24 Signs of Summer

Original Story Written: 2008

This story was rewritten. This is the published version. If you wish to buy this version, please visit the Frequently Asked Questions (F.A.Q.) for more information.

  • PrologueOpen or Close

    The Awakening

    Hindi na siya mapakali sa kanyang inuupuan. Ilang buwan si Lex na pabalik-balik sa syudad para magpanggap na nagtatrabaho para sa pinakamalaking project ng Resorts business nila, kahit na ang totoo ay nakikibalita lamang siya sa pagbabalik ni Summer.
    Damn, that girl really did crazy things to his system.
    “Lex, she’s still in the U.S. I’m not really sure kung kailan siya babalik.”
    Hindi na kailangang magtanong pa ni Lex para sagutin siya ni Aliyah no’n.
    Para na siyang sirang plaka sa kakatanong noon. But still, he didn’t mind. He didn’t mind that he’s almost acting crazy over this eighteen-year-old! Gusto niyang ipilit sa sarili na hayaan na ito, let it go, but then it’s not that simple.
    Lahat ng alaala sa summer na iniwan nito ay nanatiling nakatatak sa kanyang utak. He felt shitty almost everyday. He’s always in a bad mood at hindi niya na makilala ang kanyang sariling pamamalakad sa negosyo dahil sa nangyari.
    “Hi, Lex!” bati ng mga babaeng nakakasalubong sa bar. “I heard from Mason, you’re single na raw?”
    Tatlong matatangkad at makikinis na college friends ang naroon sa kanyang mesa. Kasama niya ang iilang kaibigan para di umano’y magsaya at mag loosen up dahil nagmumukha na siyang “grumpy” nitong mga nakaraang araw.
    “Yup! I’m single,” aniya nakatitig sa kanyang inumin.
    He’s slightly disoriented because of alcohol. Ilang shots na rin ang nainom niya at sa bawat lagok ay hindi niya inda ang hapdi nito sa tiyan at lalamunan.
    He then wondered how Summer knew about these alcoholic drinks? Sino ang nagturo sa kanyang uminom? Kaya ba ito natuto dahil nasaktan ito ng lalaki? Because it seems to him that alcohol is her escape, her anesthetic, para mamanhid ang sakit. Bakit hindi iyon gumagana sa kanya? Bakit kahit anong lagok niya ay hindi naman nawawala ang sakit?
    “Ohh! So… walang problema pag nagsayaw tayo ngayong gabi?” tanong ng babaeng nagkakagat ng labi.
    “I’m sorry, I’m still in love with my ex, though.”
    He wasn’t sorry for her. He was sorry for himself!
    “Oh!” may bahid na pagkabigo ang tinig ng babae.
    Walang pagdadalawang-isip na tumayo ang tatlong babae, nagbubulong-bulungan. Wala siyang pakealam sa iniisip ng mga ito. He just wants to be alone. Every fucking night. Kung hindi man lang pala si Summer ang sasama sa kanya ay ‘wag na lang.
    “Ang swerte naman ni Kyla, kung ganoon,” rinig niyang sinabi ng mga babae.
    Napatingin siya sa kanila. It’s not Kyla, miss. Pero hindi na siya magpapaliwanag. Hindi alam ng buong mundo ang tungkol kay Summer. Hindi alam ng buong mundo ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Wala nang mas nakakairita pa doon.
    Tumitig ulit siya sa kanyang inumin. Inisip niya kung paano uminom si Summer. Was she hurt when she left him? Did she drink vodka, tequila to somehow cure the pain? Did it work for her? What if it did? Tulad na lang ng pag gana nito para sa sakit na naramdaman sa ibang naging boyfriend? He hated the thought of it!
    He wants Summer to be his and his alone. He was really going crazy!
    Pinilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa dancefloor. Hindi niya alam kung gusto niya bang makalimot o hindi.
    “Come on, Lex! Dude! Loosen up naman!” anang kaibigan.
    Nilagok niya ang inumin at pagkatapos ay tumayo. Hell, yeah! He’s going to loosen up!
    Nasa dancefloor na siya at namili kaagad ng babaeng makakasayaw. Before Summer, his types were tall and slender. Ngayon ay parang hinahanap-hanap niya na ang katulad ni Summer, iyong hindi matangkad, makinis, maputi, at may umaalong buhok.
    He found a girl like that on the dancefloor. He danced with her. The girl looked pleased. Ngumiti ito sa kanya at nilagay nito ang mga kamay sa kanyang batok. Dinungaw niya ang babae at gusto niyang isipin na si Summer iyon.
    Kahit pumikit siya ay hindi nawawala ang sakit. Kahit anong gawin niyang pagpapanggap na maayos ay nagpupumilit parin ang sakit na maramdaman.
    Naramdaman niya ang kanyang cellphone na nag-vibrate sa kanyang bulsa. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang babaeng kasayaw sa baywang bago kinuha ang cellphone.
    He saw Aliyah’s number on the screen. Natigilan siya sa pagsayaw.
    “Where’s your table?” tanong ng babae.
    Umiling si Lex. “Excuse me. I need to take this call.”
    Hindi na niya nilingon ulit ang babae. Nanlamig ang kanyang tiyan at naisip kung ano ang ginawa kani-kanina lang.
    He felt married to Summer and that was cheating!
    “Fuck!” sinuntok niya ang dingding ng bar pagkalabas dahil sa pagkakairita sa sarili.
    He’s a wreck, alright! How could she last that long? Six agonizing months! Six fucking months!
    “Aliyah…” bungad niya sa tumatawag nang kumalma.
    “Lex, where are you? Bakit ang ingay? Are you in a bar?” his cousin inquired.
    Umalis na nga siya sa loob pero napuna parin ng pinsan. He felt a little screwed thinking that Summer probably knew he danced with another girl. Punyeta, Lex! Tama na!
    “What is it, Aliyah?” he hated how desperate he sounded like.
    Tumawa si Aliyah. How could she laugh freely like that when he’s in grave turmoil right now. Ang sabi nito nang huling tawag ay ‘tsaka lang ito tatawag pag may balita na kay Summer.
    “About Summer, Lex.”
    His heart jumped to his throat. Nagbara ito at hindi siya makapagsalita. Ang nawalang huwisyo dahil sa alak ay agaran ang pagbabalik.
    “Yes?” He hated the anticipation.
    “She’s coming back. Mag-aaral ulit siya sa school this semester. Bukas ang dating niya galing U.S.”
    Holy… the thought of seeing Summer again made him dizzy. Hindi niya alam kung paano maghahanda! Maingat siyang humugot ng hangin bago nagsalitang muli.
    “Okay. Can you update me?” aniya.
    He promised Aliyah that he’s going to stop bugging Summer pagkauwi agad nito sa Pilipinas. Ayaw din niya dahil natatakot siyang kakasilay niya palang dito ay lilipad ulit ito palayo mapalayo lang sa kanya.
    So from afar, he watched her. Her graceful smiles and her soulful eyes. Lahat ng iyon. Sa malayo ay nakita niyang humaba pa lalo ang buhok nito at ang maputi nitong balat ay lalong kumintab.
    Hinilig niya ang kanyang ulo sa backrest ng swivel chair pagkatapos ng ilan pang buwan simula nong nagbalik si Summer sa Pilipinas. Tiningnan niya ang kanyang journal kung nasaan ang 24 Signs. He’s going to complete it. No matter what… Kaya bumuhos ang alaala niya sa nangyari nong nakaraang tag-init…

