..pupuntahan qo!!! Bsta i love u na tlaga ..more powers nd thank u for sharing ur talent to us God Bless!!!

    Reply
  5. ang ganda po ng mga stories nyo..nakakaadik..hehe.. favorite writer ko po kau ms. j.. gawa kpa po maraming stories ha..hehe more power po! Godbless u..

    Reply
  6. I really love your stories. Just one question, why are you leaving watty? I have no idea what’s going on in wattpad, but really.. I was just shocked to the point that i got myself hurt from hurting my leg when i read youe update notes. I read the comments, and no sign of what happened. I really love your stories, please go back? If ever you really don’t want, i respect your. One thing. Please think about it? Please go back? I really, still want to open my wattpad because of your updates and you. Your the only reason i learn how to read fast (if that counts) , to appreciate small things, be brave how bad it could be, be strong, fight for the ones you love.. And most of all, how to be a better person. Please go back? I have been reading in wattpad for over 2 years. And those frikkin 2 years was worth it. Because i was reading all your books. You know the first story that i read was Mapapansin Kaya.. My friend told me to download wattpad and read your stories. I read it and i was super amazed by it. Ir wss like missing the goddang days of my life waisting my time playing games, snd not really learning anything from it.. I hope you go bdck to watty please queen j. I hope you’ll be able to read this.. Thank you for all the good stories. ?? lovelots, godbless!

    Reply
  7. waahhh… hindi ka na mkapagpost sa WATTPAD/ huhu sad sobra, di na ako makakapagbasa pa ng story mo, hindi kumpleto yung araw ko kung walang jonaxx story na nababasa ko, parang puyat ako palagi. sa story mo lang pak na pak na ang araw ko.. sana wag ka mawala sa wattpad. dun lang kasi ako makakapagbasa ng story mo.. #QUEENJ

    Reply
  8. Knoxx Montefalco is ???

    Queen J, kahit di ka na magpatuloy sa Wattpad narito pa rin kami para sumuporta sayo. Wherever you go, we follow. We love you!

    Reply
  9. Hi! Ate mamimiss kita sa watty..morning ko lang nabasa yung post mo sa fb at parang nakipagbreak ka saakin nung sinabi mong iiwan muna si watty?..but still i respect you?thank you for all the stories you made for us.. Love u ate J..❤❤

    Reply
    • Hmm…pde po mag online ka muna tapos isave page for offline reading mo kada chapter sa browser ng phone mo. After nun pde mo balikbalkan ung page na sinave mo kahit wala kang internet.

      Reply
  10. Kahit wala kana po sa watty , OK lang kasi susundan p rin po kita , takot ako mamiss lahat ng boys ng stories mo queen hahaha..
    Kahit pa ulit ulitin ko ung pagbabasa OK lang Hindi nkakasawa.. Da best talaga.

    Reply
  11. I love your stories Queen J. Kahit sa ka pa magpost ng stories mo. Susundan kita mabasa lang ang mga gawa mo. Hahaha. Ang mahalaga sakin ay ung patuloy ka pa din nagsusulat at nagbabahagi ng mga stories na kapupulutan ng aral at hugot sa buhay. Nakakainspire at nakakainlove ang mga likha mong kwento. God bless and Good luck.

    PS. Ang cute ng website kahit di pa ganoong katapos. Madali lang din siya inavigate.

    Reply
  12. Great site you have here but I was wondering if you knew of any community forums that cover the same topics discussed here? I’d really love to be a part of group where I can get advice from other knowledgeable individuals that share the same interest. If you have any suggestions, please let me know. Thanks a lot!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>