  • Chapter 1Open or Close

    Chapter 1

    Kahit mainit at masakit sa balat ang araw ay hinihipan naman ng malamig na hangin ang buhok ni Summer. The weather is crazy, dahilan kung bakit nababaliw na rin yata siya.
    Padabog niyang hinila ang kanyang bagahe habang pinipilit na ipirmi ang malaking sombrero sa kanyang ulo. Nilingon niya ang maingay na barge sa likod at ang maalon na dagat sa baba nito. Maingay ang mga tao sa pagmamadali. Maingay din ang mga porter sa pagtatawag sa mga taong kabababa lang ng barge. Good for them. They are obviously here for vacation, she’s not. She’s here because she’s grounded.
    Napamura siya nang medyo natalisod sa heels niyang halatang out of place sa islang ito. Mabilis niyang hinila ang mga earphones sa kanyang tainga na para bang sinisisi sila sa muntikang pagkatalisod. Away From the Sun was on repeat on her playlist and she’s already sick of it. Yes, 3 Doors Down, she has got to make this life make sense!
    Pinatayo niya ang kulay pink niyang luggage habang pinapagpag ang kanyang tuhod. Her maong shorts is kind of dirty. Sa barge niya siguro nakuha ang dumi nito. Ganoon din ang kanyang tuhod. Umupo na lang siya sa kanyang luggage at humalukipkip. She’s totally screwed in this boring island! Kung bakit pa kasi siya nagpakabaliw?
    Kinuha niya ang notebook na kanina niya pa sinusulatan. This piece of crazy shit should lead her to the right place. It should! Life shouldn’t be about romantic love, but she can’t seem to get rid of it. Kaya heto at gumawa siya ng batayan para sa susunod na maaaring mangahas na pumasok sa buhay niya. She made 24 impossible signs that will hopefully tell her that he’s the right guy. Yes, it is crazy! Imposible ang mga bagay na ito at talagang sinadya niya iyan para hindi na ulit siya mahumaling sa isa na namang posibleng gagong lalaki na siyang magpapaguho sa mundo niya. She needs to be wiser. They say it comes with age. Siguro ay talagang masyado pang bata ang 18 years old dahil hanggang ngayon, hindi parin siya wais sa buhay.
    “Pag birthday mo, ibig sabihin malapit na ang Summer!” Her cousin Bridgette told her.
    Totoo. Kaya nga siya pinangalanang Summer dahil ipinanganak siya sa mga araw kung kailan magsisimula na ang summer. And the destruction of her life was also on that fateful birthday. Her 18th birthday to be exact.
    “You came, Gette!”
    Bineso niya si Bridgette at napatingin siya sa braso nito. Kasama nito ang kanyang boyfriend na si Rico. Hindi pa niya ito nakikilala dahil masyado siyang naging abala nitong nakaraang buwan.
    “This is Rico,” sabay turo ni Bridgette sa boyfriend na agad nag lahad ng kamay at ngumiti pabalik kay Summer.
    Kalaunan ay ipinakilala na rin ni Gette ang boyfriend sa dalawa pa nilang pinsan na si Aliyah at Nadine. They are with their boyfriends too. Ang boyfriend ni Nadine, si Daniel na isang German. Samantalang si Aliyah naman ay may boyfriend na Fil-Am, si Christian. Mas matanda si Nadine at Aliyah sa kanila ni Bridgette ng tatlong taon. Arianne Summer looks up to them back in high school. Hanggang ngayon parin naman. Nalayo lang sila sa kanila ni Gette nong umalis ang mga ito patungong New York. High School pa sila noon.
    Summer’s family is in New York. Ang nandito lang ngayon ay ang kanyang mommy at daddy. Ang ate at kuya niya ay parehong nag-aaral at nagtatrabaho na sa ibang bansa. Dual ang kanyang citizenship. Dito lang siya sa Pinas pinag-aral ng college. And also, she chose to be here because she likes it here.
    “I still can’t forget Aliyah, Summer.”
    Ngumiwi ang bestfriend niya nang puntahan niya ang mga ito sa kanilang mesa.
    Summer was about to comment on Lauren’s beautiful champagne-colored dress. But then her bestfriend is always annoyed with her cousins, nahirapan siyang aluin ito habang tumititig sa mga kinaiinisan. Hindi nito maialis ang mga mata sa mga pinsan ni Summer na minsan na di umanong nang agaw ng boyfriend.
    “God, Lauren, that was ages ago!” sabi ni Summer sabay irap.
    Tumango siya kay Kevin na nasa tabi nito pero nakikipag biruan sa mga lalaki. Kevin smirked and winked at her. He could not hide his attraction to her even in front of his girlfriend na si Lauren.
    “Still…” Iling ni Lauren kay Summer at kumunot ang noo.
    Nakita nitong sinulyapan ng boyfriend si Summer ng isa pang beses.
    “Okay, I’ll leave you. Pupuntahan ko muna ang kabilang table,” paalam ni Summer pagkat ayaw niyang makaramdam ng ganoong klaseng awkwardness sa dalawa.
    “You’re beautiful, Summer,” ngiti ni Kevin sa kanya bago pa nakaalis.
    “Thanks, Kev.”
    Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad, dahan-dahan upang di madapa sa gown.
    Kevin is her ex. And now, he is Lauren’s present. Awkward man ay wala siyang magagawa. Besides, they were over years ago. High school nang naging sila ni Kevin. Two years and then he hooked up with another girl so they broke up. That was her first heartbreak ever. Doon niya rin nakilala ang alak galing sa mga pinsan niyang sina Aliyah at Nadine. She’s tried them all to heal and forget the pain and she realized that it can only give her temporary relief. The pain existed in her heart for years. They didn’t have proper closure but when she met Dave, she did not think they needed one.
    Dave is different. He’s perfect! Matangkad, may matangos na ilong, gentleman, basketball player, smoking hot and name it… Summer’s long wavy and soft hair, red lips, and fair skin caught his attention. Nang nakilala nito ang dalaga ay nahulog agad ito. Summer fell too and it was all perfect. Their relationship was the best. Both popular. Halos lahat ng mga tao sa university ay nakatutok sa relasyon nilang dalawa. They used to wear same pair of sneakers and random schoolmates would comment about their cuteness as a couple.
    Marami na ang nanligaw sa kay Summer at hindi siya nag si-settle sa kahit kanino lang lalo na pag alam niyang ginagawa lang siyang trophy. Sabihin na lang natin na marunong siyang kumilatis ng tao. That’s what she thought!
    Dave got in on Pinoy Big Brother House. Siya ‘yong tipong nakakabali talaga ng mga leeg ng babae, galing sa sikat at mayamang pamilya, at suki ng mga offer sa commercial ads. He used to model too. But this time, he’s going to be seen on TV! That was different.
    Halu-halo ang emosyon na naramdaman ni Summer nang pumasok ang binata doon. Takot, excitement, saya, at lungkot. Takot dahil mas lalong magiging sikat ang boyfriend niya! He’s eighteen and disturbingly gorgeous.While on the other hand, she’s only seventeen! Malungkot dahil ma mi-miss niya ito ng sobra. Masaya at excited dahil may bagong mangyayari sa buhay nila.
    Dalawang linggo pa lang sa Pinoy Big Brother House nang naramdaman niya at ng sambayanan na may namumuong kung ano sa kanila ng isa pang housemate na si Lindsay. Chinita si Lindsay at galing rin sa marangyang pamilya. Kutis porselana, tulad ni Summer. May mahaba at straight na buhok taliwas sa kanyang katamtaman ang haba at umaalon.
    Araw-araw ay tutok si Summer sa TV para panoorin sila. ‘Yong pagsandal ni Lindsay sa balikat ni Dave at ang pag ngiti ni Dave tuwing nag-uusap sila ni Lindsay. She’s seen it all on TV. Ang unti-unting pagkaka-develop-an ng dalawa, right before her eyes! Palaging naiiyak si Summer tuwing nakikita silang dalawa. And when they both went out of the house, Lindsay as the winner and Dave as one of the top four, hindi niya alam kung masaya ba siya o hindi!
    When Boy Abunda asked Dave about his rumoured non-showbiz girlfriend, he denied Summer Arianne Romero! In front of the Philippine Television, he denied her!
    “Wala po kami no’n. She’s just an old friend.” Ngingisi-ngisi pa si David sa set ng The Buzz.
    Hindi lang hagulhol at pagwawala ang ginawa niya sa nangyari. She got drunk almost every night and she didn’t care kung hindi man siya makapasok kinabukasan. Her parents were both on New York that time and they didn’t care a bit about her love life so she poured it all on the bar, whiskeys, and cigarette butts! Fuck this life!
    “Easy, Summer.” Tumatawang sinabi ng pinsan niyang si Aliyah.
    Ang mga kaibigan niya ay nag-aadvice na mag move on na siya. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Kaya nagpakalunod na lang siya. Hindi pa ulit sila nagkikita ni Dave at ayaw niya rin namang makipagkita sa kanya ulit. Siguro ay mababasag niya lang ang mukha noon pag nagkita ulit sila. She would rather not see him again but damn, it was too painful.
    When her parents went back to the Philippines to plan for her eighteenth birthday, wala parin namang pinagbago ang gawain niya. Pabalikbalik siya sa mga bar at club, Republiq Club, Imperial, kahit saan siya dalhin ng mga pinsan niya. Her parents trusted them and they don’t seem to mind if they have a few drinks.
    “March 22! Arianne Summer Romero’s birthday, bitches!” sigaw ni Aliyah nang binuksan ang champagne malapit sa nag D-DJ nitong boyfriend.
    Naghiyawan halos lahat ng kakilala nila sa loob ng bar sa after party. Iniwan niya ang kumikinang niyang gown sa hotel at nagbihis siya ng little black dress at pulang lipstick for this night. She doesn’t care if she dies because of alcohol tonight. She’s going to be happy on her birthday, that’s for sure!
    Lahat ng binigay na shots sa kay Summer, halu-halo, ay nilagok niya ng walang pag aalinlangan. “Thanks, Dan!” Ngiti niya nang binigyan siya nito ng whiskey.
    Nandito halos lahat ng kaibigan niya. Kahit saan ay may nagpapapicture sa kanya. Sina Lauren kasama si Kevin at ang dalawa pa nilang kaibigan na babae ay tahimik sa sofa.
    Ngumiwi si Lauren sa kanya. She’s always been this pretty girl Kill Joy. Tumawa siya kahit na medyo umaalon na ang paningin. “Come on, Lauren, let’s dance!” sabi niya sabay hila rito. “Loosen up! You’re too uptight!”
    Napatayo ang bestfriend niyang si Lauren. Mas matangkad ito sa kanya lalo na sa mataas nitong heels. She swayed their arms for a while. Ngumiti rin siya kay Kevin na nanonood lang sa kanila. Sumigaw ang mga barkada nila sa tuwa at nagsayawan na rin. Kevin even joined them.
    Nawala na naman siya sa kanila dahil sa paghihila ng iba pang kaibigan niya. Kung saan-saang sulok siya ng club napadpad sa pagpapapicture at sa pag-inom. The last vodka she swallowed killed her. Halos sumuka siya.
    “Dance, Summer!” Sigaw ng pinsan niya.
    She danced like crazy. Bahala na ito! This is life! She doesn’t care about the amount of bash she received last week. Na sana ay mamatay na si Summer Romero – the bitch who claimed that she’s the great Dave’s girlfriend! Yes, he is not her boyfriend anymore. He’s her ex! God, it’s been five months but still, it hurts bad!
    Nag grind siya pababa sa kung sinong humahawak sa baywang niya. Nakapikit na siya dahil sa pagkakahilo. Pinapaalon niya na ang buhok niya sa kanyang daliri habang sumasayaw. She has never been this drunk. Ngumiti siya nang naramdaman ang dumamping labi sa kanya. Sweet. Who’s lips is she kissing? Dumilat siya at nakita ang nakangiting si Kevin. What? Lumayo siya ngunit hinawakan ni Kevin ang kanyang baywang.
    Before she could even say something, she received a slap! Napahawak siya sa mahapdi niyang mukha. Natigilan sa pagsasayaw ang mga taong nasa paligid nila. Galit na galit si Lauren at handang handa itong sampalin ulit si Summer sa pangalawang pagkakataon!
    “I don’t care if it is your birthday or what but you are a fucking bitch!” sigaw ni Lauren at sinampal ulit si Summer.
    Nalaglag ang panga ni Summer! Nakita niyang hinawakan ni Kevin ang braso ni Lauren. “Lauren, let me explain!”
    “No, Kev! You crossed the line-“
    “It was not my fault, Lauren! She teased me!” sabay turo ni Kevin sa kay Summer na siyang nagpalaki ng mata niya.
    “Alam kong in love ka parin kay Kevin hanggang ngayon, Summer. Kitang kita ko sa mga mata mo ang pagiging insecure pag magkasama kami kaya ‘wag mong ideny!” ani Lauren bago siya nag walk out.
    “Excuse me?” sigaw ni Summer ngunit nag walk out na si Lauren, sumama pa si Kevin sa kanya.
    She could not believe it! She could not believe Kevin! Ito ‘yong humalik sa kanya! Now Lauren’s angry with her! Nawalan agad siya ng gana sa bar. Lalo na nang nakatanggap na siya ng maraming masasakit na salita galing kay Lauren sa text. She called her a bitch, slut, and a boyfriend stealer. Siya daw ang pinaka malanding babaeng nakilala nito at nanghihinayang ito sa friendship nilang dalawa na nasira dahil lang sa isang lalaki. What the hell?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

126

126 Responses to 24 Signs of Summer

  1. Hi, uhmm.. pano po ba mabasa ng buo ‘tong 24 Signs Of Summer? This is the first story na nabasa ko sa gawa ni queen, you know, ebook days. After 6261728 years, feel ko ulit basahin sya.. Sadly, hindi kumpleto dito and sa watty. Then, nahihirapan din akong mag hanap ng libro :'(

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>